Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Gender roles
Sa madaling salita ito ang tingin ng lipunan na kung saan nakasaad ang “dapat” na galaw ng isang tao base sa kanyang binigay na sex. Halimbawa dahil ako ay isang lalake ang dapat kong kilos o gawi saaking pang araw-araw ay “dapat” makisig, matapang at marami pang iba, ganoon narin pag dating sa mga kababaihan, kapag ikaw ay isang babae ang “dapat” mong kilos ay mahinhin, malinis, at iba pa.
Sa blog na ito ating tatalakayin kung paano nga ba nakakaapekto ang stereotype na ito sa bawat tao at sa ating individual human rights.
Ating simulan kung papaano makikita ang pag kakaiba ng gender roles ng mga kalalakihan at mga kababaihan sa media, Edukasyon, Trabaho, Pamilya at lipunan.
Media
Pagdating sa media, May mga salita na “dapat” ang mga kababaihan lamang ang nagamit katulad na lamang ng salitang “charot” o kaya naman ang pag gamit ng “HAHAHAHA (huhu emoji)”, may mali na agad sa mata ng mga tao sa media pag ang isang kalalakihan ang gumamit nito. Sa babae naman kapag ang babae ay nag sshare ng mga bagay ng “dapat” ang mga kalalakihan lamang ang nagsshare, tulad ng basketball, kotse, sport fights at marami pang iba. May ibang tingin na ulit ang mga tao

Edukasyon
Sa larangan ng edukasyon naka fix na sa utak ng ibang mga tao na “dapat" mataas ang grado ng isang babae. Hindi ko alam ang particular na rason kung bakit ganito ang sterotype sa isang babae ngunit meron akong theory kung bakit, Para saakin namana ang ganitong pag iisip sa ating kanununuan dahil ang mga kababaihan dati ay “dapat” mahinhin at seryoso kumbaga naging good model ang mga kababaihan, naiapply ito sa kahit anong field kasama na ang larangan ng pag aaral, na “dapat” sila ang good model, Kayat hanggang ngayon naiiapply natin sa ating edukasyon.

Trabaho
Pag dating sa trabaho nakapaloob na satin na “dapat” ang mga kalalakihan ang gumagawa ng mga mabibigat na bagay, tulad ng pag bubuhat at sa mga babae naman ang mga hindi gaano kabigat, at isa pa ay dapat ang mga kalalakihan ay dapat makisig, mabilis at malakas, at sa mga kababaihan naman ay “dapat” mapanitili ang pagiging malinis at mahinhin.

Pamilya
Naging normal na ang tingin sa isang pamilya na “dapat” ang babae ay ang nasa bahay nag aalaga sa mga anak, at ang lalaki naman ay “dapat” nag ttrabaho. Sa mata ng mga tao pag ang babae ay ang nagttrabaho at ang lalaki ang nasa bahay, mapag bababaan ng tingin ang lalaki,para saakin kaya naging ganon ang tingin ng mga tao dahil sa mga nakaraan na henerasyon ang lalaki ay ang madalas na nag ttrabaho at ang mga kababaihan naman ang nag aalaga sa mga bata o nagawa ng mga gawaing bahay.

Paano ka personal na naaapektuhan ng mga gender role stereotypes sa ating lipunan?
Sa aking personal na experince may mga times na nasasasbihan akong “kalalaki mong tao” o “lalaki kapa naman” dahil sa aking mga gawi na sa kanilang paningin ay mali dahil sa aking sex. Isa sa mga dahilan kung bakit ako nasasabihan nito ay ang pag gamit ng mga produkto na sa tingin nila ay “dapat” mga babae lamang ang nagamit tulad ng lotion o kaya naman ang pag labas ng mga damdamin na ang tingin saaming gma lalaki ay “dapat” mataapang, hindi naiyak at iba pa.
0 notes
Text
Political Dynasties
Ang Political Dynasties o Political families ito ay isang angkan ng pamilya na kung saan maraming miyembro ang nakapaloob sa politka.
Aking sasabihin kung ano ano sa tingin ko ang mga naidudulot ng Politcal Dynasties sa politika ng isang bansa.
Ano ang epekto ng pagkakaroon ng mga political dynasties sa pamahalaan?

Nakaapaekto ito sa ating pamahalaan sa mga proyektong maaring pag tulungan ng mga miyembro ng isang angkan ng political families, ito ay maaring action na ikakatungo sa masama o mabuti, naiaaply iyon sa loob ng ating pamahalaan pag dating sa mga desisyon para sa mga mamamayan. kumbaga mas nag kakaroon ng power sa mga desisyon ang mga miyembrong nasa politkal dynasties dahil sila ay mas marami.
