ptrckh
ptrckh
you write like you're in love
48 posts
She is delightfully chaotic; a beautiful mess.
Don't wanna be here? Send us removal request.
ptrckh · 3 months ago
Text
tsunami;
There are many things I do not want to feel, like this itch inside my chest—an illness. A purpose.
I have sworn off this madness where I promised myself that I would never allow myself to feel this way again, I would never allow this illogical organ to take control over a system that is louder, logical.
It's just a stupid heart, anyway. What superiority does it have over a brain that thinks?
I do not want my heart to act like it is the most logical part of my nervous system. I do not want it to take over and call for another's name—yours. I do not want it to be yours.
But it is. For now, it is.
What a profound thing to feel, that your heart is finally existing again for another purpose. A person. You.
Despite my denial, my refusal to feel, there is you.
Beyond logic, beyond belief, I have allowed myself to want. I have allowed myself to feel; and I have forgiven myself for being in a situation which I have fought off not to be in for years.
Like a prayer that is waiting to be answered, I yearned to be home. In your arms, wherever you are, I yearned to belong.
So, come. Come and be brave with me.
0 notes
ptrckh · 1 year ago
Text
You're so scared to fail.
Yet, that is all you ever did to learn survival.
0 notes
ptrckh · 1 year ago
Text
I wasn't able to keep my promise to you.
But then again, what are promises for if they are not broken?
I took it quite gracefully this time. The fall, I suppose.
Maybe, we'll see the plot twist next year. When things are better, when I am better. When my body is not forcing me to rest, pleadingly so.
We'll try again. I will make our dream a reality, and that is not a promise anymore.
That will be our truth next year.
Ours.
1 note · View note
ptrckh · 3 years ago
Text
Pahimikas
Mahal, sabihin mo sa akin kung paano ang tamang paalam. Kung sa ano’ng paraan mo gustong marinig na ako ay aalis na. Dahil kahit ano’ng salita, kahit ano’ng wika, isa lang naman ang iiwan sa 'yo ng aking paalam at iyon ay sakit.
Mahal, humihingi ako ng tawad sa sakit na nararamdaman ko na ibinuhos ko sa 'yo. Sa aking pagmamalupit. Sa paghagupit ng aking lungkot. Sa patuloy kong pagtaboy at pikit-mata kong pagtanggi sa lahat ng kaya mong ibigay, lalo na sa pagmamahal na walang sawang inialay mo sa akin.
Mahal, inialay mo sa akin ang pagmamahal na walang kapantay. Tinatanggap ko ang mga kasinungalingan mo dahil kung may mas malaking sinungaling sa ating dalawa ay ako iyon.
Mahal, sinungaling din ako. Nagsinungaling ako noong sinabi ko sa 'yo ang salitang paalam. Nagsinungaling ako noong sinabi kong hindi kita mahal. Nagsinungaling ako noong sinabi kong ayaw ko na.
Dahil ang totoo, ikaw ang pinaka maganda kong konsepto ng pag-ibig. Ikaw ang patunay na kaya pang tumibok ng puso para sa ibang bagay, at higit sa lahat, para sa 'yo. Inangkin mo ang bawat kahulugan ng pagmamahal na puwedeng maging laman ng mga diksunaryo, binigyan ng kulay ang mga araw na noon ay ayos lang sa 'ayos na'.
Pasensya ka na, Mahal. 
Sa sakit na idinulot, sa kasinungalingang binuo. Pasensya ka na. Sa katotohanang hindi na kaya pang ilaban. Sa pag-ibig na pilit kong ipinagdadamot at itinatanggi.
Mahal, pakiusap, palayain mo na ang sarili mo sa sakit—sa akin. Ilaan ang pag-ibig sa tama, sa dapat, sa karapat-dapat. Kahit hindi na ako. Kahit hindi na sa akin.
Patawad.
Paalam.
Mahal pa rin kita.
Mahal na mahal pa rin kita.
0 notes
ptrckh · 4 years ago
Text
Most days, I feel like my heart does not have a home.
Not anymore.
2 notes · View notes
ptrckh · 5 years ago
Text
Of Fairytales & Whatnots
Never the damsel in distress; she defeated the dragons, she climbed down the tower, she walked on water.
Never the damsel in distress; she put on her own heels, she threw away the poisoned apple, she tamed the beast.
Never the damsel in distress;
Yet—
He showed her the world, He loved the ugly parts of her, And he awoken her barren heart with a kiss.
Come quick, love. I am awake.
0 notes
ptrckh · 5 years ago
Text
Matagal na akong nababasa mula sa ulan ng lungkot pero ibinigay ko ang ngiti ko sa mga tao na gusto’ng hiramin ang payong na hawak ko. Inuna ang iba bago ang sarili dahil inisip ko na mas kaya kong salubungin ang bawat patak at pagbuhos ng luha mula sa langit.
