Tumgik
Text
Pangkalahatan
Ang natutunan ko sa Filipino 10  ay: Ang storya ng Noli me tangere at ang mga mensahe niya sa mga nagbabasa at ang buod niya,  Pag-gawa ng mga Liham, Pag gawa ng Pakikipanayam para sa pagkuwa ng impormasyon sa tao, Ang Panunring Pampelikula para alamin pag review sa mga pelikula, Maikling Kwento, Mga Pabula, Ang mga Dula at mga parte at ibang uri ng tula. 
0 notes
Text
Pakikipanayam
ANG PAKIKIPANAYAM PANAYAM:      Isang pakikipagpulong ng kinatawan ng pahayagan sa isang taong nais niyang kunan ng mga imformasyong maiuulat o maipalilimbag.      Isang pagtatanong upang makakuha ng impormasyon tulad ng opinion, kaisipan o tanging kaalaman ukol sa isang paksang nakakatawag ng kawilihan sa madla na karaniwa’y nagmumula sa tanyag na tao o kilalang otoridad na kinakapanayam.
MGA TAONG KINAKAPANAYAM:      Panauhing tagapagsalita      Panauhing tagapanayam      Resource person      Bagong guro      Bagong dating a guro buhat sa komvensyon o sa isang tanging pook      Isang gurong katatapos lamang ng M.A. o Ph.D.      Isang gurong katatapos lamang ng isang seminar, atbpa.      Isang magaling na manlalaro      Isang tagasanay ng laro      Pinakamagaling na mag-aaral sa lahat ng asignatura      Pinakamagaling na mag-aaral sa isang asignatura      Mag-aaral na may tanging kakayahan sa;1.    Pagbibigkas o talumpati2.    Pagtula3.    Atbp.      Mag-aaral na may tanging kakayahan sa pagsulat      Mag-aaral na nagwagi sa isang patimpalak      Mag-aaral na galing sa ibang bansa (personal man o bilang isang opisyal na delegado sa isang komferensiya o bilang isang iskolar      Isang matagumpay na alumnus.
LAYUNIN SA PAKIKIPANAYAM      Kumuha ng imformasyon, reaksyon, at/o kurokurong kailangan sa paghahanda ng isang bagay na ilalathala sa pahayagan.      Layuning pagtatampok      Layuning pantalambuhay
URI NG PAKIKIPANAYAM (AYON SA ANYO)      Formal:      May ginagawang pakikipagtipan sa kakapanayamin sa isang takdang araw, takdang oras at takdang lugar.      Isang harapang pag-uusap ng reporter at ng kanyang kinakapanayam.      Di-formal:      Isang pakikipanayam na walang ginagawang pakikipagtipan sa isang taong kakapanayamin.      Tinatawag din itong ambush interview.      Ito’y ay biglang pagtatanong sa mga taong kagagaling sa isang mahahalagang pangyayari na nangangailangan ng pangmadlang kabatiran.
URI NG PAKIKIPANAYAM (AYON SA LAYUNIN)      Pakikipanayam na Nagbibigay ng Kabatiran (Informative):      Isinasagawa upang makakuha ng impormasyon mula sa isang taong may kinalaman sa bagong ideya, sa isang taong nakasaksi sa isang pangyayari o sa isang taong maaring mapagkunan ng balita.      Opinyon (Opinion interview):      Isinasagawa upang makakuha ng komentaryo o opinion mula sa taong bntog o kilalang otoridad.      Lathalain (Feature interview):      Pakikipanayam sa isang sikat na tao o sa isang taong may makulay na karanasan upang makakuha ng kaalaman sa kanyang katauhan na magiging kawili-wili sa madla.      Pangkat (Group interview):a.    Natatanong na reporter (inquiring reporter type)      Iisa ang tanong na sinasagot ng mga kinakapanayam at sa pasumalang (random)na pagtawag.b.    Simposyum (symposium)      Nagtatanong ang mga reporter ng mga magkaugnay na tanong sa bawat kapanayam na inaakalang dalubhasa sa napiling larangang pinaghanguan ng katanungan. Ang bawat kapanayam ay dalubhasa sa kani-kanilang linya.c.    Pandiyaryo (Press interview)      Pakikipanayam ng maraming reporters sa isang taong kilala gaya ng pangulo ng bansa o ng isang tanyag na dayuhan at iba pang may kinalaman sa pambansang aktibidad.
