Tumgik
mrowacute · 8 years
Text
NAKAKALUNGKOT
Bakit tuwing may kausap akong miyembro ng kapamilya ko, lagi na lang ako nagdadasal para bigyan ako ng Patience? Tama pa ba yun? :(
0 notes
mrowacute · 8 years
Text
Stress!!
Hayy pambihira naman tong mga katrabaho ko sa event oh, kung di mo pa kakalabitin hindi pa gagalaw. ‘Di man lang nila maramdaman na pag Event ang trabaho dapat laging ready at ginagawa agad ang assignments kasi may biglaang mga ginagawa. At sakripisyo talaga dapat. Lalo ngayon na 1 week na lang. TSSSS Kung kaya ko lang intindihin at gawin lahat ginawa ko na eh, pero kaya nga kasama ko sila para tumulong din.
0 notes
mrowacute · 8 years
Text
HAY
Kung pwede lang ako sumigaw ng malapit sa tenga ng mga kapamilya ko na “Hindi na ko baby!!!!!!!!! Kayang kaya ko na sarili ko!!!!”
Everytime na kinakausap ako ng mga kapamilya ko ramdam ko na baby pa rin ang tingin nila sakin, yun ang pinaka ayoko, nanggagalaiti talaga tenga ko kapag ganun. Ewan ko kung bakit.
Siguro kase sa labas ng bahay nagpupumilit ako na magmukhang independent, pero sa loob ng bahay baby pa rin ang tingin sakin.
Siguro kase sa labas ng bahay nagpupumilit ako na magtunog independent at mature, pero sa loob ng bahay, di ako pinapakinggan kasi baby pa rin ang tingin sakin.
Siguro kase sa labas ng bahay pinapalabas ko ang sarili ko na malakas, pero sa loob ng bahay, sa tingin nila, wala ako kayang gawin kasi baby pa rin ang tingin sakin.
Lahat na lang ng sinasabi sakin, parang sinasabi sakin ng para akong bata. “Oh kaya mo ba yan?” “Wag mo kalimutan to ha” “Kaya mo na ba yan?”
Dahil sa baby ang tingin sakin, di man lang alam ng magulang ko ang mga kaya kong gawin, ilang beses nagpapagawa ng tarp sa iba yung nanay ko, eh Graphic Designer ako. Ang alam lang nila sa TV dapat ako nagtatrabaho pero hindi ako nagtatrabaho dun.
Di ko maiwasan maging emosyonal kapag nasasaksihan ko yung pagtrato nila sakin ng bata. Kapag ganun, di ko talaga maiwasan sumagot ng mataas na boses. Kase maraming nawala sakin nung masyado akong naapektuhan sa pagtrato nila sakin ng ganun, napagod na lang siguro ako.
Nawalan ako ng confidence sa sarili ko, kasi nga baby ang turing sakin ng mga kapamilya ko na dapat sinusuportahan ako sa mga ginagawa ko.
Nawalan ako ng gana na abutin yung mga pangarap ko, kasi parang wala naman ako kayang gawin sa tingin nila. (Which helps me to trust the Lord more).
Nawalan ako ng lovelife, yung babaeng matagal kong pinapangarap tapos naabot ko na sana, kaso dahil nakita nyang ganun ako ituring ng mga kapamilya ko, naisip nya na inaagaw niya ako sa pamilya ko kaya nakipagbreak na lang siya sakin.
Nawalan yung iba ng tiwala sakin sa mga matataas na bagay, kasi nakikita nila na bata ako ituring ng kapamilya ko, parang wala na rin akong kayang gawin para sa kanila.
Ngayon ko sinulat to dahil medyo kalmado ako. Matagal ko na gusto isulat to pero ngayon ko lang naalala at ang tamang panahon siguro. Di ko alam, parang mali tong mga nagiging reaction ko, ang OA ko. Pero nasasaktan kasi ako eh. Yung mga gusto kong nasa akin na bagay, di ko makamit. Nakikita ko sa iba, gusto kong gayahin pero malabo sa sitwasyon ko.
0 notes
mrowacute · 8 years
Text
Sofa? ‘di ko alam kung ano ang dapat na title nito.....
Isang araw na ang nakalipas, pero kabang kaba pa rin ang dibdib ko kapag naaalala ko.
Magkasama tayo natulog sa isang L-shaped na sofa. Dahil sa inyo ako nakitulog dahil magrerehearse sana kami ng kapatid mo para sa darating na gig, pero hindi rin namin nagawa.
