366 Days of Tanungan, Kulitan, at Kwentuhan with Maju and Joco
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
DAY 023: College 2.5 HD Sinigang Mix
Have you ever had the opportunity to change your life? If yes, how did you do it and what did you learn from it?
If there is such thing as living in a dream, mine should be living in a nightmarish abyss. Dejk!
An opportunity leads to a new pathway. And a new pathway means another journey to unfold. Maaari nitong baguhin ang takbo ng isang tao. Panibagong pagkakataon para sa panibagong pag-asa (at para paasahin. Joke!) na maaring dumating sa bawat isa sa atin.
At ayown, ang isa sa masasabi kong life-changing (weh?) opportunity na dumating sa akin ay 'yong mabigyan ulit ako ng chance na ipagpatuloy ang aking pag-aaral right after my graduation to my recent two-year program in college which is Hotel and Restaurant Services. Yeah, ganiyan daw ako kasipag mag-aral para makapag-enroll para mag-take ng panibagong program. At sa pagpasok kong iyon, me was like entering to another atmosphere--another dimension in learning and self-discovery (lakas maka-title ng isang adventure novel).
Nag-drop. Bumalik ulit sa pag-aaral sa next sem. Grumaduate. Kumuha ng panibagong program.
This is Joshua's college life in a nutshell; it is a series of never-ending cycles. Welp... Ako kasi 'yong tipo na palaging curious at palaging naghahanap ng something beyond my knowledge sa mga bagay-bagay. Kaya ko tinake ang BS Culinary Management ay para mas ma-broaden ang horizon ko. At iyon nga, mas madagdagan ang knowledge and skills na mayroon ako. Hindi naman sa sinasabi kong wala akong natutunan sa pag-take ko ng HRS, pero iyong mga natutunan ko sa two years na pag-aaral doon ay ang naging foundation ko. At least, may advantage na ako kahit papaano; connected din naman ang dalawang programs na iyon.
'Yong dapat ay naghahanap na ako ng trabaho after graduation, pero ipinagpatuloy ko pa rin ang pag-aaral ko. Kasi naman, I always thrive for more. Gusto ko pa ng panibagong matututunan. Gusto ko pa ng panibagong experience.
*Le channels my inner Ariel* I want moooooooreeee~
Nakaka-culture shock siya noong una, kasi after many years na nasanay sa puro actual ang ginagawa namin noon (cooking, bartending, table set-up, etc.), tapos ngayon, nahaluan ulit ng theories at maraming minor subjects (na na-miss ko. Hahaha). Well, present pa rin naman ang most aspects ng mga natutunan ko from HRS, pero iba na ang intensity nila. Kaya feeling ko, nangangapa ako at hindi alam ang gagawin. I was like a player character in a video game that after finishing the game in the first installment, magkakaroon pala ito ng sequel. At sa separate sequel ng game na iyon, hindi ko madadala ang lahat ng pinaghirapan ko sa first game (high level, items, strong weapons, etc.). So back to square one tayo ngayon. And 'yong mga twist pa ay iyong mas mahirap na ang levels at mas malawak na ang mundong ginagalawan ko.
Ang isa pang mahirap ay 'yong biyahe mismo. Noon ay mabilis lang akong nakakapasok kasi napakalapit lang ng dati kong school sa bahay. Pero ngayon, kailangan ko pang tumawid ng sampung bundok, pitong isla, at kailangan ko pang sumakay ng tren dahil nasa ibang mundo ang school kung saan ako nag-aaral ngayon. Err... Joke lang din iyon. Mostly kasi, inaabot ako ng one and a half hour (one hour kung mabilis ang jeep at hindi traffic, lalo na sa umaga) para lang makarating at umuwi from school. Ang mahirap pa ay 'yong kapag gabi na ang dismissal. Doon na ako nagkakaroon ng anxiety dahil nag-aaalala na sila sa akin.
Pero dito ko natutunan 'yong pagiging responsible at vigilant sa paligid, dahil hindi natin alam 'yong mga tao ngayon. Delikado na paligid natin lalo na sa gabi. Pero nasa atin mismo kung papaano poprotektahan ang mga sarili natin. Natutunan ko rin ang maging independent-kuno, lalo na at malayo-layo rin ang school sa amin kaya kailangang alam ko kung papaano dadalhin ang sarili ko.
Learning is a never-ending process, kaya huwag kayong matakot na maka-discover pa ng panibagong kaalaman and karunungan para sa sarili ninyo. Lahat tayo ay curious and we are always thirsty for knowledge, so don't think twice to quench that thirst. Masasabi kong nakatulong ang opportunity na ito para mas ma-develop nang higit ang sarili ko.
Ikaw, MJ... Ano ang masasabi mo? So, ito ang question ko ulit para sa iyo:
If you're not traversing the path you have right now (your current program in college), ano pa ba ang mga possible pathway na gusto mo ring tahakin? Why?
So, hanggang dito na lang po tayo. Thank you po ulit sa inyong lahat. To MJ, it's your time to shine! Buh-bye!
- Josh
0 notes
Text
DAY 022: Change of Fate
If you are given a chance to change your fate (or your life), would you?
Living a life is not that easy. I know that from my experience.
Isa ako sa mga naghahangad noon na sana ang buhay ay parang isa na lang video game kung saan kapag hindi mo na gusto, pu-p’wede kang mag-restart o hindi naman kaya ay i-daan sa cheat. Sana ang buhay, parang isang item na ibinili sa mall na mayroong 18-year warranty, na kapag nasira ay p’wede mong ipapalit. But life is not like that. It is never like that. As unfair as it may seem, ganito na talaga iyon. There’s no turning back. Only one way to go, and that is... To move forward.
Pero siyempre, hindi ko naman masasabi na gusto ko ang buhay ako. Because at some point in our time, we all hate our life and we wanted to have that reboot option available to us whenever we want. In fact, may iilang ayaw ako sa buhay ko at ito ang mga iyon:
First and foremost, I don’t like me having social anxiety.
Awkward ako in real life, okay? That’s the truth.
I am that kind of guy who acts like he doesn’t care about the world pero pag-uwi ng bahay, bago matulog, lahat ng mga pangyayari sa araw niya, babalikan and then, at some part of his day, he would be like: WHAT’S THE ACTUAL FACT! (let’s keep it PG, guys, lol) GINAWA KO BA TALAGA ITO?!
...and then, that thought would go on and on an on and on and on... until such time na hiyang-hiya na ako sa sarili ko, and the next time I try to socialize, andoon na ang fear na baka may masabi na ako. So instead, kapag hindi ako comfortable sa isang tao, I would just shut my mouth up and mag-stay lang sa isang lugar. Less talk, less mistake. Less movement, probably also less mistake.
I wanted this to change because first of all, it’s not healthy, guys! Nagiging limit ko ito para makilala ang mga could-have-been best buds ko! Nagiging limit sila para mai-express ko ang sarili ko sa mundo! So, maybe I want to change this part of my life kung saan instead of being some awkward weirdo at the corner of the crowd, maybe I would choose to be someone who can get along with other people and not care about what they say about me, because who gives a craft about what other people do (well if you’re a fan of influencers or singers or actors, you give and make art crafts about them), I don’t care about what other people say about me! I’m having fuuuuuuuun!
Secondly, maybe less drama-rama about life..?
Yeeeep. I’m that dramatic kid you guys have once in your life! Lol.
Totoo iyan, hahaha. Ma-drama akong tao, but not dramatic that I cry everytime I’ve got the chance to cry. Pero dramatic akong tao because I think, my life is that one long drama series na hindi matapos-tapos (at dinaig pa si Cardo!) and on an alternate universe, makikita ninyo ako sa television screen ninyo. Yep. That’s me.
I mean, it’s hard living in drama, all right? Pakiramdam ko, ang exaggerated ng mga acts ko and I don’t even know if I’m acting like how I’m supposed to act. Am I overreacting to one certain thing? Am I overthinking things? (Well, of course, I do!) Eh basta, ayon!
Siguro, if I could change this thing in my life, it would be better if I’m that kind of guy who doesn’t care about everything. That guy who just go on with his life... Living in the moment... Who isn’t emotional every freakin’ time. Maybe it would be better if I could control my emotion, and I could limit everything that goes out of my head and my mouth.
Thirdly, gusto kong magkaroon ng magandang buhay.
I mean, who wouldn’t right? Lahat naman kasi tayo, hangad ito.
But if I said I wanted to have a good life, siguro what I mean is iyong buhay na para sa akin, perpekto. Iyong hindi na kailangan mag-trabaho ni Papa overseas para masustentuhan lahat ng pangangailangan namin, ‘cause in this perfect life that I have, mayroon siyang sariling business (which is iyong business na matagal niya nang pangarap) and that mayroon kaming regular income. Maybe a life that I didn’t have to be worried about myself getting kicked out of my scholarship (flex-ing unintended, ahuhu) because afford ni Papa na mag-aral ako sa paaralan kung saan ako naga-aral. Maybe a life where everything is perfect, from family to dreams, from friends to school, and everything! Siguro, I would trade my soul for that life dahil sa buhay na iyon, walang nahihirapan.
However, all of these are just my maybe’s....
Malakas ang loob kong sabihin ang mga ito sa blog post na ito because I know that this chance would never happen--that I couldn’t change my life magically. However, if time comes when I really have to make my decision if I would change my life, I would be having second thoughts (Yazz! Overthinking ‘till the end! Jk). But kidding aside, it’s true. Hindi naman kasi madali iyon, because I know that changing my life meant changing other things also, and I don’t want that. It’s like killing myself and letting another version of me take over my world. It’s not really living ganoon.
The point is... I am who I am because of my life. I am who I am today because of those part of my life. Maybe if I could express myself better, baka hindi na ako naging writer? Then I wouldn’t have met Dads and other friends that I treasure. Maybe if I’m not that dramatic, I wouldn’t see life beyond the surface. Who knows? Baka I’ll be one of those shallow people that didn’t care about what others would feel.
So, if I really got the chance to change my life, and I mean... really really got this chance... Maybe I would refuse to that life. It is because my life isn’t that perfect and yes, it has many flaws, and super yes, sobrang hirap mabuhay sa ganitong life, but who cares? My life is the reason why I am like this, and I love who I am, and maybe, that is enough for me to stay in this life.
Ikaw ba, Dads? I wouldn’t ask you if you would change your life, but rather, I’m going to ask you if you already did. So, here’s your question:
Have you ever had the opportunity to change your life? If yes, how did you do it and what did you learn from it?
That’s my question, so good luck answering that! Ciao ciao~
- Maju
0 notes
Text
DAY 021: Impact
You are given an opportunity to live someone else's life. Whose life are you going to live and why?
First of all, ang masasabi ko lang ay kontento na ako sa buhay na mayroon ako ngayon. Masaya na ako sa mga bagay na mayroon ako--sa mga pagkakataong nararanasan ko ngayon--sa opportunities na dumarating kahit papaano sa bawat araw na ginawa ng Diyos. Kasi naman, let's accept the fact: Ito ang reality na mayroon tayo. It is irreversible and unchangeable. Na kahit pagbaliktarin natin ang mundi, ito pa rin ang mundong ginagalawan natin-- magiging upside-down lang ito.
Pero kung iyon nga... Kung mabibigyan man ako ng opportunity to live sa katauhan ng iba, ito siguro ang magiging sagot ko:
What if ganito ang situation? It's not necessarily I want to live his life, pero siguro 'yong feeling na maging blood-related sa taong iyon. Iyon nga, what if maging kapatid ko si MJ? As in 'yong biological sibling talaga? Hahaha. Welp, ang weird ko lang sa part na iyon... *Awkwardness intensifies* Ahehehe. Eh, pero kung ganoon nga ang mangyayari? Ano kaya ang feeling na maging kapatid siya? Magiging magulo siguro ang buhay ko noon, for sure.
Matagal ko na kasing pinapangarap ay 'yong magkaroon ng kapatid na lalaki. Palibhasa, ako 'yong unico hijo sa aming magkakapatid, at kakaunti lang din kaming lalaki sa family namin. Kaya iyon... ramdam ko ang pag-iisa. Noong bata pa ako, hindi ko na-experience na makipag-away dahil suot-suot ng kapatid ko ang damit ko. Hindi ko rin naranasan na may kasama ako sa pagro-roleplay ng mga laruan sa bahay. 'Yong kahit hindi kami magkasundo at magkapansinan, may empathy pa ring nararamdaman sa bawat isa. You know, brotherly instincts. Palibhasa, ako rin 'yong napag-uutusan nilang bumili ng sanitary pads sa tindahan. Sedt.
Pero baka si MJ talaga ang nawawala kong kapatid and we're just born from different mothers. Well, who knows, baka mala-teleserye pala ang magiging turn ng events. *DNA test is waving*
Pero mayroong isang personality (maybe, he's not known to others) na isa sa inspirations ko sa buhay. Kung sigurong papipiliin ako, I want to step into the shoes of Satoshi Tajiri, the creator of Pokémon and the CEO of Game Freak. Na-inspire kasi ako sa kung paano siya naging successful sa buhay despite his hardships and hindrances na pinagdaanan bago makilala at maging isang multi-billion hit ang Pokémon franchise sa buong mundo. Na kita natin hanggang ngayon ay kilala pa rin ng mga tao from all generations since its first release in 1997.
