It's been a while
Nilimot ko ang tumblr na ito kasi nandito ka. Dito ka namalagi, dito ka nabuhay sa akin. Ilang beses man nating pinili na tapusin at iwan ang mga dapat na iwanan, ang mga bagay na napagusapan at tinapos ay bumabalik pa rin tayo sa pilit na iniiwasan, ang alaala ng nakaraan. Mahirap kalaban ang hindi nahahawakan at mas mahirap ang wala na palang panghahawakan. Ilang araw ang tiniis ko sa piling ng magaganda at masasamang alaala mo. Ilang beses sa isang araw ko naramdaman ang lungkot at saya dahil sa pagbalik sa mga alaalang ito. Hinayaan ko lang sila. Hinayaan kong malunod ako sa mga pakiramdam na ito hanggang sa mawalan na ako ng hininga. Hinayaan kong mamatay ako sa mga alaalang ito kaya ngayon wala na akong buhay. Wala na akong buhay para sa iyong alaala. Hindi namanhid tol, namatay. Hindi ako naniniwala sa reincarnation kaya malaki ang tiwala kong wala ng babalik sa nararamdaman ko noon. Ngayon, naiintindihan ko na ang maraming bagay. Naiintindihan kong hindi pagmamahalan ang para sa ating dalawa, naiintindihan ko na ang tunay na malaya. Tol, masaya ang pakiramdam. Hinihiling kong mamatay ka na din, mamatay ka na sa alaala ng ating nakaraan. Hinihiling ko ang iyong kalayaan. Mabuhay tayo sa paraisong matagal nating pinangarap na noon ay hindi natin maintindihan kung bakit hindi natin makamit. Sabi ko, baka hindi talaga pagmamahalan ang para sa atin pero kung mapagbibigyan pa din tayong magkasama ay alam ko na ang dapat sa atin ay mamagitan. Pagkakaunawaan, pagkakaintindihan, pagkakaibigan. Tama na siguro ang ibigin ang isa't isa pero hindi ang magmahalan. Huwag na nating pataasin ang halaga ng isa't isa dahil babalik tayo sa dati. Itataas na naman natin ang halaga ng isa't isa, aangat tayo sa dagat kung saan natin nilunod ang mga sarili natin. Tama na. Alam kong mababasa mo ito hindi ko nga lang alam kung kailan. Siguro kapag nabasa mo ito hindi mo agad maiintindihan. Ipagpaumanhin mo namn ako kung mali tong naisip ko at maintindihan mo agad ang ipinararating ko. Magpadala ka ng mensahe kung ramdam mong para sa'yo ito, yun na lang ang huling hiling ko bilang nakaraang minahal mo. Mia
0 notes
Kahit anonpa ang mangyari. Kung pinili mo siya, wala ka na dapat na pagaalinlangan. Mahaba ang naging proseso ng pagiisip. Mahaba ang panahon ng pagmumuni. Iba ang pagkakaibigan at pagibig. Hindi pwedeng isa lang ang piliin. Tanggapin kung ano siya, sino siya at ano ang kahihinatnan niya sa hinaharap.
0 notes
Ikaw ang male version ko kaya siguro kamumuhian kita.
Grey area
0 notes
Ruin my life
1K notes
·
View notes
#b70900
97 notes
·
View notes
oh science.
8K notes
·
View notes
17K notes
·
View notes
may #mali e
0 notes
#elbi
puro pics? seryoso na ba ngayon sa fb ang mga tao? wala na bang masabi kundi 140 characters? 9gag na lang ba at etc?
wattapen tumblr?
0 notes
Naalala ko ang pagiging inosente
ang buhay dorm, kainan, klase, kainan at dorm
naalala ko ang paghahanap sa library
ng mga libro para sa lrp
na nasa card catalog pero wala sa shelves
ngayong magbabalik aral na ulit ako
ano nanaman kayang routine ang kagigisnan ko?
Main Lib. UPLB.
98 notes
·
View notes
oh may gad
Parang may love story ata akong hindi inaasahang matulkasan
bakit pa kasi napagdesisyunang
magbasa ng posts tungkol sa
0 notes
Paano? Talikuran mo at huwag mong lingunin.
Tibay lang ng loob at kamangmangan ang minsang sagot
sa hamon ng buhay.
Tibay ng loob
tinalikuran mo na kaya ayun na yon. Hindi ka si Rizal para lumingon pa.
Wala kang dapat pang patunayan sa kanya,
napatunayan mo na yun nung bumalik ka.
Tama na 'yon.
Panahon na para kampihan ang mga paang umikot
ang leeg na tumalikod.
Panindigan ang pinagisipan
IWAN ANG DAPAT NA NANG IWANAN.
