Text
M

Even if sometimes, jealousy is eating me up, I still love you.
Always.
:)
0 notes
Photo

Group of letters, molded into words, so as to paint a curved line in your soft, cake-like face.
0 notes
Text
Baybayin
Kapag naalala ko kung paano mo bigkasin ang mga salita, parang patuloy na naghahalinhinan ang mga katawan natin sa kama. Nilalamig at naiinitan ako ng sabay, dumadausdos sa gilid ng tenga ko ang mga bloke bloke ng yelo habang dumadampi sa akin ang nanunusok pero matatamis na sinag ng araw.
0 notes
Text
Pag-ibig
"Sa pag-ibig lang!"
Sabi ng isang pasahero kanina sa bus.
Kung pwede lang sanang ganoong kadali - magbabayad ng dose pesos at ihahatid ka sa walang hanggang kasiyahan.
:)
0 notes
Video
youtube
"Lay Me Down"
Yes I do, I believe
That one day I will be, where I was
Right there, right next to you
And it's hard, the days just seem so dark
The moon, the stars, are nothing without you
Your touch, your skin, where do I begin?
No words can explain, the way I’m missing you
The night, this emptiness, this hole that I’m inside
These tears, they tell their own story
You told me not to cry when you were gone
But the feeling’s overwhelming, they're much too strong
Can I lay by your side, next to you, you
And make sure you’re alright
I’ll take care of you,
And I don’t want to be here if I can’t be with you tonight
I’m reaching out to you
Can you hear my call? (Who's to say you won't hear me?)
This hurt that I’ve been through
I’m missing you, missing you like crazy
You told me not to cry when you were gone
But the feeling’s overwhelming, they're much too strong
Can I lay by your side, next to you, you
And make sure you’re alright
I’ll take care of you
And I don’t wanna be here if I can’t be with you tonight
Lay me down tonight, lay me by your side
Lay me down tonight, lay me by your side
Can I lay by your side, next to you, you-ou
And make sure you’re alright
I’ll take care of you
And I don’t wanna be here if I can’t be with you tonight
By Sam Smith
0 notes
Text
Pagtulog
At hihiga ako sa kama ng iyong mga ngiti
Sa init ng 'yong mga luha
Sa dagat ng 'yong kaluluwa
Matutulog ako't
'Di na gigising pa
Para sa panaginip,
doon tayo maninirahan
At araw-araw na magkikita
0 notes
Photo
Kasing ganda mo, hindi lang ang mga bulaklak, pero pati ang pamumukadkad nito. :)

