storiesuponexperience-blog
storiesuponexperience-blog
Now I Know
18 posts
Anonymous "Its better to hide your identity to express your feelings" Ps. Im a girl
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Fresh Graduate
Hirap pala no? Kala ko nung una pag nakagraduate kana ang dali na lang ng life hanap ka ng work then pwede mo na gawin ang gusto mo kaso it turns out na ang dami mo pa lang kelangan pag daanan ang daming process para maachieve mo yung goal mo. Ang hirap pala pag fresh graduate ka especially sa part na kelangan mo na maghanap ng work. Dyan na pumapasok yung pressure, frustration, pagod at iba't-ibang emotions na di natin maintindihan. Nakakapressure. Yung tipong tatanungin tayo ng ibang tao ng "may work kana?" "kelan mo balak magwork?" "san ka nagwowork?" "naghahanap ka ba?". Kadalasan pamilya or relatives natin nagtatanong eh so sa point na yon nakakapressure talaga pati nga mga kapitbahay namin na diko kaclose tinatanong ako eh hahaha. Nakakapressure din para sa sarili natin na yung mga kabatch natin unti unti ng nagkakawork tapos tayo heto tambay at asa pa din sa magulang diba? Frustration. Nakakafrustrate isipin na bakit hanggang ngayon wala pa din akong work? Naghahanap naman ako. Naiinvite sa mga interview pero madalas ang maririnig eh "we will call you" ang hirap panghawakan ng mga salitang yan, ang hirap umasa sa walang kasiguraduhan. Bakit hindi na lang nila tayo diretsuhin no? Para naman sa una lang masakit para maka-move forward agad tayo. Nakakatanga kasi magisip eh kung ano pang kulang satin. Pinaghandaan ko naman ang moment na yon. Hays ewan nakakafrustrate talaga!! Nakakapagod. Nakakapagod maghanap! Oo sobrang nakakapagod. Sobra sobrang pagtitiis tapos rejection lang mapapala. Pero ganon talaga ata baka hindi ata talaga para sakin yon. Nakakapanghina ng loob pero kelangan stay positive lang. Kasi kung will ni Lord para yon ibibigay nya. Sabi nga "God's favor is better than a thousands of labor" hihintayin ko na lang yung perfect time ni Lord sakin basta gagawin ko yung part ko. Maghahanap ako ng maghahanap hanggang sa dumating yung perfect na job para sakin. Syempre sasamahan natin ng dasal para alam natin na may patutunguhan lahat ng sacrifices at hardwork natin. Sana sa susunod pag binasa ko to matatawa at mapapathank you Lord na lang ako kasi di ako sumuko siguro sa mga time na yon may work nako? Sanaaa!! I pray in Jesus name hihi AMEN 😇
0 notes
Text
Usapang sikat....
*While watching tv biglang nagcommercial mmk teaser ni jessy mendiola*
Inay: nalaos na yang si jessy eh
Tatay: buti nga at nalaos, ikaw naman di man lang sumikat
Me & ate: Hahahahahahahahahaha utas
Inay: Sa galing!!!
Feel ko fan si tatay ni jessy hahahahahahaha
0 notes
Photo
Tumblr media
12 OVERUSED PAASA LINES DEDICATED PARA SA MGA “TANGA SA PAG-IBIG” 
Yes. At kung hindi ka pa rin informed, ikaw yung tinutukoy kong…tandadadannnn……
~*Tanga sa Pag-ibig*~
Dahil patuloy mo pa ring pinanghahawakan ang mga linyang “Laban, Laban.” ng SexBomb. Well, lahat naman talaga nagpapakatanga pagdating sa love. Pero merong iba na na kinarir ang pagiging Degree Holder.
So para mabawasbawasan ng konti ang, alam mo na, dapat aware ka sa mga paasa lines na madalas nilang ipang-lure para makuha ka niyang muli sa kanyang bitag for the nth time.
1. “Ayokong mawala siya pero mas ayoko ring mawala ka.”
“Takaw mo naman! May pa-buffet?”
“Ganid natin sa blessings ah. Isa-isa hoy.”
“Baka gusto mong ikaw yung unang mawala?”
“Wow. Hilig mo pala sa wholesale. Eh di sana dun ka sa Divisoria nagpunta. Pwede ding humingi ng tawad dun!”
2. “Masaya na ako sa kung anong meron tayo ngayon.”
“So feeling contented ang trip ganon? Eh paano pag hindi na tayo masaya? Iwanan portion na?
3. ““Nag-assume ka kasi eh.”
