seanmiranda
seanmiranda
Sean Miranda
4 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
seanmiranda · 4 years ago
Text
The Language That Everyone Can Understand...
Tumblr media
Photo Courtesy: https://quotefancy.com/quote/1076155/Roy-Ayers-The-true-beauty-of-music-is-that-it-connects-people
Most people know different kinds of music. Majority of the people today are into Pop, RnB, or for short... Modern Music. But aside from those, Music has a very wide spectrum of genres and kinds, and every culture in every corner of the world has their own music. But what is really special about this? How can different people from different cultures understand, know, feel, and even connect through this special language of ours?
Understanding and connecting through music is somewhat complicated, yet simple if to be seen in a larger perspective. In understanding and interpreting music, there is no right or wrong way, but in my opinion, before one can interpret a piece of music, one must unlock the message of what the composer intended to send. 
In light of this, the first step in how to properly understand and interpret a music as the composer intended is to look into the notes, tempo markings, and most importantly, the dynamics set by the composer. It is vital to read between the lines on what the composer intended for you to understand.
When you are done reading, one must learn the piece effectively, to do this... one must have quality practice. It does not matter how long the session is, rather the quality of the session is what really matters. 
From this, you can create your own interpretation that coincides with the composers intention. A great interpretation always comes from the heart and the mind. A musician must be able to execute this effectively so that the audience will be moved and most of all they can understand and feel the message you are trying to send.
Music is for all, no matter what culture, religion, country, or ethnicity you belong to. What matters is what message you as a person is trying to send. You must be able to connect with the audience, make them feel the feeling you want them to feel. 
This is what makes music such an important part in our everyday lives. It enables us to set aside our differences and connect with other people, no matter what language you know, you can still be able to send a bold message to the world by the means of music. Because music is a universal language, a language that everyone can understand.
4 notes · View notes
seanmiranda · 4 years ago
Text
Tiklop-Tuhod
Tumblr media
“Mula ngayon, wala ka nang pamilya!”. Ito ang pinaka-masakit na bagay na maaaring marinig ng isang anak mula sa kaniyang mga magulang. Hindi makakalimutan ni Arlene Joy T. Bionat o mas kilala sa palayaw na AJ ang mga salitang ito. Mahigit apat na taon na ang lumipas mula nung mangyari ito, ngunit tila ang sakit ng salitang ito na sumugat ng malubha sa kaniyang puso ay hindi naglalaho.
Enero 14, 2017, katatapos palang ng bautismo ni AJ. Kuwento niya sa akin na napaka gaan ng pakiramdam niya noon, tila lahat ng bigat sa na kaniyang pinagdaanan ay nawala, ayon sa kaniya siya ay “parang isang taong bago”. Ngunit ang kasiyahan na ito ay hindi nag tagal. 
Pag sapit niya sa kanilang tahanan ay bumungad sa pinto ng kanilang bahay ang kaniyang ama na isang Pastor Protestante. Nakita niya ang mukha ng kaniyang ama na tila di maipinta sa galit na nararamdaman. Nang malaman ng ang katotohanan na siya ay nagpabautismo sa loob ng Iglesia ni Cristo, agad na nagalit ang kaniyang ama. Ayon kay AJ sinabihan siya na siya ay walang utang na loob, lapastangan, at walang pag-galang.
Dumating pa sa puntong siya ay napagbuhatan ng kamay ng kaniyang ama sa sobrang galit, pagkatapos ng mga pangyayaring iyon ay agad na pinalayas siya sa kanilang tahanan, sinabihan na wala na siyang pamilya, at itinakuwil siya ng kaniyang mga magulang.
Sa aking panayam kay AJ ay kaniyang nagunita ang dating napaka lapit na ugnayan nila ng kaniyang ama, ayon sa kaniya siya ay “spoiled” sa kaniyang ama. Bawat hiling niya ay pinagsisikapang ipagkaloob sa kaniya, ang kundisyon lamang sa kaniya ay magsikap siya sa kaniyang pag-aaral at makakuha ng matataas na grado.
Nung siya ay matawag sa Iglesia at dinodoktrinahan na, napagtanto niya ang kaibahan ng kaniyang dating relihiyon. Kaniyang napansin ang pagiging isa ng Iglesia ni Cristo sa aral, sa gawa, at higit sa lahat sa doktrina. Kaniya ring napansin ang doktrina sa Iglesia na mag kaiba ang Diyos sa Panginoong Jesu-Cristo.