Magkalapit ang ulo natin. Simula pa lang na patayin ng mga kasama natin ang ilaw, di na ko mapakali, kasi magkalapit tayo. Sobrang lakas ng kaba ng dibdib ko. Isang oras na akong gising at di makatulog dahil sa kabog ng dibdib ko.
Hanggang sa napansin ko na hindi ka pa rin masyado nakakatulog, galaw ka rin ng galaw, sinubukan kitang bulungan, at ayun sumagot ka. Tapos tahimik ulit, at ilang minuto ko ring napansin na galaw ka pa rin ng galaw. At ako naman iniisip ko na di siguro ako makatulog dahil di ako sanay na walang unan na hotdog na kayakap. Kaya kung anu-anong pwesto ang ginagawa ko. Nilalagay ko yung mga kamay ko sa bandang taas ng ulo ko malapit sa ulo mo. Naaamoy ko ang buhok mo, simula nun medyo nakokomportable na ko. At maya maya ay nilalagay mo na rin ang kamay mo sa taas ng ulo at nagkakahawakan tayo ng kamay. Medyo kinabahan ako kasi feeling ko gising ka pa (pero ang totoo siguro tulog ka na, ay ewan di ko maintindihan). Tapos pumwesto ako ng patagilid. Tumagilid ka rin, at medyo nagkaharap tayo.
Pinwesto ko yung mga braso ko sa may ilalim ng ulo ko para higaan ko. At maya maya biglang mong nilapit yung kamay mo, at ako naman na naghahanap ng kayakap na unan, niyakap at hinawakan ko yung braso mo para maibsan yung paghahanap ko. Ilang minuto tayong ganun, ginagalaw mo, hinahawakan ko, tapos hinahawakan mo rin yung kamay ko ng tuyo mong kamay (sobrang pasmado kasi ng kamay niya).
Hanggang sa naisipan kong umangat ng konti sa sofa palapit sa ulo mo. Tapos umaangat ka rin, Hanggang sa nagkadikit na ang mga ulo natin. Tapos sobrang lakas na ng dibdib ko nito, kasi malapit ka na. Medyo naiinitan na rin ako, dahil siguro sa tense. Hinawakan ko kamay mo, dahil feeling ko may gusto kang sabihin kasi nga feeling ko gising ka. Tapos ginagalaw mo yung ulo mo para lumingon sa mukha ko. Tapos biglang nilagay mo yung kamay mo sa leeg ko, na para bang pinapakiramdaman mo kung malakas ba yung kaba ng dibdib ko. Matagal na ganun, at nagkaron din ako na pagkakataon na ilagay yung kamay ko sa pulso mo sa leeg para pakiramdaman ko rin kung ganun ka din. At ganun ka nga rin.
Hinawakan ko ulit ang kamay mo, at naramdaman ko na yung basa dahil sa pasmado ka, nag iisip na talaga ako na gising ka nun. Ayoko lang magsalita kasi baka malakas boses ko pag nagsalita ako, Unti uniting mo na nililingon yung mukha mo sa mukha ko, ako rin. At magkahawak na tayo ng kamay nun. Sobrang lakas na ng kaba ng dibdib ko.
Bumabalik yung panahon na naramdaman ko yung first kiss ko. Ganun na ganun.
Pinipilit kong tingnan yung mukha mo para makita ko kung nakadilat ka, pero sobrang dilim talaga. Hinahawakan mo na yung mukha ko, hinahawakan ko rin yung mukha mo hanggang sa palapit na ng palapit yung mukha mo sa mukha ko. Unti-unting lumalapit, ginagalaw pa nga natin yung kamay natin sa mga mukha natin na parang gising talaga eh (ako gising ako, ewan ko lang talaga siya).
Ang dami nang pumapasok sa isip ko nung mga oras na yun, “mararamdaman ko na ba muli ang halik mo?” “hindi dapat ganito, may mahal kang iba” “bakit ganito ka, alam mo ba ang nangyayari?” “anong meron bakit sobrang attached nating dalawa ngayon?” “parang bumabalik ang nakaraan” “ano bang nasa isip mo o panaginip mo bakit nangyayari to?” “parang gising ka talaga eh, pasmado mga kamay mo” “may nararamdaman ka pa ba sakin?”