MUNGKAHING HAKBANGIN SA PAKIKIPANAYAM      Ihanda at balangkasing mabuti ang mga tanong batay sa layunin.      Magsuot ng angkop na damit.      Magdala ng notbuk at panulat.      Magpakilala agad nang buong pamitagab at sabihin kung ano ang pakay. (Huwag magpanggap.)      Maging masigla at magkaroon ng tiwala sa sarili.      Magtanong nang magtanong hanggang may maaaring itanong.      Upang hindi kabagot-bagot ang pakikipanayam, ibaling ang pag-uusap sa mga personal na hilig ng kinakapanayam.      Mainam na buo na sa isipan ang halos lahat ng mga itatanong.      Huwag makipagtalo sa iyong kinakapanayam.      Kumuha ng sapat na tala sa sinasabi ng kinakapanayam. (Kung tila maselan, gawin ito pagkatapos ng usapan. Kung gagamit ng recorder, humingi muna ng pahintulot. Huwag magpumilit kapag hindi pumayag at mas lalong huwag gawin ng patago.)      Magbigay ng pahiwatig na sana’y pahintulutan pang makabalik at muling makaabala sa hinaharap.      Huwag na huwag kalimutan ang magpasalamat bago umalis.      Gawing tiyak ang mga katanungan at hindi yaong pangkalahatan.      Maging alisto sa mga bago at di-inaasahang anggulong malilikha habang nakikipanayam.      Pamaraang salitaan ang gamitin sa pakikipanayam.
ANG PINAKAMABISANG PARAAN NG PAKIKIPANAYAM     
 Kailanagn malaman muna sa anumang paraan ang lahat ng maaaring malaman hinggil sa taong kapapanayamin.      Mahalagang malaman din ang hilig o libangan ng taong kinakapanayam.
PANGANGALAGA SA IMFORMANTE DALAWANG URI NG IMFORMANTE·         
Impormanteng lihim ang pangalan:      Imformanteng nagbibigay ng mga delikado o maseselang imformasyon na maaaring maglagay sa delikadong kalagayan sa kanya kung ilalantad ang kanyang pangalan.·         Imformanteng naglalantad ng pangalan:      Imformateng walang ibinibigay na imformasyong delikado.v  HINDI DAPAT IBUNYAG ANG PANGALAN NG ISANG TAONG NAGBIGAY NG ISANG MAHALAGANG IMFORMASYON SA ISANG REPORTER.v  HUWAG ILATHALA ANG PANGALAN NG MGA BIKTIMA NG MASESELANG KRIMEN.v  HUWAG ILATHALA ANG PANGALAN KUNG ANG BIKTIMA O SUSPEK AY MGA BATA PA O WALA PA SA LEGAL NA GULANG.
PAGSULAT NG BALITANG BATAY SA PAKIKIPANAYAM·         Sulatin kaagad ang balita pagkatapos ng pakikipanayam.·         Pagpasiyahan kung anong uri ang susulatin: nagbibigay kaalaman? Opinion? Lathalain? O ang kombinasyon ng mga ito?ü  Nagbibigay kaalaman – tumatalakay sa mahalagang pangyayari.ü  Opinion – tumatalakay sa mahalagang komentaryo.ü  Lathalain – tumatalakay sa katauhan, kawilihan at gawain ng kinapanayam.ü  Kombinasyon – pinagsama-sama ang katangian ng lathalain at ng nagbibigay kaalaman o kaya’y opinion.·         Piliin at bigyang halaga ang tala. Isulat lamang ang kawili-wiling impormasyon ukol sa kinapanayam.·         Ayusin ang mga datos bago sulatin ang salaysay.·         Ipakita ang mga sipi o tuwirang sabi sa kinapanayam kung maaari. MGA MUNGKAHI SA PAGSULAT NG INTERBYU·         Sundin ang ayos na baligtad na piramide (inverted pyramid)·         Simulan sa angkop na pamatnubay. Maaaring ito’y tuwirang sabi (direct quotation) o di-tuwirang sabi (indirect quotation).·         Lagyan ng pang-ugnay (tie-in) sa pagitan ng pamatnubay at ng unang talata ng katawan ng balita.·         Tiyaking maiugnay ang pamatnubay sa katawan ng balita.·         Ayusin ang katawan ng balita na nagbibigay kaalaman at ng opinion sa magkasalit-salit na talata na tuwirang sabi at ng nagbubuod na pangungusap (summary statement).v  Ang lathalaing pakikipanayam ay walang iisang kaayusang sinusunod sapagkat ito’y nababatay sa kakanyahan ng kinapanayam at sa pagiging orihinal ng tagapanayam.·         Huwag isama sa balitang isusulat ang mga tanong na ginamit sa pakikipanayam maliban kung ang balita ay isusulat sa ayos TANONG AT SAGOT.·         Gumamit ng “wika niya”, “aniya”, “ayon kay”, “ayon sa kanya”, atbp.·         Iwasang banggitin ang sarili maliban kung may mahigpit na dahilan.·         Iwasan ang paggamit ng “wika niya” at mga katumbas nito sa hulihan ng talata.·         Gumamit ng running quotes kung kinakailangan.·         Gumamit ng ellipsis para maalis ang mga hindi kailangan o ang mga kalabisan sa mga tuwirang sabi.
