Video
youtube
San Juan, Batangas Travel Requirements | September 2021
Kabayan Beach Resort
Bago pa dumanak ang lagim last year, mahilig na talaga kaming magpunta sa Beach. Bukod sa Boracay, madalas kami sa San Juan, Batangas dahil malapit lang sa Manila at maraming magagandang resort. Pero simula 2020, things will never be the same again, sabi ni Melanie C. Mejo may obstacle course na dadaanan bago ka makapag-beach sa Laiya. Watch the video nalang para malaman niyo kung ano ang mga criteria para makapunta sa San Juan, Batangas simula ngayong September 2021. Good luck sa ating lahat!
1 note
·
View note
Video
youtube
First time kong makasakay sa double decker na bus at mas exciting pa kasi open-air ang kalahati ng 2nd floor nito so kitang-kita ang buong paligid habang nag-iikot kami sa Taipei. Mabuti nalang at hindi umulan at nakapag-video kami outdoors. 1 hour lang ang pag-ikot ng tour bus pero sulit na sulit, lalo na at gabi kami nag-tour so maraming ilaw sa paligid.
0 notes
Video
youtube
Pasalubong Items From Japan Hinding-hindi ako magsasawa sa Japan. Bata pa lang ako, mas pinangarap ko talagang makapunta sa Japan kesa sa USA. As in never kong pinangarap makapunta sa states kahit ang mga kalaro at classmates ko, yun ang biggest dream nila. Malaki ang naging impluwensya ni Sailor Moon at ni Ellen Nishiumi (Oh Tokyo) sa akin. Hanggang ngayon, pangarap kong gawin ang ginawa ni Ellen Nishiumi sa Japan. Yung maglilibot ka lang sa Japan at dadaldal in Nihongo tapos ita-translate mo sa Tagalog. Mala-tourist guide sa TV. Given a chance, gagawin ko yun talaga kaso wala nang WINS. Yun ang cable channel kung saan pinapalabas ang Oh Tokyo dati. Natupad na ang pangarap kong makarating sa Japan pero hindi dun nagtatapos. Yun lang ang simula. And by the way, masarap mamili sa Japan ng kung ano-ano. Hindi namin namalayan na halos isang buong balikbayan box na pala ang napamili namin.
0 notes
Video
youtube
Back in 2019 nung nasa Tokyo kami, na-tempt talaga akong mag-ice skating sa Tokyo Skytree. Naglagay sila ng pop-up ice skating park sa outdoor deck na super lamig. As in parang outdoor aircon ang pakiramdam sa lamig. Sa loob naman ng mall, mainit at pagpapawisan ka talaga. Pero hindi ko na tinuloy ang maitim na balak ko dahil ayokong bumulagta, gumulong at gumapang sa ice at tuluyang mapahiya sa harap ng mga makikinis at mapapayat na hapon. Baka akalain nila, ibinalik ang Takeshi's Castle sa Japan.
0 notes
Video
youtube
Sensoji Temple | Nakamise Arcade | Asakusa | Tokyo | Japan Balikan natin saglit ang Sensoji Temple sa Asakusa, Tokyo, Japan na pinuntahan namin nung December 2019. Sa totoo lang, amoy siga ang paligid. As in amoy usok ng siga. Sayang lang ang pabango dahil amoy tinapa ka na pag-alis mo dito. Siguro sa susunod, ito ang pinaka-huling lugar na pupuntahan namin sa buong araw. Maraming mapupuntahan sa paligid sa buong maghapon. Sa susunod na punta namin sa Tokyo, dapat 2 or 3 weeks para hindi nagmamadali sa isang lugar. Bukod sa Nakamise Arcade, maraming shopping street sa paligid na hindi kayang ikutin sa buong maghapon.
0 notes
Video
youtube
My Starbucks Stainless Steel Mug Collection
2019 ako nag-start mag-collect ng Starbucks stainless steel mugs. Yung naka-sale na red Christmas mug ang unang-una kong nabili for p696 sa Starbucks Libis na malapit sa AllDay Supermarket. Ngayon, wala nang mabibili na ganun kamura. Hindi rin ganung kadalas maglabas ng stainless steel mugs ang Starbucks worldwide kaya mejo mahirap siyang i-collect. Konti lang din ang nagko-collect ng ganitong klaseng mug unlike yung mga tumblers.
Karamihan ng mugs na nabili ko ay galing sa Japan, China, Taiwan at South Korea. Meron din from Hong Kong, Malaysia, UK, USA and Dubai. Ang halaga ng mga mugs na ito ay mula 2k - 4k each. Hindi pa kasama ang shipping fee sa presyong yun kaya mejo magastos siya sa totoo lang. May ilang fake na kamukha pero halata naman kasi printed lang logo sa kanila. Kadalasan, embossed sa mug mismo ang logo ng original na Starbucks stainless steel mugs.
Sa ngayon, naghihinay-hinay muna ako sa paghahanap ng mga kulang kong mugs sa collection ko kasi magastos talaga siya. Mejo hindi pasok sa budget sa ngayon at may mga bagay na mas dapat unahin. Kapag nakaluwag-luwag na, sisimulan ko ulit maghanap ng mga kulang na mugs sa collection ko.
0 notes
Video
youtube
Sa totoo lang, wala naman talaga akong balak ilabas ang video na ito. Walang ganap masyado at iisa lang ang eksena. Pero after 2 years, na-realize ko na baka hindi na pala maulit ang ganung eksena. Ang dami kong naisip nung nakita ko sa hard drive ko itong video na ito. Baka cancelled na ang Alay Lakad for good. Baka yung ibang nakunan sa video na ito, wala na pala dahil sa lagim. Baka hindi na maulit muli. So naisip ko na i-share nalang ang video na ito. Sana kahit papano, makatulong sa kahit anong paraan man lang.
0 notes
Video
youtube
RSAM Beach Resort | Nasugbu Batangas So one month ago, pumunta kami sa RSAM Beach Resort sa Calayo, Nasugbu, Batangas. Hindi siya white sand pero sobrang natuwa kami dahil napaki-usapan namin sila na may dala kaming mga dogs. Hindi lahat ng resort sa Calayo ay pumapayag sa pets. And by the way, sobrang pino ng buhangin at hindi mabato. Kebs na kung hindi white sand dahil hindi na kami choosy sa panahon ngyon. Hindi buwis-buhay ang pagsu-swimming dito dahil safe talaga. Just make sure na nakabantay sa mga anak niyo at sa mga kasamang hindi masyadong marunong lumangoy dahil mejo maalon dito. Mejo marami din ang mga vendors dito na lalapit sayo habang nagrerelax. Bukod sa tinda nila, may mga baon din sila na drama habang binebentahan ka. Bumili lang ako ng banana Q, aba nagpaparinig na si manang ng pang-puhunan sa negosyo. Kaloka! Gusto ko lang naman kumain ng banana Q. So ayun, nabudol ako ni manang ng p200. Sana makatulong pang-puhunan ng banana Q niya kinabukasan kahit papano.
0 notes
Photo

Toilet! (at NAIA Terminal 3 - International Departures)
2 notes
·
View notes
Photo

#FrozenBanana #AvocadoIceCream
1 note
·
View note
Photo

#UnliAvocado #Avocado #HomeMadeAvocadoIceCream
0 notes
Photo

#UbeBread #UbeCookie UbeNaHindiLasangUbe
0 notes
Photo

#LupangHinirang #SaLangitMongBughaw #ManilaSunset
0 notes
Photo

#EastwoodCity #ChiPin #HappyDogs #Viber #Twitter (at Eastwood Citywalk)
0 notes