Tumgik
panokunghindi · 5 years
Text
Papa kong kakaiba
ang weird ng tatay ko. Mahal ko si papa pero sobra na.
May mga puting buhok na si papa sa pagiging math titser at single father. Puro tatoo naman mga braso niya kaya lagi siyang nagsusuot ng arm sleeves kahit mag-u-uniform siya. Hinasa niya mga ngipin niya para daw mas madali siyang makanguya. Naka-prosthetic eyes siya, tas laging umiikot mga mata niya hanggang sa puti nalang yung makikita mo. Tapos hindi siya naghahanap ng bagong asawa kahit wala na yung mama ko.
Yung mga tatay ng kaklase ko hindi titser. Maliliit o walang tatoo sa braso o kamay o paa. Okay ngipin, okay mata. May asawa o girlfriend na nagaalaga sa mga anak nila. Ba't di nalang kaya piliin ni papa mabuhay ng ganun? Mas madali pa yun para sa kanya, maging normal at di iniiwasan ng iba. Tanggap ko namang titser siya pero pwede pa naman niyang baguhin yung pamumuhay niya.
Sana 'di nalang naging weird si papa.
Si papa...
Marami siyang alagang aso. Minsan pakiramdam kong mas alaga pa sila kesa sakin.
Sabi ni papa nabubuo sa luha ng lalaki ang mga aso.
Kasing haba lang ng daliri ko yung mga aso ni papa, at kaya nilang magsama-sama at bumuo ng asong mas malaki.
Bawat isa sa kanila may pangalan kahit na wala namang palatandaan at iisa lang itsura nila.
Sa araw lagi nalang nakatayo o naglalakad si papa. Di mo siya mahuhuling umuupo sa upuan niya (sa mga lamesa lang).
Tuwing flag ceremony sumasayaw siya sa position niya.
Pagka breaktime nakikita ko siyang nanghahabol ng mga batang takot sa kanya o binibiruan yung ibang tumatambay sa canteen.
Tapos dala pa din niya hanggang doon yung mga aso.
Pambihira lang daw pinapagalitan si papa sa mga 'acts of misconduct' niya.
Hindi ko din alam kung bulag ba talaga siya.
Basta sabi ni tita kong nagaalaga sakin na pumutok daw mga mata niya noong kinuha niya muna ako. Hindi ako sure kung ano talaga ibigsabihin nun pero simula noon nagpapagawa na si papa ng mga mata.
Hindi realistic yung disenyo ng mga mata tapos hindi naman bumabagay sa kanya.
Tapos di niya tinatanggal kundi pag oras na ng tuluggan.
Kahit na bulag siya, umaasenso si papa sa kahit anong larong may bagay kang hahabulin. Mahilig siyang maglaro ng basketball kaso lagi nalang siya nakakaagaw kaya hindi na siya pinapasali sa mga laro ng subdivision ko. KAHIT NA BULAG SIYA naging unfair palaruin si papa sa kahit anong larong nakikita, nararamdaman, at naririnig mo.
Sabi ni papa noong nasa edad ko siya kailangan pa siyang i-'ban' ng principal nila, para di na siya isabak ng mga titser sa kahit ano.
Hindi ako sure kung pano siya nakakashoot. Mas naniniwala parin akong wala siyang physical na mata. Baka sa sobrang tagal ng bulag siya nahasa niya yung galing niya sa pagkinig at pangamoy.
Hindi nananalo sa galing ng pagtira si papa. Para sakin nadadaig niya sila sa swerte at bilis.
Walang tunay na kaibigan si papa.
Sumasama naman siya sa samahan ng mga titser pero di ko siya nakikitang nakikipagusap ng matino (yung mahaba-haba na makabuluhan, di yung 'hi' lang).
Takot din naman kasi sila sa kanya. Lahat sila.
Dati may dumadating na babae sa kama namin pagka tulog na kami. Nahuhuli ko siyang nakatitig kay papa tas minsan may binubulong siya sa tainga niya.
Ngayon may lakas ng loob na akong paalisin yon, kung dadating uli yung araw na mangyayri nanaman yun.
Parang ako lang nakakaintinding tao din si papa hahaha
Noong bata ako laging may kwento si papa. Kwento niyang kinain niya daw si mama noong buntis siya sakin, tas dinura nalang niya ako sa emergency room.