Nung dumating ang puntong siya ay nasa parteng sinusubok na, tinuruan siya ng isang mangagawa kung paano ang pananalangin at pagpapanata sa Iglesia. Ayon sa kaniya, ito ang naging lakas niya sa dinami dami ng pagsubok na kaniyang dinaanan. Sabi niya ay hindi niya maisip kung papaano niya nakayanan ang lahat ng mga ito. 
Nakakapasok parin siya sa paaralan kahit walang “allowance”, naipagpapatuloy parin niya ang gawaing paghahandog. Higit sa lahat, buhay parin siya at malakas hanggang ngayon at nakakatupad ng kaniyang Banal na Tungkulin. 
Ayon sa kaniya ang tanging naging saligan niya ay ang pagpapanata, simula nung matuto siyang manalangin sa Diyos ay dito niya naramdaman ang pagyakap at pagkalinga ng Ama sa kaniya. Ito ay hindi niya nadama dati, ito ang dahilan kung bakit pa siya nakakapag patuloy. 
Tiklop-tuhod siya manalangin sa gusaling sambahan sa tuwing siya ay nagpapanata, doon niya nasasabi sa Ama ang lahat ng bigat ng kaniyang puso at damdamin, ang pagod na kaniyang nararamdaman. Ang sabi pa niya sa akin, tuwing matatapos siya ng kaniyang panalangin ay tila nawala ang bigat ng prublema. Bagaman nariyan parin ang prublema sa kaniya, ay napaka lakas ng kaniyang pakiramdam, nakakaya niyang harapin ang mga ito sa tulong ng ating Panginoong Diyos.
Hanggang ngayon ay hindi tumitigil si AJ sa kaniyang pag papanata, at sa awa at tulong ng Ama, nakakaya niyang batahin at labanan ang lahat ng pagsubok na dumarating sa kaniya. Siya hanggang ngayon ay isang masiglang maytungkulin sa Iglesia, isang kalihim, maytungkulin sa CBI, at isang Sign Language Interpreter.
Tunay wala nang iba pang dadakila pa sa biyayang ito, ang karapatan at pribilehiyo na tumawag at dumalangin sa ating Panginoong Diyos, at ang pag papanata na naka tiklop-tuhod.
4 notes · View notes
seanmiranda · 4 years ago
Text
The Guardian
Tumblr media
Photo Courtesy: Sean Miranda
In Vince Lombardi’s words... he once told that “A Leader is made, they are not born”. This is the primary reflection of the leadership of Brother Eduardo V. Manalo, but how did Ka Eduardo became a leader? How did he become one of the most beloved person of the members of the Iglesia ni Cristo? Ka Eduardo’s training began when he was still a child, he will often borrow the Bible’s and references from his father’s collection the late Executive Minister Bro. Eraño G. Manalo. He will bring those books, arrange those in his table and practice preaching, little did he know that his father was listening through an intercom system. Because of this Brother Eraño tasked Ka Eduardo of typing the lessons of the Children’s Worship Service that were outlined by Ka Erdy.  As time grew, Ka Eduardo studied Philosophy in the University of the Philippines while also studying in the ministry in the School for Ministers then called EVCO (Evangelical College). And after he graduated in EVCO, he was assigned to the Locale Congregation of Cubao, Quezon City. 
Brother Eduardo was ordained as a minister on the 9th of May 1980 at the Locale Congregation of Tondo, Manila. After this he was given a great task, and was assigned as an Instructor of Evangelical Studies, and as Assistant Dean of EVCO. He also would bring along evangelical students from outside the  Philippines to different provinces to spread the pure gospel of our Lord Jesus Christ. 
Ka Erdy assigned him to host a religious radio program in DZEC and to be one of the panelist on our first ever TV program “Ang Iglesia Ni Cristo”. As a panelist, he would receive advice and constant guidance from the late Executive Minister, which he would also share with his students. This became a way for Ka Eduardo to expand his experience so that in the future he will be able to lead the church effectively.
It was also said that when Ka Eduardo became a District Supervising Minister then called a Division Coordinator of the Division of Metro Manila, he formed small groups of ministers and ministerial workers to create a pilot project. He will task these men to think of different ways on how to edify the brethren and spread the gospel. One of the most notable projects of his is the “Project Tambalan” which was initiated for the Centennial Birth Anniversary Celebration of Brother Felix Y. Manalo.
