Tumgik
#Tara Letran
smol---ame · 2 years
Text
Tumblr media
S𝑂𝐶𝐼𝐴𝐿 M𝐸𝐷𝐼𝐴 ᴄᴀɴ ʙᴇ ᴜsᴇᴅ ғᴏʀ Bᴇɴᴇғɪᴛs ɪɴ ᴍᴀɴʏ ᴡᴀʏs. Iᴛ ᴄᴀɴ ʙᴇ ᴜsᴇᴅ ғᴏʀ Cᴏᴍᴍᴜɴɪᴄᴀᴛɪɴɢ ᴡɪᴛʜ Fʀɪᴇɴᴅs, Bᴜsɪɴᴇss ᴇᴛᴄ. Tʜᴇʏ ᴄᴀɴ Bᴇ ᴀʟsᴏ ᴜsᴇᴅ Nᴇɢᴀᴛɪᴠᴇʟʏ. C𝑦𝑏𝑒𝑟𝑏𝑢𝑙𝑙𝑦𝑖𝑛𝑔, Sʜᴀʀɪɴɢ Fᴀʟsᴇ Iɴғᴏʀᴍᴀᴛɪᴏɴ & Kɪᴅs ᴜsɪɴɢ sᴏᴄɪᴀʟ ᴍᴇᴅɪᴀ ᴀғғᴇᴄᴛs ᴛʜᴇɪʀ ᴛɪᴍᴇ ᴍᴀɴᴀɢᴇᴍᴇɴᴛ & Sʟᴇᴇᴘ. Tʜᴇsᴇ ᴀʀᴇ sᴏᴍᴇ ᴇxᴀᴍᴘʟᴇs ᴏғ Nᴇɢᴀᴛɪᴠᴇ Wᴀʏ ᴏғ ᴜsɪɴɢ Sᴏᴄɪᴀʟ Mᴇᴅɪᴀ
1 note · View note
jhanmiii-blog · 5 years
Text
Blog#3 “Edukasyon paa sa Iilan: Kung Bakit Asal-Mayaman si Pedrong Maralita” ni Bienvenido Lumbera
Sa ilang taon mo nang pamumuhay dito sa ating lipunan sa tingin mo pano ka namumuhay ngayon?
Nasa reyalidad kaba o nasa kasinungalingan??
False consciousness vs class consciousness
Sa teksto ni Lumbera sinasabi niya na si Pedrong Maralita ay isa o nakakaraming tao sa lipunan. Bakit nga ba asal mayaman si Pedro Maralita dito sa ating lipunan? Imbes na umasta at kumilos siya o tayo batay sa tinatawag nating class consciousness eh patuloy tayong lumilihis sa reyalidad at patuloy tayo nagpapakabulag at lasing sa ating false consciousness??
“Uy may Iphone 11 na dito gusto kong bumili….”
“Gusto mo mag coffee? Dito tayo sa Starbucks…”
“Uy nakita o ba yung suot ni ano…. Yung Gucci na bag”
“Lumabas na yung make-up lineni ano tara bili tayo”
“may allowance ka pa ba? De ok lang di nalang ako kakain bukas”
Ilan lamang to sa madalas nating marinig sa mga tao tulad ni Pedrong maralita mahilig sumunod sa uso. Mga taong kahit walang-wala na ay usad padin, mahilig ipagpilitan ang mga bagay na hindi naman kaya. Sige ang bili at hiling nang mga bagay na di naman kailangan o hindi ganun ka importante. Marami akong kilalang ganito talamak ang mga ganitong tao sa paligid di ko mawari-wari kung bakit sila ganyan. Wala na silang makain kinabukasan, baon na sa utang pero sige padin ang sunod sa mga luho at uso. Aaminin ko sa katunayan minsan ganito rin ako pati ang pamilya ko halimbawa nung tumungtong ako sa mataas na paaralan o sekondarya ako noon ay pinasok sa pribadong paaralan kahit na pag babasura ang pinagkakakitaan namin noon kahit na hirap ay pinilit padin dahil sa maganda nga daw kase ang edukasyon sa mga pribado kaysa sa mga pampublikong paaralan. Iniisp ko noon kung ano ba ang pinag kaiba ng pribado kaysa sa pampubliko at doon ko na laman na hamak nga na mas maganda mag-aral sa pribadong paaralan dahil sa mga pasilidad neto, mga kagamitan at pag tuturo. Di na nakakagulat noon at hanggang ngayon ay sikat ang mga eskuwelahan na Ateneo, La Salle, Letran, UST at iba pa. Isa rin sa aking napagtanto kung bakit hindi pinag-tutuunan nang pansin at pinag-popondohan ng gobyerno ang pagpapaunlad sa mga pampublikong paaralan para marami ang mabigyan nang tsyansa makapag-aral at para hindi narin mag-sakripisyo ang ibang di mayayamang pamilya para lamang ipasok ang kanila mga anak sa mga primadong  paaralan. Sa tingin nyo bakit kaya? kaya ayaw nang gobyernong pagtuuanan nang pansin ang papa-unlad sa mga pampublikong paaralan dahil nakikipag-ugnayan ang korporasyon sa gobyerno kase kung ating susuriin ang mga may hawak nang mga kilalang pribadong paaralan ay mga kapitalsita at takot silang matuto o magkaroon ng kaalamanan at mamulat sa reyalidad ang mga Pedong maralita.
