prncssptl-blog
prncssptl-blog
Princess Roxan Patal
15 posts
Be the best version of yourself.
Don't wanna be here? Send us removal request.
prncssptl-blog · 6 years ago
Text
Ansarap sa feeling na bati na kayo ng nakaaway mo.
1 note · View note
prncssptl-blog · 7 years ago
Quote
Wag mo akong paasahin kung di mo naman ako kayang mahalin.
Princess Patal
0 notes
prncssptl-blog · 7 years ago
Conversation
Savings
Friend: Paano mag-ipon?
Me: Mag-open ka ng bank account na passbook lang, walang ATM para tamarin kang magwithdraw kasi pipila ka pa sa bangko. Tapos every time na susweldo ka, 50% (kung kaya) ang i-save mo. O kung magkano ang kaya mo. For example, kung kumikita ka ng 10,000 a month, pwede kang magtabi ng kahit 500 per cut off para hindi mabigat. Kung kaya mo naman na 1,000, better. Parang relasyon lang yan, consistency ang sikreto at dapat pursigido.
146 notes · View notes
prncssptl-blog · 7 years ago
Quote
masyado kang mabait masyado kang mapagbigay masyado kang mapagparaya masyado kang concerned TAPOS, MASYADO KANG UMASA KAYA masyado kang NASAKTAN.
Princess Patal
0 notes
prncssptl-blog · 7 years ago
Quote
Nagsimula ang lahat sa ASARAN BIRUAN INISAN AWAYAN at BANGAYAN hanggang sa umabot sa PAG-IIBIGAN
Princess Patal
0 notes
prncssptl-blog · 7 years ago
Quote
Kailan kaya tayo babalik sa dati. Yung dati na magkasama, yung dati na sabay nagtatawanan, naghahabulan, nag-aasaran, nagtutulungan at nagsusulyapan? Sa ngayon, HINDI na tayo katulad ng dati kasi KAYO na ngayon ang gumagawa ng alaala natin DATI.
Princess Patal
0 notes
prncssptl-blog · 7 years ago
Quote
Ang hirap magbulag-bulagan at ang hirap magbingi-bingihan lalo na kapag nalaman at natuklasan mo ang katotohanan.
Princess Patal
0 notes
prncssptl-blog · 7 years ago
Quote
From ikaw yung first priority to ikaw ang distraction niya? Wag mo na kasing ipilit pa.
Princess Patal
0 notes
prncssptl-blog · 7 years ago
Quote
Worth it ka nga na mahalin, pero di ka naman niya mahal edi wala rin.
Princess Patal
0 notes
prncssptl-blog · 7 years ago
Quote
Give love and suffer but never surrender? Bayani kaba?
Princess Patal
0 notes
prncssptl-blog · 7 years ago
Quote
Balang araw, may sasagip at may sasagip rin sa puso mong sawi.
Princess Patal
0 notes
prncssptl-blog · 7 years ago
Text
Naglaho ang Landas ng Magpakailanman
Tumblr media
Magsisimula ako sa umpisa Noong una ko siyang nakilala Oh kay tamis, kanyang mga ngiti Na tila aabot sa langit. Nagpakilala sa isa’t-isa Nagkwentuhan mula umaga Nagsimulang maging magkaibigan Magkasama lagi hanggang uwian. Hanggang sa isang araw siya’y nakipagtagpo Sa parke na maraming nakaupo At siya’y aking natanaw na may dala Na bulaklak, oh kay ganda! Maririkit na bulaklak, sa akin ibinigay Siya’y lumuhod at hinawakan, oh aking kamay Maraming tanong, bumubuo sa aking isipan Oh Bakit kaya siya nagkakaganyan? “Pwede ba na ika’y ligawan?” Tanong na aking ikinagitla Di ko alam kung bakit ako napa-Oo ng isang binata Siya’y tumayo, ako’y niyakap ng mahigpit Na may kasamang ngiting abot-langit. Ilang araw na ang nakalilipas nang ako’y kanyang niligawan Lagi kaming sabay kumain kung saan man Matatamis na pick-up lines, lagi niyang binibigay Na nagbibigay sa akin ng kilig at kulay Matapos ang ilang buwang pagsuyo, Siya ay akin nang sinagot Lagi-lagi niyang pinakikita kung gaano ako sa kanya kahalaga Kaya siya’y minahal kong walang pagdududa. Di ko aakalain, Mag-iisang taon na kami Sana kami’y nakatadhana, Oh aking hiling. Lagi niyang sinasabi “Mahal kita babe, Magpakailanman” At pinakikilig niya ako sa iba’t ibang paraan. Isang araw noong kanyang kaarawan, Bibili sana ako ng kanyang regalo sa may bayan Ngunit nang napadaan ako sa isang parke, Siya’y aking natanaw, may kasamang babae. Aking abot-langit na mga ngiti Napalitan ng hinagpis at galit