Tumgik
pintit-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
Kailan nga ba? Hinggil sa trabaho “Lyza, mag-aral ka nang mabuti para mas madali kang makahahanap ng trabaho” sabi ni mama. “Siyempre naman ma, ano ba sa tingin mo itong pinaggagagawa ko? Halos wala na nga akong tulog.” “Pagkatapos mong mag-aaral, magpapatulong tayo kay Aunty Yetyet upang mahanapan ka niya ng trabaho sa greece. Malaki ang kikitain mo doon sa kondisyong kaya mong maging all-out na worker. Dapat marunong kang mag-pedicure, gumupit ng buhok, magluto, magmasahe, magligpit ng bahay at kung ano-ano pang iba’t-ibang racket sa buhay.”, tugon ni mama. “Kahit nga highschool lang ang tapusin mo basta’t ikay aktibo at marunong sa mga gawaing pambahay o kung ano-ano ay maaari kanang magtrabaho agad sa labas ng bansa. De bali marami ka namang kapamilya handang sumuporta. Puwede ka rin sa Australia dahil nag-alok si Manong Andy mo na puwede ka niyang tulungan.”, pagpapatuloy ni mama. Hinggil sa pananamit “Oy mare, ang ganda naman ng bag mo,” sabi ng aking kaibigan. “Galing kaya ito sa London. Harrods pa nga. May isang branch lamang nito sa buong mundo.Hindi ako bumibili ng sa tabi-tabi lamang o sa Gaisano kasi hindi naman maganda ang pagkakagawa at materyales na ginagamit.”“Uy, tingnan mo si sir Dayaday. Grabe ang fashion sense niya. Sino pa ba ang gumagamit ng bag na gawa sa banig?”, suway ko.
“Edi sino paba? hahahha”, sabay halakhak ng magkaibigan. Hinggil sa anyo “Lyza, ang gaganda ng mga apo ko kung Amerikano ang magiging asawa mo.”, sabi ni mama. “Blue ang mata, kulot at brown ang buhok, maputi at mamula-mula ang balat na parang manika”, pagpapatuloy ni inay. Hinggil sa pananalita “Yaya, always speak english when talking to baby Kelsea.”, tugon ng ina sa katulong.
Nang lumaki na si Kelsea, “Hello Kelsea, ang tangkad mo naman. Noon ang liit mo pa.”, sabi ng kapitbahay. “I don’t understand you.” p.s. kapitbahay ko talaga si Kelsea “Ba’t hindi marunong magbisaya si Mika?”, tanong ko. “Pinapagalitan ako ng inay tuwing naririnig na nagbibisaya ako. Iyan ang dahilan kung bakit ingles ang wikang gamit nga nakababata kong kapatid.” tugon ng kaibigan ko sa akin.   Sa dati kong paaralan “Cipriano! come here!”, tawag ng principal. “Clean the stairs.”, sabi niya. “Why madam?”, tanong ko. “I heard you speak in dialect.” “Sus, naa tas Pinas madam kakapoi baya sig inenglis oi,” bulong ko sa aking sarili habang padabog na kumuha ng walis.
