peculiarpolaleng
peculiarpolaleng
Pola
279 posts
"PAULA MANALANG" I'm 21 yrs. old born on 8th of January I have 1/4 japanese blood. Music is my Life.I can't sleep w/o my 2 little pillows. Addicted to yakult, yogart and dark chocolates I <3 Jollibee.. FYI I'm Kdrama Fan.. Super in love to Silent Santuary and have super crush with Jason Rondero I admire TJ Monterde a lot!
Don't wanna be here? Send us removal request.
peculiarpolaleng · 8 years ago
Text
Fangirling
May nagtanong sakin,
“Ate Pau kailan ka nagsimula sa pagfafangirl? Anung pakiramdam ng pagiging Fangirl?”
Ayoko sana pansinin yung tanong niya. Pero natuwa nalang ako bigla nung naalala ko kung kailan ako nagsimula. Ang daming flashback bigla nalang ako kinilig.
Nagsimula ko maging fangirl nung nauso yung Kdrama dito sa Pilipinas. Elementary palang ako noon. Gabi pa naman pinapalabas yung mga kdrama sa ABSCBN noon hahaha. Napupuyat ako kakapanuod. Sa dami nga ng napanuod kong kdrama nung mga panahon nayon yung iba limot ko na. Syempre yung mga nagtrend talaga yung hanggang ngayun alalang alala ko pa for examples Princess Hours, Boys Over Flowers, My Girl, He’s Beautiful, Lovers in Paris at madami pa hahaha. Hanggang ngayon fangirl padin ako ng kdrama. Yung kahit alam kong may trabaho pa ko bukas wala kong pakielam basta makapagpuyat ako makapanuod lang. Recommended kong panuorin ninyo eh yung mga sumikat noong 2016 tulad ng Descendants of the Sun, Uncontrollably Fond, Oh My Ghost (2015 ata to), W two worlds, Cheese in the Trap, Weightlifting Fairy Kim Book Ju, Goblin (ay sobrang ganda nito bes ahaha), The Legend of the Blue Sea, madami pa eh search mo nalang LOL
Nagsimula dun pagiging fangirl ko sa mga actors ng south korea. Ang tanda ko pinakagusto ko si Kim Bum ng Boys over flower. Nabili pa ko ng posters at stickers basta siya yung mukha na nandun. Ngayon ang pinakagusto ko na ay si Song Joo King ng Descendants of the Sun. Madami niya akong pictures sa cellphone ko pati sa Laptop.
Dun nadin sumikat ang Kpop. Aaminin ko naadik din ako sa Kpop. Maganda kasi yung music nila nakakahooked. Pinaka gusto ko that time ay ang CNBlue at Super Junior. Ngayon kasi isang group nalang gusto ko ang EXO. Ayoko nadin kasi maadik masyado ang gastos kasi HAHAHAHA!
Usapang International naman tayo. Isa din akong makaBelieber. Opo fangirl din ako ni Justin Bieber. Simula palang ng sumikat siya at masasabi ko ding hanggang ngayon. Nakakainspire kasi ang kwento niya. Kahit madami ng negative na comments about him. Plus points pa yung mga kanta niya na nakakabilib talaga. Naalala ko tuloy nung high school nanuod pa kami ng Sine ng kapatid ko nung nagshowing yung Never Say Never.Then bumili pa kami ng libro sa sobrang naaddict kami. Pero ngayun mild nalang di na ko super fan.
Maiba muna tayo. Fan din kasi ako ng Movies, yung Romantic at Comedy lalo ng Fiction Movies. Gusto ko din ng Horror basta wag lang ako ang manunuod mag-isa. Ang pinakagusto kong Fiction Movie sa lahat ay Harry Potter. Kaya ko ata tapusin lahat ng Series ng isang buong araw. Sobra akong natutuwa sa mismong story at kung paano nagmukhang realistic yung nababasa ko lang sa libro. Yung moments na maiinis ako sa dami ng nalilink na babae kay Harry at kung paano ko kiligin sa love story ni Hermione at Ron. Magulat sa magagandang effects nung una palang ilabas ang pinaka unang movie ng Harry Potter. Naalala ko pa sinasaulo ko pa yung mga spells na nababanggit noon, yung pinakasikat na spell ay “wingardium leviosa”.Kaya nung natapos ang Harry Potter sobra din akong nalungkot kasi childhood life ko nadin yun eh. Malaking impact non sa buhay ko, doon din kasi nagsimula yung pagiging imaginative ko. Sana lang talaga magkaroon ulit ng movie.
