Tumgik
#Pamahalaan
residentpatriot · 6 months
Text
Ang Problema sa mga Yellowtards, Dutertards at Marcostards
Ano ang problema sa mga Yellowtards, Dutertards at Marcostards? Maraming idinudulot na hindi magandang bagay ang pagkakawatak-watak ng mga Pilipino sa isyu ng pulitika sa Pilipinas. Ipinapakita sa atin nito ang kultura ng mga Pilipino ng pagpapahalaga sa social image o personalities at hindi sa mga adhikain, layunin o reputasyon ng taong iyon. Ito ang dahilan kung bakit iilang mga pulitiko…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes
upismediacenter · 1 month
Text
OPINION: 100% Banyagang kapital, Bagsak ang mga mag-aaral
Tumblr media
Photo credit: Anna Gabrielle Dalet
“The 1987 Constitution was not written for the globalized world,” iyan ang pangunahing rason ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. para sa economic charter change (Cha-Cha) ng Pambansang Konstitusyon ng 1987 na ipinapanukala ngayon ng parehong kapulungan ng Kongreso.
Upang makamit ang globalized world na ito, nais pahintulutan ng administrasyon ang 100% foreign ownership sa mga institusyon ng edukasyon, advertisement firms, at public utilities ng Pilipinas. Ayon sa mga tagasuporta ng Cha-Cha, sa ganitong paraan makakahabol ang ekonomiya ng Pilipinas na matagal nang nahuhuli sa pandaigdigang merkado.
Idinadahilan nila ang kakulangan ng Foreign Direct Investments (FDI) sa Pilipinas bilang rason kung bakit naghihirap ang bansa. Ayon sa kanila, kung ikukumpara sa mga kalapit nating bansa katulad ng Singapore, Thailand, Indonesia at Vietnam, mababa ang ating FDI; at dahil doon, lugmok ang ating ekonomiya.
Ngunit kontra rito, mas mataas pa rin ang ating FDI kaysa sa pinagsama-samang FDI ng Cambodia, Myanmar at Lao PDR. Kamakailan lang, inulat din ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na 27.8% ang itinaas ng FDI noong Nobyembre 2023 kumpara noong Nobyembre 2022. Kung kaya’t ang tanong: bakit isinusulong pa ang economic charter change?
Sa ganitong punto, makikita ang pagkukulang ng Cha-Cha at ng mga nagsusulong nito. Bukod sa mga kontradiksyon sa kanilang argumento, naghihirap pa rin ang sambayanang Pilipino kahit nagkakaroon ng upward trend ang FDI natin. Ayon sa ulat ng IBON, 75% o tinatayang 20.6 milyong pamilyang Pilipino ang lubog sa kahirapan.
Maliban pa rito, hindi rin angkop na gamitin ang FDI bilang sukatan ng kaunlaran dahil ang ipinapakita lang nito ay ang dami ng foreign investments. Malinaw na hindi ito nangangahulugang maayos na ang ating mga pampublikong serbisyo o walang paghihirap na nararanasan ang pangkaraniwang Pilipino.
Kailangan alalahanin na sa panghihikayat ng mga foreign investors na mamuhunan sa Pilipinas, ang potensyal para sa kita at expansion ang nagsisilbing pangunahing pakay. Kapalit nito ang pangako ng inobasyon at pagsasaayos ng ating mga industriya at ekonomiya. Ngunit dahil nagsisilbing itong investment, ang prayoridad ng mga investors ay kumita. Sa kabila ng kanilang pangako ng kaunlaran, ang kanilang pagpapakahulugan sa “pag-unlad” ay nakaangkla sa kanilang mga layunin at karanasan, hindi sa kalagayan ng bayan.
Sa usapan ng kasalakuyang Cha-Cha, malinaw na malaking kontradiksyon ang lente ng pagnenegosyo na ito sa pampublikong serbisyo at institusyon ng edukasyon na ang pangunahing layunin ay magsilbi sa sambayanang Pilipino. Kung ilalagay natin sa kamay ng mga banyaga ang ating mga paaralan, ang iiral sa silid-aralan ay ang pagpaparami ng kapital sa pandaigdigang merkado kaysa sa ating sariling kasaysayan at bayan. Ang tanging makikinabang dito ay ang mga dayuhang kapitalista at muling mapag-iiwanan ang masang Pilipino.
Noong Disyembre 14, anim na buwan mula noong naluklok bilang pangulo si Marcos Jr., inanunsyo ng House Committee on Constitutional Amendments ang plano nitong talakayin ang charter change pagkatapos ng holiday break ng Kongreso. Naganap ang unang pagpupulong para sa Cha-Cha ng administrasyon noong Enero 26, 2023. Sa loob ng 16 buwan, mangilan-ngilang bersyon at hearings na rin ang isinagawa upang itaguyod ang pagsasabatas nito. Ngunit, sa kabila ng lahat ng panahon at pakikipagtalastasan, isinasawalang-bahala ng pamahalaan ang taong bayan sa usapan ng pagbabago ng Saligang Batas. Ayon sa isang sarbey ng Pulse Asia noong Marso 27, three-fourths ng mga respondents ang umaamin na sila ay may “little to no knowledge about the 1987 Constitution.” Kasama na rito ang kung paano isinasagawa ang charter change.
Nakakaalarma ito dahil dapat pinagtutuunan ng pansin ang Konstitusyon at kung ano mang rebisyon ang nais gawin dito lalo na sa konteksto ng ating kasaysayan. Maaaring samantalahin ang kakulangan sa impormasyong ito upang basta-bastang baguhin ang Saligang Batas ayon sa interes ng iilan.
Tumblr media
Ang Cha-Chang nais isabatas ngayon ng administrasyong Marcos ay isang amendment sa Konstitusyon. Nilalayon nilang dagdagan ang Artikulo 12, 14, at 16 ng “unless otherwise provided by law.” Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng sugnay na ito, mabibigyan ng kapangyarihan ang mga mambabatas na piliin ang mga institusyong maaaring maging 100% foreign-owned. Dito pa lang ay malinaw na maaari itong abusuhin at maging breeding ground ng korapsyon.
Dagdag dito, sadyang mahal ang economic charter change. Sa katotohana’y binigyan na ng Kongreso ang Commission on Elections (COMELEC) ng badyet na PHP 14 bilyon upang isagawa ang eleksyong plebisito, ngunit naniniwala sila na hindi pa ito sapat. Nangangailangan pa ng karagdagang PHP 12 bilyon hanggang PHP 13 bilyon upang maisagawa ito. “The COMELEC will have a financial crisis just in case a national plebiscite materializes this year,” sabi ng executive director na si Teopisto Elnas Jr.
Suhestiyon naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kung magkakaroon ng eleksyong plebisito, mas mainam ang dual vote na magaganap sa Mayo 12 sa susunod na taon, kasabay ng eleksyon sa 2024. “Dahil kung paghihiwalayin natin ‘yang election saka ‘yung plebiscite, parang dalawang eleksyon ‘yun e, napakamahal,” amin ng presidente. Ngunit, hindi pa rin nito isinasaalang-alang ang dagdag na materyales, kawani, at makinarya na kinakailangan—sumabay man ito sa isa pang eleksyon o hindi.
