Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
*Probinsyang muli kong nasilayan*
Siyam na taon na hindi ko nasilayan ang napakagandang naming probinsya kaya nung nalaman ko na uuwi kami hindi mawala ang ngiti sa aking mukha ikaw ba naman ang hindi umuwi ng siyam na taon sa probinsya niyo hindi kaba matutuwa.
Umaga palang kailangan na namin maghanda sa pagalis matagal ang biyahe hindi rin biro ang pamasahe pero alam ko na sulit ang mangyayari. Ilang oras kaming nasa sasakyan nakakaboring kasi napakatagal ng biyahe tapos sasakay pa ulit ng barko matagal pa ang oras na aantayin bago makarating. Habang nasa barko kami hindi ako mapakali kasi gusto ko na talaga makarating agad.
Pagkababa ko sa barko sobrang saya talaga nararamdaman ko tapos nalalanghap ko na ang sariwang hangin at hindi din mawala ang paningin ko sa lugar tingin ako ng tingin kung saan-saan,lahat ng gamit namin inilagay sa sasakyan dahil malayo pa din yung bahay ng lola namin.
Gabi na pagkadating sa bahay kaya hindi na din nakagala agad. Pumunta lang kami sa mga tita't tito namin para magmano at nagpahinga. Hindi ako makatulog kasi iniisip ko na agad kung saan ako unang gagala.

Kinabukas gumala na agad kami, napakaganda at napakalawak nung lugar tapos makikita mo pa yung mga kalabaw, kabayo,baka.

Ito yung unang beses na nagpakain at nagpainom kami ng baka, hindi ako makalapit baka mamaya manakit kaya malayo ako. Gumala lang talaga kami nung unang araw namin.

Ito naman yung pangalawang araw namin, dito lang din ako nakasakay sa bangka tapos paikot-ikot lang kami. Pagkatapos namin magikot-ikot nagswimming kami,napakasaya ko talaga kasi first time ko magswimming (hindi kasi ako pinapayagan kapag nasa manila).hindi ko talaga napaghanda ang araw na yon kala ko kasi iikot lang kami pero magswimming na din pala kaya umuwi kaming basa.

Pangatlong araw namin pumunta kami sa tita namin, ang daming nagtatanong kung sino daw ako hindi nila ako kilala kasi sa manila na ako nagaral. Tapos sabi nila magbuko daw kami sumama ako sa pagkuha ng mga buko gusto ko kasi marating yung ibang lugar para sulit na ang paguwi ko.

Pangapat na araw na nung naisip namin na magswimming uli. Syempre pinaghandaan ng mga pinsan ko yung araw na yon. Nagluto sila ng mga pagkain tapos langoy-langoy na kami. Ang daming kulitan na nangyari sa pamilya namin. Sulit na sulit talaga.

Panglimang araw na ito gala pa din kami ng gala,hapon na nung gumala uli kami nasunog na talaga ang balat ko kasi dalawang beses kaming nagswimming. Maya't maya kain kami ng kain tapos busog din sa tawanan, ang sarap sa pakiramdam na nakikita ko na masaya kaming lahat.

Ito huling araw na kaya nagplano mga pinsan namin na magsama-sama at sabay-sabay kumain. Ilang oras din bago kami matapos kasi ang daming mga kwento ang sinasabi nila.masaya kasi ito din ang unang araw na sabay-sabay kaming kumain. pinsan ko sila sa tatay (yung lagi ko kasama sa swimming pinsan ko sila sa nanay). Nalulungkot ako kasi huling araw na hindi ko na uli sila makikita.ilang taon na uli ang lilipas bago makauwi sa probinsya
Kinabukas maaga kami umalis kukuha pa kasi kami ng ticket para makasakay sa bangka. Sobrang nasunog talaga ang balat ko kaya inaasar ako pero ok lang kasi alam ko na nagenjoy talaga ako sa nangyari, hindi man sobrang tagal ang pagbabakasyon namin sulit naman yung tawanan, galaan, at kung ano pang mga nangyari.
*Hanggang sa muli*
1 note
·
View note