Tumgik
upismediacenter · 19 hours
Text
LITERARY: Through These Words
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
3 notes · View notes
upismediacenter · 19 hours
Text
LITERARY: eno on tsurT
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
3 notes · View notes
upismediacenter · 19 hours
Text
LITERARY: Hula
Tumblr media
(Trigger warning: Sensitibo at naglalaman ng karahasan)
𝘐 𝘸𝘢𝘴 𝘢𝘭𝘸𝘢𝘺𝘴 𝘵𝘩𝘦 𝘤𝘶𝘳𝘪𝘰𝘶𝘴 𝘵𝘺𝘱𝘦 𝘨𝘳𝘰𝘸𝘪𝘯𝘨 𝘶𝘱. Kung may pagkakataon akong makita ang aking hinaharap, kukunin ko. Kaya nagkaroon ako ng malaking interes sa panghuhula ng kapalaran. Nakapunta na ako sa hindi ko na mabilang na mga manghuhula at maraming beses na pinabasa ang aking kapalaran. Nasabik akong malaman ang tungkol sa aking career sa hinaharap, kung sino ang papakasalan ko, kung ano ang magiging hitsura ko sa loob ng sampung taon, at maging ang kulay ng damit na dapat kong isuot sa isang tiyak na petsa. Nahumaling ako sa lahat ng hula tungkol sa aking hinaharap... 𝘯𝘰𝘵 𝘶𝘯𝘵𝘪𝘭 𝘵𝘩𝘦 𝘭𝘢𝘴𝘵 𝘱𝘳𝘦𝘥𝘪𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯.
Isang ordinaryong araw, nagpunta ulit ako sa paborito kong manghuhula. Excited akong marinig ang kaniyang bagong hula para sa akin.
"𝘎𝘰𝘰𝘥 𝘮𝘰𝘳𝘯𝘪𝘯𝘨, 𝘮𝘺 𝘥𝘦𝘢𝘳. 𝘊𝘢𝘮𝘦 𝘧𝘰𝘳 𝘢𝘯𝘰𝘵𝘩𝘦𝘳 𝘳𝘦𝘢𝘥𝘪𝘯𝘨, 𝘐 𝘱𝘳𝘦𝘥𝘪𝘤𝘵?" nakangiti niyang sabi.
“𝘖𝘧 𝘤𝘰𝘶𝘳𝘴𝘦; 𝘐 𝘢𝘮 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘭𝘰𝘺𝘢𝘭 𝘤𝘶𝘴𝘵𝘰𝘮𝘦𝘳..” Napangiti rin ako at umasang mabuti ang magiging  hula niya ngayon.
Umupo ako sa malasutla at lilang unan sa tapat niya habang siya naman ay pumikit at nagsimulang bilugin ang kanyang bolang kristal.
Biglang nagsalubong ang kanyang mga kilay na parang nag-aalala.
"Mahal… kailangan mong mag-ingat dahil ang iyong buhay ay nasa malaking panganib..."
"Ano ang nakikita mo?" nag-aalalang tanong ko.
"Ang taong responsable sa pagkitil sa iyong buhay ay hahamakin ka.”
"P-pwede mo ba siyang ilarawan pa sa akin? Ano pang mga detalye sa histura niya? Paano ko malalaman kung siya na ang tinutukoy sa hula?” sunod-sunod kong tanong.  
“Maaaring kahit sino. Kayumanggi ang buhok, berde ang mga mata…pero teka, may nakikita pa ako…may nunal siya sa leeg,” sagot ng manghuhula.
Natahimik ako saglit na sinusubukang iproseso ang ibig niyang sabihin sa lahat ng iyon. Umalis ako sa sesyon na iyon na natatakot.
Lumipas ang mga araw at nanatili ako sa loob ng bahay dahil sa takot. Ang tagal kong hindi nakakain at nakatulog nang maayos, dahil nalilito ako kakaisip sa sinabi sa akin ng manghuhula. Hanggang sa isang araw, nagambala ako nang may nag-doorbell at napilitan akong bumangon mula sa aking higaan para tingnan kung sino iyon. 𝘛𝘰 𝘮𝘺 𝘴𝘶𝘳𝘱𝘳𝘪𝘴𝘦, 𝘪𝘵 𝘸𝘢𝘴 𝘮𝘺 𝘣𝘦𝘴𝘵 𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥 𝘒𝘦𝘭𝘭𝘺. 𝘚𝘩𝘦 𝘨𝘳𝘦𝘦𝘵𝘦𝘥 𝘮𝘦 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘢 𝘩𝘶𝘨 𝘢𝘴 𝘶𝘴𝘶𝘢𝘭.
"Ang tagal mo nang hindi lumalabas. May nangyari ba?" ang sabi ni Kelly. 
"Okay lang ako. Marami lang akong iniisip," sagot ko. 
"Mhmm... sabi mo, eh," sinagot naman ni Kelly. 
Sinenyasan ko siya papasok sa bahay at pinagtimpla siya ng kape habang  nakaupo siya at naghihintay sa sala.
"So ano’ng gumugulo sa isip mo lately?"
"Ahh... well, ayoko munang pag-usapan ‘yan."
