Text
Ilang pumila para sa huling araw ng SAP cash aid distribution umuwing luhaan
MAYNILA — Hindi matanggap ni aling Rosalie Medina na disqualified siyang makakuha ng cash aid mula sa social amelioration program (SAP) ng pamahalaan.
Kasambahay siya sa Barangay Bagong Pag-asa sa Quezon City, at solo parent sa 3 anak na magkokolehiyo na.
Giit niya, hindi naging patas ang pagpili ng makatatanggap ng ayuda.
"Disqualified ako kasi malalaki na anak ko, priority daw nila maliliit ang anak. Eh bakit may nakapasa, single na walang anak, walang asawa? Inaasahan ko 'yan kasi iba-budget ko 'yan, para maka-survive kaming mag-iina," ani Medina.
Hinaing ng ginang, hindi na siya nakapagdiwang pa ng Mother's Day dahil naubos ang buong maghapon niya sa pila.
"Sabi nga nung iba sa akin, 'Ipaglaban mo yan, karapatan mo makakuha.' Hay naku di ko alam ang gagawin ko, bakit ganito?" sabi niya.
Masama ang loob ni Medina pero hindi lang siya ang umuwing luhaan matapos mabigong makakuha ng SAP.
(c) TV Patrol
1 note
·
View note