Tumgik
rawonxcs · 3 years
Text
(new gen)DER ROLES
PANIMULA: (WORD PLAY ON NEW GEN AND GENDER ROLES)
Tumblr media
Maligayang pagbabalik sa ating blog! Ito ay ang ika-anim na blog at tayo ay nasa ika-apat na markahan na, parang kailan lamang ay sinusulat ko palang ang unang blog ko rito, nakakagulat rin na anim na pala ang naisulat kong blog at nasubaybayan niyo, pero wag na nating pahabain pa, simulan na natin ang pagtatalakay sa Gender Roles at sa mga differences and stereotypes!
Ang blog na ito ay likha ni R.L. at ito ay purong opinyon lamang ng manunulat, maaaring wastuhin ang pananaw at mabago ang paningin. 
Ano ba ang Gender Roles?
Tumblr media
Gender roles are the behaviors men and women exhibit in the private and public realm. They are the sociocultural expectations that apply to individuals on the basis of their assignment to a sex category (male or female). - Science Direct.
Ang gender roles ay ang mga roles o tungkulin na inaasahan ng society (lipunan)  na gampanan ng dalawang sexes, ang mga lalaki at babae. Ito ay tinawag na gender roles dahil nagkakaroon tayo ng social standards or social norms na naka-iinstill sa ating mga isipan dahil sa ating environment. 
For example, gender roles typically assign women to dress in typically feminine ways and be polite, accommodating, and nurturing. And men are generally expected to be strong, aggressive, and bold. Ang mga roles na ito ay in-assign na sa bawat kasarian, pero ang mga inaasahang gawain na nakapaloob dito ang nakakasakit sa mga indibidwal dahil ito ay nagiging “SET STANDARDS”. 
Kapag hindi mo nagampanan ang iyong gender role, huhusgahan ka na ng lipunan at malubha itong makakaapekto sa mga indibidwal sa paraang pisikal, mental, o emosyonal.
Tumblr media
Bakit maganda itong usapin sa ating henerasyon?
Tumblr media
Magandang usapin ang Gender Roles, Stereotypes, LGBTQ+ Community, at Equality sa ating panahon dahil mas bukas na ang isipan ng ating henerasyon. Mas malayang mapag-uusapan ang mga ganitong sitwasyon dahil mismong mga tao na ang humahanap ng kapantayan at pagbabago mula sa dati nating mga mindset at “social standards”.
Umaaga na rin ang edad ng pagkakamulat ng mga bata, sa murang edad ay mas marami nang nakakaalam ng kanilang gender at sekswalidad. Kaya naman mas mabuti kung maipapalaki sila sa isang environment na tumatanggap sa kanila bilang isang tao na walang pinagkakaiba sa isa’t isa.
Gampanin rin ng mga Generation Z, at Millennials ang pagiging mapag-unawa. Lalo na sa mga nakatatanda na nahihirapan mag-adjust sa ating “new normal”. Ibang-iba na at malaki ang generational gap, kaya naman hindi natin maaasahan na matanggap nila agad-agad ang mga mabilis na mga pagbabago sa ating lipunan at pagharap sa mga problema.
Paano at ano anong mga konsepto nakakasakit ng kapwa ang Gender Roles at Gender Stereotypes?
Tumblr media
Ano nga ba ang salitang “stereotype”? 
Tumblr media
“a widely held but fixed and oversimplified image or idea of a particular type of person or thing.” - Dictionary
Stereotype, o estereotipo, ay ang hindi nababago ang imahe, ideya o haka-haka na ang isang pangkat ng lipunan ay mayroong iba, na kung saan ang mga natatanging pag-uugali, katangian, kakayahan o ugali ay karaniwang naiugnay. (Warbleton Council).
Ayon sa aking pananaliksik, mula sa planned parenthood, mayroong apat na pangunahing gender stereotypes, ito ang:
Personality traits — For example, women are often expected to be accommodating and emotional, while men are usually expected to be self-confident and aggressive.
Domestic behaviors — For example, some people expect that women will take care of the children, cook, and clean the home, while men take care of finances, work on the car, and do the home repairs.
Occupations — Some people are quick to assume that teachers and nurses are women, and that pilots, doctors, and engineers are men.
Physical appearance — For example, women are expected to be thin and graceful, while men are expected to be tall and muscular. Men and women are also expected to dress and groom in ways that are stereotypical to their gender (men wearing pants and short hairstyles, women wearing dresses and make-up.)
Paano makikita ang pagkakaiba ng gender roles ng mga kalalakihan at mga kababaihan sa mga sumusunod na aspeto:
Tumblr media
Malaking papel ang ginagampanan ng media, isa ito sa pinakamalaking pinagkukunan ng impormasyon ng mga tao. Sa ating panahon, nagkakaroon na tayo ng malawak na forms ng media. Ilan na dito ang radyo, telebisyon, dyaryo, at ang internet; na isang napakalawak na network. Dahil sa media, napapaikot ang balita ng mas madali at mabilis nalalaman ng isang bansa ang mga kasalukuyang pangyayari. 
Ang media rin ay nagiging plataporma upang makapaghatid ng mga entertainment, gaya ng mga palabas, at mga teleserye.
Ngayon, alamin naman natin kung saan makikita ang mga gender roles at pagkakaiba ng mga kalalakihan at kababaihan sa aspetong ito. Base sa larawan sa ibaba, makikita ang malaking kalamangan ng mga empleyadong lalaki sa larangan ng media. 
Tumblr media
Ito ay isa lamang halimbawa na mas napapahalagahan o napapaboran ang pagkakaroon ng trabahador na lalaki kaysa sa babae. Tignan naman natin kung paano napoportray ng media ang gender roles sa mga palabas, movies, at sa telebisyon in general.
Tumblr media
Sa larawang ito, makikita natin ang representasyon ng isang “lalaki” sa media. Madalas sa mga telenobela ng ating bansa, ang mga lalaki ay mga superhero, action star, sundalo, pulis, mayamang lalaki na mahilig sa babae, at iba pang mga tipikal na imahen ng isang matikas na lalaki.
Kung ikukumpara natin ito sa totoong buhay, halos hindi naman mapapantayan ng mga ordinaryong lalaki ang mga set standards na naipapalabas sa telebisyon. Mas lamang pa nga ang mga nasa ikalawang parte ng tsart at mas makatotohanan: good hearted men, good provider, a fatherly figure, and hard-working.
Sa tingin ko ay isa rin itong rason kung bakit mas pinipili ng mga Pilipino na manood ng mga pelikula at series ng ibang mga bansa dahil mas may variety ang kanilang characters at mas realistic ang character portrayal. Lalo na sa mga Korean dramas, at sa mga US Series, or Movies.
Tumblr media
Ganito naman ang representasyon ng mga kababaihan ayon sa media stereotypes. Kung hindi isang ina, mayroon diyang isang kabit. Ganoon ang madalas na kalakaran ng ating mga teleserye at ang karaniwang roles ng kababaihan sa mga palabas. Pero ang lahat naman ng ito ay nakadepende sa tema ng palabas. Maaaring mabago ang mga roles base sa klase ng palabas na tatanghalin.
Tumblr media
Sumunod na sitwasyon ay sa paaralan at edukasyon, alamin natin kung paano nagkakaroon ng mga gender roles at set standards nang hindi natin namamalayan.
1.) Karapatan na magkaroon ng maayos na edukasyon ng kababaihan.
Dati ang mga paaralan ay puro lalaki lamang ang mga pinapaaral, marahil ang rason dito ay ayon sa stereotype na: inaasahan ang mga lalaki sa pagtatrabaho sa kanilang pagtanda, at ang mga babae ay ang maiiwan sa tahanan upang mag-alaga ng bata, magluto, maglinis, at maging ehemplo ng isang ina.
Sa ibang bansa, hanggang sa kasalukuyan ay hindi nakakapagaral ang kanilang mga kababaihan. Isang halimbawa nito ang 16.7 milyong kababaihan sa sub-Saharan, Africa, na hindi nakakamit ang pagkakaroon ng maayos na edukasyon.
Tumblr media
Nang sakupin ng Taliban ang Afghanistan, nawalan ng karapatan ang mga kababaihan upang makapag-aral mula ika-pitong baitang pataas. Ang mga paaralan ay bukas lamang para sa mga kalalakihan. Kinuha naman ng Human Rights watch ang pananaw ng isang kabataang babae rito. “I want to go to school and become an independent woman who chooses and decides for her lie. If I am educated, men wouldn’t dare to interfere but if I am not, they will decide my whole life for me.” Ang sagot ng isang 16 taong gulang na si Nasiba.
Tumblr media
Ilan sa mga rason ay ang kahirapan, maagang pagpapangasawa (child marriage) at ang gender-based violence. Masakit at masaklap isipin na napakadaming mga babae na maraming pangarap ang nakakaranas ng ganitong diskriminasyon at sapilitang pagdedesisyon.
2.) “Mas malakas ang mga lalaki kaysa sa babae.”
Kapag may mga event o kaganapan pinapaiwan ang mga lalaking estudyante upang sila ang magligpit ng mga upuan o kagamitan na ginamit. Kung ating iisipin, nagkakaroon ng stereotype na ang mga babae ay fragile, mahina, mahinhin, at dapat hinahayaan lamang ang mga lalaki (malakas, macho, makisig) na magbuhat at gawin ang mga mabibigat na task. 
Pero, hindi dahil lalaki ay ibig sabihing sila na ang aasahan na magbuhat, at hindi rin ibig sabihin na babae ay hindi na kayang magbuhat. Bakit hindi natin i-encourage ang lahat na tumulong? Ganoon na rin sa mga asignatura na may halong isports o physical education. Mas nagkakaroon ng mataas na expectations sa mga lalaki dahil sila ay mas “malakas, mabilis” at ang ganoong mga komento.
Nasa estudyante ang kaniyang angking lakas, mapa-lalaki man ito o babae, pantay dapat ang pagtingin sa mga estudyante, ganoon na rin sa mga faculty and staff.
Tumblr media
3.) “Natural na mas masipag ang kababaihan.”
Muli tayong nagkakaroon ng mga stereotype at pagtingin na mas masipag ang mga babae kaysa sa mga lalaki, pero sa aking palagay nasa sarili mo kung ikaw ay magsisipag o hindi.  At lalong hindi ito nakabase sa gender ng isang tao, dahil ikaw lamang ang makakapagsikap para sa iyong sarili kahit sino ka man!
Tumblr media
4.) Mga panunukso ng kaibigan at bullying.
Ang mga panunukso lalo na sa mga bata ay hindi na maiiwasan, mahirap din italakay sa mga bata ang ganitong mga isyu na hindi nila basta basta maiintindihan. Sa mga bata, nagsisimula sa kanilang tahanan ang kanilang set standards, kaya naman nadadala nila ito sa labas ng tahanan tulad na lamang sa eskwelahan.
Kapag nakakita ang isang bata ng kapwa niya lalaki o babae na hindi nakakasunod sa kaniyang nakikitang “gender roles” na nakainstill sa kaniyang isipan, mayroong chance na tuksuhin niya ang kaibigan.
Hindi lamang ito nagaaply sa mga bata kundi pati sa mga nakatatandang estudyante na nambubully at nananakit ng mga kapwa mapa-lalaki o babae, at mas lalo na sa mga iba ang sekswalidad. 