"Mhm....Kung ano man ‘yan, sana okay ka lang. Alam mo naaawa ako sa’yo kasi…"
Nagulat ako nang marinig ko ang mga salitang iyon na lumabas sa bibig niya. Ngayon ko pa lang talaga napansin kung gaano katingkad ang kulay berde niyang mga mata...
"Pakiramdam ko dapat mag hang-out tayo-"
Napasulyap ako sa leeg ni Kelly. Lubha akong nabahala nang makita ko ang nunal sa leeg niya.
Bigla akong pinagpawisan. Si Kelly? Hindi! Hindi niya magagawa iyon...
Tumayo si Kelly at lumapit. Hinawakan niya ang mga kamay ko at tumitig sa akin na may mukhang puno ng awa.
Ang mundo ay nagsimulang umikot sa paligid ko. Hindi ako makapaniwala na gagawin ni Kelly ito!
Lumapit siya sa akin at nag-akmang aalalayan ako. Napaatras ako sa pangambang aatakihin na niya ako. Hindi ko na namalayan na kinuha ko na ang pinakamalapit na mabigat na bagay at hinampas ko siya sa ulo hanggang sa nawalan siya ng buhay.  Napagtanto ko ang aking ginagawa;, hindi ako nakapag-isip. Wala akong narinig at naramdamang kahit anuman hanggang sa tumambad ang dugo ng aking matalik na kaibigan sa aking mga kamay.
Pagkaraan ng ilang buwan, dahil sa nagawa kong krimen ay nasentensiyahan ako ng hatol na kamatayan.
Sa nakatakdang araw ng lethal injection, tanggap ko na ang kapalaran ko.
Humakbang ang unang tao na nagturok para mawalan ako ng malay. Hindi pa tuluyang tumatalab ang unang iniksyon nang lumapit ang pangalawang tao para turukan ako ng pampamanhid. Habang gumagapang sa mga ugat ko ang mga likidong itinurok sa akin at unti-unting humahalo sa dugo ko, sinikap kong tandaan ang mga huling matatanaw ng aking papapikit na mata. Bago pa ako tuluyang nawalan ng malay, nabanaagan ko ang  huling taong mag-iiniksyon sa akin ng serum na magpapatigil sa aking puso.  Nakita ko ang isang napakatangkad na tao. May kayumangging buhok, may matingkad na berdeng mga mata, at may isang natatanging nunal sa kanyang leeg. Nakatitig siya sa akin na puno ng awa. Siya ang pumatay sa akin..
3 notes · View notes
upismediacenter · 19 hours
Text
LITERARY: Better with Coffee
Tumblr media
At the age of 15, I discover a cafe Which slowly turns into our usual spot. Coffee, bitter to the tongue, is sweet to my taste Its warmth helps me get through each and every day. At 17, my body shakes in fear,  anxious that I’ll never learn to live without it, truths about myself that I can no longer hide. It feels like anytime I could shed a tear. Should I say it? Should I keep it to myself? Will they still accept me?
The thumping beat of my heart keeps sinking into my mind.— I imagine this’ll happen at least a couple more times  Like a shot of caffeine, it makes me feel alive  I breathe in the taste of comfort, advice, and self-confidence  Feels like there’s nothing to worry about my surroundings  Because they are always by my side. Walking toward my most trusted friend,  As if a cafe I frequently visit, in search of my favorite coffee  Warm voices, understanding, and empathy  I stand for what my heart says and prepare to express myself. “Please don’t freak out. I’m gay.” As soon as I say it, I am crushed by a comforting hug. I fall into the arms of the one who always wakes my spirit.  I still can’t  comprehend what has just happened I didn't expect this reaction. Is this it? Is this really it? Have I achieved the acceptance I’ve been wanting? They're the perfect cup of coffee at the end of my day. The sweetness of their love makes our bond strong.
3 notes · View notes
upismediacenter · 19 hours
Text
LITERARY: Remembering (Four Acts of Being Human)
Tumblr media
i. It was Monday, and like always, I already felt the exhaustion of the rest of the week tingling in my bones. I finally got myself out of bed, and it’s as though I spent most of my energy just by doing that act. My mother was in the living room—I heard the faint music of her favorite song and the sounds of her shuffling inside. I entered the room, and I saw my mother preparing my bag. Suddenly, I realized that I forgot to do it myself last night. I stared at her in guilt, and she noticed me standing and watching her. “Are you hungry?” she asked, thinking I was waiting for her so that we could eat together. I think about mothers and how effortlessly they think about the well-being of others, especially their children. I looked over at the couch and saw my uniform, already ironed and ready to be worn. 
She knows that I am already old enough to do these things, and I should be responsible for them.