Sila’y aking nilapitan At luha ko’y tumulo sa kanilang harapan Para saan pa kaya, kanyang ipinangako Na ang mamahalin lang niya ay ako Tanong ko sa sarili, “Bakit niya sa akin nagawa ito?” Eh kailanman nama’y, hindi ko siya niloloko Para saan pa kaya ang salitang “mahal kita” Kung manloloko ka lang, oh aking sinta Oh ako’y nabigo at nagpakatanga Sa iyo na manloloko at mapanlinlang                                       Nagmahal naman ako sayo ng buong puso Sinagot naman kita at inibig ng totoo Lagi nalang ba ako masasaktan? O mabubuhay nalang ako sa kasinungalingan Ako’y ngayon nagsisisi Sapagkat ang lahat ng ito’y isang pagkakamali Tinapos na namin ang aming relasyon Na hindi manlang umabot ng isang taon. Tila lahat ay isa nalang alaala Na tila magtatapos sa simula Sa simula kung saan una ko siyang nakilala At sa simula kung saan ko siya laging nakikita. Ikaw ang dahilan kung bakit ko muling pinaniwalaan Ang salitang “FOREVER” na nanloko rin sa akin ng lubusan. Akala ko, ikaw na ang aking inaasam Na makasama hanggang sa dulo ng magpakailanman Sa tingin ko, ako’y naliligaw na Sa landas ng magpakailanman Sa tingin ko, Ito’y naging bula Na naglaho at nawala na ng tuluyan Oh Landas ng Magpakailanman.
0 notes
prncssptl-blog · 7 years ago
Quote
Never cry 'cause it is just a man
Princess Patal
0 notes
prncssptl-blog · 7 years ago
Text
I have those lutang moments
Tumblr media
Tulad ng isang styropor na naligaw sa gitna ng dagat, ang buhay ko ay palutang-lutang. 
Sumasabay sa agos ng buhay. Minsan nakatitig lang sa alon pero hindi gumagalaw. Hindi kumikilos. Walang ginagawa. 
Alam ninyo yung pakiramdam na mayroon kang gustong gawin at mayroon kang kailangang gawin pero hindi ka makagalaw. Para bang na-sting ka ng isang jellyfish na sa sobrang sakit, hindi mo na maipadyak ang mga paa mo?
Hindi ko alam kung paano magsisimula. 
O magpatuloy.
Napakaraming factor ang gumugulo sa akin, sa atin. Na nalilito tayo kung saan lalangoy, kung paano lumangoy at minsan, kung paano ba lumutang sa tubig.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Doon ba sa kabilang isla? Sa pampang? Sa daungan ng mga malalaking barko?
Noong bata ako, excited akong lumangoy. Minsan nga. pinupunan ko na lang ng tubig ang pulang batsa na ginagamit ng tita ko sa paglalaba. Masaya na ako doon. Nagtatampisaw. Nagpapalamig.
Ngayon, hindi na ako makangiti sa gitna ng dagat. Nalulunod na ako, hindi sa tubig na galing sa Dagat Pasipiko, kundi sa karagatan ng responsibilities, expectations, insecurities, kaba at takot.
Mahirap yung ganito. Siguro dahil hindi na ako bata, kaya wala nang mas matanda sa akin na nagsasabi ng umahon ka na diyan, baka magkasakit ka o huwag mong paglaruan yang hose, sayang ang tubig. Kahit may mga tao sa paligid mo, sarili mo pa rin naman ang kikilos at magdedesisyon.
Naiintindihan ko na yung mga magulang ko, tito at tita, kung bakit sila nahihirapan noon. Kung bakit nagpapasaway pa ako sa kabila ng pagod nila sa trabaho, kung bakit nasasaktan nila ako kapag sinasagot ko sila nang pabalang. Well, deserve ko naman kasi talaga ang masinturon at makaluhod sa asin.
Hindi na ako bata.
Hindi na ako bumabata. Regalo na sa akin kung makakatawa pa ako o makakangiti sa kabila ng mga nangyari, mangyayari, responsibilidad at expectation sa sarili. Mahirap i-sustain ang happiness ah. Siguro dahil introvert ako kaya nasasabi ko ‘to pero sa tingin ko, halos lahat tayo, magdaraan sa ganitong stage. Kung saan para tayong isang styropor na palutang-lutang sa dagat. Hindi alam kung saan aanurin. Hindi alam kung saan mapapadpad.
208 notes · View notes
prncssptl-blog · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Think before you do, Think before you speak, think before you do the things that you want to do ‘cause time never goes back
0 notes