Tumgik
Text
Alam mo yong feeling na......
...............may gusto kang gawin pero hindi mo magawa? .................may gusto kang ikwento pero hindi mo makwento... ...................may gusto kang tao pero hindi pwede.............. ......................may gusto kang gawin pero diet eh....................... ..........................may gusto ka...............pero...................yong gusto mo.....walang gusto sayo... Alam mo yong feeling na kamukha mo to?
Tumblr media
0 notes
Text
Walang Kwentang Kwento
Pumasok sya sa loob ng mall dala dala ang isang maliit na digital camera. Hindi nya alam kung papasok ba sya sa mall para magpalamig o magpapicture taking doon? Unang una sa lahat, hindi nya alam kung bakit pa nya dinala ang digital camera samantalang ang gusto lang naman nya ay mag ikot ikot sa syudad. Sabagay, nasa banyagang lugar nga naman sya, at kelangan may souvenir. Minsan kasi yong mga pictures hindi naman souvenir ang purpose. Ang totoo nyan, gusto lang natin may maipagmamayabang tayo sa ibang tao. If I know, ang purpose lang naman nyan ay para may iupload ka sa Facebook account mo at makita ng mga kaibigan at lahat ng nasa friend's list mo ang pinag gagawa mo. Hindi ko alam kung bakit nagkakandarapa tayo na ipaalam sa buong mundo kung ano nangyayari sa buhay natin samantalang yong mga artista nga eh halos lumuhod sa harap ng press at mga paparazzi paralang magkaroon ng konting privacy. Ang pagkakaiba lang nating mga ordinaryong tao sa mga artista, tayo kahit halos pagsigawan natin yong mga nangyayari sa buhay natin, walang pumapansin, yong mga artista naman, kahit yong mga pinakatago tago nila, gusto pang pansinin at pakialaman. Walang kwenta talaga. Kaya kung hindi ka naman sikat, wag ka na umasa na may mag comment sa Facebook status moo mga pictures na pinag uupload mo, pwera na lang kung medyo censored at eskandaloso. Yon bang nakakaintriga. Habang naghahanap ng aliw sa mall, nakita nya ang isang babae. Marami din namang babae sa loob ng mall, pero kasi iba ang dating ng babaeng ito sa kanya. Morena sya, seksi, kulot ang buhok, medyo brownish ang mata at may pagka pouty lips, yon bang Angelina Jolie ang dating. Naisip nya bigla may dala syang camera, biglang nagkaksaysay ang camera. Kinunan nya ng palihim ang babae, syempre dapat walang flash. Kung tutuusin, stalking na yon eh. Pero ok lang naman mag stalk as long as hindi threatening. Ang sarap kasi mag stalk especially kung type mo. Medyo negatibo minsan yong dating na naattract tayo sa physical na aspeto ng tao, kasi nga sabi nila, hindi daw dapat eto basehan ng love kasi dadating ang panahon na mawawala ang kagandahan. Tatanda ang tao at kukulubot ang balat, pati sa noo. Dadating yong panahon na kahit si VIcky Belo ay susuko na rin sa kakainject sayo at sa kakastretch ng balat mo. Dapat ang love regardless yan sa itsura at anyo ng tao. Pero aminin natin o hindi, unang una tayo naatract sa pisikal na aspeto. Minsan, we don't care kung masama ba ugali o hindi, basta lang maganda, seksi o attractive, go na agad. Ok na sana ang timing, nakapag ipon na sana ng tibay ng loob para mag pakilala. Sa wakas, magkakaroon na rin ng kulay ang pagpasyal nya sa isang banyagang lugar, pero may dumating bigla, sexy rin, maganda rin ah, at saka malakas ang dating. Medyo maiksi nga lang ang buhok at maraming alahas men. Nagulat sya ng biglang hinalikan ng dumating na babae sa lips yong babaeng gusto nya. Ang saklap at saka ang sagwa. Mga lesbi pala yon, sayang. Pumunta na lang sya sa pet shop at nag enjoy. hehehee.