 “I’ll make your coffee,” I replied, but I meant to say: thank you for the ways you selflessly love me.
ii. I stayed up all night. I had just finished a paper for a subject I couldn’t care less about. The caffeine from the coffee I drank to keep myself awake was still kicking, no matter how much I wanted to close my eyes and rest. The world gets quiet at 3 in the morning. Too quiet. My loneliness was the only thing I could listen to. I looked outside my window, desperately trying to distract my mind. My eyes shifted towards a soft light, in one of the buildings across the street from my home. It was a small bakery, undoubtedly preparing its loaves of bread and goods for when the sun rose and everyone else started to wake up and go on with their day. I sat and stared at the bakery’s window and watched the bakers fill the silver trays with freshly baked bread in front of their store. All of it felt like company, and I entertained myself with the thought of the people buying their bread later in the day, and enjoying each bite that would fill their stomachs. The loneliness slowly washed away, and I drifted to sleep, reminding myself that if I felt lonely again in the dead of night, there were bakers awake preparing bread for us to eat in the morning.
iii. The bus shook mildly, leaning slightly left and right from the uneven road. This used to make me dizzy: the inertia from the speed of the commuter bus would make my head spin. It’s more tolerable now, and the ride to my stop doesn't feel as tiresome anymore. 
The bus made a stop at a loading area near an overpass. A woman entered; she was carrying her child, who looked no older than four. She held on to the head of one of the aisle seats, trying to steady herself as the bus closed its doors and started to move again. I saw her look around, trying to find a place to sit. Without thinking, I stood up and offered my seat to her. The woman tried to refuse, but I could tell it was in politeness: her tired body shook so subtly you could miss it. I insisted, and she resigned and sat quickly as the bus jerked a little. I leaned my back against the aisle seats, facing towards the woman and her child.
The child looked up at me, their wide and curious eyes stared at mine. A smile made its way to her face the longer our eyes connected. I try to smile back, fighting the awkwardness I felt. The child giggled and reached for my hand. My worries melted away because of the sound—I laughed softly and made faces to humor her while I let her tug my fingers. “She’s usually shy,” the mother said with an amused laugh. My eyebrows raised in response, I looked back again to the child and whispered affectionately, “Me, too.”
iv. You may think it’s silly, the things I write here. The way I list everything that gives me the slightest feeling of joy; traces of connection to others regardless if they know me or not. I don’t feel human most of the time—I feel like some sort of alien, gathering information on humans and noting down what it all means. I look and observe the people around me, and they make it look so effortless. Their kind and gentle acts, the simple ways they make space for each other. I take it all in—learning and adapting from each intrepid detail I can find. I stress about it: am I doing it well enough? Did they finally notice it’s not all natural?
You see, to me, this is serious business: it helps me remember. I get so lost in my despair, that I feel less human. Grief swallows my humanity piece by piece. I worry there is nothing left. Every word and experience I write, I am carving it into my heart and chanting it as a prayer: Life is good. There is still goodness around me, waiting to be seen and explored. Joy comes and goes, but it comes. Forgive me, I keep forgetting.
3 notes · View notes
upismediacenter · 19 hours
Text
LITERARY: echoes of my mother's silence
Tumblr media
in the stillness that followed my mother’s departure, i continued to wonder why she distanced herself for years. with her, i always navigated through a maze of words, but despite all my trying, only broken connections remained. now, i go over her pictures for hours, hoping to see in them what i had longed for. but her eyes, soft and secretive like whispers, only echo glimpses of what might have been.
lost in the maze of my thoughts, i wander without direction, unsure of how to make things right. in the silence of her absence, i am led to search for answers. among the dimming memories that remain faintly visible and incomplete portions of a troubled past, threads of understanding unravel into the shadows of what might have been.
every clue i find pulls me deeper inside this labyrinth where our paths intertwine and meet. a tapestry embroidered with hidden truths and remorseful reflections waits to be untangled, waits to be comprehended. my hands interpret the signals hidden within the quiet depths of her eyes. and through unspoken verities softly reverberating all about us, i discover how to solve the enigmas locked inside her heart. seeking solace amidst her silence, it wasn't until later that i began to understand the weight of her burden: the haunting memories of her first love, trapped in the recesses of her mind. her departure was a desperate attempt to escape the relentless echoes of the past, to break free from the grasp of a love lost in time. as i decipher the secrets within her eyes, i realize i'm not only unraveling the past. i am also understanding the depth of her love. from the bedtime stories she whispered in the dark to the gentle touch that soothed my fears, her love was a steadfast beacon, unwavering despite the storms of her own past. and when my mind gets too silent, i often find myself drawn to a faded photograph tucked away in an old album. in it is my mother and her first ever lover standing beneath the shade of a sprawling oak tree. their laughter echoes through the captured moment. yet, behind their smiles lies a story untold: a love that wilted before its time, leaving behind whispers in the wind and fragments of memories, scattered like fallen leaves. as she conveyed those sentiments before going away, i took comfort in knowing that she loves me. that in everything she did, she deeply cared for me. in that realization, the echoes of silence fade away.
3 notes · View notes
upismediacenter · 19 hours
Text
LITERARY: Nasaan si Lola Orla?
Tumblr media
Mga sampung minuto nang naghihintay sa mga yabag ng kanyang lola ang musmos na nakatago sa sala. Nakasiksik sa ilalim ng mantel ng center table si Jahred, at nakasubsob ang namamawis niyang pisngi sa sahig upang maisilip ang pasilyo sa kusina. Nawawalan na ng pakiramdam ang mga binti at braso niya, at ang tangi niyang naririnig ay ang sariling paghingal, ang maingay na uga ng pinto sa harap ng bahay, at ang pag-tak, tak, tak ng orasan.