Hanggang sa half-inch na lang ang pagitan ng mukha natin sa isa’t isa, nararamdaman na natin ang mainit na hininga ng bawat isa. Siguro 5minutes tayo ganun. Gustong gusto na kita halikan at para maramdaman ko na pinaglalaban mo pa ako. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ka ganun. Bakit? Alam mo ba na may nararamdaman pa rin ako sayo? Alam mo ba na ikaw ang gusto ko makasama habang buhay? Alam mo ba na pag nagkaron ako ng asawa at makakatabi sa pagtulog sa bawat gabi, ikaw yung gusto ko? Ano ba? Alam mo ba? Di ko maintindihan!
At meron din sa loob loob ko na kapag hinalikan kita, babalik ang dating tayo. At yun na yung signal na gusto mong halikan kita. At mahal mo pa ako. At kaya mong iwan ang lahat para magkasama ulit tayo.
PERO HINDI KO TINULOY.
Dahil hindi dapat, dahil may nagmamahal sayo at mahal mo rin siya. Dahil may respeto ako sayo. Dahil gusto kong ipagpatuloy ang pagkukunwari na kapatid ang turing ko sayo. Dahil ayokong magulo ang buhay mo.
At diba, nung tayo pa? Ayaw mong pinaprioritize kita? Ayaw mong ibigay ko lahat sayo? Ayaw mong maging ikaw ang lahat sa buhay ko? Naiisip ko pa rin yun, kaya tingin ko mas magugustuhan mo kung hindi ko ituloy.
P.S. Hindi ito panaginip. At gustong gusto kita kausapin tungkol dito pero wala akong lakas ng loob at hindi naman yata dapat.
Matapos natin ng ilang minutong magkalapit ang mukha, para bang nagising ka at nagpunta sa banyo, pagtapos mong mag cr ay nahiga ka ulit. At nasa isip ko nun na pag nangyari pa ulit to hahalikan ko na talaga siya. Pero nagtatanong ako sa Diyos, “Lord ano yung nangyari? Bakit po ganun? Di ko po maintindihan.”
At nung humiga ka na, medyo malayo ka na sa akin. Medyo nanghihinayang ako pero nasa isip ko, mas mabuti na ito ang desisyon ko dahil para sa ikabubuti ng buhay nating dalawa.
Di ko sinunod ang gusto ko. At iniisip ko rin na sana na-realize mo kung gaano kita nirerespeto. At sana na-realize mo rin na kaya ko na magpigil ng sarili ‘di tulad ng dati. At sana naisip mo rin na kayang kaya ko maghintay ulit sayo ng ilang taon, at kayang kaya ko ulit tiisin na nasa piling ka ng iba. 8 years ang paghihintay ko sayo noon , at tingin ko kakayanin ko pa ng another 8 years ulit o higit pa. Kakayanin ko! Dahil di ko nakakalimutan yung unang pagkita ko sayo, alam ko tayong dalawa talaga.
Tumblr media
0 notes
mrowacute · 9 years
Text
Masakit
Hindi ko alam kung paano tatapusin ang sakit na nararamdaman ko na ako rin ang gumagawa. Ayokong sisihin ang sarili ko, pero gusto ko ring matapos na ito. Masakit kasi gusto kong lumayo pero di ko magawa dahil kailangan mo ng tulong. Masakit kasi bawal ang pag-ibig na taglay ko para sayo. Masakit kasi hinahawakan ko ang kamay mo na walang dapat na ibang makakaalam. Masakit kasi di dapat ako nag eeffort kasi medyo masasayang lang pero ginagawa ko pa rin. Masakit kasi walang ibang dapat makaalam nito. Masakit kasi dapat ko nang tigilan ito. Masakit kasi di ko magawang tumigil. Masakit kasi dapat hindi kita iniibig kasi umiibig at may umiibig sayo. Masakit kasi ngayon ko lang naiisipan na pahalagahan ka kahit may pagkakataon naman ako dati. Masakit kasi wala akong magawa para tigilan ito. Masakit kasi hanggang tagong pag-ibig na lang ako. Masakit kasi hindi matatanggap ng ibang mga tao na ganito pa rin ako. Masakit kasi lagi kong naaalala ang mga nangyari noong nakaraan. Masakit kasi nagpapasaya ako ng ibang tao. Ang daming sakit, pero ni isang sugat wala kang makikita. Sobrang sakit.