Bukod dito, nagkakaroon din ng imbestigasyon patungkol sa posibleng panunuhol sa pagsasagawa ng People’s Initiative. Sa unang bahagi ng Enero, ang mga nilagdaang dokumentong sumasang-ayon sa pag-amyenda sa Konstitusyon ay nagsimula nang kumalat. Ayon kay Albay 1st District Representative Edcel Lagman, mayroong ilang mga mayor na nakatanggap ng mobilization funds na nanggaling sa Ako Bicol partylist coordinators upang makakuha ng suporta sa petisyon. “Voters who would sign the petition or people’s initiative will be given PHP 100 each,” ani ni Lagman. Ito’y tinanggi ng Ako Bicol Representative na si Jil Bongalon at ng presidente ng League of Municipalities of the Philippines-Albay Chapter na si Raymond Adrian Salceda.
Hindi lamang umano sa Albay naganap ang sinasabing vote-buying. Ayon sa Kabataan Partylist, mayroong “template form” na ginagamit upang mangolekta ng mga lagda para sa People’s Initiative. Sabi pa ni Imee Marcos, “PHP 20 million total kada distrito ang inaalok, meron pa akong narining ‘nung malaking siyudad na pinangakuan din ng ganoon at ang sabi magproduce kayo ng 20,000 signatures by January 13.”
Mayroon ding nadagdag na PHP 26.7 bilyon na pondo sa naaprubahang 2024 badyet ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na dapat para sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP), na ayon kay Sen. Imee Marcos ay ginamit din na panuhol para sa People’s Initiative. Ang lalong nakababahala ay tila sorpresa ang ilang bilyon na ito, hindi lang sa Senado na nag-apruba ng badyet, kundi pati na rin sa DSWD. Ayon nga kay DSWD Undersecretary Fatima Aliah Dimaporo, ang PHP 26.7 bilyon ay isang “happy surprise.”
Bilyong-bilyong pera ang ginagastos para sa paglelehitimo ng charter change na dapat ilaan na lamang sa mga sektor na “nilalayon nitong paunlarin” tulad na lamang ng sektor ng edukasyon. Malinaw sa lahat ng pondong winaldas na sinasayang lang ng Cha-Cha ang oras at pera ng bayan at ang kinabukasan ng milyon-milyong kabataang Pilipino.
Lugmok na lugmok ang estado ng ating sistema ng edukasyon dahil sa pagsasawalambahala ng gobyerno. Hindi rin maikokonsidera ang 100% foreign ownership bilang solusyon dahil sa mahabang kasaysayan ng dayuhang impluwensiya sa ating edukasyon na nagdulot ng negatibong epekto sa kalagayan ng karaniwang mamamayang Pilipino.
“90% of Filipino children aged 10 struggle to read or understand simple text,” ayon kay Prop. Portia Padilla ng UP College of Education. Ngunit hindi lamang mga kabataan ang mababa ang reading comprehension. Ayon sa parehong pag-aaral, 200 na guro mula sa Bangsamoro Region na kasali sa programa para sa pagbabasa ng Department of Education (DepEd) ang nakakuha ng gradong “below 50% in reading comprehension.”
Maraming rasong makapagpapaliwanag sa mababang reading comprehension ng mga Pilipino. Maaari nating isipin ito bilang siklo kung saan ang mga guro at mag-aaral ay kapwa kulang ng kinakailangang kasanayan. Subalit, ang pinakamalaking salik ay ang pagpapahalaga ng ating gobyerno at mga paaralan sa wikang Ingles. Sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos Jr., binanggit nito ang importansya ng marketability natin bilang isang “English-speaking people” sa pandaigdigang merkado. Bunsod nito, nais ng pangulo isulong ang Ingles bilang midyum ng pagtuturo.
Matagal nang mahigpit ang hawak ng wikang Ingles sa edukasyong Pilipino. Simula pa noong pananakop ng mga Amerikano, ginagawang simbolo ng “karunungan” at ng pagiging “maabilidad” ang pagkabihasa sa Ingles. Dahil dito, naisasantabi ang iba pang wika sa Pilipians. Ayon kay Leila Areola, Director IV ng Curriculum and Instruction sa DepEd Bureau of Learning Delivery, na 78,872 lamang sa target na 305,099 na guro ang trained sa paggamit ng mother tongue bilang midyum ng instruksyon.
Kapalit ng paggamit ng wikang hindi atin para sa pandaigdigang merkado, nawawala sa pagsasalin ang ganap na pag-unawa at pagpapalalim ng mga konseptong dapat nakalapat sa karanasang Pilipino. Masasabing kapareho nito ng ideolohiya ang Cha-Cha kung saan nauuna ang marketability at napag-iiwanan ang ipinapangakong pag-unlad.
Dahil dito, hindi maipagkakailang maapektuhan din ng 100% foreign ownership ang karunungan ng mga mag-aaral na magbasa at magsulat sa sarili nilang wika. Sa mas matinding presensya ng mga dayuhan sa ating mga paaralan, lalong maisasantabi ang Filipino. Mananatiling midyum ng instruksyon ang wika ng mga banyagang nagmamay-ari ng ating mga paaralan. Kahit manatili mang asignatura ang Filipino, hindi sila bihasa sa ating wika at kasaysayan kaya’t sinong makakapagsabi na mabibigyan nila ng hustisya ito?
Ganito rin ang alalahanin sa magiging epekto ng dayuhang presensya sa kasalukuyang kurikulum. Wala pa nga sa kanilang kamay ang ating mga paaralan ay matagal nang binabastardo ang ating mga aralin upang iangat ang naratibo ng mga korap at abusado. Halimbawa nito ang baliktad na kwento at kulang-kulang na impormasyon na tinuturo sa mga estudyante patungkol sa mga pang-aabuso sa ilalim ng diktadurya ni Ferdinand Marcos Sr. Bunsod ng isang memorandum ng Bureau of Curriculum Development (BCD) ng DepEd, ginawang “Diktadura” imbis na “Diktaduryang Marcos” ang pangalan sa yugto ng Batas Militar.
Patuloy na umuulit ang kamalian ng ating kasaysayan noon dahil itinatanggi at binabaluktot ito ng sistema. Mula pagkabata, tinuturuan ang mga Pilipino ng mali at kulang-kulang na impormasyon tungkol sa diktadura ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr.. Parehong-pareho lang ito sa mga paaralan at konserbatoryong itinayo ng mga banyaga noon na nagtuturo ng “malinis na bersyon” ng paghahari. Kaya hanggang ngayon, inaaral pa rin ng mga bata ang mga “kabutihang dala” ng pananakop ng mga Espanyol, Amerikano, at Hapon. Sinong makapagsasabi na hindi ito gagawin ng mga foreign investors, lalo na’t sila na ang nagmamay-ari ng ating mga eskwelahan?