As time passed, the church rapidly grew, to be able to cope with the rapid growth of the church, Ka Eduardo initiated the documentation of the worship services being officiated by the Executive Minister. Ka Eduardo also founded the Society of Communicators and Networkers International (SCAN), and because the internet was technically non-existent in the Philippines during that time, he began and maintained the Bulletin Board System (BBS) and further developed his skills in Computer Programming. 
Ka Eduardo also made a great contribution to the Central Office of the church. He organized the Data and Network Management System which led to the computerization of the entire Central Office. The effect of Ka Eduardo’s ideas and plans for the church can still be felt today. Because of his initiatives, the Philippines and most importantly, the church was brought to the modern era.
According to the Elder Ministers, Ka Eduardo is very humble... even if he is the son of the Executive Minister, he has always been respectful of other ministers, especially those older than him. When it comes to the Executive Minister’s instruction, his principle is to “Always obey, and never complain” even if it entails sacrifice, no matter how great, since such derivatives are biblical. To Brother Eduardo, most prominent among the many advices his father imparted to him, is to have selfless love and concern for the Church. For this reason, he has also been described as “compassionate” and a “good listener”, although very firm and meticulous in implementing the Church’s rules and disciplines. 
Now that the mantle of the over-all church administration rests on Ka Eduardo, he said that “Wala akong iibahin sa sinimulan ng Sugo at itinaguyod ng Tatay” (I will not change anything from what the God’s Last Messenger began and what my father continued to uphold), because all of the things they have done for the church have always been based the Church’s Rules and Regulations that is all in accordance to the Holy Scriptures.
Truly, Ka Eduardo is a reflection of the quote “A Great Leader, is a Great Follower” and in God’s divine help and guidance, he still continues to lead and care for the church today. The meaning of his name reflects his duty, the name Eduardo that was given to him by the Last Messenger, Ka Felix... means guardian, and he is currently the Guardian of the Church and the Guardian of our Faith. 
3 notes · View notes
seanmiranda · 4 years ago
Text
Takipsilim
Tumblr media
Photo Courtesy: Sean Irvin B. Miranda
Hindi maikakaila na paborito ng mga pinoy ang paliligo sa dagat. Katunayan, ito ang isa sa mga madalas na nakalagay sa bucket-list natin kapag may bakasyon. Ngunit sa aking karanasan, ang dagat ay nagkaroon ng malalim na kahulugan. Halina’t samahan ako sa pagbabalik-tanaw sa nakaraan, nang sa gayon itong takipsilim ay maunawaan. 
 Naaalala ko pa noong una akong tumungtong sa islang ito, wala akong kakilala, kamag-anak, ni makausap sapagkat ang dayalekto ng mga nakapaligid sa akin ay tunay na kakaiba. Dito sa lalawigan ng Iloilo ay maraming mga termino sa Filipino na iba ang salita at kahulugan sa Hiligaynon. Halimbawa, ang pispis, sa Filipino ang ibig sabihin nito ay tira-tira o mga sapal ng pagkain. Sa kabila ng hindi kaaya ayang kahulugan nito, ay kabaliktaran naman noon sa Hiligaynon. Ang salitang pispis ay nangangahulugang ibon.
Wala akong mapuntahan, ni hindi alam kung kanino makikipag-usap. Nang kami ay makarating sa aming tahanan at sa pagdaan ng panahon ay nagkaroon narin ng maraming kaibigan. Tila ang lungkot ko sa pag-alis ko sa aking dating tahanan, kung saan ako nagka-malay at nagkaroon ng maraming ala-ala, ay unti unting nawawala. Ang aming sambahayan ay nagpalipat lipat ng lokal hanggang sa kami ay makarating sa Lungsod ng Iloilo, ang sentrong lungsod sa lalawigan na ito. 
Dito nakakilala ako ng maraming tao, at dito ko rin napagtanto ang napaka makulay nilang kultura. Dito sa Iloilo ay taon taon tuwing Enero ay mayroong pista na kilala sa tawag na Dinagyang Festival. Dito ko rin napagtanto na dito nadiskubre ang orihinal na La Paz Batchoy sa bayan ng La Paz at ang kanilang sikat na Roberto’s Siopao na napaka laki at sobrang malaman. Ngunit sa kabila ng mga kagandahang ito ay mayroon akong napansin na magbabago ng aking pananaw sa mundo. 
Nakilala ko si Trisha Andrea C. Provido isang mahinhin, maaruga, matiyaga ngunit napakalakas na babae. May matibay na pananampalataya sa Diyos na aming pinaglilingkuran. Noong Marso 15, 2021, araw ng kanyang kaarawan, kami ay nagtungo sa kanilang tahanan upang magsalu-salo. Bagaman maikli ang paglalakbay na ito, dito ay marami akong natutuhan. 