Tumblr media Tumblr media
Hindi sa lahat ng pagkakataon patas ang pamimili ng empleyado ng mga trabaho, isang halimbawa na nito ang prejudice at stereotype sa mga babae. Sa mata ng normal na tao na hindi mulat sa mga gender norms at roles, mas may kakakayahan ang lalaki magtrabaho at gumawa ng mas mabisa kaysa sa mga kababaihan.
Ngunit hindi ito totoo, ang mga babae ay hinding hindi inferior sa mga lalaki at kayang kaya rin nila magtrabaho nang kasing bisa ng isang lalaki. Muli, alalahanin natin na nasa work ethics ito ng isang tao at hindi nakabase sa kaniyang kasarian ang kagalingan sa isang bagay. Nakakaranas rin ang mga kababaihan ng mas mababang kita kaysa sa mga kalalakihan dahil ang mga trabaho ay “mostly male-dominated”. 
Tumblr media
Nagsalita si Jennifer Lawrence sa isyu kung bakit mas mataas ang sweldo na natatanggap ng mga lalaking aktor kaysa sa kaniya. 
Tumblr media
“It’s hard for me to speak about my experience as a working woman because I can safely say my problems aren’t exactly relatable. When the Sony hack happened, I found out how much less I was being paid than the lucky people (males).” Ani niya.
Tumblr media
Sa isang pamilya, mayroong stereotype na simula bata palang tayo ay itinuturo na sa atin. Ang mga nanay ay naiiwan sa bahay upang alagaan ang anak, gawin ang mga gawaing bahay, at ang mga tatay ay papasok ng trabaho upang makakita ng pera na ipangbubuhay sa kaniyang mag-anak. 
Lalo pang naipapatibay ang stereotype na ito dahil halos lahat ng mga portrayal ng pamilya sa mga palabas na teleserye ay ganito. Pero napansin ko na nagiging unfair ang sitwasyong ito kapag nabaliktad.
Tumblr media
Sabihin natin na ang sitwasyon ng isang tipikal pamilya ay nabaliktad. Ang nanay ang nagtatrabaho at kumakayod, samantalang ang tatay ay ang nag-aasikaso sa bata o sa gawaing bahay. May dalawang reaksiyon lagi ang mga tao, kalahati ng mga reaction ay manunuligsa sa isang lalaki, kukwestiyunin siya kung bakit hindi siya ang nagsisikap para sa pamilya, at kung kaya niya bang alagaan ang anak o gumawa ng gawaing bahay. 
Kalahati naman dito ay mga papuri na natatanggap ng lalaki na kapag ginagawa ng babae ito ay normal lamang. Kapag ang lalaki ay ang taga-alaga ng bata, siya ay magaling na ama, pero kapag ang babae, normal lamang na parenting. Kapag ang tatay ang naggrocery siya ay matulungin na asawa, kapag ang ina normal lang rin ito na gawain, kapag fast food ang pinakain ng isang tatay siya ay “cool dad” o kaya naman ay “fun dad”, pero kapag ang ina ang nagpakain ng fast food, tatawagin siyang tamad na ina, at huhusgahan pa na hindi masustansya ang pinapakain sa kaniyang anak.
Ang mga ito ay nagiging double standard, ito ay isang tuntunin o prinsipyo na hindi patas na inilalapat sa iba't ibang paraan sa iba't ibang tao o grupo. Narito pa ang ibang halimbawa ng double standards para ito’y ating maunawaan ng mabuti.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
SHOWTIME EPISODE:
youtube
“Lilinawin kita ha, ok lang naman na hindi ka pumapatol sa bakla, that’s so OKAY that’s part of your gender identity at sexual preference we so respect that. It doesn’t make you gay, kung pumatol ka sa gay.”
10:10 - 13:50. Napakagaling ng way ng pad-aaddress ni Vice Ganda sa isang Tawag ng Tanghalan contender. Kahit nasa National TV, nagawa niyang linawin ng maigi sa contestant ang kaniyang nasabi tungkol sa gender identity, sexual preferences, at acceptance sa ating lipunan.
“Siyempre babae nanloko, hindi naman ako bakla, lalaki ako babae kailangan ko.” at “Hindi naman ako galit sa mga bakla parang may something lang kasi na may ayaw lang ako, not necessarily lahat ng bakla-” ang sabi ng contestant. Halata sa mukha ni Ann at Vice ang pagkakaroon ng awkwardness at na-offend.
#AWARENESS - Kinakailangan ng Pilipinas.
Sa ating lipunan nagiging masakit ang mga pananalita patungkol sa mga gays, lesbians, bisexuals, at ang marami pang ibang mga sekswalidad dahil sa ating judgemental at unaccepting society. Ito ay ang pinakauna nating dapat na mabago, at matutunan na mag-accept sa isa’t isa bilang equal, hindi naman tayo magkakaiba, pare-pareho lamang tayong lahat at may karapatan tayo bilang mga indibidwal at karapatan din natin na makilala base sa ating pagkakakilanlan sa sarili.
Tumblr media
Kailangan narin natin mabago sa ating lipunan ang paningin sa gender roles, at matigil ang pagkakaroon ng set standards sa kababaihan at kalalakihan. Nararapat lang na mapairal natin ang equality, at ito’y magsisimula mismo sa ating mga sarili.
Tumblr media
Bilang isang kabataang lalaki, sa tingin ko naapektuhan ako sa mga maliliit na bagay lamang. Halimbawa na nito ang mga stereotype na kapag lalaki ka ay dapat naglalaro ka ng basketball, o kaya naman ay mahilig ka sa isports, sa mga pampalakasang laro, at sa pagiging agresibo. 
Kapag lalaki ka, inaasahaan ng mga matatandang lalaki sa iyo o ineexpect na nila na mayroon ka ng kasintahan at side chicks. (Nakakaalarm ang ganitong mindset lalo na at bata pa lamang kami pero ganitong mga bagay na ang iniisip ng ibang nakakatanda). 
Para sa akin naman ay hindi dapat ito stereotype o gender role. Simple lamang ito na LIFE CHOICES. Lahat ng mga tao ay may kaniya-kaniyang interes, pananaw sa buhay, at life choices. Tatandaan natin na hindi natin pwedeng husgahan ang isang tao dahil lamang sa kanilang mga interes, kilos, at mismong identity. 
CLOSING MESSAGE
Tanggapin natin ang bawat tao kung sino sila, at kung paano nila nakikita at nakikilala ang kanilang sarili. All of us are humans! You can choose what you want to be, and let’s hope that our generation (GenZ) will be the start of a more accepting and open society that will break the social standards, gender stereotypes, and harmful gender roles!
Tumblr media
Maraming salamat sa pagbabasa! Credits sa lahat ng may-ari ng litrato at mga bidyo na nagamit upang mabuo ang blog na ito.
0 notes
rawonxcs · 3 years
Text
Politika Politika, negosyong Pampamilya!
PANIMULA:
Tumblr media
Naalala niyo pa ba ang pinaka-una nating blog na tumatalakay sa “Once upon a Tune” ni Mr. Gary Granada? Kung oo, malamang ay maalala mo ang kaniyang kanta na ginawa upang batikusin ang mga kababalaghan na nangyayari sa loob ng ating gobyerno.
Ang liriko ng kantang iyon ay ang sumusunod:
My nephew, my niece, my brother and sis
My nephew, my niece, my brother and sis
My nephew, my niece, my brother and sis
Are all political appointees.
Tumblr media
Tila ginagawang hanapbuhay ng mga pamilyang ito ang pag-upo sa gobyerno upang ma-secure ang kanilang pwesto sa pamahalaan at pati narin ang kanilang hinaharap.
Ang ating tatalakayin sa blog na ito ay tumuturo sa isa lamang aralin. Ang:
Political Dynasty.
Political Dynasty - Ito ay tumutukoy sa hanay ng mga pinunong politikal ng isang teritoryo, kaharian, o rehiyon na nagmula sa iisa o iilang pamilya.
Ang salitang dynasty ay nagmula sa salitang Latin na “dynastia” at nag-ugat sa wikang Griyegong “dynastèia (δυναστεία)” na tumutukoy sa power (kapangyarihan), dominion (nasasakop), at rule (pamumuno). Bagama’t ang konseptong ito ay maaaring bago sa iba, ito ay masasabing nakaukit na sa kasaysayan ng daigdig. -Kontemporaryong Isyu.
Sa madaling salita, ang Political Dynasties ay isang konsepto kung saan madaling makakapasok ang mga miyembro ng isang pamilya dahil established na ang kanilang pangalan, at pwesto sa pamahalaan na kanila ring pinagpapasa-pasahan. 
Kung maalala niyo ay pinag-aralan din natin ang mga dinastiya noong ika-walong baitang, specifically ang Chinese Dynasties:
Tumblr media
Ang dynasty o dinastiya ay ang pamumuno ng iisang pamilya sa isang lugar o rehiyon. Ipinamamana o ipinapasa lamang ang kanilang pamumuno sa kanilang henerasyon. 
“Noong unang panahon pa man ay nauso o naging kaugalian na ang tinatawag na political dynasty, hindi lamang sa Pilipinas, kung hindi maging sa maraming bahagi ng mundo.”
Narito ang tatlong ebolusyon ng political dynasty, dito sa Pilipinas.
·        Ilustrado: Mga pamilyang Pilipino na nagsumikap upang mapalapit at mapaboran ng mga espanyol. Sila ay nabigyan ng pagkakatiwala sa posisyong politikal.
·        Elites: Namayagpag din noon ang patronage politics kung saan naging batayan ng impluwensiya ang kasikatan. Tinawag na elite(s) ang mga mayayaman na angkan.
·        Oligarchs: Ang oligarchy ay tumutukoy sa rule of the few rich families. Kabilang ang mga: 
Pamilyang politikong lokal   
Pamilyang nakaupo sa nasyonal na gobyerno
Mayayamang pamilyang sumusporta at pumapasok sa politika.
Narito naman ako ngayon upang sagutin ang mga katanungang sumusunod:
Tumblr media
Ano ang epekto ng pagkakaroon ng mga political dynasties sa pamahalaan? 
 Saan nag-uugat ang pagiging laganap ng political dynasties at political families sa Pilipinas? 
Ano ang mga positibo at negatibong epekto ng political dynasties sa ikauunlad ng bansa? 
Sa iyong personal na opinyon, mawawala pa ba sa sistema ng lipunan ang political dynasties? 
Ano ang iyong opinyon tungkol sa bahaging ito ng ating 1987 Constitution: Article II Section 26: “The State shall guarantee equal access to opportunities for public service, and prohibit political dynasties as may be defined by law.”
Kaya’t ano pang iniintay natin? Simulan na natin ang ika-limang blog na pinamagatang: “Politika Politika, negosyong Pampamilya!” na isinulat ni Rance Loresca.
Tumblr media
Hinding hindi na maiiwasan ang pagkakaroon ng mga Political Dynasties, lalo na sa Pilipinas na noong panahon pa man ng Amerikano (elites) ay nagsisimula na ang ganitong konsepto. 
Gaya ng nakaraang blog natin tungkol sa Globalisasyon, ang Political Dynasties ay maihahalintulad ko din bilang isang double-edged sword. Dalawa lamang ang kaakibat nitong epekto sa kabuuan. POSITIVE or NEGATIVE.
Kapag mayroong political dynasties sa loob ng pamahalaan sa mahabang panahon, mapapanatili ng isang pamilya ang dominasyon at posisyon sa gobyerno. Nakakabuti ito sa atin at sa pamahalaan KUNG para sa ikauunlad ng bansa ang serbisyo na inihahatid ng nasabing pamilya. 