Ngunit, ang pinakamalaking sala ng ating sistema ng edukasyon ay ang pilosopiya ng ating pamahalaan na “Basta nakakapasok ang estudyante.” Halimbawa nito ang No-Fail Policy na umiral noong kasagsagan ng Covid-19. Nais pa rin ng DepEd at CHEd na ituloy noon ang akademikong taon sa harap ng pandemya at ito ang nagsisilbing “solusyon.” Sa halip na tugunan ang krisis sa mental health ng kabataan, binigyan na lang nila ito ng band-aid solution sa pangakong hindi sila babagsak basta’t pumasok sila. Mayroon namang mga batang natulungan ng polisiya: basta’t tapusin lang nila ang kanilang mga gawaing pampaaralan, matiwasay na silang makakaakyat sa susunod na baitang. Ngunit, ipinapakita nitong iba ang prayoridad ng gobyerno patungkol sa ating edukasyon. Malinaw na sinisigurado lang ng ating sistema ng edukasyon ang regular na pagpasok ng mga mag-aaral at ang kanilang pagtapos sa pag-aaral sa lalong madaling panahon. Ang kurikulum natin ay nagsisilbi na lang checklist kaysa sa gabay sa pagtuturo. Dahil dito mas umaangat ang pagsasaulo ng impormasyon kaysa sa pagpapalalim ng pag-uunawa. Ayon kay Cynthia Bautista, EDCOM 2 adviser at dating dean ng UP Diliman College of Social Sciences and Philosophy (CSSP), ang ganitong pag-uugali ang bumubuo sa reputasyon ng ating mga paaralan bilang mga diploma mills. Bunsod nito, ang maakit din natin na paaralan mula sa mga dayuhang kapitalista ay kapwa diploma mills rin. Sa madaling salita, ang sisiguraduhin lang ng mga foreign investors ay ang bare minimum dahil ito ang nakikita nila mula sa ating pamahalaan. Dagdag dito, di hamak na mas maliit ang kinakailangang puhunan para sa mga paaralang bare minimum. Kahit ano man ang kalidad ng edukasyon, hanggang may mga mag-aaral na pumasok at makapagtapos, kikita sila.
Isa pang problema na kinakaharap sa ating institusyong pang-edukasyon ay ang mababang sahod ng mga guro. “The current salary level of teachers and other workers in government is not livable,” sinabi ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Partylist Chairperson Vladimir Quetua. Ang sahod ng mga guro sa mga pampublikong paaralan ay PHP 36,000 lamang, habang ang mga guro naman sa mga pribadong paaralan ay sumasahod nang mas mababa sa halagang PHP 27,000. Sa patuloy na lumalalang “inflation, hindi ito sasapat sa lahat ng mga gastusin, lalo na ng mga may sari-sariling pamilyang binubuhay. At kung hindi sapat ang pagpapasahod ng mga pribadong paaralan natin ngayong investors pa lang ang mga dayuhan, paano pa kaya kung kanila na ang buong pagmamay-ari sa mga ito?
Ang lalo pang nakapanghihinayang ay mayroon nang mga panukalang batas ukol sa pagtaas ng sahod ng mga guro na hindi lang binibigyang-pansin ng gobyerno, tulad ng Senate Bill No. 4 at Senate Bill No. 1164. Ang Senate Bill No. 1610 naman ay ukol sa pagbibigay-daan sa mataas na kalidad ng pagtuturo sa state universities at ibang mga kolehiyo sa pamamagitan ng pagbigay ng libreng tuition. Dagdag dito, kung ikukumpara sa ating mga kapitbahay, kakarampot lang na pondo ang nilalaan natin sa edukasyon kada taon. Inilaan ng gobyerno ang 3.6% Gross Domestic Product (GDP) sa edukasyon mula 2014 hanggang 2022. Noong 2017 naitala ang pinakamataas na budget na umabot sa 3.9% GDP. Subalit, maliit ito kumpara sa Vietnam at Malaysia na naglaan ng 4.2% ng GDP at sa Singapore na naglaan ng 25.8% ng GDP noong 2018. Dahil dito, makikita natin na ang pag-amyenda sa 1987 Konstitusyon ang kanilang pangunahing layunin, hindi ang pagpapaunlad ng kalagayang pang-edukasyon ng ating bansa.
Hindi uunlad at magkakaroon ng matinong edukasyon ang Pilipinas kung patuloy na isusulong ang privatization ng mga paaralan. Ayon sa ulat ng IBON Foundation Setyembre 2023, 13.2 milyong “self-rated” na pamilya o 48% ng pangkalahatang populasyon sa Pilipinas noong ay nagmumula sa mahirap na pamilya. Dagdag pa rito, 18.2 milyon o 67% ng sambahayan ay mababa ang savings sa ikatlong kwarter ng 2023. Mula sa mga nabanggit na datos, masasabi nating ang karamihan sa mga Pilipino ay hindi makatatanggap ng matinong edukasyon hangga’t sila ay mahirap, at ang gobyerno ay patuloy na inaprayoridad ang pagtataguyod ng mga pribadong paaralan.
Ngunit sa kabila ng lahat, kailangan nating alalahanin na ang masang Pilipino ay hindi magpapaloko. Mangilan-ngilang kilos-protesta ang isinagawa laban sa economic charter change linggo-linggo, at araw-araw ring dumarami ang mga grupo, organisasyon, at mga network na nanawagan para sa tuluyan nitong pagbasura. Noong Marso 22 lamang ay nagkaroon ng kilos-protesta sa labas ng Commision on Higher Education (CHEd) ang iba’t ibang mga student organizations laban sa 100% foreign ownership sa mga institusyon ng edukasyon. Malaking bahagi rin ng paggunita ng ika-38 na anibersaryo ng EDSA noong Pebrero 25 ang pagkontra sa Cha-Cha. Nagpahayag din ng pagtutol ang iba’t ibang sektor ng UP sa pamamagitan ng papaskil ng mga poster at tarpauling nagtataglay ng panawagang “No to Cha-Cha!” sa buong campus.
Bukod dito, ilang grupo rin ang nabuo upang kondenahin at labanan ang Cha-Cha. Halimbawa nito ang Teachers, Education Workers, and Academics Against Charter Change (TEACH). Nanawagan ang grupo sa kanilang inilabas na pahayag, “Rather than open up our schools to foreign ownership, the Philippine government should be reminded that improving the quality of Philippine education is a state obligation.”
Hindi malulutas ng foreign ownership ang krisis sa edukasyon sa Pilipinas—maaari pa itong makadagdag sa mga kasalukuyang kakulangan sa ating kurikulum. Sa halip na ang pagtuunan ng pansin ay ang mga kapalpakan sa loob ng sistema ng edukasyon, inuuna pa ng administrasyong buhusan ng pera ang economic charter change na wala namang maipapangakong ganap na pagbabago.
Asahang sa araw na tuluyang maipatutupad ang Cha-Cha, tulad ng mga banyagang mananakop noon, gagawing westernized at for-profit ng mga foreign investors ang ating mga paaralan ngayon.
Dati nang kinontrol ng mga dayuhan ang ating mga institusyon ng edukasyon. Nagpondo at nagtayo sila ng mga paaralan upang turuan tayo kung paano maging mas masunurin bilang kolonya. Ginamit nila ang kanilang wika bilang panturo at itinuring nila ang kanilang kultura bilang nakaaangat sa sariling atin. Malaki ang posibilidad na mangyari ito sa pagsasabatas ng Cha-Cha, lalo na't wala sa mismong amendment ang mga regulasyon na maaaring makapagpatigil sa pang-aabusong tiyak na mangyayari.
Bilang mga mag-aaral, kailangan natin idiin sa mga nanunungkulan ang pagbabasura ng Cha-Cha. Sapagkat ang tunay na kailangan ng mga estudyanteng Pilipino ay isang sistemang pang-edukasyon na nakalapat sa kanilang mga karanasan at realidad bilang Pilipino. Manawagan tayo na mabigyan ng respeto ang ating kasaysayan at wika sa pagtuturo. Mag-anyaya tayo ng ating mga kamag-aral na gamitin ang ating wika at humanap ng mga paraan upang pahalagahan ito. Makiisa tayo sa mga kilos-protesta para sa sapat na sahod at benepisyo ng mga guro at staff ng bawat paaralan. Dagdag dito, suportahan natin ang mga unyon at ang mga indibidwal na namumuno sa mga pagkikilos na ito. Matitiyak lang natin ang ating karapatan sa dekalidad na edukasyon kung pagsasama-samahin natin ang ating mga boses.
