Tumgik
#Himingie?
zombyne · 6 months
Note
Hi!! Maybe Angie x Himiko for the ship art thing? Or Sonia x Mikan if you’re in more of an sdr2 mood lol!
Hope you have a great day/night!!
Tumblr media
Ngl idk if ya want it with the original desings or me doing my crap but here we go!, two girlfriends painting her faces Also yes, angie have weird tattoos (i have to improve that)
Ok so, for the next asks maybe you'll want to tell me if ya want the original desing or want me to destroy my brain :3 Thanks for the Ask!! Have a nice day/night too!!
26 notes · View notes
buhaytuklas · 13 days
Text
Nanawagan Po Ako Sa Mga Konsehal Na Sumasakop Sa Lugar Ng Dagupan Tondo Upang Himingi Ng Legal Na Tulong Dahil Po Sa Illegal Na Pagsira Sa Bahay Ko Ng Walang Permit.
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
manilacreator26 · 13 days
Text
Nanawagan Po Ako Sa Mga Konsehal Na Sumasakop Sa Lugar Ng Dagupan Tondo Upang Himingi Ng Legal Na Tulong Dahil Po Sa Illegal Na Pagsira Sa Bahay Ko Ng Walang Permit.
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
starpilipinas26 · 13 days
Text
Nanawagan Po Ako Sa Mga Konsehal Na Sumasakop Sa Lugar Ng Dagupan Tondo Upang Himingi Ng Legal Na Tulong Dahil Po Sa Illegal Na Pagsira Sa Bahay Ko Ng Walang Permit.
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
nikoamores · 3 years
Text
Mga Paraan upang mapangalagaan ang kalusugan ng kaisipan (mental health)
·       Una, Lumayo sa mga taong nagiging sanhi ng pagiging malungkot mo. Lumayo sa mga taong walang may magandang dulot sa iyo
·       Palaging gawin ang mga bagay na tunay na makakapagpasaya sayo tulad ng pagkanta, pagkatuto ng musika o kaya naman pagguhit.
·       H’wag kalimutan na kumain sa tamang oras, matulog sa tamang oras at ipahinga ang utak.
·       Ilibangg rin ang utak sa mga laro, huwag masyado ituon ang mga atensyon sa mga sulirani8n.
·       Ugali-ing mag-medidate, o kaya naman ay himingi ng gabay sa diyos(magdasal)
·       Alagaan ang sariling katawan.
·       Huwag iisipin na isa kang kahihiyan bagkus isipin mong walang perpektong tao at lahat tayo ay nagkakamali.
·       Gawin mo ang mga bagay na makakapagpalubag ng iyong loob, halimba, panoorin mo ang mga gusto mong panoorin, laruin mo ang mga gusto mong laruin
1 note · View note
Text
Open Letter Para Kay TOTGA
Paano nga ba nating masasabi na TOTGA na? Kapag ba nakakita ka ng future image na kasama siya, TOTGA na? Kung siya lang talaga laman ng isip mo, TOTGA na rin ba 'yun? Basta ang alam ko, berde at itim ang kulay ng t-shirt na suot mo noong una kitang nakita. Nakaupo ka sa gilid ng kwarto at nagmamasid-masid. Maya-maya bigla kang tumayo. At sa pagsimula ng iyong pagsasalita ay bigla kang binalot ng mga kumikintab na liwanag. Nang mga panahong iyon naging inspirasyon ka sa mga tulang sinusulat ko. Kaya nung nagtanong ka at hinihingi ito para basahin ay hindi ko binibigay. Hindi pa ko handang ibulgar lahat ng bagay ng mga oras na iyon. At baka mapansin mo na ikaw ang paksa ng mga ito. Naalala ko isang umaga habang masarap pa ang tulog ko. Walang tigil sa pagtunog ang aking telepono. At nang aking sagutin ay bumungad ang pamilyar mong boses. Pagbati mo pa lang ng 'magandang umaga' pinaganda mo na ang araw ko. Lalo na nung himingi ka ng tawad dahil nagising mo ko at pinababalik sa pagtulog. Sa lobby ng paaralan. Ikaw, ako at ang aking kaibigan. Nakaupo tayo habang nakapaikot ang mga silya. Doon naganap ang una nating pag-uusap. Nalaman mo ang pagkahilig ko sa pagsusulat. Nagsimula tayong maging magkasundo. At iyon na ang madalas nating pag-usapan. Ngunit bigla kang nawala. Doon nabuo ang 'gabi mong umaga'. Mga tulang inaalay sa'yo kahit hindi ka nakikita. Nagpatuloy iyon hanggang sa bigla kang nagparamdam. Salamat sa maliit na prinsipe, may nabuo muling komunikasyon. Lumawak nang lumawak. Hanggang umabot sa pagsalba ng pagsusulat. Nagulat ako sa pagbukas mo ng pinto at ako'y pinapasok sa iyong paraiso. Madilim, wala akong makita. Mas minulat ko ang aking mata upang maaninag ito kahit papaano. At mas lalo kong maintindihan ang iyong pagkatao. Dapit-hapon. Sa tabi ng dagat. Ang muli nating pagkikita pagkatapos ng gabi mong umaga. Maginaw. Sinadya kong iwan ang aking jacket. Nagbabakasakaling may dala ka at ipapahiram ito sa akin. Mapangarap? Oo! Unang beses kang makasama sa hapunan, sa iisang mesa, tayo lang dalawa. Sa kalagitnaan ng pagkain at pag-uusap, kinuha mo ang dala mong bag. Ipinatong ito sa katabing bakanteng mesa. Naglabas ka ng brown na jacket sabay sinuot ito. Natawa lang ako. Mas lumalim. Sa bawat gabi na ninais nating magsulat. Sinabi mo hindi ka matutulog basta hindi rin ako matutulog. Tatapusin natin ang mga akda natin ng sabay. Pero walanghiyang antok bigla akong dinalaw. Wala akong magawa. Sinabi ko iyon sa'yo at hindi ka naman nag-atubiling pagpahingahin ako sa kabila ng napag-usapan. Nang mga panahong iyon akala ko may nabubuo na. Dumating ang isang sakuna sa aking buhay. Ang aking akda ay nakopya ng iba. Isa ka sa mga taong nilalapitan ko hindi dahil sa kalandiang dahilan kundi ikaw ang laging andyan. Tinulungan mo ko sa laban. Walang araw na nawala ka sa tabi ko nang mga oras na iyon. Nang mga panahong iyon hindi ko na dinibdib ang problema. Dahil alam kong andyan ka, at kung pwede lang wag ka ng umalis pa. Sa tuluyan kong pagbagsak hindi na ko nakabangon. Umasa na ko na isusulat natin ng sabay ang kwento nating dalawa. Nilakasan ko ang loob ko. Binuo ang mga salitang nais kong sambitin. Umamin ako. Oo, umamin ako. Tatlong taon kong itinago. Pero ngayon, nais ko ng pakawalan. Dahil umaasa ako na baka parehas tayo. Ngunit hindi. Oo, tinanggap mo. Pero pagkatapos nun ay unti-unti kang lumalayo, unti-unti kang naglalaho. Sana hindi ko na lang sinabi. Sana hindi na lang. At doon ko na napagtanto na kailangan ko na muling bumangon. Ngunit kasalanan ba na hanggang ngayon ay iniisip ka? na hanggang ngayon ay umaasa pa? Kahit simula't sapol alam kong wala na. Ngayon, sa lahat ng nangyare, TOTGA ba kita?