Dahan-dahan niyang iniangat ang luntiang mantel ng lamesang taguan. Siguro ay alam na ni Lola Orla na nandito siya, kaya hinihintay na lang nito na lumabas siya. Hindi naman niya siguro makakalimutan ang sinabi ni Jahred sa tawagan nila kahapon, na sumobra man ang init o bagyo, walang makakapigil sa kanya na makita ulit ang impo. Siguro’y alam na ni Lola ang mismong hiding place niya, at bilang pagbawi sa planong pambubulaga niya, binuksan na ang pintuan para makapasok siya agad sa bahay, at tinaguan din siya nito sa likod ng lamesa! Sabik na lumingon ang bata sa kanyang likuran, ngunit wala naman siyang nakitang mga paa. Sumimangot na lang siya at tumayo. Nasaan nga ba si Lola Orla?
Tuwing bumibisita ang pamilya ni Jahred sa bahay ni Lola, palagi nila itong nakakasalubong sa pinto. Pagkapasok nila sa sala, agad nilang naaamoy ang iba’t ibang pagkain sa kusina, tulad ng bagong hurnong banana bread, piniritong longganisa, o kaya naman isang malaking kaldero ng umuusok na arroz caldo. Sa unang segundong makita niya ang kanyang apo, agad na lumalapit si Lola Orla kay Jahred upang tanungin ang kalagayan niya, pati rin ang kalagayan ng kanyang mga kaibigan sa paaralan, at kung gusto na niyang kainin ang mga paboritong pagkain nila nang magkasama. Mula sa pintuan hanggang sa hapagkainan o sa bakuran, hindi na sila mapaghihiwalay hanggang sa oras ng pag-uwi, at paminsan-minsan pa nga’y binibitbit siya nito patungo sa palaruan o simbahan. Hindi siya pinapakawalan ng kanyang impo noon, kaya gano'n na lamang ang pagtataka niya na ngayong ilang linggo silang hindi nagkita ay wala man lang ito para salubungin siya.
Tumingin siya muli sa orasan at pinunasan ang noo. Pumatak ang mga kamay sa alas dos y media. Noong tumakas siya sa bahay habang nagsi-siesta ang kanyang nanay, alas dos pa lang ang nasa orasan. Gising na kaya siya ngayon? Nakalimutan niyang mag-iwan ng note para sabihin nasa kabilang dulo siya ng baranggay nila ngayon. Naisip niya na baka nagsisiesta rin si Lola kaya wala pa siya sa sala. Dapat siguro ay gisingin niya si Lola para masorpresa siya nang husto! Pinunasan muli ni Jahred ang mukha niyang namamawis bago tumakbo papunta sa kuwarto ng kanyang lola, ngunit sa kanyang pagtakbo ay nadulas siya sa basang lapag na may basag na pitsel. Napadapa ang musmos sa sahig at nagalusan ng mga pinong-pinong bubog ng pitsel.
“Aray!” Hinawakan ni Jahred ang binti sa sakit ng natamong sugat. Dati pa siyang sinasabihan ng kanyang mga magulang na tigilan ang pagtakbo sa loob ng bahay, dahil siguradong may masisira siyang kagamitan. Tinitigan niya ang dumudugo niyang sugat bago tinignan kung narinig ng kanyang lola ang komosyon. Walang dumating na yabag. Ganoon ba kalalim ang tulog niya ngayon, na hindi siya nagising sa parehong pagbasag na gamit at sigaw ng apo? Kumunot ang noo ni Jahred at pinagpag na lang ang kanyang mga kamay, binti at paa. Kailangan na rin niyang bumalik sa pinto para kumuha ng tsinelas, para hindi rin magalusan ang paa niya. Pumunta siya sa harap ng bahay, kung saan nakakalat ang iba’t ibang laki ng tsinelas.
Teka, napatumba niya ba ang mga ito kanina noong pumasok siya sa sala? Nakakalat lang sila roon habang nakabukas ang pinto sa bahay. Hindi niya napansin ang mga ito kanina dahil mas nagulat siyang bukas na ang pinto. Wala rin namang ibang tao sa loob ng sala ngayon, hindi ba? Lumingon si Jahred sa likod niya, ngunit tulad ng kanina, wala naman siyang nakitang kasama. Siguro’y inaayos na lang ng lola ang koleksyon niya ng sapatos, at tinitignan lang nito kung alin ang ipapamigay at itatabing tsinelas para sa bisita. Siguro rin ay binuksan na niya ang pintuan para makapasok ang hangin mula sa labas. Naalala niya ang usapan ng kanyang tatay at ni Lola nitong linggo, kung saan ikinuwento ni Lola Orla na nasira na ang kanyang bentilador. Matapos ang kanyang pag-iisip, mabilisan niyang kinuha ang tsinelas na sakto sa paa kanya at itinabi ang ibang mga pares na nakaharang sa pintuan. Sinarado din niya ang pinto para walang ibang makapasok habang nandito siya.
Halos patakbo siyang pumunta sa kuwarto ng kanyang lola kahit na sumasakit ang paa niya sa bawat hakbang, ngunit ang tanging bumati sa humihingal na musmos ay isang madilim na silid. Kinapa-kapa ni Jahred ang pader pero hindi niya mahanap ang switch ng ilaw, kaya pinili na lang niyang hawiin ang mainit na kurtina. Sa ilalim ng sinag ng araw, nakita niya na wala rin si Lola Orla sa kama. Pero kung ganoon, hindi rin puwedeng nasa kusina siya, dahil siguradong maririnig ni Lola Orla ang pagbasag ng pitsel sa sala. Nasa banyo ba siya ngayon?