Subalit, kapag kabaliktaran na ng serbisyo ang ibinibigay ng mga kandidato mula sa iisang pamilya, dito na nagkakaroon ng destructive forces sa pamahalaan, pati na sa mga mamamayan.
Tumblr media
Halimbawa na diyan ang corruption at graft, na laganap sa Pilipinas at isa sa nagpapabagal sa pag-unlad ng ating bansa, pero palawakin muna natin ang dalawang termino.
Ang corruption ay pag-aabuso sa kapangyarihan na mayroon ka at ang graft ay isang uri ng corruption. Sa graft, mayroong involvement ng pera at nagagamit ito ng mga opisyal sa paraang hindi legal at labag sa batas. Marami pang uri ng korupsyon, nandiyaan ang mga uri na mula lamang sa special treatment (Public Corruption), involvement ng malaking halaga ng pera (Grand Corruption), korupsyon sa bata o bagong opisyal (Petty Corruption), pagdeceive sa mga sangay ng gobyerno (Administrative Corruption), at pagbabalangkas ng batas na maaaring pumabor sa isang pangkat o indibidwal (Political Corruption).
Kung susumahin, nakadepende sa linya ng pamilya at uri ng pamamahala ang magiging epekto ng political dynasties sa pamahalaan. In the end, all of us are humans and its practically impossible to always be the good without the bad.
Tumblr media
CARNEGIE EFFECT
Ang teoryang ito ay mula kay Andrew Carnegie. Ayon sa kaniya, pinili niyang ipamahagi ang kaniyang kayamanan sa mga taong hindi niya kapamilya. Dahil kung sa kaniyang anak niya ibibigay ang pera, mawawalan ang anak niya ng gana na magsumikap dahil secured na ang kaniyang kinabukasan mula sa pera na natanggap sa ama.
Ganito ang sitwasyon sa ibang mga dynastical politicians. Nakakampante sila sa kanilang dominance sa politics at nasisigurado nila ang kanilang pagkapanalo dahil sila ay mula na sa isang malaking pamilya at halos ibigay na sa kanila ang lahat upang makatakbo at manalo lamang. Dito rin magsisimula ang mga negatibong epekto ng political dynasties.
Tumblr media
Ang political dynasties and families ay hinding hindi maiiwasan sa bawat bansa, lalo na sa Pilipinas kung saan 94% ng bansa ay pinamumunuan ng mga political dynasties. Tinatayang 73/80 din na mga probinsya ay mayroon o nagkaroon ng political dynasties sa pamumuno.
56% ng mga dinastiyang ito ay nagmula pa noong panahon ng mga Amerikano, sila ay tinatawag na elites at hanggang ngayon ay napanatili nila ang kanilang mga istatus sa lipunan.
Lalo pang lumalago ang mga political dynasties and families dahil ang mga artista noon, nagsisimula na ring pumasok sa politika ngayon. Dahil sa kanilang kasikatan, hindi na magiging malabo ang pagtakbo ng kanilang mga sunod na henerasyon at kapamilya dahil na-establish na rin nila ang kanilang mga pwesto sa pamahalaan.
Tumblr media Tumblr media
Ang larawang ito ay mula sa CNN. Naitala ito noong Marso 2019, at sila ang mga celebrities o artista na inaasahang tumakbo sa halalan noon. 
Tignan naman natin ang mga artista na nagnanais na tumakbo sa ating halalan 2022 sa kasalukuyang taon. Ang litratong ito ay mula sa Rappler.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Aquino, Marcos, Magsaysay, Binay, Duterte, Estrada, at Roxas: Saan ba sila nagsimula?
Tumblr media
Aquino: Ang mga Aquino na mula sa Tarlac ay nagsimula kay Servillano Aquino, isang heneral noong Philippine Revolution. Ang kaniyang anak na si Benigno Aquino Sr. ay tagapagsalita ng House of Representatives. Ang kaniyang anak na si Benigno Aquino Jr. naman ay naging senador at matapos ang pagpaslang sa kaniya, ang asawa niyang si Cojucangco “Cory” Aquino, ay naging susi sa People Power Revolution at naging kauna-unahang babaeng presidente ng Pilipinas. Ang kanilang anak na si Benigno Aquino III naman ang naging ika-15 na presidente ng Pilipinas.
Bukod sa pagiging presidente, marami pang mga Aquino ang nahalal sa iba pang mga posisyon.  
Agapito "Butz" Aquino - Senador
Maria Teresa Aquino-Oreta - Congressional Representative of Malabon
Paolo Benigno “Bam” Aquino - Youngest senator in the 16th congress
Antolin “Len-Len” Aquino-Oreta - Mayor of Malabon
Enzo Oreta - Councilor of Malabon (running to replace his father as Mayor).
Tumblr media
Binay: Nagsimula lahat kay Jejomar Cabauatan Binay, ang naging alkalde ng Makati at naging Acting Governor ng Metro Manila, at nagkaroon ng 3 muling termino bilang alkalde, matapos ang 3 taong paghinto ay nahalal muli siya para sa 3 pang taon bilang alkalde at naging bise preisdente ni dating pangulong Benigno Aquino III. 
Si Nancy Binay, ang kaniyang anak ay isang senador, si Abigail Binay ay ang alkalde ngayon ng Makati, at si Jejomar Binay Jr. ay dating alkalde ng Makati. Subalit, inalis siya sa kaniyang pwesto nang kinumpirma ang charges na:
Grave misconduct, dishonesty and conduct prejudicial to the best interest of the service over the construction of a Makati school building on May 28, 2019.
Tinatayang 33 taon ang mayorship ng pamilyang Binay sa Makati na nagsimula pa noong 1988. 
Dalawa pa lamang iyan sa mga tanyag na mga political dynasty sa ating bansa. Marami pang mga pamilya ang kilala sa larangan ng politika bilang malalakas na kompetitor. 
Tumblr media
Hati naman ang magiging epekto ng Political Dynasty sa ating bansa.
Tumblr media
1. VERSUS
Unang una sa lahat ay kung mayroon tayong mga political dynasty, mayroon nang mga politiko mula sa isang pamilya na handang maglingkod sa publiko. Ito ang magiging solusyon kung kakaunti lamang ang mga politiko na nais tumakbo para sa isang posisyon.
Subalit sa panahon ngayon, marami ang naghahangad na mahalal at makapasok sa politika. Gayon din ay hindi nawawala ang mga kandidato mula sa mga political dynasties, malaki ang hatak nila sa mga boboto dahil kilala na ang kanilang pangalan mula sa mga nakaraang miyembro ng pamilyang politiko.
“Give chance to others” Ika-nga ng mga matatanda, ay hindi masunod-sunod dito sa Pilipinas. Kada-eleksyon ay pare-parehong mga apelyido ang aking naririnig, paano naman ang mga naniniwalang maiaahon nila ang Pilipinas? Ang mga kandidato na hindi kilala ng publiko dahil hindi sila mula sa mga tanyag na pamilya, at sila pa ang mga hindi naririnig.
2. PROJECT: CONTINUATION or CORRUPTION
Continuation: Nakakatulong naman sa atin kung ang mga politiko mula sa mga dynasty ay ipagpapatuloy ang mga proyekto na nasimulan pa ng kanilang mga lolo/lola/great grandfathers/great grandmothers. Lalo na kung ito ay nagbibigay ng benepisyo sa publiko at sa mahihirap.
Hindi na natin kailangan maghintay kung matutupad ba ang kanilang mga pinapangakong proyekto dahil ito ay itutuloy na lamang nila. Pero, iyan ay kung mabuti ang reputasyon ng pamilyang nahalal. Diyaan pumapasok ang ikalawang choice sa epektong ito. 
Corruption: Kapag ang pamilyang nahalal ay corrupt, o may record ng pagiging corrupt, asahan na nating well trained na rin ang susunod nilang mga pato sa politika.
“The apple doesn’t far fall from the tree.” Kung narinig niyo na ang tanyag na quote na yan, tiyak gets niyo na agad! (Pero kung hindi pa, ibig lamang nitong ipahatid na ang bunga o apple ay hindi nalalayo sa kaniyang pinanggalingang puno, o kaniyang mga magulang.)
3. POPULARITY IMPACT
Dahil naitatak na nila ang kanilang mga apelyido sa larangan ng politika, madali na ang paglaganap ng kanilang mga “fans” o ang mga boboto sa kanila at sa iba pang miyembro ng kanilang pamilya.
Hindi lamang sa mga mamboboto kundi pati na rin sa mga investors at mga kilalang businessman/woman, ay kilala ang kanilang angkan at mas mapapadali ang mga koneksyon sa “prime movers”.
Ang political dynasties din ay nakapagbigay ng daan upang mahalal pa ang mas maraming mga kababaihang nagnanais maging politiko dahil sa mga koneksiyon at taglay na popularity ng kaniyang pamilya/pinanggalingan.
Magkakaroon lamang ng komplikasyon kung naabuso ang kasikatan at ginamit upang makahatak ng mas malaking madla sa maling mga paraan lalo na kung involved ang media.
Kung tutuusin ay hindi naman masama ang pagkakaroon ng mga political dynasties sa ating bansa, ngunit dahil sa natural na kasamaan at kasakiman ng tao na hindi rin naman maiiwasan, napapairal ang korupsyon na nakakasira sa isang politiko, sa bansa, at sa mga mamamayan mismo.
TIGNAN ITO:
youtube
Ayon kay Mrs. Imelda Marcos noong Oktubre 9, 2013, sa timestamp 6:23 mayroon daw silang 6000-7000 tons of gold (plus documents) sa kanilang basement. Taliwas naman ito sa sinabi ni Bongbong Marcos sa isang interbyu sa kaniya recently:
Tumblr media
Ano kaya ang totoo? Gold or no Gold?
Pero dahil sa lakas ng impact ng mga Marcoses, kahit ano mang negativity, they choose to turn a blind eye for it. For their candidate... :)
Tumblr media
Base sa kasalukuyang lagay ng pamahalaan, sa dami ng mga political dynasties na may posisyon, sa dami na rin ng mga sumusuportang mamamayan sa mga dynastical politicians; mahirap nang alisin o mawala pa ang mga political dynasties sa ating sistema.
Kung babalikan din natin, mula noon pa man ay present na ang mga political dynasties at resulta na siya ng ating kasaysayan. Ang gobyerno rin natin ngayon ay punong puno ng political dynasties, kapag pinagbawalan o inalis ang konseptong ito, tiyak na maraming aapila at hindi papayag. Mawawala rin ang balanse ng gobyerno kung aalisin ang karamihan sa miyembro na mula sa pare-parehong mga pamilya.
Nagkaroon tayo ng isang batas ukol sa political dynasties, ito ay ang:  1987 Constitution: Article II Section 26: “The State shall guarantee equal access to opportunities for public service, and prohibit political dynasties as may be defined by law.”
At sa susunod na katanungan ay masasagot ang aking opinyon ukol sa batas na ito!
Tumblr media
Sarili mong batas, hindi mo nakita ang butas.
Isang hayop na playful ang aking naalala noong araw na tinalakay sa ating klase ito... isang aso na kinakagat o hinahabol ang sariling nitong buntot. 
Tumblr media
Ayon sa batas:
“The State shall guarantee equal access to opportunities for public service and prohibit political dynasties as may be defined by law.”
Kaya hindi mapatupad ang pagkakawalan ng political dynasties ay mula rin mismo sa batas na ito. Dahil equal access to opportunities for public service dapat, at ang mga kabilang sa political dynasties are still considered the public. That would mean na under parin sila ng equal access and opportunities for public service, allowing them to run for a position.