At ang mga kurso na pinag aaraalan nang mga mag-aaral ay nahahati sa dalawang bahagi ang Liberal Arts at Business Administration, kung iyong iisipin ang madalas na kumukuha nang mga kusrong nasa Liberal Arts ay mayayaman dahil ang para sa mga kagaya naming nasa oppressed class ay hindi kailangan neto dahil iniisip na hindi ka kikita dito kaya madalas ang kinukuha kurso ng mga taong gustong yumaman ay business course dahil kikita ka dito. Sa pagdi-dibisyon na ito ay pinapamuka na sa atin na tayo ay hindi papantay mga naghaharing-uri at tayo ay mga wanna be at isa lamang tayong kasangkapan nila paa lalo silang umanggat.
            Idinudol sa kanya ng kanyang lipunan na ang uok ng pagiging edukado ay ang pagiging katulad ng produkto ng mga pribadong paaralan at siya naman pinagsikapan upang marating ang itaas. Sa pag pupumilit niyang marating ang tuktok ay naaapakan na niya ang iba na ngangahulugan na pagtatakwil sa uing kaniyang kinabibilangan.
Iniwan niya ang sarili niyang daigdig sa pagnanasang makalaya sa karalitaan. Naipasa kay Pedrong maralita ang edukasyon kaniyang ninanais at mga ilang adhikain ng mga mayayaman subalit hindi naman nag bago ang kaniyang katayuaan sa ekonomiya.
            Napakaraming Pedrong Maralita. Nagkalat sila puwdeng ikaw o yung mga katabi mo. Mga naghahangad umunlad at makatamhasa nang ginhawa kahit na saglit lamang, hindi naman ito masama kung tutuusin ngunit masyadong nasisilaw mga nakakarami sa at nahuhulog sa  mga illusion.
1 note · View note
lets-grababite · 5 years
Photo
Tumblr media
OJ’S BREW
Near the refresing Buko Juice
P 80 - 220
 P Perfect location for group study? Foods that are worth to pay for? Silent and Relaxing place? You’re in the right place! Oj’s Brew ay bagay na tambayan ng tropa, they have books na pwedeng hiramin if you’re bored and a book lover. The interior design is wonderful and the place’s scent is like bringing you to coffee world. The foods might be pricey, but it was surely delicious. So tara na! Sa coffee shop na walking distance lang sa Letran! Kung saan ang  kape ay perfectly brewed.
0 notes
redpablo-m · 5 years
Text
Edukasyon para sa Iilan: Kung Bakit Asal Mayaman si Pedrong Maralita.
Sa modernong Pilipinong kabihasnan— naglitawan ang mga pantangi na pamantasan. Mga institusyon na tanging masalapi lamang ang kayang mag rehistro. At sa katunayan, ikinakabit na ng mga Pilipino, masalapi man o kapos, ang dekalidad na edukasyon sa paaralan na mahal ang matrikula. Para sa marami, magkasing kahulugan ang maayos na edukasyon at mahal na edukasyon— maaari na relevant ito sa kasalukuyan; mga pamantasan gaya ng Ateneo De Manila University, Colegio De San Juan De Letran, De LaSalle University, at marami pa. Tunay naman na ang dekalidad na edukasyon ay naninirahan sa mga pamantasan na 'yan, ngunit ang hindi ko maintindihang lubos ay ang aktong pangmamata sa mga pamantasan na hindi kamahalan ang matrikula, sa mga pamantasan na pampubliko, maging sa mga state universities na meroon tayo.