HUWARAN PARA SA PAGSULAT NG BALITANG BATAY SA PAKIKIPANAYAM O TALUMPATI·         Kabuuang Pamatnubay·         Balitang Batayan (News peg)·         Tuwirang sabi·         Paglalarawan sa kinapanayam o sa nagtatalumpati·         Tuwirang sabi o di-tuwirang sabi·         Pinaghalong tuwirang sabi at tuwirang sabi (Partial quote)·         Tuwirang sabi·         Kasagutan sa mga tanong sa bukas na talakayan, kung ang balitang sinulat ay batay sa talumpati.·         Di-tuwirang sabi·         Nagbubuod na pangungusap·         Konklusyon.
0 notes
Text
Panunuring Pampelikula
Bonifacio: Unang Pangulo
DIRECTOR: Enzo Williams  LEAD CAST: Robin Padilla, Vina Morales, Daniel Padilla, Eddie Garcia SCREENWRITER: Enzo Williams, Carlo Obispo PRODUCER: Rina Navarro, EA Rocha  EDITOR:Manet Dayrit  MUSICAL DIRECTOR: Von de Guzma GENRE: Drama, Biopic      DISTRIBUTOR: Philippians Productions  LOCATION:  PhilippinesRUNNING TIME: 91 mins.Technical Assessment: 4  Moral Assessment: 3CINEMA Rating: PG 13 (for viewers 13 years old and below with parental guidance)Magsisimula ang pelikula sa pagpapakitang nasasaksihan ng batang Andres Bonifacio ang paggarotekina Padre Gomez, Burgos at Zamora (Gomburza)  na pinaparatangang nagrerebelde sa mga Kastila. Matapos nito’y makikitang itinatatag ang grupong  La Liga Filipina na naglalayong pag-alabin ang damdamin ng mga Pilipino laban sa pang-aapi ng mga Kastila na siyang sumakop sa Pilipinas sa loob ng 300 taon.  Dito magiging kaibigan ni Bonifacio (Robin Padilla) si Dr. Jose Rizal (Jericho Rosales)  na magsasabi sa kanya kung ano ang nararapat at naaayong gawin ng mga Pilipino upang makamit ang minimithing kalayaan. May magkakanulo sa La Liga Filipina at ito ay mabubuwag; makukulong si Dr. Jose Rizal at mahahatulan ng kamatayan. Matapos nito’y itatatag ni Bonifacio ang Katipunan at magisisimula ang armadong pakikipaglaban sa mga Kastila. Susundan ng pelikula ang buhay ni Bonifacio mula 1892 kung saan niya makikilala ang pangalawa niyang asawang si Gregoria de Jesus (Vina Morales) hanggang sa kanyang mga huling araw ng paglilitis at kamatayan sa Cavite.Maituturing ang Bonifacio: Unang Pangulo bilang pinakamalaking pelikula na tumalakay sa buhay ng bayaning si Andres Bonifacio. Pinagbuhusan ng husay at talino ang pagkakagawa nito. Mula sa disenyong pamproduksiyon, mga kuha ng kamera, komposisyon, editing at kabuuang dating ay hindi maitatangging tunay na tinustusan ang pelikula. Hindi rin magpapahuli sa pag-arte ang mga pangunahin nitong tauhan na pinangungunahan nina Robin Padilla, Vina Morales atJericho Rosales. Walang itulak-kabigin sa kanilang husay at galing. Sayang nga lang at tila marami pa ring elemento ng kuwento ni Bonifacio ang tila hindi pa rin nasabi sa pelikula. Hindi rin gaanong napapanindigan ang mga sinisimulang kwento tulad ng pag-iibigan nila Andres at Oryang na tila napabayaan sa kalagitnaan ng pelikula. Sadyang nakapanghihinayan na tila walang bagong sinabi ang pelikula patungkol sa pagkabayani ni Bonifacio maliban sa dati nang ipinakita ng mga naunang palabas patungkol sa bayani. Hindi naman gaanong nakatulong ang paglalagay ng elemento ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon dahil hindi naman tumatahi sa mga ito ang kuwento ng bayani. Masasabing kahit wala sila sa pelikula ay tatayo pa rin ito. Sa kabila nito’y bibihira pa rin ang mga pelikulang tulad ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo at karapat-dapat pa rin itong bigyan ng pansin ng mga Pilipinong manonood.      