Noong naibalik na sa akin ang payong ko, ako naman ang sumubok na gumamit nito para protektahan ang sarili ko mula sa malakas na hagupit ng ulan. Naisip ko na baka daan lang naman. Na baka lilipas din kapag napagod na ang langit na maging malungkot.
Hindi ko napansin na masyado na palang nagamit ang payong ko, na may sira na pala ito nang ibinalik sa akin noong hindi na nila ito kailangan. Kaya nang bumigay ang payong sa pagitan ng galit at lungkot ng langit, nabigla ako sa kung paano ako niyakap ng matinding lamig. Sa kung paano ako walang awang sinalubong ng malulupit na patak mula sa ulap na madilim kung kailan hindi ako handang salubungin ito.
Masyado pala ako’ng mahina sa sunud-sunod na hagupit ng panahon. Hindi pala kaya ng tapang kong yakapin pabalik at paulit-ulit na patuluyin ang lungkot. Napabayaan ko ang sarili at hinayaan kong dalhin ako ng agos habang nilulunod ako ng luha na hindi ko alam kung lungkot pa ba ng langit ang may-ari o kung mula na ba ito sa sarili kong delubyo.
Ni hindi ko magawang tulungan ang sarili ko. Sira na ang payong ko na kahit kailan hindi ko ipinagdamot sa iba. Wala na ang payong na malaya kong ipinagamit para protektahan ang ibang tao sa sarili nilang delubyo. 
Wala na para sa sarili ko.
Kaya ngayong basang-basa ako sa ulan ng lungkot, wala akong magawa kung hindi tanggapin at tiisin ang lamig. Sinubukan ko namang humingi nang tulong, sinubukan kong humiram ng panibagong payong pero hindi pala pwede. Kaya nasampal ako ng katotohanan na may mga taong kaya kang tiisin at pabayaan sa lamig para sa sarili nilang init.
Gano'n pala talaga. Para kang payong na pwedeng isantabi kapag tapos na ang sarili nilang delubyo. 
Pero ‘wag kang mag-alala, kaya ko naman kahit wala ka. Mali lang ako dahil ikaw ang unang hinanap ng lungkot ko.
0 notes
ptrckh · 6 years ago
Text
Darling, I think it’s braver to keep choosing to breathe every day despite the constant defeats and heartaches. May this remind you to continue. Even when it’s difficult, more so when it gets difficult.
I hope you never choose otherwise. Never pick the easiest or fastest way to go. Things will get better for you soon.
I promise.
1 note · View note
ptrckh · 6 years ago
Text
Tang ina. Pagod na pagod na ako. Hindi ko alam kung gusto ko lang ng pahinga o kung gusto ko nang mawala. Hindi naman ako patuloy na humihinga hanggang ngayon para magpatalo lang sa mundo. Nakakapagod lang ilaban ang sarili ko minsan. 
Hindi ko rin alam kung may karapatan ba akong makaramdam ng pagod. Inilalaban naman ako ng ibang tao. Alam ko ‘yon. Minsan hindi ko lang nakikita o pinipili kong maging bulag pero alam ko. Alam ko na kapag ubos na ako, may mga taong pupulot at pupulot sa akin—na iintindi at makikinig sa hapo kong puso. Alam ko na kahit ano’ng buti o sama ng ugali ko, may babalikan at babalikan ako—tatanggap sa kitid at lalim ng pagkatao ko.
Alam ko. Alam ko. Alam ko.
Nakakalimot lang ako minsan.
Sanay kasi ako noon na madalas, ako lang naman talaga. Kaya mailap ako sa awa, sa tulong ng langit, ng mga tao. Lahat ng kailangan ko, inaral ko para hindi ko kailangang dumepende sa iba. Para kung madadapa ako, ako lang din ang magtatayo sa sarili ko.
Iba na ngayon.
Nagmamakaawa ako sa langit na sana, huwag na akong parusahan sa pagiging matigas ng puso ko noon. Nagmamakaawa ako na... ngayong pagod na ako lumaban, iba naman.
Iba naman para sa akin. 
0 notes
ptrckh · 6 years ago
Text
Kausap ng babae iyong puso niya.
Baliw na, kumakausap ng internal organ mag-isa.
Sino naman ba kasi ang makikinig? Napagod na ang mundo.
Palagi na lang sinisisi ng babae ang walang malay na mundo.
Umiikot lang naman ito. Trabaho lang, ika nga.
Kasalanan ba ng mundo kung malungkot siya?
Kung ngayon, hindi siya mahal ng gusto niyang mahalin?
Ito nga, si tanga, sabi pa hindi na raw magmamahal.
Eh, ano na naman ito?
