Tumgik
#RixielieMariePotot
g1stemneuron-blog · 7 years
Text
Ang Pagkilala at ang Importansya: Ano nga ba?
Sa mga aking mga kamag-aral at sa ating minamahal na guro na si Ginoong Dominic Quilantang, magandang umaga sa inyong lahat. Ang humanidades ay ang mga araling na uukol sa tao or mga araling pantao. Ang humanidades o pagkatao ay ang disiplinang akademiko na nag aaral sa humano, na ginagamitan ng mga metodo ng malawakang kritiko, analitiko at ispekulatibo. Dahil sa tatlong ito, itatangi ang pag aaral nito sa empirikong gawi na ginagamit sa agham panlipunan. Mahalaga bang pag aralan ang humanidades sa mga mag-aaral ng STEM Strand? Bakit?
Ang humanidades ay may kaugnay na pag-aaral. Ito ay ang sinauna at makabagong wika, mga ibat ibang panitikan , pilosopiya, pananampalataya, biswal na sining at ang mga sining na isinasagawa o performing arts. Mahalaga na malaman at matutonan ng mga tao ang humanidades. Walang pinipiling kahit sino ang pagkilala sa sarili at kung paano ididispilina ang sarili. Kahit na ang pinag aralan ay tungkol sa siyensya at matematiks, mahalaga paring matutunan ito. Hindi lamang upang madagdagan ang asignatura na pag-aaralan kundi upang tayo ay magkaroon ng magandang katangian na ating magagamit sa darating na panahon na kung saan tayo ay mga propesyonal na. Ang humanidades ang humahanda sa atin sa mga pagtupad sa mga responsibilidad natin sa kultura. Ang pag-aaral ng humanidades ay nakakatulong upang maging pamilyar sa paggamit ng pagkamalikhain sa labas ng sinensya. Ang humanidades ay nagpapatatag ng mga abilidad natin sa pakikipag-usap at pakikipagtrabaho na may pagkakaisa sa ibang tao. Nakakatulong din ang pag-aaral ng humanidades upang matuto ang mga tao ng ibat ibang mga lingwahe at mga kultura ng ibat-ibang bansa. Isa rin sa matutunan natin sa pag-aaral na ito ay malalaman at mapalawak nito ang ano ang kakayahan ng sarili at makapagpasya kung ano talaga ang kurso na kukunin. Angpag-aaral ng humanidades ay nakakatulong din upang maintindihan at malaman ang mga pangagailangan ng lipunan sa teknolohiya, siyensya at medisina. 
Ang diploma na ating nakamit sa ating pagtatapos ay nangangahulugan kung saan tayo kwalipikado at na kaya natin ang mga suliranin bilang isang estudyante. Pero, ang magandang katangian ay nagmula sa kung ano ang inilagay natin sa puso’t isip. Ang malawak na kaalaman sa humanidades ay mahalaga sa siyentipikong pagsasanay. Ito ay pangkalahatang paniniwala na ang siyensya ay may kaugnayan sa katotohanan at ang humanidades ay tungkol sa magandang katangian. Ngunit ayon kay Young, R. (1962), Science, technology and medicine — far from being value-neutral — are the embodiment of values in theories, things and therapies, in facts and artifacts, in procedures and programs . . . I am suggesting that science is part of culture . . .[and] that research traditions cannot be reasonably claimed to be set above the prevailing world view of the epoch. Kung wala kang magandang kalooban at katangian, hindi ka magiging propesyonal. 
Ako si Rixielie Marie Potot na naniniwala na mahalagang pag-aralan ang humanidades kahit na tayo ay isang STEM na mag-aaral. Yun lamang po at salamat sa pakikinig.
1 note · View note
g1stemneuron-blog · 7 years
Text
Posisyong Papel: Reproductive Health Bill
         Sa paglipas ng panahon, ilang pera na ang naisampa sa Senado at Kongreso upang magpanukala ng batas sa ‘’ reproductive Health ‘’; na nagpapapukaw ng mga ibat-iang debate sa bansa. Sa kabila ng lahat, ang Reproductive Health ay ngayo’y isang batas na. Tila mahirap isipan na maraming mga tao ang salungat sa batas na ito na halos naman lahat ng tao ay gumagamit ng mga aparato upang pigilan ang kanilng pagbubuntis at marami ding nag- ”family planning”. Itong posisyong papel na ito ay susubukang suriin ang isyo na ito at kung paano at ano ang benepisyo ang hatid ng batas na ito.
           Ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Act 2012 (Republic Act No. 10354), na mas kilalang RH bill, na nagdiklara ayon sa patakaran sa estado ng pamumuhay, pagtibayin at itaguyod ang responsabling pagpaplano sa buhay tulad ng “Family Planning” na naaangkop sa mga karapatang pantao sa buong mundo. Dapat itong sang-ayunan sa karapatan ng mga mamayan, partikular na sa mga kababaihan at kanilang mga organisasyon; para sa epektibo at makatwirang partisipasyon sa RH bill na  isinasagawa. Na garantisado sa pamamagitan ng mga unibersal na daan sa ligtas, legal, mura at may magandang kalidad sa mga serbisyo, aparato na gagamitin at mga may kaugnayang impormasyon sa RH bill.
           Ang  mataas na bilang ng populasyon ang unang binigyang pansin kaya naipanukala ang RH bill. Ayon kay Ranga (2016), ang kahirapan ang rason ng kawalang kakayahan ng tao upang tustosan ang pangangailan sa pinansyal. Ngunit, ang mga bansang may maraming papulasyon parin ang may mataas na bilang ng mga mahihirap kaysa dun sa mga bansang may mababang bilang ng mga tao. Ang nagpapatupad ng batas ay hindi umangkin na ito ang solusyon sa kahirapan ngunit sa halip ito simpleng nagpapakilala sa nagpapatunay sa koneksyon sa pagitan ng mataas na populasyon at kahirapan. . Ayon kay Dinglasan, na isang manunulat sa pahayagan ng GMA, ang reproductive health law ay hindilang tungkol sa mga iniinom na gamut at mga condoms o seks at relihiyon. Itong palisiya na ito ay maiiugnay sa sakuna at pabago-bagong klima. Ang RH bill ay isa ding calamity risk reduction policy, at ang populasyon at kalamidad nakakamatay na kasosyo.
           Ayon kay Tatad, na isang Pilipinong manunulat,  Ang Population Growth for U.S Security and Overseas Interests ( NSSM200) ay hindi tinukoy na kabilang ang paraan ng aborsyon sa family planning. Ang mga kababaehan ay hindi mga kuneho na nagpaparami ng nagpaparami. Tungkol naman sa sekswal na edukasyon, ang wastong kaalaman tungkol sa sekswalidad at kung ano ang haharapin kapag itoy pinasok ay nagtataguyod at nag bibigay kaalaman sa mga kabataan ngayon. Ayon kay Lagman, na nuo’y isang representante ng Albay,  ang abstinensya bago ang kasal ay himukin; pagkakaroon ng maraming nakakasipin ay iwasan;  at ang paglaganap ng mga sekswal na mga sakit ay pigilan. Hindi lang ito itanim sa kamalayan sa kalayaan sa pagpili kundi lalo na sa responsableng pagsasanay sa karapatan ng bawat isa.Ayon sa Young Adult Fertiliti and Sexuality Study (YAFS), sa hindi bababa sa 19,000 na kabataan ayon sa surbey, isa sat along Pilipino sa pagitan ng edad 20-25 ay nakaranas nan g seks.Ang pangangailangan ng kabtaan ngayon ay iba na. Sila ay dapat na ma protektahan sa masamang dulot ng kanilang mga kahinanatnan. Sa ilalim ng RH bill, ang edukasyon tungkol sa seks ay dapat na maituro sa paraang naaangkop sa edad ng studyante at dapat na idagdag ito sa kurikulum. Samantala, angbilang ng maagang pagbubuntis ay lumalaki ng lumalaki. Batay sa mga obserbasyon ni Sicad, isang tagapayo o nars umaamin ang ibang kabataan na sila ay nakaranas nan g seks. Halos sa lahat ng oras ang ang kanilang pakikipagtalik hindi protektado. May iba na naririnig na nila ang salitang Condom pero meronpang mga kabataan ang hindi pa ito nakikita. Malinaw dito na ang bilang ng mga kabataan na nakaranas na ng pagtatalik ay hindi protektado. Ang pagpigil sa maagang pagbubuntis at pagbaba ng mga kaso ng mga paglipat ng mga sakit ay ang layunin ng batas ng RH bill.