Kaya tara, samahan mo akong tuklasin at pag-aralan kung bakit nga ba asal mayaman si Pedrong maralita.
SABLAY NA KAISIPANG "SANA ALL"
Bakit nga ba ang sambit-sambit ng bibig natin ay purong pagnanasa sa tuwing dadampi sa tainga o mata natin ang mga 'top of the line' na unibersidad at pamantasan sa Pilipinas? Bakit nga ba masiyadong matindi ang kagustuhan natin na maging kagaya at kamukha ng mga studiyanteng nag-aaral sa mga iskwelahang pantangi? Animo'y sila ang mga diyos at diyosa na marapat nating ikamukha at tularan.
MALAWAKANG PRIBATISASYON NA MAKITID
Dahil sa kagaguhan ng mga sakim na edukador kapitalista, at pati sa kakulangan ng hayop na gobyerno— namayani ang pribatisasyon sa iba't-ibang uri ng institusyon. 'Kung sa bagay, matalik na magkaibigan nga pala ang mga elitista at ang estado dahil sila ang breadwinner ng isa't-isa— hinahayaan ng estado ang mga kapitalista na maging taga pangasiwa o di kaya'y magtatag ng sarili nilang institusyon upang doon na lamang magpunta ang masa at hindi na alalahanin pa ang kakulangan ng estado na magbigay ng tapat na serbisyo sa mga nasasakupan nito. Isa ang edukasyon sa maraming halimbawa. Dahil sa pagsulpot ng mga pribadong paaralang pantangi, natabunan ang kakulangan ng estado na magbigay ng libre at dekalidad na edukasyon. Ang tingin ng masa ay nababaliktad— sa kanilang pananaw, walang mali at tanging mabuti lang ang akto ng estado, ngunit ang hindi nila nalalaman, natatakpan lamang ang mga ito ng isa pang kamalian— at 'yan ang pribatisasyon. At ito ay maliwanag na atake sa masang api; sapagkat, anong uri man ng institusyon ang sadyang maibigay sa ilalim ng pangangalaga ng mga pribadong sektor, tiyak na mangangahulugan itong mas malaking gastos at hindi pantay na pagtamasa sa serbisyo— dahil tanging may sapat na pera lamang ang may kakayahan na ipatanggap sakanilang sarili ang mga serbisyong ito.
ANG ALGORITMONG UMIIRAL SA LIPUNAN
Bagamat nagdudulot ng maramihang mga tanong ang pagnanasa ng mga uring 'Pedro' na maging kamukha ng mga naroroon sa mataasang echelon ng lipunan, at sa katunayan nga'y— tinatanaw na nila ang kanilang mga sarili bilang mga kapareho sa klase ng mga taong masalapi, hindi mimintis ang katotohanan na bigyang kasagutan ang mga tanong na kagaya ng 'bakit nga ba asal mayaman si Pedrong maralita?'; Ito ay dahil sa hegemony na pangkultura na siyang malakas na umiiral sa ating lipunan. Ang bagay na ito ay masiyado sa kapangyarihan, ang bisa nito ay mainam na umiiral sa mga ideological state apparatus; mga institusyon sa lipunan— halimbawa ay relihiyon, edukasyon, pamilya, media, at iba pa. Ito ay isang epektibong lason para sa mga mulat, at isang gabay naman para sa mga hindi. Ganito gumagana ang sistemang iyan. Ang mga makapangyarihan ay magpapakawala ng isang bagay— bagay na kikita sila at sa isang pang banda, bagay na magpapanatili sa masa na maging bulag at walang alam. Ang mga may buga ang siyang nagpapakawala ng mga bagay— na siya namang kinagigiliwan ng masa, kaya ang ating kontra-mekanismo? Gayahin ang mga ito, maging katulad ng mga 'trend-setter', sundin ang mga social patterns na idinidikta saatin ng mga uring mapaghari. Tuloy, ang sistema e nare-reproduce lamang— patuloy lamang sa paglakas, dahil imbis na subukin ng masa e tayo pa mismo ang sumasakay at sumasabay sa andar nito, kung san man tayo nito dalhin e bahala na, ang importante e 'nakakasabay' tayo at hindi tayo outcasted. Pero tangina, naisip ba natin? Kung gaano katanga ang umiiral na iskema? Bakit nga ba asal mayaman ang marami sa mga maralita? Kung ang dapat naman talaga e magkaiba sila ng kahulugan. Ang mayaman ay marapat lamang na mag-asal mayaman, ngunit ang mahirap— katangahan ang ibigsabihin kung magpapaka-mayaman siya, dahil ang katotohanan ay hindi mababago, mananatili siyang mahirap. 