“Wow. Ako talaga yung na-judge. Hindi ako tuluyang mag-aassume kung sa simula pa lang hindi mo na ako binigyan ng dahilan para mag-assume.”
4. “Mas ok yung hindi natin pinagsisigawan ang relasyon natin. Ang mahalaga mahal natin ang isa’t-isa.”
“Sinabi ko bang magpa-presscon ka?”
“Hoy. Making your relationship private is different from making it a secret! sana nagkakaintindihan tayo sa part na ito.”
5. “Atleast kapag mag-bestfriend hindi naghihiwalay.”
“Kontinente nga naghihiwalay. Ang sabihin mo, ayaw mo lang talaga ng commitment.”
“Bes bes, sorry pero I don’t settle for less.”
“Paasa ka mukha ka namang paa!”
6. “Hindi ko naman sinabing mahalin mo ako eh.”
“Wow. May kontrata tayong pinermahan?”
“Hindi mo nga sinabi pero ipinaramdam mo naman. Dapat sinabi mong magmanhid-manhidan din ako para fair.”
7. “Kung tayo talaga, tayo talaga.”
“Malamang. Alangan namang ‘Kung tayo talaga, eh di sila.’ Talino ng logic.”
“So kapag tinamad ipapaubaya na lang sa tadhana? Gawin mo part mo. Gagawin ko part ko. Walang tadha-tadhana dito. Abala siya sa lovelife ng Jadine.”
8. “Mahal naman kita, hintayin mo lang ako, hihiwalayan ko din siya.“  
“Ahhhhh… timeline ko pala yung kelangang mag-adjust dito. Ilang beses mo na yang sinabi pero hanggang ngayon kayo pa din tapos ako hopia pa din!”
9. “Kung anong meron sa’tin enjoyin nalang natin.”
“Pwede bang bago natin enjoyin, can you please expound the word “SA ATIN.”?
10. Kung hindi man tayo ang magkatuluyan .Wag mong kalimutan andito lang ako.”
“Kung hindi man tayo magkatuluyan, ikaw na lang ang tutuluyan ko!!”
“Hindi naman talaga kita makakalimutang hayup ka!”
11. “Hindi naman natin kelangang lagyan ng label ang relasyon natin.”
“Huy. Lahat ng bagay kelangang lagyan ng label. Yung de lata nga dapat merong label para malaman mo kung alin yung sardinas sa cornbeef. Yung relasyon pa kaya na may involve na feelings!”
12. “Mamamatay ako pag nawala ka.”
“Huyyy. Mag-eexpect talaga ako jan ah. Aabangan ko yan.”
“SAMPLE SAMPLE!!!”
583 notes · View notes
Text
3 reasons kung bakit malayo or napapalayo tayo kay God.
1. Akala natin hindi tayo tanggap ni God/ We are not accepted by God.
2. Gusto pa natin mag “enjoy” sa mundong ginagalawan natin/ We still want to “enjoy” the world.
3. Feeling natin close na tayo sa kanya/ We are “close-enough” to him.
0 notes
Text
Laro?
Him: Naglalaro kaba ng dota?
Me: Hindi nga ako matuto diko magets nagtry kami noon sa compshop nauwi sa super mario paglalaro namin.
Him: Hahahahaha eh sa cp mo ano mga nilalaro mo?
Me: Wala hindi naman ako mahilig sa laro-laro na yan alam ko kasi yung feeling ng pinag-lalaruan hahahaha chos
Him: Hahahaha naka-hugot agad e!
0 notes
Text
Ako ‘yung kaibigan na kapag nagpapayo, hindi kita kukunsintihin. Ang sa akin is kokontrahin ko 'yung katangahan na balak mong gawin. At kapag nasabi ko na ang kailangan sabihin at hindi sinunod. Hindi pa rin ako mawawala, hindi ako magsasawang magbigay nang payo. Alam ko kasing kailangan ako. Mas nanaisin kong masaktan sa katotohanan ang mga kaibigan ko kesa sa magbigay ng pekeng payo na mag bubuild up ng mga fantasy sa isip nila.
Gusto ko matutunan at maramdaman nilang mapagod. Para sa oras na handa na ulit sila lumaban pagkatapos magpahinga, pwede ulit nila itanong sa sarili nila ang salitang.. “May mapapala pa ba kapag umulit pa, parang okay na ata ako?”
213 notes · View notes
Text
4 months, 4 fvcking months!!