Balik tayo sa Music. Fan din ako ng Jonas Brothers, kaya nabwiset talaga ko nung nawala na yung band na to. Si Cody Simpson gustong gusto ko din, nakakahooked din kasi yung mga kanta niya. Naadik din ako kay Jessica Sanchez #BluJay, gandang ganda talaga ko sa boses niya tss di ko nga maachived eh kahit soprano na ko sa lagay na to HAHAHA.
Pag usapang band naman doon muna tayo sa International mamaya na yung Local. One Direction Band imposibleng di mo to kilala. Nung nasa talent show palang sila suportado ko na sila. Yung laptop nga namin sasabog na sa sobrang dami nilang pictures at videos. Nakakainspired din kasi yung kwento nung bawat miyembro. Sayang nga lang at nabawasan na sila. Wag lang talaga silang mabuwag kasi madaming magwawala.
Alam ninyo ba yung bandang Big Time Rush? Sila yung may TV Series pa sa Nickelodeon. Pwera sa maganda yung music nila at ang gwapo ng members, nakakatuwa din yung palabas nila. Comedy na may romance na may kasamang kantahan pa. Kung wala kang cable sa bahay ninyo noon malamang di mo sila kilala. Paano mo pa makikila ang The Naked Brothers Band? Di ako nagyayabang kasi may cable kami pero hindi mo kasi sila makikilala kung wala kayo noon. Gustong gusto ko din yang TNBB kasi may TV Series din sila at nakakatuwa yung story nung magkapatid sa banda. Search mo sa google para maintindihan mo yung nababasa mo ngayon.
Halata nabang Nickelodeon Kid ako? Pwera sa Disney Channel mas gusto ko manuod sa Nick eh kasi may realistic hindi puro cartoons lang. Tsaka may mga Comedy Series kasi sila. Ang gusto ko lang sa Disney na TV Series ay yung Jonas Brothers.
Eto na yung last puro kasi labas ng Pilipinas ang nabasa mo sa una. Dumako naman tayo sa Local Artist ng Pilipinas.
Simulan ko sa mga grupo lang at solo artist na di pa gaano sikat o sikat na talaga.
Chicser. Hahaha yes naging fan nila ko lalo na ni Cav. Ang gwapo kasi, and Yes fan nila ko kasi gwapo sila. Yun nay un hahaha.
Migz Haleco. Sa soundcloud ko lang siya unang nakilala. Tas ayun nakilala nadin siya sa television simula ng ginawan nila ng bagong version yung isang movie ng ABSCBN. Gandang ganda ko sa boses niya kaya nasa playlist siya ng soundcloud ko.
Luigi D’ Avola. Sa youtube ko naman siya nakilala. Nagka music video din siya na pinalabas sa MYX kaya medyo nakilala siya that time. Ngayon kasi di na siya active pero latest lang nung sumali siya sa Pinoy Boy Band. Nagulat pa ko kasi nagbago ng kaunti yung mukha niya tsaka kilala siya ni Yeng kaya alam niya na maganda ang boses ni Luigi.
Jude Sinahon. Sa twitter siya sikat. Gwapo kasi hahaha. Tsaka ang sweet niya sa girlfriend niya. Swerte ni Ate Girl.
Kimpoy Feliciano. Si Mr. Banat guy na mahilig mag video. Sumikat naman siya sa mga videos niya sa Youtube na kung hindi banat ay pang heartbroken naman. Sikat din siya kasi nagkaalbum na siya noon. Maganda din kasi ang boses niya. Yung boses ng pasweet ganun! Haha. Naalala ko nakita ko na siya sa personal tas may selfie pa kami. Wala pa kong papel that time kaya di ko alam kung saan siya pwede pumirma kaya ayun sa pitaka ko nalang siya pumirma.
Marcelo Santos. Isa pa to sa Youtube ko din siya nakilala. Puro Slideshow stories palang ginagawa niya nun. High School ako that time, kinikilig pa ko sa mga ginagawa niyang stories. Hanggang yung dating stories lang ginawa na niyang short movies. Nakilala na siya lalo kasi ang talinghaga ng mga salita niya. May mga libro na nga siya eh. May sense basahin worth it kaya bumili na kayo. And nakakatuwa dahil isa din siyang PUPian na katulad ko.
