nongreyta-blog
nongreyta-blog
fluctuat nec mergitur
4K posts
You were a vision in the morning when the light came through.
Don't wanna be here? Send us removal request.
nongreyta-blog · 8 years ago
Text
There are days that I don't miss you - when my workload is one too many, when I am under my crippling self-doubt, and when I feel tired from everything I have to do that I just sleep the first instance I lay on the bed.
There are days that I do - so much that it makes me wish we did not have to do this - it is when my workload is one too many, and I have no one to talk about it with. It is when I am under my crippling self-doubt and I remember all the assurance you have told me, which I am afraid I might not hear again. It is when I am tired of everything I have to do, and I know that I won't be able to come home to you.
One would think that after what you did I would have scorned you. I sometimes wish I just did, so that I wouldn't be missing you as much as I do now.
The waves of missing you are sudden. They come when I least expect them. When I wake up in the morning, I miss you. When I check my messages for the first time that day and reply to every single one, I miss you. When I eat breakfast and I remember you cooking eggs, sunny side up the way I like it, and cursing it because of the oil splatters, and I miss you. When I am at school and I zone out, I cannot stop thinking about you – what time did you sleep? Did you finish everything you had to do? Have you eaten breakfast? You almost always skip that meal.
When the high of the tiring day has passed and I am left with all the stories I wanted to tell, I miss you. I miss talking to you – the entirety of it. The slow replies, the corny jokes, the “wait, bby, may ginagawa lang”, the video calls that come because we were too tired to type – everything. I miss being able to tell you everything that had happened to me that day, and you telling me the same.
I miss you before I sleep, when I check my phone and a day has passed without a single message. I miss having your message as the last one I replied to; I miss seeing your name on the inbox as I check it for the last time for the day.
I miss you before I begin another day, for I cannot help but think that I do not want to end a day without you, much more start a new one.
10 notes · View notes
nongreyta-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
14K notes · View notes
nongreyta-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
303K notes · View notes
nongreyta-blog · 8 years ago
Text
yosi
Gabi na. Naglalakad tayo papunta sa bahay namin. Madilim ang paligid, tanging ilaw lang sa mga poste ang liwanag. Nagsindi ka ng yosi, humithit, sabay ibinuga. Kitang-kita ko ang usok habang ito'y unti-unting humalo sa hangin at tuluyang mawala. "Nagyoyosi ka na naman," sabi ko. "Ngayon lang ulit," sagot mo. "Bakit ba hindi mo tigilan 'yan?," tanong ko. "Pakiramdam ko nabubuo ako nito. Nawawala stress ko. Masaya," sabi mo. "Hindi ka masaya. Nasanay ka lang na 'yan ang ginagawa mo kaya akala mo kailangan mo." "Haha, pwede rin." Hindi ko maintindihan 'non kung bakit nahilig ka mag-yosi. Sabi mo tuwing nasestress ka lang naman. Sabi mo nahihirapan kang itigil. "Hindi kasi 'yun basta-basta." Tinanong mo ako 'non kung bakit wala akong bisyo. Sabi ko 'non, 'di ko alam. Ano ba sa 'yo ang bisyo? 'di ba, 'yun ang mga bagay na masama sa iyo pero 'di mo matigilan. Akala mo, wala akong bisyo. Meron - ikaw, at ang pagpili ko sa 'yo nang paulit-ulit. Ang tagal na rin pala. At tama ka, ang pagyoyosi, hindi mo basta naititigil - parang pagpili ko sa 'yo, na kahit walang magandang dulot ay itinutuloy ko pa rin. Ikaw ang yosi. Nagpapasaya sa akin sa tuwing pakiramdam ko hindi na ako sasaya pang muli. Pumapawi ng lungkot na minsan mo nang nadala, at madalas na kasama ng mga galit at takot kong magkamali. Tinatakbuhan ko sa tuwing hindi ko na alam kung saan ako papunta, kahit ang dami-daming ibang daanan, pinipili ko pa ring umuwi sa 'yo. Hithit, buga, hithit, buga. Paulit-ulit kong sinabing titigilan ko na, pero paulit-ulit pa rin akong bumabalik. Tuloy pa rin sa paghithit at pagbuga, hanggang sa maramdaman ko ang pagbagal ng tibok ng puso ko dahil sa sakit, dahil sa alam kong mali pero ginagawa pa rin. Sa huli kong pagbuga, nakita ko ang usok na nilikha mo, unti-unting sumasama sa hangin, at hinihintay ko na lang na mawala. Tama ka, hindi basta-basta natitigil ang pagyoyosi. Mahirap ngang tigilan ang nakasanayan. Nakarating tayo sa bahay ko, naubos na ang yosi mo. "Bye, Sean. Ingat ka," sabi ko. "Bye, Jade."