Well four months lang naman akong tambay sa bahay. Bat kasi kelangan pa iadjust ang pasukan e. Pero sabagay sanay naman ako na ako lagi ang nagaadjust kahit mahirap wala ka naman kasing magagawa just go with the flow lang ganern pak. Okay balik tayo sa ipinagpuputok ng butsi ko kasi naman heto ngat wala pang isang buwan na bakasyon e inuugat nako dito sa bahay ano pa kaya sa loob ng 4months? Tinubuan nako ng sanga, dahon at bunga ganon? Hahaha okay medyo oa, Pero sersyoso bat kasi sa kamalas-malasan nagkasabay pa yung defense namin at yung exam para sa summerjob. Syempre pipiliiin ko yung defense namin haler baka pag inuna ko yung exam may summerjob nga ako may summer class din naman hays hindi talaga para sakin yon parang IKAW. Choossssssss!! Help me naman san merong summerjob? 
0 notes
Text
Bully + Pikon = Happiness
Habang kumpulan kami sa room nina parents nagpprepare sila kasi nga sisimba.
Inay: *naka jogger pants, loose shirt na parang crop top then adidas shoes* (bagets na bagets datingan ni mother hahahaha)
Tatay: San ang zumba? Orayt rock n’ roll to the world *w/ matching hand signals pa ni kuya rems sa showtime* 
Me and sis: Hahahahahahhahahahahahaha *utas na sa katatawa as in*
Me: Grabe kayo hahahahahaha kagabi nya pa kaya yon plinantsa hahaha
Inay: Hindi ga bagay? *medyo pikon na*
Tatay: Oa naman ng dalawang ari tinatawan ka! *tas biglang* Asan jumping rope mo? Orayt rock n’ roll to the world.
Me and sis: *Utas na naman katatawa this time naluluha nako kakatawa* Hahahahahahahahaha
Tatay: Saan ang venue? Orayt rock n’ roll to the world!
Inay: *pikon na talaga hahahahaha* Pede namang sabihin na hindi bagay. Makapagpalit na nga ng pants.
Habang nagpapalit biglang nakabanat si tatay ng
Tatay: Ano ba yan baby fats o belly fats? Orayt rock n’ roll to the world. *Hinawakan pa tyan ni mother hahahaha*
Me and sis: *Higa na sa katatawa* hahahahahahaha
0 notes
storiesuponexperience-blog · 10 years ago
Text
Tama nga naman!
Kapag single daw puro HUGOT eh pano kapag taken puro BAON ganon? 
2 notes · View notes
storiesuponexperience-blog · 10 years ago
Text
14 ETIQUETTE KUNG PAANO MAGPAPANSIN KAY CRUSH NG VERY LIGHT
Tumblr media
1. Iwasang maglike sa mismong status at picture.  Ilike lang yung mismong reply niya sa mga comment para solo mo ang notification.
2. Kapag nagpost siya ng picture, wag agad ilike. Baka matabunan lang ng ibang likers  kapag nakisabay ka. Pakalmahin at pahupain ang sitwasyon. Wag sa peak season. Magcomment 4 hours after.
3. Wag basta ‘Hi’ o ‘hello’ lang. Dapat, “Hi koya. Alam ko mapapansinin mo din ako someday. :D” Lagyan ng ‘someday’ para hindi magmukhang atat.
4. Kapag magfflood likes sa profile niya, palima-lima muna. Wag kang ganid. Bukas naman yung iba para may tira pa. Tandaan,  ang kalandian binubudget din.
5. Pero kung gusto mong magpakawalwal sa paglilike dahil sa tindi ng emosyong nadarama mo, dun ka sa instagram feed niya. Mas safe dun kasi walang instagram yung mga tiyahin mo. Walang magjujudge sa’yo na malandi ka…kasi medyo tago.
6. Don’t ever chat like, “Hi. Pwede pong makipagkaibigan?” Ano yun parang nagsosolicite lang sabay abot ng sobre tapos friends na agad? Ang friendship pinag-eefortan yan hindi basta tinatanong lang. 
7. Ingatan ang dangal when stalking sa profile niya. Baka aksidente mong ma-like yung picture niyang bakat ang utong ‘posted 4 years ago’ pa. Kalma lang when scrolling.
8. Kapag nagpost siya ng joke, wag “haha” lang. Mukhang napipilitan. Dapat “HAHAHAHAHAHALaplapinMoKoHAHAHAHAHAHAHA!!!!” Gets na niya yun.
9. I-compliment mo na lang yung bagong bili niyang jacket hindi yung puro ka “Musta?”. Isang ice-cold na “Okay lang.” ang isasagot niya. Wala pa siyang balak mag-open up agad sa’yo tungkol sa nawawala nilang tabo.