At a very young age, naging hobby niya ang pagko-collect ng bugs sa kanilang hometown sa Machida, Tokyo. To the point that it became his obsession. At siyempre, inilalaban niya ang nakolektang insects na iyon sa mga kalaro niya--na isa sa mga naging inspiration niya para sa game mechanic na hindi niya alam na magagamit niya sa isang certain point ng kaniyang buhay. When he became a teenager, nag-shift naman ang interest niya into arcade games after mas maging urbanized ang area nila kung saan napalitan ng mga building ang lugar kung saan sila naglalaro at nakakahuli dati ng insects.
Kung titingnan, he was diagnosed with Asperger's syndrome pero hindi iyon naging hindrance para makamit ang ambition niya sa buhay na makagawa ng video games. Iyon ang ginamit niyang asset para ma-push ang project na na-e-envision niya. Ginamit niya ang kaalaman at obsession niya sa bug-collecting at arcade games para makapag-develop ng isang video game. While presenting his idea to Nintendo, may mga nakapagsabi pa na masiyadong ambitious ang vision niya. Pero ipinagpatuloy pa rin niya iyon--he sets what is beyond the boundaries at naging deviant sa vision niya. He defied what others think as impossible; naniwala siya sa sarili niyang pangarap. It even took six frustrating years of development bago nagbunga at lumago ang efforts nila when their first Pokémon games, Pocket Monsters Red and Pocket Monsters Green were first released in Japan.
Gusto kong malagay sa situation ni Tajiri-sensei dahil gusto kong makapag-influence at magbigay ng impact sa buhay ng mga tao. 'Yong kahit hindi man ako ang makilala mismo ng mga tao ay 'yong naging contribution ko sa society ang magkakaroon ng benchmark at legacy sa puso ng nakararami. Gusto kong maging persistent katulad niya na kahit abutin ng ilang taon bago magbunga lahat ng pinaghirapan ko ay hinding-hindi ako susuko.
Some of us live with our limitations in life. May mga nakakulong at may pumipigil sa kanilang tuparin ang aspirations sa buhay. But we must not let these limitations chain us. We are waAaaaaaaay bigger than them! We can make the impossible things possible. May mga natatakot sa dugo, pero pinursue ang Nursing. May performers na patuloy pa ring dinadaig ang kanilang stage fright. They are continuing to thrive for their dreams despite their weaknesses. Nasaan na sila ngayon? Iyon, successful na sila.
Satoshi Tajiri already made his impact through Pokémon to the rest of the world. And now it's time for us to live our own lives and make our own ways--our breakthroughs that will shape the world. We may be contented on what we have right now, but we can still make this world a better place.
And now, MJ, ito naman ang tanong ko para sa iyo. It's actually based from the question by Merida from the movie Brave. So, here it is:
If you are given a chance to change your fate (or your life), would you?
Well, that's all for today. Thank you and buh-bye!
- Josh
0 notes
Text
DAY 020: Blindfolded
On what way did you start to find something to yourself? Paano naman ito nakatulong sa iyo?
All of us live in darkness, struggling to find out way to the light. Bulag tayong lahat. Bulag dahil hindi natin makita ang daan na dapat nating tahakin, kung kaya naman lahat tayo ay nangangapa... Nangangapa sa dilim, pilit na hinahanap ang liwanag na matagal na nating mithiin.
Dumarating tayo sa pagkakataon kung saan itinatanong natin sa ating sarili kung para saan nga ba lahat ng ito? Para saan nga ba tayo bumabangon? Para saan nga ba itong araw-araw na pag-lusong sa karagatan at pilit na nilalabanan ang malalaking alon ng buhay na tumutulak sa atin palayo... Palayo sa ating pangarap. Para saan nga ba tayo nabubuhay sa bawat araw? Para saan nga ba ang ating bawat pag-hinga? Ano ang dahilan ng Panginoon at bakit tayo narito sa mundo ngayon?
There are many questions in our mind—questions that we wanted to be answered, pero hindi natin alam kung papaano. Kung kaya naman ay para tayong nakapiring at gumagapang sa sahig, patuloy na gumagapang sa hindi natin alam kung saan. Patuloy na hinahanap ang liwanag. Patuloy na hinahanap ang sarili.
I was there. Dumaraan ako sa mga araw na ganyan, at patuloy na dumadaan pa rin. Naliligaw. Hindi alam ang pupuntahan. Hinahanap ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay. Sa totoo lang, hindi madali. Dahil ang hirap mag-lakad at magpatuloy sa pagtahak ng daan na hindi mo naman talaga alam kung saan papunta. Ang hirap maglakad at humakbang nang humakbang habang iniisip mo na lang sa sarili mo na "wala nang patutunguhan ito".
Pero unti-unti kong napagtanto na ganito naman kasi talaga ang buhay. Ganoon tayo sa una... Walang kaalam-alam kung bakit narito tayo sa mundo. Walang ideya kung para saan nga ba tayo nabubuhay. Siguro, ang magandang gawin lang talaga ay ang ginagawa ng bawat tao sa tuwing papasok sa kwarto na nakapatay ang ilaw: mangapa.
Mangapa tayo sa dilim. Hanapin natin ang magbibigay sa atin ng liwanag. Hanapin natin ang magbibigay ng kahulugan ng kung saan tayo ngayon. Mahirap, pero ganoon naman talaga ang buhay. Dahil ang mga bagay na pinaghirapan? Sila ang mga bagay na mahirap kalimutan.
We need to explore the world—see what it has to offer. Kung iisipin natin, napakalaki ng mundo. Oo. Napakalaki nito para sabihin mo sa sarili mo na wala kang lugar dito. Dahil ang totoo? Mayroon. Matagal ka nang may lugar dito, at paano mo mahahanap ito kung mananatili ka lang sa isang p'westo.
Do not be afraid to explore things in life. Hindi mo lang mahahanap ang lugar mo. Matututunan mo rin ang mga bagay na magpapatatag sa iyo ng buhay. Matagal ang paghahanap, pero hindi mo kailangan mainip. Tulad nga ng sabi ko? The harder the challenge, the more memorable it is.
So, iyon ang sagot ko. Explore. Explore the world. The world is a large ocean and you, my friend, is the sailor.
Anyway, here's my question to you, Dads:
You are given an opportunity to live someone else's life. Whose life are you going to live and why?
Iyon lamang po at maraming salamat! *Bow*
- Maju
0 notes
Text
DAY 019: Wayfinders
When did you feel like you're lost in life? How did you found your way and how did this experience start to change you?
Ang sabi nga ni MJ, we are meant to stand on our own feet--we are meant to become the pilot of our own life. Pero hindi man ito maiiwasan, at may possibility pa nga na baka mawala tayo sa landas natin sa buhay.
I have this unforgettable experience when I was around four years old. Palagi akong sinasama ng parents ko na pumunta sa Divisoria para mamili. Tapos, ang palaging last stop namin ay sa Tutuban Mall, kasi roon din naman ang mga sakayan pauwi. May ilang details na hindi ko na matandaan, pero fresh pa sa alaala ko ang lahat. Tapos, palagi na lang nilang kinukuwento iyon sa akin.
Eh, sa busy sila na namimili, tapos heto ako 'yong batang sobrang likot at laging nadi-distract kapag nakakakita ng mga laruan sa bawat madaanan. Tapos, may nakita nga akong isang toy store na malapit sa pinagbibilhan nina Mama. At walang paa-paalam, para akong si Sonic the Hedgehog at The Flash na dumeretso roon. Nakikita ko rin naman si Tatay sa labas, kaya okay lang naman.
And so... The misadventures of a naughty kiddo begins... Nag-start na akong mawili sa katitingin sa mga laruan nang hindi ko na ma-feel ang presence nila. Kaya lumabas ako at hinanap sila. Pero hindi ko na sila makita, kahit 'yong anino nila. Isa lang bagay ang na-process ng utak ko: Wala na sila sa pinagbibilhan nila...
"I'm lost, so lost, will I be able to see the sky again?"
Nag-iiiyak na noon ako sa gitna ng maraming mga dumaraang mga tao. Tapos, hindi ko na alam ang gagawin ko, kaya hinanap ko pa rin sila. Pero sa paghahanap at pag-iiiyak ko, mayroong parang may-ari ng isang stall doon na lumapit sa akin, in-entertain ako, at dinala sa stall nila para patahanin ako. At doon dumating sina Mama at Tatay na sobrang nag-aalala sa akin. Niyakap pa nga ako ni Mama habang iyak pa ako nang iyak.
Base pa nga sa kuwento nila, pumunta raw ako sa kabilang pasilyo para doon maghanap. Well, may dalawang pasilyo or alleyways kasi sa Tutuban. Nandoon sila sa kabilang side, nandoon naman ako sa isa pa. At hindi ko rin naman alam kung papaano ako natagpuan. Hindi man ako pumunta sa security guard para magpa-paging. Welp, muntikan na nga pala--dadalhin na dapat ako noong nagtitindang nakakita sa akin sa customer service para doon ipa-announce na may nawawalang bata. Pero thankful (kung naramdaman ko man iyon noon) pa rin naman ako kina Mama na nahanap nila ako sa ganoong circumstances. May possibility kasi na baka hindi na ako makita pa, 'yong mga ganoon.
Gusto kong i-relate ang lahat ng mga nangyari sa life per se. May times na nadi-distract ako sa bawat madaanan ko. Makakita lang ng bagay na makakapukaw ng interest ko, iyon na ang i-e-entertain ko. Na baka umabot pa sa point na naliligaw na pala ako at ibang alleyway--ibang landas na pala ang nilalakad ko.
Pero na-realize ko rin na may mga taong magsisilbing guide sa aking journey. Sila pala 'yong magsisilbing map ko--compass--or wayfinders. Sila 'yong mga magulang ko na handang gumabay sa akin. Sila rin 'yong mga kaibigan ko na handa ring sumuporta sa akin sa mga panahong nawawala ako sa landas na tinatahak ko. Sila 'yong tagasampal sa akin kapag kung minsan ay nawawala 'yong GRIT sa akin. Sila 'yong taga-remind sa kung ano talaga ang purpose ko.
But at the end of the day, ako pa rin--sarili ko pa rin naman ang magiging responsable sa actions na ginagawa ko. Ako rin mismo ang magdi-deal sa consequences sa mga ginawa ko from these actions. Sarili ko rin ang ang magbabalik sa akin sa path na dapat kong lakarin in the first place. These wayfinders are only here para gabayan at tulungan ako. Hindi sila 'yong direktang magko-control sa bawat actions na gagawin ko. Hindi sila ang maglilinis sa kalat na ako mismo ang gumawa. Hindi rin naman sila oras-oras ay nandiyan dahil may sarili din silang buhay; may sarili din silang struggles na kinahaharap.
Life has uncertainties, at hindi natin alam ang magiging kahihinatnan nito sa bandang huli. Pero isa lang ang dapat nating gawin: We must continue finding our own way.
Ikaw, MJ, paano nga ba? Kaya ito naman ang itatanong ko sa 'yo:
On what way did you start to find something to yourself? Paano naman ito nakatulong sa iyo?
Hanggang dito na lang po tayo. Salamat po sa inyong pakikinig! Au revoir!
- Josh
0 notes
Text
DAY 018: Let Go
When I was a child, Mama would always ask me everytime na lumalabas kami sa bahay na humawak lang sa kanya. She always tell us na kumapit lang kami sa kanya dahil baka mayroong masamang mangyari sa amin.
Siguro, iyon ang reason kung kaya whenever lalabas kami ng bahay, hinahawakan ko ang kamay niya. Sa tuwing naglalakad kami sa mall, I would always cling my hand on hers, kahit na sa paglalakad sa mall, ganoon lagi. Iyon ay sa kadahilanan na natatakot ako... I was afraid that I might get lost. I was afraid na baka mawala si Mama at hindi na kami magkita pa.
Yes, ang exaggerated, pero ganoon naman tayo as a kid, right? We tend to think about the worst case scenario. We tend to get scared over little things na hindi naman talaga dapat katakutan.
I remember na minsan ay namasyal kami sa isang lugar. It was a cultural theme park named "Nayong Pilipino" and it is located at Clark, Pampanga. I can't remember the exact detail on what happened because my brother and I were still little noon. All I remember is that we're looking at a certain sculpture, and biglang naiwan na nila kami.
At that point, I thought I was gonna lose everyone na kasama namin doon. Natakot ako na baka tuluyan na kaming maghiwalay at hindi na namin sila pa makita pa. But they're our family, and I knew that we had to do something, back then.
So, niyaya ko si Kuya. I remembered Mama telling us na in case we got lost, kailangan pumunta kami sa security guard or sa pulis. Sabihin namin ang pangalan niya at patulong kami sa paghahanap. I remembered that kung kaya niyaya ko si Kuya at ginawa namin iyon.
I don't know who the person is, pero alam kong staff siya doon. Nilapitan namin siya at humingi kami ng tulong. Pagkatapos noon ay nagpasama kami sa kanya na hanapin si Mama.
As I remember that event, all I remember is that we're really trying to look for them. Tahimik lang si Kuya but ako, tumatakbo lang. Until we found a familiar road, and I remember na doon kami somewhere naka-park. So, I ran. We ran. Until we found a familiar Toyota Avanza na naka-park lang doon.