0 notes
nongreyta-blog · 8 years ago
Text
Hi! Ang tagal na simula nung huli akong nagpost dito. Marami nang nangyari.
Hindi pala kanya yun. Hehe. False alarm. Mas naging close kami lalo dahil dun. Ewan. Siguro kailangan munang magkamali sa isa para maitama yung iba. Nalaman nya rin na pwede syang mag-Latin honors, ayun, desidido na sya.
Scholar pala ako ulit, UPS. Hahahaha. 1.18 na gwa. Ang saya lang kasi sulit yung pagod. Sulit yung puyat. Sulit lahat.
Nakapagpublish na rin pala ako ng Sinagtala. Literary folio ng Dawn. Ang daming good comments, kinikilig at thankful ang buong pagkatao ko.
Pasukan na ulit, panibagong laban na naman.
0 notes
nongreyta-blog · 8 years ago
Text
"How to be you?"
Madalas akong matanong ng ganito sa school. Aminado naman ako na nakakatuwa pag tinatanong ka nito eh, kasi feeling mo nagging worthy ka nung admiration nila. Feeling mo merong bagay na admirable sayo, enough para itanong nila kung paano. Nakakasatisfy, at in a way, nakakakumpleto. 
Pag tinatanong ako ng ganito, madalas nilang ibig sabihin ay yung sa acads. Kasunod na tanong nito ay yung study habits. Ano raw bang ginagawa ko? Anong oras ako natutulog? Ilang oras? Paano ako nag-aaral? 
Nakakatuwa pag ganon. Minsan. Lalo na pag alam mong walang malice yung tanong, pag alam mong nagtatanong sila out of pure admiration at hindi dahil naiinggit sila. Nakakatuwa magshare ng insights. Kasi kung para sayo di yun importante, sa kanila, oo.
Hindi ko ineexpect na acads standing ko ang isang bagay na iaadmire ng mga tao. Wala lang, akala ko kasi wala. Feeling ko kasi wala. Though para sa akin ang babaw na basis ng pagkatao yung acads, okay na ako na dito ako inaadmire ng iba. Okay na to, kesa wala. 
How to be you raw, sabi nila. Ang hirap sumagot kasi ang panget kong tao hahahaha at di ako worthy nung ganung tanong tas wala akong kwenta tapos gusto ko silang sabihan na "Wag ako, sayang lang yan sa akin."
0 notes
nongreyta-blog · 8 years ago
Text
Minsan ba, naisip mo na gusto mo lang mawala?
Kasi ako, oo. Naisip ko. Lagi nga eh. Hahahaha, lalo na ngayon. Kaya ko tinatype ‘to. Di ko alam, pakiramdam ko gusto ko munang maglaho. Kahit saglit lang. Pero okay lang din kung matagal. Gusto ko lang munang mapunta sa lugar na hindi ako mag-iisip, walang maghahanap sa akin, walang nakakakilala. Wala lang, gusto ko lang mawala. Siguro para tumakas.