Naglakad naman siya ngayon tungo sa kusina, at binuksan ang gripo sa lababo upang mahugasan ang kanyang galos. Habang pinupunasan niya ang kanyang binti ay sinubaybayan ang kanyang paligid. Wala ring tao dito, at hindi nakasara ang pintuan ng banyo. Sa kanyang pagtingin-tingin, napansin niya ang bintanang katapat ng bakuran ni Lola Orla. Sa tabi ng mga pader nito, nakita niyang kumukurba ang hangin sa ibabaw ng mga sasakyan, at napakunot ulit ng noo si Jahred. Ito ba talaga ang nangyayari sa labas noong kinansela ang pasok nila nang ilang linggo? Tumingin naman siya ngayon sa pintuan ng bakod ni Lola. Ika-ikang naglakad ang bata habang binubuksan ang pintuan sa likod-bahay.
Napapikit si Jahred sa silaw ng araw noong lumabas siya sa bakuran. Mainit ang buga ng hanging umiihip mula sa kalye, at ang ibang gamit ni Lola Orla ay nakababad sa nakakapritong init, tulad ng mga upuan at paso ng damong gamot, pati rin ang ilang binibilad niyang damit pambahay at bedsheet. Lumingon-lingon si Jahred upang mahanap ang kanyang lola, ngunit tuwing may naaaninag siya sa likod ng mga tela, nabibigo lang siya dahil wala namang tao sa likod nito. Nakakasagabal din sa kanyang hakbang ang nakuhang sugat kanina. Nang makaramdam na siya ng hilo sa paglalakad, malungkot siyang bumalik sa loob ng bahay.
Walang ibang tao sa bahay kung hindi siya, pero maraming mga tsinelas sa harap ng bahay, at nakabukas ang pinto noong dumating siya. Wala siyang napansin na maaaring ninakaw, pero may basag na pitsel sa sala. Napahamak ba si Lola? Ano bang gagawin niya ngayon? Napaupo at nagsimulang humikbi ang musmos habang niyayakap ang mga tuhod. Dapat siguro ay bumalik na siya sa bahay para humingi ng tulong. Tumahan siya at tumayo na muli para bumalik sa kanyang nanay. Paalis na siya nang may kumalembang na gate mula sa kabilang bakod. Napatalon siya sa tunog at nakita niya ang kapitbahay ni Lola na si Manong Rayo na sumisilip sa ibabaw ng pader.
“Huy! Ikaw ang apo ni Orla, hindi ba?” ang tanong ng matanda.
Mabilis na pinunasan ni Jahred ang mukha at tumakbo papunta sa bakuran, sabik sa bagong kausap. “Opo, ako po ‘yon!”
“Ha? Eh ‘di ba bawal kayong lumabas kasi may heatwave ngayon?”
“Ah, opo…” Napakamot na lang si Jahred ng ulo sa kanyang pagkahiya. Mga ilang linggo na siyang hindi nakakabalik sa klase dahil sa minandatong online classes, at ang pinlanong salusalo nila para sa kaarawan ni Lola Orla ay hindi na natuloy, dahil baka raw mapahamak ang bata kung sila ay lumabas nang kahit saglit.
“Gusto ko lang naman pong makita ulit si Lola, pero nawawala po siya.”
“Ah, nahimatay kasi siya kanina.” Lumingon si Manong Rayo sa likuran ni Jahred, habang nakatitig naman sa kanya ang bata na takot na takot. Sa isip ni Jahred, Napahamak pala talaga si Lola!
“Po?!”
“Oo, nitong alas onse lang. Narinig kong may nabasag sa bahay niya, at dinala si Orla ng mga kumare niya sa Health Center matapos. Na-heatstroke yata! Hindi ba naman binubuksan ang bintana. Ayan tuloy!” Napakibit-balikat na lang ang manong, at pinakitid ang mata sa direksyon ng musmos. “Bilhan niyo na kasi siya ng bagong bentilador.”
Tila maiiyak na ulit si Jahred sa kanyang narinig. Si Lola, nasa Health Center? Nasaan iyon at ano ang direksyon?! Pinunas niya muli ang kanyang noo. “Manong Rayo, saan ko–”
“BULAGA!”
May biglang humawak sa mga balikat ni Jahred, at napatalon muli ang musmos. Lumingon si Jahred sa nakahawak sa kanya, at nakita niya ang kanyang ama na mukhang galit na galit habang inaayos ang pamamayong kay Jahred at an nakadikit sa kaniya. Lumingon naman si Jahred sa mukha ng nakahawak sa kaniya, at nakita niya ang mukha ni–
“Lola Orla!” Halos sinunggaban ni Jahred ang impo habang umiiyak. Mabilis na binitawan ng kanyang ama ang hawak na payong at ice cream sa tabi para masigurong hindi sila matumba. Ngumiti ang lola at ibinalik ang mahigpit na yakap ng apo.
