Text
My life as a transgender
"Hindi lahat ng tao mapipilit mo. Hindi lahat ng tao ikaw ang pipiliin. Hindi lahat ng tao handang samahan ka. Dahil nga third sex ka"
Paano nga ba ang buhay ng isang third sex? Paano nga ba gumagalaw at nagpapahayag ng opinyon ang isang third sex. Marahil simpleng bagay lamang ito kung saan maaari namang sagutin ngunit kung naniniwala kang madali ang buhay ng isang third? Well, i'm telling you ang buong buhay mo isang kasinungalingan. Kung paano at bakit?
Hindi tipikal ang buhay ng third sex. Hindi lahat ng opinyon mo ay tatanggapin. Hindi lahat ng saloobin mo seseryosohin. Madalas kapag nagpapahayag ka ng opinyon pinaparamdam nilang wala kang karapatan ukol dito dahil nga third sex ka. Sa mundong ito ang opinyon ng third sex at walang bilang lalo na sa mga taong hindi mulat at hindi handang mamulat sa katotohanang may third sex. Lalaki at babae lang naman ang nilikha kaya isang kasalanan "daw" ang maging third sex. Kasalanan at walang karapatan sa langit. Ngunit ang katotohanan ay nasa mata ng huhusga. Kasalanan pa rin ba kung sa buong buhay mo ay naging mabuti kang miyembro ng pamilya, may takot sa Diyos at may respeto. Lahat ba ng iyon ay balewala dahil lamang na third sex ka. Ang kabutihan ba ng puso at pagmamahal ay hindi mahalaga dahil lamang doon. Na ikaw na nagsasabing normal ka ay wala kang ginawa sa buong buhay mo kundi magtanim ng galit, poot, paghihiganti at kasakiman. Ikaw ba ay masasabing hindi makasalanan dahil normal ka naman. Ang mga nagawa mo ba ay balewala dahil sinasabi mong isa kang tunay na lalaki o babae. Dahil naniniwala ako na ang kontribusyon mo bilang indibidwal ang mahalaga upang masabi mong mabuti kang tao.
Hindi man laging minamahal at pinipili ang mga third sex, ang mahalaga ay naging parte ng buhay ng bawat isa ang tbird sex kung saan maihahambing nila ang pakiramdam na kumpleto at masaya sa tuwing kasama ang mga third sex. Madalas man ma take for granted, iwanan, babalikan kung kailan gusto ay lubos pa rin ang pasasalamat dahil ang ambag at halaga mo sa mga tao ay hindi mapapantayan ng kung anong kasarian man.
1 note
·
View note
Text
Nanay

"Isang araw, lumiwanag ang aking paningin. Isang liwanag ang naanig ng aking mga nakapikit na mata. Mangilan ngilan na tinig at tunog ang aking narinig. At sa puntong iyon, ako ay isinilang."
Sa paanong paraan ba natin mapapasalamatan ang ating mga nanay? Sa paanong paraan ba tayo babawi sa kanilang mga sakripisyo?
Hindi madali maging ina. Hindi madaling magpalaki ng anak na may disiplina at respeto. Hindi madaling ipakita ang hirap na nararaansan nila. Hindi biro ang pagod at puyat na napagtagumpayan nila. Ang pagtitiis ng gutom ng sa gayon ikaw ang mabusog, ang manghingi ng tulong sa iba kapag nangangailangan ka. Ang tanggapin ang pambabalewala ng iba basta't mapasaya ka lang. Ang tiisin ang sakit na dulot ng hindi pagkakaunawaan niyong mag ina. Ang piliin ang ikakabuti mo kahit dinudurog na ang puso niya. Yan ang ina. Ina na kung saan lahat at gagawin. Ina kung saan proteksyon ang hangad kahit pa nasusugatan na siya. Ina na payong mo kahit pa basang basa na niya. Ina na kumot mo kahit ginaw na ginaw na siya. Ina na bibig mo kapag inaabuso ka ng iba. Ina na tenga mo para makinig kapag mag iniinda ka. Ngunit paano nga ba natin masusuklian ang lahat na yun sa kanya.