1 note · View note
toobrokentomove · 7 years
Text
The Unforgotten
Gabi yun kung kelan ako pauwi galing lipa.. Sumakay ako sa jeep sa may paradahan sa robinsons.. Malapit ng mpuno ang jeep kaya dali-dali ako.. Dun ako umupo malapit sa dulo ng jeep.. Pagod ata lahat ng nakasakay.. Halos lahat sila tahimik.. Yung mga nasa harapan ko ay natutulog ganun din yung mga kahilera ko.. Medyo malapit na sa cuenca ng magheheadset na sana ako para swabe yung byahe palemery pero naririnig kong sumisinghot si ateng katabi ko..Sya yung nasa pinakadulo.. Hindi ko sya pinansin nung una kasi naisip ko baka sinisipon lang sya.. Pero narinig ko at naramdaman ko na hindi at naramdaman ko na hindi yun basta sipon lang.. Medyo nakatungo si ate at natatakpan ng mabango nyang buhok na nakapusod ang kanyang mukha habang hawak ang cellphone nya.. Hindi naman ako ususero pero ewan ko ba pero may nagtulak sakin na obserbahan sya.. Habang nakatingin ako sa kanya biglang may tumulo sa screen ng cellphone nya.. Medyo nagulat ako.. Nalilito pa din ako baka mamaya laway o sipon ang tumulo at mali ang akala kong umiiyak sya.. Pero may sumunod pang patak ng tubig sa cellphone nya na ang wallpaper ay isang masayang litratong magkasintahan siguro., Sweet kasi sa picture.. Tinitigan ko ang mukha ng babae sa picture.. Halatang halata sa mga ngiti nya na sobra nyang saya.. Pero patuloy pa din ang patak ng luha.. Oo.. Luha nga ang mga iyon.. Naririnig kong pinipigil nya ang kanyang paghikbi pero hindi nya pinupunasan ito.. Hindi ko alam kung bakit hindi nya pinupunasan kahit basang basa na yung cellphone nya.. Hindi ako nag-iisip ng kahit ano.. Hindi kasi ako yung tipo ng taong lumilikha ng kung anong espekulasyon sa mga bagay na nakikita at naoobserbahan ko.. Gusto kong hayaan si ate na umiyak na lang pero hindi ko kayang makita sya ng ibang tao sa ganoong kondisyon.. Ayokong isipin ng iba na mahina sya kaya hindi na ako nagdalawang isip pa..Iniabot ko sa kanya ang panyo na kabibili ko pa lang sa SM Lipa na sobrang tagal kong hinintay at pinagipunan talaga.. Nahihiya naman kasi akong ipahiram sa kanya yung nagamit ko ng panyo.. Basta ang alam ko lang mas kailangan nya yun..Siguro naman kung suswertihin eh magkakaroon ulit ako ng pagkakataon na makabili ulit ng ganung panyo.. Tapos tiningnan nya ako.. Nagkatinginan kami.. Tiningnan nya ako ng may bakas ng patak ng luha sa kanyang mga pisngi.. Ngayon lang ako nakakakita ng babaeng umiiyak na nga eh sobrang ganda pa din.. Nginitian ko sya at may nagsabi ng “para”.. Nakatingin pa rin sya sakin.. Nang makababa na yung pumara bigla syang naaligaga at bumaba na din.. Dun din pala ang baba.. Hindi nya siguro napansin..
Medyo malayo-layo na nung napansin ko ang isang ID sa tapat kung saan umupo si ate.. Nung tiningnan ko kay ate palang ID yun..Papara sana ako para ihabol kay ate ang ID nya pero imposible na.. Malayo na nga at mahihirapan na akong makasakay ulit kaya kinuha ko na lang at itinago sa aking wallet….
Nakauwi ako samin mga bandang alas otso na.. Kahit na halos isang oras pa ang byinahe ko mula sa oras ng pagbaba ni ate eh hindi man lang naalis sa isip ko ang hitsura nya nung tiningnan nya ako.. Pag kadating ko sa amin, agad kong binuklat ang wallet ko.. Tiningnan kong mabuti ang ID ni ate.. Estudyante din pala sya tulad ko.. Akala ko may makukuha akong number man lang o kahit address nya sa ID pero sa kasamaang palad ID nya yun sa OJT at lahat ng mahahalagang impormasyong nasa ID nya ay may nakakapit na stickers.. Ang tanging impormasyon lang na nakuha ko ay ang buo nyang pangalan.. Kaya naisipan ko na lang na hanapin sya sa FB.. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap sa kanya kasi kakaiba na nga yung pangalan nya eh nakatatak pa sa sa isip ko ang maganda nyang mukha.. Para makasigurado ako kahit alam kong sya na nga iyon ay tiningnan ko ang mga litrato nya.. At wala ngang duda sya nga yun at maganda nga sya.. Lalo na sa mga litrato nyang nakangiti sya.. Nalaman ko din ang address nya.. Taga Cuenca nga pala sya.. Pumapasok sya sa isang school sa lipa na kilala.. Siguro mayaman si ate.. Habang nagtitingin ng mga litrato nya may isang picture na umagaw sa atensyon ko.. Isang quotation mula sa isang taong hinahangaan ko.. Bigla akong naging interesado at brinowse ang mga post nya sa wall nya.. Wala naman akong nakitang konektado sa picture na naglalaman ng quotation.. Siguro natripan nya lang na ipost yun.. Ichachat ko na sana si ate para sabihing nasakin ang ID nya pero bukas na lang siguro ng umaga.. Medyo nakaramdam na din ako ng antok.. Naalala ko martes nga pala bukas at alas dos ang klase namin..
Naalimpungatan ako sa tunog ng cellphone ko.. Alas sais na pala.. Pagkabangon ko,,kinuha ko kagad ang supot na dala ko kagabi.. Kinuha ko yung kahon na naglalaman ng isa sa pinakaimportanteng bagay para sakin ngayon.. Pag bukas ko walang laman.. Hinanap ko sa bag ko ang laman ng kahon pero wala pa din.. Tinanong ko na din ang mga tao sa bahay pero wala daw silang napansin.. Napapamura na ako.. Dahil sa hindi ko talaga makita kahit saan ang bagay na yun nasira na ang araw ko at nagpasyang hindi na pumasok.. Natulog na lang ulit ako at pag-gising ko eh mga bandang alasdyis na.. Desidido na akong hindi pumasok kaya kumain muna ako at bumalik na agad sa kwarto.. Sa pag-asang makikita ko ulit ang kanina ko pang hinahanap,,hinalikwat kong muli ang aking bag..Hinuho ko lahat ng laman ng bag ko sa kama ko.. Wala pa din talaga pero may isang bagay na hindi pamilyar sakin.. Isang panyo.. Panyong kahawig ng panyong hinahanap ko.. Bigla kong naalala ang nangyari kagabi.. Ang tanga ko lang..Binigay ko nga pala kay ateng umiiyak ang panyo ng buhay ko,, ang panyong kanina ko pang hinahanap.. Naisip ko bigla na ichat si ate para maibalik ko na yung ID nya at maibalik ang panyo ko.. Pero nagtext ang classmate ko.. Wala daw kaming klase pero magkita-kita daw kami mamayang alauna sa bahy nila ko para gumawa ng Thesis namin kaya itinago ko na lang muna ang ID ni ate at ang panyong nalimot ko sa department store sa SM Lipa..
Bandang ala una ng madaling araw ako na lang yata ang gising sa bahay ng kaklase ko.. Nagsesearch pa din ako ng kung anumang makakatulong para magawa ang thesis namin ng may nagchat sakin.. Inopen ko at ito ang nakalagay..
“Miss na kita..Hindi ko ginustong maging ganun tayo..Sana maniwala ka..Na pinilit kong bumalik tayo sa dati pero naramdaman kong nasasaktan lang kita kaya nasabi ko yun sayo..Pero ngayon sana bigyan mo pa ako ng pagkakataon..Sorry kung nasaktan kita..Sorry..”
Hindi ko alam ang iisipin sa mga nabasa ko..Hindi ko alam kung anong trip nya at panay ang pagsesend sakin ng mga ganyan.. Ang alam ko lang malakas ang trip nya.. Ano bang problema ng mga tao ngayon..Nanahimik ka tapos guguluhin ka na lang bigla..Nakakaluko din nga..
Hindi ko na nireplyan yung nagchat sakin.. Halos ilang bwan na din akong nakakatanggap ng mensahe mula sa taong yun pero ni isang beses hindi ko nireplyan.. Hindi dahil sa wala akong pakialam sa kanya..Ayoko lang talaga kasi alam kong maguguluhan lang ako pag pinatulan ko pa..
Medyo nabadtrip ako sa mensaheng iyun na hindi ko alam kung bakit.. Kaya naglaro na lang ako pampagoodvibes.. Hanggang sa naalala ko si ateng maganda.. Ayun hinanap ko na lang sya at ngpm ako sa kanya..
“Hi ate! Hmm.. Malamang hindi mo ako kilala ganun din naman ako.. Pero kung namumukhaan mo ko,,ako yung nag-abot sayo ng panyo..Kahiya-hiya man kung maaari sanang makuha yung panyo kong yun..Pasensya ka na pero mahalaga kasi yung panyong yun sakin..Ok lang ba??Salamat..Reply ka pag ok para makapagkita tayo..Salamat ulit..”
Nasend ko na sa kanya bago ko naalala yung ID nya..Kaya piniem ko ulit sya..
“Ay ate,,nakalimutan ko..Nasakin nga pala yung ID mo..Sa ojt..Nahulog mo dun sa upuan sa jeep nung nakasuno kita..Kaya din pala kita nahanap gawa nun..Isosoli ko na din sayo..Magreply ka lang..Sige..Salamat..”
Nakaramdam na ako ng antok nun kaya humiga na ako nun at hindi na namalayan ang mga sumunod na ngyari dahil nakatulog na ako..
Kinabukasan ginising ako ng classmate ko magaalas nuebe na.. Buti na lang wala pa din daw kaming klase nung araw na yun kasi wala akong dalang pamalit pamasok.. Hindi pa namin natatapos ang thesis namin pero umuwi na ako pagkatapos naming magumagahan..
Pag kadating ko sa bahay nahiga na ako.. Maya maya lang tumunog ang cellphone ko.. Unknown number is calling.. Sinagot ko ang tawag..
