Tumgik
monisitchenchen · 2 years
Text
Magandang Umaga/hapon sa inyong lahat Lalo na sa ating guro na si miss cherry rose exhaure Narito po ako upang malaman niyo Kong ano Ang aking I blog. Ang aking I blog ay tungkol sa kabataan noon at Ngayon. Ang kabataan noon at ngayon ay may maliit lamang na puwang sa kanilang pagkakalayo sa kilos, gawi, ugali, pananamit, damdamin at iba pang bagay. Sinasabing Ang mga kabataan noon ay higit na magalang , masunurin at mabait di-tulad Ng mga kabataan Ngayon. Lubhang taimtim sa pusot isipan Nila Ang kanilang ginagawa sa kabilang dako, Ang kabataan Ngayon ay may mapagwalang bahalang saloobin. Lalong masinop sa pag- aayos Ng katawan at pananamit at lubhang matapat sa pagsunod sa batas Ang mga kabataan noon, Kaya wika nga, Ang kabataan noon ay hubog sa pangaral at kababahang-loob at Ang asal ay pinagmamalaki.
Kaiba naman Ang mga kabataan Ngayon. Mulat sila sa makabagong panahon Kaya higit na maunlad sa pangangatwiran na Kung magkaminsan ay napagkakamalang pagwawalang-galang sa kapwa. Lubhang mapangahas sa mga Gawin at mahilig sa maraming uri Ng paglilibag. Napatayog Ng mga mithiin Nila at higit na maunlad ang tunguhin. Marami Rin Ang magkasimbat at magkasinsipag sa mga kabataan noon at ngayon. Ang kabataan noon at ngayon ay pag-asa Ng bayan natin. Kapwa sila makabayan, mapagmahal, matulungin sa mga kaangkan at may mga mithiin sa buhay. Ang pagkakaina ay ayon sa lakad Ng panahon. Hindi ba't maroon tayong sampung lider na mga kabataan na pinipili taun-taon? Sila Ang saksi sa ating pinakamahuhusay na kabataan noon at ngayon. Malaki ang pinagbago sa mga kabataan noon at sa modernong panahon. Kahit sa ating henerasyon, makikita mo ang malaking pag-angay ng teknolohiya at antas ng pamumuhay kahit ika'y na sa edad na 20 pa lamang.
Para sa akin Ang kabataan noon at ngayon ay masaya noon dahil Ang mga kabataan noon ay mayroong respeto sa kanilang magulang at mas nakakatanda sa kanila at masunurin din sila sa mga utos sa kanilang magulang at higit sa lahat masaya noon dahil hindi ka marunong manglait nang mga tao na may mga kapansanan kumpara sa Ngayon kahit maliit na kapansanan tinatawanan binubuly at mga kabataan ngayon wala nang respeto sa mga nakakatanda sa kanila magaling magsinungaling sa kanilang mga magulang at higit sa lahat Ang kabataan ngayon halos ang mga kabataan hindi na sumusunod sa mga utos nang kanilang magulang dahil maglalaro ng online games nag Facebook Hindi Sila gusto madisturb sa kanilang ginagawa bakit mas masaya noon kaysa ngayon.
Yon lang po at maraming salamat ☺️
1 note · View note