Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Mga bagay na maaring puntahan sa baguio
Isang araw bago umalis papuntang baguio, hinanda ko ang aking mga gagamitin sa aking pagpunta sa baguio. kinabukasan 3:00 A.M. ng umaga umalis na ako papunta sa aming Bus number. ang aming biyahe ay nagtagal ng anim na oras bago makarating sa baguio city. kilala ang Baguio City dahil sa malamig nitong klima, dahil sa klima nito naging sikat itong lugar na ito upang maging isang sikat na bakasyunan para sa mga naninirahan sa lowland. sa pagdating namin dito ay 12:00 P.M. At dito na din kumain at sa pagtapos kumain 1:00 P.M. nag simula ang aming paglilibot sa mga atraksyon sa Baguio City.
Isa sa mga pinnuntahan namin dito ay ang Our Lady of Lourdes Grotto, kung saan makikita ang isang mahahabang handan paakyat sa taas kung saan maaring kumuha ng mga litrato. Sa pagakyat sa taas aking naranasan ang napakatahimik na lugar na tunay na nakakarelax.
Pangalawa sa aking pinuntahan ay ang the mansion ng Baguio City. ito ay sikat dahil na rin ito ay Opisyal na summer palace of the President of the Philippines. ito ay may nakapaganda at malinis kung ito ay inyong mapupuntahan. Malapit din dito ang Wright park Baguio, ito ay parang isang may mahabang lagoon na matatagpuan sa gitna sa mga mga gilid naman nito ang mga halaman na nagbibigay ganda.
sa Burnham Park, dito naman maaring magpahinga ang bawat turista, dito din ako at ang aking mga kasama nagpahinga sumakay din kami sa mga bike dito para maenjoy at masulit ang aming pag punta sa burnham park at hindi rin namin pinalagpas ang pag sakay sa sa bangka dahil ito din ang sikat na maaring gawin.
ilan lamang ito sa maaring mapuntahan sa Baguio City, natapos ang aming paglilibot sa Baguio City sa oras na 5:30 P.M. at sa oras na 6:30 P.M. naman ay naghanda na para sa pag uwi.
1 note
·
View note