KONKLUSYON BAGO MAGTAPOS:
Sa tingin ko ay mahihirapan tayong alisin pa ang mga political dynasties. Hindi ito madaling solusyonan dahil dulot na ito mismo ng kasaysayan. Kaya naman nalalapit tayo sa iisang solusyon lamang. VOTE WISELY, nasa indibidwal ang kapangyarihan upang bumoto ng tama, iboto ang kabutihan ang intensyon sa ating bansa at hindi ang korupsyon. Lagi nating tatandaan, ang mga politiko ay hindi dapat tinatratong artista, hindi sila celebrity, sila ay tagahatid serbisyo sa publiko!
Tumblr media
Kitakits sa next blog! :D
0 notes
rawonxcs · 3 years
Text
F(oreign)ilipino
Ang titik F ba sa salitang “Filipino” ay nangangahulugang Foreign?
Tumblr media
Maligayang pagbabalik sa ating blog! Ito ang ikaapat na blog, at ako ang manunulat na si Rance Loresca. Ngayon ay tatalakayin natin ang globalisasyon, at ang mga bagay na nakakaapekto sa atin upang mas harapin at gustuhin ang konseptong ito.
Sa ating araw-araw na pamumuhay, madaling sabihin na ang ating mga ginagawa ay iba’t-iba ang pinanggalingan at impluwensiya. Mula sa ating pananamit, pananalita, pagkilos, pagkain, at napakadami pang iba. Ang bawat aktibidad na ating nais gawin ay may mga pinagmulan, ngunit bihira na lamang sa ating mga anyo ng libangan ang mula pa sa tunay na Pilipinong kultura. 
Paano ba natin nakukuha ang napakadami at sari-saring bagong kasanayan? Marahil ay dahil sa impluwensiya ng ibang mga bansa. Ang bawat bansa ay may kaniya kaniyang kultura na kanilang pinagyayaman. 
Ganoon din naman ang Pilipinas, napakalago ng ating kultura at napakalalim pa ng mga pinag-ugatan nito. Ngunit, isa din ang ating bansa sa mga malakas tumangkilik ng mga produkto at kultura ng mga dayuhan.
“Globalization turns the world into a single-entity that makes the individual countries lose its own identity and uniqueness.” - Roland Robertson
Tumblr media
Ano nga ba ang terminong “Globalisasyon”? Mula sa salitang “global” ito ay ang pagkakaisa-isa, pagbabahagi, at pagkilala ng pamumuhay, mapakultura o politika ng iba’t ibang bansa, at ang pagtangkilik nito. 
Sa madaling salita, ito ay integrasyon ng mga nasyon.
Ayon naman kay Roland Robertson na isang sosyolohista,  “Ang globalisasyon ay isang pinabilis na kompresyon ng kontemporaryong mundo at pagpapatindi sa kamalayan sa mundo bilang iisang entidad o bagay (singular entity). Sa pamamagitan ng globalisasyon, ang pagiging natatangi (uniqueness) ng mga panlipunan at pangkulturang pagkakakilanlan at tradisyon (societal and ethnic identities and traditions) ay waring hindi na napapansin dahil sa mabilis na pagkalat ng mga ideya sa mundo.
Tumblr media
Dahil sa mabilis na pagtangkilik natin sa mga bagong ideya ng ibang bansa, onti-unting nababawasan ang pagiging tunay o puro ng ating mga kinagisnan. Nagiging isang entidad o nagiging magkakapareho ang mga tao sa mundo at nawawala ang pagkakaiba o uniqueness.
Ngunit, hindi maaaring sabihin natin na masama ang Globalisasyon. Kung walang globalisasyon, mawawala ang anumang impluwensiya sa atin na mayroon tayo. Ang mabilis na pag-unlad ng Pilipinas ay mas babagal pa. Pero kung patuloy din naman ang matinding globalisasyon, mawawala ang mga kulturang Pilipino at mapapalitan ito ng makabagong kultura na pinagtagpi-tagpi ng halo-halong kultura mula sa mga bansang ating tinatangkilik.
Sa pampolitikal na pananaw naman ay pareho lamang, nagkakaroon ng mga alyansa at mga kasunduan sa mga bansa. Sa paraang ito, may proteksiyon ang mga bansang magkakaugnay at naitataguyod ng mga bansa ang kapayapaan. 
1.) Interdependence – Pagtutulungan ng mga bansa sa aspetong kultural, teknolohikal, at ekonomikal. 
2.) Interconnectivity – Pagkakaugnayugnay ng mga bansa sa usaping politikal, kultural, pangkapaligiran, at panseguridad.
Magiging suliranin lamang ito kung napasobra ang mga bansa sa interdependence at interconnectivity. Kapag sumobra na ang pagdedepende ng isang bansa sa karatig nito, hindi matututo ang bansang ito na maging maunlad kung wala ang kasama. 
At kapag masyadong konektado ang mga bansa, hindi magiging mabuti ang impluwensiya nila sa isa’t isa. Mahihila o makokontrol ng hindi tuwiran ng isang bansa ang isa pa niyang kaibigang bansa at magiging pareho ang kanilang mga desisyon kahit hindi naman bukal sa loob ng kabilang partido. Susunod na lamang sila dahil sa “pagkakaibigan”.
Mga personal na aktibidad na apektado ng globalisasyon:
Tumblr media
Annyeonghaseyo! Hello! Kon'nichiwa! Ay ilan lamang sa mga pangunahing pagbati mula sa mga paboritong programa ng mga Pilipino. Kahit ako ay aminado na madalas ko itong marinig sa aking panonood. Ano nga ba ang naghihila sa mga Pilipino upang manood ng mga foreign shows? Ang mga bansang Japan at Korea ay mga soft-power countries o mga bansang malakas ang hatak pagdating sa kanilang kultura.
Tumblr media
Mabilis na naiimpluwensyahan ang mga Pilipino sa kanilang mga ipinapakita dahil mas angat ang kanilang mga produksyon pagdating sa mga palabas, at mga drama. Isama na din natin ang mga pelikulang mula sa USA, kung saan mas marami ang nagagawang matagumpay na pelikula.
Maging ang mga apps o platforms na ating pinagpapanoodan gaya ng Netflix, iQiyi, viu, YouTube, etc, ay hindi gawa ng Pilipino, ngunit dahil sa dami ng tumatangkilik dito, pati ang mga Pilipino ay nabigyan ng pagkakataon na matamasa at mapanood ang mga palabas na pumupukaw sa interes ng bawat indibidwal. 
Dahil tayo ay nanonood ng mga ganitong palabas, natural lang na marami tayong matututunan ayon sa kanilang kultura. At paunti-unti, nakukuha natin ang: 
Pagnanais na magaya ang kanilang mga pagkain, pananamit, pagkilos, lugar, at napakadami pang mga nakainteres sa atin sa pamamagitan ng panonood.
Tumblr media
Kung ikukumpara natin sa Pilipinas, ang sitwasyon ng mga palabas dito ay nakapanghihinayang. Ipinasara ang ABS-CBN na kilala para sa kanilang mga gawang telenobela na tinututukan noon ng mga tao at natira na lamang ang GMA. Hindi naman sa pagiging bias sa naunang istasyon, ngunit marami ang makakapagsabi na hindi ganoon kabuti ang paggawa ng GMA sa kanilang mga drama.
Tumblr media
Kung ganito lamang pati ang mga genre na ipinapalabas, hindi ganoon kalaki ang magiging interes ng mga kabataan sa panonood. Kung kaya’t mas pinipili naming tangkilikin ang mga uri ng palabas na sumasakto sa aming edad, at interes gaya ng mga anime at K-drama. 
Pero sa kabila ng lahat, madami pa namang mga magagandang telenobela at mga drama ang nabubuo ng mga Pilipino, pati na rin ang mga pelikula na nailalathala din sa Netflix na tinatangkilik ng mga nasa ibang bansa. Katulad ng ating pagtangkilik sa kanilang mga palabas, may maliit na pursyento rin naman ang ating ambag!
Isa din sa aking nakita sa araw na ito ay mula sa isang balita:
ABS-CBN Corp. wins $21M US lawsuit against pirate site operators for illegally streaming its content in the US and other jurisdictions. | via Miguel R. Camus/Philippine Daily Inquirer.
Tumblr media
Mahalaga ang maipalaganap ang ating mga palabas para sa ibang wala sa Pilipinas, ngunit tatandaan natin na dapat ito ay legal, at nasa tamang paraan!
Tumblr media
Gaya nga ng aking nabanggit sa unang bahagi, napakadaming mga Pilipino ang nanonood ng mga K-drama, anime, J-drama, at mga Ingles na pelikula, kung kaya’t pa-unti unti ay pati ang kanilang pananalita ay ating nakukuha at ginagaya. Aliw na aliw ang mga tao sa tono at malambing na pananalita ng mga Koreano at Koreana. 
Sa eskwelahan, itinuturo din ang Ingles bilang pangunahing asignatura dahil ito ay isang global language na alam ibigkas at gamitin ng karamihan sa mga bansa. Magagamit natin ito sa ating trabaho, lalo na kung tayo ay papasok sa isang mundo kung saan hindi lamang Pilipino ang ating makakatrabaho.
Sa araw-araw naman na mga pagkakataon, madalas ay hindi na natin nagagamit ang mga malalim na anyo ng Tagalog o Filipino. Madalas pa nga ay may halong ingles na ang ating mga salita na hindi natin ito namamalayan. 
Isang halimbawa na sa mga napansin kong trend sa TikTok ay ang mga conyo na mga tao. Sila ay mga indibidwal na sanay magsalita ng ingles, at hinahaluan na lamang ito ng mga salitang tagalog. At dahil umuusbong ang panahon, nakakagawa din sila ng mga salitang may bagong ibig sabihin.
Tumblr media
1.) Carps - carpet = rug = r u g = are you g?
2.) Starbs = starbucks = coffee = copy
3.) Scoobs = scooby doo = great dane = dane = deins / hindi
4.) Pics = picture = image = img = i am g
Ilan lamang ito sa mga salitang balbal na kadalasan ay ginagamit ngayon. Kung isipin man ng iba, may pagkamaarte ang pananalita nito pero ito na ang lenggwahe at paraan ng pananalita na halos lahat ng mga kabataan ang kinakasanayan! Mas napapadali nito ang pagbubuo ng mga salita sa isipan, at isang halimbawa ang blog na ito.
Hindi lahat ng salita na aking ginamit ay purong tagalog. Minsan ako’y napapaisip, mas nadadalian pa ako sumulat sa ingles dahil kahit ako; nagiging palaasa sa mga auto translator ng Google. 
Tumblr media Tumblr media
Siyempre kung tapos na tayo sa pananalita, lalagyan na natin ito ng mga tono, mabubulaklak na salita, at may kasabay na instrumento. Mabubuo natin ang Musika. Paano ko ba mailalarawan sa inyo ang musika? Ang sagot ay hindi ko ito mailalarawan, maipapakinig ko lamang sa inyo. 
Mula sa pagkabata, naimpluwensiyahan na ako ng aking ina sa pakikinig ng musika. Nadala ko ito hanggang sa aking pagtanda at halos buong araw ngayong pandemya, nagiging anyo ng pagiging komportable ko ang pakikinig ng musika. Mula sa paggawa nitong blog na ito, nakabuhay lamang ang musika sa aking laptop at patuloy akong sumusulat.
