reynamagayon
reynamagayon
馃憫
50 posts
born to be real, not to be perfect
Don't wanna be here? Send us removal request.
reynamagayon 6 years ago
Text
Tumblr media
33K notes View notes
reynamagayon 6 years ago
Photo
Soo me tf馃槀
Tumblr media
865 notes View notes
reynamagayon 6 years ago
Photo
Tumblr media
748 notes View notes
reynamagayon 6 years ago
Text
Ang Aking Paglalakbay Noon, Ngayon, Bukas
Ang sarap balikan ng pagigingbata, mga panahong pinoproblema ko lamang kung paano tatalunin ang aking mga pinsan at kalaro sa larong pogs, jolens at teks. Mga panahong humihingi lang ako sa aking mga magulang ng pera para makabili ng kendi. Mga panahong wala pa akong pakialam sa sasabihin ng iba. At mga panahong mga laruang panglalaki ang aking mas gusto kaysa sa mga laruang pangbabae, anong magagawa ko? lahat ng pinsan ko na malapit samin ay mga lalaki kaya't sila lagi ang aking mga kalaro.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Lumipas ang mahabang panahon aking paglaki ay hindi mapigilan. Ang pagkahilig kumanta ay napalitan nang pagkahilig na lamang sa mga kanta. Ang matabang pangangatawan ay napalitan ng payat na pangangatawan. Ang walong oras na pagtulog ay kumukunti ng kumukunti. Ang malinis na mukha, nagkaroon na ng tigyawat at malalalim na eyebags. Pagkahilig sa mga panglalaki at maong na kagamitan ay pilit na pinapalitan ng mga blawsa at palda na kasuotan. Makinis na balat, nagkaroon na ng mga peklat. Ang mga medalyang natatanggap ay kumunti ng kumunti habang tumatagal. At ang panghingi ng pera sa aking mga magulang para may pambili ng kendi ay napalitan ng pambili para mga proyekto at gastusin sa paaralan.
Tumblr media Tumblr media
Maraming pagbabago ang nangyari sa loob ng labing walong taon. Sa aking paglaki natuto akong magpahalaga sa lahat ng bagay at sa mga taong malalapit sakin. Natuto akong mag-ayos para sa'king sarili. Natuto akong magkaroon ng time management sa paggamit ng social media at sa pag-aaral. Natuto akong tulungan si mama sa mga gawaing bahay at papa sa aming negosyo. Natuto akong mag-ipon at magdesisyon para sa'king sarili. Ang mga walang kwentang problema ng aking pagkabata, ay napalitan na ng malaki at mahihirap na kung minsan ay napapaisip na lang ako "kaya ko pa ba?", "ayoko na", "ito na naman wala na bang iba?", "nakakasawa na", "bakit siya pa?" pero sa huli ay sasabihing "kakayanin ko 'to", "nalampasan ko nga yung iba ito pa ba?", "tiwala lang", "bahala na si God basta haharapin ko 'to" at "para kay mama at papa". At nang dahil dito natuto akong maging matatag at maging mature sa lahat ng sitwasyon.
Tumblr media Tumblr media
Kahit ako'y tinatamad nang mag-aral, at sasabihing "ok lang kahit walang award basta pasado", "gragraduate naman ako kahit walang ganyan" at "nakakatamad na talaga mag-aral" mga salitang laging pumapasok sa aking isipan. Pero hindi mawawala saking sarili na sabihing "hindi ko bibiguin sila mama at papa mataas ang tingin nila sakin at sila na lang ang dahilan kung bakit ako pumapasok sa paaralan para mag-aral" dahil sila na lamang ang nagsisilbing inspirasyon sakin para pagbutihan kong mabuti ang mga gusto kong gawin upang makamit ang aking pangarap sa buhay. At kahit malabo na ang aking mga mata, tinitignan at nakikita ko pa rin ang mga masasaya at mga positibong paraan para makamit ko ang aking pinapangarap. Ang aking pinapangarap na makapagtapos sa kolehiyo, makakuha ng maganda at permanenteng trabaho, at higit sa lahat ay ang mapasaya at masuklian ang lahat nang paghihirap ng aking mga magulang para lamang makamit ko ang aking pangarap.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
11 notes View notes
reynamagayon 6 years ago
Text
That's already fixed.