“Jahred, apo, na-miss kita! Bakit ka umalis sa bahay niyo nang walang paalam? Tumawag sa akin ang Nanay mo habang nasa Center kami! Gutom ka na ba? Pumasok na tayo sa loob bago ka rin magkasakit dahil sa init–”
Hindi pa man tapos sa pagsasalita ang impo ay mas humigpit ang kapit ni Jahred sa baywang ng kanyang lola habang hinahaplos nito ang ulo niya. Inakay siya ng kanyang lola pabalik sa loob ng bahay. Matindi pa rin ang hagupit ng init ng araw, ngunit ang tanging init na nararamdaman ni Jahred ay nagmula sa pagyakap nila ni Lola Orla.
3 notes · View notes
upismediacenter · 20 hours
Text
#UPNotForSale!
Tumblr media
3 notes · View notes
upismediacenter · 2 days
Text
LITERARY: Isang Gabi sa Araneta
Tumblr media
Kasinggulo ng siyudad Ang sa aking isip ay bumabagabag Napilitan akong lumabas Nagbabakasakaling mapalipas ang oras. Matingkad na mga ilaw Sa mata ko’y sumisilaw Nagpatuloy sa paglalakad Bahala na kung saan mapadpad. Hanggang sa biglang may nakita Tila nakangiting dalagita Ngunit nang kasama’y mapalingon Nakaramdam ako ng kakaibang hamon.
Di napigilang sa dalaga’y mapatitig Tila mga bulong ay narinig Humihingi yata sa akin ng tulong? Sa panganib, hindi ako uurong! Pinaghiwalay ang magkasama Sinugod at binugbog ang binata Nagkumahog itong tumakas Nagtagumpay ako sa pagligtas. Laking gulat ko na pati dalaga’y tumakbo Saan kaya patungo ang dalagitang ito? Naghintay na siya’y dumating at magpasalamat, Iba ang aking nadama at ito’y kagulat-gulat. Maya-maya pa, dalaga’y bumalik Handa na ako sa pasasalamat na halik Ngunit palad niya ang sa aki’y sumampal Kasunod ng posas, sa kamay ko’y sumakmal. Kita ko ang dalagitang aking tinulungan Hinayaan ako na mapunta sa bilangguan Wala naman daw masamang nangyari sa dalagita Anila, ito’y isang karaniwang eksena. Sa pagkapa nila sa ang aking bulsa Maliit na pakete ng kemikal ang nakita Napagtanto ng mga pulis ang hawak; Ako raw pala ang may sabit sa utak.
5 notes · View notes
upismediacenter · 2 days
Text
LITERARY: Eskinita
Tumblr media
Madilim na daanan, madalas ay putikan Madilim na lagusan, hindi matanaw ang pupuntahan. Lumingon man sa nakaraan, dilim ang kahahantungan Musmos na katulad ko, hindi mapigilang balikan. Pagkaabot, kasabay na ang bayad, “Sa susunod ulit,” kanilang saad. Nasanay sa gano’ng paraan ng kalakalan. Sino ba ang taya? At parati akong nakikipaghabulan.
Takbo! Sinisigaw ng aking isipan, Mali ba ang ganitong paraan? Sa bawat matagumpay na transaksyon na aking nakakamit, Hindi inaasahang may nakatagong kapalit. Unang putok, nanlaki ang mga mata Pangalawang putok, dugo ang nakita Tatlong hakbang na lang, nakauwi na sana Dala ang apat na raan, pangkain ng pamilya.
6 notes · View notes
upismediacenter · 2 days
Text
LITERARY: Overdrive
Tumblr media
Ayoko nang mag-drive. Pagod na pagod na ako. Pero hindi ako pwedeng huminto. Hindi ko maalis sa isipan ko ang itsura n’ya, Kung paano ko lang s’ya iniwan ng ganoon. Hindi malinaw ang dinadaanan, Walang tiyak na patutunguhan. Nauubusan na ako ng oras. Malapit na sila at wala na akong mataguan.
Magdadrive ako hanggang Baguio Baguio—Teacher’s Village: Halos buong araw kong inikot ang haunted house na yun. Inabot na ako ng hapunan pero okay lang. Dahil mas onti ang naglilibot na tao pag gabi, Mas walang nakakakilala sa ’kin. Pero pag naglilibot ako ng paikot-ikot, Naaalala ko ang tinago ko dito. Kailangan ko pang lumayo. Magdadrive ako hanggang Batangas Batangas— Nasugbu Beach: Nahugasan ko ang sarili ko mula sa ebidensya, Nang walang naiiwang bakas. Sa dami ng tao rito, maduduling ka sa paghahanap. Kaya maganda itong lugar para sa tagu-taguan. Kahit hindi pa maliwanag ang buwan. Magdadrive ako hanggang Bicol Bicol— Mt. Mayon: Hindi pala maganda ang view ng mount Mayon mula sa ibaba. Restricted area nga naman kasi rito. Pero sino ba ako para magreklamo? Walang pwedeng pumunta sa parte na ito, masyadong delikado. Kaya kailangan ko nang umalis dito, mas malayo pa. Magdadrive ako hanggang Visayas Kung kaya ko lang itawid itong kotse sa dagat, Na di ko kakailanganin sumakay sa isang roro, Nakarating na ako ng Visayas. Gustong-gusto ko nang tumigil, Pero nauubusan na ako nang mapupuntahan. Magdadrive ako hanggang Minda— Naramdaman kong unti-unting bumabagal ang kotse Nanlaki ang mata ko nang tuluyang tumigil ang sasakyan. Tanaw ko na ang pula’t asul na ilaw, malapit na sila. Palakas nang palakas ang tunog. Dali dali akong lumabas ng sasakyan para tumakbo, Hindi ko namalayan na nasa gitna na pala ako ng kalsada, Paglingon ko sa kaliwa hindi flashlight ang nakatutok sa akin, Kundi headlights ng isang malaking tru— SCREEEEEEEEECH— Halos tumilapon lahat nang nasa loob ng kotse sa lakas ng preno. Napatitig ako sa windshield at nakita ang taong nagmamadaling tumawid. Tuyo na ang mga pulang mantsa sa damit at katawan ko. Agad akong napalingon sa likod ng sasakyan. “Hindi. Hindi ko sinasadya.” Bulong ko habang inaayos sa upuan ang nakahimlay na katawan. Kailangan ko nang umalis. Malapit na sila.