Saan nag-uugat ang pagiging laganap ng political dynasties at political families sa Pilipinas?

Para saakin ay sa paraan ng pag papalaki ng mga magulang sakanilang mga anak o nasa society na ikinasamang mabuhay ng isang indibidwal, Sabihin natin na sa isang angkan merong iisang naseserbisyo sa poltika, at dahil sa mata ng mga tao na pag sinabing politka iba ang dating nito, ito ay bigatin, mayaman, may kapangyarihan.
Kayat ang gagawin ng mga magulang ay hihikayatin ang kanilang mga anak na mag serbisyo din sa politika dahil sakanilang angkan meron na isang nag seserbisyo gusto nila mainherit nila na magaya ang kanilang anak doon sa kapamilyang nag sesesrbisyo sa politika.
Ano ang mga positibo at negatibong epekto ng political dynasties sa ikauunlad ng bansa?

Pag sinabing Politkal dynasties ang naiisip na agad ng maramin tao ay masama ito ngunit kung ating titignan pwede rin ito maging daan upang umunlad ang ating bansa kung nasa tamang kamay.
Dako muna tayo sa positibo, para saakin ang nakikita kong positibo ay maari nilang pag tulungan at gawan ng mas mabilis na action ang isang proyekto para sa mga mamamayan, kumbaga mas mayroong coordination pag mag kakamag anak ang namumuno sa isang proyekto dahil sila ay madalas na mag kaintindihan at sumang ayon sa desisyon ng isa para sa ikabubuti ng bansa.
Sunod naman ang negatibo, saaking nasabi kanina ang coordination ng isang politcal family ay maari rin magamit sa masama katulad na lamang sa coordination ng pangungurakot sa mga mamayan, isa pa ay sa mga pag boto ang eleksyon lagi nilang ipopromote ang kanilang kamg anak kahit na ito ay may masamang record sa politika, maari nila itong takpan ng takpan upang hindi makita ang kamalian.
Sa iyong personal na opinyon, mawawala pa ba sa sistema ng lipunan ang political dynasties?
Para saakin hindi na ito matatanggal sapagkat hindi rin natin masisi ang isang angkan kung gusto nila mag serbisyo sa politika, at sa aaking pag kakaalam sa pilipinas ay malaki ang porsyentong may mag kakamag anak, kung ating tatanggalin ito malaki rin ang tyansa ang bumaba ang ekonomiya, nagiging pangit ang politikal dynasty sapagkat sa isang tao meron itong fix human sin behavior tulad ng greed, ngunit maari naman itong matugunan kung ito ay nasa tamang kamay.
Ano ang iyong opinyon tungkol sa bahaging ito ng ating 1987 Constitution: Article II Section 26: “The State shall guarantee equal access to opportunities for public service, and prohibit political dynasties as may be defined by law.”
Ako ay sang-ayon sa napahayag sapagkat may idea na lahat pwedeng mag lingkod sa publiko ngunit bawal maeelect na maalect ang bawat miyembro ng isang angkan, at ung ating titignan kung gusto mo mag lingkod sa publiko hindi mo na kailangan ng position upang tumulong.
Ngunit ako rin ay medyo naguguluhan sa napahayag sapagkat “The State shall guarantee equal access to opportunities for public service” kung dyaan sinasabi na lahat ay mas access at opportunidad upang mag lingkod sa publiko, “and prohibit political dynasties as may be defined by law.” bakit ipinag babawal ang politkal dynasties, eh ang mga miyembro ng isang politikal dynasty ay gusto rin lamang mag lingkod sa publiko.
0 notes
Text
Globalisasyon
Ang Globalisasyon ay ang integrasyon ng mga nasyon o ang pag papalitan o pag iimpluwensya ng mga produkto, kultura pati narin ang ideya mula sa mga ibang bansa.
Ang Globalisasyon ay maaring ikabuti o ikasama ng isang nasyon, depende kung paano nila ito isasagawa.
Paano nga ba nakakaapekto ang Globalisasyon sa pansariling desisyon ng isang indibidwal?
Bilang isang indibidwal nakakaapekto siya sa aking pansariling desisyon katulad na lamang ng pananamit, sapagkat ang lipunan na nakapaligid saakin ay mas gusto ang mga tatak ng mga damit ng banyaga kaysa sa mga tatak local, at ang nakakalungkot sa lahat, pag sinabing local ay nasa isip agad ng isang tao ay mumurahing damit. Hindi sa sinasabi ko na kailangan mag suot ng mga barong tagalog o saya tuwing papasyal, dapat huwag kakalimutan ang pinanggalingan upang hindi makalimutan ang orihinal na pag kakakilanlan.
