Text
Gym Rat na Chichirya Lover
Akong manghud kay gym rat kunohay, Push-up diri, pump-pump didto, murag walay kapoyay. Pero inig human sa workout high, "Treat yourself", iyang battle cry.
Mangayo sa ate og money pang gym, Pina-puppy eyes para sure win. "Importante ni Ate, para sa maayong lawas" Pasingot much with ilok nga naay tawas.
Magdala og tumbler, with OOTD nga pogi, Shoulder nga naay abs, almost pang model ang body. Someday, baby girls might call Mavie, " DADDY!", But for now, si Ate gihapon ang sugar daddy.
Magreklamo siya, "Nitambok man ko balik!", while eating chippy and fries real quick. Mag-cardio og duha ka oras ang goal, Pero isa ka pancit canton ruined it all.
Pero proud gihapon ko sa akong manghud nga cute. Kay gym life niya, pang relax, good for mental pursuit. Atleast balance, diba? Exercise iwas stroke, Then lutoan ni Mama og lami nga sud-an with iced coke.
2 notes
·
View notes
Text

More Guts than Subs
Akong giapil, dili lang dula, Kundili pagsulay sa lawas og kalag. Sa tan-aw, murag sayon ra kaayo, Pero sa tinuod, murag training pang ninja.
Sa akong hunanuna "Makaya ra ni!" Pero sa tinuod, murag kog gilubong sa kabug-at. Ang resistensya? ni-give up og una. Ang tuhod? Kada lihok naay reklamo og protesta.
Ang Pinas team murag Avengers sa field. Kami, murag robots nga kulang pa og build . Ang agility nila, pa slide-slide and dive pa Kami? pa ubo-ubo na, hilak " sub sa, sub sa!"
Taas ang damgo, pero mas taas ang cramps. Akong tiil, gahilak murag gikusi og crabs. Naay paltos, ayaw daw hilabti basin mu-nana. Unta naay sale sa tiil kay permi lugi sa dula.
Narealize nako, dula ra man unta ni, Pero sa uban, murag life-and-death sa live streaming. ACL, bali bukog, pilay, bisan walay premyong kwarta, Mas maayo pang mo-exit nga buhi kesa MVP nga ga-wheelchair sa kalsada.
Naka-survive sa dula sa disyertong init kaayo. Di man mi champion, pero proud so efforts for sure. Mi barog bisan walay tarong nga sub, Magpabilin ang kalipay, kay we love this game, no shame.
2 notes
·
View notes
Text
Buntis ang mata ko kahit hindi naman ako nanilip. Naisipan kong ipatingin sa doctor to kahit gabi na at lakas loob na nagtanong sa reception ng hospital na “ Available pa po ba Anthropologist nyo?” Tapos pareho kami ni ate napaisip sa tanong ko. Maya maya ay sumagot sya ng “ wala pong ganun”. Sabi ko, “ ay sorry, sa mata po ate HAHAHAHAH “. Nakakahiya tapos itong si ate, siguro pinipigilan lang din ang sarili at sinabi na punta lang daw ako sa Mezzanine floor. May malaking signage na nakalagay doon na MEZZANINE FLOOR - EYECARE. Napaka playing safe ng hospital nato, EYECARE nilagay kasi di marunong mag spelling ng ANTHROPOLOGY.
9 notes
·
View notes
Text
Ganda ka Ghorl?
Tumawag ako kahapon sa Pinas sa telephone nila Lola para mangamusta pero yung kasambahay nila yung sumagot. Tinatanong nya ako kung sino daw ako, tapos nag joke naman ako na " ate, pakisabi naman kay Lola, tumawag ang maganda nyang apo"
" Ate . tumatawag po maganda nyo daw na apo! ", sigaw ni ate.
Narinig ko ang boses ni Lola sa malayo pero papalapit papuntang telepono, " Oh ??? Si PRINCESS yan!! "
Hanggang sa hawak na nya ang telepono, sabi pa rin nang sabi ng PRINCESS.