0 notes
nongreyta-blog · 8 years ago
Text
I’M LAUGHING SO HARD RIGHT NOW JUST
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
SHE DON’T WANT NO CHECKERS TONIGHT
361K notes · View notes
nongreyta-blog · 8 years ago
Text
Akala ko walang hanggan, pero eto tayo sa dulo.
Gulong gulo ang puso
Saan ba 'to patungo?
Di ko alam, di ko alam
Fourth year tayo ‘non. Galing ka ng kabilang section. Hindi nga kita pansin ‘non eh. Pero, gago siguro ang mundo. Kung hindi naman ako nahawa ‘nung sakit mong ‘yon, hindi tayo mag-uusap eh. May girlfriend ka ‘non, pero hindi ka tumitigil. Hindi ko alam kung anong gusto mo – kung saan ako lulugar at pupulutin ‘pag natapos lahat ng ‘yun. Iniisip ko ‘nun kung saan tayo mapupunta pagkatapos nating gawin lahat ng ‘yun, pero ‘di ko naman pala kailangang mag-isip masyado, kasi mawawala ka rin pala.
  Hinarap lahat ng balakid
Pero bakit walang kapit
Ang mga pangakong binitawan?
Di ko alam, di ko alam.
Lumipas ang isang taon nang hindi ka nagpaparamdam. Hindi na rin ako lumapit ‘non sa’yo, kasi wala namang silbi ‘yun. May problema ako, at mas mahalaga ‘yun noon. Akala ko, tapos na tayo noon eh. Pero bumalik ka, dahil sa post ko tungkol sa isang concert ng bandang pareho nating gusto. Tanda mo pa ba noong sinabi mo na sa susunod na concert nila rito, magkasama na tayong manonood?
 Noong ika'y nilalamig, ako'y iyong init.
kapag takot sa bukas, ako'ng unang sisilip
Ginawa ko na ang lahat
Sa pagbalik mo, wala ka nang girlfriend. Hiwalay na pala kayo. Bumalik tayo sa dati na parang hindi tayo naghiwalay – na para bang walang nangyari. Naging malapit tayo ulit, at sa pagkakataong ito, pareho tayong malayang gawin ang mga bagay na pareho nating gusto. Noong ginagawa natin ‘yung thesis mo, sobrang saya ko – kasi pinili mo akong maging bahagi ng isang bagay na importante sa’yo. Kahit pagod na pagod ako ‘nun galing school, kahit pagod na pagod na ako sa dami ng gawaing-bahay, kahit maaga pa klase ko sa susunod na araw, para sa’yo, nagpuyat ako para lang matapos natin – para lang makatulong sa tambak mong gawain.
 Di pa din sapat kasi ika'y mawawala na.
Nawalan ng gana ang tadhana.
Nanlalamig ang dating nagbabaga.
Natapos natin ‘yung thesis. Natapos natin ‘yung sem. Natapos din tayo. Bigla ka na namang nawala, na parang wala kang ipinangako sa akin. Bigla kang natapos na para bang isa ka ring subject na good for one sem lang. Pakiramdam ko tuloy ‘non, ginamit mo lang ako para mairaos ‘yung gawain. Sabi mo sa akin, busy ka lang.
 Kung maibabalik lang sana.
Titiisin ko na kahit paulit-ulit
Tapos pipilitin ko na di maulit
Ang masulyapan mo yung dulo
Ang gaan pa pala natin noon, ‘no? ‘Yung thesis lang, ‘yung deadline, ‘yung schedule nating hindi magtugma. Pinoproblema lang natin kung kailan tayo magkikita, kung saan, anong oras, pwede ka ba ‘non, pwede ba ako ‘non, wala bang ipapasa sa Monday? Nagtataka ako ‘non kung bakit ang dali para sa akin na magbitaw ng mga gawain, magsabi ka lang kung kailan. At ngayon, hindi ko mapigilang hindi isipin na sana ‘yun na lang ulit ang mga problema natin.
 Bawat segundo sa aking puso iuukit.