Ang mga musika na aking pinapakinggan ay mga English, Korean OSTs, K-pop, OPM, at kung minsan ay Japanese. Mabilis na lumalaganap ang interes mo sa isang bagay, kaya’t ng masimulan ang panonood ng mga palabas na may OST, mabilis din ang pagkagiliw sa musikang kaakibat nito. 
Tumblr media
Hindi ko masasabi na 100% na Pilipinong musika lamang ang aking pinapakinggan, ngunit ito ay isa sa aking mga maipagmamalaki na gawaing Pilipino na aking nasusubaybayan.
Iba pa din talaga ang pakiramdam kapag Tagalog ang musikang iyong pinapakinggan kapag naiintindihan mo ng lubos ang liriko at kaya mo itong sabayan! Narito ang mga madalas kong pakinggan na Pilipinong musikero, lalo na ngayon habang nagsusulat ng Blog!
Mayroon pa bang 100% na Pilipino sa aking araw-araw na pamumuhay?
Tumblr media
Walang kasiguraduhan na lahat ng aking ginagawa ay purong pinoy, sa bigat at lakas ng epekto ng globalisasyon, tiyak na kahit mga araw araw kong gawain ay may halong impluwensiya ng iba .Sa pagpili ko pa lamang ng kakainin sa umagahan, mga kagamitan sa pag-aaral, mga pinapanood na content at variety shows, lahat ito ay hindi na purong Pinoy.
Ngunit masasabi ko naman na mas sinusubukan kong tumangkilik ng mga produkto na gawang lokal. Isang halimbawa na dito ang pagbili ng mga damit sa Bench, na mula sa isang Pilipinong kompanya na Suyen Co. 
Bago magkaroon ng pandemya, may mga panahon din naman na nakakasama ako sa mga party o family gatherings na may kaakibat na kantahan sa videoke. Ang mga Pilipino ay kilala bilang magagaling na mang-aawit, kaya normal lang na madalas makarinig ng videoke sa mga kaganapan at selebrasyon. Ang mga family gatherings ay napakadalas din mangyari dahil sa pagmamahal ng mga Pilipino, kung saan naipapakita natin ang pagiging “hospitable”
Alam niyo rin ba na ang videoke ay gawa ng isang Pilipino? Ito ay unang ginawa ni Roberto Del Rosario noong 1975. Kilala rin ito sa katawagang “Sing along Machine” o SAS.
Tumblr media
Mga masasamang epekto kung pinipilit natin ang Globalisasyon:
Tumblr media
Alamin naman natin ang mga kahihinatnan kung patuloy na gagalawin at iimpluwensiyahan ng modernong mga pakikitungo ang mga kasalukuyang tribo na buhay pa sa ating lipunan.
youtube
Tumblr media
Nito lamang Agosto, lumabas ang katotohanan mula sa “Nas Academy” tungkol sa pag-aalok nila ng pag-aaral ng “pambabatok”. Ito ay isang pagsasanay na ginagawa ng mga piling indibidwal sa tribong Butbut. Ayon sa balita, sa halagang 750 pesos, ituturo ito sa mga bibili, ngunit ang gawaing ito ay hindi para sa mga taong hindi nasa kanilang tribo. Maging ang mga gumagawa ng tatong ito ay pili lamang!
Kaya naman, nagsalita ang panig nila Apo Whang Od, na wala siyang pinirmahan o nilagdaan na ganitong kaganapan. Ang ganitong pangyayari ay isang pang-aabuso sa parte ng tribo. Dahil sa pagnanais na ilabas ang ganitong tradisyon sa buong mundo, hindi naging maganda ang intensyon at resulta ng sinimulan ng vlogger.
Tumblr media
Talakayin na din nating ang “FIlipino Baiting”. Madalas ang mga Pilipino ay nahihilig manood ng mga content na tungkol sa ating bansa, mga kilalang personalidad, at iba pa. Kaya naman, naging paraan ng mga dayuhan upang gamitin ang mga Pilipinong content upang magkaroon ng masaganang manonood sa kanilang mga bidyo. 
Siyempre hindi naman lahat ay pera at mga manonood ang habol, ang iba ay nangunguna lamang talaga ang kuryusidad. Pero alamin na rin natin kung bakit nga ba ang bilis mahatak ng mga Pilipino sa ganitong mga uri ng panoorin. Nang tayo ay sinakop, nagkaroon tayo ng colonial mentality na tayo ay mababa o inferior sa mga dayuhan. Kaya naman nitong mga naglabasan ang mga content na namamangha ang mga dayuhan sa mga Pinoy, nagkakaroon ng pakiramdam ng kataasan o inferiority sa ating pag-iisip.
Paano kung walang impluwensiya at globalisasyon?
Tumblr media
Kung ang Pilipinas ba ay hindi naimpluwensiyahan, babagal ba ang pag-usbong nito? Sa aking palagay, kung hindi naapektuhan ng globalisasyon ang Pilipinas ay mas maraming mga tradisyon ang ating naitatago hanggang ngayon. 
Masagana ang ating mga pagkain dahil hindi nagalaw ang ating mga likas na yaman, at magkakaroon ng bagong mga patakaran at kasanayan na mula sa mga sinaunang Pilipino. 
Mawawala ang lahat ng mga gamit natin ngayon na mula sa impluwensiya ng ibang bansa at halos lahat ng ating mga kagamitan ay mapapalitan ng mas simple at orihinal na gawa ng mga Pilipino dahil hindi tayo nakakasabay sa teknolohiya na inilalabas. 
Totoong marami ang mawawala kung aalisin ang lahat ng impluwensiya sa atin ng mga banyaga, ngunit dapat din natin tandaan na nawawala rin ang ating pagiging unique na indibidwal kapag hinayaan naman nating papasukin ang bawat ideya ng mga bansa sa labas.
Narito naman ang mga larawan na aking naiisip na hitsura ng Pilipinas kung wala itong bakas ng globalisasyon:
Tumblr media
Uusbong ang mga sinaunang ideya ng mga Pilipino gaya ng mga pananamit, at ang mga bahay kubo. Nasabi ko ito dahil sa pabago-bago na nating panahon kung kaya’t kailangan natin ito ibagay sa lagay ng ating klima. Kailangan natin ng tamang pananamit sa panahon, at ang mga katatagan ng mga bahay upang maprotektahan sa mga bagyo at iba pang mga sakuna. 
Naisip ko rin na maaaring baybayin pa din ang sistema ng ating panunulat kung walang magbabago nito. Makikita natin lalo kung gaano kaganda at gaano kadami ang kultura ng mga Pilipino, bago pa man masakop ng ibang mga bansa at maimpluwensiyahan ng globalisasyon!
Iyon lamang para sa blog na ito, maraming salamat sa pagbabasa! Hanggang sa susunod! 
Credits sa lahat ng may ari ng mga litrato, bidyo, at impormasyon na nakalap.
Tumblr media
0 notes
rawonxcs · 3 years
Text
TATLONG ARAW...ARAW
Paghihimay ng Impormasyon: “Tatlong Araw”
Tumblr media
Muling nagbabalik ang aking blog, ako ang manunulat, si Rance Loresca, at kasulukuyan mong binabasa ang ikatlong katha ukol sa mga “Kontemporaryong Isyu” ng bansa. Ngayon, mas pagtutuunan natin ng pansin ang isang kategorya sa mga isyung pang-ekonomiya, ang “Unemployment” at kung paano nagkakaroon ng “snowball effect” ang isang maliit na problema, na nagiging isang isyung mas matindi.
Isang dokumetaryo ang inihain sa atin ng “Rappler”, ang “Tatlong Araw” na gawa ni Patricia Evangelista. Ito ay ukol sa isa lamang sa milyon-milyong pamilya na apektado ng unemployment at kahirapan. 
PANOORIN NATIN:
youtube
Itinampok sa maikling dokumentaryo ang kwento ng pamilya Buenaflor. Ang mag-asawang si Geraldine, at Basilio—ay parehong nasa ilalim ng mga taong unemployed o walang trabaho. Ngunit, isa din sila sa hindi aktibong naghahanap ng trabaho dito sa Pilpinas. Ayon sa ina, nakaasa na lamang sila sa charity o sa pamigay at limos ng tao o gobyerno. 
Masasabi pa kaya nating unemployed ang mag-asawa kung nawalan na sila ng lakas at gana upang humanap pa ng hanapbuhay para sa kanilang pamilya? Gaya ng ating natalakay sa mga dahilan ng suliraning ito, nakaasa na lamang ang pamilya sa mga Welfare Payment na ibinibigay ng gobyerno sa mga walang trabaho. 
Simulan na natin sa sentrong paksa: “Unemployment” 
Unemployment:
Tumblr media
Ang unemployment ay tumutukoy sa kawalan ng trabaho. Ito ay umiiral kapag ang mga tao na walang trabaho ay aktibong naghahanap ng trabaho subalit wala paring makitang hanapbuhay. 
Ito din ay hindi pagkakaroon ng trabaho ng mga nasa mahihirap na lugar at hindi nakapagtapos ng pag-aaral, mapa-highschool, o kolehiyo. Ang mga unemployed na tao ay walang makukuhanan ng pantustos para sa araw araw na pamumuhay. 
Ayon sa  Philippine Statistics Authority, tinatayang nasa 8.1% ang unemployment rate sa Pilipinas, sa buwan ng Agosto. Dagdag ang pandemya sa dami ng mga trabahong naglagas ng kanilang mga trabahador at ang mga mismong kompanya na nagsara dahil dito.  Pero paano ba natin masasabi kung ang isang tao ay may kakayahan pa na humanap ng trabaho ngunit hindi pinipiling gawin ito?
Tumblr media
Alamin muna natin ang mga pangunahing sanhi ng Unemployment sa Pilipinas:
1.) Economic Recession
2.) Welfare Payment
3.) Pagpapalit ng Teknolohiya
4.) Ekonomikong Implasyon
5.) Job DIssatisfaction
6.) Diskriminasyon
7.) Kawalan ng Employee Values
8.) Mismatch sa trabaho
Sa blog na ito, Tutukuyin natin kung anu-ano ang mga isyung panlipunan na kinakaharap ng pamilyang Buenaflor, at kung paano nagkakaroon ng palobong epekto ang mga suliranin na ito.
Tumblr media
Walang-wala.
Poverty o kahirapan, ay lagi nalang natin naririnig. Paulit-ulit ang terminong ito sa bawat taon ko sa pag-aaral, alam nating hindi ito malulutas sa isang pitik ng kamay ngunit sa tagal ko nang nag-aaral, kakaunti pa lamang ang pagbabago na aking napapansin.
Tumblr media
Sa dokumentaryo, ipinakita ang pamilya Buenaflor at ang kanilang sitwasyon. Hirap na hirap sa buhay ang kanilang pamilya. Nakatira lamang sa iskwater na lugar, walang maayos na pundasyon ng bahay, at tagpi-tagpi ang mga kagamitan. Kasabay nito ang pagbanggit ng ina na minsan wala silang kinakain sa loob ng isang araw. Napakalubha ang sitwasyon ng kanilang pamilya, dahil kung ating iisipin, ang tirahan at pagkain ay mga araw araw na pangangailangan, ngunit hindi nila ito kayang bilihin. Ganito kasama ang epekto ng kahirapan sa ating bansa.
Tandaan natin na ang dokumentaryong ito ay nailimbag noong 2014 pa, ano pa kaya ngayong panahon ng pandemya, paano na kaya dumadaloy ang buhay ng mga pamilyang katulad nila na kung noon pa man ay hirap na kumita ng pera, mas nadagdagan pa ng mabigat na krisis?