Nung nagkausap na kami, tawa kami nang tawa kasi napag alaman kong si Princess ang maganda nyang apo, hindi si Clyde. Nagpaliwanag si Lola na akala nya daw si Princess ang tumatawag kasi naghihintay sya ng tawag nya, na may usapan daw silang lakad ni Princess. Mhhhh kapag sinabi ko namang MABAIT MONG APO, alam kong ibang pangalan din isasagot nitong si Lola.
Dumaan ng ilang oras simula nung natapos yung pag-uusap namin ni Lola, nagchat sya bigla sa akin mga bandang 10p.m (U.A.E time) so 2a.m na sa Pinas. Sabi nya, " Maganda lahat ng apo ko, mayroong iba't-ibang beauty." Sa Tulfo ka na po magpaliwanag, Lola. Nabuking na kita.
47 notes
·
View notes
Text


Pre-game selfie. Built in filter ng phone HAHAHAHAHA Ang tagal naman kasi ilabas ang iphone20 para makabili na ng iphone12 😒😂
43 notes
·
View notes
Text
Ang bangag lang na bumili ako ng tag 2.50 dirhams na milk tapos nag bayad ako ng 2 dirhams kay kuya sabay sabing “keep the change, brother” HAHAHAHA napatulala kami ng 5 seconds saglit. Sorry na, naiwan ko ang brain cells sa kama.
11 notes
·
View notes
Photo


Nag sick leave pero babalik sa office na may sunburn HAHAHA
24 notes
·
View notes
Text
Nagkaroon ng mild stroke si Papa nung January. Simula nun, nagiging clingy na siya ulit samin ng kapatid ko. Umuuwi agad ako galing office kasi gusto ni Papa na makipag videochat para mabantayan syang matulog. Nahihirapan na syang magsalita at maglakad .Nung isang araw, tinanong ko sya kung binisita ba sya ng mga jowa-jowaan nya dati. Sagot nya ay, " wala, dun na lng ako sa mama mo, pero ewan ko kung tatanggapin nya pa ako sa dami ng kasalanan ko.” Sabi ko, “Papa, magfocus ka muna sa sarili mo. Mag pagaling ka po. Tapos hanap ng maayos na work, hindi illegal hahahah. Tapos bawi ka kay Em-em (kapatid ko), spend time ka kila lolo at lola. Wag mo nang masyado isipin ang mga kasalanan mo dati, tapos na eh. Ang importante, buhay ka pa ngayon, may pag-asa ka pang magbago" Sumang-ayon naman siya sa pinagsasabi ko.
Sa side naman ng mama ko, alam ko na isasagot nun, "para na din akong nagpakamatay kung babalikan ko pa yang papa mo ." Ang dami naman nang chances binigay nun kay Papa. Sobrang nakaka proud lang talaga Mama ko kasi ang strong nya. Kung ako din ang papipiliin, mas mabuti na yung single kesa yung may partner ka nga pero nagloloko naman. Ngayon, parang mas maganda ba na hanggang momol na lang? Thou shall not commit???Ganun? hahaha joke. Bawal ganun, baka magkahawaan at pasahan ng virus. Mag-alaga na lang talaga ng puppy, fish o cactus nito.
34 notes
·
View notes
Text
Double check!!! Kung pwede triple check. Ganyan nasa utak ko minsan. May attachments ba, o tama ba ang pinagsasabi ko bago isend ang email. Pabalik-balik. Sa umaga, kapag nakaupo na sa pwesto ng office, mapapaisip, “nag time-in na ba ako? Ay sige, mag time-in ulit. Bahala kahit dalawang beses.” Paulit-ulit. Nung nasa Bohol ako, nagigising minsan nang madaling araw para tingnan kung naisara ba talaga ang gasol baka kasi masunog ang bahay o kaya baka hindi din nasara ang pinto, may magnanakaw na makakapasok. Kung makapasok man, may naitago akong kutsilyo sa drawer na katabi ng kama ko. LOL tae-tae, bakit ganito ako mag-isip.