Isang malaking regalo para sa ina ang mapalaki niyang mabubuti ang mga anak niya. Mapalaki niyang may takot sa Diyos, may respeto, may pagmamahal sa kapwa. Hindi matatawaran ang galak sa puso ng isang ina kapag dumating ang araw na sa lahat ng iyak at sakit mo ay isang ngiti at tatag ng loob ang dumudungaw sa mukha mo. Regalo kapag nakikita niyang may pakialam ka sa nararamdaman ng ibang tao. Regali kapag may respeto ka sa iba dahil alam niyang nirerespeto mo ang kagustuhan niyang mapabuti ka. Hindi man dumating yung araw na hindi mo kayang ibigay lahat ng pangangailangan ng iyong ina, isang malaking kabayaran na ang makita niya ang anak niyang may plano at may gustong direksyon na tahakin upang mapaunlad ang sarili niya.
0 notes
Text
Pinaglalapit pero lumalayo

Teknolohiya ang sagot sa lahat. Teknolohiya ang dahilan kung bakit ang mabibigat na trabaho ay gumagaan at ang mga matatagal ay napabibilis. Tunay ngang malaki ang epekto ng teknolohiya sa atin. Tunay ngang malaki ang ambag nito upang ang malalayo at mapalapit. Ngunit sa paglaon ng panahon, ang kahalagahan at tungkulin ng teknolohiya ay binago. Binago ng panahon, binago ng mga taong hindi marunong magpahalaga at binago ng ating desisyong umusad na. Dumating tayo sa punto kung saan pinili na natin ang modernisasyon. Kinalimutan na ang nakagawian, ang nakasanayan.Ang mga taong naging parte na ng ating buhag ay unti unting napalitan ng makinarya. Ang taong gigising sa iyong umaga upang maghatid ng de papel na balita ay naglaho na. Napalitan na ng internet kung saan ang mga balita ay mabilis ng maipakakalat. Kung saan ang lahat ay pwedeng magkumento at mangialam. Nawala na rin ang taong dahilan upang ang ating mensahe ay maihatid. Tuluyan ng binago ng panahon ang kultura ng kasalukuyan.
Ngunit ang isa sa pinakamasamang epekto nito ay ang paglayo ng loob dahil sa paglalaan sa iisang bagay lamang. Ang konsepto kung saan ginagamit ang teknolohiya upang makausap at makapiling ang mga mahal sa buhay na nasa malalayong ibayo at parte ng mundo ay nagbago na. Nagbago kung saan ang mga taong nasa paligid ay hindi na makamusta. Ang taong nasa paligid ay nanlilimos ng atensyon. Kung saan mas pinipili na nating makipag usap na lang sa iba at tumutok sa ating mga "cellphone" kaysa makipag usap. Na sa tuwing uuwi ka ay mas pipiliin mo na lamang na pumanaog sa iyong silid kaysa magkwento sa iyong mga kamag anak. Na ang noong sama samang kwentuhan sa hapag na napalitan na lamang ng kwentuhan sa "groupchat". Na ang noong palagi mong kasama upang maglaro sa labas ay pinili na lamang na magkulong sa silid. Yung taong kasama mo noon abutin ng madaling araw ay mas gusto ng abutin ng madaling sa kakapanood ng kdrama. Oo nga pala, may kamag anak ka pa. May kaibigan ka pa. Sa sobrang paghahanap ng makilala sa iba ay nakakalimutan na natin yung mga taong mas nakakakilala s atin. At dumating sa puntong itinutulak na natin sila palayo sa kadahilanang hindi na natin sila kailangan at hindi natin sila pinili na makausap. Huwag sanang dumating yung panahon na ang noo'y malapit lang ay tuluyan ng lumayo dahil mas pinili natin ang teknolohiya kaysa sa kanila.
0 notes
Text
Minimalist

Are you the type of person that used to choose simplicity. Yung taong mas gusto yung hindi magarbo nor enggrande. Well congrats, isa ka sa amin.
When you call a person a minimalist, you're describing their interest in keeping things very simple. A minimalist prefers the minimal amount or degree of something.(https://www.vocabulary.com/dictionary/minimalist).