Tila isang malaking sampal sa ating kasaysayan ang kwento ni Bonifacio na sa bandang huli’y tila ipinagkanulo at pinatay ng kapwa Pilipino. Hindi ito magandang imahen para ating karakter bilang isang lahi. Ngunit sadyang marami tayong matututunan sa kasaysayan at ang isang madilim na bahagi na ito ay nararapat nating pag-ukulan ng masusing pag-aaral.  “Hindi pa tapos ang rebolusyon,”  ika nga ng awit ng pelikula. Si Bonifacio ay buong tapang na lumaban sa mga mananakop na Kastila. Ito ay sa kabila ng nakaambang panganib sa kaniyang buhay. Kung ganyang uri ng pagmamahal sa bayan mayroon ang bawat Pilipino, disinsana’y walang naaapi at walang mahihirap. Ngunit lumilinaw na ang tunay na rebolusyon at pakikibaka, at ang tunay na kalaban ng Pilipinas, ay mismong mga Pilipino rin. Ang tunay na rebolusyon ay nasa puso ng bawat Pilipino. Kailangan malabanan at malagpasan ng bawat isa sa atin ang kasakimaan, kabuktutan  at pagkauhaw sa kapangyarihan at kayamanan. Kapag nagawa natin ito, matututo na tayong unahin ang kapakanan ng bawat isa, ang kapakanan ng kapwa, at kapakanan ng bayan bago ang ating sarili. Bagama’t hindi nakatulong sa pag-usad ng kwento, ang mga kabataan sa pelikula ay sumisimbolo na dapat patuloy na mag-alab ang pusong bayani lalo na sa mga kabataan na siyang kinabukasan ng bayan. Marami ring matutunan sa wagas na pag-iibigan nila Andres at Oryang. Sa kabuuan ay isang kaaya-ayang karanasan at siksik sa pagpapahalagang moral ang Bonifacio: Unang Pangulo, kailangan lamang na magabayan ang mga batang manonood upang maipaliwanag nang husto at maayos ang madilim na bahaging ito ng ating kasaysayan. 
0 notes
Text
Liham
Ang liham o sulat ay isang isinulat na mensahe na naglalaman ng kaalaman, balita, o saloobin na pinapadala ng isang tao para sa kanyang kapwa.
halimbawa:
Tumblr media Tumblr media
0 notes
Text
Tula
Ang Tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud.
Ito ay may sukat at tugma o malaya man ay nararapat magtaglay ng magandang diwa at sining ng kariktan.
Sinasabing may magandang diwa ang isang tula kung may makukuhang magandang halimbawa ditto.  May sining ng kariktan naman kung ang mga pananalitang ginamit ay piling-pili at naaayon sa mabuting panlasa.
Mga Uri ng Tula
1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry) – Ito ay nagtataglay ng mga karanasan, kaisipan, guniguni, pangarap at iba’t-ibang damdaming maaaring madama ng may-akda o ng ibang tao.  Ito ay maikli at payak.
Uri ng Tulang Liriko
Awit – Ang karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at kaligayahan.
Soneto – Nagtataglay ito ng mga aral ng buhay, may labing apat na taludtod; ang nilalaman ay tungkol sa damdamin at kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
Oda – Ito ay pumupuri sa sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao, masigla ang nilalaman at walang katiyakan ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod.
Elehiya – Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.
Dalit – Ito ay tulang nagpaparangal sa Dakilang Lumikha at may kahalong pilosopiya sa buhay.
