Text
Hi?
It's been a while. Lagi lang naka log in yung tumblr account ko here sa phone ko, but never try to open it due to my busy schedule. How's people goin? Iba na ang mga tao dito hahaha sobrang estetik na. I'm sorry your millennial tita di na kayo mareach haha anyway, I'm just tryin to scroll out here and biglang nag reminisce lahat sakin yung 15 y/o self ko dito. Parang buong summer vacation ko tumblr lang inaatupag ko at puro chismis dito. Lol!
5 notes
·
View notes
Text
I started here when I was 15/16 y/o if im not mistaken. Pero grabe ‘no? 10 years na nandito pa rin ako nag rarant ng mga walang kwentang thoughts ko na minsan cause ng pagkaoverthink ko. Ang dami ko ring masasayang araw na hindi ko nasusulat dito. Pansin ko rin na kapag malungkot or sawi ako dito ako nagsusulat. Simula ngayon, sana magtuloy-tuloy na magsulat ulit ako. Sana yung masasaya naman para kapag babalikan ulit kita ng mga sampung taon ulit hindi lang ito takbuhan ko kapag malungkot ako kundi sa masasayang ala ala rin. Hays ang sarap lang balikan rin dito yung una kong gamit kahit wala na akong kain non grabe ang lala ng pagka adik ko rito walang sawang scroll up and down ako at magbasa ng kwento ng iba. Nakakamiss. Nakakamiss na ito lang yung pinagkaka abalahan ko. Ang hirap pala maging adult hahaha.
12 notes
·
View notes
Text
I just want to tell myself that “you did a great job!”. Alam kong hindi madali yung pinagdaanan ko. Pero sa kabila ng pag iintindi ko mas nanaig yung maging mabuti pa rin at mag move forward sa mga bagay na hindi na dapat pag aksayahan ng oras at panahon. Kanina, biglaan kaming nagkita ng ex ko. Nasa iisang circle of friends lang kasi kami and hindi ko ineexpect talaga na mag kikita kami kasi lagi kaming salisi. Sa umpisa, hindi ko alam ano yung magiging reaction ko kapag nakita ko na siya ng personal. May halong excitement, may halong kaba na may halong takot ganyan yung naramdaman ko kanina. Excited kasi ngayon ko nalang ulit sya makikita, may halong kaba na may halong takot kasi naalala ko yung mga panahon na kung paano nya sinabi sakin na “tigil muna natin ‘to.” Sa sobrang kabado ko kanina sorry po sa manong driver na hindi ako nakabayad ng jeepney fare hayaan nyo po dodoblihin ko yung bayad ko sa susunod. Gusto kong ikalma yung sarili ko kanina, gusto ko subukan yung sarili ko na kung kaya ko na ba. Kasi sabi ko, ito na yun eh malalaman ko na yung sagot sa tanong na hinahanap ko ng mahigit isang buwan. Akala ko kapag nakita ko sya iiyak ako pero nagkakamali pala ako. Akala ko hindi pa ako okay pero nung nagkita kami, okay na pala ako. Sobrang awkward kanina, at alam ko naman na ganon rin sakanya. Hindi kami nag usap, magkatalikuran kami ng pwesto kanina at doon ko na sinubukan ulit mag reach out na baka sakali na yung sinagot nya ako sa tanong ko dati na kung pwede na pag usapan at sa panahong hindi pa sya ready sa ganong pagkakataon umasa ako na may makukuha akong sagot. Kinamusta ko sya, sinabihan nya ako ng “im okay” and sinagot ko sya ng “ayos yan!” Nakakatawa man, pero ganon na sinagot ko sakanya. Then, naghihintay ako sakanya na baka sakaling magpaliwanag sya sakin iclarify yung mga bagay bagay pero sa ganong actions nya sakin yun na yung pinakasagot. Ginawa ko naman na yung part ko siguro naman sapat yun. Hindi ko man alam kung ano pov nya pero ayun, masasabi ko na okay na pala ako. Mas nalaman ko na yung halaga ko.
13 notes
·
View notes
Note
Pwede po ba maglabas ng sama ng loob? 🥹
Sure!!! No problem
2 notes
·
View notes
Note
Paanong chill ba yung ibig mong sabihin? Kasi may chill na low-key tapos may chill na astang walang jowa ganun. Since sabi mo bago pa lang kayo baka nahihiya lang siya?
Hindi sya nahihiya. Yung nangyari kasi samin biglaan lang talaga parang that time hindi naman sya naghahanap ng anything romantic. He never downloaded dating app that time. We just kissed somewhere habang nagbabakasyon kami magbabarkada then sabi nya he liked me and he wants to push through it. Tapos nung naging kami gusto nya chill lang kami. Gets ko naman yung ganon. Pero sympre khit chill gusto ko rin naman ng boyfriend stuff (saying i love you, endearments etc.. typical what a girl wants) pero kasi hanggang kailan ako maghihintay at mag sstay sakanya sa kakachill nya ng ganyan pakiramdam ko na leleft out ako.
3 notes
·
View notes
Text
Can someone tell me and help me what should I do or what should I proper and right say to him na I want boyfriend stuff. Bago palang kami ng boyfriend ko and naninibago talaga ako sa set-up namin na “chill” relationship lang kami. Di kami nagsasabi ng I love you wala rin kaming endearments, first name basis lang kami. Gusto ko mag demand in a nice way na ayoko na ng set-up namin tapos tatanungin naman ako kung ano yung propose ko sakanya alamoyun. Nag ooverthink ako lagi dahil don. :( i need help talaga
8 notes
·
View notes
Text
Alam kong independent person ako pero sana matuto naman tayong makiramdam sa bagay na dapat deserve ko rin maramdaman. Hindi puro ikaw lang nakikinabang. Ayoko naman yung nagmumukha akong needy pero gusto ko naman rin maranasan. Pero yun nga sabi nga ni miley, I can buy myself a flowers
7 notes
·
View notes
Text
Gusto ko ng ihinto to ayoko na ng “chill” relationship na meron kami. Gusto ko naman maranasan yung boyfriend stuff. :(
6 notes
·
View notes
Text
Grabe iniyakan ko yung the hows of us sa lungkot ko pinanood ko talaga yun para maiyak ako at the same time para makatulog na rin. Lately hirap na hirap ako matulog. It’s either wala pang tulog or maalimpungatan tapos scroll scroll ng kung ano-ano.
4 notes
·
View notes
Text
Nalulungkot na ako kapag sinasabihan na nila ako ng “picky eater” gusto ko naman talaga kainin kaso napapangunahan ako ng takot na baka hindi masarap pero gusto ko sila kainin huhu sorry :(
0 notes
Text
Sana sa panahon na magiging kailangan kita sana nandyan ka.
7 notes
·
View notes
Text
Ito yung nakakaiyak na part sakin eh, akala ko kaya ko pa lahat. Napapagod pala ako :( ang sakit maramdaman.
3 notes
·
View notes
Text
Pagod na akong intindihin sila hangga’t maari kaya naman mag provide pero ang hilig nila mamressure. Bakit ganon sila. Sila pa matapang tska masama loob kapag may sinabing masama. Bawal na ba akong magalit? Simula ba nung nag start ako mag date, pakiramdam nila hindi sila mabibigyan ng pera. Tangina, retirement plan pala ako dito.
Nagbabalak na nga ako lumayas samin dahil sa trauma na dinulot. Ang fucked up ng nanay ko. Alam kong may sakit sya pero grabe na.
6 notes
·
View notes