Syempre hindi lang yan meron pa HAHAHA.
TJ MONTERDE. Ang lalaking bumihag sa puso ko haha joke! Paano ba naman kasi pag nakanta siya parang nanghaharana lang. Yung tipong ang sarap iboyfriend! Isa ako sa masugid niyang tagahanga. Naiinlove ako sa mga kanta niya. NakakaLSS tas feeling mo ikaw yung kinakantahan. Wala naman akong pakielam kung girlfriend niya si KZ Tandingan kasi bagay naman talaga sila. Parehong singer tsaka nakakakilig yung mga video nilang dalawa. Perfect Much nga kung baga. May concert nga pala siya, sana naman magreply na yung Polyeastrecords kasi baka maubusan ako ng ticket! Kailangan ko na siyang makita at makausap ng malapitan kasi yayakapin ko siya at magpapasalamat dahil isa siya sa inspirasyon ko kung bakit hanggang ngayon hindi ko iniiwan ang Musika. (to be continue, different post)
Jason Rondero. Maikli lang to kasi may sarili akong post tungkol sakanya dito. Si Jason yung Crush ko ngayon as in! Bassist siya ng Silent Santuary. (to be continue)
Mapunta naman tayo sa nag-iisang banda na pinafangirl ko ngayon. Baka lang isipin ninyo na ang mga kanta lang nila ang pinakikinggan ko, hindi po. Sila lang yung pinafangirl ko yung tipong updated sa lahat ng Gigs nila.
Silent Sanctuary. Imposibleng di mo to kilala. Ang mga kanta nila ang Nagpaiyak o Nagpaibig muli sayo. Nagsimula ko maging fangirl nila Year 2015 nung una ko silang makita. Sa totoo lang kasi yung kanta lang nila yung hinahangaan ko hindi yung mismong members. Pero nung nakita ko sila sa personal humanga na ko sa kanila. Ang lakas ng dating nila pag nasa stage sila. Tsaka lagging trending mga kanta nila kahit pinakaluma na. Yung music video nila na Ikaw Lamang yung pinaka unang video na napanuod ko sa Myx nung bata pa ko (wala pa si Jason Rondero sa banda noon). Doon ko din sila unang nakilala. Sa ngayon may umalis na isang miyembro ng banda (Chino). Ang lungkot lang wala pa kasi akong picture kasama nila tas ngayun kulang na.
So ayan. Ayan yung pakiramdam ko as fangirl hahaha ang haba ba? Inisa isa ko para ramdam ninyo.
Hindi naman sagabal sa pag-aaral ko noon kasi 2nd yr college tinigil ko yan dahil nagfocus ako sa pa-aaral. Mag-eend na ng 4th yr. nung bumalik ako at naging active. At ngayon na kahit may work na ko active padin ako. Naging hobby at libangan ko nalang din talaga.
Being a fan doesn’t mean you were there from the beginning, it means you are willing to be there until the end.
https://peculiarpola.wordpress.com/2017/03/09/fangirling
1 note · View note
peculiarpolaleng · 8 years ago
Photo
Tumblr media
doing nothing is everything
91K notes · View notes
peculiarpolaleng · 8 years ago
Photo
The sad part ;(
Tumblr media Tumblr media
460K notes · View notes
peculiarpolaleng · 8 years ago
Text
Happy.Unhappy.YOU/Me
Remember that time? Yung feel na feel mo na masaya ka pero deep inside konting konti nalang at sasabog ka na.
Hinayaan mo nalang silang sumabay sa agos ng pinapakita mong saya.
Ni hindi mo sa kanila sinabi yung totoo mong nadarama.
Hiyaan mo silang makitang masaya ka kahit di mo na kaya.
 Happiness is a choice diba lagi mo naman yan naririnig? Kahit ako eh.
Pero bakit ganon? Bat kahit happiness yung piliin mo in the end si sadness padin yung nararamdaman mo.
May mali siguro sa way ng pagtanggap mo kay Happiness.
Tsaka hindi mo din naman maabot agad agad yung happiness na gusto mo.