'Kung walang rebolusyon na magaganap, ang mga nasa laylayan ay mamamatay na lamang na nasa laylayan par rin— na patuloy na dinidiktahan ng mga makapangyarihan sa 'kung paano ba dapat mamuhay at magisip. Ngayon, alam niyo na kung bakit asal mayaman si Pedrong maralita; 'yan ay dahil hinahayaan niya ang kanyang sarili na maging alipin at sunod-sunuran sa dinidikta ng uring makapangyarihan, kaya hindi niya napagninilayan ng mabuti 'kung ano ba talaga ang estado niya sa buhay— kung saan nga ba siya naka puwesto sa tatlusok, tuloy wala siyang ginagawa para magkaroon ng pagbabago na lahat naman ay tiyak na makikinabang. Hangga't patuloy pa tayong nagagalak, naaaliw, at namamangha sa mga pakawala ng sistema, malabo ang konsepto ng pagkamulat, at kung 'yan nga ang mangyayari— kailan ma'y hindi magkakaroon ng rebolusyon.
0 notes
xeezhiah · 7 years
Text
November 29, 2017: Run Hue Knighted Colour Night Run - 5.82mi = 9.37km
I don't know why it didn't register 10K but I have the Finisher's medal and I crossed the finish line. I followed the route also.
HINDI AKO NINJA AND I WON'T CHEAT IN RUNS EVER! 🤣
It is nice to be back home as a runner this time. Lakas maka-student feels ee. This is that run na muntik ko na hindi takbuhin because cardio wants to make sure I am 100% healthy. Dalawa yung choice kong fellow runner na pwedeng mag sub for me, yung isa hindi pwede kasi may work and the other naman, hindi ko talaga kinausap kasi baka hindi naman mag reply. Takot ko lang. Hahaha. So I went against my doctor's orders not to run. Matinding iyakan at dasal ang ginawa ko just to go against all odds. More than the fact na naghihinayang ako sa registration fee, I am really craving to run kasi almost 2 weeks na akong walang workout.
I am blessed that I have a priest friend who also happens to run, besides giving me a pre race blessing, he helped me convince my mom that I can do the run in spite a possible weak heart. More of that later in that post. So sabi nga ng nanay ko, talagang matigas ang ulo ko pero alam din nya na ayaw ko magpapigil so she supported me so long as I would cross the finish line alive and breathing.
I did just as I have promised.
Tonight was a night of firsts - first night run, first run organized by the alma mater and first colour run. I have always wanted to run a legit event in Intramuros and to try a night run so I got both tonight - it should really be as memorable as how I wanted it to be. Mejo nakaka pagod lang yung race course coz it is four loops. Yes, FOUR loops for 10K.
At my second loop, I was even pacing with the group of runners from the Philippine Navy - astig these running soldiers coz they really are chanting while running. Their chants are motivating the runners all the more because it is Letran related. I really tried to keep up with their pacing pero naiwan ako kasi I have to keep my mobile phone in my flipbelt as I am to pass by dun sa part ng race course na tubig yung binubuhos sa runners instead of coloured powders.
I remember during college, the Navy boys are running around the walled city every afternoon. Malalaman mo talaga that they are running coz they are chanting - same as that on course kanina. So there, college feels all the more.
On to the third loop, nakita ako ni Idol Villegas - the guard na kasing institusyon na ng Letran. He really took time to say "Idol, ikaw ba yan?" with a smile - I couldn't say something so I just looked at him and showed a thumbs up with a smile. I really find it awesome kasi ang tagal ko na di nakikita yung mga guards na naging friends ko in college pero kilala pa rin nila ako.
Bawal dapat mag beast mode but on the fourth and final loop, I ran as fast as I can dahil hinahabol ko na yung cut off time. Also it starts to drizzle so I have to double time. Worth the effort naman because I finished strong and I got the medal.