2.  Tulang Pasalaysay (narrative poetry) – Ito ay naglalahad ng makukulay at mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig, pagkabigo at tagumpay.  Naglalahad din ito ng katapangan at kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma.
Uri ng Tulang Pasalaysay
a.       Epiko – Ito ay nagsasalaysay ng kagitingan ng isang tao, ang kanyang pakikitunggali sa mga kaaway at mga tagumpay niya sa digmaan.  Hindi kapanipaniwala ang ibang mga pangyayari at maituturing na kababalaghan.
b.      Awit at kurido – Ito ay tungkol sa mga paksang may kinalaman sa pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa mga kaharian tulad ng hari, reyna, prinsipe, prinsesa, duke, konde at iba pang dugong mahal na ang layunin ay palaganapin ang Kristiyanismo.  Ang mga awit at kurido ay dala rito ng mga Kastila.
c.       Karaniwang Tulang Pasalaysay – Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa araw-araw na buhay.
3.  Tulang Patnigan (joustic poetry) – Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan
4.  Tulang Pantanghalan o Padula – Katulad din ito ng karaniwang dula, ang kaibahan lang, ito ay binibigkas ng mga tauhan ang kanilang mga diyalogo sa paraang patula.  Maaaring isama sa uring ito ang mga tulang binibigkas sa sarswela at komedya.
1 note · View note
Text
Sa mga Kuko ng Liwanag (Nobela)
Si Julio, isang maralitang mangingisda ay lumuwas ng Maynila upang hanapin ang kanyang kababata’t kasintahang si Ligaya, na matagal nang sumama sa isang Mrs. Cruz upang magtrabaho at mag-aral sa lungsod. Sa paghahanap, naranasan ni Julio ang maging biktima ng masasamang elemento ng lipunan, mapagsamantalahan sa loob at labas ng konstruksiyon, mawalan lagi ng trabaho,makapatay ng taong nang di sinasadya, magkagutom-gutom at makatulog sa kung saan-saan na lamang… Sa gitna ng tensyon at kabiguan, siya'y nag-anyong mabangis, siya mismo'y naging mapanganib. Nagkita rin sila ni Ligaya. Nalaman na ang dalaga pala'y naging biktima ng prostitusyon: binili at mistulang bilanggong kinakasama ng isang Tsino. Nagkasundo silang tatakas si Ligaya, sa tulong ni Julio, anu man ang kanilang kahinatnan. Ang nobelang ito ay pinagbatayan ng premyadong pelikulang Maynila: Sa Mga Kuko ng Liwanag sa iskrip ni Clodualdo del Mundo, Jr. at direksyon ni Lino Brocka. May salin sa Nihonggo ni Motoe Terami-Wada, kabilang ngayon ang akdang ito sa best-seller na mga nobelang Asyano sa Japan.
1 note · View note
Text
Noli Me Tangere
Ang Noli Me Tangere ay isa sa magkabiyak na kanonigong nobela ni Jose Rizal. Ang nobela ay umiinog sa buhay ni Crisostomo Ibarra na matapos makapag-aral nang pitong taon sa Europa ay nagbalik sa San Diego, ang pangunahing tagpuan sa nobela, upang tulungan ang kaniyang mga kababayan. Sa nobela, lilitaw ang repormistang pagkiling ni Rizal sa pagnanais na palaganapin ang edukasyon sa nakararaming tao.
Ang Noli me tangere ay isang pariralang Latin na hinango ni Rizal sa ebanghelyo ni San Juan Bautista (Juan 20:13-17) sa Bibliya na ang ibig sabihin ay “Huwag mo akong salangin” o mas kilala sa Ingles na ”Touch me not.” Ang buong berso ay tumutukoy kay Hesukristo na nagsasabing Touch me not; I am not yet ascended to my Father, but go to my brethren, and say unto them I ascend unto my Father and your Father, and to my God and your God.
Madalas rin itong tawaging Noli.
