priyadiamond-blog
priyadiamond-blog
love, diamond
3 posts
sa ngalan ng sining at pag-ibig
Don't wanna be here? Send us removal request.
priyadiamond-blog · 7 years ago
Text
pagliban ng mga salita para sa paggalaw
hindi ko kailangan ang mga salita nais ko ang paggalaw unti-unti nang sumisikat ang haring araw habang sa iyong mga bintana ng pag-ibig nakatanaw
ikaw, ang nagsisilbing unan, dantayan habang nakaupo pwede rin namang kumot na hinaluan ng pagsuyo sige ibigay mo ang haplos samahan ng pasimpleng pagyapos paminsan ka pang humangos ng mga salitang magmagpapaagos ng pagtangi
pigil man ngunit nais kong dampian ang iyong mga labi at randamin kung gaano katamis at kasarap ang manatili makulong sa iyong mga bisig hindi ko man masabi ngunit ikaw ang pinakamakisig
mula ulo hanggang paa kung titingnan man sa labas at kung looobin ko pa ikaw ang pinaka
tanghali na nang lumisan sa iyong tabi sana’y hindi pa ito ang tinatawag nilang huli marahang rumolyo ang mga patak sa pisngi noon ko lamang napagtanto at nakumbinsi
na mahal kita kung hindi gumagawa nang mali ay bakit kailangang ilihim pa bakit kailangang palipasin pa ang mga buwan bakit kailangang pigilin pa ang nararamdaman
para ano? para sa dulo parehas lang ring masasaktan? anong sibli ng sakit kung hindi naman inilaban?
date written: 050618
1 note · View note
priyadiamond-blog · 7 years ago
Quote
Pansamantala na muna natin silang isantabi. Halika't angkinin natin ang gabi.
jack, 050718
1 note · View note
priyadiamond-blog · 7 years ago
Text
042918 // persdeyt
alas singko na ng umaga, ngunit dilat pa rin ang mga mata binabalik-balikan ang mga ala-ala ng kanina kung paano ka ngumiti at magsalita mga kwentong mayroong banat bigla minsa’y dinaraan sa ganito at sa ganyan mayroon din namang deretsahan
seryoso ako sa sinabi kong gusto kita nakikita ko ang hinaharap nang kasama ka
binabantayan ang galaw ng bawat isa maaari na kayang hawakan, hagkan o kahit matawag man lamang kitang sinta
at heto akong reaksyon lang ang kayang ipakita pigil ang bawat bigkas ng bibig pusong maya’t-maya ang pagkabig hindi ko pa man makita sa’yo ang kahulugan ng pag-ibig hindi ko pa man masabing tayo na lamang ang mag-anib
maligaya ako, sa pinagsaluhang pritong patatas samahan ng kape upang panandaliang tumakas sa realidad na mabilis ang oras
na parang kanina’y alas-syete lamang ng gabi naghahanda at inaabangan ang bawat mangyayari ngayo’y alas kwatro na ng umaga’t gusto pa kitang katabi
nais ko pang suungin ang lahat ng mayroon ka hindi na sa akin mahalaga kung liwanag o dilim ba ang dala nabahiran ka man ng rumi para sa’kin ay malinis ka tinatanggap kita
dahil ikaw ang pinakatotoo at tunay hindi mo kailangan pabanguhin ang buhay kita ko sa lente ng ating mga mata ang kulay salamat sa sandaling iyong inalay
akala ko tahanan na kita kaya tila nakaligtaan ko na ang pag-uwi at naiisip ko na lamang ay kung kailan tayo magkikitang muli gaano kaya katagal o saan mamamalagi sa susunod pwede bang tagalan mo ang pananatili
alas singko na ng umaga, walang ibang nasa isip kundi ang diwa mo mga dapat pang pag-usapan patungkol sa ikaw at ako at mga obrang nais kong isulat hango sayo
1 note · View note