“Hello..Sino to??”
Nakailang ulit ako ng kahehello pero walang sumasagot sa kabilang linya.. Kaya pinatay ko na ang tawag.. Medyo pamilyar ang numerong yun.. Malamang pamilyar nga yun.. Kung hindi ako nagkakamali yun yung number na panay din ang text sakin at tumatawag mga tatlong beses sa isang linggo..Pero hindi ko sinisave ang number nya kasi hindi ko naman sya kilala..
Dinilete ko na ang call log ko maging ang mga text nya sakin wala na.. Wala akong magawa.. Kaya nagfb na lang ako.. Meron akong tatlong mensahe.. Galing sa matalik kong kaibigan ang una kong binuksan..
“Panget!! May pasok ka ba bukas??Pag wala samahan mo naman akong manood ng sine..Libre ko..Labyube :* haha”
“Please!.. Pakiusap naman o..Bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon..Kausapin mo ako please.”
Ang hanep..Nakakaasar pag may ganito.. Buti sana kung ilang beses lang pero yung araw araw..Hay..Ano ba talagang problema nun..Nakakabadtrip makabasa ng ganun pero hindi ko na ulit pinansin..Ang drama kasi..Tapos yung huling mensahe ay galing sa isang pamilyar na mukha..
“Hi. Pwede bang himingi ng picture nung ID ko?? Gusto ko lang makasigurado kung nasayo nga..Salamat.”
Kanina pa tong mga 8 eh ngayon eh magaalasdos na.. Online pa si ate kaya kinuhanan ko ng picture yung ID ni ate at sinend ko sa kanya..
Nakita nya agad ang pictures na sinend ko at chinat nya ulit ako..
“ID ko nga yan.. Salamat ha.. At namumukhaan nga kita..Ikaw nga yung nag-abot ng panyo sa akin.. Maraming salamat nga pala dun sa panyo..Ok lang ba sayo na sa robinsons na lang tayo magkita??Bukas siguro..Itext mo na lang ako kung anong oras at kung saang tapat tayo magkikita.. Eto yung number ko.. 0935*******.. Sige.. Salamat ulit.”
Napaisip ako..Medyo padalos dalos si ate.. Kasi binigay nya agad yung number nya..Tapos buti na lang wala akong pasok..Mukha na ba talaga akong matanda para isipin nyang hindi na ako pumapasok??Siguro nga..Nireplyan ko na lang sya..
“Sige ate..”
Excited na kong mapasakin ang panyo ko kaya inayos ko na ang gamit ko at siniguradong nakatago sa wallet ko ang ID ni ate.. Pati yung panyo na nalimot ko ay isinilid ko na din sa bag..Pero bago ako natulog tinext ko kay ate na alasdyis sa Robinsons sa National Bookstore kami magkita..
Pagkagising ko ng alassyete bigla kong naalala na hindi ko pala nareplyan yung bestfriend ko.. Kaya tinext ko sya agad na pupunta akong rob ng ten,,at kung gusto nia eh diretso kaming SM Lipa para manood ng sine.. Umoo naman sya sa sinabi ko.. Kaya nagstatus ako sa fb bago maligo..
“#excited
#robinsonsLipaWaitForMe
#10:00am
Buti na lang at hindi uso ang traffic sa lipa at nakarating ako sa rob ng 9:30..
Tinext ko si ate na nandun na ko sa may national bookstore..Nagreply syang papunta na daw sya..Feeling ko magtatagal pa si ate kaya nagikot-ikot muna ako at medyo napatambay sa booksection..Mga ten minutes ang lumipas may kumulbit sakin..
"Miss..Hi..Ikaw ba yung nagchat sakin tungkol sa ID ko?”
Nastarstruck ako sa ganda ni ate.. Nasa 5'4 sya..Maputi at napakagandang tingnan sa suot nyang uniporme..Napatulala ako at ang nagpabalik sakin sa realidad eh ang muli nyang pagtatanong sakin..
“Ate ikaw ba yung nakpulot ng ID ko??”
“Ahh..Oo ako nga..”
“Hmm..Kumain ka na ba Miss??Ok lang bang dun na lang tayo sa McDo mag-usap..Medyo awkward dito at gutom na din ako..Pero ikaw..Ikaw bahala.”
“Ok lang sakin..Nagugutom na din naman ako.”
Dahil sa request ni ate,,ayun nagpunta kami sa McDo at dun kami nag-usap..
Nung una nahihiya pa ako sa kanya pero bago kami kumain iniabot ko na sa kanya yung ID nya..
“Ate eto yung ID mo.”
Nakangiti ako nung inabot ko yun sa kanya.. Tapos may dinampot sya sa baba..At iniabot nya sakin..
“Panyo mo oh.”
Nagpatak pala yung panyong nalimot ko..Tapos tinanong nya kung sakin ba yon..Medyo may gusto pa yata syang itanong pero hindi na nya tinuloy..Napaoo na lang ako kasi nga nakakahiya namang sabihin kong hindi baka isipin nya ugali ko ng manlimot ng mga bagay na hindi naman sakin..
“Salamat talaga..Salamat at ikaw yung nakakita nung ID ko.. Buti na lang mababait yung security guard dun sa pinagoojthan ko….Ah teka pala..”
Huminto sya sa pagsasalita at may kinuha sa bag nya..At iniabot nya sakin ang panyo ko..
“Nga pala..Eto..Salamat nga pala sa panyo mo..Dahil dyan naging ok ako..Nilabahan ko na nga pala yan..Nakakhiya nga kasi bago ata yang panyo mo..Pero salamat talaga.”
“Ah ok lang yun..Buti na lang nalimot ko yung ID mo..At least nahanap kita at nakuha ko tong panyo ko sayo..”
“Oo nga eh..Pareho pala tayong nawalan nung gabing yun.”
Medyo lumungkot ang tono ng boses ni ate..Gusto ko sana syang tanungin kung bakit ba sya umiiyak nun pero nahihiya ako..Tapos nagtanong sya..
“Ano nga palang pangalan mo??”
Sasagutin ko na sana sya ng may tumawag sa cellphone nya..
“Saglit lang ha..”
Naririnig ko syang kausap ang isang babae..Medyo malinaw yung nasa kabilang linya..
“Bakit?”
“Nakita ko si Levi..Andto sya sa Rob..San ka ba?”
“Totoo?” Andto lang ako sa McDo..Pupunta na ako dyan..“
"Miss,,chat o text na lang tayo..Emergency lang..Salamat ulit ha?”
Agad syang tumayo sa kinauupuan nya at nagmadaling umalis..
At iyun ang una at hindi ko alam kung huli na ba naming pagkikita ni ate..Ni hindi ko man lang nasabi yung pangalan ko in person pero ok lang masayang masaya na ako kasi nasa kin na ulit ang panyo ng buhay ko.. Hinintay ko na lang yung bestfriend ko at dumiretso na kami ng SM Lipa at nanood ng sine..
Bago umuwi dumaan muna kami sa bahay ng boyfriend ng bestfriend ko.. Bihira lang daw umuwi yun kaya sinamahan ko na dito lang naman yun sa may cuenca..Halos magiisang taon ko pa lang kakilala si Roxanie pero alam ko na lahat tungkol sa kanya..Nakilala ko lang sya sa ospital kung saan ako naadmit dati..Sya kasi yung nakaassign skin na ojt..
Nung nandun na kami sa bahay ng boyfriend nya ang nadatnan namin eh sya at yung nanay at tatay nya at yung isa nyang kapatid na nasa dose anyos palang..May nakita akong family picture..At parang nakita ko na somewhere yung isang lalaki dun pero hindi ko sya nakita sa bahay na yun..Naisip ko baka nakakasuno ko lang din sa jeep o kaya naman nakikita ko pag nagpupunta akong lipa kaya hindi ko na lang tinanong kung sino..
Wala pang isang oras ng nagpaalam kami sa kanila..Mga alas kwatro na kami nakaalis dun..Hindi ko alam pero ang weird lang sa pakiramdam na parang nakapunta na ako dun mismo sa bahay ng boyfriend ng bestfriend ko..Pati yung dinaanan namin parang pamilyar sakin pero ang alam ko noon pa lang ako nakapunta dun..O napanaginipan ko lang kaya ganun..
7 na ng gabi ako nakauwi sa amin at medyo pagod ako kaya dumiretso na ako sa kwarto para magpahinga..Habang nakahiga bigla ko na lang naalala yung family picture sa bahay na yun..Nacurious ako kaya binuksan ko ang laptop at nagfb..Sinearch ko yung bestfriend ko pati yung boyfriend nya..Mga ilang bwan pa lang sila nagiging magkarelasyon at kagaya namin ni bestfriend sa ospital din sila nagkakilala..Accidentally daw na sa pagmamadali ng boyfriend ni bestfriend eh nabangga nya ang bestfriend ko at mala teleserye daw na nalove at first sight sya..Nagmamadali daw yun kasi nga sinugod sa emergency room yung kapatid nyang lalaki kasi nagtangka umanong magpakamatay..Mabuti na lang daw at naagapan agad kasi konti na lang eh mauubusan na ng dugo yung kuya nya..Medyo narerecall ko yun gawa ng yun ata yung araw na nadischarge ako dun din sa ospital na yun..Medyo matagal tagal na din pala..