2 notes View notes
Text
Ang buhay parang Rubik鈥檚 Cube
Maaapreciate mo lang kung mabuo mo na ang kulay. Pero alam nyo, hindi yong pagkabuo ng kulay ang nagpapaganda sa Rubik鈥檚 cube kundi kung paano nabuo ang kulay. Sobrang komplikado ng Rubik鈥檚 cube, pag nabuo mo na ang isang side, kailangan mo rin buuin ulit yong sa kabilang side. Minsan, parang akala mo imposible na buuin, pero ginawa ang Rubik鈥檚 cube para matutunan natin pag aralan ang tricks at pattern para mabuo ito. Pero para mabuo, dapat pag aralan mo yon. Ako nga mga isang buwan ko pinag aralan yon. Katakot takot na research sa Google at tanong sa mga nakakaalam kung paano buuin ang ginawa ko. Ayon, nabuo ko rin saw akas. Nung pagkabuo ko ng Rubik鈥檚 cube, sobrang laking fulfilment. Ang sarap tingnan ang isang bagay pag pinag hirapan. Lagi nilang sinasabi na life is not about the destination, it is all about the journey. Yong goals natin, parang reward lang yan. Kumbaga motivation yan para magampanan natin yong mga challenges sa buhay, pero ang nagpapaganda talaga sa buhay ay yong mga challenges. Siguro kaya naging maganda yon dahil sa nagagawa nito sa buhay natin. Hindi naman sa masokista ako o ano, pero kasi maapreciate lang natin kapag narrating na natin ang gusto nating marating. Kumbaga, akala natin imposible na malulusutan ang mga problema, pero tulad ng rubik鈥檚 cube, laging may solusyon dyan. Iyan ang itinuro sa akin ni Magnifico. Siya yong bata sa movie na Magnifico.
Tumblr media
Nakakahiya aminin pero 5 times din ako umiyak sa movie na yon. Sa murang edad nya, alam nya na kung paano makipagsabayan sa buhay, kung paano mahanapan ng solusyon ang mga problema. Minsan kasi, may mga bagay na nakikita ang mga bata na hindi nakikita ng mga matatanda. Kung ano man iyon, hindi ko rin alam kasi di na rin ako bata. Sabi nga nila, sa pananaw lang yan sa buhay. Kahit gaano kadami ang problema mo kung positibo ka na may solusyon, magagawan mo yan ng paraan. Kaya kung sinusubukan mo na isolve ang rubil鈥檚 cube, ituloy mo lang, wag kang susuko, dahil kapag nabuo mo na ang kulay, paulit-ulit man yan iscramble, masosolve at masosolve mo rin yan. Alam mo na ang pattern eh. Sa buhay, tanging ang mga tao lang na may positibong pananaw ang makakaapreciate ng buhay, kasi nila alam eh, may pattern, may solusyon. Ikaw, alam mo ba ang pattern?
0 notes
Text
Importante ka ba?
Tumblr media
Kung OO, bakit? Alam nyo kasi ang pagiging importante walang dapat ibang rason eh. Feel nyo ba yong kaya ka lang naging importante sa pamilya mo dahil nagproprovide ka para sa kanila? O kaya ka lang importante sa mga kaibigan mo dahil kailangan ka nila? O kaya ka importante sa kompanya na pinagtratrabahuan mo dahil ikaw lang ang makakagawa ng mga bagay bagay? Para sa akin hindi importansya yon. Walang saysay yon. Dapat kasi pag importante ka, wala ng but and if, importante ka dahil mahal ka ng tao or ng kaibigan o ng kahit sino man. Yon para sa akin ang importante. Aaminin ko rin na minsan nabibigyan ko ng importansya ang isang tao o ang isang bagay kasi kailangan ko. Tulad halimbawa ng cellphone, importante to sa akin, KASI para sa tawag at text. Lahat ng bagay o tao, importante kasi kailangan natin. Kelan kaya darating yong time na masasabi natin na importante ang isang bagay o isang tao ng walang rason? Siguro dapat love lang ang magiging reason. Para sa akin, ang pina ka perpektong halimbawa ng pagbibigay ng importansya ay yong ginawa ni God para sa atin. Ibinigay nya kasi yong nag iisa nyang anak para masave tayo.