           Ang RH bill ay nagtataguyod ng kwalidad hindi lamang sa mga magulang kundi lalong-lalo na sa hinaharap na henerasyon sa bansa. Ito rin ay nag-aalaga sa karapatan ng mga kababaihan at itong batas na ito ay tiyak na makakatulong sa mga taong kulang o walang karapatan. Sa katunayan, ayon kay Lagman, ang RH bill ay “pro-life,” pro-women,” at “pro-poor”. Ang batas na ito din ay nagtataguyod ng mga impormasyon at daan sa kapwa likas at modernong family planning sa ligtas at legal na pamamaraan. Ang batas  na ito ay magtataguyod ng makataong pag-unlad.
Mga Sanggunian:
Ranga. Effects of Overpopulation: List of Problems and an Impact on Environment. Mind Controversy, 6          October 2016. Web. 18 September 2017
Population Growth for U.S. Security and Overseas Interests (NSSM200). Implications of Worldwide          Population Growth. Zero Hedge, 1 January 2012. Web. 18 September 2017.
Tatad, Francisco. First Things First. Blogspot, 14 September 2008. Web. 18 September 2017.
Lagman, Edcel. Learning Sex Education in School. Rappler, 4 August 2015. Web. 18 September 2017
Dinglasan, Roucheller. The RH Law is Vital to Climate-Change Adaptation, Advocates Say. GMA News,          22 December 2013. Web. 18 September 2017.
2013 Young Adult Fertility and Sexuality Study (YAFS). Results. DRDF, 6 February 2013. Web. 18          September 2017
Sicad, Christine. Learning Sex Education in School. Rappler. 4 August 2015. Web. 18 September 2017
1 note · View note
g1stemneuron-blog · 7 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
“Di malilimutang Paglalakbay”
Mga Larawan: 
0 notes
g1stemneuron-blog · 7 years
Text
“Di malilimutang Paglalakbay”
Bilang isang kabataan na naghahangad ng mga panibagong karanasan sa ibat-ibang lugar, ako ay nag punta sa kinalakihan ng aking ama. Ang mga karanasang ito ang hinding hindi ko malilimutan sa lahat. Gusto kong maranasan ang narasan ng aking ama noong siya ay binata pa lamang. Ang intensyon ko sa pag punta doon ay hindi lamang upang mag bakasyon doon kundi upang maranasan ko din ang buhay na nakasanayan na nila at upang matutonan ko ang kanilang mga kultura.
           Noong tag-araw o summer, ako ay pumunta sa Dalumpines, Calubian Leyte noong Mayo 2017 na lugar ng aking ama noon. Halos walong oras kaming bumyahi galing Cebu papunta doon. Hindi madaling makarating sa Isla ng ama ko dahil walang barko ang dediritso sa kanilang isla. Kami ay sumakay ng barko papuntang Ormoc City at mula doon sumakay kami ng van papuntang Naval Biliran at doon naman sumakay ng isang Bangka papunta na sa isla. Sa Bangka palang, iba na ang saya at galak na aking nararamdaman. Pagkarating naming sa bahay, agad naming binate ang aming kamag-anak doon. Hindi madali sa akin ang mga unang araw ko doon dahil sa tahimik at simple ng lugar. Nang sumapit na ang gabi, ako ay nanibago dahil kahit patago palang ang araw ay halos wala ka nang makikita na mga tao na dumadaan. Doon sa Leyte, hindi ako nakaranas na mag puyat sa gabi dahil sa nakakatakot na ambyans ng lugar at dahil na din sa mga sabi-sabi doon na meron daw maraming multo sa lugar. Ng lumaon, ako ay natuto kung paano kumuha ng mga buko, prutas ng Granada, saging at iba pang mga prutas. Namangha din ako sa ganda ng dagat na halos umaabot na sa tarangkahan ng aming bahay. Namangha din ako sa kung paano itrato ng mga tao ang kanilang kapwa tao. Para lang silang magkakamag-anak. Natutonan ko ang kanilang kultura na kapag merong mga kainan at dadaluhan ito ng mga hindi mo kakilala, ikaw ay maglagay ng sili sa ilalim ng plato para hindi daw eepekto ang lason na nilalagay sa pagkain. Kilala na ang ganitong pamahiin sa kanilang lugar.  Halos dalawang lingo kami sa Leyte. Ang lugar ay nakakatulong na mawala ang mga stress dahil sa tahimik at ganda ng lugar. Marami ring mga puno na nagpapaganda sa nararamdam. Upang masulit ang aming pag punta, nag punta kami sa ibat-ibang resort ng lugar. Kahit na ayaw ko, kailangan parin naming umuwi sa Cebu dahil malapit na ang pasukan.
