Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
ANG MUNTI KONG GABAY
Kaya mong magpatuloy hanggat may isang taong naniniwala sayo. Yan ang kasabihang paulit ulit kong tinatandaan kahit anomang salita ang aking marinig. Mga salitang animoý isang panaksak na unti unting bumabaon sa aking pagkato at pumupunit sa aking mga pangarap.
Aaminin ko isa akong batang natuto ng sumunod sa agos ng mga salitang idinidikta ng ibang tao sa akin. Marahil nagtataka kayo kung bakit. Nasa sinapupunan pa lamang ako pilit ng dinidiktahan ng mga tao sa paligid ko kung sino at ano ako sa aking paglaki. Ngunit mga diktang masakit at nakakapunit. Mga salitang lalaki kang basagulero at walang mararating, pasaway, at pabigat. Akala nila, sa mga ngiting iginaganti ko sa mga salitang iyon ay isang ngiting masaya at pagwawalang bahala. Ngunit sa loob ko isang mapait na luha at pighati na kung bakit tila ba alam na nilang akoý walang kahihinatnan na tila ba sila ay Diyos ngunit hindi ba wala namang nilikhang likas na masama?
Hindi ko namamalayan na nagiging alipin na pala ako ng kanilang mga salita at alila ng kanilang mga gawa. At sa pnahong yaon na pakiramdam ko ay wala na nga akong kahihinatnan at tila ba tapos na ang laban. May isang taong binigay sa akin ang Panginoon, upang patuloy na maniwala at magtiwala sa aking mga pangarap. Paulit-ulit na sinasabi ng taong ito na, ako lamang ang makapagdidikta ng ng aking bukas. Wag kong hayaang diktahan ako ng ibang tao. Dahil ako ay ang pangarap ko. Na ang mga salita ay hindi dapat maging isang sugat sa akin kundi maging isang sandata upang lumaban at manatiling matatag sa buhay. Ako ay espesyal at may inilaang magandang kinabukasan sa akin ang Diyos.
Mahirap, oo mahirap, ngunit hindi na ang hirap ay isang sangkap ng buhay uoang mas lalo itong maging kapaki-pakinabang? Hindi ba ang pait ay nariyan upang maramdaman natin ang lasa ng tamis at asim ng buhay? Na kung susumahin, ito ay ang mas magpapatatag at magibigay ng kulay sa ating buhay.
Yan ang mga salita ang laging binibigkas sa akin ng aking kapatid. Sa mga panahong parang wala ng bukas. Sa mga panahong parang wala ng naniniwala.
Ang aking kapatid ang munti kung gabay ngunit, ang aking munting gabay ay isang tao din. Nahihirapan at nasasaktan. Madalas, nakikita ko lamang sa kanya ang tatag at ang tayog ng kanyang mga pangarap sa amin. Mga bagay na para bang kasing tibay ng mga bundok. Ngunit nakalimutan kong kahot bundok ay naabuso at may pinagdadaanan din. Na sa panahong, patuloy nya akong bnibigyan ng lakas at tibay ng loob para magpatuloy hindi ko nakitang kailangan nya rin pala ng taong magpapalakas sa kanya ng loob. Na kung mga mata ko ay sya ay matatag at tila ba walang kinatatakutan ngunit mali pala ako. Sya pala ay napapagod na din ngunit patuloy na kumakapit para sa amin.
Masyado akong naging bulag sa sarili kung pagsubok na hindi ko nakitang ang aking gabay ay may sarili ring pinagdaanan. Ngunit dahil sa kanyang tatag ako ay natuto. Natutong, maging gabay din nya sa panahong napapagam din ang kanyang pagkatao.
Kaya sayo, aking kapatid at gabay. Nais kung magpasalamat asahang mong ang mga salitang ibinigay mo sa akin ay magiging isang magandang kinabukasan balang araw. Maraming Salamat. Mahal Kita.
1 note
·
View note