Ang Noli ay hango sa nobelang nabasa ni Rizal na pinamagatang Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beacher Stowe na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa ilalim ng panginoong puting Amerikano. Inihahambing ni Rizal ang hinagpis na naranasan ng mga Negro sa naranasan ng mga Pilipino sa ilalim ng mapang-aping mga prayleng Kastila. Iminungkahi ni Rizal sa kaniyang kaibigan sa Madrid noong 1884 na magtulungan sa pagsulat ng nobela ukol sa Pilipinas. Kabilang sa kaniyang mga kaibigan ay ang mga Paterno (Pedro, Maximo, at Antonio) at si Graciano Lopez Jaena. Bagamat sang-ayon ang kaniyang mga kaibigan sa ideya ay hindi rin binigyang-halaga ng mga ito ang pagsusulat at sa halip ay mag pinili pa ang magsulat tungkol sa babae, magsugal at makipagalembong. Ito ang dahilan kung kaya't napagpasyahan ni Rizal na isulat ito nang sarilinan.
Ang unang bahagi ng Noli ay sinimulang isulat noong 1884 sa Madrid habang nag-aaral pa lamang ng medisina si Rizal. Nang makapagtapos, nagtungo siya sa Paris at doon ay ipinagpatuloy niya ang pagsusulat. Karamihan sa bahagi ng nobela ay dito niya naisulat. Ang huling bahagi ng nobela ay natapos sa Berlin. Si Victor Blasco Ibañez ang nagsilbing tagapagbasa at tagapayo ni Rizal.
Natapos ni Rizal ang nobela noong Disyembre 1886. Sa panahong ito, hindi sapat ang kaniyang pera upang ipalimbag ito. Sa tulong ng kaniyang kaibigang si Maximo Viola, naipalimbag ni Rizal ang nobela. Nailathala ang nobela noong siya ay 26 taong gulang.
Nagsimula ang nobelang Noli Me Tangere sa isang piging kung saan pinakilala ang ilan sa mga tauhan ng nobela. Natuklasan ni Ibarra sa kaniyang pagbabalik ang inhustiyang naranasan ng kanyang amang si Don Rafael Ibarra. 
Nabatid ni Ibarra na nakabangga ng kaniyang ama si Padre Damaso, na humiya at nagtiwalag sa matanda. Hindi lamang kapangyarihang pampulitika ang hawak ng nasabing prayle. Ginamit din niya ang kapangyarihan upang akitin ang ina ni Maria Clara na kasintahan ni Ibarra. Isa pang kaaway ni Ibarra si Padre Salvi na muntik nang makapatay sa binata nang pasinayaan ang isang paaralan. Sumiklab ang lahat nang idawit si Ibarra sa isang pag-aaklas na ginatungan ni Padre Salvi. Napiit si Ibarra ngunit iniligtas ni Elias na ang buhay ay iniligtas din ni Ibarra noong nakalipas na panahon. Sa wakas ng nobela, ang lugaming si Ibarra ay nakadama ng madilim na hinaharap.
0 notes
Text
Sanaysay
Ang sanaysay ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw) ng may katha. Ang mga sanaysay ay maaaring magkaroon ng mga element ng pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, pang-araw-araw na pangyayari, ala-ala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao. Kahulugan ng Sanaysay Ipinakakahulugan na ang sanaysay ay isang komposisyon na prosa na may iisang diwa at pananaw. Ito rin ay nangangahulugan ng isang sistematikong paraan upang maipaliwanag ang isang bagay o pangyayari. Sa anu’t anuman, ang depenisyon ng sanaysay ay nagangahulugan lamang na isang paraan upang maipahayag ang damdamin ng isang tao sa kanyang mga mambabasa. Ito ay isang uri ng pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng lathalain na may layuning maihatid ang nais na maipabatid sa kapwa tao. Sa ating bansa, bahagi ng ating edukasyon ang magkaroon ng pagtuturo ukol sa paggawa ng mainam na sanaysay. Tinuturuan ang mga mag-aaral ng mabisang pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng paggawa ng pormal at di-pormal na sanaysay. Mga Uri ng Sanaysay Sulating Pormal o Maanyo Mga sanaysay na nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang tao, bagay, lugar, hayop o pangyayari. Ito ay naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng pagkakasunud-sunod upang lubos na maunawaan ng bumabasa. Ang mga pormal na sanaysay at komposisyon sa Filipino ay nagtataglay ng pananaliksik at pinag-aralang mabuti ng sumulat. Ang mga salita’y umaakma sa piniling isyu at kadalasang may mga terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignaturang ginawan ng pananaliksik. Sulating Di-pormal o Impormal Ang mga sanaysay na impormal o sulating di-pormal ay karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru-kuro at paglalarawan ng isang may akda. Ito ay maaaring nanggaling sa kanyang obserbasyon sa kanyang kapaligirang ginagalawan, mga isyung sangkot ang kanyang sarili o mga bagay na tungkol sa kanyang pagkatao. Karaniwan na ang mgasanaysay na di pormal ay naglalaman ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa iba’t ibang bagay at mga pangyayari na nakikita at nararanasan ng may akda.