59 notes
·
View notes
Text
Nasanay na akong only child. Naaalala ko, nasa akin ang lahat ng atensyon ni mama at ni papa. Hindi kami mayaman pero karamihan sa mga gusto ko ay nakukuha ko. Akala ko talaga dati na hindi na ako mabibigyan ng kapatid.
Siyam na taon ang pagitan namin ng kapatid ko. October 29th ang birthday ko, sa kanya naman ay November 12th. Noong pang 10th birthday ko, ang naalala ko ay ang hapunan namin ng pamilya ko. Napakamot ako sa ulo ko. Nasaan ang mga bisita? Nasaan ang balloons? Nasaaan ang spaghetti? O bbq? Nasaan ang chocolate cake? Ice cream? Hindi masaya ang bata na may sweet tooth. Malungkot. Umopo kahit hirap kasi hindi pa maabot ng mga paa ang semento sa pagkaka-upo. Kinamot ulit ang ulo. Feeling ko model na ako ng anti-danruff shampoo. Sabi ni Mama, " Pinagluto kita ng paborito mong adobong baboy. Pasensya ka na, nag iipon kasi kami para sa unang birthday ng kapatid mo. Sabay na lang natin bday mo at ng kapatid mo." Tumango ako habang pagtalbog talbog ang pisngi ko sa sinabi nya. Hindi naman ako nagmaktol o nagwala. Kumain ako pero walang maipintang ngiti sa matabang pisngi ko.
Ngayon na abot na ng paa ko ang semento sa pagkaka-upo, at nagtrabaho abroad, namimiss ko tuloy ang luto nyang adobong baboy. Na kahit adobo at simpleng handaan sa birthday ko, sobrang okay kasi ang importante ang ay makasama ang pamilya. Salamat sa amo ko na ina-approved agad ang vacation request form. Makakasama ko ang pamilya at mahal sa buhay sa kaarawan ko at little sissy.
48 notes
·
View notes
Text
Noong nasa probinsya kami, binalaan ako ni Mama na huwag na akong lumabas pagpatak ng 6p.m. kasi may duwende daw. Ito namang mabait nyang anak, pumunta sa duyan kasama ang pinsan. Hindi kami nag agawan ng pinsan ko sa nag-iisang duyan na yun, salitan kami at binibigyan namin ng tsansa ang isat isa at habang nag aantay ang isa, sya ang taga tulak.
Nilasap ko ang sarap ng ihip ng hangin nung ako na ang sumakay. Ginalingan din naman nitong pinsan ko at napalakas nya ang pagtulak. Sa sobrang lakas, natakot ako kaya naisipan kong tumalon pero imbes na tumalon, hindi natuloy kasi bigla akong nahulog, nauna pa ang baba ko at natama pa ito sa cute na bato.
Akala ko noon, pagbagsak ng katawan ko sa lupa, end of the world at end of me na pero syempre, tumayo ako kaagad. Maya maya ay napansin ng pinsan ko na may tumutulo na dugo sa baba ko. Nataranta ako. Tumakbo ako papuntang CR at hinugasan ang sugat tsaka sinabunan ng Safeguard. Buong bar ng Safeguard ang dumampi sa sugat ko na very wrong decision kasi hanggang ngayon nakikita pa rin ang puting bits ng sabon na nahalo sa laman ko. Tiniis ko ang sakit pero sure akong walang tigil na dumaloy ang mga luha sa aking rosy cheeks.
Hindi ko na maalala ano pa ang sumunod na pangyayari, ang naaalala ko lang ay naniniwala na ako sa duwende na panakot ni Mama.