Do you believe na mas simple mas okay. Sa kabilang banda, less talk less mistake. Ito yung karaniwang kataga o linya na ginagamit natin to make things simple. Palagi nating pinipili na maging simple na lamang kaysa maglaan pa ng oras sa pagdedesisyon ng mga bagay bagay. Hindi naman masama ang magbigay ka ng iyong effort dahil simbolo ito ng paghihirap na ginawa mo. Salamin ito kung paano ka naggugol ng sakripisyo para sa isang bagay. At salamin kung anong uri ng tao ka at paano ka magpahayag ng opinyon at nararamdaman.
Anu-ano nga ba ang katamgian ng isang minimalist?
1. Mas gusto mong plain or less colors lang ang makikita sa isang proyekto.
2. Hindi ikaw yung tipo ng tao na may enggrandeng intro at outro sa mga articles mo. Mas basic mas attractive.
3. Same patterns of illustration at explanation will do.
Lagi nating pinipili na maging simple lamang. Ang mahalaga naipahayag at naipakita natin yung mensahe na nais nating sabihin. Mas simple mas makakapagfocus tayo sa pagpapaintindi sa iba ng nais natin. Mas simple mas mapapansin nila yung eagerness mong magshare at magpahayag. Mas simple mas makikita nila kung ano at paanong klaseng tao ka mag isip. We must spare time in thinking rather than building external matters.
0 notes
Text
Ang Paborito

Lumaki sa may kayang pamilya si Patty. Pang apat siya sa anim na magkakapatid at isa siyang plus size. Noon pa lang ay maluwag na tinanggap ng kanyang pamilya ang sitwasyon dahil alam naman nilang matalino at may ipagmamalaki si Patty. Naging maganda ang pamumuhay at estado nila ngunit sa kanyang paglaki, unti unti niyang napapansin na may paborito ang kanyang mga magulang. Sa una ay hindi niya ito pinansin dahil para sa kanya normal lamang sa mga magulang na suportahan at kagiliwan ang mga anak ngunit hindi sa pagkakataong ito. Sa pagkakatong unti unti ng tumungtong sa kolehiyo si Patty at mas naging dahilan yun ng pagkakaroon ng hindi magandang pisikal na katangian. Hindi kasi tulad sa iba niyang kapatid na palagiang sumasali sa mga "beauty contest or school pageant", nananatili na lamang sa bahay si patty. Siya ang madalas utusan ng kanyang mga magulang dahil siya ang laging nasa bahay. Hindi ininda ni Patty yon dahil obligasyon yun ngunit habang tumatagal, lalong nararamdaman ni Patty ang kawalan ng gana sa kanya ng kanyang pamilya. Ang simpleng paborito sa pagitan ng kanyang mga kapatid ay lalong nangibabaw. Dumaan ang kanyang elementarya at sekondarya na umani siya ng mga awards ngunit hindi ito ikinatutuwa ng kanyang ama. Hindi marahil iyon sapat upang mapatunayan na dapat siyang ipagmalaki ngunit nandiyan naman ang kanyang in na ramdam niya ang suporta at atensyon ngunit mali pala siy a. Mali pala ang akala niyang iyon." Dapat lang talaga na may award hindi mo ba nakikita ang sala natin? Puro tropeo at medalya ng iyong mga kapatid. Dapat lang talaga na meron ka din ng mapatunayan mo naman ang sarili mo". Hindi ito ininda ni Patty dahil tunay nga namang medalya na lamang ang daan para maipagmalaki din siya. Isang araw, dumating ang pagsubok sa buhay ni Patty. Isang taon na lamang at magtatapos na siya ng kolehiyo ngunit hindi madali ang pagdadaanan niya. Ito ang naging dahilan upang sumuko siya at balaking huminto na sa pag aaral kasabay pa ang mga pressure at hinanaing ng kanyang magulang kaya't sinikap niya ang lahat ng makakaya niya. Sa tulong ng mga kaibigan niyang naging kasangga niya, narating ni Patty ang tagumpay. Natapos niya ang mga requirements para sa graduation niya at kasabay nito ang