Willing ka dapat na tanggapin na hindi padaos daos ang tadhana pero dapat mo din tanggapin na minsan may pagkatopakin at siraulo si tadhana.
 Happy Outside.. Totally Unhappy Inside…
0 notes
peculiarpolaleng · 8 years ago
Conversation
REBLOG With Your URL: Anong song ng Silent Sanctuary ang favorite niyo?
LAHAT as in!
161 notes · View notes
peculiarpolaleng · 8 years ago
Text
RF: Basta mga kanta ng Silent Sanctuary lahat tayo makakarelate.
Kasi yung mga songs nila may puso at punong puno ng pagmamahal.
116 notes · View notes
peculiarpolaleng · 8 years ago
Text
Nakakakilig. Nakakatuwa. Nakakapanibago.
Same feeling nung una mong madama yung first love.
Parang pagbili ko lang ng Yum burger sa paborito kong si Jollibee.
Parang first time lagi. Kasi masarap. Kasi paborito mo.
Pero try mong bumili ng burger na di mo paborito diba hahanapin mo padin yung gusto mo?
 Totoo yung first love pero pili lang yung sinuswerte pagdating don.
You need to accept na minsan malas ka lang talaga!
Humanap ka ng iba or hintayin mong dalhin sya ni God papalapit sayo.
Matututong masaktan. Wag gumaya sakin sa sobrang takot masaktan hanggang ngayun walang boyfriend hahahahahahahahahaha
 Nakakakilig.
Nakita mo yung crush mo tas napatingin sya sayo (background music: Sayo by Silent Sanctuary) Hanggang sa kulang nalang sapakin ka ng kasama mo kasi hinampas mo na sya sa sobrang kilig. Eto yung mga feels nung high school days ko pero mas nafeel ko nung nagcollege.Pero mas seryoso na kasi yung dating crush mo lang… mahal mo na pala.
Nakakatuwa.
Di mo na kailangan ng iba basta makita mo lang sya masaya ka na. Gabi gabi sya yung nasa isip mo. Pinapantasya mo sya maghapon. Kunwari kayo yung magkasama. Kunwari hawak nya yung kamay mo. Kunwari inaalalayan ka nya. Kunwaring kayo… Siya na yung ginawa mong mundo kahit wala namang kayo. Tss ayan yung tinatawag na ASANG ASA! Kaya madaming nasasaktan eh. Dapat mahalin mo lang kung mutual na hindi yung nagsisimula palang kayo nababaliw ka na sakanya.
 Nakakapanibago.
Yung dating kasama mo lagi. Yung dating mahal na mahal ka at yung dating sentro ng mundo mo. Wala na, wala na kasi hinayaan nyong mawala nalang. Nakakapanibago kasi wala na yung nagpapakilig sayo, wala na yung taong kasiyahan mo. Wala na si Babe, Mahal, Love, BB, Baby, Moo.. oh anu mang tawagan nyong dalawa. Babalik ka na naman sa umpisa kung saan parang hangin lang sya. Iisipin mo yung nakaraan pero mas pipiliin mong magparaya kasi sawa ka na, sawa ka ng umiyak at magmukmok simula ng mawala sya.
0 notes
peculiarpolaleng · 8 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Kundiman - Silent Sanctuary
943 notes · View notes
peculiarpolaleng · 8 years ago
Photo
#SS #SilentSanctuary
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
OPM ROCKS.
3K notes · View notes
peculiarpolaleng · 10 years ago
Photo
Tumblr media
94 notes · View notes
peculiarpolaleng · 10 years ago
Photo
Tumblr media
731 notes · View notes
peculiarpolaleng · 12 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
2K notes · View notes
peculiarpolaleng · 12 years ago
Photo
Johanna is <3 ^__^
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
348K notes · View notes
peculiarpolaleng · 12 years ago
Photo
Tumblr media
that is my design!!  YEAH!! I already got my printed EXO shirt :DD  I'm gonna post a picture of it soon :D
2 notes · View notes
peculiarpolaleng · 12 years ago
Photo
Tumblr media
7K notes · View notes
peculiarpolaleng · 12 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
まこたん! | 奏都 [pixiv]  Raw posted here by causeofdeathmakoharufeels Translated by fran-dattebayo
805 notes · View notes
peculiarpolaleng · 12 years ago
Photo
Tumblr media
So I made a thing
46K notes · View notes