Nandoon na sina Mama at iba pa naming kasama, and noong nakapunta na kami, that is where I cried. I really thought that I was gonna lose them, sa totoo lang. And I hugged them, and umiyak lang ako nang umiyak.
Years later, nagbago na iyon. I realized that I should not always depend on Mama and Papa. Ayaw ko maging pabigat. Which is why, little by little... I tried to let go, and I don't mean this na I am letting them go out of my life and living on my own. What I mean is, I learned how to let go the comfort na ibinibigay nila sa akin.
Noon, hatid-sundo kami ng isang tricycle that they hired para maging transportation namin sa school. But then, I learned how to commute which was more inconvenient than the latter, but at least we learned to go to places on our own.
Noon, kapag tumatawid, gusto namin hinahawakan ang kamay ni Mama. Now? I could cross the road on my own, kahit na alam ko na by doing that, may risk na masagasaan ako ng sasakyan, but then, I learned to be careful.
Noon, whenever may project, I would always ask for money pambili ng materials na kinakailangan ko. Right now, I save up para makabili na ako, which was inconvenient dahil it means that I have to cut my expenses sa school para lang makapag-save, but then, I learned how to budget my money.
Days were better when we were a kid who seek comfort to their parents. You don't have to worry about everything dahil if you need something, your parent will try to give it to you. Pero tulad nga ng sabi ni Bea Alonzo sa kanyang movie na The Mistress, "hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo", and maybe that's the point of life. Maybe we are not meant to live in comfort all the time.
Maybe... Just maybe... Maybe we are meant to stand on our own, which is why when Dads asked me this question...
What helps you gradually (if not totally) let you out of your comfort zone?
...ito ang sagot ko sa kanya: Let go.
We are so scared of what's out there that we hold on tightly to our comfort zone. Natatakot tayo masaktan. Natatakot tayo mahirapan. Natatakot tayo mabuhay with uncertainties in our life, which is why, like a parent to a child, we tend to hold to our comfort zone and never let go.
Nakakatakot, yes, but we all have to let it all go. Imagine this. We live in a planet with hundreds of millions square kilometer wide, yet YOU limit yourself into that small circle that you've created and called yourself your comfort zone. Now, imagine living your entire life into that tiny circle... Was it worth it? No. Because there is more things to see outside your comfort zone. There is more life than where you're living in.
We just to let go all of our fears and doubt, like how I let go mine. We have to have the guts to explore what life really is... Uncertain, yes, but beautiful in a way that is mysterious. I know it's hard dahil nakatatakot, but what's scarier is living your life entirely inside that small circle of yours, not able to see the beauty of life.
Always remember: Let go.
Ikaw naman, Dads. Earlier, I talked about getting lost. So, about doon ang tanong ko sa iyo:
When did you feel like you're lost in life? How did you found your way and how did this experience start to change you?
Iyon lamang po, maraming salamat! Haha.
- Maju
0 notes
Text
DAY 017: The Late Bloomer Bummer
How to sum up Josh's life in a nutshell?
Gigising, kakain, papasok sa school, uuwi agad, magse-cellphone at gadgets magdamag... Repeat 10x.
Well, as you can see naman, wala talagang thrill ang buhay ko na sa soooooooOoooooOoooobrang plain, mahihiya na ang plain rice na ino-order sa iba't ibang restaurants; walang ka-substance-substance. I spend most of my time--kung hindi sa bahay, sa school na lang. Gusto ko mang gumala at kumain, ayaw ko namang gumastos. Hohoho. At iyon nga rin, ang lagi kong iniisip tuwing aalis na parang gusto ko na lang magkulong sa kuwarto at matulog.
Medyo awkward din akong makipag-socialize sa ibang tao (sa maraming tao, I mean). Nakikipag-usap naman ako at nakikipagdaldalan, pero may times na nawawala ako sa sarili ko at kung ano-ano na lang ang mga pinanggagagawa ko. May times na kinakabahan na nga ako once mag-start na makipag-usap or mag-initiate ng conversation, kaya ang resulta--nga-nga lang--walang nangyayari; tamang nga-nga lang si Josh sa sulok. Sedt.
Palagi kong kinukulong ang sarili ko sa isang (as MJ used the term) box. Palagi akong pinangungunahan ng takot na lumabas sa box na iyon at i-expose ang sarili ko sa totoong mundo. Kinatatakutan ko ang judgements at ang motives ng ibang tao sa akin. Isa rin sa kinatatakutan ko ay ang ma-disappoint sa akin ang mga taong mahal ko. Masiyado mang maliit ang mundo ko, doon naman ako masaya. I'm too big enough to fit in this small box, pero okay lang. Doon ko nararamdaman na secured ako at walang iniisip na problema; tamang chill lang sa buhay, ganoon. Manonood lang ng favorite kong palabas sa TV, kakain, magbabasa, magsu-surf sa internet, matutulog. Doon ko lang sine-set ang limitations ko. At sa totoo lang, nakakatamad pong gumawa ng move na lumabas sa box na kung nasaan ako.
But the question is, hanggang doon na lang ba ako? Sa hanggang doon ko na lang ba ise-set ang capabilities ko? Ito ang susubukan kong sagutin sa tanong ni MJ para sa araw na ito:
When did you start trying to step out of your comfort zone, and what did it takes for you to do it?
Just like MJ, I also want to try something new for myself as we progress through life. Na-realize ko lang na habang lumalaki tayo ay mas lumalawak ang kaalaman natin sa buhay. Mas lumalawak ang awareness natin sa mga bagay-bagay from our environment from our wild imaginations as a child. Noong paglaki ko lang na-realize na hindi dahil sabay-sabay na umiihi ang mga angel sa heaven kaya umuulan (true story po ito). And I was today years old noong nalaman kong aroma beads pala ang tawag sa kisses (or 'yong maliliit na bilog na makukulay at nanganganak daw). At dahil sa paglawak ng ating awareness sa mga bagay-bagay, mas nagkakaroon tayo ng drive para maging curious na subukan ang mga bago sa buhay natin.
I must admit, isa akong late-bloomer (most of the time naman, duh!). May ibang bagay na akong nagagawa out of my own will na yunno... Lately ko lang nadi-discover na kaya ko pala kung kailan mas nadadagdagan na ang edad ko. Mas nangingibabaw kasi ang pagiging hyper at childish side ko imbes na magpaka-mature na nababase sa age ko. Reliant din ako sa mga nakatatanda sa akin; I do always depend on them. 'Yong tipong hindi lang pang-Rated PG ang pag-guide nila sa mga gawi ko. Minsan, umaabot pa sa Rated SPG (as in Strict Parental Guidance). Yes, ganoon ang nangyayari sa akin. Pero sa kabila noon, doon ko feel na mas comfortable ako sa sarili ko.
Pero habang patuloy akong namumuhay sa island, palagi ko namang nakikita ang line where the sky meets the sea. At doon ako mas naging curious sa kung ano ang mayroon doon. Oo, masaya at chill lang ang pag-i-i-stay ko sa aking comfort zone. Pero papaano na lang kung ang paglabas ko roon ay ang magandang way para mas magkaroon ng improvements sa sarili ko? Papaano kung ito pala ang magpapalawak ng kaalaman ko para na rin lumawak pa ang mundo ko? Ite-take ko ba ang risk? I don't know the answer to that... Err...
At iyon nga, ang isa sa naging way kong mag-attempt na mag-step out sa aking comfort zone ay noong nagsimula na akong magbasa ng novels (especially Wattpad stories). Napakaraming binago sa ibang aspects ng buhay ko ang pagpasok sa mundong ito. Baka kung hindi dahil doon ay baka hindi ko matagpuan ang passion ko sa pagsusulat. Pero nagpapasalamat pa rin ako rito kasi nakaapekto ito nang malaki sa sarili ko as an individual. Bilang reader din ay nabigyan ako ng chance, hindi lang makapunta sa iba't ibang mga mundo ng fictional character, kung hindi maka-discover ng panibagong point-of-view sa mundong ginagalawan natin. Hindi ko naman aakalaing sa pagiging reader ko ng Wattpad stories ay kung saan-saan na ako napapadpad (both in figurative and literal ways).
Nang dahil sa pagiging reader, naka-discover ako ng panibagong mga pananaw ng ibang tao sa mga bagay-bagay! Nakahanap ng panibagong mga kakilala na may kapareho ko ng passion at motivation! Nakadayo sa iba't ibang mga lugar na hindi ko aakalaing mapupuntahan ko nang walang parental guidance (I'm sorry, Ma!). Anyhow (na isda), pinalawak nito ang mundo ko. Para akong isang character sa isang Fantasy RPG (role-playing game) na naka-unlock ng panibagong stage na dapat na i-explore.
It takes courage in order for me to take a leap and accept this challenge. Sinet-aside ko ang doubts sa sarili ko kung kakayanin ko ba ito? Kung kaya ko ba talagang magsulat? O kung deserving talaga ako sa path ko ngayon? Sa totoo lang, Nandoon pa rin ang takot at anxiety na mag-fail pa rin ako sa tinatahak ko ngayon. Feeling ko ay para akong nag-skydiving. It's dangerous and at the same time, it's fun! These circumstances made a rebel on a caring man's careful son... Char!
Marami pa akong mapagdaraanan along the way. Pero sa unti-unti kong paglabas sa comfort zone ko mas na-appreciate ang sarili ko at ang nasa environment ko. At iyon nga, it's truly a whole new world for me!
Ikaw, MJ... Share your thoughts naman diyan! Mayroon ka bang gustong ikuwento? O gusto mo lang magkuwento? It's your story. It's your time. It's Story Time! Kidding aside, here's my question for you:
What helps you gradually (if not totally) let you out of your comfort zone?
And that's all for today! We hope to see you again! Buh-bye!
- Josh
0 notes
Text
DAY 016: Boxes and Zones
Writing have always been my channel to express my opinions and feelings inside me. Isa ito siguro sa mga reasons why hindi pa rin ako tumitigil sa pagsusulat. Pakiramdam ko kasi, when I stopped writing, lahat ng feelings... Lahat ng emotions... Lahat-lahat, mamumuo na lang sa loob ko. Mapupuno nang mapupuno nang mapupuno, and the next thing you know? BOOM! Sumabog na ako, with blood, skin, and all of my insides all over the room.
I don't know if this is healthy or not, but all I know is that, all of us, people, should have a channel to let out all (or if not all, some) of what we feel inside. Parang masamang hangin lang iyan, na kapag pinigilan mo nang pinigilan, makakasama sa iyong kalusugan (Naks! Rhyme!).
You might be asking why I'm talking about this stuff, and tulad ng dati, iisa lang naman kasi ang sagot ng mga iyan: It's because it is related to what Dads asked me.
Aside from writing novels, ano pa bang ibang mga way ang gusto mong i-explore para i-express ang sarili mo?
Tama nga naman kasi si Dads. Aminin man natin o hindi, minsan, tayo mismo... Nili-limitahan natin ang sarili natin. Ganoon ako. I've always liked expressing myself through text. Mapa-prose man iyan o mapa-poem. Mapa-sulat man iyan or chat. Anything, basta hindi ko na kailangan sabihin.
Doon kasi ako comfortable. Iyon ang comfort zone ko. Iyon ang box ko. And ganoon naman kasi tayo... Bawal lumagpas sa boundary. Bawal lumagpas beyond our limit. Kasi kung hindi? Wala. Disaster. Tragedy ang aabutin mo!
However, as the gasgas saying goes... We should get out of our comfort zone. We must step outside our boxes. Hindi madali, I know, but it's the only way how we can grow. Tulad ng sharks... And I don't know if it's true or not. Nakalimutan ko na rin kasi kung saan ko ito narinig. Pero kapag raw nilagay mo ang baby shark sa isang aquarium, hindi siya lalaki and mag-stay lang siya sa size niyang kakasya siya sa aquarium. Ganoon rin tayo. Kapag hindi tayo lumabas sa boxes and zones natin... Mananatili na lang tayo kung ano tayo ngayon.
So if I were to answer Dads' question, actually, marami akong ways na gusto i-try para i-express ang sarili ko more, and ito-ito ang mga iyon.
First, through vlogging...
And I know... All of the people, gustong mag-vlog. Karamihan sa kanila, gusto sumikat. Gusto makilala. Gusto maging katulad ng mga taong katulad nila. And I am not saying these to generalize the aspiring vloggers. I'm just emphasizing that I am not one of them.
Noon pa man talaga, gusto ko na mag-vlog, and that is not because gusto ko mas makilala. Siguro, gusto ko mag-vlog because I want to speak (and by speaking, I mean truly speaking) to people and i-express ang sarili ko through screens.
Dito kasi sa writing, to be honest, masyado akong seryoso (pero minsan, nagda-drop ng puns). And although this is myself, siguro, gusto ko rin makita nila ang makulit at isip-bata side ko on cam.
Bukod pa roon, kung sakali... Vlogging would be something na p'wede ko magamit to improve myself. Mahiyain kasi akong tao (hindi lang talaga halata) and sometimes, I get suffocated kapag masyado kong ine-expose ang sarili ko. Alam mo iyong parang kapag lumabas ka and makipag-socialize ka, darating ka sa punto na parang mararamdaman mo na gusto mo umalis sa lugar na iyon and manahimik and huminga... That's what I feel when I'm exposed to lots of stranger for too long. Haha.