Tumblr media
Kung tutuusin, ano ba nya tayo? Diba isa lang tayo sa mga nilikha nya? Nag eexist na sya kahit wala tayo at mag eexist pa sya kahit mawala tayong lahat. Pero bakit ba nya pinag aksayahan ng panahon at nagsakripisyo pa yong kanyang anak para sa atin? Wala rin naman tayong silbi sa kanya dapat. Wala tayong effect kumbaga. Pero kasi importante tayo sa kanya, at ang pagpapahalaga na yon nagmumula sa LOVE nya sa atin. Walang ibang rason bakit kelangan pa nya ipadala si Jesus kundi LOVE. Ganyan dapat ang pagbibigay ng importansya. Tayo kasi kung hindi natin kakilala o kaano ano we don't care at all. Halimbawa, pag may nakita tayong nadisgrasya sa daan, titingin lang tayo para makiusyuso, pero after nun, wala lang, parang wala lang. Hindi man lang natin pinagpray o tinulungan sa kahit anong paraan. Eh kasi nga sino ba yon? Hindi mo naman kilala. Kelan kaya darating yong time na bigyan natin ng importansya ang lahat ng bagay? Siguro kung kailangan na natin. Napanood mo ba yong movie na 127 HOURS? Parang ganun din yong tema.
Tumblr media
Pagbibigay ng importansya sa lahat ng bagay. Eto kasing si Aron Ralston, parang feeling nya kaya nya lahat ng bagay. Medyo maganda yong lifestyle nya kaya di nya masyadong nabibigyan ng importansya yong pamilya nya at saka yong kung anong mga meron sya. Siguro kasi feeling nya hindi nya na kailangan kaya ganun. Pero nung dumating yong time na natrap sya sa crack, unti unti nyang narealize ang importansya ng tubig, ng kutsilyo, ng mga bagay bagay. At higit sa lahat, ang importansya ng pamilya at kaibigan at ng mga tao. Ngayon, tanong ko, importante ka ba?
16 notes View notes
Conversation
Interbyu
Naimbitahan ako sa interbyu para sa Saudi, grinab ko na opportunity, malay mo para sa akin to. Eto yong transcript ng interview, bale mga 80 % accuracy lang to, hehehee...
Me: Ah.....good afternoon sir (with English Accent)
He: Hmmmm (motioning me to sit down)
Me: Ah, I'm Shirgie
He: Ah, so Shirgie pala pagbasa nito..you are applying for Computer Operator for Saudi?
Me: That is what was stated on the application
He: Bakit?
Me: Ah, excuse me sir?
He: I mean, bakit computer operator?
Me: Well, as you know, I am still on the beginning phase of my career and it just so happen na yan yong opportunity for me...
He: Ah....sayang naman...
Me: Bakit Sir?
He: Eh kasi ECE graduate ka eh, technical ka, hindi ka dapat sa computer lang
Me: Eh yon yong experience ko sir eh, at saka unlicense ako
He: Eh bakit hindi ka magtake?
Me: Eh kasi mahirap...(bigla yang naginterrupt)
He: Anong mahirap? Mas madali na nga lang ngayon ang exam nyo kasi may computer na
Me: Hindi yon sir, I mean mahirap mag take dito sa Davao, walang bored I mean Board exam dito
He: Eh di pumunta ka ng Cebu or Baguio
Me: So pano trabaho? Hindi naman pwede hihingi na naman ako ng pera sa mama ko
He: Eh dapat mamuhunan ka kung gusto mo kumita ng malaki
Me: Yon nga eh, eh kung mabibigyan ako ng chance dito why not diba?