Hindi malabong matugunan ang mga panawagang ito ng ating gobyerno lalo na’t may pondo namang nakalaan para rito. Huwag tayong magsawa sa pangangalampag at paggigiit na itigil ang Cha-Cha, at sa pangangampanya para sa makamasang sistema ng edukasyon! //nina Mayden Bartolabac, Japhet Casabar, at Eda White
#NoToChaCha
Mga Sanggunian:
Africa, S. (2024, February 4). The spectacular errors of economic cha-cha proponents. IBON Foundation. https://www.ibon.org/the-spectacular-errors-of-economic-cha-cha-proponents/
Ager, M. (2024, March 13). Bill on people’s initiative, penalties for signature buying, selling filed. INQUIRER.net. https://newsinfo.inquirer.net/1917149/pimentels-bill-provides-for-pi-penalizes-signature-buying-selling
Canlas, R. (2024, March 6). Women organizations oppose ‘Cha-cha’. Manila Bulletin. https://mb.com.ph/2024/3/6/women-organizations-express-opposition-vs-cha-cha-on-women-s-day
Cayabyab, M. J. (2023, September 12). DepEd hit for rebranding of Marcos dictatorship. Philstar.com. https://www.philstar.com/headlines/2023/09/13/2295879/deped-hit-rebranding-marcos-dictatorship
Chi, C. (2024, January 13). Explainer: With students’ poor literacy, are all teachers now ‘reading teachers’? Philstar.com. https://www.philstar.com/headlines/2024/01/11/2325063/explainer-students-poor-literacy-are-all-teachers-now-reading-teachers#:~:text=At%20 least%2090%25%20 of%20 Filipino,in%20the%20Philippines%20at%2070%25.
Chi, C. (2024, March 5). DepEd objects to foreign control of schools via Cha-cha, cites national security risk. Philstar.com. https://www.philstar.com/headlines/2024/03/05/2338262/deped-objects-foreign-control-schools-cha-cha-cites-national-security-risk
Chi, C. (2024, February 15). Salary hike for teachers? DepEd defers answer until World Bank study complete. Philstar.com. https://www.philstar.com/headlines/2024/02/15/2333571/salary-hike-teachers-deped-defers-answer-until-world-bank-study-complete
Chi, C. (2023, July 17). Most private school teachers paid less than entry-level salary in public schools — survey. Philstar.com. https://www.philstar.com/headlines/2023/07/17/2281732/most-private-school-teachers-paid-less-entry-level-salary-public-schools-survey
Chi, C. (2024, February 23). Philippines’ “diploma mill” rep may attract low-tier foreihn universities, expert warns. Philstar. https://www.philstar.com/headlines/2024/02/22/2335333/philippines-diploma-mill-rep-may-attract-low-tier-foreign-universities-expert-warns
Cigaral, I. N. P. (2024, February 13). Net FDI inflows soared to near two-year high in Nov 2023. INQUIRER.net. https://business.inquirer.net/445148/net-fdi-inflows-soared-to-near-2-year-high-in-november-2023
Communications, E. 2. (2024, February 20). Allowing foreign ownership is only a first step in promoting internationalization in education – EDCOM 2 Executive Director. EDCOM 2. https://edcom2.gov.ph/allowing-foreign-ownership-is-only-a-first-step-in-promoting-internationalization-in-education-edcom-2-executive-director/
De Leon, D. (2024, January 25). Why mounting a 2024 plebiscite on charter change will be a daunting task for Comelec. RAPPLER. https://www.rappler.com/newsbreak/in-depth/issues-comelec-face-plebiscite-charter-change-people-initiative-2024/
De Leon, D. (2023, February 27). FAST FACTS: What does the House bill on charter change contain? RAPPLER. https://www.rappler.com/nation/things-to-know-key-provisions-house-bill-charter-change/
De Leon, D. (2024, March 1). Marcos says proposal to hold Cha-Cha plebiscite alongside 2025 polls for ‘practical’ reasons. RAPPLER. https://www.rappler.com/philippines/marcos-proposal-simultaneous-conduct-charter-change-plebiscite-2025-polls-practical-reasons/
Felipe, C. S. (2021, February 6). ‘No-fail policy not good for students.’ Philstar.com. https://www.philstar.com/headlines/2021/02/07/2075903/no-fail-policy-not-good-students
Galvez, D. (2022, July 25). Marcos wants to reexamine medium of instruction in schools. Inquirer.net. https://newsinfo.inquirer.net/1634255/english-speaking-people-marcos-wants-to-reexamine-medium-of-instruction-in-schools#ixzz7aA6ZU7H6
Gavilan, J. (2018, January 16). What you need to know about Charter Change. RAPPLER. https://www.rappler.com/newsbreak/iq/193718-charter-change-explainer-philippine-constitution/
Gorecho, D. (2024, February 21). “No to cha cha” in UP Fair and oblation run. INQUIRER.net. https://cebudailynews.inquirer.net/557610/no-to-cha-cha-in-up-fair-and-oblation-run
IBON Foundation. (2023, December 9). Marcos Jr admin fails to respect, protect, and fulfill social and economic rights. https://www.ibon.org/marcos-jr-admin-fails-to-respect-protect-and-fulfill-social-and-economic-rights/
Leon, D. (2024, January 23). Marcos now open to amending economic provisions of 1987 Constitution. RAPPLER. https://www.rappler.com/philippines/marcos-open-economic-charter-change-january-2024/
Limlingan, V. S. (2024, March 11). EDCOM II Year One Report: Misreading the Philippine Education situation. BusinessWorld. https://www.bworldonline.com/opinion/2024/03/11/580722/edcom-ii-year-one-report-misreading-the-philippine-education-situation/
Magsambol, B. (2024, February 25). IN PHOTOS: On 38th People Power anniversary, groups oppose charter change. RAPPLER. https://www.rappler.com/philippines/photos-protests-edsa-people-power-revolution-anniversary-2024/
Marcelo, E. (2024, March 9). Teachers oppose 100 percent foreign ownership of schools. Philstar.com. https://www.philstar.com/headlines/2024/03/10/2339415/teachers-oppose-100-percent-foreign-ownership-schools#:~:text=The%20TEACH%20pointed%20out%20that,are%20underserved%20by%20public%20schools.%E2%80%9D
Miguel, M. J. S. (2023, August 30). 2024 education budget: When will government learn? IBON Foundation. https://www.ibon.org/2024-education-budget-when-will-government-learn/
Philstar. (2022, October 17). DepEd to junk ‘mother tongue’ subject, but not as medium of instruction. https://www.philstar.com/headlines/2022/10/17/2217367/deped-junk-mother-tongue-subject-not-medium-instruction
Punongbayan, J. (2024, April 1). [In This Economy] Economic charter change is very unpopular – it’s time lawmakers listened. RAPPLER. https://www.rappler.com/voices/thought-leaders/in-this-economy-economic-charter-change-very-unpopular-time-lawmakers-listen/
Quismorio, E. (2023, March 13). (Update) A short timeline: Cha-cha in the House, 19th Congress Edition. Manila Bulletin. https://mb.com.ph/2023/3/12/a-short-timeline-cha-cha-in-the-house-19th-congress-edition#google_vignette
Second Congressional Commission on Education. (2024). Miseducation: The failed system of Philippine education, EDCOM II year one report. Second Congressional Commission on Education. https://edcom2.gov.ph/media/2024/02/EDCOM-II-Year-One-Report-PDF-022924.pdf
Valmonte, K. (2024, January 10). Will you sell your soul for P100? Allegations vs charter change bid via people’s initiative. RAPPLER. https://www.rappler.com/philippines/things-to-know-allegations-charter-change-via-people-initiative/
Valmonte, K. (2024, March 6). Why 4 lawmakers voted against RBH7, the economic charter change proposal. RAPPLER. https://www.rappler.com/philippines/why-lawmakers-opposed-resolution-both-houses-7-economic-charter-change-2024/
7 notes · View notes
xxpangitsigianxx · 6 months
Text
One Piece: Pagnais ng Hustisya
Tumblr media
Sa mundong puno ng kaguluhan at pakikipaglaban, isang anime ang patuloy na nagbibigay inspirasyon at aral sa mga manonood sa buong mundo, One Piece. Isa ito sa pinakapopular na anime series na hindi lamang nagbibigay saya at aliw kundi pati na rin naglalaman ng mga aral na maaaring magbigay inspirasyon sa lipunan, lalo na sa ating bansang Pilipinas na patuloy natin nilalabanan ang problema ng katiwalian.
