Tumgik
#dilaw na santan
delfindakila · 16 days
Text
Tumblr media
RAUL PATINDOL Dilaw na Santan, akriliko sa kambas, 2023 #artPH
4 notes · View notes
thesecondchoice · 3 years
Text
Ikaw ‘yung biglaan.
Wala ka sa plano. Wala sa hinagap, wala sa akala. Hindi ka sa panaginip nagmula o sa pagkatulala. Hindi kita inaasahan.
Parang buhos ng ulan sa tag-araw. Parang tula o musika na natutong sumayaw. Parang pulang santan sa bungkos ng dilaw. Ikaw — na wala sa takbo ng bawat araw — pero parang araw, parang sayaw, parang dilaw — niyakap ka ng pagkatao kong ayaw sa umaga, kaliwa ang dalawang paa, at paborito ang puting pintura.
Hindi kita inaasahan. Hindi ka sa panaginip nagmula o sa pagkatulala. Wala sa hinagap, wala sa akala. Hindi ka bahagi ng daloy. Pero alam kong ikaw ‘yung lagi nilang tinutukoy —
Na sa kabila ng mga kasadong plano,
‘yung biglaan ang madalas natutuloy.
Tumblr media
1 note · View note
minasbad7800 · 7 years
Text
Sobre-saliente
Ni Benedict B. Domagtoy Kabanata I: Abilidad Nakalapat ang likod ni Richard sa nagdikit na dalawang mahabang sanga ng bayabas na sinlaki ng malalambot na braso niya. Sumisipol siya. Pamilyar ang himig mula sa bagong kantang isang linggo na niyang naririnig tuwing umaga sa radyo. May narinig siyang tawag. Maingat na bumaling siya ng posisyon habang piga ang lumulundo na sanga. Iginala niya ang paningin sa lupa. "Chad!" Boses ng batang babaeng papalapit na sa lokasyon niya. Nakakibit ang balikat nito na tila nilalamig habang nagpapalakad-lakad sa malamlam at masukal na bahagi ng likuran ng paaralan. "Nasaan ka ba!? Hinahanap ka sa Principal's Office. Dalian mo nang makauwi na tayo!" "Lakad pa. Kaunti na lang," bumubulong si Richard na parang bibitag ng ibon. Nakatuon ang tingin niya sa kaibigang babaeng ilang segundo nang nakatindig sa posisyon nito. Matipid na humakbang ang batang babae. Lumukso para umiwas sa may maputik na bahagi. Mababakas sa pisnging kutis makopa ang pagkabanas sa taong hinahanap. "Aray!" Napasigaw ang batang babae nang may kung anong bilog na bagay na pumukol sa ulo niya. Lumagpak ang bubot na bunga ng bayabas sa harapan nito at kasunod niyon ang pag-angat ng mukha at nanlilisik na tingin paitaas. Naroon sa itaas; nakakanlong sa mayabong na puno ng bayabas ang kanina pa niya hinahanap. Bago pa siya makapanhik ay sinalubong na si Richard ng mga bato, tumigas na putik, pati bulok na sanga at kung ano pang madakot ng batang babae. "Aray! Masakit! Tama na, Jana! Makabibitaw ako sa sanga!" Pakiusap ni Richard. Ngumisi lang ang kaibigan. Tumigil lang ito sa pamamato nang malapit na siyang makababa. Itinapon ng batang babae ang hawak-hawak na mas malaki pang bato. Gumulong iyon, sumuot at naglaho sa malagong damo. Damausdos ngunit nakatayong tumuntong sa lupa si Richard pagbaba sa puno. Sinipa niya sa balumbon ng bulok na mga malulutong na dahon ng mangga ang kapara ng tsinelas at agad na isinuot. Bumuntong hininga. "Tabi-tabi po," ani Richard sa paligid. "Naisahan na naman kita," palipad hangin habang humaharap sa kaibigang babae na tila namatanda. "Ngayon ko nalaman na matindi na ang galit mo sa akin." Namula ang pisngi ng kaibigang si Jana. Bago pa ito bumuo ng pangungusap sa bibig ay inakbayan niya. "Nasusuka na ako sa pagmumukha ng prinsipal natin. Akala mo ambait-bait, pakitang tao lang naman." Tumuloy siya ng lakad kasabay ang kaibigang babae patungo sa Principal's Office. Habang daan ay kinakagat si Richard ng mga hantik na nakuha niya marahil sa puno ng bayabas. Pantal sa leeg at likuran ng tainga. Maya't-maya ang pagkamot niya sa manipis na balat. May nasahod din siyang mga sapot ng gagamba. "Mabuti na lang at hindi uso ang uniporme dito sa school niyo," basag ni Jana. Kata-transfer lamang ulit niya sa paaralan. Nakumpleto nito mula saling-kitkit hanggang ikatlong baitang katabi sa klase si Richard. Pagkatapos niyon ay nagpalipat-lipat na sya ng eskwelahan. Napilitang magparoo't-parito silang mag-iina kasama ang bunsong kapatid na lalaki dahil sa magulong relasyon ng magulang. Dito siya sa paaralan ng Sabitang-Laya magtatapos sa darating na tag-araw. "Sa Maynila pagtatawanan ka pag naninilaw ang puting polo mo." "Pero mas gusto ko pa rin dito." Naantala ng ilang minuto bago ang karugtong ng pangungusap. "Peaceful. Malamig kahit di magtungo sa mall. Mababait ang teachers." Balot ng bulaklak ng Narra ang kongkretong daan-tao. Napintahan ng dilaw ang tuwid na pasilyo at lumalasa sa hangin ang amoy ng bulaklak ng mga Santan sa gilid ng daan. Tumigil ang dalawang paslit sa harap ng isang pinto. Mababasa ang mga salitang "Principal's Office" sa karatula kapag tumingala. Kumatok si Richard bago pinihit ang doorknob. Sinalubong ang dalawa ng malakas na buga ng hangin mula sa nakalingon na pulang stand fan. Umingit ang pinto at nagsara ng kusa. Di hamak na mas malamig sa kwarto kumpara kanina sa labas. Nasa likod ng desk at nagsisiyasat ng ilang pahina ng teksto ang kanilang pakay. Si Mrs Licuaña, ang kanilang malusog na Prinsipal. Naglikot ng antipara ang Punong-guro, kinilala ang dalawang mag-aaral na nakaupo malapit sa bintana. "Richard, how long have you been sitting there!? You too, Jana!" Mataas ang timbre at pasindak na tanong ng kinatatakutan ng lahat sa paaralan. Ngunit ganoon lang daw talaga iyon magsalita. "Bakit tila ayaw ninyong lumapit!?"
0 notes