Isa pa... I'm really conscious sa harap ng camera. Iyong kapag humarap sa camera, parang sobrang nako-conscious ako sa sarili ko kaya tatakpan ko ang mukha ko. O kaya naman, kapag nagsasalita ako sa camera... Minsan, tatawa na lang ako nang tatawa. Or hindi alam ang sasabihin. So, ayon.
I also want to travel, kahit dito lang sa Pinas.
...and by travelling, I meant travelling alone.
Yes. Napaka-gasgas kong tao. Kung gusto ng iba mag-travel, ganoon din naman ako. Gusto ko mag-travel kahit around the country muna.
This could or could not help me learn how to express myself, pero I wanted to travel to know myself more. To explore who I am. Para mas makilala ko pa kung sino talaga ako. I know. I can do it naman kung nasaan ako, pero I feel like... Iba kapag nasa ibang lugar ka at mag-isa.
Imagine this. If you're in a place where no one knows who you are, it is easier to be yourself. You can be anything you want to be. It's like having a new life—life that is far from all the expectations and far from all the judgements.
It's like meeting a stranger for the first time, except, the stranger is yourself; a version of you free from everything that's keeping you from being yourself.
Anyway, iyon lang dalawa ang naiisip ko on top of my mind, and I know na mayroon pang ibang ways. Pero at the end of the day, regardless of what you do, isa lang naman kasi ang gusto natin ma-achieve: Ang mas makilala pa ang sarili natin at ang abilidad na mas ma-express pa natin kung sino talaga tayo.
Ikaw ba, Dads? I'd like to hear from you, which is why... Itatanong ko sa iyo ito:
When did you start trying to step out of your comfort zone, and what did it takes for you to do it?
That is all, ciao ciao everyone!
- Maju
0 notes
Text
DAY 015: I dunno da wae, brotha.
Besides writing, what are the ways to start changing a person’s life?
So, ito po ang question ni MJ na gusto niyang hanapan ng kasagutan mula sa akin. Pero sad to say, wala siyang mahahanap sa akin. Bwahahaha! Joke! Mayroon naman.
I know, we know, everyone knows na maraming buhay ang napabago nang dahil sa pagsusulat. Some people are even unaware that crafting stories out of their bizarre minds can also lead to writing a different path for them; walang nakaaalam kung gaano kalayo ang mararating nila sa pagsusulat ng mga kuwento. Nang dahil sa pagsusulat, lumalawak ang mundo natin at mas marami tayong nalalaman sa mundo at sarili natin through reading other people's writings. Hindi naman aakalain ni J. K. Rowling na sa kabila ng mga paghihirap na pinagdaanan niya, magiging best-selling author pala siya at makikilala ang mga libro niya sa buong mundo--despite having multiple rejections bago makuha ng Bloomsbury ang publishing rights para sa Harry Potter and the Philosopher's Stone.
Kung hindi naman dahil sa pagsusulat ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal, baka sa panahong 'yon, at baka sa panahon ding ito ay patuloy pa ring natutulog ang diwang makabayan ng mga Pilipino. Walang rebolusyong nangyari; walang nagkaroon ng daan para makamit ng bansa natin ang kalayaan mula sa mga mananakop. Hindi ito magmamarka ng legacy hanggang sa panahon ngayon. If Cris Ibarra didn't write Project LOKI and other stories under his pen name, baka hindi namin mahanap ni MJ ang passion at ang true purpose namin sa pagsusulat. His stories truly touched our hearts (naks!). At isa siya sa mga nilu-look forward at ang inspiration na rin para ipagpatuloy ang writing journey na tinatahak namin ngayon.
See? Writers empower not just readers but also other writers. Ang mga manunulat ang isa sa mga nagkaroon ng malaking impluwensiya sa paghubog ng mundong ginagalawan natin.
But not everytime, hindi lang ang pagsusulat at pagbabasa ng mga isinulat ng iba ang maaaring makapagpabago ng mga point-of-view natin sa buhay. Marami pang ways para ma-motivate natin--ma-inspire natin ang ibang tao through featuring our different God-given talents. Thus, they are granted to us in order to be shared with other people.
May mga taong nabibiyayaan ng golden voice just to make others appreciate that life is indeed precious to live in. The songs they weave will often remind us that the world will be dull without music--every milestone--every moment that happen to every single one of us has its own set of rhythm and beat. And if we follow through, it would create a wonderful symphony.
Ang buhay ay isang sayaw, ang sabi ng ibang taong pinagkalooban ng dancing skills. Sa kabila ng mga problema, ang kanilang bawat pag-indak ay nagsasabing sabayan natin ang saliw ng buhay. Hindi sa lahat ng panahon ay malamya at banayad ang pagsasayaw natin katulad ng ballet. At hindi sa lahat ng panahon ay para itong hip-hop na may breakdancing na paiikutin ang katawan mo. Life's rhythm is constantly changing everytime. So we must cope up with these changes and dance away.
Binibigyan naman ng kulay ang malamlam na mundo ng mga artistically-inclined na mga tao. Ang bawat stroke at linyang ginagawa nila sa kanilang mga artwork ay nagsisilbing paalala na kahit gaano pa ito maging smooth, magaspang, o pa-zigzag pa nga-- kahit magkulay pa itong matingkad o malamlam--kung pagsasamahin naman natin lahat ng aspetong ito, mabubuo ang isang napakagandang painting; isang masterpiece, ang sabi pa nila. Pakiramdam natin ay para bang kinakausap tayo ng mga painting o ng mga artwork na iyon at para bang gusto nilang may mai-share na kuwento sa ating lahat.
The bottomline is, kung masaya at passionate ka sa mga bagay na ginagawa mo, ibinubuhos mo ang 100% ng efforts para dito. Kung minsan nga, sumosobra pa sa 100%, eh. Hahaha. But it shows how we are enthusiastic at masaya natin itong ginagawa, kahit na may time na nawawalan tayo ng motivation. Pero, kahit ganoon, laban pa rin! It is also true that we put a fragment of our soul to our craft--kaya nagkakaroon ito ng sariling identity--nabibigyan natin siya ng sarili nating trademark; we are indeed unique in our own ways. Hindi na rin mahalaga ang magiging kapalit nitong mga materyal na bagay. Dahil para sa atin, ang makita nating nagiging inspired ang ibang tao--pati na ang paghanap nila sa sarili nila katulad lang din sa kung papaano natin ito nahanap sa pamamagitan ng ating talento, iyon ang pinakamahalaga sa lahat. Masarap sa feeling ang ganoon; parang understatement pa nga ang pagkakapanalo sa lotto.
Pero para din sa akin, ang isa sa mga pinakamagandang way para magkaroon ng pagbabago sa buhay ng ibang tao ay ang maging isang good friend at good listener sa ibang tao. Yes! Sa panahon ngayon, bibihira lang tayong makatagpo ng mga ganitong tao, kaya sila 'yong tipo na hindi natin dapat pakawalan sa buhay natin. O kung puwede ay ikaw ang maging tagapakinig para sa kanila. Iba, eh. Iba ang feeling na may mga taong willing na makinig sa lahat ng sentimiyento, mga rant, mga pinagdaraanan natin sa buhay. May time nga naman sa buhay natin na sa dami ng mga problema at toxicities na pinagdaraanan natin ay parang gusto na lang nating sumabog. Pero sila 'yong palaging nandiyan para dumamay through thick or thin. Masarap sa feeling na may mga handang magbigay ng advice at gagawin ang buong makakaya nila para ma-cheer-up lang ang isang taong nakararamdam ng pagka-down sa sarili. We are not great at giving advice? Ang presence natin at eagerness ang mahalaga para sa kanila. Ang mahalaga ay may taong handang makinig at mag-comfort sa kanila; malaki ang magiging impact natin sa iba. Hindi man natin ma-a-assure na nandoon lagi tayo 24/7, ang sabi nga sa kanta ni Charlie Puth: "I'm only one call away."
Every action ripples across the universe. Kahit ano pa ang bagay na gawin natin, makaaapekto ito sa bawat paggawi ng ibang tao. May domino effect ito na maaaring magpabago sa disposition ng isang tao dahil lang sa single action na ginawa ng isang tao, regardless kung positive ito o negative man. Nakaiimpluwensiya ang bawat gawa ng tao sa bawat isa, kaya dapat ay maging responsable tayo rito.
So, dito nagtatapos ang lahat. Ano po? Sana po ay marami kayo muling natutunan sa amin sa araw na ito. AAaaaaaAAAAANDDDDddd... Ito naman ang itatanong ko para kay MJ:
Aside from writing novels, ano pa bang ibang mga way ang gusto mong i-explore para i-express ang sarili mo?
This could be a tiring day. Pero na-realize ko sa panonood kanina ng Miracle in Cell No. 7 (the original versh) sa Ethics class namin na dapat nating pakamahalin ang mga taong mahahalaga sa buhay natin--mapa-kapamilya, kaibigan, o kahit sino pa man. At i-treasure natin ang bawat pagkakataon na nandiyan pa sila. Dahil darating din ang panahon na lilisanin din nila tayo nang hindi natin inaasahan. And that's the reality of life. At iyon nga, thank you sa oras na inilaan ninyo para dito. Looking forward kaming makita pa kayo sa susunod! Au revoir!
- Josh
0 notes
Text
DAY 014: Drops of Soul
Ano ang gusto mong i-advice sa mga gustong magsimula ngayon sa pagsusulat?
Ito ang tanong ni Dads sa akin kahapon.
First of all, I know that I am not that great when it comes to writing, which is why pakiramdam ko, isang malaking joke ang pagtatanong sa akin ng writing-related na advise. Buti pa sana kung love life iyan, baka may mai-share ako. Pero writing? Eh hindi nga ako makatapos ng story, eh! Hahaha.
However... Sa ilang taon ko na pagsusulat, marami na rin naman akong natutunan, and even though hindi ako ganoon ka-credible when it comes to advising people about how to become a better writer, siguro naman, kahit papaano, may credibility ako para sa paga-advise sa mga tao kung papaano maging isang writer. Ang gulo ba? Kunwari, gets niyo na lang para tapos ang problema! Chour.
What I mean is, hindi ako iyong tipo ng writer na malaki ang chance na maging bestseller ang libro ko, because I know that I still have a lot of things to improve. However, sa ilang taon ko sa pagsusulat, alam ko sa sarili ko na hindi ako iyong tipong tao na basta-basta na lang sumusuko. I may not be the best writer, but I know how to become a writer. Alam ko kung papaano mag-stick as a writer, which is why, sa mga aspiring writers diyan! Ito ang mga advise ko sa inyo:
Figure out the reason kung bakit ka nagsusulat.
Dito naman nagsisimula lahat iyan. Sa paghahanap ng rason. Ako iyong tipo ng tao na naniniwala na ang bawat bagay sa mundo ay may rason. May rason kung bakit binabasa mo ito ngayon. May rason kung bakit gusto mo maging writer, and iyon ang first step! Alamin mo ang rason mo.
Pero dapat, hindi mababaw na rason, ha? Dapat iyong rason na kaya mong paghugutan ng lakas sa tuwing nawawalan ka na ng pag-asa as a writer. Hindi rason ang “Gusto ko sumikat!” kaya ka nagsusulat, pero maaaring rason ang “Gusto kong marinig ako ng mundo!”. Hindi rin naman rason ang “Nabo-bore ako!” kaya ka nagsusulat, pero maaari rin namang rason ang “Gusto ko baguhin ang buhay ko!”.
Sinasabi ko sa inyo. Kailangan ng malalim na rason para magsulat. Sa totoo lang, kung titignan, ang dali-dali lang din naman kasi. Hindi naman ganoon kahirap. Magta-type ka lang ng kung ano-anong words, then viola! Writer ka na! Yes, madali lang magsulat. Pero what’s mahirap (Oh May Gash, Am so conyow!) is how you can stay as a writer.
Para lang iyang pagkapit sa jeep. Kung maluwag ang pagkapit mo, baka kapag nag-sudden brake iyang jeep na sinasakyan mo, aba’y sigurado lilipad ka! Okay, I was just exaggerating but you get the point.
Know what you want to write about.
Isa pa ito sa mga kailangan gawin. Dapat alam mo ang gusto mong isulat! And I don’t mean this na kailangan alam mo iyong genre na sinusulat mo (although that’s a good start), pero dapat alam mo kung ano iyong mismong isusulat mo!
You should have this vision—this one particular goal na gusto mong i-accomplish! Perhaps, gusto mong ipakita sa mga NAPAKAWALANG-HIYANG MGA LALAKI NA IYAN NA WALANG GINAWA KUNG HINDI SAKTAN ANG PUSO NG MGA BABAENG WALANG GINAWANG MALI KUNG HINDI MAGMAHAL!!!! (Yes! Ganoon ka-intense!) kung ano ang nararamdaman ng mga babaeng sinasaktan nila. Or maybe you wanted to dive deeper at gusto mong malaman ng mga taong kagaya mo na hindi sila nag-iisa. Basta! There are tons of things to write about! Ang kailangan mo lang gawin ay mamili.
Ngayon, kung nakapili ka na... You can start to write about it. Ngayon, may reason ka nga kung bakit ka nagsusulat... Alam mo pa kung para saan ang sinusulat mo! O ‘diba?