10. Kapag nagpost siya ng selfie na kumakain o may hawak na pagkain, wag na wag magcomment ng ‘Sarap naman’. Then wala pang tatlong minuto, sabay PM din ng, ‘Sarrrrap naman.’ Wag kame!  Alam ng lahat na hindi pagkain yung tinutukoy mo. ‘
11. Wag banatan ng comment na, “Uwi ka na babe. Di na ‘ko galit.” Hindi yan nakakalaki ng dede. Wala siyang pake kung galit ka. Uuwi siya kung kelan niya gusto.
12. Hindi porket nagreply lang sa chat mo, yayayain mo na agad lumabas para magkape. Baka isipin niya nagnenetworking ka. Ang uso ngayon, net-twerking.
13. Wag maging desperada when stalking. Wag mong hayaan ang sarili mong makarating sa proflie niya until the date he started joining FB. Hindi yan pantawid-gutom. Magsaing ka muna.
14. Kapag ginawa mo na ang lahat pero dedma pa din, ichat siya sa huling pagkakataon. Wala kang kailangang sabihin. Wala kang kailangang ipaliwanag. Pakyuhan mo sabay unfriend. 
1K notes · View notes
storiesuponexperience-blog · 10 years ago
Text
WHAT IF PURO HUGOT NA LANG ANG MGA PINOY?
Tumblr media
HUGOT #1
“Minsan kelangan mo talagang ipagsigawan para marinig yung totoo mong nararamdaman.”
— Desperadong Magtataho
HUGOT #2
“Oh yes! Fishball vendor ako. Fishball vendor lang ako….. And I’m so stupid to make the biggest  mistake na lagyan ng chili powder ang sauce mo!”
—Fishball vendor na Jumojolina
HUGOT #3
“You gotta learn how to fix what’s broken.”
– Karpinterong Pinag-OT
HUGOT #4
“Waiter. Isang malamig na beer nga. Yung kasing lamig ng pakikitungo sa’kin ng crush ko.” 
— Emoterong Customer
HUGOT #5
“Wow. Ang mura naman ng paninda niyo.”
“Takot na kasi akong magmahal. :(”
– Fish Vendor
HUGOT #6
“Dun tayo sa EDSA! Malay natin may magawa ang gobyerno sa feelings natin!” #SeparationOfCrushAndFeelings”
– Aktibistang May Personal na Pinaglalaban
HUGOT #7
"That’s the thing about pain. It demands to be felt.”
— Doctor to a Maarteng Pasyente
HUGOT #8
“Kapag mahal. Handa kang humingi ng tawad.”
– Kuripot na Customer sa Palengke
HUGOT #9
"Ayoko ng tinatapakan ako, ayoko ng masikip, ayoko ng mabaho, ayoko ng walang tubig, ayoko ng walang pagkain, ayoko ng putik!”
— Haggard na Empleyado sa loob ng MRT
HUGOT #10
Holdaper: “Ibigay niyo lahat! Kung ayaw niyong masaktan!”
Biktima: “Ganyan din sabi ng ex ko pero sinaktan din ako sa huli!”
HUGOT #11
“Ok na yung sa SSS at PhilHealth ko.”
“Eh yung PAG-IBIG mo?”
“Ikaw bro.”
“Bro”
“bro”
HUGOT #12
“Siguro kaya tayo iniiwanan dahil may darating pang iba – ‘yung hindi tayo sasaktan at paasahin…’yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin.”
– JumaJohn Lloyd na pasaherong inagawan ng Taxi
HUGOT #13
“Oh luwag pa dito! Yung hindi niyo na kailangang ipagsiksikan yung sarili niyo sa iba!”
— Barker ng Jeep na Heartbroken
HUGOT #14
“Barya lang sa umaga ha. Mahirap yung sa simula pa lang buo na agad ang ibibigay tapos hindi naman masusuklian.”
– Manong Drayber
HUGOT #15
“Minsan, kailangan mong umiwas para di ka tamaan. Pero minsan, kahit umiwas ka, tinatamaan ka pa rin nang di mo inaasahan.” 
– Manny Pacquiao during the fight
HUGOT #16
“Kasi ang totoo, umaasa pa rin akong sabihin mo. Sana ako pa rin. Ako na lang. Ako na lang ulet.”
-– Tindera na Inagawan ng Suki
HUGOT #17
“Lahat ng mabigat gumagaan kapag binibitawan.”
