Tumgik
#TheOneWhoHasNoName
mizakigeema-blog · 11 years
Text
The One Who Should not be Named said it to The One Who has No Name
Ok lang umiyak. Di naman karuwagan ang pag-iyak. Pag-may sumasakit sa dibdib mo, Iiyak mo lang
Kung meron man akong hinahangaan ng sobra, at tingin ko dun din ako nagmana. Di ko na babanggitin kung anong pangalan niya at kung anung kaugnayan niya sakin, gusto ko lang naman talaga isulat yung tungkol sakaniya. Bukod kasi sa hinahangaan ko tong taong to eh, isa siya sa pinaka mahalagang tao sa buhay ko.
Nung gabi na nag-uusap usap kami ni "The One Who should not Be Named" at ni "The One Who has No Name" Nagp-plano na si "The One Who should not Be Named" na iwan si "The One Who Has No Name" tahimik lang siya habang ine-explain ni "The One Who should not Be Named" kung bakit kailangan niyang umalis. Biglang may nabanggit si "The One Who should not Be Named" tungkol sa isang bagay na napaka-halaga kay "The One Who has No Name" kumuha ako ng tubig nun kaya di ko narinig yung usapan tungkol dun pero, narinig ko na tinanung ni "The One Who should not Be Named" kung umiiyak ba siya. Biglang hinaplos ni "The One Who Has No Name" yung dibdib niya, tapos sumagot siya na hindi daw habang natatawa-tawa. Tumahimik ulet siya, tapos hinimas ni "The One Who should not Be Named" sabay sabing "Himasin mo lang pag masakit" tapos ilang saglit sa mas-malakas at mas-makapangyarihang tinig sinabi niyang, "IIYAK MO!" Tahimik lang si "The One Who Has No Name" habang hinimas-himas niya yung dibdib niya tapos tumawa ulet siya. Sabi ni "The One Who should not Be Named",Ok lang umiyak. Di naman karuwagan ang pag-iyak. Pag-may sumasakit sa dibdib mo, Iiyak mo lang.
Sa mga oras na yun, ako yung parang naramdaman ko yung pagkadurog ng puso ko. May dinaramdam siya, di niya lang sinasabi. Sa totoo lang, kailanman di ko pa nakitang umiyak tong taong to. Kahit kelan di ko nakitaan ng kahinaan, wala akong narinig na pinanghihinaan siya ng loob, though madalas ko talaga siyang napapansin na parati niyang kinukwento yung nakaraan at yung mga bagay na sobra niyang pinag-sisisihan. Puno ng pangarap tong taong to, kaso yung mga tao sa paligid niya di na maialis na sa tuwing titingnan siya, yung mga pagkakamali at pagbagsak niya yung nakikita. Madalas di siya mabigyan ng pagkakataon upang mapatunayan ang sarili niya dahil sa mga naging resulta ng mga pagkakamali niya noon.
Hinahangaan ko siya dahil kahit na may kakulangan siya sa sarili niya, di siya makasarili. Selfless siya, blessed ako na parte ng buhay ko ang isang taong to. Hinahangaan ko kung paano niya nakakayang itago yung mga luha niya, kung paano niya, nababalewala yung sakit sa dibdib niya, at nakakapag-patawa pa siya. Kaso lang nalulungkot ako, na sinosolo niya yung lahat. Alam ko namang alam ni Lord lahat ng pinagdadaanan niya, kasi naririnig ko siyang kumakanta habang tinutugtog ang sintonado kong gitara. Naririnig ko, nararamdaman kong, ibingay na niya lahat kay Lord, kasi alam niyang wala namang ibang makakatulong sakaniya sa problema niya, pero gusto ko kasi sanang ilabas niya manlang. Isang araw kasi, nag-usap kami tinanung ko siya kung may problema siya sabi niya wala naman daw, pero kita naman sa mga kilos niya.
Minsan nakikita ko yung sarili kong katulad niya, may ganun kasi kong ugali. Kung titingnan mo ang tapang-tapang ng dating niya, pero tulad ko...duwag din siya. Darating yung panahon na lalamunin ka nito, alam ko yun kasi muntik nako lamunin ng sarili ko. Ayaw niya kasing ipakitang mahina siya, pero sabi nga diba? When we are weak, Christ is strong in us." Gusto ko siyang tulungan, pero sarili ko din kailangan kong tulungan, pareho kasi kami. Prayer ko, wag akong dumating sa puntong katulad sakaniya. Sa totoo lang, masyadong makasarili yung ganoon diba? Kasi di mo binibigyan ng chance na maiparamdam nung mga taong naag-mamahal sayo na nandiyan sila para sayo.
0 notes