Graduating na ako ngayon pero hanggang ngayon hindi pa rin mawala sakin ang panghihinayang dahil dapat last yr pa ako nakagraduate pero dahil nga sa aksidenteng ngyari nun ayun nadelay ang paggraduate ko at napagiwanan na ng mga kaibigan ko sa college..
Ang sabi pala nung doctor samin bago ako idischarge eh iexpose ko daw yung sarili ko sa mga taong nakakasalamuha ko dati at sa lahat ng activity ko na ginagawa noon para marecall ko ang mga bagay bagay sa nakaraan..Nagkatemporary amnesia kasi ako..Madali lang ang naging gamutan at madali lang yung pag-alala ko sa mga bagay bagay sa paligid..Pero may ilang bagay o tao daw na hindi ko talaga matatandaan kung hindi ko makikita o makakasalamuha ng madalas..Pero ngayon ok na ok na ako..
Patuloy ang pagsearch ko sa wall ngboyfriend ni Roxanie at nakita ko yung inassume ko na kapatid nya kasi kasama nila sa family picture..Inopen ko yung wall nya pero black lang profile picture nya..At nagulat ako sa nakita kong wall post.. Galing na naman sa isang pamilyar na mukha.. Si ateng may ari ng ID ang nagpost sa wall ng kapatid ng boyfriend ni Roxanie..Eto ang nakalagay..
“Please..I don’t want to you to go..Please kahit magmukha akong tanga..”
Dahil sa post ni ate,,napagtanto ko na kaya pala pamilyar ung lalaki sa family picture eh sya din pala yung lalaking kasama ni ate sa wallpaper nya nung nakita ko syang umiiyak..Yun din kasing picture na yun ang dp ni ate..
Ngayon ko lang gagawin ang pagispeculate pero siguro naalala ni ate yung masasaya nilang moments habang nakatitig sya sa wallpaper nya nung araw na nagkasuno kami kaya sya napaiyak..O kaya nag-away sila o naghiwalay sila..Ano bang problema ng Levi na to at nagpapaiyak sya ng babae??Sya pala yung tinutukoy nung tumawag kay ate kanina..Wew lang..
Balak ko pa sanang iscroll down para makita yung ibang post sa wall nya pero tumunog bigla yung cellphone ko..
Akala ko yun na namang si kuyang stalker kaya hindi ko kagad pinansin..Nung nakita ko “Aeriel is calling” Nung akma ko ng sasagutin eh biglang namatay ang tawag..Expired na pala yung unli ko kaya hindi ko sya natanong kung bakit..Kaya chinat ko na lang sya..Kahit hindi sya online..
“Bakit ka po tumawag?”
Bago ako matulog pinatay ko na ang laptop at kinuha ang panyo ng buhay ko sa bag at itinago sa cabinet..Kahit masayang masaya ako nung araw na yun,,may nakapagpabagabag naman sakin dahil sa nalaman ko kay ateng si Aeriel pati na din sa Levi na yun..
Kinabukasan kinuha ko kaagad ang cellphone ko para tingnan ang oras..7:45 am na pala..At bago ko bitawan ang cellphone ko inopen ko muna ang message na galing kay Aeriel..Naglalaman ng pasasalamat para sa pagbalik ko ng Id nya at para sa panyo na pinahiram ko sa kanya.. Humingi din sya ng sorry dahil hindi na sya nakapagpaalam ng maayos at hindi nya sinasadya na iwan ako..May nangyari lang daw talaga kaya ayun..Alas dos pa naman ang klase ko kaya nireplyan ko muna sya ..Sabi ko ok lang yun at may pupuntahan pa din naman nga ako nung time na yun..
Simula nung araw na yun,,halos araw-araw na kaming nagkakatext at nagkakachat..Hindi ko alam kung anong meron sa kanya pero parang ang gaan gaam ng loob ko at wiling wili ako pagkausap ko sya..Siguro nakikita ako yung sarili ko sa kanya kaya ganun..Hindi ko masabing close na kami pero halos lahat na yata ng bagay eh nashare na namin sa isa’t isa..Pero kahit ganun hindi ko man lang minsan tinangkang itanong sa kanya ang dahilan kung bakit sya umiiyak nung unang araw na nagkita kami..Kaya nabigla ako ng isang araw ng tumawag sya sakin..
“Hello.”
“Hello din. Bakit ka napatawag?”
“Hmm..Wala lang..Nakkatawa ako di ba??Feeling close na ako sayo eh wala pang isang bwan simula ng nagkakilala tayo.”
“Ok lang yun. Close na naman nga yata tayo..Halos alam na nga natin ang background ng isa’t isa.”
“Oo nga no??Medyo palagay kasi ako pag sayo ako ngshishare…..Yun nga pala..Kaya pala ako napatawag kasi nalulungkot ako ngayon at wala akong mapagsabihan..Sorry kung ikaw yung inaabala ko..Sorry talaga..”
“Handa akong makinig..Basta pag kailangan mo ng kausap nandito lang ako..”
“Salamat ha?”
Sobrang natutuwa ako sa mga nasabinya..Ang dating kasi sakin ay mapagkakatiwalaan ako bilang isang kaibigan..
Sa pagpapatuloy ng aming usapan..
“Hmm..Gusto ko lang ishare to..Kasi kahit isang bwan na ang nakalilipas ang sakit sakit pa din..Hindi ko man lang makalimutan ang araw na yun…..Naalala mo ba yung araw na nagkasuno tayo sa jeep?? Nung nakit amo kong umiiyak??”
“Oo..Naalala ko..Bakit ka nga ba umiyak nun?”
“Hindi ko alam kung oa lang ba talaga ako o talagang nasaktan lang ako nungtime na yun. Nung araw kasing yun pauwi na dapat ako ng tinext ako nung isang classmate ko na nakita nya daw si Levi sa SM Lipa sa may department store..Hindi ko pa pala nababanggit sayo na sya yung ex-boyfriend ko..”
Walang kaalam-alam si Aeriel na wala pang isang linggo mula ngmagkita kami eh may alam na ako tungkol sa kanya,,kay Levi na yun at sa namamagitan sa kanilang dalawa..Ganun talaga pag greatest detective ang idol..Nakakahawa ang pagiging mausisa..Pero hindi ko inaapply yun dati,,sa kanya lang..Angmysterious kasi ng gabing yun..Hindi nya siguro alam na natingnan ko ang wallpaper sa cellphone nya..
“Matagal na kaming hiwalay..Magpipitong bwan na..Pero ni minsan hindi ko naisip kalimutan sya..Simula ng nakipaghiwalay sya sakin hindi na ako nakatanggap ng text mula sa kanya..Pag chinachat ko sya hindi sya sumasagot..Tapos kahit na sa iisang barangay lang kami e hindi ko man lang sya makita..Yung sobrang miss ko na sya pero ayaw na nya ata talaga akong makita..Kaya nung nalaman ko na andun sya eh hindi na ako nagdalawang isip pa at pumunta sa SM Lipa..Kahit na hindi ko alam kung anoang mangyayari pag pinilit kong magkita kami ok lang..Basta ang alam ko lang gustong gusto ko syang makita..
Nung nandun na ako sa department store,,nakita ko syang nakatayo sa harap ng section ng handkerchiefs..Bumilis yung tibok ng puso ko..Parang ayokong lumapit pero nagkusa yung mga paa ko..Nagtungo ako kung nasaan sya at niyakap ko sya ng nakatalikod..Naramdaman kong nagulat sya at pag harap nya tiningnan nya ako..Sobrang saya ko nung nayakap ko sya sa muling pagkakataon pero napaluha ako sa mga sumunod kong narinig mula mismo sa kanyang bibig habang bahagya nyang tinatanggal ang mga kamay na nakayakap sa kanya..
"Ok ka na ba??”
“Miss na kita.”
“Sorry..Sorry kung hindi ako nagpaparamdam sayo..Gusto ko lang kasing makalimutan mo ako at maging masaya ng wala ako..Sorry..Sorry sa lahat..Sorry kung hanggang ngayon nasasaktan pa rin kita..Alam ko yun..Kaya mas pinili ko na lang na umiwas kesa lalo mo kong hawakan at hindi mo ako magawang bitawan..Patawad,,pero pakiusap,,hanggang dito na lang tayo..Gusto ko sanang pakawalan mo na ako ng tuluyan..Ayoko na kasing makasakit ng iba dahil lang sa maling desisyong nagawa ko noon..Baka hindi ko na kayanin pa na makakita ng isa pang babaeng umiiyak ng dahil lang sa pagiging makasarili ko..Minahal kita pero tulad nga ng sinabi ko sayo nun nung nakipaghiwalay ako,,ayoko ng maging unfair sayo at sa sarili ko..Kaya kung pwede lang,,hindi,,pilitin mo pa lang kalimutan ako..Magiging masaya ka kahit wala ako maniwala ka sana..”