Tumblr media
2K notes View notes
reynamagayon 6 years ago
Text
so鈥ho鈥檚 mentally drained from school?
2K notes View notes
reynamagayon 6 years ago
Text
Dead
so鈥ho鈥檚 mentally drained from school?
2K notes View notes
reynamagayon 6 years ago
Text
Tumblr media
1K notes View notes
reynamagayon 6 years ago
Text
Tumblr media
108K notes View notes
reynamagayon 6 years ago
Text
Tumblr media
Makikita sa larawang ito ang tatlong malalaking bato na singtigas ng aking pagkatao, hindi man kadalasang napapansin ngunit may angking kalakasang tinatago na mahirap tibagin. Malimit pansinin, malimit gamitin ngunit napakalaki ng tulong kung gagamitin.
3 notes View notes
reynamagayon 6 years ago
Photo
Tumblr media
123K notes View notes
reynamagayon 6 years ago
Text
Paaralan Ko, Tulong Ko
Sa panahon ngayon kaming mga senior high na mag-aaral ay nasa bago nang gusali sa aming paaralan na pinangalanang St. Vincent de Paul Building. Labis na saya ang aming nadama dahil sa wakas ay nagkaroon na ng maayos na palikuran para sa mga babae at lalaki. Ngunit ano nga ba ang dapat gawin para mapanatili ang kaayusan at kalinisan nito?
Tumblr media
May iba't ibang paraan o suhestiyon akong nais ipabatid sa kapwa ko mag-aaral para mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa ating palikuran. Ito ang mga sumusunod: Una, dapat maging responsable tayo sa paggamit nito. Umakto sa nararapat sa edad, at alamin kung ano ang tama at mali. Pangalawa, buhusan ng maigi pagkatapos gumamit ng kubikulo. Gamitin ang 'flash' o buhusan ito ng maiigi gamit ang nakalaang timba sa bawat kubikulo para hindi ito mangamoy. Pangatlo, itapon sa basurahan o sa nakalaang lalagyan ang mga ginamit na tissue, napkins at kung anu-ano pa, Pang-apat, gumamit ng 'disinfectant' o likidong pang-alis ng mga mantsa, dumi at bakterya katulad ng liquid sosa at clorox. Panglima, alagaan ang palikuran katulad ng pag-aalaga sa sarili dahil ito ay maaaring magsalamin sa pagkatao mg isang mag-aaral tulad ng pagiging masinop o makalat.
Sana mapangalagaan natin ang mga pasilidad ng ating paaralan nang sa ganon kahit ito man lang ang maging legasiya nang ating 'batch'.
7 notes View notes
reynamagayon 6 years ago
Photo
Tumblr media
1K notes View notes
reynamagayon 6 years ago
Text
Tumblr media
34K notes View notes
reynamagayon 6 years ago
Photo
Tumblr media
585 notes View notes
reynamagayon 6 years ago
Photo
Tumblr media
3K notes View notes
reynamagayon 6 years ago
Text
Nakalimutan ko nang kalimutan ka
Tumblr media
Isa, dalawa, dalawa lamang kaming magkapatid. Laging magkalaro sa lahat ng bagay at hindi nais mawalay sa isa't isa. Taga gising ko sa umaga kapag ako'y papasok sa paaralan at taga salubong naman kapag ako'y umuuwi. Sobrang saya ang aking nadarama na parang walang problema kapag siya'y nakikita. Pero sa hindi inaasahang panahon lahat ito'y nagbago.
Isa, dalawa, isang taon at dalawang buwan ko lamang siyang nakasama. Matapos siyang tamaan ng sakit na brongko, na sabi ng aking ina ay malapit na sa sakit na pulmonya. Sakit at pighating nadarama ay hindi maipaliwanag; na para bang ang saya-saya pa lamang namin nang ipinagdiwang namin ang kanyang unang kaarawan pero sa isang iglap ay bigla itong napalitan ng sakit. Sobrang sakit na para bang gusto mo na ring mawala para hindi mo na ito maramdaman.
Habang lumalaki, hindi ko mapigilan kwestyonin ang Diyos na kung bakit ang nag-iisa ko pang kapatid, ang bata pa niya. Pero ito nga siguro ang sinasabi nilang may plano ang Diyos para saamin.
Tumblr media
6 notes View notes