0 notes
mrowacute · 9 years
Text
Pinaka-una at pinaka-huli
Oo, masaya ako kapag kasama ka, lalo sa panahong kailangan mo ng tulong at ako ay nasa iyong tabi at napagsasabihan mo ng iyong mga nararamdaman. Pero ang totoo malungkot ako.
Malungkot ako kase masaya kitang nakakasama, pero di ikaw yung makakapiling ko habang buhay, di ako yung makakasama mo hanggang sa dulo ng buhay. Masakit kasi di naman kita masyadong kailangan, di mo ako masyadong kailangan.
Pero ang palad ko pa rin kasi binibigyan mo ako ng pagkakataon na makasama ka. Mapalad ako kasi abot-kamay yung pangarap ko, kaso yun nga lang, hanggang abot na lang ako sa kamay mo, di ko mahahawakan.
Salamat sa lahat ng ala-ala. Salamat sa kasiyahan. Sana tumigil ang oras, para di umabot yung panahon na makikita kitang hinahatid ng magulang mo papalapit sa taong mas kailangan ka, mas mapapasaya ka, mas bagay sayo, mas matutulungan ka.
Yung taong hindi mo na kailangan ikwento yung nararamdaman mo dahil makatabi mo lang siya, ayos ka na. Yung taong pipiliin mong makasama sa panahon na kailangan mo ng tulong o hindi, sa mga panahong masaya o hindi, sa mga pangyayaring maganda o hindi.
At ito na ang pagkakataon na malapit nang matapos ang sulat na ito, at ito ang pinaka-ayaw kong mangyari dahil sa wakas malalaman mo na ang mga bagay na ito at may pagbabagong mangyayari sa ating samahan, at kung ano man ang pagbabagong yun, alam kong sobrang laking desisyon nun sa akin at sayo. Salamat dahil may puwang ako sa puso mo. - Beztie, Bee
0 notes
mrowacute · 9 years
Text
Kung ako sayo, ‘wag na
Ang daan ay maliit sa kaginhawaan Ngunit malawak at madali sa kapahamakan Hindi pagmamadali ang solusyon papunta sa kaharian Mabuti nang maburo ngunit sigurado kaysa maluho ngunit delikado Kaya kung ako sayo ay huwag na
0 notes
mrowacute · 9 years
Text
Despirasyon
Ang hirap kumuha ng inspirasyon kapag hindi ka related :( Alam ko wala ko karapatan para sabihin to. pero naghahanap ako.
0 notes
mrowacute · 10 years
Text
How I Met Your Mother
Finally I got to see and experience the feels that this phenomenal tv series brought to many people! hahahaha!
At ayun matagal ko na to gusto panoorin kaso tinatamad ako kasi ang daming season, pero may mga kaibigan ako na kinoconvince ako panoorin to. At eto na nagkaron na ko ng sipag panoorin to.
Nasa unang season pa lang ako, pero ang lakas na ng impact sakin. Kasi nakaka-relate ako ng sobra kay Ted! Siya yung tao na overthinker, tapos gustong gusto niya magkaron ng love life, pero walang nadating na babae para sa kanya. At siya rin yung umaasa sobra sa happy ending kahit mukhang wala siyang ganun. Tapos lagi niyang nakakasama yung 'Ex' niya dahil nasa isang circle of friends sila.
Lahat yan exactly kung ano ako Emotionally. Kaya nakaka-relate ako ng sobra! Cool! May special impact sakin itong tv series na to!
0 notes
mrowacute · 10 years
Text
"Huwag kang atat."
Unang una, single po ako at yun siguro ang dahilan kung bakit naisip ko ang mga bagay na maisusulat ko dito. Open ang utak ko sa iba't ibang idea tungkol sa love, kasi di ako nakafocus sa love life ko lang (na wala ako).