I couldn't care less if I got a PR or not but I am happy that I finished the run flawlessly in spite a cramps scare while traversing the Mapua side of Muralla. I want to believe that I finished strong.
Post run, ang dungis ko sobra so I opted not to go up to the Convent of St. John de Lateran where I was invited by Fr. Vic to have dinner. Nahihiya ako sa mga priests kung aakyat ako dun na madungis so I told Fr. Vic na lang na uuwi na ako and that I hope he enjoys the calamansi muffins that I left with one of the guards before I ran.
By far, I wanna believe that this is the happiest Arriba Fest that I have ever been to. Gusto ko ulitin next year.
My cardio said I possibly have a weak heart, I hated him the moment he said I couldn't run and at some point, I even hated the genes that I have because I have a weak heart. But I won over a physical heart that may be giving up on me. I am happy that I finished the run without passing out. Yun nga lang, dogtag ko lang yung gamit ko na natirang malinis coz everything were filled with coloured powder. I don't mind anyway coz I really had fun.
Running this event really is my last for 2017 because I am going to comply with all the tests that the cardio wants me to undergo to ensure I am really healthy and fit to run.
Now, my traditional post run shoutouts. Since last na ito for 2017, mejo mahaba ito:
First, to God for being in control the whole time. Truth be told, each time dadaan ako sa Cathedral while running, I make a sign of the cross and pray. I kept praying that I will not pass out and that I can finish it and God heard my prayers that instant. Thank you God for being in control. I give it all back to you.
To my mom for allowing me to run in spite the objection. I am sure na kabado ka while I was out there on my own, proud ka na umuwi akong buhay at may finisher's medal.
To my co admins sa epitome of a frequent flyer group, lalo na si bae Hanilita and si mahal na reynang John - thank you so much sa mga lafftrip moments natin almost every night. You guys were my disturbance lalo na nung nag start na hindi ako makatakbo. You guys are my dose of good vibes.
Sa mga beshies especially Iyah and Betchay for always reminding me to take things easy when running. Thank you beshies for always supporting me sa kagagahan ko.
To Fr. Cris Cellan for the pre run blessing at sa pag kunsinte sa akin to go out and run, salamat po! Your blessing made me all the more brave to go against all odds and prove that I can. You sure made me see that God is with me all throughout the race. Salamat, father!
To my new found fellow runner friends - salamat din sa concern and for the tips. I sure can learn from all of you. Anhirap nyo isa-isahin kasi andami nyo ee pero thankful ako that I do have online friends like you guys who shares the same passion in running like I have. Special shoutout sa Pinoy Fitness community dahil dun tayo lahat nagka kila-kilala.
To my former NSTP professor, Mam Maggie who took time to message me at the eve of the race to remind me that sometimes, it is not bad to set things aside even if you wanted it so bad. I am touched by the effort because she is in Doha, she saw my ranting posts about my condition and expressed her concern. Truly, in Letran, no matter where in the world we are, the concern for a fellow Letranite is genuine and it doesn't end in the four walls of the Colegio. Thank you so much, Mam Maggie!
To my forever beloved and fave priest, Fr. Vic, this run is for you dahil po birthday mo. Happy birthday kahit hindi tayo nagkita.
To my new bff, Kelvin - thank you for always reminding me about my check ups and for asking updates about how it went. Kahit hindi ka runner, you always listened to my rants lalo na when I couldn't run. You were twice as kulit as I am for trying to convince me not to run pero I won over it pa din. Thank you for always listening to me, Kelvs. See you in a few weeks!
To my mamaw runner friend, JC - wag ka na magalit ha? Nothing happened, di ba? Pasaway man ako, it was worth it. Tara na, froyo na tayo, dali!
To former crushie, John Gerald - special ka pa rin to me and I saw your post before running. I am happy for you for whatever answered prayer you are referring to. I am happy knowing that you are happy. Thank you for the good vibes you gave me since we have met. Looking forward to fly with you soon!
Finally, sa bagong inspirasyon - thank you because you make me brave. You make me twice the fighter that I already am. You are the reason why I ran this and I hope, I made you proud. This may be more for myself but babe, I want to share this to you as well. Thank you for inspiring me to be the best version of me and for reminding me to make myself beautiful again. You are loved in silence, babe. ❤
Mission accomplished! This is Runner Xy-Zha, now signing off.
See you in 2018!
0 notes