Natutonan ko sa pagpunta at pagtira ng ilang araw doon na kahit anong simpleng lugar pa ang Leyte, meron din itong angking ganda. Natutonan ko din na malibang kahit walang mga gadgets. Kahit na ganun, masaya parin ang mga tao na nandoon at kontento sa kanilang estado sa buhay. Hindi nila kailangan ng maraming salapi upang maging masaya dahil para sa kanila, ang pamilya kaibigan at ang Diyos ay sapat na.  Hinihimok ko ang mga tao na pumunta sa Dalumpines Leyte, hindi lang dito nakakagaan sa pakiramdam kundi mamangha ka sa lugar.
0 notes
g1stemneuron-blog · 7 years
Text
The Strange Case of Dr. Jekyll and Mr. Hyde Ni: Robert Luis Stevenson
Ang nobelang isinulat ni Robert Louis Stevenson na pinamagatang “The Strange Case of Dr. Jekyll and Mr. Hyde” na inilimbag noong 1886. Ang nobela ay nabuo dahil sa pagkaintriga ni Stevenson sa kung paano nakaapekto ang personalidad sa isang tao kung paano ipagsama ang masama at magandang pagkatao sa isang tao. Ang nobelang isinulat ni Stevenson ay tungkol sa pag-iibang ugali  na nakalikha g ibang kataohan ditto. Inilahad rin ditto kung paano nakakaapekto ang pag-usbong ng pagkatao ni Mr. Hyde at kung paano na bago ang pamumuhay ni Dr. Jekyll.
Ang Pagbabalik Tanaw. Nag simula ang storya sa nobela ni Stevenson noong nag karoon ng interes at nagkaroon ng ambisyon si Dr. Jekyll na magkaroon ng isang kakaibang teorya na nagpabago sa kanyang payak pamumuhay, Gumawa si Dr. Jekyll ng isang posyon na kung saan mapapaghiwalay niya ang kanyang masamang ugali at magandang ugali. Dahil sa pag-inom ng posyon, nabuo si Mr. Edward Hyde na may masamang pag uugali. Si Mr. Hyde ay nakapatay ng isang waalang muwang na tao na kung saan nasaksihan ng isang katulong at isinuplong siya nito. Ang kaibigan ni Dr. Jekyll na si John Utterson na isang abogado ay nagkaroon na mga hinala tungkol sa kaibigang si Dr. Jekyll dahil sa mga pagbabago nito. Pagkalipas ng isang taon, si Mr. Hyde ay inataki ang isang lalaki itoy ikinamatay din nya. Isinama ng mga awtoridad si Mr. Utterson dahil kilala niya ang lalaking namatay. Dinala ni Mr. Utterson ang mga awtoridad sa inuopahang bahay ni Mr. Hydes na kung saan nakita nila ang ginamit sa pagpatay sa lalaki. Na kilala agad ito ni Mr. Utterson dahil ang bagay na iyon ay ang regalo niya sa kanyang kaibigan na si Dr. Jekyll. Nag hinala ulit si Mr. Utterson sa kaugnayan ni Dr. Jekyll kay Mr. Hyde. Tinanong ni Mr. Utterson si Dr. Jekyll sa kanila ni Mr. Hyde ngunit hindi ito sumagot bagamat sinabi niya na tumakas na si Mr. Hyde. Upang pruweba, binigay ni Dr. Jekyll kay Mr. Utterson ang isang sulat na naglalaman ng isang pamamaalam. Ngunit hindi parin naniniwala si Mr. Utterson dahil kilala niya ang sulat kamay ni Dr. Jekyll at itoy kaparehong kapareho. Lumipas ang panahon, bumalik ulit ang sigla ni Dr. Jekyll ngunit itoy nawala rin ng hindi na siya tumatanggap ng mga bisita. Sa kasamaang palad, pumanaw si Dr. Lanyon na isang kaibigan ni Dr. Jekyll. Ngunit bago ito pumanaw, nag bigay siya ng isang liham kay Mr. Utterson. Sinabihan siya nito na sa kung kaylan mamawala o mamaptay si Dr. Jekyll ay dun niya lamang mababasa ang nakapaloob sa liham. Samantala, si Mr. Utterson ay lumabas at naglakad-lakad kasama si Mr. Enfield. Sa kanilang paglalakad, nakita nila si Dr. Jekyll na nakadungaw sa bintana ng kanyang laboratoryo na napapalibutan ng isang nakakatakot na awra. Nagdaan ang ilang minute, binisita