Remember for whom do you do this for.
Isipin mo kung para saan mo ginagawa ito. Para sa pamilya mo... Para sa mga kaibigan... Para sa isang particular na tao na pinag-aalayan mo nitong sinusulat mo... Or para ito sa sarili mo?
Kung para kanino man iyan, lagi mo silang tatandaan. Ginagawa mo ito para sa kanila. Ginagawa mo ito para sa iyo. Kaya ‘wag na ‘wag na ‘wag mo silang bibiguin. ‘Wag na ‘wag na ‘wag mong bibiguin ang sarili mo.
Pangarap mo ang pagsusulat. May rason kung bakit ka nagsusulat, at may rason kung bakit mo isinusulit iyan.
So, basically, you just have to pour your soul into the things you write...
Seems easy, right? Jk.
Pero seryoso, iyon naman talaga ang susi sa pagiging writer: ang pagbuhos ng kanyang sarili sa kanyang pagsusulat. Otherwise, ano pa ang saysay ng pagsusulat? Yes, I know. People read things as a way to entertain themselves. People read para pampalipas ng oras. However, this is not the case for the writers. For the writers have their reason for writing. Mayroon silang gustong ipamahagi! Mayroon sila gustong isiwalat! (Naks! Lalim ng Filipino!)
So, for you to become a writer, you must risk your all for it. Hindi madali pero kung titignan mo? Sobrang worth it siya. Because by becoming a writer means having a chance to change people. Becoming a writer means making people better. And para sa akin? There is no better reason para magsulat kung hindi iyon.
Anyway, ako naman, Dads... Ito ang tanong ko sa iyo:
Besides writing, what are the ways to start changing a person’s life?
Medyo related din siya sa writing, for tulad nga ng sabi ko kanina, what you write could change people. Pero is writing the only way para gawin ito? If not, papaano?
O s’ya, iyon lamang po. Maraming salamat! Ciao ciao!
- Maju
0 notes
Text
DAY 013: I know, write?
In the beginning, G--oops, wrong book! Okay, fine... Panindigan ko na.
Lahat ng bagay ay may pasimula. Maraming mga haka-haka--mga kuro-kuro--mga paniniwala kung papaano nabuo ang sanlibutang ito. May nakapagsasabi na nabuo ang universe from a tiny speck of dust from the empty void na bigla na lang sumabog at nabuo ang iba't ibang heavenly bodies--mula sa stars hanggang sa planetang tinitirhan natin, which is the Earth. There is also one na most of us believe--the Supreme Creator--which is God, created the universe, the Earth, and every creature for six days. And in the seventh day was his rest day. These were all written from the Book of Genesis. At naniniwala naman ako na ang lahat ng may pasimula ay may purpose. Hindi naman kusang lumitaw ang mundo dahil trip lang niya--dahil bored lang daw siya.
Literally no one:
Some teenie bit of dust hanging into space: Hay, ang boring naman dito. Tamang float-float ka lang. Gusto ko tuloy sumabog at sabihin ang masasamang words.
Hindi naman basta-basta lang nilalang ng Diyos ang sanlibutan from scratch, because from the start, may dahilan ang lahat ng iyon. May layunin siya na gustong tuparin para sa lupa at sa mga living creature na nilalang niya.
Parang ang writing journey ko mismo. Well, isiningit ko lang talaga ang introductory part na iyon para magkunwaring mahaba, ano? Para kunwari may sense ang lahat ng pinagsasabi ko; kunwari daw, deep. Wews. Pero may connection naman ito kahit papaano. Bakit nga ba ito maitatawag na journey kung wala itong purpose? Bakit for a young age of 10, nag-decide si Ash Ketchum na mag-travel para manghuli ng mga Pokémon at makapasok sa Indigo League? It is for him to become the Pokémon Master! Bakit nagpunta sa Bundok Tabor ang tatlong magkakapatid na sina Don Pedro, Don Diego, at Don Juan? Dahil para mahanap nila ang Ibong Adarna! Lahat tayo ay may gustong marating at may nais patunayan kaya we embark on our own journeys in life.
Why did you start writing?
Simple lang din ang sagot ko para sa simpleng tanong din ni MJ para sa akin. Na-bang-bang ko siya, patay... Bang-bang din ako nito! Pero ganoon talaga, every action has an equal or opposite reaction.
Why, why, why, Delilah? Well... Na-mention ko na rin sa nauna kong blog entry na (napilitang) isinali ako ng teacher ko sa Press Con noong Grade Five, and the rest is history--naging Campus Journalist si Josh for six years. Hindi ko nga in-expect na magtatagal ako nang ganoon sa bagay na in the first place, hindi ako ang nag-volunteer na pasukin ito.
And it was around Mesozoic era when I took the leap and started writing stories on Wattpad... Joke, 2013 na iyon. Sa time na iyon masasabi kong mas nag-boom at na-unleash ang creative-kuno side ko. Doon ako nagsimulang mas maging curious at sensitive sa paligid ko--which leads to different ideas sprouting and unfinished stories every single day; 'yong tipong malapit na silang magsapawan sa isa't isa. Werp... Kung hindi siguro ako nahilig pa sa pagbabasa, baka hindi ako nagkaroon ng chance na mag-improve kahit papaano (improvements? Saan banda?). Kaya nagpapasalamat ako sa 15-something self ko-- kung hindi dahil sa kaniya, baka hindi ko ngayon magagawang i-appreciate at mahalin ang pagsusulat (kahit hindi man lang niya ako magawang mahalin pabalik. Sedt).
After all these years, doon ko lang na-realize kung ano ang dahilan kung bakit nagsusulat pa rin ako ngayon. Hindi 'yong out of the blue, naisipan ko lang na magsulat dahil naka-trip lang si Josh. It was not just an accident na nahanap ko ang way para sa journey kong ito. May purpose pala ako! May dahilan kung bakit ako nandito! MAY PURPOSE ANG LAHAT, GUYS!
Napakaraaaaaaaaaaaamiiiii ng dahilan kung bakit ako nagsulat, nagsusulat, at magsusulat pa. Siguro, mahihiya si Lady Gaga sa million reasons niya sa dami ng mga iyon (ang daming dinadahilan,nakatapos ka ba ng stories?). One of the reasons why I write it's because I want to quench my boredom. Palagi akong lutang at nag-iisip ng random scenarios. 'Yong habang nasa biyahe, sa halip na isipin ang mga ire-review para sa quiz sa isang subject, nag-iisip na lang ako ng scenes sa utak ko. Tapos, mapupunta na ako noon sa kawalan. Maraming mga katanungan ang patuloy na bumabagabag sa akin na naghihintay ng kasagutan.
"Why do birds suddenly appear?"
I am too curious about everything in this world. Isa akong curious cat! Gusto kong maghanap ng kasagutan sa mga tanong sa isipan ko, kaya pinipilit kong ako mismo ang sumagot dito. Mas hyper pa nga at makulit ang imagination ko kaya kung minsan, hindi na ako pinapatulog nito. O kaya, ginigising ako nito sa gitna ng gabi.
Para kanino ako nagsusulat? Wala akong particular na taong pinaghuhugutan ko ng inspiration para magsulat. Not at all... Nada! Iba-iba kasi ang mga pinanggagalingan ko ng inspirasyon for my ideas. Siguro, based na rin sa mga nararamdaman at hinaing ko sa buhay. But most of the time, I write because of what I feel to others. I write to celebrate with their joys and to empathize with their struggles in life. Masiyado kasing boring ang buhay ko, kaya mahilig akong bumase sa experiences ng ibang tao. I find other people's experiences towards life interesting. Kung makulay lang siguro ang buhay ko, baka right now, nagpadala na ako ng letter kay Ma'am Charo at ma-feature sa MMK. O baka i-feature din ako sa KMJS. Eh, kaso hindi, eh. Walang ka-substance-substance ang buhay ko (Pinagsisihan ko tuloy na hindi ako palakain ng sinabawang gulay noong bata pa ako).
Alam din ni MJ na sa mga isinusulat ko, mahilig akong mag-rely sa mga nangyayari sa buhay ng ibang tao. May pagka-chizmakerz ata ako, eh. Hahaha. And yes! I do insert some characters based on people I know in real life to my stories. Bakit? Ewan...? Joke. Because they are special to me. Iyon na rin ang way para magpasalamat sa kanila (unless gusto ko silang gawing killer or kontrabida sa story ko. Why not?).
Nagsusulat pa rin ako kahit wala pa akong natatapos na novel ni isa, kasi gusto kong maging inspirasyon sa iba na hindi sumuko sa mga bagay na gusto nilang gawin sa buhay. Despite our flaws, kahit may mga pinagdaraanan tayo, patuloy pa rin tayo sa paggawa ng mga bagay na kung saan passionate tayo.
Hindi by accident ang pagkakadiskubre natin sa mga God-given gift na ipinagkaloob sa atin. May purpose ang bawat isa sa mga ito. Kaya ka binigyan ng magandang boses ay para maging inspirasyon sa iba. Kaya ka binigyan ng talent sa pagdo-drawing at painting para bigyan ng kulay at panibagong perspective ang mundong ito. It is not meant to be hide. Dahil malay natin, may naaapektuhan at nai-inspire tayong ibang tao sa pagshe-share natin ng bawat talento. It's like there's a domino effect--nagri-ripple na parang sa tubig ang bawat action na ginagawa natin sa iba. I repeat--every action has an equal or opposite reaction.
Sana, ito ang maging start para sa pagdiskubre mo sa iyong sarili. It's okay if we fail at our first try. At least, natututo tayong bumangon. Nakakakuha tayo ng panibagong mga karanasan. Mas nakikilala natin ang mundong ginagalawan natin.
I started my writing journey with a tabula rasa--or a book with empty pages. But along the way, different experiences were written in these pages. Ito 'yong mga nagbigay ng marka at legacy sa buhay ko.
For my next question to MJ, it is somehow connected to my topic for today. It's also my pleasure to ask this wonderful question about writing:
Ano ang gusto mong i-advice sa mga gustong magsimula ngayon sa pagsusulat?
Before I end up with this, gusto lang naming sabihin na keep safe po sa ating lahat sa panahon ngayon. Lalo na po 'yong mga malapit sa Taal Volcano, pati na sa mga nakatira sa mga probinsiya na affected din ng ashfall. Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan!
O siya, dito nagtatapos ang aking entry for now. Marami pa pala akong gagawin, and I'm hoping na matapos ko ang lahat ng iyon. Au revoir!
- Josh
0 notes
Text
DAY 012: Yeah, write!
So, panibagong araw na naman, at panibagong pang-aatake na naman sa akin ni Dads! Minsan, naiisip ko... Lagi na lang akong bina-bang bang ni Dads sa mga tanong niya. Pakiramdam ko tuloy, bago pa man matapos ang 366 days na ito ay exposed na exposed na ako dito. To use Vice's statement: "Wala talaga tayong itatago... Isisiwalat natin lahat!"

Pero kidding aside, I think maganda rin naman talaga na i-include ang personal life dito sa blog na ito. After all, ito naman talaga ang purpose noon. We want to share to all of you the things that we've learn in life and to do that, we must share our life with you. Kung p'wede nga lang na bawat blog post na gawin namin ay maglalagay kami ng part of our soul (horcrux daw, jk), gagawin namin. Because what better way to teach someone a lesson than to show them someone's experience. And in that case...
I guess it's the right thing to do. To volunteer ourselves as someone who will teach others the lesson that we've learn. We do not know much, pero at least...
Kumbaga sa isang race, nabawasan na ang hurdles na kailangan ninyo maranasan, and we're more than happy for that. We know the feeling of the pain that we've experienced just to get that lesson. At least we are saving you from experiencing that pain. Well, hopefully.
Anyway, Dads' question was about my writing career, and here it is:
Ano ang gusto mong simulan sa iyong writing journey sa taong ito?
I don't know if I mentioned it here yet pero matagal na ako nagsusulat. Nagsusulat na ako since late 2014 or early 2015 (hindi talaga ako sure kasi bata pa ako noon). Anyway, ayon nga. Five years na rin pala, more or less, simula noong nag-start akong magsulat. Still, I still have a lot to improve and still have a lot to prove to myself. To be honest kasi... Minsan, pakiramdam ko, hindi talaga ako worthy na tawaging writer, lalo pa't hindi man lang ako makatapos ng isang istorya, no matter how hard I try, and maybe that's one of my plans... To finish writing a story.
Bukod pa roon, hindi na rin naman sikreto kay Dads ang plano ko gawin. I'm not gonna share my story dahil mabuti na rin ang mag-ingat. However, what I can share to all of you is my vision in this story.
Noon pa man, alam na ni Dads kung anong klaseng writer ako. Kung may nagbabasa man sa mga sinusulat ko, maybe alam din nila. Ako kasi iyong tipo ng tao na masyadong bored sa linear na plot. Simula pa talaga noon, hindi ko na hilig ang pagsusulat ng mga mainstream na plot—mga plot na kadalasan nakikita natin sa iba't ibang libro o hindi naman kaya sa Wattpad (isang community and channel namin for sharing our stories to others). Ewan ko ba! Hilig ko talaga ang paglihis ng landas. In fact, dahil doon, Dads always called me "deviant" when it comes to writing.