Tinatanong ko noon kung bakit niya ginawang kainin si mama.
Sagot niya minsan kasi ni-love daw niya ng sobra si mama kaya di niya matiis kainin siya bago pa may mangyari sa amin.
Minsan naman sagot niya nahulog daw siya sa bunganga niya noong humihikab siya.
Tapos minsan naman, pagka inaantok na siya at nakainom na siya ng gatas niya, ang sagot niya, 'tumingin kasi ako noong tumatawid kami.'
Hindi ako takot sa papa ko. Parang ako nga lang hindi sa pamilya ih.
Sa bahay kahit na karne lang talaga yung kinakain niya naghahanda parin siya ng gulay para sakin. Bawat isa sa mga tuta niya lagi niyang tinuturuang makipaglaro sakin.
Nagsusuot siya ng pekeng mata para magmukha siyang disenteng ama at magulang kahit di naman niya to kailangan suotin sa sobrang kating dinudulot nito.
Kinukuha niya yung mga tita ko para magalaga sakin kahit na ayaw naman niya sa kanila dahil kinukuha nila ako noon sa kanya, para lang magka-mother figure ako.
Pero di mo talaga mababali-wala ang pagkaka weird ng papa ko.
May mga puting buhok na si papa sa stress ng pagiging math titser at single father. Puro tatoo mga braso niya kaya lagi siyang nagsusuot ng long sleeves sa ilalim ng t-shirt o uniform niya. Hinasa niya mga ngipin niya para daw mas madali siyang makanguya. Laging umiikot mga prosthetic eyes niya hanggang sa puti nalang yung makikita mo. Tapos ako anak mo.
0 notes
panokunghindi · 5 years
Text
storage room
"So," binuklat ng babaeng grade 10 ang isang folder puno ng notes at iba't ibang papel. Habang iniisip niya kung ano ang susunod niyang sasabihin tinignan niya taas-baba ang nilalaman ng folder, pumikit, saka nimulat ang kanyang mga mata sa lalaking grade 7 na may DLSR nang nakakunot ang noo. "Paki-explain muna." Ngumiti ang babae nang nadama niyang masyadong seryoso tono niya kanina. "Saang kaso ka ule?" "Doon po ako sa president," sagot ng photographer. "Ah. Si Diana, de kontrabida. Ang ating nakakabighaning Student Government President," kanta niya. Naramdaman niyang kumiliti tiyan niya sa gigil. "Ano, may lead ka na? Alam mo na kung ano pinagbabalak niya?" Tumabi sa kanya ang photographer para makita muli ang folder. Tinuro niya ang isang picture ng sinasabing presidente ng may kausap na dalawang lalaki. Kita sa picture na nasa elementary library sila ng campus. "Hindi ko po narinig usapan nila pero nagpasahan sila ng papel nung araw na yon," turo ng lalaki. "My... alam ko yan," tumindig ang isa pa nilang kasamang grade 9, babae. "... Kaklase ko yan," lumapit siya sa kanila. Ang babaeng ito ay naka-ponytail, at halatang 'di nakakatulog ng mahimbing. "Oo nga, siya nga. Sabi na nga, sabi na nga eh! Halos araw-araw yan ineexcuse sa klase ng mga SG kahit di naman siya kung ano-ano ng anuman!" Ngumiti lalo ang babaeng grade 10, "Ano pa alam mo? Ito ba yung papel na yon?" Kinuha niya ang isang punit na pirase ng papel sa folder. "Hindi po yan yung papel na nasa picture pero nakuha rin po niya yan kina Diana. Tinapon po yan ng isang kuya sa basurahan," tinuro niya sa picture ang lalaking nakasalamin. "Maraming papel din yung pinagpapasa-pasa nila." "Oh my G... Jaen, lagot ka na talaga..." Nilalaman ng papel ang ilang sketch ng mga makina. Lahat nito ay nagmumukhang radyo na may mikropono. "Tropeyo, Anunsiyo, konprontahin niyo nga yung Jaen na yan. Interviewhin niyo. Magaang tanungan lang, ha? 'Wag niyong ipahalata. Record niyo din. Ako na magkukwento kay ma'am."
0 notes