0 notes
Text
Tula
Ang Tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud.
Ito ay may sukat at tugma o malaya man ay nararapat magtaglay ng magandang diwa at sining ng kariktan.
Sinasabing may magandang diwa ang isang tula kung may makukuhang magandang halimbawa ditto.  May sining ng kariktan naman kung ang mga pananalitang ginamit ay piling-pili at naaayon sa mabuting panlasa.
Mga Uri ng Tula
1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry) – Ito ay nagtataglay ng mga karanasan, kaisipan, guniguni, pangarap at iba’t-ibang damdaming maaaring madama ng may-akda o ng ibang tao.  Ito ay maikli at payak.
Uri ng Tulang Liriko
Awit – Ang karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at kaligayahan.
Soneto – Nagtataglay ito ng mga aral ng buhay, may labing apat na taludtod; ang nilalaman ay tungkol sa damdamin at kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
Oda – Ito ay pumupuri sa sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao, masigla ang nilalaman at walang katiyakan ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod.
Elehiya – Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.
Dalit – Ito ay tulang nagpaparangal sa Dakilang Lumikha at may kahalong pilosopiya sa buhay.
2.  Tulang Pasalaysay (narrative poetry) – Ito ay naglalahad ng makukulay at mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig, pagkabigo at tagumpay.  Naglalahad din ito ng katapangan at kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma.
Uri ng Tulang Pasalaysay
a.       Epiko – Ito ay nagsasalaysay ng kagitingan ng isang tao, ang kanyang pakikitunggali sa mga kaaway at mga tagumpay niya sa digmaan.  Hindi kapanipaniwala ang ibang mga pangyayari at maituturing na kababalaghan.
b.      Awit at kurido – Ito ay tungkol sa mga paksang may kinalaman sa pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa mga kaharian tulad ng hari, reyna, prinsipe, prinsesa, duke, konde at iba pang dugong mahal na ang layunin ay palaganapin ang Kristiyanismo.  Ang mga awit at kurido ay dala rito ng mga Kastila.
c.       Karaniwang Tulang Pasalaysay – Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa araw-araw na buhay.
3.  Tulang Patnigan (joustic poetry) – Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan
4.  Tulang Pantanghalan o Padula – Katulad din ito ng karaniwang dula, ang kaibahan lang, ito ay binibigkas ng mga tauhan ang kanilang mga diyalogo sa paraang patula.  Maaaring isama sa uring ito ang mga tulang binibigkas sa sarswela at komedya.
1 note · View note
Text
Sa mga Kuko ng Liwanag (Nobela)
Si Julio, isang maralitang mangingisda ay lumuwas ng Maynila upang hanapin ang kanyang kababata't kasintahang si Ligaya, na matagal nang sumama sa isang Mrs. Cruz upang magtrabaho at mag-aral sa lungsod. Sa paghahanap, naranasan ni Julio ang maging biktima ng masasamang elemento ng lipunan, mapagsamantalahan sa loob at labas ng konstruksiyon, mawalan lagi ng trabaho,makapatay ng taong nang di sinasadya, magkagutom-gutom at makatulog sa kung saan-saan na lamang... Sa gitna ng tensyon at kabiguan, siya'y nag-anyong mabangis, siya mismo'y naging mapanganib. Nagkita rin sila ni Ligaya. Nalaman na ang dalaga pala'y naging biktima ng prostitusyon: binili at mistulang bilanggong kinakasama ng isang Tsino. Nagkasundo silang tatakas si Ligaya, sa tulong ni Julio, anu man ang kanilang kahinatnan. Ang nobelang ito ay pinagbatayan ng premyadong pelikulang Maynila: Sa Mga Kuko ng Liwanag sa iskrip ni Clodualdo del Mundo, Jr. at direksyon ni Lino Brocka. May salin sa Nihonggo ni Motoe Terami-Wada, kabilang ngayon ang akdang ito sa best-seller na mga nobelang Asyano sa Japan.
1 note · View note