“Hindi na ako nakaimik nun..Ni hindi ko nga alam kung kaya pang isa-isahin ng utak ko ang bawat salita na dumidiretso sa puso ko..Ang sakit! Sobrang sakit! Yung patuloy na umiikot sa isipan ko ang lahat ng sinasabi nya pero hindi ako makaramdam ng kahit ano maliban sa kirot sa puso..Nararamdaman ko lang na umaagos sa mga pisngi ko ang luha ko..At ang panoorin syang palayo sayo ay hindi masayang senaryo..”
Naririnig ko ang bakas ng lungkot sa tinig nya pero hindi ako umiimik..Hinayaan ko lang syang magsalita..
“Wala akong nagawa kundi ang ibalik yung sarili ko sa reality para makauwi..Ayun nga napigil ko nga ang luha ko hanggang sa hindi ko na kinaya nung nakasakay na ako sa jeep at makita ang wallpaper ko..Lahat ng masayang alalaa namin sa loob halos tatlong bwan ay nagflashback..Nung una masaya pa ako,,pero kasabay ng mga masasaya naming alalaa,,sumasagi din ang mga salitang narinig ko mula sa kanya kanina..Hanggang sa natabunan na ng lungkot yung nararamdaman ko..Hindi ko man lang namalayan na nababasa na pala ang cellphone ko dahil ng luha ko..At nagulat ako nung inabutan mo ko ng panyo..Wala lang siguro ako sa wisyo kaya hindi ko naisipang kumuha ng panyo at punasan ang mukha ko pati na rin ang screen ng cellphone ko..Pero isa din sa dahilan kung bakit ako umiiyak ay ang dahilan ng pakikipaghiwalay nya sakin noon na hanggang ngayon ay hindi ko matanggap..Hindi ko matanggap na kahit anong gawin ko at kahit anong pilit ko hindi ko maalis ni mapapalitan ang kanyang ex..Lahat na yata trinay ko para lang pasayahin sya ay kulang pa rin..Hindi sya kulang,,hindi ko lang ata talaga kahit kailan matutumbasan ang kasiyahan na naibigay ng ex nya sa kanya..O ganun lang talaga nya kamahal ang babaeng yun kumpara sakin..Sobrang sakit..Sa sobrang sakit nagkakaroon ng galit sa puso ko kahit alam kong mali..Pero yun yung nararamdaman ko..Galit ako sa kanya..Galit ako sa babaeng nauna sa puso ni Levi..Galit ako sa kanya kasi alam kong mahal na mahal sya ni Levi pero nagawa nyang iwan sya ng walang pasabi..Galit ako sa kanya kasi hanggang ngayon nakatatak pa din kay Levi ang sakit na naidulot nya..Nasasaktan ako..Pero mas nasasaktan ako para kay Levi..Hanggang ngayon umaasa pa rin sya na isang araw babalikan sya ng taong nang-iwan sa kanya..”
Hindi ako makapagsalita..Hindi ko kasi alam kung anong gagawin..Hindi ko alam kung aling words ang pipiliin para lang maipahiwatig ko ang simpatya ko kasi kailangan nya at maramdaman nyang naiintindihan ko sya..Medyo naiinis ako kay Levi kasi parang ganun na lang yun??Parang ginamit nya lang si Aeriel para makamove on tapos nung marealize nya na hindi nya kaya at hindi kaya ni Aeriel na tanggalin sa puso nya ung ex nya ay iiwan na nya ng basta??Pero hindi ko naman alam ang side ni Levi kaya ang hirap magcomment..At tingin ko hindi naman nya kailangan ng comment ko..Hindi ko din naman masisi si Aeriel kung makaramdam sya ng galit sa ex ni Levi kasi nga binibigay nya naman lahat pero kulang pa din..Pero kagaya nung ng sinabi ko kanina,,hindi ko din naman alam ang side ng ex ni Levi kaya hindi ako makagawa ng konkretong payo para mapagaan ang nararamdaman ni Aeriel..
Patuloy ako sa pagiging tahimik at narinig ko na lang syang humihikbi sa kabilang linya..
“Aeriel..Wag ka nang umiyak..Isipin na lang natin na mahalaga ka din para kay Levi kaya hindi na nya pinatagal pa yung relasyon nio at maaring totoo yung sinasabi nya sayo na ayaw ka lang nyang masaktan pa ng sobra kaya mas pinili na nyang lumayo..Kung ako kasi ang tatanungin hanga ako kay Levi kasi nasabi nya sayo ng diretso kung ano man ang dahilan ng pakikipaghiwalay nya sayo at sa palagay ko din yun yung pinaka tamang desisyon sa sitwasyong meron kayo..Napakanatural lang ng nararamdaman mo towards sa kanilang dalawa..Mahal mo nga talaga siguro si Levi kaya ka sumusugal kahit alam mong wala kang malinaw na makukuha sa pagsugal mong yun..Ganyan naman tayong mga babae,,hanggat may nakikita tayong pag-asa at hanggat kaya nating ikeep ang isang bagay na gusto talaga natin eh hindi tayo bibitaw..Yun nga lang may mga pagkakataon na nagsasabing tama na..Tama na ang pagtorture sa sarili..Minsan naman kusa na nating mararamdaman na ayaw na nating subukan pa..Yung kusa tayong mapapagod at dun nag-uumpisa ang pagmumove on..Buti pa nga si Levi..Hindi sya kagaya nung mga lalaking nababalitaan ko these days na kahit opisyal ng wala eh andun pa din yung sweetness na namimisinterpret ng mga babae..Na nag-aakalang pwede pa..Meron pa pero ang totoo wala na talaga..Nature din kasi ng mga lalaki yun..Ang mag-paasa..At nature naman nating mga babae ang umasa..Hindi ko alam kung makakatulong tong mga pinagsasasabi ko sayo pero sana kahit paano eh mapasama sa mga pagpipilian mong gawin sa mga susunod na araw..Inaadvise ko sayo na idivert mo na lang muna yung oras mo sa mga mahahalagang bagay..Mahalaga to para sayo,,alam ko pero kung nakakagulo sa araw-araw mong routine eh hindi na healthy..You need to stop na..Stop thinking about him..Stop hoping that there’s still a chance between you and him..Oo masakit at mahairap pero wag kang dedepende sa kahit na sino..Kagaya din ng sinabi ni Levi,,naniniwala ako na magiging masaya ka kahit wala sya..At ganun din sa nararamdaman mo na galit sa ex ni Levi,,mawawala din yan one day..Hintay ka lang at magiging maayos sin ang lahat..You don’t have to force yourself to forget all of these things..It takes time..And believe me you’ll be fine eventually and magiging happy ka..Siguro sa ngayon tiis tiis ka muna sa sakit na dulot ng mga alaala nio..Hindi ko alam kung san ko pinaghuhuhugot tong mga sinasabi ko sayo pero hayaan mo na lang..Basta naiintindihan kita..Wait meron pa pala..Wag mo sanang kagalitan ang ex ni Levi kasi hindi naman nya kasalanan na andun sya nakabara sa puso ng taong mahal mo..At sigurado akong may dahilan kung bakit ganun si Levi..Maaring naniniwala syang hindi talaga sya iniwan ng ex nya kaya hanggang ngayon naghihintay pa rin sya..Hindi ko to sinasabi para isipin mong hindi kita gets sa part na yun..Gets kita..Lahat ng babae ganun..Ayun..Ang dami kong nasabi samantalang kanina wala akong maisip sabihin after mo magkwento..Basta andito lang ako..ok??”
Kakasabi ko lang na naiinis ako kay Levi at sumasang-ayon ako sa galit na nararamdaman nya sa ex ni Levi pero san ba galing yung simpatya ko sa dalawang yun..Wew..Nakakapagtaka kasi hindi ko alam kung san ko kinuha lahat ng mga sinabi ko..Wew..Hindi ko alam kung may sense ba yung sinabi ko sa kanya pero yun lang lumabasa sa bibig ko eh and tingin ko naman may tama ako..Sana.
Natapos ang usapan namin sa pagpapasalamat nya sa pakikinig ko sa kwento nya pati na rin sa mga payo ko..Itatry nya daw kasi feeling nya tama daw ang mga nasabi ko..
Sana nga…
********************************************
January 28, 2013.. Ito yung huling araw na nakita ko sya..Ito din yung araw na nakaramdam ako ng sakit na akala ko hindi ko mararamdaman kahit kailan..