May nakita na namang bago.
Natawa tuloy iyong puso.
Tumitibok lang naman siya para sa dugo.
Pero syempre, sasabihin ng babae, ito na naman ang responsable.
Namili ka na naman ng bagong mamahalin, bulong pa nito.
Aasa ka na naman, sagot ng puso.
Eh, ano’ng bago?
Ngingiti ang babae. Baliw na naman.
Mag-i-isip na naman ng kung anu-ano.
Yakap, halik, tang ina! Pati pangalan ng mga magiging anak.
Sa kagustuhan lang na may paglagyan ng pagmamahal.
Umaapaw na kasi.
Lalaban ang utak, ipapaalala niya na lahat naman ng bagay sa sistema, kontrolado.
Tulad ng puso, tama lang naman ang sirkulasyon niyan.
Nagkakamali lang kapag may nasira.
May bumara.
May pumigil.
Kaya sosobra sa dugo.
Eh sabi nga, lahat ng sobra, nakakamatay.
Pero itong si tanga, buhay na buhay naman.
Kahit sobra-sobra nang magmahal. Kahit umaapaw.
Tapos ano? Kasalanan pa rin ng puso kapag masakit na lang?
Kapag hindi na pasok sa pangarap ng babae.
Kapag gising na naman siya sa katotohanan.
Tang ina, mura pa nito. Maling pag-ibig na naman.
Maaawa ang puso. Bubulong, hindi naman iyan pagmamahal.
Gusto niya’ng sabihin na maganda naman talaga ang konsepto ng pag-ibig.
Na akala lang ng babae, pagmamahal iyong ibinibigay niya kahit hindi.
Baka libog.
Pangungulila.
O lungkot.
Sa tagal ng puso na kasama ang babae, kabisado na niya.
Ni minsan, hindi naman talaga ito umibig.
Dahil ang pag-ibig, hindi naman naging mali mula pa noon.
Mali lang ang mga tao na pinag-aalayan ng babae.
Eh, tanga nga.
Ang puso naman, nanunuod lang. Titibok lang.
Titibok lang kahit nasasaktan ang babae.
Titibok para sa kanya, bago para sa iba.
Iyon naman kasi ang tama.
Ang unahin ang sarili bago ang iba.
Kaya hanggang wala pa, titibok lang ang puso.
Baka sa susunod, makahanap naman ng tama.
Kasi iyon naman ang dapat.
Tumuloy ang sirkulasyon kahit walang pinag-a-alayang pagmamahal.
Ngingiti naman ulit ang babae.
Magiging masaya ulit.
Sana para sa sarili naman niya, dasal ng puso.                             
Ang gusto lang naman nito, tumibok para sa pag-ibig ng babae sa sarili.
Nakakapagod kasing tumibok nang tumibok kung ang gusto lang babae, huminga para sa ibang tao.
Mamatay para sa iba.
Eh, kaya nga isa lang ang puso.
Para lang sa babae, para lang sa may-ari.
Mabubuhay, mamamatay, para sa sarili.
Iyon naman ang dapat.
Bago ang iba, bago ang mahal.
0 notes
ptrckh · 6 years ago
Text
Takbo
Parang gusto ko na namang tumakas, tumalikod sa mundo. Kaso, ‘pag balik ko, kapag gusto ko na namang lumingon, gano’n pa rin naman. Magiging tahimik lang sandali, pero magulo pa rin. Masakit pa rin.
Hindi naman ako sinanay ng mundo na tumalikod sa mga bagay na nangyayari sa buhay ko. Mulat man o pikit-mata kong tignan, ipaparamdam sa akin ng mundo lahat. Kahit ayaw ko na. Kahit paulit-ulit kong itanong dito kung bakit mas madalas ngayon na masakit na lang kaysa masaya. 
Pero, mapapaisip din naman ako. Hindi naman kailangan ng mundo na malaman lahat ng tungkol sa akin. Madalas, gusto lang ng mundo na manuod ka, makinig, makaramdam. Dahil makasarili siya. Na kahit sa huli ng araw, hindi naman maiisip ng mundo kung ayos ka pa ba. Kung kaya mo pa ba. Kasi sanay lang ang mundo na ikaw ang nand’yan.
Pero... sinong nan’dyan ‘pag pagod ka nang saluhin lahat ng sama ng loob ng mundo? Sino ang makikinig? Sino ang magsasabi sa’yo na ayos lang magpahinga at ‘wag makinig sa ingay ng mundo kung totoong hapo na ang puso mo?
Syempre wala. Kasi sanay naman ang mundo sa’yo na ikaw ang matapang. Hindi ka naman kasi nagpakitang mahina ka sa mundo. Kasi akala mo, kaya mo na ikaw lang. Akala mo, kaya mong saluhin lahat.
