ralphlourence
ralphlourence
PERSONAL BLOG
4 posts
Mga bagay tungkol sakin
Don't wanna be here? Send us removal request.
ralphlourence 5 years ago
Text
Tumblr media
Bukod sa paglalaro ng mga online games, pagluluto, panonood ng mga palabas at paglalaro ng chess, isa rin ang pagguhit sa aking mga libangan o gustong gawin pag wala akong ginagawa. Paborito ko itong gawin hindi dahil nababagot ako, kundi dahil dito ko nabubuhos ang aking mga emosyon kapag wala akong masabihan ng aking mga problema. Itong larawan na ito ay napaka importante para saakin dahil ilang oras ko itong pinaghirapan at binuhusan ng atensyon dahil hindi naman ako kagalingan, pero masaya ako dahil natapos ko at maganda naman ang kinalabasan.
0 notes
ralphlourence 5 years ago
Text
Tumblr media
Ang aking paburitong inumin. Ito ang pinaka paboritong kung inumin, isa rin ito sa mga nagpapatangal ng aking pagod at nagpaparelax sakin kapag sa tingin ko na, ang dami kong gagawin na mga bagay. Isa rin ito sa mga nakakapagpasaya sakin kapag malungkot ako, minsan pinapadalhan ako ng ate ko nito pag alam niyang pagod ako at malungkot. Kahit napakamahal ng inuming ito masaya naman ako pag ini-inum ko ito馃槀.
0 notes
ralphlourence 5 years ago
Text
Tumblr media
Ito ay noong pumunta kami ng aking pamilya sa cebu safari and adventure park. Di ko malilimutan ang araw nato dahil labis ang aking kasiyahan na makakita ng mga ibat ibang hayop at may mga ibang hayop din na pwede mong hawakan. Ang sarap din sa pakiramdam na pumunta sa isang lugar kung saan hindi kalang nag eenjoy kundi natututo karin sa mga pinupuntahan mo. Masaya rito dahil hindi lang mga hayop ang mga makikita mo dito, may mga hardin din sila na may ibat ibang klaseng mga bulaklak at halaman at tiyak na mag eenjoy karin sa mga pagkain.
1 note View note
ralphlourence 5 years ago
Text
Tumblr media
Ito ay litrato noong bata pa ako, sa pagkakatanda ko kindergarten pa ata ako nito. Naisip ko ngayon na ang sarap pala maging bata, noon ang problema lang natin ay kung paano tayo makakabili ng kendi dahil kulang ang dala nating pera馃槀. Ngayon ang dami na nating pinoproblema, sa dami ng problema natin di na natin alam kung ano ang uunahin. Pag nakikita ko ang litratong ito na aalala ko ang dating ako na mahiyain at masaya kahit sa mga simpleng bagay.
1 note View note