Tumblr media
Pantawid-Araw.
Ayon din kay Geraldine, upang hindi na lamang maramdaman ang gutom, “ITINUTULOG” na lamang nila ito. Dahil sa sitwasyon nila, napipilitan ang buong pamilya na gamitin ang pagtulog bilang pantawid-araw. 
Bilang isang indibidwal na madaming pag-aalala sa aking kalusugan, alam na alam kong hindi pwedeng malipasan ng gutom. Una sa lahat ay hindi ligtas ang pagpapalipas gutom. Hindi intensyonal o diet ang ginagawa ng pamilya, napipilitan silang gawin ito dahil walang wala na silang makakain.
Ikalawa, kapag hindi nabago ang ganitong gawi ng pamilya, maaari silang magkaroon ng stomach ulcers o mga butas sa tiyan. Isa itong kondisyon na kailangan ng agarang atensiyong medikal. 
Tumblr media
Ikatlo, kapag ang isang tao ay nasa ilalim ng starvation, ang katawan ay kusang ginagamit ang mga stored fats at madaling makita ang resulta sa pisikal na anyo ng bawat isa. Pati ang pagiging malnourished ay isang panganib na kailangan maiwasan sa pamamagitan ng pagkain ng mabuti at masustansya.
Tumblr media
Bakat sa muka ng mag-asawa ang kapayatan dahil sa hindi pagkain nang tama, ang babae naman sa kaliwa ay isang kabataan tulad namin, siya ay 12 taong gulang ngunit dahil kulang siya sa nutrisyon, mas muka siyang bata. Ang aakalain mo namang sanggol sa tabi ay 8 taong gulang na lalaking si Jomar. Hindi raw siya nakakalakad o nakakapagsalita. 
Ayon sa aking nakalap na impormasyon, maaaring cerebral palsy ang kondisyon ni Jomar.  Spastic quadriplegia ang mas seryosong komplikasyon at naapektuhan nito ang utak ng bata, ang mga kamay at paa, at madalas siyang nagkakaroon ng seizures at kahirapan sa pananalita.
Nabanggit din ng ina na minsan siya ay inaatake ng kaniyang sakit na epilepsy. Sigurado na mahihirapan sila maagapan ang kanilang mga sakit kung ni pambili ng pagkain wala sila, pambili pa kaya ng gamot.
Tumblr media
Sunod sa Yapak.
Sa sobrang hirap nang kinakaharap ng pamilya, ang panganay na si Gemalynn ay hanggang sa ikalawang baitang lamang ang natapos. Ang sumunod na si Ginalyn naman, walang natapos ni-kindergarten.  Ang bunso na si Jomar, hindi rin makakapag-aral dahil sa kaniyang kasalukuyang kondisyon. Ang problema sa kalusugan, lumaki na at nadamay ang edukasyon ng bata.
Tumblr media
Isa ding epekto ng unemployment sa indibidwal ang pagkakaroon ng pesimismo tungkol sa halaga ng edukasyon. Dahil walang trabaho at kinikita ang mga magulang ni Gemalynn, nawalan na rin siya ng ganang pumasok at nabalewala ang sinimulan. 
Alam niyo kung ano pa ang isang sanhi ng pagbabalewala sa edukasyon? Ito ay dahil sa nakikitang role model ng isang bata. Binanggit ni Gemalynn na wala ngang trabaho ang kaniyang mga magulang, at pinili niya nalang din mawalan ng edukasyon. Sinusundan lamang ng mga anak nila ang kanilang sariling yapak.
Maagang Pagbubuntis ng Kabataan:
Isa din ito sa bungang epekto ng kawalan ng edukasyon. Kung hindi magagabayan ang mga kabataan nang mas maayos, saan sila kukuha ng impormasyon ukol sa mga ganitong maseselang paksa? Madalas ay kung hindi magagabayan sa bahay, inaasahan na sa iskwelahan matuturuan ang bata. Ang kaso sa kanilang pamilya, nawalan ng gana mag-aral ang panganay na anak at tuluyan nang naapaga sa pagiging isang ina.
Sa kasamaang palad lamang ay wala sa litrato ang ama ng kaniyang anak. Isa din ito sa pangunahing problema matapos ang teenage pregnancy. Malaking responsibilidad ang pagkakaroon ng isang pamilya. Ang tatayong ama at ina ay inaasahang alagaan ang kanilang anak, ngunit ang bata ay walang pigura ng isang ama. Iniwan lamang silang dalawa ng kaniyang ina sa masamang kalagayan.
Tumblr media
Nabanggit din ng kaniyang ina na 8 taong gulang pa lamang siya ay napunta na siya sa Maynila, makalipas ang ilang taon, ay nakapag-asawa na din siya at nagkaroon ng 7 na anak. Ngunit, dahil sa hirap ng buhay, 3 na lamang ang natira. Paano natin iisipin na kaya nating bumuhay ng isang napakalaking pamilya sa ganitong sitwasyon? Para sakin, hindi talaga kasama ang pag-aanak sa pamimilian ng solusyon sa kahirapan. Dadami lamang ang bibig na ngunguya ng pera.
Snowball Effect, ano nga ba ito?
Tumblr media
Ang larawan sa itaas ay ang madaling representasyon ng snowball effect, kung ating mapapansin, sa unang bahagi, ang maliit na snowball ay rumorolyo pababa. Ngunit, sa kada ikot at daloy nito, palaki din ng palaki ang sukat nito. Madalas ay napapanood natin ito sa mga cartoons o kaya naman sa NatGeo. Pero naisip mo ba na ang ganitong konsepto ay nangyayari din sa totoong buhay?
Malabo sa Pilipinas ang magkaroon ng niyebe. Pero hindi malabo ang sandamakmak na problemang panlipunan. 
Kung papalawakin, ipalagay natin sa ating isipan ang problema ng kahirapan. Ang isang tao o pamilya na nakakaramdam ng kahirapan sa buhay ay mahihirapang bumili ng pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, maaayos na damit, maayos na tirahan, kuryente, tubig at iba pa. Ito ang unang daloy, at unang pagkapal ng snowball. 
Tumblr media
Sunod, dahil salat sa mga pangangailangan at pera, sa oras na magkasakit ang isang miyembro ng pamilya, saan sila aasa ng ipangpapagamot sa may sakit? Kung papabayaan ito, ay lalong lulubha lamang ang kaniyang kalagayan.
Ayon kay nanay Geraldine Buenaflor, 4 sa kaniyang anak ay nawalay na sa kanila, posibleng ganito ang sitwasyon na kinaharap ng pamilya at walang makain ang mga anak nila. Ito na ang pangalawang ikot ng snowball.
Walang pagkain, walang enerhiya, walang baon, walang gana, walang edukasyon. Ang daming nawawala sa isang pamilyang nahihirapan sa buhay, pati na rin ang kumpiyansa. Sa kasalukuyan, may 2 milyong mga estudyante na hindi naka-enroll sa kanilang mga paaralan. Iba-ibang mga rason ngunit kung ito ay magpapatuloy; isa lang ang kahahantungan. Naka tatlong ikot na ang snowball. 
Ang isang indibidwal na nawalan ng tyansa upang makapag-aral ay parang isang baul na sinira ang susi. Tinanggalan ng oportunidad sa isang magandang kinabukasan. Diyaan pumapasok ang unemployment. Tatanda ang isang tao na basic knowledge lamang ang alam at mahihirapan makakuha ng trabaho dahil sa patuloy na tumataas na pamantayan para sa pag-upa ng trabaho.
Tumblr media
At kung may unemployment, siyempre meron din mga epekto ng unemployment sa isang indibidwal. Walang edukasyon o mas mababang lebel ng edukasyon, mas maliit ang pag-asang magkaroon ng hanapbuhay. Ika-apat na ikot na ng snowball, palaki ng palaki ang problema, mula sa indibidwal na problema, kalaunan ay maapektuhan na nito ang lipunan, at ekonomiya ng bansa.
Pansariling mga komento:
Paano ko nga ba nasabi na, “Tatlong Araw...Araw”? Isipin natin na hindi agarang masolusyonan ang mga problema ng pamilya Buenaflor. Hindi natin alam ang kanilang kalagayan ngayon, ngunit paano kung hindi lamang sa loob ng tatlong araw ang gutom na kanilang iniinda? 
Hindi natin alam na araw araw na pala itong nangyayari sa kanila. Araw araw din silang nakakaramdam ng kahirapan at ang bawat snowball effect nito.
Maaaring Solusyon:
Magsisimula dapat sa kanilang mga sarili ang pagbabago, ang pagkakaroon ng lakas ng loob upang humanap ng mga trabaho, mag-aral, iwasan ang mga luho at magkaroon ng pag-asa. May parte din ang mga gobyerno at business sector dito, maging ang mga indibidwal na katulad natin ay maaari ding makatulong.
Tumblr media
Hindi lamang indibidwal ang may pasan ng ganitong problema. Ito ay umiikot sa ating gobyerno, pati na rin sa mga business sector. Bawat isa sa tatlong kategorya ay may kaniya-kaniyang bahagi sa iba’t ibang mga problemang nagmula sa kahirapan at unemployment.
Para sa indibidwal: Huwag mawawalan ng pag-asa, at huwag din naman masyadong umasa sa pamigay. Ang bawat problema ay may solusyon, ngunit mahaba-habang formula ang kailangan nating sagutan upang makakuha ng sagot. Magpasya ng mas maigi at tiyaking ang mga desisyon na gagawin ay makabubuti para sa sarili, sa pamilya, at sa lipunan.
Para sa business sectors: Sana ay mas lumuwag ang mga pamantayan sa pamimigay ng mga trabaho, lalo na para sa mga lubhang nangangailangan ngayong pandemya. Magkaroon din sana ng mas maraming trabaho at oportunidad ang mga unemployed. 
Para sa gobyerno: Humanap tayo ng iba’t ibang mga paraan upang matulungan nang mas higit ang mga nahihirapan sa buhay, at upang makakuha na din sila ng hanapbuhay para sa kanilang sarili’t pamilya.
Para sa nakakaangat na indibiwal: Mag-abot ng maitutulong kung makakaya at huwag na natin pang palalain ito. Itigil na natin ang diskriminasyon sa mga tao at pairalin na lamang ang kabutihan habang nirerespeto ang kalagayan ng bawat isa.
Disclaimer: Ito lamang ay aking opinyon at mga komento, hanggang sa susunod na Blog!
MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA.
Tumblr media
Credits: Sa lahat ng may-ari ng mga litratong ginamit. Ang mga header at animated gif ay orihinal na edit at gawa ng manunulat, salamat!
1 note · View note
rawonxcs · 3 years
Text
KLIMAAYOS PA KAYA?
(Paghihimay ng Impormasyon: “Climate Justice Documentary”)
Tumblr media
𝐊𝐋𝐈𝐌𝐀  - Ang klima ay tumutukoy sa pangmatagalang kondisyon ng panahon ng isang lugar o bansa. Saklaw nito ang siyentipikong pagbabago na nagaganap sa ating kasalukuyan. 
╰┈➤ Ang “climate change”. Ang climate change ay isang suliraning pangkapaligiran na dulot ng mga natural na penomenon, ngunit mas pinalalala ng mga tao. Ito ang kakaibang pabago-bago na panahon, at temperatura ng isang lugar na hindi nakakabuti para sa atin.