Lahat ng alaala aking iguguhit,
para makalimutan mong may dulo.
Alam mo, pakiramdam ko, kung naalala mo lahat ng nangyari kung paano ko ito naalala, kung nakita mo lahat kung paano ko ito nakita, siguro, hindi ka rin madaling makakaalis. Siguro, mapapahinto ka rin at mapapatanong kung bakit palagi tayong ganito. Bakit parang andyan na, pero wala pa rin?
 Kailan ka ba napaso?
Nanlalamig na ang iyong braso.
Bakit ganyan? Bakit ganyan?
Kung pwede lang pakisagot lahat ng bakit.
Pwede ko bang malaman kung bakit ang bilis mo lang akong nabitawan? Alam mo, sana, hindi na lang ako nagkagusto sa’yo, pero hindi ko pinagsisisihan ‘yon, kasi dahil sa’yo, natuto ako na kaya kong magbigay nang hindi naghihintay ng kapalit. Pero dahil din sa’yo, kwinestyon ko lahat ng mali na pwede kong makita sa sarili ko.
 Saan galing ang galit?
Mayroon bang nang-aakit?
Kailangan ko lang malinawan.
Bakit ganyan? Bakit ganyan?
Nakita ko ‘non sa Facebook mo na may nagugustuhan ka na palang iba. Hindi ko alam kung ano ‘yung dapat kong maramdaman ‘nun, kasi ‘di naman naging tayo. Nalaman ko rin mula sa’yo na ‘nung mga panahong umiiwas ka na ay nagpaparamdam sa’yo ‘yung isa mong ex. Pero hindi na. Hindi bale na lang.
 Handang panindigan lahat ng ating plano.
Sigurado kahit di kabisado.
Gagawin ko ang lahat.
Tanda mo pa ba ‘yun? ‘Nung sinabi mo sa akin na sa susunod na pagdating ng paborito nating banda ay magkasama na tayong manonood ng concert nila? Tanda mo pa ba ‘yung nakapanood tayo ng sine dahil sa wakas nakakita na rin tayo ng oras na pwede tayong pareho? Tanda mo pa ba ‘nung una mong hinawakan ‘yung kamay ko? Tanda mo pa ba ‘nung nagtatanong ka pa sa akin kung nasaan na ako, kung nakauwi na ba ako, kung okay lang ako? Tanda mo pa ba ‘nung nagpapaalam ka pa sa akin kung saan ka pupunta? Tanda mo pa ba ‘nung nagsesend ka ng mga kantang tinugtog mo sa gitara para sa akin? Tanda mo pa ba ‘yung panahong sinasabi mo sa akin lahat ng mga kwentong mayroon ka, kasi pakiramdam mo ako lang ‘yung pwedeng makinig sa’yo? Kasi ako, oo, tandang-tanda ko pa.
 Walang pake kung di sapat
Kasi ikaw ay mawawala na.
Nawalan ng gana ang tadhana.
Nanlalamig iyong dating nagbabaga.
Kung maibabalik lang sana.
At kagaya ng lagi mong ginagawa, nawala ka na naman. Hindi ko na alam kung pang-ilang beses na ito, o kung pang-ilang ulit ko nang sinabi na nawala ka sa post na ito, pero nawala ka na naman. Sabi ko sa sarili ko ‘non, uumpisahan ko nang umalis mula sa’yo. Naging matagumpay naman ako, nakausad kahit papaano.
  Iindahin ko ang sakit na gumuguhit.
Ngingiti sa likod ng luhang pumupunit
Baka masulyapan mo yung dulo.
Sumali ako sa dyaryo ng school. Naging editor ako doon, at kinailangan ko na magpunta sa Caloocan campus, kung nasaan ka. Kinakabahan ako noon kasi unang beses kitang makikita pagkatapos ng isang taon. Gago talaga ang mundo, kasi nawala ako sa campus na iyon, at dalawa kayong tinext ko pero ikaw lang ang sumagot – kung kailan kita hindi inaasahan.