He: Magkano ba sweldo mo dito
Me: Bale ?0,000 pesos po
He: Oh, malaki naman pala yan eh, huwag ka na magabroad, ok na yan dito
Me: Eh gusto ko eh
He: Magkano ba goal mo?
Me: Double the price
He: Hindi mo yan makukuha pag ganito lang applyan mo
Me: Ah ganun ba? sayang naman sir, siguro kelangan ko pa skill upgrade
He: Maginvest ka, kailangan mo gumastos kung gusto mo kumita ng malaki sa Saudi
Me: Sige sir, thanks sa advice
He: Teka, diba ECE ka? Gusto ko gamitin yong course mo.
Me: (Patay!..challenge ba to?) Ah..sige po, kung pagkakatiwalaan nyo ako sa bagay na yan why not
He: Magkano expecteed salary mo
Me: 2,500 SAR (almost 30,000 yon sa peso, konti lang lamang sa sinsweldo ko)
He: Ok, gusto kitang pigain
Me: (kinabahan, rape ba to?) ha? ano po yon?
He: I mean, gusto ko makita kung may makukuha ba ako sayo sa course mo
Me: Ah, ok po
He: I will review this carefully
Me: Sige po
He: Just wait for our text
Kapag kasi ganyan na yong dialog, wait for our text, wait for our call, or we will follow up you, parang malabo na. Pero stay positive pa rin. Kung para sa akin yon, akin yon.
4 notes View notes
Text
Biyernes Santo Ngayon
Friday 6:26 PM Bakit kapag biyernes santo wala masyadong tao sa daan? Dahil ba ito sa paniniwala na patay ang Diyos ngayong araw o wala lang, trip trip lang. Ang totoo, hindi naman patay ang Dyos, parang inaalala lang natin yong mga pangyayari, pero hindi naman ibig sabihin magkulong sa kwarto o manahimik sa bahay. At dahil mukhang biyernes santo sa buong Davao City ngayon, nanood na lang kami ng pelikula sa boarding house kasama ng mga housemates. Ok lang naman, pinanood namin yong Karate Kid. Second time ko na kanina napanood yong movie pero exciting pa rin. Galing kasi ni Jackie Chane and Jayden Smith.
Tumblr media
At saka bka akala mo wala akong magandang nagawa ngayong araw. Hindi ah, ang totoo nyan nagsimba ako. Pero may hinanap akong tao sa church kanina eh, kaso di ko sya nakita, kaya medyo sad...pero syempre, priority ko pa rin yong church. Grabe talaga yong sakripisyo ko pagpunta ng church today. Kasi naman walang byahe, walang taxi, walang jeep, meron naman, pero konti lang. kelangan maghintay, kelangan may pasensya. Mabuti na lang dumating yong Globe Super pwede. Ayon, nakasakay ako ng libre. Libre daw kasi sumakay doon. Kaya lang, ang problema sa ganitong libre, kailangan mong pakinggan yong commercial nila. Porke may free na ganyan, may free na ganito, may extra texts, extra call at kahit ano pa. Kaya naman nong tinanong ako ng promo girl, ano po gamit nyo smart or globe? Sabi ko Smart. Medyo kinabahan ako baka pababain ako, sayang din pamasahe, pero buti naman at hindi ako pinababa, pinaulanan lang ako ng sankatirbang sales spiel. Pero dahil mabuting tao naman ako at kagagaling ko lang ng church, napagtyagaan ko naman pakinggan yong sales spiel nila...nagrespond pa nga ako ng matapos eh, sabi ko, "ah....ok"...at yon nanahimik yong promo girl....hehehehee Eh ikaw? ano nagawa mo ngayong biyernes santo?