'Di naman 'to seryoso masyado at dapat pagbalingan ng pansin. Tingin ko lang naman eh kapag pipili tayo ng ating partner pang habang buhay, dapat yung mga naging kaibigan na natin simula pa nung bata tayo hanggang nag-college tayo. Ulitin ko, 'hanggang nag-college'. Bakit ko naman naisip yun? Kasi yung mga kaibigan natin simula pa nung pagkabata natin hanggang college, kilala natin ng lubos. Although may iba naman na hindi talaga, pero atleast nakasama natin sila ng medyo matagal tagal. Isipin natin mabuti. Yung mga kaibigan natin after natin mag-college, or should I say 'friends from the real world"? hahaha (nagmukhang peke tuloy yung mga dati nating kaibigan). Anyway, ayun nga. Magkakaron tayo ng kaibigan sa real world, at karamihan dun minsan lang natin makasama, maaaring makasama nga natin araw araw, pero sa workplace. 'Di tayo pwedeng umasa na pinapahalagahan talaga nila tayo dahil nasa loob ng workplace eh. (di naman sa pagiging negative, pinag-isipan lang ng mabuti hehe) Ikumpara natin sila sa mga kaibigan natin dati pa, diba mas maayos silang kausap? Walang tinatago, pwedeng di natin alam lahat tungkol sa kanila, pero marami tayong alam tungkol sa kanila at alam natin kung ano talaga ang ugali nila. Ang conclusion ko dito ay mas mainam na pumili tayo ng ating magiging partner in life na naging kaibigan muna natin. Hindi yung bigla na lang susulpot tapos mahal na natin. Or kung may sumulpot man, kilalanin muna nang mabuti. Si Mr./Ms. Right, dadating lang yan, di yan pinagpipilitan padatingin para lang magkaron ka na ng love life. Huwag natin silang gawing Mr./Ms. Right Now.
True Love waits. Kala ng iba makikipagrelasyon muna tapos sabay nilang hihintayin ng partner nila yung True Love na sinasabi. Pero ang tunay na ibig sabihin nito, "Huwag kang atat."
0 notes
mrowacute · 10 years
Text
Christians get depressed too
Ang laki ng lungkot ko dahil pakiramdam ko nararamdaman din ng matalik kong kaibigan ang kabigatang dinadanas ko. Pero ang pinaka nagpapalungkot sa akin ng sobra ay di niya nilalabanan ang pakiramdam na yun. Hinahayaan nya lang na madala siya ng nararamdaman niya.
0 notes
mrowacute · 10 years
Text
PANGARAP
Alam niyo pinakapangarap ko talaga? Magkaroon ng Ama na 'Nakaka-inspire'. Yung hindi ko makikita yung kamali-an niya. Pero parang ako yung may problema eh.
0 notes
mrowacute · 10 years
Text
Maskara
Nakilala sa malilinis na pangalan Ngunit sa likod ay may nakatagong kalakalan Ba't paikot-ikot sa sistema at kapangyarihan? Heto na ang oras mo para ayusin, tanggalin ang maskara
Matatamis na salitang walang katotohanan Tumatatak sa isipang walang kamalayan
Ba't paikot-ikot sa sistema at kapangyarihan? Heto na ang oras mo para ayusin, tanggalin ang maskara
Ba't paulit-ulit ang siklo ng pagbabago? Pero bakit walang nangyayari sa mga plano?
Share ko lang bagong kanta namin. Yung mga lyrics, sakin galing. Pero hindi naman kami mga aktibista. Sapat na yung mga kaibigan at kilala kong mga nahihirapan sa pamumuhay para maging inspirasyon sa kantang to.
0 notes
mrowacute · 10 years
Quote
Sorry sa followers ko na kakaunti! Diary ko to eh haha! Dito ako nagpopost ng mga nararamdaman ko, atleast dito walang mag rereact. :)
0 notes
mrowacute · 10 years
Text
Inspirer-wanna-be
Isa sa mga pangarap ko yung maging inspirasyon sa iba. Pero mahihirapan ata ako makuha yun hangga't bata pa din ang tingin sakin ng mga ka-pamilya at ka-churchmate ko. I feel frustrated kapag nararanasan ko yan. Super frustrated. Dahil sa ganoong trato nila sakin dati, ay nawalan ako ng isang mahalagang tao.
0 notes
mrowacute · 10 years
Quote
That was supposed to be an inspiring quote!
0 notes
mrowacute · 10 years
Text
Di makatulog! Tsk!
Di ako makatulog, ang lakas ng kaba sa dibdib ko. Di ko maintindihan hahaha nanghihinayang ba ko sa nangyari kanina o kinikilig lang talaga?
Ang problema kasi kailangan ko na matulog at maaga pa ko tutugtog bukas! Ayoko na maranasan yung naranasan ko nung last sunday na pag gising ko kala ko hindi sunday! :( Pero bakit ganito!
Kung kilig nga ito, ibubuhos ko na lang sa Music, gagawa ko ng cover ng kanta para sa Tunay na Nagpapakilig sa ating lahat.
Nandun Siya sa taas oh!
0 notes