Sa loob ng ilang taon sa impluwensiya ng iba’t ibang bansa, hindi natin maitatanggi na naitatak sa ating mga Pinoy ang Colonial Mentality o ang paniniwala na kahit ano mang galing sa ibang bansa ay mas maganda kaysa sa anumang galing sa sarili nating bansa. Halos sa pang-araw-araw kong pakikipagsalamuha sa mga tawo, kitang-kita ang maling mentalidad na ito maging sa loob ng bahay, sa ating mga kapit-bahay, at maging sa buong komunidad ng mga Pilipino. Sa aking pag-aaral ng walang kamatayang El Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal, nakikita ko ang isang isyung hindi pa rin naaayos ng mga Pilipino. Sa Panahon pa lamang ni Rizal, kanya nang binigyang-diin ang isyung ito sa katauhan ni Donya Victorina(Kabanata 42). Sa dinami-daming pagpapakita kay Donya Victorina, palaging ipinapakita na ang Ginang na ito ay may pagmamahal sa bagay na galing sa ibang bansa. Isa ito sa dahilan kung bakit pinakasalan niya ang isang dayuhan sa katuhan ni Don Tiburcio. Kahit siya ay isang Pilipina, kung magsalita ay kastila ang gamit kahit hindi naman magaling sa dayuhang wika. Kung makaasta ay nagmamaliit ng kapwa pilipino dahil sobrang taas ng tingin niya sa sarili na para bang siya’y isang mayamang kastila. Dahil sa pag-iisip na nadala nating mga Pilipino, unti-unti nang naaapakan at nabubura ang ating mga sariling kaugalian. Kung noo’y ang panliligaw ay kailangan pang magsikap ng kalalakihan, hindi naman totoo sa lahat pero kita naman nating dinadaan na lamang sa isang text or message sa facebook nang wala man lamang maayos na permiso sa mga magulang sa panahon ngayon. Kung noo’y mayroon tayong bayanihan o pagtutulungan ng mga tao upang mapadali ang trabaho ng kapitbahay ay ngayon hanggang tingin na lamang. Kung minsan panga’y tintalikuran na lamang upang makapagbigay ng dahilang hindi niya napansin na ganoon at ganito pala ang nangyari kay at kina. Kung noo’y dalubhasa ang mga tao sa kani-kanilang wika ay naging dalubhasa sa ingles at hindi na makaintindi ng Pilipino at kung minsa’y mas nahihirapan sa sariling wika kaysa sa wika ng dayuhan. Kahit ako ay walang takas sa epekto ng mentalidad na ito dahil sa pagsulat ko nga nito, may halo nang ingles at katabi ng tumblr website na ginagamit ko ay ang english-tagalog translator na application. Hindi ko rin maitatanggi may lahing hiprokrito ako dahil nang bata pa lamang ako, ilang beses ko nang isinulat at ipinangakong tatangkilikin ko ang sariling akin pero hindi ko parin maggawa. Hindi ko mabura-bura sa aking sistema ang impluwensiya ng mga bansang sumakop sa aking bansa.  Tama nga ang mga sulating nagsasabi na unti-unting lumalala ang epekto nga colonial mentality sapagkat dahil rito, unti-unting napapalitan ang ating mga tradisyon at paniniwala. Kung walang mga aklat na nagpapaalala sa ating kung saan tayo nanggaling ay siguro tuluyan ng nalimutan ng mga Pilipino ang kani-kanilang wika. May mga taong mang nanlalakas upang hugotin ang mga Pilipino pabalik, gaya ng mga tauhan sa El Filibusterismo ay mapapagod at mauubos rin sila sa kakalaban sa agos. Sa aking estado ngayon, hindi ako sigurado sa kung saan ako nakatayo. Hindi ko alam kung paano pababalikin ang mga Pilipino sa kanilang pinaggalingan, kung paano ko maayos ang libu-libong Pilipino na tuluyan nang nakalimot at kung kailan matutupad ang adhikain ni Rizal na sa sobrang haba na ng panahon ay hindi pa rin natutupad o mas masyado lamang lumalayo sa inaasam na katuparan.  Sa ating pang-araw-araw na pamumuhay, unti-unti nating ibalik ang ating kultura. Huwag nating hayaang maging tirahan ng alikabok ang mga katha ng ating mga ninuno. Magbasa tayo ng literatura. Ipagdiwang natin ng buong puso ang buwan ng wika. Gamitin natin ng wasto ang ating wika at pag-aaralan natin ito ng mabuti. Para sa mga magulang, turuan niyo ng sariling wika ang inyong mga anak. Ating pahalagahan ang sariling atin, mapaanyo, kaugalian at paniniwala at kung ano-ano pa. Dahil kung hindi, para sa’n pa ang lahat ng namatay para sa ating bansa kung tayong namumuhay ngayon ay nawalan na ng pag-alala sa sariling atin?
Oras na upang magsibalikan tayong lahat. Dahil kung hindi ngayon? 
Kailan pa?  #ElFilibusterismo #BbErmitanio #10-SA #Cipriano
1 note · View note