Ayon ang isa sa mga masamang epekto ng sobra sobrang Globalisasyon para sa isang bansa, sapagkat maaring makalimutan na ng ang orhinal na pagkakakilanlan ng isang bansa o tao.
Meroon pa bang bahagi ng iyong buhay na maituturing mong 100% na pilipino?
Meroon, at ayon ay ang kultura na mga pilipino na pag sasabi ng po at opo. Ang pag sasabi ng po at opo ay larawan ng pag galang sa nakatatanda at ito ay isa sa mga kakaibang kultura na meron ang mga pilipino.
Isa narin ang pag mamano sa mga nakatatanda isa rin ito sa mga simbolo ng respeto ng mga pilipino.
Paano mo naiimagine ang pilipinas kung wala ngayon itong bakas ng impluwensya resulta ng globalisasyon?
Ang aking naiisip ay hindi pa tayo gaano mulat sa mga teknolohiya, ngunit napapahalagaan naman ang kultura ng pilipinas at natuto tayong hindi umasa sa ibang bansa upang makapag buo ng isang maunlad na ekonomiya kung wala ang bakas ng globalisasyon, kumbaga para saakin ay hindi pa tayo lubos unlad na bansa kumpara ngayon.
Ngunit dahil tayo ay nasobrahan sa Globalisasyon, nakalimutan naman natin ang kultura ng pilipinas at mas natuto tayong umasa sa mga ibang bansa upang umunlad.
1 note
·
View note
Text
Cycle ng poverty = lack of education = unemployment sa bansa
Sa napanood na documentaryo ng rappler makikita ang ikinakaharap na problema ng pamilyang Buenaflor. Na kung saan sila ay nakakaranas ng pagkagutom at financial na paghihirap.
youtube
Ang pamilya ng Buenaflor ay may 9 na miyembro. Si Geraldine Buenaflor, ang Ilaw ng tahanan, Si Basilio ang haligi ng tahanan sila ay may anak na 7 ngunit pumanaw ang 4. Si Gemalynn ang nag sisilbing panganay sa 3 magkakapatid, siya ay may anak ngunit walang asawa, Si Ginalyn naman ang pangalawa sa mag kakapatid, at Si Jomar ang kanilang bunsong may kapansanan.
Ang kinalang mga magulang ay walang maayos na trabaho kaya’t hindi nakapag aral ang kanyang mga anak. At Pahiwatig nila, ang kanilang paraan upang matugunan ang kagutuman ay kanilang itong tinutulugan upang hindi na maramdaman o upang malipasan ang gutom.
Atin nang suriin ang mga problema na parehong ikinakaharap ng pamilya Buenaflor at ng ating isyung panlipunan.
KAKULANGAN SA EDUKASYON
Ang unang problema na ating masusuri ay ang kakulangan sa edukasyon. Ito ay isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit karamihan sa ating mamamayan ay nakakaranas ng pag hihirap sapagkat, Sa sobrang halaga ng edukasyon ito ang nagiging susi upang ikaw ay makahanap o kaya matanggap sa isang trabaho.
UNEMPLOYMENT
Dito pumapasok ang ikalawang problema na Unemployment o ang aktibong pag hahanap ng mapagtatrabahuhan ngunit walang mahanap na trabaho. Ito ang nagiging sanhi ng pag kahirap ng ating ibang mamamayang pilipino, sapagkat wala silang mapagkakakitaan upang gastusin sa pang araw araw na pamumuhay.
KAHIRAPAN NG MAMAMAYAN
Ito ang maari na maging bunga ng ating dalawang natalakay na problema. Ito ay kondisyon na kung saan ang isang indibidwal ay may problema sa pinansyal. maaring ang sahod ng kanilang kinikita ay hindi sapat upang matugunan ang kanilang pang araw araw na gastusin.
Kung ating susuriin ang tatlong problemang nabanggit ay meroong kaugnayan sa isat isa, na kung saan kapag wala kang sapat na edukasyon, mahihirapan kang makahanap ng trabaho at magiging isang Unemployed na mamamayan, at kapag ikaw ay walang trabaho, ikaw ay mawawalan ng pag kakakitaan na kailangan upang matugunan ang pang araw araw na gastusin at mapupunta sa kahirapan.
Ngunit sino ba ang may responsibilidad sa ganitong suliranin?