pagtatapos ng kanyang nakababatang kapatid. Isang gabi, puno ng galak ang puso ni Patty at nagmamadaling ikwento ang kanyang napagtagumpayan na saktong naririnig niyang nag uusap ang kanyang mga magulang. "Oh ayan nakapagtapos ka na makakapagtrabaho ka na. Gawin mo lahat para makapagtrabaho ka. Dahil alam mo namang ikaw lang ang inaasahan namin ng papa mo". Sa pagkakataong iyon tumulo ang luha niya na parang pawis na animo pagod na pagod. Tumulo na ang pagod na matagal niyang ininda. Ang pagod ba noon pa sana'y tumulo na. Sobrang sama ng loob niya noon na kinuwestiyon niya ang sarili niya. "Bakit parang kulang pa rin? Bakit parang sa lahat ng nagawa ko hindi pa rin sapat. Bakit parang wala akong kayang gawin na ikatutuwa nila. Wala namang kaso sakin kung may paborito sila. Ang akin lang sana naman hindi nila balewalain yung mga panahong mas pinili kong di matulog at kumain. Sana dumating yung araw na makita nila yung pagsisikap ko". Agad pumanhik sa kaniyang kwarto si Patty ay sa hindi namalayang pagkakataon e kasabay ng pagbagsak ng luha niya ay ang mga mata niyang pagod. Dahan dahan siyang pumikit at nakatulog na.
1 note
·
View note
Text
NO MORE friENDS.........

Walang taong kayang mag isa. Walang taong kaya ang hindi humingi ng saklolo o ng opinyon. Walang taong natuto ng hindi kinakailangan ng patnubay ng iba. Walang taong ginusto na mag isa ngunit wala din namang tao na ginusto na manatili pa. Oo nga naman pala wala nga naman pa lang taong handang damayan ka kaya siguro ayaw mo ng opinyon. Pero bakit nga ba mas pinipili ng iba na iwan ka at sumama sa iba. Bakit nga ba mas ginugusto nilang kalimutan ka kasi di ka naman mahalaga ngunit bakit parang galit ang mundo sa presensya mo? Ngunit ang mundo lang galit sayo hindi ang tadhana. Hindi maikukubli na may mga tao pa rin talagang handang manatili at intindihin ka. Handang unawain na may pagkukulang ka. Handang unawain na sobra ka na nga pala. Handang maintindihan yunh opinyon mo gaya ng titulo ng aking artikulo. Marahil tumutukoy ito sa isang pagkakaibigang nilamatan ng panahon. Tumutukoy sa bakas ng nasirang noon. Naglalarawan sa malamig na tinginan na noon ay siyang hanapan kapag ikaw ay nawawala sa kaniyang paningin. Na ang mga titig niya ay hindi mo na makitang sayo ang patutunguhan. Ang mga hakbang niyang alam mong hindi ikaw ang babagsakan na sa isang araw nagising ka na hindi na kayo magkakilala. Ngunit sa isang banda, ang aking mahalagang pahiwatig na nais sabihin ay hindi natatapos ang pagpapahalaga ng isang kaibigan dahil lang sa alitan. Hindi nawawala yung pagsusumamo niya na sana dumating yung araw na maalala niyang ikaw yung taong unang niyang kinawayan noon. Hindi man madali na makalimutan ka ng mga naging kaibigan mo noon? Mas hindi madali na sa pagdating ng araw pati pala ikaw handa ng makalimot. Na sa tinagal tagal ng sugat sa inyo ay unti unti na itong natuyo, naglihom at gumaling. Ngunit ang sugat na nararamdaman ay kailanman hindi na maghihilom. Kailanman hindi mo na gugustuhin pang masugatan dahil alam mong masasaktan ka lang ngunit hindi ka matatauhan. Madadala ka lang pero patuloy ka lang din mamang maglalakad, tatakbo, gagapang at madadapa. Kaya hanggat kaya pa natin makapaglakad, idireksyon natin ito sa gusto nating paroonan. Ilakad natin ito sa mga taong handa kang damayan. Hindi galit ang nasa puso ng nasaktan kundi hinanakit na kung bakit sa dinami rami ng taong pwedeng manakit sa kanya yung taong akala niyang gamot niya. Wag natin hayaang matapos lang bigla ang lahat.