31 notes
·
View notes
Text
Nov. 27, 2011 bandang 10p.m. Amoy gamot ang kwarto kung saan nakahiga ang 86 years old na great grandma ko na si Lola Lourdes(mama ng Lola Flores ko). Kulubot na ang balat nya. Ang buhok niyang tila isang hagod na lang at malalagas na ang lahat. Kapos na sya sa paghinga at naghihingalo na. Matanda na nga talaga si Lola.
Nakatayo sa tabi nya ang doktor, si Lola Flores at kaming mga apo para sa huling sandaling makasama siya. Pinagmamasdan ang paghinga. Paghingang maaaring mapatid ano mang oras. Maya-maya ay biglang tumigil sa paghinga si Lola Lourdes, at doon humagulgol sa pag iyak si Lola Flores. Tagos-puso, tagos-kaluluwa ang sakit sa nasaksihan na pangyayari. Naiiyak na din ako nang biglang nagsalita ang doktor na " Wala pa po, buhay pa po sya. May heartbeat pa" at ito naman si Lola Flores ay agad namang pinunasan ang luha nya at sabay sabing " Ah, wala pa" na kasing tono nung sumikat na video na lalaking paulit-ulit nagsabing " Ah, sarado. "
Yung luha ko, umatras at bumalik sa mata ko dahil don. Ilang minuto pang lumaban si Lola Lourdes at nahintay pa na dumating ang mga iba nyang anak bago sya yumao nang mapayapa. Sabay sabay kaming lahat sa pag-iyak pero hindi ko talaga makakalimutan ang bloopers na eksina ng doktor at ni Lola Flores.
24 notes
·
View notes
Text
Noong high school ako, nakatira kami sa syudad doon sa bahay ni Lola Flores (Mama ng papa ko) kapag pasokan. Pagdating naman ng Sabado at Linggo ay pumupunta kami ng pamilya ko sa probinsya kina Lola Nedie (Mama ng mama ko). Alagang alaga ako ni Lola Nedie, lagi akong busog doon. Hindi nauubosan ng puto, kutsinta, sapin-sapin, biko, suman at sikwate sa mesa. Kapag gabi naman ay pinapakiusapan ni Lola Nedie mga magulang ko na doon ako tumabi sa kanila ni Lolo sa pagtulog. Kapag malapit na uwian sa syudad, binibigyan ni Mama ng pera si Lola. Maya maya ay tatawagin ako ni Lola at palihim na ibibigay ang pera ipampaligaya ng malungkot kong bulsa. Pulubi mode kasi ako kakabili ng K-Zone dati.
Lola Nedie, kung may alam sana akong dasal na pangontra sa katandaan ay inawit ko na. Marami pong salamat sa pagmamahal. Isa ka sa dahilan na nakakaramdam ako ng ibang klase ng okayness sa buhay. Pasensya na hindi pa ako makakauwi sa Pinas. Iba pa din kapag nasa paligid kayo pero pakiusap ko, wag mo sana akong multohin, alam mong matatakotin ako. R.I.P Lola.
26 notes
·
View notes
Text
Nakakamiss yung bakla kong kaofficemate dati. Uuwi na daw sya ng Pinas at hindi na babalik. Naalala ko tuloy mga tanong nya kapag lunch break na :
“ Payag ka, bibigyan ka ng 1 million pero titira ka sa haunted house?”
“ gusto mo lalaki ka, pero isa kang sea horse?”
“ Kung dalawa na lang kayo maiiwan sa mundo, sino pipiliin mo (insert names ng mga nakakairita sa office)? “
“ Payag ka, mayaman ka pero may titi sa noo mo na hindi pwedeng alisin?”
18 notes
·
View notes
Text



Mag 3 weeks natong sprained ankle ko. Di pa rin makapaglaro ulit ng frisbee at bike. Mobile Legend na lang muna ulit. Sinong magaling, pabuhat naman jan, road to Mythic ohhh
25 notes
·
View notes