So, this year... That's my plan. To continue on becoming deviant when it comes to writing. Sa upcoming story na naiisip ko, sobrang layo niya sa mga generic Wattpad stories. Medyo taboo na rin kasi siya, kahit may iilang mga stories na gaya nito sa Wattpad.
It would be a general fiction disguised as Romantic story. Medyo PG-13 siguro siya, bit not because of sexual scenes (although baka mayroon siya but it would be for a cause). It would tackle different issues na kadalasan, hindi nata-tackle sa Wattpad. My goal for this story is to change the people's perspective regarding these topics. Plano kong sampalin sila ng realidad. I wanted them to become aware of these societal issue.
Although medyo nahihirapan ako sa pag-execute nito, I badly want to write this story, and hopefully... Magawa ko siya.
Well, so far, iyon lang ang plano ko... Hahahaha. I know, wala kayong matututunan rito dahil pure kwento lang siya. Mukha lang siyang isang #ShareKoLang episode ni Maju. Hahaha. However, I don't want you all to leave empty-handed which is why I'm going to tell you these things:
First, don't be afraid to become resilient in the society.
I know that we all live in a world na may isang sinusundan na sistema. We live in a world divided by religion, races, and other beliefs. We live in a world where there are rules that should be followed to become accepted by the norms. However, hindi mo naman kailangan sumunod sa mga norms. NEVER change yourself para lang makibagay sa society because the truth is: The societal norms are created for the people on top to stay on top. They are created para ipakita sa atin that they are superior, and that we should follow them to be accepted.
Nasa sa iyo naman kung ano ang gagawin mo: It's either you conform with the rules as you lose yourself in the process, or you can be deviant and fght for what you believe in.
Disclaimer: I am not saying that you should literally break every rule that you see. I'm only saying that if you think that the rules is impeding your human rights, then you should not follow it.
Second, never lose hope on your dream.
There are times kung saan wala sa side mo ang universe. There are times kung saan parang instead na ilapit ka ng mundo sa iyong pangarap, mas inilalayo ka nito. But that doesn't mean that you should give up on your dreams. That doesn't mean that you should stop fighting!
Ako, why do you think would I still waste my time on writing stories that may or may not be finished? Why am I still writing despite the failures that I've experienced? Simple. It's because of my vision as a writer.
Yes, the universe might be giving me a hard time on achieving my dreams. Yes, it would be easier to just give up and throw that dream into the trash bin. But you know what? I'm not gonna do that. I will never do that.
Yes, time will come kung saan lalamunin ako ng aking failures, until such time na gugustuhin ko na lang muna na magpahinga sa pagsusulat. It happened once, after all, and I know that it will happen again. But just like how I gave up on writing, I know na tulad ng dati... Babalik ako sa pagsusulat. It's because writing is already a part of me, and throwing that part of me meant breaking myself.
So, never give up on your dreams. For there are worse things that could happen to you while reaching your dreams, but giving up would be the worst decision that you'll do in your life. Kung sa bagay, nasa gitna ka na naman. Nahirapan ka na naman. Lahat ba ng paghihirap na iyon, itatapon mo na lang kung saan? Hindi ba sayang?
So, ayon. Share ko lang naman.
Hindi madali ang pagsusulat, just as hindi madali ang pag-abot n iyong pangarap. But always remember that the world may give you a thousand reasons to give up, always remember that you have that one reason to continue. And that one reason is enough for you to take your journey. That one reason is enough for you to reach your destination, and that is the success.
Anyway... Dads, you asked me a question about writing, and it is my great pleasure to ask you about writing as well:
Why did you start writing?
Compared sa mga nauna kong tanong, simple lang iyan, but I want you to show to the readers your reason of writing. The reason why after all these years, hindi ka pa rin sumusuko. Tanong nga ni Pareng Nescafe (beke nemen po, haha), "Para kanino ka bumabangon?", implying that you need to have your reason to live. Kaya ngayon, iyon ang tanong ko sa iyo. Ano ang iyong rason kung bakit ka nagsusulat? Or if you may... Para kanino ka nagsusulat?
O s'ya, laters na lang, at pauwi pa lang kami from Bataan. Ciao ciao, everyone! Love lots~
- Maju
185 notes
·
View notes
Text
DAY 011: Don't Mess with a Missed Opportunity
Miss mo na siya, nami-miss ka ba? Joke. Missed opportunities ang nagbibigay usually sa atin ng regrets sa buhay. Most of the time, we suddenly feel the guilt, we are tormented by our decisions, at nakararamdam ng panghihinayang dahil sa hindi natin grinab ang opportunity na iyon.
At nadadala pa rin natin iyon usually at dinadamdam pa ito. Hanggang sa forever na lang natin itong dadamdamin at we will never look forward to what the future holds for us dahil patuloy tayong nilalamon ng regrets natin sa opportunity na lumipas. We are blinded by those negative thoughts kaya nare-realize nating hindi na pala natin nakikita ang panibagong opportunities na dumarating sa ating buhay. Kaya maganda na we move forward and start anew. See everything with a silver lining *flashback from Day 000 intensifies* at isipin na way ito para mag-grow tayo as a person.
Once again, I want to thank MJ for the another question he has given for today. Hehehe. So here it is... *drum rolls*
What should we do para maiwasan ang mga missed opportunities sa buhay natin?
Well... Hindi naman maiiwasang maging unaware tayo sa ibang mga bagay sa paligid natin due to our different sets of priorities. Or kung minsan, parang binabalewala na lang natin o ipinagbubukas na lang ang lahat, not knowing for something na maaari palang mangyari along the way if we continue to slouch around the corner.
First, we must deal with what life is offering to us. We need to savor the moments happening in our lives. Siyempre, huwag natin itong palalagpasin pa o i-set-aside. Malay kasi natin, iyon pala ang magiging way o pintuan para sa panibagong opportunities sa buhay natin. Baka iyon ang stepping stone o ang ating signal para ihanda tayo sa mga bagay na paparating sa ating buhay. Kung mga pagsubok man ito sa buhay--we know that they will make us stronger and bolder. They come and go, yet they leave something for us to gain.
Pag-isipan din nating mabuti kung para ba talaga sa atin ang opportunity na dumarating sa atin? It's okay to grab opportunities right away, pero sure ka ba once pasukin mo ito? Ito ba ang way para magkaroon ka ng improvements for the betterment of yourself? Magiging secured ka ba right after? Na-mention ko nga sa isa sa mga nauna kong blog entry na hindi sa lahat ng bagay, we succeed to the path of opportunity we chose. What if pagsisihan mo ang tinahak mong path dahil na-realize mong hindi ka pala masaya rito? What if wala rin palang kapupuntahan ang lahat? What if ang nai-offer sa iyo ay parang too-good-to-be-true na? Ipapasok ka sa isang business na kung saan puwede kang kumita nang malaki sa unang pasok pa lang? You must think twice if it's too much--as fate or some people around are maybe trying to swindle you. Remember: Life. Itself. Is. A. Series. Of. Scam.
Katulad ng isang test paper na sinasagutan, pag-isipang mabuti ang bawat hakbang or desisyon na gagawin bago ipasa ang papel nang may sagot na. You cannot revert back everything by correcting mistakes once the test paper has been submitted and checked by the teacher.
Isa rin siguro sa dapat nating gawin ay ang... *Sighs*
Bawas-bawasan ang pagpo-procrastinate. Hayy... Pero ayown, may gusto pa sana akong sabihin at i-elaborate, pero tinatamad na ako ngayon. Puwedeng mamaya na lang? Hahaha.
Wait lang... Iko-quote ko lang ito; on behalf of MJ na rin (kaisa ko rin siya para dito).
"Puwedeng mamaya na lang?"
- Maju and Joco, 2020
At ayown nga. But eniweyz, back to the main topic... Yeah, I'm guilty of that. He's guilty. You are guilty. EVERY. ONE. OF. US. IS. FRIGGIN'. GUILTY.
Totoo naman kasi, nakakawala ng drive at motivation ang paggawa sa mga task na alam nating napakabigat--na alam naman nating hindi tayo nag-e-enjoy, pero kailangang gawin. Mas nakapagpapahirap pa nga ang mga tukso, diversions, at distractions na maya't maya ang kalabit sa atin para sila ang i-entertain at iwan ang mga task na dapat talaga nating tapusin. Ito 'yong tinatawag na guilty pleasures; we are guilty doing these stuff, but we still continue because we didn't feel bored. And the result: naipagpapabukas na lang natin ang mga importanteng mga gawain dahil alam naman nating matagal pa ang deadline. Okay lang naman na i-divert muna ang sarili sa ginagawang task for a short span of time. Pero ang paabutin ito hanggang sa araw before ng deadline... Uh, oh... We're ded.
Kung sanang marami tayong nagawa sa oras na ibinigay kaysa sa sayangin ito. Kung sanang naging mas productive tayo, 'no? Opportunity na rin naman ito para mas mapaganda or ma-improve pa ang tasks na ibinigay sa atin. If we spend most of the time slouching around, we will never shed a light. Parang nag-aabang ka nga ng masasakyang jeep, pero noong may dumaan naman ay hindi mo ito pinansin at nilagpasan ka lang imbes na pumara.
Tayo mismo ang gagawa ng hakbang para makamit natin ang opportunities or ang goals na gusto nating mangyari sa buhay. Because let's deal with it, guys. If we continue to unleash our inner Juan Tamad within ourselves--'yong tutunganga na lang at hihintaying mahulog ang prutas mula sa puno. At kung ganoon ang mangyayari, baka abutin na natin ang year 3001 bago pa mahulog ang prutas sa bibig natin. Magiging useless ang efforts (well, kung nag-effort talaga). Walang mangyayari at walang opportunities na darating sa ating buhay if we didn't make a move from the start.
Hindi lang dapat tayo puro "Sana, ganito rin ako", "Sana, mangyari din sa akin iyan." Hindi lang dapat puro "Sana all!" kung nakikita nating may nangyayaring maganda sa buhay ng ibang tao. If in the first place, we are capable to make things better in our own ways. It takes hardwork and determination if you want to achieve something, not fortune and luck. Ang sabi nga sa kanta ni Olivia Newton-John: "Let's get physical." Iunat ang mga kamay! Ipadyak ang mga paa! Galaw-galaw rin 'pag may time. (So ayown, puwede na ata akong maging Zumba instructor. Hehe).
We must have a keen eye for seeking opportunities. Maging mapanuri, mapagmatiyag, mapangahas (Matanglawin!). Dahil ang sabi nga rin nila, golden opportunity comes to the person who is having a heart of gold.
So MJ, here's the another question that you need to answer. I'm looking forward to your response:
Ano ang gusto mong simulan sa iyong writing journey sa taong ito?
That's all for today! Sana ay may natutunan kayong muli sa aking entry ngayong araw. We hope to see you again!
- Josh
P.S. Abangan n'yo po ang ire-release na aerobic exercise DVD ko na #JoshStayFit. The copies will be soon distributed to different record stores nationwide.
0 notes
Text
DAY 010: Crying over M-I-L-K
I know ilang beses ko na ito sinabi, but still, patuloy at patuloy ko pa rin ito sasabihin. Ang bawat araw sa buhay natin ay maituturing natin na oportunidad sa buhay. Karamihan sa atin, alam na ito. Pero siyempre, gusto ko lang ito ulit-ulitin at ipagdikdikan diyan sa inyo na ang bawat araw ay oportunidad para mag-improve! Karamihan kasi sa atin, alam ito, pero hindi lahat, nakaaalala.
Ano ang missed opportunity sa buhay mo na hanggang ngayon ay pinanghihinayangan mo pa rin?
Ito ang tinanong ni Dads sa akin kahapon at tanong na kinakailangan kong sagutin ngayon. Hahaha. And that’s right, Dads! Hindi naman ako natakot sa tanong mo. ‘Cause I already braced myself, if you know what I mean. Hahaha.
To answer Dads’ question, marami. Ilang beses ko na sinabi sa inyo na ang bawat araw ay opportunity at kung hindi ninyo alam, isa ako sa mga tao na hilig ang mag-procrastinate. Mahilig akong ipagpa-bukas, or ipagpa-next week ang mga gawain ko, which is why I’m telling you, guys... To say na marami na akong missed opportunity sa buhay is an understatement. Kung may piso lang ako sa bawat oras na nasayang sa buhay ko, siguro ay maili-libre ko na kayong lahat ngayon! Hahahaha.
However, pinanghihinayangan ko ba sila? Nanghihinayang ba ako sa lahat ng opportunities na dumaan sa buhay ko at lumipas lamang? Somehow, yes. Siguro, nandoon ang pagsisisi ko dahil I could’ve used those days better. Sana naging mas masipag ako at nakagawa ako ng maraming task instead of just watching random videos or just chillin’. Sana mas chill ako ngayon kung iyong mga ilang araw na wala akong ginawa, nagamit ko. Pero tapos na, eh. Past is past. Sabi nga nila, ‘di ba? It’s no use crying over spilled milk (Hindi lang milk, kahit tubig, juice, o kape! Kahit Starbucks pa iyan! ‘Wag mo iyakan! Ritskid ka naman!).