     Natural ang pagbabago sa ating klima, ngunit ang paggamit ng mga fossil fuel at langis ang pangunahin sanhi ng pagkawasak ng ating klima. Ang mga simpleng pag-usbong ng mga bansa ay nagdaragdag din ng mga polusyon, pag-uubos ng mga puno, konstruksiyon at ang sobrang paggamit ng likas na yaman. Lahat ng mga ito ay gawang tao, ika-nga ay “man-made” at kung hindi natin ito sosolusyunan ng mas maaga, mas mananaig ang pagkasira ng ating mundo.
youtube
Isang dokumentaryo ang inihanda ni Howie Severino upang mamulat ang mga mata ng mga tao, mailaganap ang impormasyon ukol sa Climate Justice at matampok ang mga problema ng bawat indibidwal bilang tao sa ating mundong kinikilusan.
Tumblr media
Si Horacio “Howie” Severino ay isang Pilipinong ‘Broadcaster Journalist’ mula sa GMA networks. Siya ang nanguna sa dokumentaryo ng Climate Justice, kasama ang kaniyang pangkat upang maipalabas ito sa “I-witness”. Ang I-witness ang pinakamatagal nang umeereng palabas ng mga dokumentaryo para sa Pilipinas. 
Tumblr media
CLIMATE  JUSTICE
╰┈➤ Isa sa mga pinakamapinsalang dulot ng climate change sa ating bansa ay ang bagyong Yolanda (Typhoon Haiyan) noong Nobyembre 2013. Nagtala ito ng halos anim na libong mga namatay, higit sa isang milyong mga istrakturang nawasak, at anim na daang libong mga Pilipino ang nawalan ng tirahan. Ang sakit at hinagpis na naiwan sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda ang nagsimulang magtawag ng iba’t ibang boses, ngunit may iisang layunin, at ito ang tinatawag nating: CLIMATE JUSTICE.
     Bago tayo magpatuloy sa ating blog, palinawin muna natin ang terminong, “ 𝑪𝑳𝑰𝑴𝑨𝑻𝑬 𝑱𝑼𝑺𝑻𝑰𝑪𝑬 ”. Ito ang pagkakapantay-pantay ng pagtrato, benepisyo, at tulong pinansyal, sa mga taong naapektuhan ng pinsala ng pabagobagong klima. Ito din ay ang ang sistema ng pamamalakad ng mga gobyerno ng bansa, upang maayos na masolusiyunan ang mga problemang pangkapaligiran ng pantay pantay.
     Madami din ang humihingi ng climate justice dahil sa hindi parehong benepisyo natatanggap ng bawat mamamayan sa oras ng mga kalamidad. Isa ng halimbawa dito ang nangyari sa bagyong Yolanda kung saan nagsimula ng isang “Climate Walk” ang mga mulat sa epekto ng climate change, mula Tacloban (lugar na pinakaapektado ng bagyong Yolanda) hanggang Maynila ang lalakarin ng mga sumali. Hawak ang kanilang mga tarpaulin, umaawit ng mga kantang ayon sa klima, ang kanilang boses ay nagiging isa, humihingi ng pantay na pagtrato para sa bawat isa.
ISYU AT MASASAMANG EPEKTO:
“Ano ba ang mga isyu na nag-uudyok sa atin upang magkaroon ng Climate Justice?”
1.) Pagkakaroon ng Social Class.
Tumblr media
     Laganap sa kasalukuyan ang diskriminasyon at ang pagklasipiko sa mga tao base sa “social class pyramid” kung saan may upper class, middle class, at lower class. Ang mga nasa tuktok na upper class ang may pinakamataas na natatanggap na benepisyo kahit kaya naman nila itong makuha sa kanilang sariling pera at kapangyarihan. Subalit, ang mga nasa ibaba ng tatsulok o ang mga lower class, ay hindi nakakatanggap ng pantay na benepisyo at mas nahuhuli pang bigyan ng pansin. 
     Isang halimbawa na dito ang trahedya sa Yolanda kung saan nainterbyu ang ilang mga residente sa Tacloban. Mapapanood sa dokumentaryo na ni-isa sa dalawang nainterbyu ang may kamalayan sa terminong “climate change”. Nagkukulang ang impormasyon na dumadating sa kanila maaaring dahil sa kahirapan, bagkos saan sila kukuha ng impormasyon kung hindi nila kayang makabili ng mga radyo at telebisyon? Wala silang sapat na pera, at wala silang ibang maaasahan sa pangangalap ng impormasyon. Diyaan pumapasok ang  kahirapan bilang isa pa sa mga pangunahing suliranin ng ating bansa na nagdudulot ng sanga-sangang mga problema gaya nito.
2.) Pagpapahintulot sa mga Coal Companies.
Tumblr media
     Matapos ang pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansa sa Paris, pinahintulutan ng gobyerno ang 23 coal companies na magtayo at magsimula ng operasyon. Ang coal o uling ay isang uri ng fossil fuel na masama para sa ating klima; ito din ay ang pinakamurang klase ng enerhiya at higit na ginagamit ng masa upang makatipid. Nakakatipid nga tayo sa ngayon, pero napakalaking halaga ang binabawas natin para sa hinaharap.
3.) Kakulangan ng kaugnayan ng mamamayan at gobyerno.
Tumblr media
     Nang dumaan ang bagyong Yolanda sa Leyte, nagkaroon ng pagkukulang ang gobyerno at mamamayan. Hindi naintindihan ng mga mamamayan ang “storm surge” na nagresulta sa hindi paglikas ng mga mamamayan mula sa lugar na iyon. Kung mas naipalaganap ang salita, at mas naipaliwanag sa mga residente, mas mapapadali ang paglikas. 
     Isa sa mga biktima ng bagyong Yolanda si Agit Sustento, tattoo artist at musikero. Tinagurian siya bilang tagapreserba ng kultura nating mga Pilipino sa modernong panahon. Ngunit sa kasamaang palad, dalawa lamang mula sa kanilang pamilya ng pito ang nakaligtas mula sa hagupit ng Bagyong Yolanda. 
     Bakat na bakat sa muka at rinig na rinig sa boses ng mga kapatid ni Agit Sustento ang sakit na kanilang napagdaanan noong panahon na iyon. Isipin mo, napanood nilang malunod at mamatay ang kanilang mga mahal sa buhay--ngunit wala silang magawang aksiyon dahil malalagay din sa panganib ang kanilang buhay... Isa lang ang kanilang pamilya sa naaapaaakaadaming biktima ng bagyong Yolanda at ng iba pang mga mabibigat na penomenang dala ng climate change.
Tumblr media
     Matapos ang bagyo, madaming tirahan ang mga nawasak at tinaguriang “no build zone”. Ang mga lugar na “no build zone” ay bawal nang tayuan ng mga gusali at istruktura dahil sa pinsala ng bagyo. Pero, laking pilit parin ng mga residente na manatili sa kanilang mga tirahan, kesyo nandoon ang kabuhayan, at maganda ang lugar. Kung hindi sasang-ayon ang mga residente sa mga proteksiyon ng gobyerno, magkakaroon tayo ng bitak sa pagiging isa. Ito ang dahilan ng pagkakaroon ng mga hindi pagkakasunduan sa pamamagitan ng mamamayan at ng gobyerno.
4.) Climate Injustice.
Tumblr media
     Ang Climate Injustice ay ang hindi pagkakapantay-pantay ng tulong at benepisyong natatanggap. Nangyayari din ito kapag ang climate change ay nagiging banta sa kalusugan, kaisipan, tubig, pagkain, at tirahan ng mga tao. Humakot na ng 50,000 na buhay mula sa ‘Big 20 Countries’ ang climate injustice at patuloy pa raw itong lalaki, ayon sa dating pangulong Benigno Aquino III, noong 2015.
5.) Mga hamon ng Climate Change:
Tumblr media
     Ayon kay Dr. Peter C. Frumhoff mula sa ‘Union of Concerned Scientists’, madami pang mga epekto ang climate change na dapat nating malaman at mapigilan ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
➤ Pagtaas ng lebel ng tubig dahil sa pagkatunaw ng mga iceberg.
➤ Maaring maapektuhan ng tubig alat ang mga malinis na tubig mula sa mga aquifers.
➤ Matinding pag-init ng temperatura.
➤ Mas madalas na pagkakaroon ng mga thunderstorms.
     Pebrero ng taong 2015, naramdaman ang El Niño, o panahon ng matinding tag-tuyot, kasama ng napakainit na temperatura. Lalo na sa Bukidnon kung saan nagkabitak-bitak ang mga pinagsasakahan.
Tumblr media
SOLUSYUNAN NATIN!
1.) COP21
Tumblr media
    “Kapit sa Patalim”
     Ang COP 21 o Conference of Paris ( 2015 United Nations Climate Change Conference) ang pagpupulong ng mga presidente ng mga bansa sa Paris upang masolusyonan ang nagbabagang problema na climate change. “DO NOT LEAVE PARIS WITHOUT AN AGREEMENT” tumatak sa akin ang mga katagang ito. Sapagkat, kung uuwi ang mga opisyal ng walang bitbit na pagbabago, bigo ang huling pag-asa ng mundo. Dalawang dekada na ring bakante ang mga ideya para sa pagligtas ng ating planeta, kaya sa COP 21, ang ating mga kamay; huling nakakapit.
    At sa wakas, sa halos dalawang daang mga representatibo ng mga bansa ay nagkaisa na. Nabuo ang desisyon na sisimulan ng mga bansa ang pagaksiyon upang hindi tumaas ng 1.5 degrees celsius ang temperatura ng daigdig.
Kilalanin si Yeb Saño: 
Tumblr media
    Si Naderev “Yeb” Saño ay isang negosyador ng klima mula sa Pilipinas (ngayon ay Executive Director of Southeast Asia). Siya at ang kaniyang kapatid na si AG Saño ay mga kaibigan ni Agit Sustento. Bilang alaala sa kanilang kaibigan, ipininta nila bilang mural si Agit, na sagisag ng klima, sa Point Ephemere, lugar ng mga sining sa Paris. 
    Nilakad din ng magkapatid mula Roma hanggang Paris sa kalagitnaan ng taglamig. Sa 59 na araw na kanilang paglalakad, nakapag-iwan sila ng mga mural sa mga nadadaanan, ang mga mural na ito ay nagsisilbing sining at gabay pamulat sa mga tao. Iniiaalay din nila ang sakripisyong ito para kay Agit at sa mga napakadaming biktima ng pagkasira ng klima sa iba’t ibang parte ng mundo,
    Nag-iwan din si Yeb ng mga salitang tumatak sa isip ng madami, at naging gabay sa kampanya ng climate change, sa Warsaw Poland noong 2013. “If not us, then who? If not now, then when?”. Kung hindi sa ating mga sarili magsisimula ang pagbabago, kanino pa ba? Sana ay gamitin din natin ito upang madisiplina ang ating mga sarili upang makatulong kahit sa maliliit na bagay para sa klima. 
2.) Greenpeace Southeast Asia at Philippine Rural Reconstruction Movement
Tumblr media
    Nabigyang solusyon na ang petisyon ng PRRM na maimbistigahan ang mga top producer and user ng mga fossil fuel at carbon majors na nagbibigay banta sa buhay ng mga tao, pagsuway sa mga karapatang pantao, at sa pagdragdag sanhi sa climate change. 
     Ilan sa mga kompanyang nagsasanhi ng anthropogenic climate change o man-made climate change, ay ang  ExxonMobil, Chevron, Shell, BP at Repsol. Iyan ay ilan lamang sa mga napakadaming carbon majors ng ating bansa.