Hindi lamang simpleng kwento ng pakikipagsapalaran at paghahanap ng kayamanan ang laman ng One Piece. Mayroon din itong malalim na paglalarawan sa halaga ng pagkakaibigan, katapangan, at pagiging tapat sa mga prinsipyo. Sa pamamagitan ng mga tauhan tulad ni Monkey D. Luffy at kanyang mga kasamahan sa Straw Hat Pirates, ipinapakita ng anime na ito ang halaga ng pagtutulong at pagtitiwala sa isa't isa upang malampasan lahat ng mga pagsubok upang mahanap ang One Piece.
Sa bansang ito, patuloy pa rin nahaharap ng Pilipinas ang mga isyu ng katiwalian sa pamahalaan at lipunan. Ang paghahanap ng One Piece ng bansa, na maaaring tukuyin bilang isang lipunan na malaya sa katiwalian at puno ng katarungan, ang patuloy na hahangarin ng mga mamamayan. Gayunpaman, tulad ng pakikipagsapalaran ng mga Straw Hats, hindi ito magiging madali.
Maaaring maging inspirasyon ang One Piece sa ating pakikipaglaban sa katiwalian sa ating lipunan. Sa pamamagitan ng pagtitiwala sa isa't isa, pagiging tapat sa mga prinsipyo, at patuloy na pagtanggap ng hamon ng buhay, maaari nating marating ang landas tungo sa isang mas maayos at mas makatarungan na lipunan.
Upang ibuod, Tulad sa anime na One Piece maraming beses gumamit ang gobyerno ng pagkatiwalian upang makamit nila ang kanilang mga gusto. Ngunit, ang ating pagtitiwala sa isa't isa, pagsasama-sama, at patuloy na pakikipaglaban para sa katarungan ang mga importanteng halaga na maaari nating pagbatayan sa pagtahak ng landas tungo sa hinahangad nating pagbabago.
2 notes · View notes
secretsofamermaid · 6 months
Text
Actually di ko alam kung pano ko sisimulan ung pagsulat ko dito. Yung ang dami mong gustong sabihin at irant pero di mo alam kung ano ung uunahin at kung anong magandang intro pero sobrang nalulungkot ako ngayon sa mga nagyayari sa mundo.
One of the reason bakit ako nalulungkot is yung nangyayari ngayon sa Gaza. Yung ginagawa ng Israel na genocide sa Palestinian pero yung ibang tao sobrang blind pa rin nila at sinasabing terrorist sila. Grabe ang dami ng videos and pictures ang shineshare pero ayaw pa rin nilang maniwala sinusuportahan pa rin nila ang Zionist State na Israel. Ilang beses na akong naiiyak sa mga napapanood ko sa Tiktok and Twitter na parang naiisip ko na di mag enjoy kasi sila nagsasuffer ngayon. Sana matapos na ang pagbomba sa Gaza. Sana marealize nila na pinapatay nila ang precious na buhay na binigay ng may likha. Super innocent nila specially ang mga bata pero parang turing sakanila ay hayop. Di ba nila naiisip un? Super nakakapanlumo lang at ngayon ko lang talaga narealize ng tunay na grabe pala ang pangbebrainwash na ginagawa ng western medias satin kaya di siya nababalita ng ilang taon. Kung hindi dahil sa tiktok at sa ibang personalities di ko malalaman na nageexist pa rin pala ang Palestine and its people pero pinapatay at pinapahirap silang ng 70+ yrs ng Israel. Ng dahil lang sa gusto nila ng isang country na sila lang Jews. Pero hindi ba pwede na magsama sama na lang in harmony? Bakit kelangan pang patayin at alisin? Bakit kelangan pa silang tanggalan ng karapatang pantao? Bakit kelangang may diskriminasyon?
Nakakalungkot rin itong pamahalaan ngayon. Grabe na ung ginagawang pangongorap at paglalagay sa pwesto ng mga di naman karapat dapat. Kapag umangal at nagreklamo ka ang dami nilang sasabihin. Kesyo kalaban ka ng bayan at ireredtag. O di kaya sasabihin sayo na magsumikap ka at dumiskarte. Kahit ganun naman ang ginagawa mo wala pa ring silbi kasi ang tataas na lahat ng bilihin, gas ang everything. Di ka rin makakausad.
Iba talaga mga Pilipino. Magrarant ka, sasabihan ka ng reklamador. Parang kontento na sila na ganito lang ang Pilipinas na lahat ng mga umuupo ay korap. Na di sila nakikinig at pataasan pa ng pride. Lalait laitin pa ung buong pagkatao mo na parang super perfect nila. Ang toxic na nitong mundo. Ung mga nakikita ko sa social media super toxic na. Kaya ayaw ko na talagang magkaroon ng sariling pamilya kasi ayokong maranasan ng mga magiging anak ko ung ganitong sitwasyon sa mundo. Mas ok ng ako na lang magsuffer. Wag na ung mga future ko. Kaya tinatamad rin akong magjowa eh hahahaha.
I will start to pray again to Lord para sa Palestine. Praying na hanggang sa dulo maging matatag pa rin sila at wag mawalan ng hope. Praying also na magceasefire at makarma ang lahat ng mga sumusuporta sa idea ng genocide. Praying to this everyday.
2 notes · View notes
pbbmupdates · 11 months
Text
PBBM: Sa pagsasailalim sa probinsya ng Albay sa state of calamity dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, pinapaalalahanan ang ating mga kababayang Bikolano na sumunod lamang sa mga rekomendasyon at evacuation instructions ng inyong lokal na pamahalaan upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.
Patuloy ang paglilikas sa mga pamilyang nakapaloob sa 6km permanent danger zone at pagdadala sa kanila sa mga evacuation centers. Nakaantabay na rin ang DSWD para sa mga sumusunod na tulong:
•Php 114M Quick Response Fund available at DSWD Central Office
•Php 5M Funds available at DSWD Field Office Region V
•179k Family Food Packs available in Disaster Response Centers
Dagdag pa sa mga preparasyong ito ay maaasahang patuloy ang koordinasyon at pagtutulungan ng bawat ahensya kagaya ng OCD, DA, DOH, DENR, PHIVOLCS, at iba pa.