Bawat isa ay meroong dahilan kung bakit sila ay nakakaranas ng kahirapan. katulad na lamang sa isang indibidwal na humaharap sa kahirapan, maaring ang kanilang kahirapan ay namana mula sa kanilang mga magulang. O kaya naman ang mga Unemployed na kung ating iisipin, kaya’t hindi sila natatanggap ng mga business sectors ay dahil sa wala silang bakante para sa iba pang mga employado. O kaya naman dahil ayaw ng mga may ari ng companya na pumalya ang kani kanilang mga negosyo. Ngunit meroong isang pag aaral na kung saan, ipinatunay na may malaking pag kakaiba ang katalinuhan at kaalaman. Dito sinasabi na dapat hindi maging basehan ang natapos ng isang tao lalong lalo na sa mga kulang sa eduksasyon sapagkat may kakayahan rin silang ipakita ang kanilang makakaya sa pag tratrabaho. Ito ay naging pag asa sa mga mamamayan na Unemployed
0 notes
Text
CLIMATE JUSTICE
Dahil sa mga aktibidad na ginagawa ng mga tao at ng malalaking companya tulad ng mga planta na nag dudulot ng polusyon sa ating himpapawid at maging sa lupa at tubig. Ay nag dududlot ito sa buong daigdig na tinatawag nating “Climate Change” o ang “Pag babago ng klima”
Ang ebidensya ng pag babago ng klima ay ang di normal na pag taas ng tubig sa karagatan, ang biglaang pag ulan sa mainit na panahon, ang malubhang pag tutuyot ng mga palayan at maraming pang iba. Dahil sa mga pangyayaring ito maraming mamamayan ang napapahamak, kaya’t humihingi sila ng hustisya sa kanilang pinag dadaanan o ang tinatawag nating “Climate Justice”
Ano nga ba ang Climate Justice?
“Climate justice” is a term, and more than that a movement, that acknowledges climate change can have differing social, economic, public health, and other adverse impacts on underprivileged populations.
Napagtanto ng mag sasaka, mangingisda at ang mga mamamayan na nasa tabing dagat sa ibat ibang panig ng mundo, na bakit sila ang lubhang natatamaan ng mga kalamidad o pinsala, mga pinsala na may kakayahang kumuha ng buhay ng kanilang mga minamahal na miyembro ng pamilya. Kaya’t sila ay nag taas ng boses upang ipaalam sa mga nakakataas na ang kanilang pinag daraanan ay hindi biro. Nais lamang nilang humingi ng hustisya sa kanilang pinag daraanan, gusto lamang nila na maging pantay pantay ang bawat isa.
Ano ang ginawang aksyon ng mga bansa ukol dito?
Nang marinig ng mga nakakataas sa ibang bansa ang isyu tungkol dito, sila ay nag tipon tipon sa France noong December 12, 2015, mahigit 197 na bansa ang dumalo upang pag usapan kung paano nila tutugunan ang suliranin.
Napagtanto nila na halos 90% ng mundo ang nag lalabas ng Greenhouse gases na nakakasama sa ating kalikasan, kayat ang solusyon ay ang pag pag baba ng pag produce ng greenhouse gases ng mga kompanyang planta sa ibat ibang bansa.
Ninanais nilang huwag na tumaas sa 2 degree celsius ang temperatura sa ibat ibang panig ng mundo.
Ano naman ang ginawa ng mga tao upang mapigilan ang pag lala ng climate change?
Ang mga tao ay naging sanhi ng mga pangunahing pagbabago ng klima na nangyari na, at naipatakda namin ang higit pang mga pagbabago. Gayunpaman, kung tumigil tayo sa pagpapalabas ng mga greenhouse gases ngayon, ang pagtaas ng mga pandaigdigang temperatura ay magsisimulang patagin sa loob ng ilang taon. Ang mga temperatura ay magiging talampas ngunit mananatiling mataas na mataas sa loob ng maraming, maraming mga siglo. Mayroong isang oras lag sa pagitan ng kung ano ang ginagawa namin at kung kailan natin ito nararamdaman, ngunit ang pagkahuli na iyon ay mas mababa sa isang dekada.
Sila ay nag lagay ng presyo sa pag bili ng carbon, nag tipid sa pag gamit ng enerhiya at ng gasolina para sa mga sasakyan at iba pang tranportasyon, pag papatayo ng wind at solar power, pag protekta sa mga kagubatan upang mabawasan ang carbon dioxide at ng iba pang mga gases na nakakapag trap ng init sa ating daigdig.
Ano nga ba ang mga epekto ng climate change sa indibidwal? Sa isang bansa? Sa mundo?