     Ayon kay Human Rights Commissioner, Roberto Cadiz: 
“Thus, we will be conducting a public inquiry, as triggered by this petition. The scope, elements and method of inquiry will be announced in the Philippines, on international human rights day, upon approval of commission en banc, after we return to Manila.”.
3.) Geothermal Powerplants ng Leyte
Tumblr media
‘’𝙰𝚗𝚐  𝚖𝚒𝚕𝚊𝚐𝚛𝚘  𝚗𝚐  𝙻𝚎𝚢𝚝𝚎’‘
     Ang Kananga (Malitbog) Geothermal Power Station ay isang 232.5 MW geothermal power plant na ikalawang pinakamalaking planta ng geothermal na enerhiya sa mundo! 30% ng elektrisidad sa Visayas ang mula sa powerplant na ito. Ang geothermal energy ay ‘renewable’  o napapalitan, mula ito sa init ng ating daigdig at hindi ito nakakapinsala sa ating klima dahil wala itong pinoprodyus na greenhouse gases. Ang geothermal energy na nakukuha sa ilalim ng lupa ay dumadaan sa iba’t ibang proseso bago ito mapunta sa mga turbines at maibabahagi bilang elektrisidad sa mga tahanan.
     Ang solusyon sa climate change ay nasa lugar na pinakaapektado ng mga bagyo, ako ay umaasa na mas pagtuunan pa ng pansin ang paggamit ng geothermal na enerhiya para sa ikabubuti ng ating planeta, lalo na sa panahon ng modernisasyon, kung saan patuloy ang mga nadidiskubre ng malilikot na isip ng mga tao. Tatandaan natin na ang bawat kilos natin ay may iniiwan sa mundong ito; kaysa kasamaan, gawin naman nating makasaysayan. 
SA KABUUAAN:
Tumblr media
╰┈➤ Sa blog na ito, natutunan natin ang ibig sabihin ng climate justice, at nabigyan din natin ng spotlight ang mga kadahilanan kung bakit humihingi ang mga tao ng climate justice. Pangunahing rason ang climate injustice, kung saan napakadaming mga mamamayan ang hindi natutulungan at napakabagal ng responde para sa kanila sa panahon ng mga krisis pangklima. Natutunan din natin dito kung ano ang mga ginawa, ginagawa at posibleng gawin ng ating gobyerno upang masolusyunan, o kahit maibsan man lang ang epekto ng climate change sa ating bansa. Natuklasan din natin ang mga posible pang epekto nito sa atin kung hindi maagapan ng mas maaga.
     Muli, hinihikayat ko ang lahat na magkaroon ng boses at gawin ang nakakabuti para sa ating planeta. Sa mga simpleng pagkonserba ng enerhiya, pagbabawas ng basura, hindi paggamit ng plastik, gawin ang tatlong R (reduce, reuse, recycle), gumamit ng mga tumatagal na bumbilya, pagboboluntaryo sa mga proyektong pangkapaligiran, pagtatanim ng mga puno, at napakadami pang iba. Gaya nga ng sabi ni Yeb, “If not us, then who? If not now, then when?”. Simulan na natin sa ating mga sarili at pamilya, at sabay sabay nating sagipin ang daigdig! 
PADAYON!
Credits: Credits sa mga nag-mamayaari ng mga larawang nagamit, lahat ng gifs ay orihinal na edit ng manunulat ng blog na si Rance Loresca. Maraming salamat sa pagbabasa, hanggang sa susunod!  ☺
1 note · View note
rawonxcs · 3 years
Text
Awit, Naman! (Ebalwasyon - Once Upon a Tune)
Gary Granada vocalizes his thoughts on the political state of the Philippine Government.
By: Rance Loresca
youtube
What is this so called “Once upon a Tune” you may ask?
Well let me tell you, its all about the political state of the Philippines. In a song, but to the tune of well-known nursery rhymes of our country. How is this relevant? As growing teens, we have a responsibility to be aware of what happens in our country. Of course, as time passes by, Philippines is where we will be leading and also contributing to the economy. We teenagers are also expected to vote. In a few years, we will be choosing who will lead us, and bring better to the country. (I hope so :))
HONEST REACTION:  My honest reaction upon watching the video for the first time was just smiling and opening my mouth wide. I was shocked at how honest his lyrics was. The way he delivered his song and his creativeness made him able to unleash the fearless lyrics, above that; he entertained people and appealed them with his catchy tunes.
To begin our blog here are the following political issues that I found interesting and worth to tackle in “Once upon a tune”.
POLITICAL ISSUES
1.  
Sampung mga daliri panay malilikot
Nangangalabit, nandidikta at nangungurakot
Matutulis na ngipin ng pulitiko
Luho, bisyo, pati tinga pera ng publiko
Tumblr media
“FAST HANDS?!”
The first stanza is about “Mga isyung Politikal at Pangkapayapaan”, to be more specific, “Graft at Corruption”. It talks about how a lot of politicians, symbolized as fingers that cunning and slick with their actions of corruption and grafting. Ever since I had consciousness in this world, I’ve been hearing “corruption”, “stealing”, “scams”, and yes they can’t be removed totally. But why is it that until now, there’s no difference? Negative traits of atrocious politicians are also present. Present in the lyrics, and present until now. 
Tumblr media
2. 
Bahay kubo nang tumakbo
Ay naging palasyo nang nakaupo
Sugal at inom, sigarilyo't babae
Libreng personal na grocery
Tumblr media
“KING OF THE PALACE”
For the second and third stanza, along the tune of “Bahay Kubo”.  A very obvious statement, what are politicians even after? To be the king of the palace. To have the right and money, to be the dictators of the public. 
His next line supported my previous sentences:  “Sugal at inom, sigarilyo't babae. Libreng personal na grocery”.  All the luxury you get for having a position inside the palace (also symbolized as Malacañang). With money, power, and position, what else could they be asking for? If this was their utmost reason for running, can you even call them worthy of their position or are they slaves of corruption?
Bahay tubo, Malakanyang
Ang negosyo roon ay sarisari
Experts, consultants, advisers at media
Sa palibotlibot ay maraming tanga
Are those that have been elected doing their job well? Did the Filipino citizens benefit from their reign? Were all that they did enough? Why is the Malacañang infected with this virus, the virus of corruption which had been present for so many years, yet no cure has still been found?
For the ending line, though explicit, its true. Not in an offensive way but please hear Mr. Gary Granada’s song out as an eye opener. The voters are as responsible as the officers they elected, so it goes around. What even are we when we complain against the politicians, if we’re the ones who voted them in the first place? 
3.
Kandidatong bobo, lumipad sa langit
Di ko na nakita buhat nang ma-elect
Sayang ang boto kong mura lang ang benta
Nag-enjoy pa sana doon sa artista
Tumblr media
“GHOSTER”
Another hot topic, just like lovers who promise each other; “I won’t leave you”; “Ikaw lang sapat na”; are not all, but mostly lies. As we hear campaigns and promises from our candidates, those push most of the public to vote for them. Pero kamusta na ngayon? Ano na? Where are those promises? Probably binulsa na rin nila. In their pockets, never to be found again.
This also tackles vote buying, a scam that politicians use to get votes by bribing the voters with money. Finally, Mr. Gary threw shade at w senator who was imprisoned for corruption, but is back in politics due to good appeal to the public with their looks and popularity as an artist. Have these really been the Filipino’s basis on voting?
And this is my message to the voters for all the years to come. If he or she is just famous, do not vote for them. Take this seriously especially in the upcoming elections, we already know the potential candidates and I suggest that you start as early as now to assess each and everyone of them and vote very wisely.
4. 
My nephew, my niece, my brother and sis
My nephew, my niece, my brother and sis
My nephew, my niece, my brother and sis
Are all political appointees
Tumblr media
“FAMILY BUSINESS”
Before discussing the blog activity, I opened the LMS video about Gary Granada earlier than the given date. And this stanza or part was definitely my favorite. It just rang that bell in my ear if you know what I mean! The rhyming words just made it fun and the good plot twist at the end was pretty unexpected (if its your first time hearing it). Our theme for this is... *insert drumroll* Political Dynasty. Political Dynasty is very simple. Once a member of the family has entered the field of politics, expect his or her relatives to join in soon too.
How are we so sure that just because one family member is a leader, means that it will run in their bloodline? An example of this issue is our incumbent president’s daughter tentatively running for the same position. Whether the intentions are good or bad, keeping the throne to one family is an example of political dynasty. Do you think its safe to assume that they are treating politics as a form of “business” and not leading the country?
5. 
Kapag ang taongbayan
Ay may problema
Dalawang tenga, dalawang mata
Laging nakasara
Tumblr media
“X-MEN”
“Nasa harap mo na nga, di mo pa makita.” In times of crisis, in times of the Filipinos asking for help, where’s the response? Instead of aiding the citizens, they chose to shut down their senses along with their helping system. The problem is right in front of them—yet they turn a blind eye against us and it gives such a discouraging feeling to the public. 
And to think that the Filipinos still need to start a trend or hashtag in social media platforms such as Facebook and Twitter just for the government to start acting—only proves that if its not the fellow Filipinos who would start taking action first, no one would. If the students of A.P. 10 are doing their best to open up their eyes to see the countries situation and assess our status, why can’t the officials open theirs
Tumblr media
TAKE AWAY: 
“Once upon a Tune” is indeed a song cover that many generations will relate to. Even now our generation can relate to it, meaning that the problems he addressed are still a problem of today’s government. Adding the fact that he wrote the song in 1994. There were less or 0 changes that occurred—because if there was, we would not be writing these kinds of blogs using our present knowledge.
DISCLAIMER:
This blog is not attacking politicians or any Filipino citizens. This blog is for educational purposes and based solely on a students’ opinion. Thank you for reading!
Credits to all the owners of the gifs, rappler and 
B O N U S !
youtube
Out of boredom I also tried to create a “once a upon a tune” thingy to the tune of Enhypen’s tayo (p.s. mema, i’ll just leave it hear as a memory!!). 
LYRICS
Tayo tayo, tayo tayo, ang sunod na boboto,
Ayusin, ayusin, ang ating pag-pili.
Tayo tayo, tayo tayo, ang inaasahan,
Suriin, piliin, ang mga kandidata
Tapat o hindi?
Karapatdapat?
Yan ang dapat nating hinahanap!
Wag basta basta porke’t artista,
Porke’t kilala ay iboboto mo na?
Tayo tayo, tayo tayo, ang sunod na boboto,
Ayusin, ayusin, ang ating pag-pili.
Tayo tayo, tayo tayo, ang inaasahan,
Suriin, piliin, ang mga kandidata!
Choose wisely mga botante!
If you are over 18 put your hands up!
Its just once that we get to vote wisely!
Are you ready? Lemme hear ya!
Tapat o hindi?
Karapatdapat?
Yan ang dapat nating hinahanap!
Wag basta basta porke’t artista,
Porke’t kilala ay iboboto mo na?
Tayo tayo, tayo tayo, ang sunod na boboto,
Ayusin, ayusin, ang ating pag-pili.
Tayo tayo, tayo tayo, ang inaasahan,
Suriin, piliin, ang mga kandidata!
Ha ha ho ho tara na,
And let’s be trueeeee!~
END, THANK YOU FOR READING!
4 notes · View notes
rawonxcs · 3 years
Text
Testing Blog
Hello, this is a test.
Tumblr media
3 notes · View notes