Masigla at sobrang excited ako para sa araw na yun..Magkikita kasi kami ng girlfriend ko para magcelebrate ng 9th monthsary namin..May klase pa kaming pareho kaya 6pm na ng magkita kami sa isang kainan sa Lipa..Pilit pilit kong itinago ang sobrang kasiyahan ko nun..Tahimik lang ako at ganun din sya..Pagkatapos naming kumain niyaya ko syang magpunta sa isang bilyaran..Nandun ang mga tropa kong kinuntsaba ko para sa sorpresa ko para sa kanya..Habang naglalaro kami ng tropa ko para patayin ang oras at makakuha ng tamang timing ay bigla na lang syang umalis sa upuan kung saan ko sya iniupo..Sinundan ko sya sa labas at tinanong ko kung anong problema..
“Mahal mo pa ba ako?”
Ang tanong na na nakabigla sakin.
“Bakit mo naitanong yan?”
Hindi sya umimik agad..Iniintay ko syang sumagot hanggang sa nagsalita na sya..
“May problema ka ba sakin? Bakit pakiramdam ko kanina mas masaya ka pag kasama mo sila..Mas nag-eenjoy ka pag sila yung kausap mo?? Bakit parang hindi na tayo gaya ng dati na nararamdaman ang pagkamiss sa isa’t isa kahit na wala namang oras na hindi tayo magka-usap?Bakit parang hindi ka na masaya sakin??Masaya ka pa ba?”
Yung kasiyahan ko kanina nahaluan ng pagkalungkot at pagkainis sa mga sinabi nya..
“Ano na naman ba to?San mo ba nakukuha yan?Ikaw lang ang nag-iisp nyan.”
“Sana nga nasa isip ko lang to..Pero iba talaga..Kung dati umaabot tayo ng madaling araw kausap ang isa’t isa samantalang nitong mga nakaraang araw nakakalimutan mo na akong sabihan ng mahal kita..Hindi mo na ako masyadong tinetext..Sa twing tinitingnan kita hindi na ganun kagaya ng dati..Ang sakit..Sobrang nasasaktan ako..Ano bang problema mo?”
“Hindi ko alam..Ewan ko pero parang hindi na kagaya nga ng dati..Pakiramdam ko kasi hindi na ako masaya.”
Hindi ko alam kung anong nagtulak sakin para sabihin yun sa kanya..Siguro dala ng pagkainis sa lahat ng nasabi nya na sa pagkakaalam ko ay hindi naman totoo..Nabigla din ako sa sagot kong yun kaya magsosorry na dapat ako ng nakita kong may tumulong luha galing sa mata nya..Hindi na ako nakaimik pa..Pakiramdam ko kasi wala akong sasabihing hindi makakasakit sa kanya..Gusto ko syang yakapin pero hindi ako makagalaw..Hindi ko alam ang gagawin ko..Hindi na din sya nagsalita pero may inabot sya sakin na kahon at may nakasulat na Happy 9th monthsary at umalis na..Hindi man lang sya nagpaalam..Hindi ko man lang sya nabati ng Happy Monthsary din..Ni hindi ko naibigay yung sorpresa ko para sa kanya..Ni hindi ko man lang sya nasabihan ng ingat..Ni hindi ko sya nasabihan ng mahal kita..Basta ko na lang sya hinayaang umalis..Akala ko kasi mas ok kung palilipasin ko muna ang sakit na naidulot ng mga salita ko kanina..Pero nasa huli nga ang pagsisisi..
Umuwi ako sa amin ng lasing mga bandang alasdyis na..Saka pa lang pumasok sa isip kong magsorry sa kanya..Hindi ko kasi talaga alam kung anong sasabihin ko sa kanya para maging maayos kami at hindi ko na sya masaktan gamit ang mga salita kong hindi ko alam kung san nanggagaling..Tinext ko sya..Humngi ako ng tawad sa mga nasabi ko..Chinat ko din sya para makasiguradong matatanggap nya ang message ko..Sanay akong sya palagi ang huling nagrereply kahit mga ganung oras na kaya nagtaka ako kung bakit wala akong natatanggap na reply mula sa kanya..Trinay ko syang tawagan pero walang sumasagot..Hanggang sa hindi ko na namalayan nakatulog na pala ako..
Kinabukasan tanghali na akong nagising at napabaligwas ako kasi naalala kong hindi kami ok kagabi..Nakakapagtaka kasi wala pa din syang reply samantalang kada umaga inuulan nya ako ng mensahe ng pagbati at ng i love you nya..Kaya tinwagan ko ulit sya pero wala pa din..Nag-aalala na ako na baka may masamang ngyari sa kanya kaya ganun..O galit lang sya sakin kaya hindi nya ako tinetext o chinachat man lang..Tinanong ko ang mga kaibigan nya pero busy daw silang lahat at hindi nila alam kung bakit hindi nagpaparamdam si Jena..
Walang araw na hindi ko sya tinext,,chinat at tinawagan..Simula ng gabing yun wala na akong balita na natanggap galing sa kanya..Nauna akong makaramdam ng galit kasi hindi naman solusyon ang pag-iwas sa mga problema..Naisip ko din na yun na ba yun??Yun ba yung breakup na tinutukoy ng iba??Ano pa bang iba kong iispin kundi ayaw na nya sakin..Ayaw na nya kong makausap eh..Ayaw na nya..
Halos isang bwan na ang nakalilipas at patuloy pa din ako sa pagcontact sa kanya pero wala pa din talaga akong nakukuhang paramdam galing sa kanya..Kaya sumuko na din ako..Kung ayaw na nya sakin,,ayaw ko na din sa kanya..Ayokong naghahabol sa taong ayaw naman akong makasama..Hindi din yun ang tamang panahon para magmukmok at madepress kasi malapit na yung graduation namin..Madaming kailangang asikasuhin sa school pero mahal ko talaga si Jena kaya pinilit kong pagsabayin ang pag-aasikaso sa nalalapit naming graduation at ang patuloy na paghingi ng tawad sa kanya..Pumasok din sa isip ko na baka kaya hindi din sya sumasagot kasi madami din syang inaasikaso school kasi kagaya ko graduating din sya..Hinayaan ko na lang muna hanggang sa dumating ang araw ng graduation ko..
Masaya ang lahat..Ang barkada ko,,ang mga kaklase ko lalo na ang mga magulang ko..Maliban lang sa sarili ko..Natapos ang buong maghapon ng hindi sya nawaglit ni minsan sa isipan ko..Nakakalungkot kasi akala ko magkikita kami..Akala ko sya yung unang tao na magcocongratulate sakin habang umis na umis at yayakap sakin ng mahigpit at sasabihing proud ako sayo..Yung taong gustong gusto kong nandun sa graduation day ko ay halos magtatalong bwan ng hindi nagpaparamdam..Wala akong alam..Meron pala akong alam..Ang alam ko lang mahal ko pa din sya..
Nang isang araw nakita ko sa bag ko ang kahon na iniaabot nya sakin nung huling araw ko syang nakasama..Binuksan ko ang kahon at naglalaman to ng panyong kulay puti at isang sulat..Isang panyo na may nakaburdang initials ng taong palagi nyang naikukwento sakin..Isang taong sobra nyang hinahangaan..Binuksan ko ang sulat at hindi ko na napigilan ang sarili ko..Tumulo ng kusa ang luha ko matapos basahin ang mensaheng ito..
“Yow!!HahahahahaHappy 9th Monthsary Bi!! Mahaba to sya ka..Haha..Seryoso na nga..Hmmm..Dahil sa ikasyam na bwan na natin,,sasabihin ko ang syam na dahilan kung bakit nagtitiis ako sayo..Hahaha..Joke!! Kung bakit mahal na mahal kita..Ienumerate ko na lang..Hoho..
1. Nakikinig ka sa bawat kwento ko..Kahit gaano kahaba at ramdam kong kung iba ang kukwentuhan ko ay maiinip lang sila pero ikaw iniintay mo talaga matapos ang mga walei kong story..Ang amazing mo..Haha..
2. Tumatawa ka sa jokes ko na puro walei..Haha..Tapos pag havei saka ka nagseseryoso..Lagi na lang akong barado sayo..Tae mo..Haha..
3. Hindi ka nagagalit sakin pag tinutukso kita sa crush mong si tooot..hahahaha..Kahit na hindi kayo talo..Sorry naman pows..Hahaha..
4. Pag nagtatampo ako nagtatampo ka din..Kaya ayun,,nagtatawanan na lang tayo after nating isumbat sa isa’t isa na para tayong mga bata..Tapos ayun bati na ulit tayo..Ang saya diba??Para tayong mga shunga..Hahaha..
5. Palagi tayong masaya pag magkikita tayo..May sched pa nga tayo eh..Yung twing sat dapat may baon kang pangknockknock at entry at mga jokes,,tapos ako naman pag sundays..Tapos kung sino ang walei syang manlilibre..Ang daya mo kasi mababaw kaligayahan ko..Kaya lagi kang havei..tsktsk..Pero ikaw pa rin nanlilibre kahit walei mga jokes ko..