Ganoon naman kasi lagi. Whether we like it or not, parte na ng ating buhay itong missed opportunity. Iyang mga iyan, darating at darating iyan. Nasa sa iyo na lang kung papaano mo ito iha-handle. Maglulupasay ka na lang ba niyan at iiyak magdamag dahil sa iisang missed opportunity, or would you just rub those tears on your cheeks, stand up, and get on with your life? Well, of course, you should do the latter!
Think of it like this. Sa pagmumukmok mo over that missed opportunity, you could lose your time, and itong oras na ito... This could be another opportunity to improve yourself, yet, look at what you’re doing. You are wasting that opportunity to do better! Kung gaano ka katagal nagmumukmok, ganoon karami ang oportunidad na sinasayang mo!
And I am not telling you to not become a human, na whenever you experiences failure, wala kang karapatan magmukmok o malungkot. What I am trying to take is that make every minute count. Of course, you can take a moment! Pero ‘wag na ‘wag kang mamumuhay sa nakaraan! Huwag na huwag mong sasayangin ang oras mo sa past! Because time are invested not in your past but in your future.
Siguro, rest for a while. Take a day off or two. But that’s it! After taking your day off and maybe, reflecting on what you’ve done wrong or how you can do better... Start improving yourself right away! Dahil sa totoo lang? Hindi madali ang pagi-improve. Sobrang hirap. Lalong-lalo na dahil improving yourself means pushing yourself beyong your limit.
Siguro, the best way to do is to plan things ahead. If Plan A didn’t work, there are still twenty five letters in the alphabet. Mayroon pang Plan B, Plan C, Plan D, hanggang Plan Z! At kung hindi nag-work lahat? Shift ka na sa numbers! Plan 001... Plan 002... Tignan ko lang kung hindi mo ma-reach ang success mo bago maubos iyang numbers na iyan! Hahaha.
Basta don’t lose hope. Missed opportunities can be a pain in the ass, but someday... These missed opportunities will make a great story. These missed opportunities will make the story of your success become more beautiful.
Medyo short lang siya, but hopefully, mayroon kayong natutunan dito. Hahaha. For my next question kay Dads, it is connected with his question sa akin ngayon.
What should we do para maiwasan ang mga missed opportunities sa buhay natin?
Iyon lamang po at maraming salamat, and nga pala... Happy 10th day sa atin! Dalawang digit naaaa! Sana ay magtuloy-tuloy ito. Hahaha. Ciao ciao!\
- Maju
1 note
·
View note
Text
DAY 009: Doubts, doubts, doubts...
I know, medyo late na, pero ang saya lang! Nakaka-isang linggo na kaming nagsusulat at nagpo-post para dito sa Misfitted Mishaps. Yehey! Napakalaking achievement na ito para sa amin. Cheers for us, MJ! Hohoho!
New beginnings... Ito rin ba ang panibagong pagkakataon para mag-doubt muli sa ating sarili? I don't think so.
May sinabi ang professor namin sa Ethics kahapon habang nagdi-discuss siya for our first meeting this year: "Begin with the end in mind." Wala lang, #ShareKoLang ang sinabi niyang ito sa amin kahapon kahit wala itong connection sa topic ngayong araw na ito; trip ko lang namang ilagay. Dejk. Pero may point naman ang sinabi ni sir sa amin--simulan natin ang mga bagay na alam natin ang patutunguhan nito. There's should be an endpoint to our path we are taking right now. Mayroon nga bang destinasyon sa bandang huli ang goals na sine-set natin sa simula pa lang? Well, kung trip-trip mo lang naman na bumiyahe, tapos hindi mo pala alam ang iyong pupuntahan, parang nagsasayang ka lang ng gas--ng pera--ng lakas, at pati na ang iyong panahon dahil wala ka palang direksiyon na sinusundan mo. It's just useless; your efforts will be just put into vain.
Sadyang pinahaba ko lang ito para ma-reach ko ang target word count. Kaya pagpasensiyan n'yo na kung medyo sabaw lang po ako ngayon (bukas at magpakailanman). But eniweyz... Back to the main topic. Here's the (killer) question MJ has given me for today:
Dumating ka na ba sa point kung saan nagsimula mong isipin kung mas mabuti bang sumuko na lang sa isang bagay? Ano ang ginawa mo dito?
Actually... Yes. Dumating na ako sa point na iyan sa aking buhay, but not to the point na naisipan ko nang sumuko. Which is a good thing, I guess? Pero nakaramdam ako ng doubts ko sa sarili ko--I do begin to ask myself if I am worthy to the path I choose.
Siguro, dumating ang time na iyon noong nawalan ako ng gist sa pagsusulat for a certain period of time. Well, it do happens for most of the time, pero hindi ko in-expect na ganoon pala ito katagal. Ito 'yong time na after ma-release ang first-ever self-pub na solo book ko. Pero masaya ang feeling dahil nagkaroon na ako ng solo book na novel- length (from how many times na nasama sa compilations and anthologies ang short stories ko). But later on ko lang siguro na-realize na parang may kulang pa rin kahit ilang months na akong nag-effort for this project. Para bang hindi ako nakontento sa kung ano ang mayroon ngayon ang book na pinagbuhusan ko ng panahon sa loob ng ilang buwan. Parang pilit; half-baked kumbaga. And... BOOM! Doon nagising ang doubts and anxiety ko kung talaga bang worth-it bilhin at basahin ang story ko? Iyon din, nakaramdam ako ng kaunting kahihiyan sa sarili ko. I was confident before. Pero nasaan na ang confidence na iyon? Wala na, nilamon na ng doubts sa sarili ko.
Nilamon ng doubts. Kinuwestiyon ang sarili kung worthy pa ako bilang isang manunulat. Iyon ang sumabay pa sa OJT that time na umubos din ng oras ko at panahon--'yong tipong mas kinabog pa nila ang Girltrends sa pagiging synchronized. Iyon ang dahilan kung bakit tuluyang nawalan na ako ng time sa pagsusulat at ito rin ang lumamon sa oras ko. Kahit sa school lang mismo ang OJT, para akong nasa ibang mundo. Parang hindi ako estudyante na pumapasok para mag-aral, kung hindi para magtrabaho. Tapos, hindi pa nga ako masiyadong nagkaka-free time. Hindi na ako nakakabisita ng library kung saan ibinubuhos ko noon ang free time ko sa pagsusulat. At hindi tulad noong nag-aaral pa ako at hindi nag-o-OJT, napaka-flexible pa ng oras ko. Kung mayroon man ay sobrang pagod ko na ay nawalan na ako ng ganang magsulat at mag-isip ng ideas. It's like I dedicated my entire five months for being chained, for the sake of accomplishing my 500 hours. Kaya nawalan na ako ng time na mag-isip, magmukmok, at magmuni-muni para maibalik ang motivation at creative juices kong drained na drained sa utak ko.
So, I decided to restart everything from scratch. In-edit at ni-rewrite ko ulit ang first volume ng story na sinelf-pub ko, kahit ilang beses ko na rin pala iyong ni-rewrite--nagbabaka-sakaling maibalik ko ang drive ko sa pagsusulat. Pero in-ensure ko nang iyon na ang magiging last revision at editing sa story na iyon, maging better man o hindi. #AyukuNa... Dejk.
Napagod. Na-realize ang pagkakamali. Natuto. Doon ko na-realize that there is no perfect story ever written. Despite the polishing and fixing the stories we are writing, everything comes with flaws, kahit ano pa man ang gawin nating efforts. Kung palagi nating tutuldukan ang mga mali--although may improvements man--pero never tayong mag-go-grow sa craft natin. Parang tumatanda pa nga tayo nang paurong. At totoo nga naman, mas maganda na maipakita ang improvements natin sa panibagong stories na isusulat in the future; doon mas magandang i-focus ang pag-grow natin.
Kung may DDD itong si MJ (dream, drive, determination), masasabi kong may version din noon na natutunan ko mula sa mga pinagdaanan ko in the past. DDD stands for: Dingdong Dantes. Err... Corny.
What I mean is, DDD also stands for dream, drop, and distance (this sounds like a video game title).
First, I continued dreaming--to daydream, rather. I often find myself lost in thoughts to find what is lost to me. Nawala man ang drive ko noon, pero patuloy pa rin akong kinukulit ng magulo kong isipan. Patuloy kong in-entertain ang mga katanungang bumabagabag pa rin sa akin. Patuloy akong nagpakalutang upang mahanap ko muli ang inspirasyon ko sa pagsusulat ng mga kuwento. Nagbaka-sakali at humiling na maibalik iyon.
I also dropped my negative thoughts about everything. Wala naman kasing mangyayari kung patuloy akong magpapakalunod sa insecurities at doubts na ako mismo ang gumawa. I would just degrade myself sa halip na makatulong pa sa aking self-improvement. Ako lang din naman ang nagda-down sa sarili ko. Kahit na-realize ko na may mga tao palang naniniwala pa rin sa akin. And I'm very thankful for that. Nagpapasalamat ako sa kakaunting bilang ng mga taong parating nandiyan para tulungan ako through my ups and downs in life.
And last but definitely not the least, I tried to distance myself from my usual routine and atmosphere. Tinry kong huminga nang malalim upang makapag-isip-isip. Kahit papaano, sinubukan kong maglibot at lumabas ng bahay para makahanap ng inspirasyon sa pagsusulat. Sinubukan kong pag-aralan ang mga taong nasa paligid ko--habang nasa jeep--habang nasa pampublikong lugar. Totoo nga, masaya pala na lumabas sa sarili kong box. Masarap sa feeling na may nalalaman kang bago sa paligid mo. Akalain n'yo bang buntis pala si Ganito? Tapos, may jowa na pala si Ganiyan? Dejk.
Nagpapasalamat ako na bumalik din ang drive na iyon sa pagsusulat ko. Patuloy pa rin sa pangungulit ang story ideas na kusang lumalabas sa utak ko. Natapos ko rin ang editing sa story na iyon (after almost one year! Hahaha). At may panibagong mga drawing ulit ako para sa taong iyon.
May love-hate relationship kami ng pagsusulat. Alam kong may times na tinotoyo siya at nagtatampo. Well, that's life. You may experience joy and sorrow at the same time. Kaya gina-grab ko na ang opportunity na dumarating para sulitin habang nasa good mood pa siya.
Hay... Feeling ko, na-drain talaga ako nang todo sa araw na ito. Nag-laboratory kasi kami for almost five hours, at inubos talaga nito ang energy ko sa buong araw. Pero thankful ako dahil na-survive ko ang araw na ito. YEY!
And as usual, it's payback time! Ikaw naman, MJ ang tatanungin ko. So. Brace. Yourself. Bwahaha!
Anyway, here's my another question for you:
Ano ang missed opportunity sa buhay mo na hanggang ngayon ay pinanghihinayangan mo pa rin?
Well, that's all, folks! Salamat sa patuloy n'yong pagsubaybay sa aming kasabawan in life and everything in between. Ako muna po ay pansamantalang mamamaalam sa inyo, lalo na at kailangan ko na ring matulog mayamaya. Paubos na rin kasi ang chakra ko for today, kaya kailangan ko nang mag-recharge. Buh-byeeee!
- Josh
0 notes
Text
DAY 008: Hit you with the DDD!
Truth be told, hindi pa rin talaga nagsi-sink in sa akin na isang taon na naman ang nagdaan at panibagong taon na naman ang nagsisimula. Mapapansin ninyo ito dito sa blog na ito na not once, hindi pa ako nag-greet ng Happy New Year (hindi ba? Tingin ko, hindi pa, eh. Hahaha. Hindi ako sure). Anyway, siguro ganoon talaga. Isang linggo pa lang naman kasi ang nakalilipas magmula noong mag-2020.
Year 2020. Panibagong taon. Panibagong dekada. Isang bagong simula. Isang panibagong taon na naman na punong-puno ng oportunidad sa buhay. Para sa akin... Napaka-perfect itong simula ng taon na ito para sa mga taong gusto magsimula muli. Kasi andaming bago (pati siya, mayroon, jk.)
Speaking of simula, hindi naman lingid sa kaalaman natin ang isang tradisyon tuwing bagong taon--isang tradisyon, hindi lang nating mga Pinoy kung hindi pati na rin ng mga iba’t ibang bansa. Ito ay ang tradisyon na New Year Resolution.
Konektado rito ang tanong ni Dads sa akin:
Ano ang mga dapat nating gawin para matupad ang bawat New Year’s resolution sa buong taon?
Karamihan sa atin, mayroong New Year Resolution na naman. Panibagong new year resolution na tutuparin sa mga sumusunod na linggo pero ititigil din naman pagdating ng ilang buwan. Hahahha. Jk.
Pero seryoso, hindi ba ganito naman tayo? Sa una, gagawin natin ang ating mga resolution. Mage-effort para tuparin ito, pero pagdating ng ilang linggo... Boom! Makakalimutan na natin, o hindi naman kaya ay pipiliing kalimutan.
Mahirap nga naman kasi. Mahirap itigil ang mga bagay na matagal mo nang ginagawa. Mahirap simulan ang mga bagay na noon naman, hindi mo talaga ginagawa. Mahirap ang pag-accomplish ng isang task Mahirap. Mahirap... Pero hindi ibig sabihin noon ay susukuan natin.