829 notes
·
View notes
Text
Tatay
(Unang pahina)
Nakaharap sila pareho sa dagat. Banayad lang ang alon. At tamang-tama lang ang init na ibinubuga ng araw, hindi nakakapaso at hindi rin naman nakakalagkit ng katawan.
"Papa..." Sambit ni Laya.
Eto, 'yung unang beses na magkakalakas siya ng loob na kausapin ang ama niya labas pa sa mga debate ukol sa panlipunang pagbabago, mga ambisyon, pinansyal na usapin, o tawanan tungkol sa mga maliliit na bagay.
Hindi sumagot ang tatay niya, pero alam niyang narinig niya ang salitang binitawan niya.
Hindi niya rin naman alam ano ang sasabihin, pero ayaw niyang palampasin ang magandang tanawin at perpektong panahon para may sabihin... 'Yun nga lang, wala naman talaga siyang nakatakdang sabihin.
"'O bakit?" Sabi ng tatay niya.
Nagitla si Laya. 'Di niya inakalang tutugon ang ama niyang matapos ang ilang taon, ay akala niya napipi, o naging bato na.
Hindi talaga niya alam ang sasabihin, kasi wala naman talaga siyang sasabihin. Kaya 'yung unang pumasok sa isip niya, kahit pa wala naman itong koneksyon sa buhay niya, para lang masustina at hindi maputol ang usapan, 'e sinabi niya.
"Paano kung ikasal ako anytime soon?" Kahit na hindi naman talaga siya ikakasal.
Walang reaksyon ang tatay nya, parang walang narinig. Mataimtim lang itong nakatingin sa kung paano humahampas ang mga alon sa mapuputing buhangin.
Hindi alam ni Laya paano babawiin 'yung mga sinabi, pero wala na rin naman siyang magagawa. Kahit na matagal, hinintay niya ang sagot ng tatay nya sa isang tanong na una sa lahat, hindi rin naman niya alam anong pinaghuhugutan.
"Sabi ko naman sa 'yo, hindi dapat natin itinuturing na gamit ang mga anak, hindi sila pribadong pagmamay-ari na maaari nating i-possess." At 'yun naman ang inaasahang sagot ni Laya, personal, at politikal.
"Pero sino ba 'yan, hindi mo pa nga pinapakilala, ikakasal na agad kayo." Natatawang tinanggap ni Laya ang mga pasaring na ito ng ama.
"Hindi. Wala, 'Pa. Natanong ko lang."
At bumungad sa kanila ang katahimikan.
"Sayang. Sana nandoon si Ada bilang isa sa mga abay sa kasal mo."
Natigilan si Laya. Parang ilang oras siyang nakaupo sa parehong upuan at natigilan lang sa pagtitig sa mga alon at mga taong pabalik-balik sa dagat para magtampisaw. Pakiramdam niya bumaba, tumaas at bumaba na ulit ang araw. Pakiramdam niya nalipasan na siya ng maraming taon dahil sa sinabing 'yung ng tatay niya.
Hindi niya inakalang sa isang biro, raragasa ang bilis ng alaala.
(End of page 1)
0 notes
Text
Maria Angela
Naluha siya ng makitang muli ang mga pailaw sa kalangitan, hindi dahil sa saya o sa lungkot. Ang pagluha niya ay dahil sa halu-halong emosyon at alaala na nagdala sa kanya sa isang konklusyon - hindi pa siya ganoon katatag para harapin ang mga pagbabago at ganoon pa siya kahina para hindi maiwasan ang tukso.
Pero may isang bagay siyang sigurado ngayon, 'yun ay 'yun ayaw ka niyang masaktan, o ayaw ka niyang makitang umiyak o magalit, ng dahil sa kakayanan niyang gawin 'yung mga bagay na maari mong ikapanghina.
Pero, huwag kang mag-alala, wala naman ni sa hinagap niya, ang isipin na sadyaing saktan ka. Iniisip pa lang nya na magkasala, tumatayo na ang balahibo nya at naiiyak na sa sakit.
Ganoon siya kasaya kapag kasama ka, at ganoon siya nagpapasalamat sa Diyos dahil nakilala ka niya, at higit pa sa dito at doon, ganoon ka niya kagustong makita ring masaya.
Hindi lang talaga siguro maaalis sa kanya ang matakot - na baka sa isang pagkakamali, iwan mo siya, o kalimutan na lang bigla. Pinanghahawakan niya ang tiwala mo sa kanyang kaya niyang magbago, at sana hindi ka mapagod sa pagtitiwala, kahit na minsan matigas talaga 'yung kanyang ulo.
Sana sa susunod na pagtingin niya sa mga pailaw sa kalangitan, mabawi na niyang muli 'yung lakas para harapin lahat ng pagdududa ng mga tao sa kung gaano kabusilak ang kaniyang puso, at kung gaano, niya kakayanin, na mag-ayos ng buhay, para sa 'yo.
0 notes
Text
Sa mundo ng mga dapat
Sa mundo ng mga dapat,
Hindi puwede ang isa sa isa pa, kung mayroon na siyang dalawa.
Bukod sa espasyong kakainin nito, ay hindi ito tama.
Dahil ang batas ng moralidad ang nagdidikta,
na ang isa ay hindi pwede sa isa pa,
At ang batas na ito ang sinusunod sa mundo ng mga dapat.
Sa mundo ng mga dapat,
Hindi puwede ang magkamali,
Dahil sa katandaan at karanasan nahahasa ang pagpapasya,
At sa matandang edad sasapat na,
Na ang magkamali'y paparusahan,
Na ang magkamali'y huhusgahan.
Dahil mga bata lang ang puwedeng
magkamali at magkasugat,
sa mundo ng mga dapat.
Sa mundo ng mga dapat,
hindi tayo puwede,
dahil ang kontekstong iniinugan natin ay nakakulong
sa mga selda ng mga batas
na hindi naman maipaliwanag kung ano ang maidudulot,
at sa mundo ng mga dapat walang magagawa,
kundi sundin ang mga utos na ito,
at mga dikta ng hindi malamang ponsyo pilato.
Dahil sa mundo ng mga dapat,
hindi puwede ang isa sa isa kung sila'y dalawa na,
lalo pa't matanda na siya alam niyang mali,
at mulat siyang magpapasya,
dahil sa mga batas ng kontekstong iniinugan,
kinukulong ang nagkakamali,
at namamatay ang nagmamahal.
Ganyan sa mundo ng mga dapat.
0 notes
Text
Anlong
1.
anto
so naibangat mo ed siak
onong ed aro?
sakey ya agew
ombangon ka
tan ibagam ed siak
nakaukulan mo so unalis
ta nasasalimuotan ka la
ed bilay ya inkolibenben mo
kalabian
anggano akapikit so matak
tan akabeneg ed wangala
ag niburi’y eteet na datal
so impaway mo
agko inimano
so pandadalem na dagem
ya akaloob ed impangilukas mo
na kaput
nankobot ak
aliwan lapu’d impakaliknak
na betel
agko labay labat ya naimatunan mo
so pansibsibek
tan iterter na luak
laka
anap mo
so dilim
ta nababalang
2.
anto
so naibangat mo ed siak
onong ed aro?
sakey ya agew
onsabi ka
tan ibagam ed siak
ya nakaukulan mo so ompawil
ta makakailiw ka la
ed bilay a tinaynan mo
kalabian
anggano akalikdem so matak
tan akabeneg ed wangala
ag niburi’y eteet na datal
so insabim
agko inimano
so dalamerem na dagem
ya akaloob ed impangilukas mo
na kaput
binmangon ak
pian abeten ka
no naimatunan mo
so pansibsibek
tan iterter na luak
araya et terter na luan maliket
gala
lakap mo
so pinablin
abayag a nanalagar
ed sika
(nanlapud Pinabli tan arum ni'ran Anlong)
0 notes