 Ibibigay ko ang lahat paulit ulit.
Bawat pagkakataon ay aking isusulit,
Basta matalikuran mo yung dulo.
Bumalik tayo sa dati. Ipinakilala mo ako sa mga kaibigan mo na hindi nagtagal ay naging mga kaibigan ko na rin. Bumalik tayo sa dati, ang pinagkaiba lang, ngayon, mayroon tayong bagahe na pareho nating iniiwasang ipakita. Hindi ko alam kung ano ‘yung sa’yo – sana pala nagtanong ako. Nandito na naman tayo sa unang sem ng academic year. Parang ‘nung isang taon lang, ganito tayo, ngayon, ganito pa rin, pero pakiramdam ko noon, better na. Naniwala ako ‘non na kung sinubukan natin ulit, panigurado, kakayanin na natin. Pero kagaya ng mga bagay na minsan nang nabasag, hindi na tayo makakabalik nang buo, hindi ba?
  'Wag ka munang tumalikod.
Bumalik ka muna dito.
Padampi kahit anino.
Ayokong mag-isa dito.
Tuwing pupunta ako doon para umattend ng meeting, lagi ninyo akong isinasama sa mga lakad ‘nyo. Kayo ng mga kaibigan mo, para kayong magkakapamilya, at masaya ako na naging bahagi ako ng pamilya ‘nyo. Masaya ako na sa loob ulit ng unang semester, nakilala ko ang mga tao na nasa likod ng thesis na ineedit ko lang dati. Masaya ako na nagkaroon ako ng pamilya sa lugar na hindi ko inaasahan. Ang saya pala talaga ng mga first sem ‘no? Sana pwedeng first sem lang lagi.
 Wala na bang bisa aking dalangin?
Tinataboy na ba ng langit?
Nakikiusap na lang sa hangin,
Ngayon wala ka na sa akin.
At gaya lahat ng ordinaryong sem, natapos ulit ang first sem. Pang-first sem lang siguro tayo ‘no? Kasi ‘pag natatapos ‘yun, natatapos din tayo. Second sem na ngayon, at kagaya ng naunang second sem, nawala ka na naman. 
  Bakit ba biglang meron tayong dulo?
Pangako mo walang hanggan.
Bakit nandiyan ka sa dulo?
Pero iba rin ‘tong second sem na ‘to eh. Kasi noon, nagkakagusto ka lang sa iba’t ibang babae. Sanay naman na ako roon. Pero ngayon, may girlfriend ka na ulit. Last sem mo raw sya nakilala, sa isang bar. Naalala ko tuloy noon, kung siguro pumayag ako na sumama sa’yo ‘nung niyaya mo ako, hindi mo siguro siya nakilala. Sana pala ‘nung mga oras na magkasama tayo, sana mas inenjoy ko na ‘yun. Sana hindi ako umuwi agad, sana ‘pag kinakausap mo ako, mas lumapit pa ako. Sana hindi ako masyadong lumayo. Pero hindi na. Hindi bale na lang.
 Pwede bang kalimutan mong may dulo?
Handa 'ko sa walang hanggan.
Pangako mo walang hanggan.
Akala ko walang hanggan.
Pero eto tayo sa dulo.
At eto na, ‘yung dulo na dapat matagal na nating narating. Siguro, kahit anong effort ang ibigay ko para hindi tayo makarating dito, wala talaga eh.  Andito na tayo. Ang apat na taon, natapos din. Gago talaga ang mundo. Hanggang dito na lang siguro talaga tayo, kahit anong subok, kahit gaano kasaya, kahit gaano kasakit – hanggang dito na lang. Sana maging okay ka, wala akong ibang gusto para sa’yo kung hindi maging okay ka. Sana maging masaya ka, kahit hindi para at dahil sa akin. 
 Kung ika'y mawawala sa aking piling,
Dinggin mo aking bilin.