Tumblr media
3 notes · View notes
jsethcsantiago · 2 years
Text
"Bayan,nasaan na Ang kalayaan"
May mga taong nag bigay saatin ng pag-asa,na hindi nasayang,masasayang ito kung ititigil na"tin ang ating pinag simulan,kawawa naman ang mga taong nilason ng maling inaakala ukol sa taong nakagawa ng Tama sa bayang mahal,ilang tao lang naman Ang nag bigay pag asa sa bayan, Sila lang naman Ang mga tinatawag na dilawan ng mga nilason ng maling inaakala,wala sa kulay Ang matapat na pamamalayakad sa pamahalaan at sa bayan,wala silang ginawang Mali,wala silang ginawa na korapsyon at pag nanakaw,"kaya nga sabi kung mahal mo ang bayan"dapat Yung pinagako mo natupad mo,pinapangako palang ng taong bayan,nagawa na niya,wala sa kulay ang taong tapat sa bayan,kung mahal mo ang bayan doon ka sa alam mong may gagawin na Tama sa pamahalaan, nasaan na Ang kalayaan, Oh bayan Ang hirap mong ipaglaban"wala sa kulay Ang naka gawa ng tapat sa Bayang matagal ng minamahal,kelan kaya muli madadama Ang bayang kalayaan kung marami ng taong nilason ng maling inaakala sa pag asa at kalayaan,may ilang taon lang Naman Ang Hindi nakagawa ng tapat at kahusayan sa bayan,gumawa sila ng ikababagsak ng bayan Sila lang naman Ang mga mayayaman na nag nakaw ng kalayaan,pero Hindi masususkat Ang pag asa sa gumawa ng tapat,Ang mayayaman lang naman Ang gumawa ng ikalalason ng inaakala ng mga taong bayan,may mag papatuloy ng pag-asa, Ma'am Leni said"nasisimula pa lang Tayo"—jsethcs
Wala taos pusong Pasasalamat sayo ma'am Leni,Umm tag ko nalang si ate aiks @jmgr
Tumblr media Tumblr media
7 notes · View notes
pag-alpas1994 · 1 year
Text
January 4, 2023
Matapos ang Christmas break, pasukan nanaman. Walang gana ang mga bata. Inaantok. Halos walang pinagawa ang kanilang mga guro. Pero pagdating sa akin may activity sila AHAHAHA
Hindi ko maiwasang maging politikal sa klase. Napag usapan namin ang presyo ng sibuyas, at tila walang ginagawang hakbang ang pamahalaan upang ito ay masolusyonan.
Magsisipag pa rin sa 2023 :)
6 notes · View notes
ronaldseno2005 · 1 year
Text
Tumblr media
tayo ay nabubuhay na sa makabagong teknolohiya tulad na lamang ng social media. Nakagawian na ating sa araw-araw ang paggamit ng social media. Upang alamin at malaman ang mga pangyayaring nagaganap sa ating kapaligiran o bansa. At sa tulong din nito ay lalong napadali ang ating komunikasyon sa ating mga mahal sa buhay na na sa malalayong lugar. Sa tulong ng social media mabilis lang din nating mahanap ang taong nais na ating hanapin.Maging ating mga kawani at manggagawa sa ating gobyerno.Napapadali ang kanilang trabaho sa pamamagitan at tulong nito.Lalong-lalo nasa pagpaparating ng mga kabalitang patungkol sa kalagayan ng ating bansa, bayan at panahon. Gayon din naman sa panahon ng sakuna at kalamidad.Napapadali ang agarang tulong na bawat individual on ng pamahalaan sa ating biktima ng nasabing kalamidad.Napapadali ang agarang tulong ng bawat indibidwal at ng pamahalaan sa mga biktima ng nasabi ng kalamidad.Ito ay napakahalaga lalo na sa mga ofw na mag abroad sa ibang bansa para sa kanilang pamilya sa panahon ngayon maraming mahihirap ang bawat mamamayan ay gusto ng magkaroon ng magandang kinabukasan sa kanilang pamilya at mga anak.Alam natin na ang social media ay isa sa mga paraan ng pagka hagilap ng mga balita o impormasyon na manggagaling sa mga iba't ibang tao o mapa lugar man ito.Isa rin ito sa magandang teknolohiya upang mapalaganap kung ano ang mga nangyayare sa ating kapaligiran sa panahon ng sakuna .Ang social media ay maaaring nakabubuti at nakakasama sa tao,nakadipende ito sa paggamit ng tao kung aabusuhin nya man ito ,kung sakaling gagamitin nya ito sa kabutihan at may pakinabang ang kalalabasan nito ay mabuti rin. Tulad na lamang kung may mga sakuna,o gustong tumulong sa mga nasalanta maaari silang mag post o di kaya manghikayat sa kanilang mga kaibigan o kapwa na tumulong o magbigay ng anumang donasyon pwedeng pera gamit na hindi na gagamitin.Ang social media ay isa sa mga dahilan kung bakit tayo nakikipag usap sa telepono sa ating mga mahal sa buhay siya rin ang dahilan kung bakit napapadali natin ngayon ang mga gusto natin pahatid na mensahe. isa rin sa mga dahilan na nakakatulong ang social media ikumpara ang aktibo dito maaari mong malaman agad agad ang mga pangyayari sa panahon ng sakuna o may mga bagyong paparating sa gayon ay handa tayo sa ano mang oras na bibisitahin tayo ng kalamidad.
2 notes · View notes
sif-eya · 2 years
Text
Ang Boses Ng Masa Sa Larangan Ng Politika (Isang Tula Mula Sa Perspektibo Ng Estudyanteng Nagtataka)
Entry #14: 040722 [051221]
I. Ang politika ay isang maruming larangan,
Hindi lang dahil sa batas kundi pati na rin ang mga mismong nagpapatakbo ng pamahalaan.
Imbis na tumakbo para sa mga tao ay tumatakbo sila para sa sarili nilang kapakanan,
Kung kaya't lubos ang epekto nito sa pag-unlad ng ating bayan.
II. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na may mali sa mga patakaran,
Ngunit tila bakit lahat ay nagbibingi-bingihan dahil sa takot na sila'y malagay sa kapahamakan?
Sapat bang mulat tayo sa katotohanan?
Dahil wala itong silbi kung mismong mga tao'y walang balak na lumaban.
III. Huwad ang sistema ng ating kinikilalang bansa.
At ang mga aktibistang tanging naglalakas loob lumaban ay pilit ikinukubli sa politika.
Takot ang mga sinungaling sa mga nagsasabi ng totoo,
Kaya takot ang mga politiko sa mga kritiko.
IV. Ang mga taong tinuturing nilang aktibista,
Ang siyang tanging nagsisilbing boses ng masa.
Ngunit paano naman ang iba?
Habang buhay nalang ba tayong magiging mulat ngunit pipi sa dapat sana'y pinaglalaban na tama?
4 notes · View notes
girlbossesarehot · 2 years
Note
Tungkol ba sa tae ang kailangan kong itanong sa iyo or gaano ka shit ang ating pamahalaan?
I-💀 i honestly partly halfy(?) agree💀 wanna talk bout the uniforms? And how long the skirt is😭 ganda nung bulsa/pockets tho✨
3 notes · View notes
vieblog · 2 years
Text
Pangamba at antala sa harap ng pandemya: Mga karanasan ng paglalakbay at pananatili ni John Lee Candelaria sa japan.