1 note
·
View note
Text
What would be your stand in same sex marriage if you're a member of LGBTQ+
First and foremost what would the difference between sex and gender. Sex defines to the biological being of an individual or how their sex organs define them whether a penis or vagina. On the other hand, gender defines what would be our expressions and identity afterwards or if we socialize in society. Gender consist of LGBTQ+ or Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender/transexual,Queers,Pansexual,Anasexual etc. Those gender vary accordingly to its label which did not affect their identity to their expressions. First, lesbian which define to those person who are emotionally attracted to their same sex or girl-to-girl case but not compromising their physical appearance instead to their feelings. Under lesbian are other kind of lesbian but i would rather tackle generally for the benefit of all. Second, gay which same as to lesbian that has an attraction to their same sex without disregarding their physical appearance. Enclose to them are the crossdresser gays, closet gay which their way to express their feelings. Then, bisexual are those person whose attraction are both. They are attracted to same sexes but not necessarilly they are considered as lesbian or gay. Then, the very confusing part or the Transgender which define to those person who supposed to be their want bodies but they are not successfully born in that way. In this case, it is really different to others because it tackles about the whole feminity of a male to female from physical to emotional. They are physically look on what they've wanted bodies. On the other hand, Transexual are those who undergo sexual change or they change their organ to be able to be a female or male but still they can be considered as male or female already but usually transexual.
Moving on, as a part of LGBTQ+ what can be the possible stand for Same Sex Marriage. Majority will choose to be pro because they believe that it would be one's dream to marry to the person they love. Individually, i take a side wherein i disagree to the matrimony of same sex because first i believe that it would be better if we focus first for accepting our kind. It would be more efficient if we focus first in the case wherein discrimination of third sex will be settled first. We can't jump to the conclusion that same sex will be legal soon but it would be more relieving if acceptance for third sex will implemented. Same as how it is hard for us to prove our worth and skill and how would we convince them to agree in same sex marriage if in same sex relationship they called it a sin. Lastly, individuals are free to do what they want. They have their freedom to do what their want but all has its limitations. As to respect to our friends and relatives, we just let them and give them the right to be married sacredly. "Ipaubaya na lamang natin sa kanila ang karapatan na ikasal at maging sagrado ito. Hindi tayo masama sa mata ng Diyos but all we need to do is respect the rights of a man and a woman according to Lord's want. In that case, reapect to us will be gain because they've seen how we give them respect too. I am not into SAME SEX MARRIAGE but i am in favor and proudly pro to SAME SEX RELATIONSHIP".
2 notes
·
View notes
Text
Does the size matter?


Does the size really matter? Does our sizes really define who we are and what we can do? Mahalaga nga ba kung matangkad ka o pandak ka, payat o mataba, may abs o wala, may biceps o wala, may curves o wala. Talaga nga bang may standards pagdating sa magiging features ng physical aspects natin. Kapag ba hindi mo nafulfill yung standard ng tao sayo hindi ka na ba worth it para pahalagahan at bigyan ng chance to prove what you can do?
First of all, ang pagiging plus size ba ay may pagkakaiba sa mga may normal body size in analytical aspect? May pagkakaiba ba ang pag iisip ng mga plus size sa kanila? As well as payat ka, hindi mo na ba magagawa ng maayos at matagumpay ang isang gawain? Marahil sinasabing kailangan maging “physically fit at magkaroon ng pleasant appearance” for them to hire you and to give more advantages. Siguro nga kailangan oo pero yung approach na binibigay doon sa tao ay hindi nila deserve. Hindi nila deserve na majudge at maitaboy lang dahil nga hindi sila kaaya aya. Let’s always put in our mind na hindi madali at hindi biro yung mga pinagdaanan ng taong yun na sa bawat araw na dumadaan sa buhay niya palaging may bagong pagsubok siyang haharapin. Hindi nasusukat sa kung anong pisikal meron ang isang tao lalo’t lalo pa may kakayahan naman siyang gampanan ang silbi niya sa lipunan. Gampanan na lamang natin ang silbi natin sa lipunan upang sa gayon hindi kailanman magkulang bagkus maging sobra pa ang iyong kapakinabangan.
1 note
·
View note