ni Mr. Poole si Dr. Jekyll. SI Dr. Jekyll ay halos tatlong lingo na siyang nasa loob at nagkukulong sa kanyang laboratory at ang kanilang naririnig na boses ay hindi na boses ng doktor. Pagkatapos na magka argyomento ang dalawa tungkol sa pag bukas ng laboratoryo. Napagpasyahan na nila na basagin nalang ang laboratoryo ni Dr. Jekyll upang sila ay makapasok. Tumambad sa kanila ang patay na katawan ni Mr. Hyde suot-suot ang mga damit ni Dr. Jekyll at isang liham para kay Mr. Utterson. Pagkauwi, unang binasa ni Mr. Utterson ang liham na galing kay Dr. Lanyon. Nagpaloob ito na ang pagkasira at muntikang ikamatay ay dahil sa gulat ng ininom ni Mr. Hyde ang posyon at nagbago ng anyo at naging si Dr. Jekyll. Ang sumunod na liham ay ang galing kay Dr. Jekyll. Nagpalood ang liham ng pagpapaliwanag            ng paghiwalay ng kanyang mabuting pagkatao at masamang pagkatao. Na natuklasan niya kung paano bagohin ang kanyang sarili. Akala ni Dr. Jekyll na makokontrol niya ito, ngunit ang pagbabagong anyo ay hindi na niya mapigilan. Siya ay mag-iibang anyo kahit hindi siya umiinom ng posyon. Sinibukan niya raw na pigilan ang pag babago ngunit hindi na niya magawa. At alam niya na siya ang magiging si Mr. Hyde panghabangbuhay. Nangdahil hindi kayang harapin ni Mr. Hyde ang kanyang mga nagawa, pinatay nalang niya ang kanyang sarili. At dun nagtatapos ang nobela.
“To this rule, Dr. Jekyll was no exception; and as he now sat on the opposite side of the fire – a large, well-made, smooth-faced man fifty, with something of a stylish cast perhaps, but every mark of capacity and kindness – you could see by his looks that he cherished for Mr. Utterson a sincere and warm affection”
Ang Pangalawang Pagkatao ni Dr. Jekyll na si Mr. Hyde. Sa pagdating ng ibang pagkato ni Dr. Jekyll na si Mr. Hyde, marami ng krimen ang naganap sa lugar nila sa London. Ang kaso ng pagpatay ay dumami at sunod-sunod itong nangyari. Si Mr. Hyde ay tila may Borderline Personality Disorder na kung saan siya ay gumagawa ng mga bagayna kung saan hindi niya pinag-iisipan o bigla-bigla. Sa pagkakaroon ng ganitong kalagayan, maraming tao ang kanyang napeperwesyo at nagugulo ang buhay. Katulad nalang ng mga pamilya ng kanyang mga pinatay.
“Dr. Jekyll’s ‘disapperance or unexplained absence for any period exceeding three calendar months,’ the said Edward Hyde should step into the said Jekyll’s shoes without further delay and free from any burthe or obligation, beyond the payment of a few small sums to the members of the doctor’s household”
Dissociative Identity Disorder (DID). Ang Multiple Personality disorder ay isang matinding sakit na kung saan nagkakaroon ng dalawa o mas marami pang ibat- ibang personalidad. Paminsan-minsan, tinatawag din itong isang possession dahil sa mga hindi ka aya-ayang mga kilos na nangyayari sa taong may mga ganitong sakit. Ang Dissociative Identity Disorder ay isang mahirap na kondisyon na sanhi ng maraming kadahilanan tulad ng trauma nya sa pagkabata na minsan ay sukdulan na pananakit mapa-pisikal, sekswal at emosyonal na pag-abuso. May mga ibat- ibang sintomas ang pagkakaroon ng DID tulad ng pagkagambala sa pagkatao, pagbabago ng pakiramdam sa kanyang sarili, pagbabago sa ugali, pagbabago sa kanyang mga galaw at pananalita, at pagkawala ng kontrol sa sarili na nagdudulot ng paggawa ng mga bagay-bagay na hindi na naaangkop o nagagawa ng kanyang katawan.  