Ang naging epekto nito ay ang pag kakaroon ng mataas na tsyansa na mag ka sakit ang mga tao dahil sa pabago bagong init at lamig ng klima, naapekto rin dito ang ating ekonomiya sapagkat maraming mag sasasaka ang nahihirapan sa pag papatubo ng palay na kinakailangan ng mga tao sa pang araw araw. Mas napapadalas na ang pag dalaw ng mga bagyo o kalamidad sa ibat iabng bahagi ng mundo, ang pag kawala ng mga tirahan ng mga hayop sa gubat na nagiging dahilan ng pag kawala ng biodiversity sa isang lugar. Isang halimbawa nalamang nito ay ang pag tunaw ng yelo sa artic sea.
Maaring nailagay natin ang sariling mundo sa panganib, ngunit hinding hindi pa huli ang lahat upang bumawi, at makakamit natin ito sa pamamagitan ng pag tutulungan.
“Kung di tayo kikibo, sino ang kikibo? Kung di tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi ngayon, kailan pa? “
- SARMIENTO, Abraham Jr., P.
0 notes
Text
Once Upon a Tune
Kantang inilahad ni Gary Granada
Dahil hindi pa ganoon kaganda ang teknolihiya noon, ang naging paraan ni Gary Granada upang ipahiwatig ang kanyang kanta na tumutukoy sa mga bulag na katotohanan ukol sa ating gobyerno ay ang pag kanta sa madla.
Sapagkat ang kanta niyang “Once Upon a Tune” ay tumutukoy sa mga isyu ng ating politika, na hanggang sa kasalukyan ay nangyayari pa.
Ngunit bakit nga ba ito ginawa ni Gary Granada? na sa dinami dami ng puwedeng maging kanta naging tungkol sa politika pa. Nais niya imulat ang mga mata ng mamamayan at sabihin na hindi lahat ng nakakataas ay tama.
Ano-ano nga ba ang mga liriko ang nag papatama sa ilan nating gobyerno?
1.
Kapag ang taongbayan
Ay may problema
Dalawang tenga, dalawang mata
Laging nakasara
Ito ay nangyayari sa kasalukuyan, marami ang nangangailangan ng tulong ngayon sa kalagitnaan ng pandemya, ngunit kadalasan ito ay hindi nabibigyang pansin ng ating gobyerno dahil sa kadahilanang may mga isyu silang ginagampanan na mas mahalaga kuno, kaysa sa pilipinong mamamayan na sumasaklolo. Ngunit hindi sila lahat ganito, may mga gobyerno rin ang hangarin ay ang tulungan ang mga pilipino.
2.
Doon po sa amin, libreng pagamutan
Alay ni Congressman sa may kapansanan
Nabingi ang bulag, nabulag ang pipi
Napipi ang pilay, napilay ang bingi
Ipinapahiwatig dito na imbis na matulungan ang tao ay nag dadagagan pa ang problema nito, kumbaga nag papakitang tao lamang ang pamahalaan o gobyerno masabi lamang na sila ay kumikilos, upang hindi mabatikos ng mga tao.
3.
My nephew, my niece, my brother and sis
My nephew, my niece, my brother and sis
My nephew, my niece, my brother and sis
Are all political appointees
Isa ito sa mga nag paparesulta ng protesta sa bansa, sapagkat kapag kabilang ang isang tao sa politikal dynasty ng isang pamilya ay maari siya ilagay sa posisyon na hindi siya karapat dapat. maraming pilipino ang hindi sasang-ayon ngunit wala silang magagawa sapagkat hawak hawak siya ng matataas na posisyon ng politika.
4.
Sampung mga daliri, panay malilikot
Nangangalabit, nandidikta at nangungurakot
Madudungis na ngipin ng pulitiko
Luho, bisyo, pati tinga pera ng publiko
Ito ay isa sa mga pinaka kilalang isyu pag dating sa politiko.Tulad na lamang ng ayuda na parang kandila kung kumonti, ang mga pondo na gagagmitin sana sa ekonomiya ng bansa naglaho nalang bigla, nakakapagtaka lang na sa tagal nang pag nanakaw ay nagagawa paring umutang sa World Bank.
5.
Bahay kubo nang tumakbo
Ay naging palasyo nang nakaupo
Sugal at inom, sigarilyo't babae
Libreng personal na grocery
Minsan may mga kandidato na nais malagay ang kaniyang sarili nya sa isang posisyon, hindi sa intensyon na tulungan ang bansa, kung hindi para matulungan ang sarili nya, mag karoon ng kapangyarihan na makuha kaagad ang hinahangad niya. Jim Juanata Grade 10 - Dalton
1 note
·
View note