6. Kinukwentuhan mo ko tungkol sa pamilya mo..Shinishare mong lahat sakin kahit na minsan nadadaldalan na ako sayo..Lalaki ka ba talaga??Hahaha..Joke lang po ulit..:*
7. Pag-umiiyak ako lagi kang may ginagawa para lang mapatawa ako..Lagi mo kong sinasabihan na may something ako sa ilong kahit wala naman tapos pinupunasan mo yung luha ko gamit yung damit mong suot..Ang lakas talaga ng trip mo eh no??hahaha
8. Pag may problema ako hindi ka umaalis sa tabi ko hanggang sa maging ok na ako..Kahit pala ok na ako andyan ka pa din..Ang sweet mo ga..
At last number…….Ramdam kong napapasaya kita kahit sa mga simpleng effort na nagagawa ko para sayo..At isa yun sa mga nakakapagpafeel sakin na mahal mo nga ako..Na kahitgaano kaliit naappreciate mo..Maraming salamat sa lahat Bi ha??Happy 9th monthsary..3 months from now eh isang taon na tayong nagmamahalan..Hahaha..Asahan mong hindi kita iiwan at ikaw lang angmamahalin ko kahit anong mangyari..
I love you. :)
P.S.
Couple panyo yungbinili ko,,asakin yung isa..Ingatan mo yan ha?? I love you ulit :)
Muling bumalik lahat ng alaala naming dalawa kasama ang pagsisisi kung bakit ngayon ko lang binuksan ang kahon na yun..Mahal na mahal ko pa din si Jena..Pero hindi ko alam kung paano ko ulit sya makikita..Nawalan na ako ng pag-asang makikita ko ulit syang ngumiti..Yung marinig yung tawa nya..At ang mayakap sya na sa loob ng isang taon ay hindi ko man lang nagawa sa kanya..Gustong gusto ko syang makasma ulit..Sa sobrang sakit ng naramdaman ko nun hindi ko namalayang nasaktan ko na pala yung sarili ko..The next day hindi ko na alam kung nasan ako..Una kong nakita ang kapatid ko..Nasa ospital pala ako..At naalala ko kung bakit ako napadpad dun..Sana namatay na lang ako..Sana nilakihan ko pa ang sugat sa pulso ko para wala na tong sakit sa puso ko..Ayoko din naman pg mabuhay ng wala si Jena.,Si Jena lang ang babaeng mamahalin ko..Ayokong mabuhay ng wala sya..Kasalanan kong lahat kunga bakit nawala sya kaya ano pa bang silbi ng buhay ko??Gusto ko lang naman makasama ulit sya..Mahal na mahal ko si Jena..
Hindi naman ako nagtagal sa ospital..Pero sobrang nag-alala ang pamilya ko sakin..Kaya pinilit nila akong burahin lahat ng koneksyon ko kay Jena para daw hindi na maulit yun..Humanap daw ako ng iba..
Ayokong nag-aalala ang pamilya ko sakin kaya sinunod ko lahat ng payo nila kahit alam ko sa sarili kong mahihirapan akong kalimutan ang lahat samin ni Jena..Kahit sobrang hirap,,pinilit kong alisin sa sistema ko si Jena..
Nang minsan may pinakilala sakin ang kapatid ko.,Taga samin din sya pero hindi ko sya ganun kakilala..Naging magkaibigan kami at sa tulong nya naging masigla ulit ako..Napapasaya nya ako sa paraang alam nya..Ganun din naman ako..Ginagawa ko lahat para maging masaya sya..Naging masaya ako sa loob ng tatlong bwan na kasama sya..Pero nagbago ang lahat ng simula ng araw na nakita ko ulit si Jena sa SM Lipa..
Saglit ko lang sya nakita..Napatulala ako kaya malayo na sya nung naisipan kong habulin sya..At hindi ko na sya naabutan pa..Sa konting panahon na nasilayan ko ulit ang maganda nyang mukha ay parang kailan lang nung huli kaming nagkita..Bumalik lahat..Lahat ng naramdaman ko nung una ko syang makilala hanggang sa araw na huli ko syang nakita..Lungkot,,galit,,saya at kahit hindi na tama,,pati ang pagmamahal ko sa kanya bumalik din..Bumalik nga ba o hindi ko na lang inaalala..Nawala ba talaga o isinantabi ko lang para makalimutan sya??
Isang linggo matapos ang araw na yun napagdesisyunan kong makipaghiwalay sa girlfriend ko..Kahit alam kong masasaktan sya mas pinili ko syang saktan ngayon kesa lokohin ko ang sarili ko lalong lalo na sya sa mahabnag panahon..Hindi ko na sya mapapangiti gaya ng dati..Hindi na din nya ako mapapasaya kung ang laging nasa isip ko ay ang alaala ni Jena..Hindi ko sya gustong saktan pero kailangan ko syang hiwalayan..Napakabuti nya sakin pero hindi talaga maaring hindi ko sya bitawan..Napakamakasarili ko kung gagawin ko yun..Na habang kami pang dalawa ay si Jena pa rin naman ang palagi kong iniisip..Gusto ko syang makahanap ng mas karapatdapat kumpara sakin..Gustuhin ko mang maging karapat-dapat para sa kanya hindi ko magagawa sa ngayon..Madami din akong gustong malaman..Gusto kong malinaw kung bakit hindi na nagparamdam si Jena after ng monthsary namin..Gusto kong malaman kung mahal nya pa rin ako kasi ako mahal na mahal ko pa din sya..Kaya inumpisahan ko ulit ang pagcontact kay Jena..Tinitext ko sya..Chinachat araw-araw..Tinatawagan ko din sya pero hanggang ngayon wala pa rin akong nakukuhang sagot mula sa kanya..Pero kahit ganun hindi pa rin ako nauubusan ng pag-asa na isang araw kakausapin nya ulit ako at ipapaliwanag sakin ang dahilan kung bakit mag-iisang taon na syang hindi nagpaparamdam..
Alam kong madami akong pagkukulang sa kanya..Pero hindi ibig sabihin hindi ko na sya mahal..Hindi lang siguro ako ganun kashowy pagdating sa pagmamahal ko sa kanya..Pero alam ng Dyos kung gaano ako kasaya twing kasama ko sya..Twing kausap ko sya..Gustong gusto kong naririnig ang boses nya,,ang pagtawa nya..Wala akong ibang gustong makasama sa pagtanda ko kundi sya lang..Nagsisisi ako sa lahat ng ginawa kong nakasakit sa kanya..Pinagsisisihan ko lalo ang hindi pagpaparamdam sa kanya palagi ng halaga nya sakin..Ang tanga tanga ko..Siguro naging kampante lang ako na kahit anong gawin ko hindi nya ako iiwan kasi alam namin na mas mahal nya ako kesa sa mahal ko sya..At yun ang isa sa pagkakamali sa buhay ko na gusto kong ituwid kaya hindi ako titigil hanggat hindi kami nagkakausap at hanggat hindi ko naipaparamdam sa kanya ang pagmamahal ko..Sana dumating ang araw na yun..Ang araw kung kelan ko masasabi ulit kung gaano ko sya kamahal at marinig syang sumagot sakin ng mahal din kita..At kung sakali mang dumating yun,hinding hindi ko na ulit hahayaang mawala sya sakin..
********************************************
Naging magbestfriend kami ni Aeriel sa maikling panahon..Nagtatampo na nga sakin si Roxanie kasi mas madalas ko na daw nakakachikahan at nakakasama si Aeriel kumpara sa kanya..Inexplain ko na lang sa kanya na may boyfriend naman sya at mas kailangan ni Aeriel ang company ko at naintindihan naman nya daw yun..At sa kabutihang palad ramdam kong nalilimutan na ni Aeriel ang sakit na naidulot sa kanya ni Levi at masaya ako para sa kanya..
Sa awa din ni Lord,,parepareho kaming napalista sa listahan ng mga magsisipagtapos ng taong ito..Hindi man kami sabay-sabay tatlo na abutin ang diploma eh nakahanp pa din kami ng time para icelebrate ang achievement ng isa’t isa ng magkakasama..
Dalawang linggo matapos ang graduation ko ay kaarawn ni Aeriel kaya naghanda kami ng regalo para sa kanya at walang pasabi ay nagpunta kami sa kanila..Kasama si Roxanie tinagpo namin si Lery sa cuenca at dumiretso na kami sa bahay nina Aeriel..Pagdating namin dun nagulat sya at maluha-luha pa sya nung nakita nya kaming dalawa ni Roxanie..Niyakap nya ako ng mahigpit..Bago kami pumasok sa loob ng bahay nila binati nya si Lery..Magkakilala pala sila..Hindi na ako nagtaka kasi magkabarangay lang naman sila kaya hindi imposible..