Kamangmangan
kung hindi ka sigurado sa patutunguhan
anong kasiguraduhan mo sa piling ng iyong kasalukuyan?
Ang panahon ay destinasyon din.
Walang pinagkaiba ang pananatili at paglisan,
bakit kailangan pang pagisipan ng lubusan?
Oo maraming maiiwan
ngunit mas malawak ang iyong sisidlan
kapiranggot lang ang madadala
dahil aminin mo man o hindi
marami kang malilimutan.
"Oh, ikaw kumusta ka naman? Anong bago?"
"Ah, eto paalis na ako ng eLBi. Sa 15th."
"Good for you. New life!"
Ilang beses na ba akong nagtangkang umalis sa lugar na ‘to. Ilang beses ko na ring ipinamalita na aalis na ako pero hindi matuluy tuloy.
Pero ngayon eto na, sigurado na ako. Aalis na...
9 notes
·
View notes
Pwede ka na sa Disneyland
Likod mo pa lang
Alam kong ikaw na yan
Mula sa mala Jose Rizal mong buhok,
Sa kurba mong likod,
Sa bilbil mo sa tagilirang nagsulputan kailan lang,
Alam kong
Ikaw na ikaw yan.
Pinagisipan ko kung sino yang kaakbay mo
Tapos naalala ko
May syota-syotan ka nga pala
Ina mo, luko ka
Pagkatapos mong sabihin na hindi kayo para sa isa't isa
pagkatapos mo akong dramahan ala telenovela
Siya at siya pa rin pala ang pipiling makasama kailanman.
Kitang kita ko ang paglalakbay ng kamay nyo
Ang pagbalagtas patungo sa langit sa tabi ng kalsada
Muntik na akong mahiya
para sa inyong dalasa.
Pero kahit na may malulupit pa ring mga salita
Ang sa aking isip at patagong bunganga
Ang katotohanan, nuong aking kitang masulyapan,
Ako ay natuwa.
Sa wakas wala n ng puot galit at sakit
Sa aking puso at mukha
Kahit panandalian lang,
Akoy ngumiti na parang wala tayong mapait na nakaraan.
Malayo ang ating nilakbay,
Tatlong tindhan ang inyong sinulyapan
Hindi ko alam ang inyong naisin
Pero alam ko kung anong hindi nyo kailangan
Ang pagibig na my patutunguhan,
ang relasyong nay pangalan,
Dahil mukhang nagkakaigi kayo s sitwasyong walang panghahawkan,
walang kasiguraduhan
kunwari pagiibigan.
Ang parang paghahabulan
natapos sa parang katapusan.
Hindi ko man nasilayan
Ang mukha mong siguro'y may malagong bogote't balbas
At ang ngiting nakakapagpa-Chinito
Alam kong ang alaalang ito ay mayroon ng paglalagyan.
Ang iyong selda sa aking isipan
Madadagdagan na naman ng peripernalya.
Nawala man ang preso,
may rehas pa ding pilit na nagkukulon
sa kung ano man ang hindi na dapat makatakas pa
Sa isip
Sa salita
At sa tula.
2 notes
·
View notes
Hangover - Sugarfree
Akala ko isang normak na araw
Trabaho, bahay, uwi sa tahanan ko
Matapos dalawin ang minsang naging lungga
Ako'y lumarga at hinarap ang realidad
Hindi ko inakala na ang alaalang nililimutan ay magsisibalikan
0 notes
Kung kailangan mong simulan ang paglalagay ng lasa sa nakakaumay mong buhay.
0 notes
Maikling panimula (na)
Pangalawang araw na ng taon ngunit wala pa din akong nararating. Gumising ng maaga para patayin ang alarm na alas-singko y medya, dumilat, umikot, sinilip ang selpon tapos pumikit ulit. Sa pagpikit ko ay nakita ko ang imahe ng gahigante kong boss kaya bumangon ako at ibinaba ang panginit ng tubig.
Kinse minutos bago ako nakapagpainit ng tubig. Pabalik-balik ako sa hagdan dahil hindi pa kumbensido ang aking katawan sa naisin ng aking isip. Gusto pa ng katawan kong maging tamad, maging duwag at taguan ang lahat ng dapat harapin, hindi lang sa bagong taon na ito kundi sa lahat ng taong dadarating pa, ang responsibilidad. Mahirap ng buhay na kinalalagyan ko ngayon, hindi na lang pagiging anak ang ginagampanan ko sa tahanang ito.
Kaninang umaga, matapos kumain at maligo at magbihis at humalik at magmano sa mga magulang ay umalis na ako. Masarap din pala na may matira sa nakaraan, yung tipong naging pundasyon ng pagkatao mo.
Mahirap ang pagbabago pero mas mahirap kung ikaw ang mapagiwanan ng nagbabagong kapaligiran.
0 notes