Black and White Thinking. Ang black and white thinking o splitting ay isang kabiguan ng pag-iisip ng isang tao para ihiwalay sa dalawang bahagi ang positibo at negatibong kwalidad ng pagkatao. Ang isang indibidwal ay mauuwi sa sukdulang pag-iisip. Ito ay parang katulad nang ginawa ni Dr. Jekyll na kung saan gusto niyang ihiwalay ang kanyang masama at magandang pag-uugali. Ito ay naging sanhi ng pagkabuo ng pagkatao ni Mr. Hyde na kung saan siya ay may masamang layunin at gawain.
Borderline Personality Disorder (BPD). Ang BDP ay ang pag-aakto ng masasamang gawain na hindi angkop sa kanyang personalidad na kung saan pwedi itong makasakit ng ibang tao kung hindi naman ang iyong sarili. Ang mga taong mayroon nito ay merong mga masasamang paniniwala o mga idea na nakakaapekto sa kanilang pagpapakamatay. Sila yung mga taong hindi makontrol ang galit na nararamdaman. Minsan sila ay nakakasakit sa ibang tao o kundi naman ay napapatay nila ito. Sila ay magiging paranoid at halos nagiging malungkot kada oras.
Schizophrenia. Ang Schizophrenia ay ang sakit sa pag-iisip na nailalarawan sa abnormal na mga galaw at ang hindi pag intindi sa kung ano ang tama.
Ang Dalawang Pagkatao sa Isang Katawan. Sa pagpatuloy nang mga nagaganap, ginamit ni Dr. Jekyll na taguan sa masasamang nagawa niya ang pagkatao ni Mr. Hyde. Ang karakter ni Dr. Jekyll ay kakaiba sa ugali ni Mr. Hyde. Itinago ito ni Dr. Jekyll sa kanyang sarili ngunit dahil sa imbestigasyon at sa mga hinala ni Mr. Utterson natuklasan din ito. Si Mr. Lanyon ang unang nakaalam sa kalagayan ni Dr. Jekyll dahil nakita niya itong nag ibang anyo. Ang kasamaan ni Mr. Hyde ay walang pinipiling tao. Hindi siya nag-iisip kung mabuti ba o masama ang kanyang ginagawa. Siya ay nabalot ng kasamaan. Dahil dito, nagpakamatay ma lamang si Dr. Jekyll upang wakasan ang kasamaan ni Mr. Hyde at para rin hindi makakokyopay si Mr. Hyde sa katawan ni Dr. Jekyll ng habang buhay.
Ang lahat ng ito ay naganap sa lugar ng Victoria, London. Ang layunin ng nobela ay hindi lamang upang mag bigay ng konsepto ng bipolar disorder at multiple identity disorder kundi upang ipakita ang mga pangyayari  at kababalaghan na nangyayari sa kanilang lugar. Sa gabi, halos sunod-sunod ang mga patayan at mga krimen na nangyayari sa kanilang lugar.
Ang nobelang isinulat ni Robert Stevenson ay nagbibigay ng mga impormasyonna may kaugnayan sa agham ng siyensya. Inilarawan ditto ang masamang ugali at mabuting pag-uugali ni Dr. Jekyll at ang masamang epekto ng posyon na nilagay ni Dr. Jekyll sa kanyang katawan. Ang nobelang ito ay tumatak talaga sa isipan ng mga mambabasa dahil sa pagtalakay dito tungkol sa isipan ng tao.
Mga Sanggunian:
Pierre, Janet. Psychological Automism: De I’Automatisme Psychologique. 2017. Web.  Aug. 2017.
Balfour, Graham. The Life of Robert Louis Stevenson. Study Today. 1008. Web. Dec. 2012
Psychology Today, Feb. 2017. Web. 2017.
Johnson, Skip. Borderline Personality Disorder. BFDFamily. Web. 2017
Mayo Clinic Staff. Schizophrenia Disorder. Mayo Clinic. Web . 2016
Wissley Rose. All or Nothing’, or ‘Black and White’ Thinking Depression. Clinical-Depression. Web. 2017
0 notes