Masaya ang araw naming yun..Halos maghapon kaming nakipagkwentuhan sa isa’t isa..Medyo nagulat lang ako sa closeness ni Lery at ni Aeriel..Muntik na ngang magselos si Roxanie..Pangalawang beses ko pa lang din naman nakasama si Lery kaya siguro nainis din ako sa kanya ng konti..
Bago matapos ang araw na yun dumaan muna kami sa bahay nina Lery..Nung nandun na kami sa kanila parang may binulong si Lery sa nanay nya at tumingin sakin..Hindi ko alam pero naisip ko na baka ako yung pinaguusapan nila o napatingin lang sakin ang nanay nya..
Nakalubog na ang araw ng makauwi ako..Masaya ako na napasaya namin si Aeriel sa pagbisita namin sa kanya..Pero nabother ako tungkol kay Lery at sa kanya..Kaya kinausap ko si Aeriel tungkol dun..Tinanong ko sya kung bakit parang ang close nila masyado ni Lery..Ang sabi nya classmates daw sila nung highschool pa lang daw kaya ganun..Tapos nasabi nya din na kapatid ni Levi si Lery..Saka ko lang naalala na kapatid nga pala ni Lery si Levi..Napanatag na ako..Akala ko kasi nagkaroon ng something sa kanila kaya ganun sila kaclose..Ayun..Tutulog na dapat ako nung may tinanong si Aeriel sakin..
"Je'an ang weird ni Lery kanina..Tinatanong nya kung nakita ko na ba daw yung ex ng kuya nya dati..”
“Eh??Nakita mo na nga ba kahit minsan??Bakit naman ba daw naitanong nun sayo??”
“Hmm..Hindi ko pa sya nakita eh..Kahit sa pictures lang..Tapos ni minsan naman ay hindi nabnggit ni Levi ang tungkol sa ex nya..Ang alam ko lang eh Jena ang pangalan nya..Ewan ko din nga dun.”
“Hayaan mo na lang yun..Ano??Tara na matulog?”
“Tara!!Hahaha..gooddnight bff..see you in my dreams!! :)”
Dumaan ang ilang linggo at napansin kong mas naging sweet sakin si Aeriel kaya nagulat ako nung araw na yun..
May 18, 2014, May natanggap akong regalo at mensahe mula kay Aeriel..
“Hi Bff!! Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng ginawa mo para sakin..Sa napakaikling panahon nakakilala ako ng matatawag kong totoong kaibigan..Maraming salamat sa pakikinig mo sakin..Sa lahat ng payong binahagi mo sakin..Sa lahat ng masasayang alaala na dadalhin ko palagi..Ano bang meron sayo at naging ganun kabilis ang pagtitiwala ko??Ganun ka lang talaga kaamazing na nilalang kaya siguro ganun..Sa dami ng nagawa mo para sakin parang wala akong maisusukli..Sorry nga pala kung gagawin ko to..Siguro habang binabasa mo to sakay na ako ng eroplano..Sorry kung wala man lang pasabi ang pag-alis ko..Alam ko kasi malulungkot ka pag nalaman mong malapit na akong umalis at kahit na alam kong hindi mo ko pipigilan sa pag-alis kasi kapakanan ko palagi ang iniisip mo ay baka hindi ako tumuloy kasi parang ayaw kitang iwan..Sobrang napakahalaga mo para sakin ayokong makita kang malungkot sa pag-alis ko..Sayang nga lang kasi feeling ko hindi sapat yung yakap na binigay ko sayo nung huli nating pagkikita..Salamat talaga..Ngayon alam ko na din kung bakit kinailangan kong pagdaanan lahat ng ayun..Yun ay para marealize kung ano yung totoong meaning ng pagiging selfless at ikaw ang nagturo nun sakin..Wag kang mag-alala hindi kita kakalimutan at bff mo pa rin ako kahit nasa malayo na ako..At yung galit sa puso ko para sa ex ni Levi,,matagal na palang nabura ng hindi ko man lang nmamalayan..Hindi na din ako nagtataka kung bakit hanggang ngayon mahal pa rin ni Levi ang ex nya..Nalaman ko na lahat ng sagot sa mga katunungan ko dati sa tulong ni Lery
na kahit sya last week nya lang naconfirm..Hindi na ako galit..Hindi na ako galit kay Levi pati sa babaeng mahal nya..Kasi nito ko lang din nalaman na mahal ko na din pala sya..Minahal ko na din ang taong mahal ng mahal ko..Salamat talaga..But for now,,kailangan ko ng magpaalam.. Goodbye Je'an..And by the way nice meeting you Jena..
P.S.
Sana sa muli nating pagkikita hawak nyo na ulit dalawa ang kamay ng isa’t isa.”
Natigilan ako sa nabasa ko..Umiiyak ako ng hindi ko alam ang dahilan..Hindi pa rin nagsisink-in sakin ang huling bahagi ng mensahe nya..Hindi ko magets..Hindi talaga..Bakit tinawag nya akong Jena??Bakit??Sa kaiisip ko kung bakit bigla na lang akong may naalala..Nakita ko ang imahe ni Levi at ng isang babaeng nakangiti..Nagulat ako nung makita kong ako yung kasama nya..Lalo akong naiyak..Hanggang sa isa isa ng bumalik yung alaala ko kasama si Levi..Totoo ba to??Paulit-ulit kong tanong sa sarili ko..Kilala ko ba talaga sya??Hindi ako makapaniwala..Hindi ako naniniwala kaya hinalikwat ko lahat ng gamit ko noon..Nakita ko ang isang kahon na naglalaman ng mga litrato naming dalawa..Ngayon alam ko na..Alam ko na kung bakit nasabi kong pamilyar ang mukha nya..Pero bakit??Bakit naalala ko yung iba pero sya hindi??Bakit wala man lang nabanggit ang mga kaibigan ko tungkol sa kanya pati na rin ang magulang ko??
Kaya naglakas ako ng loob na itanong sa mga magulang ko kung kilala nila si Levi..Hindi na sila tumanggi pa..Sinabi din nila na nung araw na nabangga ako alam nilang si Levi ang kasama ko kaya minabuti nilang wag na lang munang banggitin ang kahit anongtungkol sa kanya kasi sinisisi nila si Levi kung bakit ako naaksidente nung araw na yun..Sinamantala na din nila na ang pagkakaroon ko ng amnesia kaya dinelete nila lahat ng pwedeng makapagpaalala sakin sa kanya..Humingi sila ng tawad sakin pero naiintindihan ko naman sila..Bigla kong naalala yung number na nagtetext sakin at tumatawag araw-araw..Pati yung nagchachat sakin..Tiningnan ko yung nagchat sakin at si Levi pala yun binaliktad nya lang ang pangalan nya..Ni hindi ko man lang inalam kahit minsan kung bakit ganun ang mensahe nya para sakin..Sa kanya din palang number yung tumatawag at nagtetext sakin na humihingi ng tawad at pagkakataon..Iyak ako ng iyak kasi halos isang taon yung nawala saming dalawa..Kasabay ng pagbalik ng alaalala ko sa kanya ganun din yung nararamdaman ko..Gusto kong magalit sa lahat ng taong kinuha yung isang taon naming dalawa..Pero hindi ko din magawa..Ang sakit lang na all this time ang akala ni Levi iniwan ko sya ng ganun lang..Hindi lang sya yung nasaktan ko..Patina rin ang bestfriend ko..Ngayon alam ko na kung bakit ganun yung last message nya sakin..Nanumbalik lahat ng alaalala ko tungkol kay Levi bago matapos ang araw na yun..
Ibinalik ko na sa ayos lahat ng gamit ko..Nang makita ko ang isang maliit na kahon..Naglalaman yun ng isang puting panyo na may nakaburdang SHJ..SH para sa paborito kong fiction character at J para sa pangalan ko..Naalala ko na ako ang nagburda nun para pareho kami ni Levi at SHL ang nilagay ko sa panyong ibinigay ko sa kanya..
Tinext ko ang number ni Levi,,chinat ko sya..Ang sabi ko magkita kami bukas sa SM Lipa sa section ng handkerchiefs sa deptstore..10:00 am..
Muntik na akong hindi makatulog..Nag-ayos ako ng sarili at naghanda na sa pag-alis..Bago ako umalis kinuha ko ang panyo kong puti at muli kong napansin ang panyong napulot ko noon..Hindi ako makapaniwala sa nakita ko kaya isinilid ko na din sa bag ko at nagmadaling umalis..
Nung nandun na ako,,nakita ko sya sa pwestong madalas kong puntahan..Lumapit ako sa kanya at may iniaabot ako..Iniabot ko ang panyong napulot ko sa tapat na yun nung araw na nakilala ko si Aeriel..Nginitian ko sya at ngumiti din sya..Niyakap nya ako ng mahigpit at pareho kaming umiiyak..At tinanong nya ako..
“Bakit nasayo ang panyo ko?”
SHL
0 notes