sonacelac
sonacelac
Untitled
2 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
sonacelac · 5 years ago
Text
Pag-usbong Ng Mga Bagong Salita
Sa Panahong ito, madami na tayong nagagamit at nalalaman mga bagong salita, mga banyaga man o gawa gawang wika man. Ito’y lahat ay nakakaapekto sa ating orihinal na wika dahil binibigyan ito ng paghahalo ng wika at pagbabago nito. Sa kasalukuyan lahat ng mga tao ay nakakaimbeto ng mga bagong salita’t kahulugan. Bata o matanda man naiimplowesyahan tayo dahil sa pagsikat o pagginging patok ngayon dahil na rin sa social media at patuloy ito nagbabago. 
Para saakin sa na panood kong video tungkol sa pagbabago ng salita (ang link ay nasababa), totoong nagbabago talaga ang mga salita natin at may nadadagdag sa ating wika. Hindi ko rin masisi kung nagbabago ang wika dahil kasama narin sa pagunlad ng salita’t wika, walang limitasyon ang pagbuo o pag gawa ng wika. Ang masakit ngalang ay ang unti unting pagkakawala ng sariling pambansang wika, nakakalungkot lang ang magiging pangyayari na ito ngunit sa lahat ng tao o mamayan ng bansa natin nabubuhay parin ang pambasang wika’t salita natin.
Masakit man lang isipin ngunit ganoon talaga ang buhay at pati narin ang mga wika ay nagbabago kada oras, ganoon talaga ang buhay dito kailangang sumabay at tanggapin nalang natin ang mga ito. 
Link: https://www.youtube.com/watch?v=pcOpw0Y8rB4
Tumblr media
0 notes
sonacelac · 5 years ago
Text
Kahalagahan Ng Wikang Filipino
Ang Wikang Filipino ay isa sa mga mahalagang bagay na nagagamit natin sa ating buhay bilang isang mamamayan ng bansang Pilipinas o Filipino. Ito’y nagbibigay saatin ng tulay at pagkikitungo sa ating kapwa filipino, kahit ito’y isang wika lamang dito tayo nabubuo at nagkakaisa. Kahit madaming iba’t ibang wika sa ating bansa, tayo ay nagkakaintindihan parin dahil sa ating pagkakaisa sa paggamit ng Tagalog (ito’y masasabing pangunahing lengguahe ng mga filipino). Mahirap naman kung hindi tayo nagkakaisa’t nakakaindintihan sa isa’t isa. Ang sariling wika natin ay nagpapakatao saatin at nagiging pagkakakilanlan bilang isang mamayan ng ating bansa. Ng pahanon ng nakalipas, Madaming taong nagsakripisyo ng kanilang buhay upang maipaglaban ang sariling basa’t wika natin, malaki ang respeto ko sa mga taong nagbuwis ng kanilang buhay upang maiangat ang bansa natin sa panahong taghirap. Hindi rin kasi biro ang balewalain ang ating sariling wika dahil parang pagtataksil ang ginagwa mo. Huwag natin sayangin ang mga sariling gawa natin, dapat tayo’y maging mapagmalaki sa ating bansa,kultura,wika’t layunin.
Ang aking opinion sa video ay dapat kailangan natin ipreserba at pagaralan ang ating sariling wika sa madaling at nakakatuwang pagtuturo. Hindi ko rin masisisi kung bakit tayo lumalayo sa ating origihinal na wika dahil sa history natin dahil madaming sumakop saatin, ang Ingles ang nagpabago sa ating wika dahil dito nagkakaroon tayo ng Taglish na mga salita at natuto tayong mag ingles.. Hindi rin natin mapigilan ang pag iiba o paguunlad ng wika dahil sa mga panahon na ito hindi na tanyag ang mga malalalim na salita at nasisira ang wika natin dahil sa pagbabago ng gamit ng salita. Mahalaga parin itong pagaralan ,pagmalaki, at pagcelebrasyon ngunit wala tayong magagawa sa mga nagagwawang pagbabago ng wika dahil sa pagbabago ng panahon. At sa huli dapat nating pasalamatan ang ating mga guro na nagtuturo ng sariling wika natin kahit anong liit ng turo, maituturing natin silang mga bayani ng ating basa dahil binibigyan nila ng kahalagahan ang wika natin at itinuturo ito sa atin. :D
https://www.youtube.com/watch?v=PWypLTSk27o Naka base po ito sa itong link
Tumblr media
0 notes