moniqueallyssajoiceblog · 5 years ago
Text
PAGSUBOK NA KINAKAHARAP NG MGA ESTUDYANTE AT GURO SA PANAHON NG PANDEMYA
Tumblr media
ANO AT PAANO NAGSIMULA ANG ONLINE CLASS:
Ang ONLINE CLASS ay isang plataporma ng pag-aaral kung saan ay idinadaos sa pamamagitan ng paggamit sa internet, at ang estudyante ay di na kinakailangang lumabas pa ng bahay upang magtungo nang personal sa klase at makaharap ang guro at mga kamag-aral.
Nang magkaroon ng lockdown sa mga bansang apektado ng COVID19 Crisis, nakapagpatuloy pa rin ang mga estudyante mula elementarya hanggang kolehiyo  sa kanilang pag-aaral gamit ang computer.
Sa Italya, sa kabila ng lockdown noon, ay nakapagdaos ng klase ang mga guro sa itinakda nilang araw at oras, at nakatulong ang mga magulang dahil sila man ay nasa bahay lang noon at di nakapagtrabaho o kaya naman  ay work-at-home din kaya may panahong sapat para gabayan ang kanilang mga anak.
Bagama’t iba pa rin ang atmospera ng isang silid-aralan kung saan ay may personal na interaksiyon sa pagitan ng guro at mga estudyante , kailangan na lamang gawing mas masigla, epektibo at imperatibo ang paraan ng pagbabahagi ng aralin upang ang mga bata ay magkaroon ng pokus at ibuhos ang kooperasyon.  Kaya masasabing trending ang online class ngayon at isa ring matinding hamon para sa lahat upang maging matagumpay ito kahit sa panahon ng stay-at-home.
May kakambal din itong hirap para sa iba dahil hindi naman lahat ay may kayang  magkaroon ng internet sa kani-kanilang tahanan kaya ang ginagamit ay ang mga telepono ng mga magulang na may subskripsiyon ng internet o kaya ay pakikipagkomunikasyon gamit ang WhatsApp o Messenger.
Isipin din natin ang kalagayan ng mga mag-aaral kung saan ang kanilang mga magulang ay full-time health worker gaya ng doktor, narses, sanitary workers at iba pang patuloy ang hanapbuhay dahil kailangan kahit panahon ng lockdown. Maaaring mahirapan sila dahil sa walang sapat na panahon ang  mga magulang upang matulungan at matutukan sila sa kanilang online class.
Tumblr media
DAHIL AKO AY ISANG ESTUDYANTE RIN, ITO ANG AKING MGA KARANASAN SA ONLINE CLASS:
Ako ay nasa 3rd year college na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Nutrition and Dietetics. Para sa akin, magandang paraan ang online class lalo na sa panahon ng pandemya para lamang hindi matigil ang mga estudyante sa pag-aaral. Bagama't, kulang sa preparasyon ang DEPED at CHED para dito pero hindi rin sila masisi kasi hindi naman natin inaasahan na mangyayari ito. Masasabi ko na ito ay pagsubok sa mga estudyante lalo na sa akin dahil hindi ako sanay sa ganitong set-up. Maraming nakakaabala sa paligid na mas nakakakuha ng atensyon kaysa sa klase. Lalo ito naging mahirap dahil nasa larangan ako ng medikal na nangangailangan ng praktikal na pag-aaral. Para sa akin, mas nakakapagod ito sapagkat maghapon nakatutok sa laptop or cellphone. Minsan pa ay nawawala ang internet connection at kuryente na isa ring balakid sa pag online class. Hindi lang pagsubok ito para sa mga estudyante kundi para na rin sa mga guro. Malaking pagbabago ito para sa kanila dahil may ibang guro na hindi marunong gumamit ng internet. Kaya naman sa mga estudyanteng nag online class, wag tayo mawalan ng pag asa makakamit natin ang ating mga pangarap. Isa lang itong pagsubok sa atin para mas lalo tayo maging matatag at responsable. Dapat din nating pasalamatan ang ating mga guro dahil naglalaan sila ng oras at mahaba ang pansensya nila sa mga estudyante kahit mahirap ang sitwasyon. Binibigay pa rin nila ang kanilang lubos na makakaya upang maituro sa atin ang dapat nating matutunan.
Tumblr media
TIPS PARA SA MGA NAGOONLINE CLASS:
1.  Kailangan ng maayos na “study area”
Ang pagkakaroon ng maayos na “study area” ay makakatulong upang makapag-aral ng mabuti. Ang isa sa pinakamahalagang kadahilanan para sa pagkakaroon ng nakalaang lugar para sa pag-aaral ay na pinapatalas nito ang isip at nagpapabuti ng konsentrasyon. Ang isang hiwalay na lugar ng pag-aaral ay mas mahusay kaysa sa paggamit ng isang silid-tulugan, kusina o sala. Ang mag-aaral sa isang nakalaang puwang sa pag-aaral ay mas malamang na mapalagay sa gulo ng ibang mga tao sa bahay. Dapat lamang tahimik at walang ibang makakapagbigay ng abala sa mag-aaral habang
2. Magkaroon ng mahabang pasensya at unawain ang guro sa kahit anong pangyayari.
Ang pagkakaroon ng pasensya at pagiging maunawain ang kailangan ngayong online class. Alam naman nating ito ay mahirap kaya naman wag na natin pa masyado pahirapan pa lalo na sa mga guro. Naninibago tayo pati na rin ang ating mga guro. Kaya naman magtulugan na lamang tayo at ipakita sa mga guro ang pagiging maunawain natin at pagkakaroon ng mahabang pansensya. 
3. Gumawa ng isang listahan ng dapat gawin na gagana para sa iyo.
Ang gumagawa ng isang mabisang listahan ng dapat gawin ay nag-iiba mula sa mag-aaral. Para sa ilan, ang paglista sa lahat ng kanilang mga gawain, gaano man kaliit, pinakamahusay na gumagana, habang ang iba ay ginugusto ang pagpapangkat ng mga gawain sa mas malaking mga tipak. Makakatulong ang paglilista ng mga gagawin para hindi makalimutan ito. Isa ring itong paraan upang ipaalala ang responsableng dapat gampanan ng isang estudyante kahit online class lamang.
4. Maglaan ng oras pahinga sa kalagitnaan ng pag-aaral.
Mahalaga ang magkaroon ng pahinga upang magawa pa rin ang iba pang tungkulin. Hindi dapat sinasagad ang sarili sa pag-aaral. May tinatawag na “Pomodoro Technique” na tatapusin mo ang bawat araw na may pakiramdam ng tagumpay sa pamamagitan ng paggawa ng hindi hihigit sa pagtatrabaho sa 25 minutong (tinatawag na mga session ng pomodoro), na sinusundan ng 5 minutong pahinga. Ang pamamaraan ng pomodoro ay popular sa mga freelancer na nais na subaybayan ang oras, mga mag-aaral na nagnanais na mag-aral nang mas epektibo at sinumang naghahanap upang mapabuti ang kanilang sarili sa trabaho o sa kanilang mga personal na proyekto.Ang pamamaraan ng pomodoro ay simple, ngunit napaka epektibo.
5. Mag sulat habang nakikinig sa guro.
Ipinapakita ng pananaliksik na ang pagsusulat sa klase ay nagpapabuti sa pag-unawa sa pagbabasa at nagdaragdag ng pagpapanatili ng impormasyon. Ito ay isang aktibong paraan ng pag-aaral na dapat gamitin ng lahat ng mga mag-aaral, kahit na ang mga nasa online na kurso.
Tumblr media
0 notes