6 notes · View notes
upismediacenter · 2 days
Text
LITERARY: Rosie
Tumblr media
Trigger Warning! 
(Sensitibo at naglalaman ng karahasan)
Nanginginig ako sa takot. Nakatakip ang kamay sa aking mukha habang nakaupo sa sahig ng aking banyo.
Mayroon akong matalik na kaibigan na nagngangalang Rosie. Siya ay maganda, mabait, at palakaibigang tao. Maraming nagkakagusto sa kanya at sikat siya sa aming paaralan kaya ay hindi ko lubos akalaing mapapansin at kakaibiganin niya ang isang taong iniiwasan ng iba na kagaya ko. Kay tamis ng kanyang ngiti na tila ba kapag ngumiti siya sa iyo, parang nawawala ang mga suliranin mo sa mundo. Siya lang ang tanging nakakaintindi sa akin at hindi ko na kailangan ng iba pang kaibigan. Mawala na ang lahat sa akin wag lang siya. Kaya hindi ko talaga tanggap ang nangyari!
Sariwa pa sa utak ko ang nangyari na tila ba kahapon lang ito. Biyernes nang hapon nang dumiretso ako galing sa eskwela papunta sa bahay ni Rosie. Bibisitahin ko sana siya dahil sinabi niya sa chat na nilalagnat siya kaya hindi siya makakapasok. Parehong OFW ang kanyang magulang at ang kuya niya naman ay kinabukasan pa raw uuwi galing sa trabaho kung kaya’t mag-isa lang siya noon sa kanilang bahay. Lubos akong nag-aalala dahil walang mag-aalaga sa kaniya.
Laking gulat ko nang pagkapasok ko ay tumambad sa akin ang nagkalat na gamit sa paligid. Patay ang lahat ng ilaw maliban sa banyo. Buti na lang at may kaunti pang liwanag na galing sa labas dahil sa sinag ng papalubog na araw. Sa mesa ay may nakita akong dalawang plato na may tira-tirang tsokolateng keyk. Katabi nito ang isang pitsel ng juice na kalahati na lang ang laman. Mayroon ding dalawang basong naiwang may kaunting laman: ang isa ay nasa mesa at ang isa ay basag sa sahig. Nagkalat sa lapag ang bubog ng nabasag na baso, kasama ng naghahalong kahel na likido ng orange juice at pulang likido na parang… dugo!
“Rosie! Rosie! Nasan ka?” sigaw ko puno ng pag-aalala.  Agad ko siyang hinanap hanggang  tumambad sa akin ang kanyang duguang katawan sa sofa. Umaagos ang dugo sa sugat sa kanyang tiyan na galing sa saksak. Umiiyak akong nilapitan at niyakap siya; nabahiran ng dugo ang suot kong itim na t-shirt.
Tinatakpan ng mamasa-masa kong kamay ang kanyang sugat sa pag-asang titigil ang pagdurugo at maisasalba ko pa ang kanyang buhay, ngunit wala itong naitulong at patuloy pa rin ang pag-agos ng dugo. Tuloy-tuloy na umagos ang aking luha at nalasahan ko na ito sa aking bunganga. Pinunasan ko ang aking bibig gamit ang aking kamay, pero sa halip na alat ng luha, tamis ang nalalasahan ko. Tamis na may kahalong asim gaya ng orange juice at tamis na nag-uumapaw sa lasa ng chocolate cake. 
.
Orange juice at chocolate cake? Bakit bigla ko itong nalalasahan?
Sa halip na sagot, isang matinding sakit ng ulo ang itinugon ng utak ko sa mga tanong.
Sinusubukan kong alalahanin ang nangyari bago ang aksidente ngunit wala akong maalala maliban sa mga nangyari noong araw na iyon. 
