Text

MacOs Catalina Starry Night Ai Art
0 notes
Photo

It’s been a while. Different yet the Same
1 note
·
View note
Text
kunwari may title
sa araw araw pinipilit kong kumbinsihin ang sarili ko na tama tong ginagawa ko, wala sigurong nakakakita, walang nakakaalam at nakakapansin, wala rin naman nakakapag tanong. pero pagod na rin ako. pagod akong kumbinsihin ang sarili ko na tama ang ginagawa ko. na dapat ipaglaban ko ang mga bagay na sa tingin ko tama at may pagasa, tao lang rin naman ako
1 note
·
View note
Text
lumilipas ang panahon tumatakbo ang oras.
sa tigas ng ulo
ako’y napag iiwanan. hindi alam ano na ang tama, hindi na alam ano ang sunod na hakbang. gustong mapag isa, gustong mwala na parang bula. hindi ko alam ano dapat ipag laban. hindi na alam ano ang ipinaglalaban.
ako’y natatalo na ng aking kalaban.
ang aking sarili/
1 note
·
View note
Text
Biyahe
sigurado naranasan mo ng bumiyahe papuntang maynila, o di naman naabutan ng rush hour, ang buhay parang biyahe lang yan. minsan mabilis ang usad minsan mabagal. minsan parang kala mo wala ng pag asa, hindi ka na uusad, paunti unti lang ang andar, pero dapat matutunan mo na, hanggang di mo pa nakikita ang dulo at ang dahilan ng problema (minsan may banggaan kasi sa kanto) hindi ka ulit uusad. kahit gano kahirap ang buhay pilitin mo gumalaw kahit onti medyo matagal pero tiyak makakarating ka rin.
1 note
·
View note
Text
masyado akong nadepressed this past few months, andaming bagay na tumambay sa isipan ko halos nakalimutan ko na pano mabuhay ng masya. tara ngiti tayo.
2 notes
·
View notes
Text
comparison
hindi to cool or awesome. yung malaman na kinukumpara ka sa ibang tao. panget to. nature na kasi ng tao ipagkumpara ang isang nilalang sa isa pang nilalang. pero anong use? para malaman sino ang mas cool? sino mas malupet? hindi to maganda. ewan ko ba sa dami ng dapat gawin sa mundong ibabaw maraming mga hayup hayupan na may oras pa mag kumapara. kung gamit ka okay lang. pero hindi. panget kasi to. naranasan ko na makumpara, at naranasan ko na rin na mapunta sa upper side at down side ng comparison chart. packing tape. hindi naman ako sumaya. hindi naman ako yumaman. kaya sana iwasan na natin yung gantong ugali.
1 note
·
View note
Text
one thing.
gusto ko lang sabihin na. gawin mo ang trabaho mo ng tama at may pagmamahal. (shet pagmamahal)
pero seryoso.
kung studyante ka mag aral ka, pumasok ka sa oras, gumawa ng projects ng assignments, magreview at huwag mong hahayaan na ma-impluwensiyahan ka ng mga tao na puro hangin lang ang ulo.
kung guro ka
maging modelong guro, ituro sa estudyante ang nalalaman, okay lang maging strict pero mas okay yung kumportable ang mga studyante mo, turuan mo sila para matuto hindi takutin sila para kumabisa.
kung doctor ka,
mag reseta ng tama, wag perahan ang mga pasyente, gawin ng tama ang trabaho may pagmamahal kahit pagod, nag aral ka ng halos dekada para alagaan ang mga may sakit kaya wag sila balewalain, ano ang utak kung wala kang manners.
jeepney driver.
saludo ako sa inyo, sa tirik ng araw at liwanag ng buwan kayo nag ttrabaho, mahatid ng maayos ang mga pasahero, maging tapat sa panunukli at paniningil., sa mga pasahero naman, wag naman maging barat hindi lang kayo ang kumikita at nagbabayad.
sa iba-ibang propesyon at mga gawain...
lagyan ng puso ang ginagawa, wag papabayaan ang sarli at mag karoon ng takot sa Diyos, maging tapat at ibigay ang tamang resulta, wag puro pera ang nsa isipan..
ayun lang salamat po. di ko alam bakit naisipan ko mag post ng ganto pero blog ko naman to at libre akong ishare ang laman ng karne sa aking ulo. salamat sa pagbabasa kung meron man. :)
1 note
·
View note
Text
Realidad
Minsan Kailangan mo magpahinga, tumambay mag isa bigyan ng oras ang sarili, mag reflect kung ano na nangyayari sayo dahil kung di mo to gagawin tiyak masisiraan ka ng ulo. Mahirap ang buhay, napakadaya, unfair ika nga kaya wag mo pagdamot sa sarili mo ang kaligayahan na kailangan nito at karapatan na makapag pahinga sa realidad. -Kidlat 2014
1 note
·
View note