Lingon ka lang paminsan minsan.
Dito lang ako.
Di ako lilisan.
Sa ating dulo, di ako lilisan.
1 note · View note
nongreyta-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
personal faves from D&G fw 2015
28K notes · View notes
nongreyta-blog · 8 years ago
Quote
When you can tell your story and it doesn’t make you cry, that’s when you know you’ve healed.
Unknown (via wordsnquotes)
128K notes · View notes
nongreyta-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
683K notes · View notes
nongreyta-blog · 8 years ago
Quote
Date someone who would still be your favorite person to be around even if there was nothing physical in your relationship.
@sexual-texts (via sexual-texts)
29K notes · View notes
nongreyta-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
silver lining // neck deep
2K notes · View notes
nongreyta-blog · 8 years ago
Text
01.22.17
Sooooo, hello. 
I have been away for a while. I even forgot my password here, haha.
I am considering major changes in my college life as I type this, and I don’t know, maybe I just want a memento of this struggle, something that I would get to look back on and know that what I chose either made me or broke me.
This school year had its own moment. I got to be the Features Editor of the school newspaper. I also got to be the Business Manager. 
It looks fun, having two major positions in the school paper, it makes you feel important. But like that cliche quote in Spiderman (was it there?), “With great power comes great responsibility”, and great responsibility came.
I love writing. I love how my words make people feel, and I love seeing them react to it. I love how people admire and criticize my work. I love how they know it is mine when they see it.
The thing is, sometimes, I do not always want to write. I sometimes feel like I am inadequate, to whose measure I am basing my adequacy, I don’t know. I sometimes feel lacking, even if I know I was doing my best. I sometimes feel like my ideas are something that isn’t relevant, or something not as striking compared to my other ideas, or that I wasn’t really good at writing at all.
These feelings of inadequacy have continued to grow as I get to have more writing tasks that I cannot accomplish because of the business manager tasks. I still have to do my academics, and I don’t think my co-writers get this.
I’ll expound.
Juggling two balls can be easy for someone skilled with that, especially if both balls are of the same size. Juggling three balls can be more difficult, but still manageable. But then, try switching one ball to something of bigger size. Twisting the game more, one small ball must be thrown higher than the other two. With that said, juggling three balls of different sizes became difficult compared to juggling balls of the same size.
The point here is this. I feel like the two balls of the same size are the Dawn workload and my academics. The third big ball is the editorial work. I cannot have two Dawn-related workloads because I have to retain my grades. I have to throw my academic ball higher than the other two but I can’t seem to do that because one of the remaining balls is somewhat distracting me, trying to pull me down.
Some people may argue that it is still manageable, I just have to learn how to juggle properly. Well, it is with sad sentiments that I tell you this, I am not a good catcher. I cannot even catch one thing. This is where the skill factor comes. I am not as skilled as you think I am, and I will not risk one ball trying to save another.
Another moment of this school year was when the VP of the department in JPIA that I belonged to asked me to run for a certain position. I said yes.
I want that to happen. I want to have a picture and get it posted in the bulletin board. I want to have friends who belong to the same course. I want to get to bond with new people. I just want to serve that organization badly, even if I know that I underperformed last semester.
I do not want to stop writing. It is a passion, it is something I like doing when I feel like not doing anything. I want to join JPIA, it is something I least expect from myself, and I love challenges.
I haven’t settled into a final decision yet, but what I am sure of is this – I will still work for the paper next year (as business manager, I hope they still want me to be their BM) but will limit myself to that so I will still have time for the organization. Yes, at this moment, I am already certain that I will be running for that position and that I will work hard for it.
Since I have almost decided to juggle all three balls, maybe I can reduce the bigger ball to the size of the other balls so I can juggle all three of them while throwing the academic ball higher than the other two.
0 notes
nongreyta-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
483K notes · View notes
nongreyta-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
un espejismo, una rebelión
by matialonsor
452K notes · View notes