Hindi mo kasi kayang aminin sa mundo na madalas ka nang hindi sigurado. Na marami ka nang takot ngayon. Na ang totoo, nalulungkot at nasasaktan ka rin. Napapagod. Kasi nakalimutan nang lahat ng dumedepende sa’yo na magtanong kung ayos pa ba. 
Ayos lang ba? Ayos ka pa ba?
Dahil ang totoo, hindi na.
0 notes
ptrckh · 7 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
23rd • 081818: Still a little lost, but always thankful that I am loved. Couldn’t be more happier that I’ve found friends who know how to speak to my soul. So much love, you guys. Always.
0 notes
ptrckh · 7 years ago
Text
Ang pinaka masakit na panaghoy ng puso ay iyong hindi narinig. Iyong isinisigaw ko na sa buong mundo kung gaano kita kamahal, kung gaano at paano ka araw-araw na hinahanap ng puso ko, pero hindi mo na marinig. Naririnig nang lahat pero iyong taong kailangang makaalam, wala na.
Wala na.
Ang daya. 
Ang daya-daya pa rin.
Ang sakit-sakit pa rin.
0 notes
ptrckh · 7 years ago
Text
Filed in missing: heart
If last year was a blur, this year is a massive darkness. I can’t see anything. I still can’t seem to understand the logic as to why I have to lose the person that I love the most. As to why I have to lose my dad. Araw-araw, tinatanong ko ang sarili ko kung bakit mas nagiging masakit lang? Bakit hindi nababawasan? It’s so unfair and I’m so mad at the world. I hate it for robbing me of so many chances with my dad—the chance to love him more (and better), to hold him a little tighter and to give back for every single thing and every sacrifice that he did for us. 
Ang sakit-sakit. 
Before, I actually thought that I was already at my bravest. That nothing and no one could hurt me anymore. Pero tang ina, losing my dad broke me so much that I can literally feel the cold sipping into my bones. Nilalamig ang buong pagkatao ko dahil alam kong may kulang. Nararamdaman ng bawat parte ng sistema ko kung gaano kalaki ang nawala sa akin. Because when I lost my dad, I also lost my heart. But... maybe that’s a good thing, ‘no? Baka hindi ko naman kailangan ng puso. Maybe the world is trying it’s fucking hardest to make me cold. Pero sobra naman... bakit kailangan sobrang sakit kapag sa akin? It feels like there’s always no warning when it comes to me. 
Akala yata ng mundo, matagal nang bato ang puso ko. 
There is an empty space in my chest that I’m filling with anger and hurt every single day. Because I don’t know what to do with this stupid emptiness. I just want my dad back. Dahil para kong bata’ng maliit na iniwan bigla sa isang lugar at hindi ko mahanap kung paano ako makakaalis kasi wala na ang kamay na gusto kong hawakan. Ang daya talaga. Nang-iwan agad. Biglang-bigla, walang pasabi, kaya ang sakit-sakit. And I know that I should be letting him go ‘cause he is probably in a better place now pero ang hirap-hirap kahit alam mo na hindi mo na rin naman siya kayang ibalik.
Ayoko na. I’m letting the world win. Kung gusto ako’ng matalo at saktan ng mundo, guess what? You fucking won. I hope you can bear my coldness because you made me this way. And I hope you’re fucking happy for robbing me of my heart and all of its love. 
Take it. I don’t need it anymore.
0 notes
ptrckh · 7 years ago
Text
Last year was a blur. It was a mess of a heart ache. There were cracks that I thought were permanent—but aren’t.
Still, my heart needed to rest. I knew it needed to heal. And this time, I wasn’t alone. Beautiful souls filled me with their love and time. They took my hand when it got too tiring to try. They stayed through the big and quiet moments. They were and they continue to be there—without asking for anything but for my heart to be okay.
And I’m immensely thankful. I may not deserve it at times but thank you for being the right people that my heart needs. 
I hope you’ll never get tired of me.
0 notes
ptrckh · 7 years ago
Text
Balloon
I.
A child held onto a balloon, Too tight, too long, Afraid that it might fly, Until it did.
II.
Scared without it, Forced to be alone, and get used to the emptiness it felt, She promised to never hold onto something again.
III.
She braved her storms alone, Never letting anybody too close, Never holding onto anything that might go, Empty, yes. But safe.
IV.
Until someone came. He reminded her of the balloon, Might stay if she holds him, But may go if she grips too tight, too long
V.
So she didn’t try but he held onto her Not too tight, not too long, just enough, An assurance that she won’t have to brave her storms alone,
Not anymore.
0 notes
ptrckh · 7 years ago
Text
This year, I’ve listed down the names of the people to whom I owe an apology.
I forgot that I owe myself one, too.
0 notes