— Kargador na Wala Pang Breaktime
HUGOT #18
“Ang past hindi yan kayang kalimutan. Pero hindi na dapat binabalikan. Kapag tapos na, tapos na.”
–  History Teacher na may Pinagdadaanan
HUGOT #19
“Manatili lang po tayong laging handa at alerto dahil ang bagyo ay parang pag-ibig. Mahirap i-predict kahit may PAG-ASA.”
— Weather Reporter na biktima ng Climate Change ( aka Malanding Panahon )
HUGOT #20
“Sanay naman akong saluhin lahat ng pinaglumaan ng iba.”
— Ukay-ukay Vendor
HUGOT #21
Sa Beach:
Boy: “Tulong!!! May nalulunod!!!”
Lifeguard: *runs fast
Boy: “.…sa pagmamahal mo.”
HUGOT #22
“Kasalanan mo yan. Palagi ka kasing nagpapadala.”
–Kurakot na Bureau of Customs
HUGOT #23
“Wala namang magbibilang kung ilang beses kang nagpakatanga di ba?”
– That girl na nahulog…. sa pusali.
HUGOT #24
“Mahalin natin ang mga kurakot. Dahil lahat naman ng minamahal natin nawawala di ba?”
— State of The Nation Address
Tumblr media
#UMAYYYYYYYYYYY
1K notes · View notes
storiesuponexperience-blog · 10 years ago
Text
15 “LARONG PINOY” NA PARANG MAY HUGOT
Pambansang broken-hearted be like, “Kung alam ko lang na laro-laro lang ang lahat eh di sana nagvarsity-jacket ako!”  
And the rest is puro hugot na lang.
#1.
Tumblr media
Hilig mong mag-assume kaya ka nasasaktan.
#2.
Tumblr media
Tapos saka mo maerealize, mahal mo pa pala? Ulol.
#3.
Tumblr media
#4.
Tumblr media
‘Coz pagpapakatanga is a choice.
#5.
Tumblr media
Swerte mo na lang kung sa pagbagsak mo, siya yung sasalo.
#6.
Tumblr media
Malay mo dumating din yung oras na hanapin mo.
#7.
Tumblr media
Kaya ang ending, sira ang lata.
#8.
About looking-back and moving forward,
Tumblr media
#9.
You have to fight for what you want. Pero minsan,
Tumblr media
Let it go nga di ba sabi ni Queen Elsa.
#10.
Tumblr media
#11.
Tumblr media
Kaya hindi mo pwedeng sisihin si Basha, Popoy.
#12.
Tumblr media
#PseudoRelationshits
#13.
Tumblr media
Pero minsan, kelangan mo ring magpatalo para matapos na ang laro. 
#14.
And the Golden Rule:
Tumblr media
Pero mas lalong hindi, “Pepe ko sara pa rin.” #WagMasyadongSuggestive.
#15. 
And for all the pain you’ve been through. Sana pwede mong sabihin,
Tumblr media
Malay mo magback-to-zero lahat. 
Bawal ang “taympers” eh.
( Disclaimer: Photo not mine.Bnlack and white ko lang tapos nilagyan ng quote para kunware deep. )
2K notes · View notes
storiesuponexperience-blog · 10 years ago
Quote
Rumors are Carried by Haters, Spread by Fools, and Accepted by Idiots.
(via eccedentesiastblandiloquenthuman)
45 notes · View notes
storiesuponexperience-blog · 10 years ago
Text
Usapang Height
J: Uy anong height mo?
M: Anla 5′4 nga lang pero sa panaginip ko 5′6 ako. hahahaha ikaw ba?
J: Ah 9′2 ang height ko *seryoso*
M: huh? meron ba non? ano nga kasi
J: 9′2 nga. hahahahaha 9′2 na.
M: Huh? *5 sec bago ko na gets* Hahahahaha leche ka corny mo!!
1 note · View note
storiesuponexperience-blog · 10 years ago
Quote
I’d rather be heartless than heartbroken.
(via colanyan)
123 notes · View notes
storiesuponexperience-blog · 10 years ago
Text
May nagsabi na sakin ng line nato. Nung time na yon hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. May mga bagay talagang kelangan mong bitawan or iwan para sa ikakabuti ng lahat. Sana maintindihan nila yon.
"Dumating ka ba para umalis lang?"
237 notes · View notes
storiesuponexperience-blog · 10 years ago
Text
NABULAG mo raw ako dahil sa pagmamahal mo. Weh? Paano nangyari yun? Eh may PAGTINGIN nga ako sa'yo!
Simpleng banat lang. // (-l.m.l.b)
68 notes · View notes