Tumblr media
Bagaman ang aming kinalalagyan ay nasa uring urbanisadong syudad, mararamdaman mo parin ang preskong simoy ng hangin, ang preskong amoy at lamig ng hangin galing sa dagat ay nakakapagpatindig ng balahibo, ngunit sa kabila ng mga ito, ang mga taong naninirahan sa babay ay talagang hindi mo maikakaila na ang pamumuhay ay nasa uring mahirap. 
Hindi ko maisip na sa ganda ng pananamit, ganda ng kutis at kagandahang loob ay dito pala nakatira si Trisha. Nagtungo muna kami sa baybay upang makita ang napakamamanghang tanawin na kitang kita ang isla ng Guimaras sa harapan, habang ang Takipsilim ay makikita mo sa gawing kanan.
Makikita mo ang mga batang lumalangoy at naglalaro sa Dagat na bagaman malinaw ang tubig makikita mo rin na maraming basura sa pampang. 
Hindi nila alintana ito, hindi mapipigilan ng mga basura ang kanilang kasiyahan. Dito ko naitanong sa aking sarili… bakit maraming mga tao na may kaya sa buhay ay ubod ng dami ng problema at halos malugmok na rin, samantalang ang mga kabataan at mga matatandang naka tambay sa baybay ay tila walang pinuproblema at puro kasiyahan sa kanilang mukha ang aking nakita?
Sa aking tanong na ito ay naisip kong kuhanan ng litrato ang napaka-gandang silhouette ng takipsilim, makikita mo rito ang araw at ang mga dikit dikit na bahay sa ibaba nito. 
Tumblr media
Nang lumubog ang araw ay nagtungo na kami sa kanilang tahanan upang magsalo-salo.
Sa aking pagpasok makikita mo na ang kanilang bahay ay hindi yari sa semento kundi yari sa kahoy gaya ng kanilang sahig. Pag tingala mo naman sa itaas ay walang kisame, yero na agad ang iyong makikita. Sa kabila nito makikita mo sa hapag kainan ang napaka raming uri ng pagkain. 
Pagkatapos ko ipanalangin ang nagdiriwang ng kaarawan at ang pagkain na aming kakainin, ay nagsimula na ang aming pagsasalo-salo.
Dito ko muling napansin ang kasiyahan sa kanilang mga mukha. Ang mga ngiti ay hindi mo matutumbasan. Walan ni isang naka simangot sa kanila, at tunay nakakahawa ang kasiyahang ito. Marami din akong problema noon ngunit sa kaunting saglit ay tila nawala ito ng biglaan. 
Naitanong ko kay Trisha ng pabiro, “Bakit ansaya ninyo? Parang wala kayong problema?” at ang tugon niya sa akin. “Mayroon din, mas maraming bagay ang dapat mong ika-siya at ipagpasalamat”.
“Masaya kami dahil sa kabila ng Pandemya at kalagayan ng aming tirahan ay buo parin ang aming pamilya, walang sakit, malalakas at masisigla sa tungkulin” dito ko tunay na naunawaan ang tunay na pinag mumulan ng kaligayahan. 
Hindi ito ang status ng buhay, propesyon, nakamit sa buhay, ni hindi ito nagmumula sa dami ng kaibigan, at lalong hindi nagmumula sa salapi.
Ang kaligayahan ay matatamo ng isang tao kung magagawa mong tumingin sa mga magagandang nangyayari sa iyong buhay kahit mayroong mga pagsubok at mga problema na dumarating. 
Kapag may Takipsilim alam mong malapit nang magdilim, ngunit hindi ibig sabihin na madilim ay hindi ka na makakakita pa ng umaga, at hindi ibig sabihin na madalim ay wala nang liwanag na makikita.
Tumblr media
Ang takipsilim ay sumisimbolo sa panibagong pag-asa, panibagong sigla, na sa maghapong pag-gawa at pagod, kapag nakikita mo ang takipsilim ay naipapaalala sa iyo na makakapag pahinga ka na, malapit nang mag dilim, at isang araw nanaman ang lilipas, ngunit ikaw ay buhay, malakas, at masigla parin. 
Umuwi akong masaya, baon ang mga ala-alang hindi makakalimutan, kapiling ang isa sa pinaka mahalagang tao na tunay na hinahangaan ko. 
10 notes · View notes