Text
Food Ribiw
ng school namin ¯\_(ツ)_/¯
─────────────⋆⋅☆⋅⋆──────────────
Hindi namin pa natitikman lahat ng pagkain sa school canteen, pero may mga pagkain naman na okay. Pero ngayon, gusto namin magbigay ng honest at critical review ng mga worst food items sa menu base sa mga naranasan namin bilang isang personal blogger at estudyante na may limitadong budget.
✦ . ⁺ . ✦ . ⁺ . ✦ ✦ . ⁺ . ✦ . ⁺ . ✦
Food stall no. 1
→ okay naman ang waiting time at medyo okay din ang food, pero ang problema, kadalasan yung mga pagkain nila ay nakalabas lang buong araw kaya malamig at hindi fresh. Hindi tulad ng ibang stores na niluluto ang pagkain fresh para sa’yo. Hindi ko alam na may microwave pala at hindi rin sinabi sa’kin, pero yung "atay" na binili ko ay 65 pesos, sinabi nilang fresh pero malamig pa. Yung itlog na hardboiled at sauce, hindi masarap, hindi siya ‘homey’ at hindi ko na rin siya irerekomenda. Hindi sulit ang presyo, maliit ang portion, malamig pa, kaya hindi worth it sa budget ng estudyante. Marami pang ibang pagkain sa menu na mas sulit.
Food stall no. 2
→ Okay, yung first time kong bumili ng lunch sa canteen, para sa akin, yun na yata ang pinaka-malungkot na karanasan ko sa buong buhay ko. Lesson learned: Huwag mag-order ng mga rare na pagkain sa menu. Dapat ko sanang nalaman na red flag na nang magtanong ako sa cook, naguluhan siya at nag-"ha?". Ang inorder ko ay 'burger steak' na parang sa Jollibee, ganun. So, naghintay ako ng 15 minutes at ang nakuha ko ay ang pinaka-manipis na patty na nakita ko sa buhay ko, parang hindi burger patty, kundi parang synthetic na karne. Ang masaklap pa, malamig pa siya! Kahit yung gravy malamig, habang yung rice, mainit pa. Grabe, wala talaga akong gana.
───────────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────────────
Hindi dahil may masamang menu items ang isang store ay hindi na okay. May mga paborito pa rin akong kinuha ko araw-araw. So, ‘di naman lahat masama sa canteen, may mga masarap din naman.
Mga Paboritong Pagkain na Rekomendado
1. French Fries at Pizza Medyo mahal nga ang French fries, pero sulit naman. Freshly cooked, masarap, crispy, at mainit. Hindi aabot ng 10 minutes ang paghihintay, kaya okay lang. Marami na ring estudyante ang bumibili dahil masarap at okay na pang-sarap. Minsan, kahit ako, bilang isang "mura lang" na estudyante, paminsang tinatangkilik ko rin ‘to. May flavor pa na BBQ, cheese, at sweet and sour. Saktong-sakto, hindi ka magugutom at pwede mo pang ishare sa mga kaibigan.
Ang pizza corner sa tabi, grabe! Laging bumabalik ang mga kaibigan ko dahil sa masarap na pizza nila. Parang pizza na kasing sarap ng mga nasa mall, like Robinsons or SM. May mga flavor sila tulad ng all cheese, pepperoni, at hawaiian na puno ng cheese at malasa. Di ko masyadong inirerekomenda ito bilang lunch, pero okay na snack para mag-enjoy.
2. Stall no. 2, Kahit may mga hindi magandang options sa menu, may mga murang pagkain pa rin sa stall no. 2 na sulit na sulit sa budget. May mga snacks na kahit 10 pesos lang, makakakain ka na. Tapos may mga Choco Mucho pa na 12 pesos lang—okay na okay na para sa mga may sweet tooth o sa mga estudyanteng nagtitipid. Kaya hindi ko kayang magalit sa lugar na ‘to dahil marami kang pwedeng bilhin sa mababang halaga at sulit na sulit.
Meron din silang mga healthier options tulad ng turon at bread, pati na yung candy, 3 piraso lang 5 pesos. Iced tea? 10 pesos lang! May bigger cup pa na 30 pesos. Kumbaga, sulit na sulit ang pera mo, at pwede mong pag-eksperimento para sa buong araw at pati sa susunod na araw, na hindi lalampas sa 50 pesos.
Para sa lunch, may mga food bowls sila tulad ng chicken skin, gravy, at cheesy hotdogs na pwedeng i-microwave. Walang kahirap-hirap, bayad lang, tapos makukuha mo agad.
✦ . ⁺ . ✦ . ⁺ . ✦✦ . ⁺ . ✦ . ⁺ . ✦
So yun, yun ang mga worst food experiences ko sa school canteen. Hindi ko naman sinasabing lahat ng pagkain dito ay pangit—may mga food na sulit sa presyo at okay sa lasa. Hindi lang talaga pare-pareho ang quality. Kaya sana, maging inspirasyon ito sa mga vendors na mag-improve pa.
Kung naghahanap kayo ng masarap at affordable, may mga paborito akong lugar dito na laging worth it. Kaya next time, maging mapili na lang sa pagpili ng pagkain at mag-budget nang maayos. Salamat sa pagbasa, at sana makatulong sa susunod na pagbisita mo sa school canteen!


Maraming salamat sa pagbabasa! Sana nakatulong ang mga review ko sa pagpili ng pagkain sa school canteen. Hanggang sa susunod na update!
0 notes
Text
BLOGGING
Ang blog na ito ay tungkol sa mga review ng pagkain at iba pang bagay. Minsan ay matindi ang puna, kasi gutom na gutom na!!!
乁[ᓀ˵▾˵ᓂ]ㄏ

Pic: https://pin.it/6c5Qgwj2g
0 notes