pattyisabellecalma
pattyisabellecalma
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
pattyisabellecalma · 4 years ago
Text
Art in Island: Interaktibong Karanasan (Pebrero, 2019)
Tumblr media
Photo Credits: Booky Guide
Paalala
Ang Art in island ay matatagpuan sa Cubao, Quezon City, ito ay sarado tuwing Lunes at bukas mula Martes hanggang Linggo, ang operating hours naman ay 9:30 AM - 8:30 PM at bukas din sila tuwing holiday sa parehong oras. Ang admission fee naman ay nagkakaiba sa edad ng bawat kostumer. Ang presyo para sa adults ay ₱500 at ito ay may discount ng ₱100 para sa mga estudyante, Senior Citizen at Person with Disabilities o PWD ngunit kailangan na magdala ng ID bilang patunay dito.
Mga Panuntunan
Una, bawal magsuot ng sapatos sa loob ng museo upang mapangalagaan ang mga sining, kaya naman bago makapasok ay pinapaiwan ang mga sapatos sa shoe counter. 
Pangalawa, bawal magdala ng pagkain at inumin sa loob ng museo ngunit kung sakali man na magutom o mauhaw ay mayroong cafe na matatagpuan sa exit ng museo. 
Art Zones 
May iba-ibang parte na matatagpuan sa museo, kaya hindi nakakainip na lumibot sa buong lugar dahil habang nasa pasilidad ay gugustuhin nang kostumer na alamin ang magiging itsura ng mga sining sa litrato. 
Optical Illusion Zone
Dito makikita ang mga bagay na gumagalaw kahit na ang mga ito ay painting lamang. 
Tumblr media
Digital Art Zone
Dito isinasabuhay sa pamamagitan ng bidyo ang mga painting na matatagpuan sa buong silid. At ang theme nito ay kinuha mula sa Bibliya. 
Tumblr media
Central Hall 
Dito ang pinakamalaking bahagi ng museo, at ang theme dito ay ang kaharian ng Panginoon.
Tumblr media
Photo Credits: Anton Diaz
Tumblr media
Aqua Zone
Ang pokus naman dito ay ang buhay sa karagatan at ito ay puno ng mga sirena at iba-ibang klase ng isda.
Tumblr media Tumblr media
Photo Credits: JYP
Animal Zone 
Makikita naman dito ang iba at ibang klase ng hayop na nakatira sa sariling mga tirahan o habitat. 
Tumblr media Tumblr media
Religion 
Ang pokus naman dito ay tungkol sa kalangitan, ito ay puno ng mga ulap at anghel. 
Tumblr media
Christmas 
Ang makikita naman dito ay ang mga simbolo ng Christmas, nilalaman nito ay nyebe, si Santa Clause at mga usa. 
Tumblr media
Love 
Dito naman makikita ang mga lugar na madalas puntahan ng mga magkasintahan at puno ng mga puso. 
Tumblr media
Photo Credits: Karen Young
Tumblr media
Fantasy
Matatagpuan naman dito ang mga pangyayari na maaaring mangyari sa mga pelikula na superhero, fantasy at scientific-fiction. 
Tumblr media Tumblr media
1 note · View note