Nang magsimula ang pandaidigang pandemya ng COVID-19 sa Japan, marami ang pumuri sa polisiya ng pamahalaan dahil hindi masyadong naapektuhan ang karaniwang pamumuhay at hindi rin mataas ang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa bansa kahit na walang malawakang lockdown. Gayumpaman, marami rin ang bumatikos sa pamahalaan dahil sa magulong polisiya kaugnay ng paglabas at pagtanggap ng mga banyaga, mga nagsasalungatang patakaran tungkol sa pandemya, kaangkupan ng suporta para sa mga residente, at mabagal na pagsisimula ng programa ng pagbabakuna. Sa harap ng mga usaping ito, ano ang mga karanasan ng mga Pilipinong nasa Japan at paano nila dinanas ang pandemya nang malayo sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas? Tunguhin ng pag-aaral na katawanin ang mga salaysay ng pangamba, paglalakbay, pananatili, at pagkaantala na dinanas ng mga Pilipino sa Japan sa panahon ng pandemya. Sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga mag-aaral at manggagawa sa Japan, natuklasang bagamat malaki ang hamong dala ng pandemya sa mga Pilipino sa Japan laluna sa kanilang mental health, nananatili ang katatagan nila, at kahit na marami sa mga personal na hangarin ang kinailangang isantabi, hindi nawawala ang pag-asang magkakaroon pa rin ng pagkakataong tuparin ito sa hinaharap. Dumating ang COVID-19 sa Japan noong Enero 15. Sa pagtatapos ng buwan, idineklara ng World Health Organization na isa nang global emergency ang pandemya. Sa sumunod na buwan, nabalita naman ang quarantine ng cruise ship na Diamond Princess, na nakadaong noon sa Yokohama at nakumpirmang umabot sa halos 700ng sakay nito ang nahawa. Mula sa mga panimulang pangyayaring ito, kumalat ang balita sa Japan kaugnay ng COVID-19. Bagamat nabahala sa mga balitang ito ang kalakhan ng mga kalahok, para sa ilang mayroong karanasan o alaala ng SARS outbreak noong 2002 hanggang 2004, inakala nilang mabilis itong mawawala.
Marami rin ang nagpahayag ayon sa kanilang pakiramdam, dahil nasa Japan sila, ligtas sila sa peligro. Sa halip, mas namayani ang pagkabahala nila para sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas isa na nga roon si John Lee na kasalukuyang naninirahan sa japan for 6 years at nagta trabaho para may ipang tutos sa pamilya ayon sakanya :
“Naisip ko, okay naman ako. Nasa Japan ako. Safe ako dito. Nasa inaka (probinsya) ako, so walang masyadong tao. Bago pa ang pandemic sanay na akong mag-mask, so hindi malaking adjustment. Hindi talaga ako nangamba, mas kinabahan ako para sa pamilya ko sa Pilipinas.”
“Exaggerated lang yan, don’t panic about it. Pero sa simula, no one really knew what to think about it.” “It’s Japan, I expected na magiging maganda ang response nila. So mas nag-worry ako sa mga balita tungkol sa Pilipinas.”
“Takot akong magkasakit kasi hindi ako marunong mag-nihongo. Paano ko mae-explain yung nararamdaman ko kung magka-covid ako at hindi na nga ako makahinga, hindi pa ko makapagsalita ng wika nila?”
“Noong may news na andito na sa prefecture namin yung pandemic, naging malala yung anxiety ko. Naisip ko, paano kapag nahawa ako? Hindi ako marunong mag-nihongo. Google Translate lang ang meron ako.”
“Ang hirap na andito ka, wala kang magawa kung may mangyari man sa pamilya mo sa Pilipinas.”
“Kung sakali man, may mangyaring hindi inaasahan, hindi rin ako makakadiretso sa pamilya ko kung uuwi ako kasi may quarantine pa. So helpless talaga. Araw-araw ang video call namin ng pamilya ko para ma-monitor ko lang yung activities nila kahit papaano.”
Mula sa pagsusuri sa mga panayam, nakita ng pag-aaral na ito ang dulot at danas ng mga Pilipino sa Japan sa panahon ng pandemyang COVID-19. Sa kaalaman ng may-akda, ito ang unang qualitative na pag-aaral kaugnay sa ispesipikong konteksto ng mga Pilipino sa Japan sa panahon ng pandemya, bagama’t mayroon nang ibang mga pag-aaral tungkol sa epekto ng pandemya sa mga pamilyang OFW at sa mga pamilya nila sa Pilipinas (Cleofas, et al. 2021). Naniniwala ang may-akda na sa pagtukoy sa mga tema ng pangamba, paglalakbay, pananatili, at pagkaantala, maaring mabigyan ng pagkakataong maliwanagan ang kakaibang konteksto ng mga Pilipinong humaharap sa pandemya sa labas ng Pilipinas, habang nagpapanatili ng mga ugnayan at relasyon sa bansang kinalalagyan at sa mga kapamilya at kaibigan sa Pilipinas.
Tumblr media
JOHN LEE CANDELARIA
2 notes · View notes
eyewearcatherine · 5 days
Text
🛥️🌸0-6 taong gulang ay isang kritikal na panahon para sa pag-iwas at kontrol ng myopia sa mga bata at kabataan!
Sinabi ni Qu Jia na upang makamit ang layunin, malinaw na isinama ng estado ang pangkalahatang rate ng myopia sa pagtatasa ng pagganap ng pamahalaan, na may pagtatasa ng sentral na pamahalaan sa mga lalawigan at lungsod, lalawigan at lungsod na nagtataya ng mga prefecture at lungsod, at mga prefecture at lungsod na nagtataya ng mga distrito at county. Bukod dito, kinakailangang bumuo ng limang partidong pag uugnay ng "pamahalaan, paaralan, magulang, estudyante, at ospital". Sa ganitong paraan lamang ang kakayahan ng pag iwas at pagkontrol ng myopia ay makabuluhang mapabuti, ang impluwensya ng pag iwas at pagkontrol ng myopia science ay maaaring makabuluhang mapalawak, at ang papel na ginagampanan ng pagpapakita ng pag iwas at kontrol ng myopia ay maaaring makabuluhang epektibo.
Binigyang diin ni Mao Qunan, direktor ng Department of Planning, Development and Informatization ng National Health Commission, na ang pagtaas ng oras na ginugol sa mga gawaing panlabas at pagbabawas ng paggamit ng mga elektronikong produkto ay napaka epektibong pamamaraan para sa pag iwas at pagkontrol ng myopia na napatunayan ng maraming pananaliksik at pagsasanay. Bukod dito, may kagyat na pangangailangan na magsaliksik, magbuod at magpalaganap ng mas epektibong mga karanasan at pamamaraan.
Ipinaalala rin ni Xu Xun, direktor ng National Clinical Research Center for Eye Diseases, na kailangang isulong ang pag iwas at pagkontrol sa myopia, at mainam na hayaan ang mga bata na huwag maging myopic upang maiwasan ang pagkakaroon ng mataas na myopia ng mga bata. Sa pamamagitan ng paghimok sa mga bata at kabataan na magsuot ng mga smart device, maaari nilang subaybayan ang data tulad ng oras ng aktibidad sa labas at intensity ng ilaw, at gawin ang pag iwas at kontrol ng myopia sa mga bata at kabataan na tunay na ipinatupad sa pamamagitan ng iba't ibang paraan.👇👇
🛥️⚓️EMS glasses frames blk clear classic tones for teenagers in stock
💸 💵 Wholesale only
MOQ : 20pcs/per color( 16 models )
wa.me/8613858844563
#​Stock_EMS_glasses_for_teenagers G70112
#Isang_bagong_serye_ng_mga_eco_friendly_na_mga_frame
#Isang_serye_ng_mga_frame_ng_salamin_sa_mata_para_sa_mga_tinedyer
#Mga_frame_ng_baso_ng_mag_aaral_spot_pakyawan
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
upismediacenter · 5 months
Text
Bagong influenza-like illness, kumakalat sa buong Pilipinas
Mula pa noong magpasimula ang taon, malaking bahagi ng Pilipinas na ang nakararanas ng pagtaas ng kaso ng influenza-like illness (ILI). Ang ilan sa mga sintomas nito ay ubo, pananakit ng katawan, pananakit ng lalamunan, at lagnat.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Tayag, may humigit-kumulang na 190,000 influenza-like cases ang naiulat sa Pilipinas ngayong taon. Isinusulong ng Department of Health (DOH) ang pagbabakuna laban sa influenza at pneumonia upang maiwasan ang pagtaas ng mga kaso.