0 notes
Text
Ang Panimula
Tumblr media
Tuesday 6:13 PM Eh dati pa tong tumblr account na to eh. Pero naisip ko, dapat buksan ko to tapos ireactivate. Salamat sa impluwensiya ng pelikula at libro na "The Diary of the Wimpy Kid". Ok first of all, let me clarify, I am no longer a kid at higit sa lahat, hindi ko matatanggap na lampa ako. Oo tama, lampa ang translation ng salitang Wimpy sa tagalog. Ewan ko kung bakit pero ang dami kasing meaning ng salitang "wimpy", pero pagsasamahin mo yon lahat, iisang salita lang papasok sa isip mo, lampa. Pero bakit ko naman ginagaya to? Eh kasi, naisip ko, yong mga ordinaryong pangyayari sa buhay mo, nagiging interesante pag sinusulat. Yon lang naman ang rason ko, bukod dun sa mga naging rason din ni Greg, yong batang tinutukoy na Wimpy. Tulad ni Greg, ayoko aminin na diary ito...that was so lame...hindi ito diary, journal eto...may pagkakaiba ba? Pero katulad ni Greg, isang araw, sisikat ako, gagawan ng pelikula ang buhay ako, eh hindi na ako mahihirapan kasi nandito na lahat ng impormasyon. Pero syempre, iba si Greg, iba ako. Maaring pareho kami ng intensyon, pero magkakaiba ang mangyayari at ang mga pangyayari. Siguro mabuti na rin to para mabasa ng mga anak ko, ng mga apo ko, at ng buong angkan ko ang mga nangyari sa buhay ko. Mabuti na lang may internet, at least hindi ko kailangan mamatay o magpagawa ng libro para maisulat ang buhay ko. eto na yon oh..eto na... Dati naalala ko sumusulat ako gn DIary eh. Bale mga second year high school ako nun. Ginawa ko yon dahil project namin sa school. Ewan ko kung anong tema or kung anong nais ng teacher namin na matutunan, pero kapag kasi tinatamad ako hindi ako nag susulat. Kapagod kaya irecord yong mga nangyayari sa buong araw. Minsan pag tinatamad ginagawan ko na lang ng kwento. Katulad kunwari na nakipaghabulan ako sa aswang tapos pinatay ko tapos syempre ako ang hero. Gusto ko kasi magiging interesado ang nagbabasa, at yon ang alam ko na tema. Minsan kinukwento ko may superpower ako at saka basta...marami... Ayaw ko isulat na nakita ko si crush, o pinakain ako ng buto ng mangga, o pinarusahan ako sa classroom...Ayoko nun, boring kasi...kaya para matuwa ang teacher ko, nag iimbento ako ng kwento..pero nung submission na at binasa na yong diary ko sa buong linggo, parang umasim yong mukha ng teacher ko. ewan kung yon ay dahil pangit talaga handwriting ko o hindi na kapani paniwala. Pero sa awa ng Diyos, nakapasa naman ako. Naisip ko lang ha, minsan kasi masarap gumawa ng kwento. Ako mahilig ako gumawa ng kwento, pero di ko sinusulat, iniisip ko lang. Minsan love story, minsan comedy, minsan horror, at saka...yon lang...hmmm..o sige na nga....hehehe...minsan medo censored....hehehe/...siguro malikot lang talaga imagination ko, pero mahilig ako mag isip at mag imbento ng kwento. SIguro kung naisulat ko na lahat ng kwento na naisip ko, daig pa yong pelikula ni Sharon Cuneta at Robin Padilla. Kaso, wala eh, nakalimutan ko na rin. Buti na lang may tumblr. Dito ko isusulat ang mga kwento ko...pero hindi to basta basta kwento, l totoo ang mga ikukwento ko dito. Maybe mga boring na panyayari, or interasante...or kung ano ano..basta, magsusulat ako. Dito na lang muna siguro....baka kasi sabihin mo para sa Maalala mo kaya to, ewww kaya yon...sige next time ulit. BYE
0 notes
Text
First Post!
Am new here. But don't expect to see more posts after this. Yes, I am going to post here more often but I will publish it as private. I specifically created this account to post my shoutout which I don't want any other people to read. So Im sorry if you can't get anything from my tumblr page.
What more can I say?...I welcome myself to Tumblr.
0 notes