Kahit anong umpog at pukpok ko sa ulo ko, hindi nagbubukas ang pinto ng mga alaala. Walang lumalabas na mga sagot. maliban sa mga nangyari noong araw na iyon. “WALA KANG KWENTA, WALA KANG KWENTA!” galit na saway ko sa sarili. Gustong-gusto kong makatulong sa imbestigasyon ng mga pulis pero wala akong magawa. Wala akong silbi. Wala man lang akong magawa para sa bestfriend ko. Sabi nila baka raw dahil sobrang traumatic ng nangyari kaya nabablangko ang isip ko. Hindi ko matanggap. Kailangan kong tulungan mabigyan ng katarungan ang bestfriend ko.
Kapag dumadami na ang tanong ko, hudyat na naman ng matinding kirot. Maliban sa pisikal na sakit na nararamdaman ko sa aking ulo dahil sa kakapukpok ko, maya-maya ay nakaramdam ako ng kirot at sakit na tila ba binibiyak ang ulo ko sa loob. Napasigaw ako sa sakit at binaon ang ulo ko sa kama at tinakpan ng unan upang mawala ito. Pagkatapos ng ilang sandali ay nawala rin ito at kinuha ko sa side table ang aking gamot at ininom ito kasama ang tubig.
Nagpasya ako na pumunta muna sa banyo upang maghilamos ng mukha. Paika-ika akong nagtungo doon dahil sa sugat sa paa ko. Pagkatapos maghilamos ay napatingin ako sa basurahan at nagtaka sa aking nakita. Pinulot ko ang aking unipormeng puno ng dugo at nahulog mula doon ang isang kutsilyo. Pinulot ko ang kutsilyo at napagtanto na kutsilyo ito mula sa bahay nina Rosie.
Nanlaki ang mata ko sa napagtanto. Muling sumakit ang ulo ko. “AAAARRGHH!”, napahiyaw na ako sa tindi ng kirot. Napasandal ako sa dingding at dumulas pababa hanggang sa napaupo na ako. 
Unti-unti, napalitan ng hikbi ang sigaw. At ang hikbi ay naging halakhak. Di ko na mapigil ang malakas na pagtawa. Tumutulo ang aking luha habang patuloy sa mayabang na pagtawa ang aking sarili.
"Alam mo ba kung ano talaga ang nangyari?" Hindi ko tiyak kung ako ba ang nagtatanong o tinatanong ng kaharap ko sa malaking salamin ng banyo.
Biyernes nang hapon nang dumiretso ka galing sa eskwela sa bahay ning matalik mong kaibigan na si Rosie upang bisitahin siya dahil sinabi niya sa chat na hindi siya makakapasok sa paaralan dahil siya ay nilalagnat. Ngunit laking gulat mo na lang nang makita kong parang maayos naman ang kaniyang kalagayan at masaya lang siyang kumakain ng keyk at umiinom ng juice na pangiti-ngiti na tila ba kinikilig.
“Rosie, okay ka na ba? Dapat hindi ka muna kumain ng matamis. Puro asukal yan at hindi makakatulong sa kalagayan mo lalo na’t may sakit ka. Gusto mo bilhan muna kita ng soup diyan sa may kanto?”
“Uy kahit wag na.”  tugon niya at ngumiti nang nakakabighani. “Halika muna rito, tara kain muna tayo”,  pag-anyaya niya sa’yo. “Nga pala, alam mo ba, sinagot ko na yung manliligaw kong si Berto”. Kinikilig na sabi niya. “Sa katunayan, siya nga ang may dala nito ng pagbisita niya kahapon. Selebrasyon ng aming pagiging ganap na magkasintahan.”
Nang banggitin niya iyon, biglang nawala ang ngiti sa ’yong mukha. Unti-unti, hindi mo namalayang nandilim na ang paningin mo. Hindi mo alam kung ano ang sumapi sa isipan mo at biglang hawak mo na lang ang kutsilyo. Bahagyang natatawa pa si Rosie sa kakaibang hitsura mo sa pagkatayo niya hawak ang baso ng juice. Hanggang sa hindi mo na napigilan ang iyong kamay, dire-diretso hanggang bumaon sa tiyan niya. Nabitawan niya ang hawak na baso at agad tumakbo ngunit hindi na niya kinaya at napaupo na lamang siya sa sofa.
Hinugot mo ang kutsilyo mula sa kanyang tiyan. 
“Bakit?” tanong niya habang lumuluha. 
“Akin ka lang Rosie. Hindi ko kayang mawala ka,” sambit mo habang namumula ang mata. 
“Hindi ko kayang mawala ka, Rosie! Hindi ko mapapatawad ang gumawa sa ‘yo nito.”
Nakatitig pa rin ako sa harap ng salamin. Nanlilisik sa galit sa nakikita kong repleksyon. Patuloy akong umiiyak habang patuloy rin siya sa pagtawa sa akin. 
5 notes · View notes
upismediacenter · 2 days
Text
LITERARY: Echoes of Liberation
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
4 notes · View notes
upismediacenter · 2 days
Text
LITERARY: mamà
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
4 notes · View notes
upismediacenter · 3 days
Text
LITERARY: Liham Pangkaarawan
Tumblr media Tumblr media
4 notes · View notes
upismediacenter · 3 days
Text
LITERARY: Bottle Collection
Tumblr media Tumblr media
4 notes · View notes
upismediacenter · 3 days
Text
LITERARY: Case No. 362-143-0563
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
5 notes · View notes