Noong Nobyembre 28, inanunsyo ng OIC-Principal ng UPIS na si Kat. Prop. Dian Caluag ang biglaang pagtaas ng kaso ng ILI sa UPIS nitong mga nakalipas na buwan. Bilang pagtugon dito, hinikayat ang mga mag-aaral na sumunod sa health protocols ng paaralan gaya ng pagsuot ng face masks. Pinaalalahanan din ang lahat na magsabi sa mga guro at mga nars ng paaralan kung nakakaramdam man ng mga sintomas upang kaagad na maaksyunan.
Ayon kay Dr. Myrissa Melinda Alip, ang direktor ng UP Diliman Health Service (UPHS), ang pagpapabakuna ay malaking bagay para maiwasan ang mga kumplikasyon kapag tayo ay nadapuan ng nakahahawang sakit. Ang libreng bakunang ipinamimigay ng UPHS-Public Health section sa publiko ay mula sa local government unit (LGU) ng Brgy. Krus na Ligas na kanila ring katuwang upang maisulong ang Expanded Immunization Program ng pamahalaan. Ang layunin ng programang itong maiwasan ang mga komplikasyon at kamatayang maaaring maidulot ng mga nakakahawang sakit sa pamamagitan ng pagbabakuna. Mayroon ding bakunang ipinamimigay para sa mga ina at matatanda.
Sa kasalukuyan, mayroong iba’t ibang bakunang maaaring mapakinabangan ng lahat ng nasasakupan ng Krus na Ligas, UP Diliman, at mga kalapit na lugar. Isa ang flu vaccine sa mga ipinapamahaging maaaring i-avail ng mga mag-aaral at empleyado ng Diliman. “Ang bakuna ay para sa lahat.” Dagdag pa ni Dr. Alip, “May bakuna para sa kapapanganak na sanggol. May bakuna para sa ibang mga edad: sa mga ina, sa buntis, nakatatanda, atbp.” Isinaad din niyang ang mga nagnanais magpaiskedyul ng pagpapabakuna ay maaaring tumawag at magtanong sa UPHS-Public Section local 2719 (Oras ng opisina: Lunes-Linggo, 8 n.u.-5 n.h.).
Ipinapaalala rin ni Dr. Alip na, “Ang pinakamahalaga, bukod sa pagpapabakuna, ay ang maayos na lifestyle.” Ilan sa kaniyang mga nabanggit at iminumungkahi niyang paraan ay ang pagkakaroon ng balanseng nutrisyon; pagtulog nang walong (8) oras; pag-iwas sa alak, sigarilyo, at mga bawal na gamot; at pagbabawas ng stress upang mapalusog ang kaisipan.
Mayroon pa ring natatalang mga kaso ng bagong influenza-like illness sa kalakhan ng Pilipinas sa kasalukuyan. Ayon sa DOH, marahil ito ay bunsod ng maulang panahon. Kasalukuyang nag-iimbestiga ang departamento kung ito ba ay dulot ng bagong uri ng pathogen. Bagaman inaasahang bababa na ang bilang ng mga kaso sa mga susunod na linggo, ipinapaalala pa rin ng mga awtoridad ang karampatang pag-iingat na kailangang gawin ng bawat isa. Sapagkat holiday season na at inaasahan ang dagsa ng tao sa mga pampublikong lugar, mainam ang pag-alam ng mga health risk na maaaring makompromiso sa tuwing lalabas ng tahanan. Gayundin, kinakailangang sundin ang mga ilang mga hakbangin gaya ng pagsusuot ng face mask, pag-isolate ng may sakit, at pagpapabakuna upang makaiwas sa lumalaganap na sakit.
Ipinapaalala sa mga mag-aaral ng UPIS ang ibayong pagsunod sa mga health protocols at pakikiisa sa mga hakbang upang makaiwas sa mga nakahahawang sakit. // nina Sophia Dormiendo at Wynelle Llaguno
3 notes · View notes
rhk111sblog · 19 days
Text
Tumblr media Tumblr media
There’s going to be a “Maisug Peace Rally” in Bulacan tomorrow, April 28, 2024 at 5:00 pm, just see the Pictures for more Details about it. If you are in the Area or is willing to travel there, then I hope you can join the Rally
UPDATE: 04/28/24, 1:40 pm As per the official Facebook Account of Atty. Vic Rodriguez, former President Rodrigo Duterte has decided to CANCEL the Maisug Rally in Bulacan that was originally scheduled later this Afternoon to avoid Trouble due to the constant Harassement by the Administration of Bong Bong Marcos (BBM). Here is Atty. Rodriguez's Statement:
PAHAYAG NG MAISUG
Alinsunod sa naging pasya ni Pangulong Rodrigo Roa-Duterte, nais kong ipabatid sa lahat na HINDI TULOY ang pagdaraos ng HAKBANG NG MAISUG, isang payapa at malawakang PEACE RALLY, na nakatakdang ganapin mamayang 5pm sa Bustos, Bulacan.
Ang naging desisyon ay upang maiwasan ang anumang gulo at sakitan na maaring idulot ng lantarang PANGGIGIPIT ng pamahalaan para hindi matuloy ang ating PEACE RALLY.
Hindi po tayo papasupil sa pagmamalabis ng administrasyon. Antabayan po ninyo ang mga susunod nating pagkilos.
Protect and Defend the Constitution!🇵🇭
Here is the Link to Atty. Vic Rodriguez's official Statement on the cancellation of the Maisug Rally in Bulacan: https://web.facebook.com/attyvicrodriguez/posts/pfbid0MCdFSjXf71DQNRYNr95R5JS5FP6T3XpAbuS65RiyhHT3XGjGgpU8zgFvtAKhneePl
0 notes
nobodys-saviour · 21 days
Text
Sa ilalim ng kalawakan Under the stars Pangalan mong isisigaw I'll shout your name Sa ilalim ng buwan ay titigan Under the moon please look At hawakan aking kamay And hold my hand. Isasayaw ka nang dahan-dahan I'll dance with you slowly Hanggang 'di mo mamalayang Until you don't even notice Ako na pala ang 'yong kailangan That I'm the one you need At gusto mong pamahalaan And want to hold on to
0 notes
foobarph · 1 month
Text
Ang Mga Bentaha at Disbentaha ng Jeepney Phaseout sa Pilipinas
Sa puso ng transportasyong Pilipino, ang jeepney ay hindi lamang isang sasakyan kundi isang simbolo ng kultura at kasaysayan. Subalit, sa paglipas ng mga taon, ang pamahalaan ay nagtakda ng mga plano para sa pag-phaseout ng mga lumang jeepneys bilang bahagi ng modernisasyon ng pampublikong transportasyon. Tingnan natin ang mga bentaha at disbentaha ng hakbang na ito. Mga Bentaha ng Jeepney…
Tumblr media
View On WordPress
0 notes