Kanina sa Accounting subject namin, may ibinanggit ang professor namin. Ito ay ang tatlong “D” para sa pag-abot ng pangarap. Habang sinasabi niya ito, hindi ko maiwasang isipin na maaaring ito ang sagot sa tanong ni Dads sa akin. Ang tatlong “D” na susi sa pangarap. Ito ang mga iyon:
Ang pinaka-unang D ay Dream. Sinabi niya sa amin na mangarap kami at tama naman siya. Dito nagsisimula ang lahat: Nagsisimula ito sa isang pangarap.
Tanungin mo ang sarili mo. Bakit mo gustong tuparin itong New Year Resolution mo? Ano ang dahilan kung bakit mo ito ginawa in the first place? Ginagawa mo ito para makamit ang isang bagay, at itong isang bagay na iyon ay ang iyong pangarap. Halimbawa na lang ay ang New Year Resolution mo ay ang pag-punta sa gym. Bakit mo ito ginagawa? Para lang ba gumanda ang katawan mo? Pero bakit gusto mong lumaki ang katawan mo? Siguro para mapansin ni crush. Para mapansin ni crush! Ito! Ito ang pangarap mo!
Ang paggawa ng isang bagay ay para rin kasing paglalakbay, na mas madali ang daan kung alam mo kung saan ka papunta. Itong pangarap na ito ay magiging destinasyon mo. Itong pangarap na ito ay magiging motivation mo sa iyong paglalakbay. Kung kaya mangarap ka. Mangarap ka!
Ang pangalawang D naman ay Drive. Madalas kasi, hindi sapat ang pangarap. Kailangan mo ng drive! Kailangan mo ng push o puwersa na tutulong sa iyo para sa pagtupad ng pangarap mo.
Mahirap tuparin ang New Year Resolution, lalong-lalo na kung wala kang ginagawa kung hindi magpakahirap at pakiramdam mo, wala naman talagang saysay ito. Darating ang pagkakataon kung saan mawawalan ka ng motivation hanggang sa ma-burnout ka. Hanggang sa next thing you know, sinukuan mo na pala ito.
Halimbawa na lang ay ang New Year Resolution mo ay ang pag-aaral ng mabuti. Ano ang pangarap mo? Bakit mo ginagawa ito? Siyempre! Gusto mong gumraduate ng with flying colors kaya mo ginagawa ito! Pero minsan kasi, kapag nakatingin lang tayo sa destinasyon, hindi ito sapat. Nawawalan tayo ng sense of fulfillment, na para bang tingin natin, puro na lang tayo pahihirap para lang maabot ang isang bagay na iyon lang. Is it really worth it? Ano ngayon kung nakuha mo ito? Ano ngayon kung hindi?
Mayroon na tayong destinasyon. Ang kailangan na lang natin gawin ay humugot ng lakas para puntahan ito. Sa halimbawa ko kanina, siguro magandang drive para matupad ito ay ang pagbibigay mo ng reward sa iyong sarili. Halimbawa na lamang ay every month, magkaroon ka ng isang araw ng pahinga kung saan maaari mong gawin ang lahat ng gusto mong gawin na walang iniisip na pag-aaral. Pero gagawin mo lang ito kapag tingin mo, nagpakabuti ka sa pag-aaral.
Magandang drive ang pagbibigay ng reward. Nakaka-fulfill lang at pakiramdam mo, deserve mo iyon. Nakaka-motivate kasi alam mo na kapag pinaghusayan mo ay may matatanggap kang gantimpala para sa sarili mo.
Pangatlo naman at huling D ay Discipline. Siyempre, kailangan mo ng disiplina sa sarili mo. Kung gusto mo ito, paghirapan mo! Kung nahirapan ka, ‘wag kang susuko! Hindi naman por que kaya mong sumuko, susuko ka na. Dahil kung susuko ka nang susuko, papaano na lang uunlad ang sarili mo?
Halimbawa... Kung ang New Years Resolution mo ay bawat araw o hindi naman kaya ay bawat linggo ay gagawa ka ng paraan para ma-develop ang talent mo. Siyempre, andoon ang oras kung saan iisipin mo... P’wede naman akong magpahinga na lang muna, kaya bakit ko gagawin ito? Pero siyempre... Kailangan natin ng disiplina.
Tulad ko na lang. Sa totoo lang, nahihirapan ako. Nahihirapan ako na kapag buong araw ako mag-aaral, tapos pag-uwi ko, kailangan ko pa magsulat nito. P’wede naman akong magpahinga na lang muna. Mag-phone. Manood. Matulog nang maaga. Pero bakit ngayon, nandito pa rin ako, magha-hatinggabi na, nagsusulat pa rin? Ito ay dahil sa disiplina. Dahil alam ko sa sarili ko na makatutulong ito sa pagpapa-unlad ng writing skills ko. And who cares kung mahirap? Hindi ko ito susukuan kasi alam kong may maidudulot na mabuti ito sa akin. May magagawa ito para sa akin.
To make the long story short, ang susi lang siguro para matupad ang New Years Resolution mo is kung may determinasyon ka. Kung gaano ka ka-resilient sa mga hirap at pagsubok. Oo, hindi madali, pero lagi mong tatandaan kung para saan mo ba ito ginagawa. Ginagawa mo ito para sa sarili mo. Ginagawa mo ito dahil gusto mo baguhin ang sarili mo. Dahil gusto mo na mas maging better person ka this coming decada.
Kung kaya naman ay ‘wag kang susuko. Continue on dreaming. Find your drive. And always have a discipline. Iyon lamang po, hehehehehe.
Anyway, ito ang sumusunod kong tanong sa iyo, Dads:
Dumating ka na ba sa point kung saan nagsimula mong isipin kung mas mabuti bang sumuko na lang sa isang bagay? Ano ang ginawa mo dito?
Naisip ko kasi, lagi na lang tayong simula ng mga oportunidad. Kung kaya naman ngayon ay nais kong malaman ang simula ng mga pagsubok mo, at kung papaano mo ito nalagpasan. Marahil kasi ay may mai-share ka sa mga readers kung papaano ang isang masalimuot na pangyayari ay magbigay ng oportunidad para sa magandang buhay.
O’sya, ako’y matutulog at maaga pa ako punta ng school tomorrow. Ciao ciao!
- Maju
0 notes
Text
DAY 007: An Unexpected Chit-Chat
Sobrang unexpected (pun intended) po ng tanong na ibinigay sa akin ni MJ ngayong araw na ito. Hindi ko man lang ito in-anticipate. Pero, game! Sasagutin ko iyan.
Ano ang hindi mo inaasahang pangyayari sa iyong buhay? Ano ng nangyari dito at papaano ito naging simula ng pag-unlad ng iyong sarili?
Nasa elementary pa lang ako noong nahilig ako sa pagdo-drawing. 'Yong tipong sa halip na lectures ay puro drawings ang makikita ninyo sa loob ng notebook ko. Hahaha! Sa halip din na makinig sa discussion ng teacher namin o magsulat ng lecture, inuubos ko na lang ang oras (at ang mga papel na gamit ko) sa buong klase sa puro drawing. Isa pa nga sa memorable na pangyayari na naaalala ko ay noong nasa Grade One pa lang ako--nasa dulo kasi ang inuupuan ko that time. Sa likod ko rin ay naroon ang mural paintings. Tapos, heto ako at tamang vandalize lang sa mga iyon; doon ako nagsimulang mag-drawing ng mga kung ano-ano sa pader. Napagalitan din ako ng teacher namin. Kaya bago mag-end ang klase, pinabura sa akin lahat noong mga kababalaghang ginawa ko sa pinakamamahal na mural paintings ng classroom namin.
Noong time na ring iyon ako nagsimulang mag-visualize mula sa characters na dino-drawing ko at naisipang gumawa ng scenes out of them--na malamang ay inspired sa anime at cartoons na pinanonood ko noon sa TV. Sa kalikutan ng aking imagination, na-visualize ko ang characters ko bilang mga batang may kaniya-kaniyang abilities, tapos ay nag-aaral sila sa isang school kung saan binibigyan din sila ng mga misyon sa iba't ibang lugar. Na-visualize ko pa ang mga dino-drawing ko na magiging anime series.
At... nadala ko pa rin naman iyon hanggang ngayon. Kahit ano, basta papel na lang ang pinagdo-drawing-an ko: bond paper, construction paper; kahit na paper bag mula sa mga pinamili, walang takas sa akin iyan.
Katulad din ni MJ, ginagawa ko ring mga actor sa play ko 'yong mga laruan sa bahay namin. Maski 'yong Barbie at Bratz dolls ng mga kapatid ko ay pinakikialaman ko na at sinasali na rin sa shooting na ginawa ko.
Grade Five naman ako noong bigla akong i-train para isali sa Press Con (or 'yong contest for Campus Journalism). Sa totoo lang ay wala akong kaalam-alam sa mga gagawin ko that time, dahil para lang akong napag-utusan na bumili ng Magic Sarap sa tindahan. Hindi ko in-expect na masasali ako sa ganoon. Lalo na at kasabayan ko sa category na iyon ang class valedictorian (or salutatorian? Hindi ko na maalala, pero ang alam ko, mataas ang place niya sa Top 10) ng Grade Six. It was soooooo frustrating! Parang gusto kong umiyak, sumabog, at sabihin ang masasamang words. Just kidding!
But eniweyz... na-realize kong masaya pala. Marami akong natutunan noong sumabak na 'ko sa Journalism. Kaya nagpapasalamat ako sa aming teacher coach; she taught us and let us lead the way. She showed us the beauty we possess inside (now, sing with meh!). Pero kahit ganoon, sa unang sabak pa lang ay nakakuha rin naman ako ng fifth place; hindi na masama iyon, hindi ba?
And my journ-ey continues noong nag-high school na ako. Nagpatuloy pa nga iyon noong naging part ako ng school paper organization namin; sumasali pa rin naman ako sa Press Con. From Editorial Writing na category ko from Elementary ay nag-shift ako sa Features. Tapos, noong nasa last year ko na sa high school, nag-Science and Technology Writing naman ako. Sa time na iyon, mas lumawak ang kaalaman ko sa pagsusulat ng articles. Mas lumawak pa nga ang mundo ko. Doon ko masasabing mas nag-boom ang interest ko sa pagsusulat. Doon ko unang naranasan ang madapa, bumangon, at mag-succeed. Doon ko masasabing mas naging productive ako sa buong high school life ko.
Sa totoo lang, hindi ko in-expect na hahantong ako sa pagsusulat ng mga kuwento. 'Yon ngang pagsali nila sa akin sa Press Con, unexpected na para sa akin; 'yong tipong kapapasok ko pa lang sa school, tapos sasabihan ako ng teacher ko na isasali raw nila ako roon. Parang basta na lang akong tinangay ng hangin. I also didn't expect na magkakaroon ng synergy (wow, what a word?) ang imaginative side ko sa pamamagitan ng aking drawings, at 'yong pagsusulat ko rin ng articles sa school. Parang aksidente lang ang mga pangyayari--unplanned--hindi ko inasahan. Ang hirap i-explain? Hahaha. Kahit siguro ang Theory of Relativity ni Einstein or 'yong Big Bang Theory, hindi ma-e-explain kung gaano magiging komplikado ang lahat ng ito. Hindi ko aakalaing mas magiging tutok ako sa pagsusulat habang patuloy ako sa pagtahak sa buhay na ito. Pero ang sabi nga naman nila, mas natutuloy pa ang mga plano at lakad kapag biglaan.
I didn't ask for it, but they gave it anyway. Ang oportunidad na ito ay bumulaga na lang out of thin air. Pero sa kabila noon, ang opportunity na ito ay naging way para mas mag-grow pa ako at maging passionate sa pagkakataong ipinagkaloon sa akin. Mas nabigyan ako ng panibagong outlet para mailabas ang mga saloobin at insights ko sa buhay. Kung hindi rin dahil doon, hindi ako mabibigyan ng chance na makapagsulat dito.
"Asahan na natin na may plot twist ang buhay, pero sa bagay o pagkakataon na hindi natin inaasahan doon darating."
May opportunities na dumarating na hindi natin inaasahan; para ba itong magnanakaw na basta-basta na lang papasok sa bahay at surprise na lang na bubulaga sa atin. Mga ibang tao na hindi pa rin malaman ang purpose nila sa buhay--hindi pa rin malaman ang kanilang kakayahan. Pero hindi ibig sabihin noon na wala na silang halaga sa mundong ito. Sadyang patuloy pa rin naman nilang hinahanap ang mga sarili nila. O may ibang katulad ni Queen Elsa noon na natatakot i-let go ang mga potential nila dahil sa takot at insecurities na nararamdaman nila. Katulad din ng sinabi ni MJ, may purpose at lugar tayong lahat sa mundong ito. Kaya patuloy nating hanapin ang purpose na iyon--malay naman natin, nasa harapan mo na lang iyon mismo.
And doon nagtatapos ang aking blog entry sa ngayon. Para maiba naman, hindi muna personal na question ang itatanong ko kay MJ (peace yow!). Hohoho. But here it is, anyway:
Ano ang mga dapat nating gawin para matupad ang bawat New Year's resolution sa buong taon?
So, ayown lang po sa ngayon. Sana ay may natutunan kayo sa araw na ito mula sa aking blog entry. Looking forward kami na makita pa kayo sa susunod. *Insert Goku's voice* Hanggang sa muli, paalam!
- Josh
0 notes