Tumgik
#hamyr
bison2winquote · 1 year
Text
Tumblr media
Hamyr to Gandalf, Mighty Warriors [1993] (Elettronica Video-Games SRL)
15 notes · View notes
liamyr · 3 years
Text
Talumpati
Lie Hamyr Garcia
12 ABM B
Tumblr media
 Panuto: Suriin ang nilalaman ng talumapting makikita sa link na ito Speech of President Marcos on the opening of Linggo ng Wikaang Pambansa | GOV PH 1.Ano ang paksa ng talumpati?
·       Ang tema ng talumpati ay tungkol sa ating wikang Filipino, na ating minamahal, tinatangkilik at dapat nating pahalagahan at pangalagaan.
2.Ano ang tiyak na grupo ng publiko ang nais maabot ng nagtatalumpati?
·       Sa tingin ko, ang mga Pilipino o ang ating mga kababayan ang nais maabot ng tagapagsalita na si dating Pangulong Marcos.
3.Anong pangunahing ideya ang ipinapahayag ng may akda sa kaniyang talumpati?
·       Para sa akin, ang pangunahing ideya na ipinahayag ng may-akda sa kanyang talumpati ay ang paggamit ng Filipino sa anumang lugar at oras. Ating tangkilikin at huwag kalimutan ang ating sariling wika, ang Filipino, na ating pinagmulan at wika ng kamalayan. Higit sa lahat, dapat nating ipagmalaki ang Filipino.
4.Ano-anong ideya naman ang sumusuporta sa pangunahing ideyang ito?
·       Isa sa mga puntong sumusuporta sa pangunahing puntong binanggit ay ang sabi ng may-akda na gumawa siya ng mga hakbang upang pamahalaan ang ating sariling wika. Maliban sa Filipino, ito ang wika ng kasalukuyang pamahalaan sa Malacañang, hindi ang katutubong wika ng pangulo at unang ginang, Ilocano, na karaniwan sa Malacañang.
·       Ang susunod na hakbang ay ang pagsasalin ng panunumpa ng pamahalaan sa Filipino. Nagsagawa pa ng mga hakbang upang isalin sa Filipino ang mga bahagi ng seremonya ng pangulo para makatanggap ng mga dayuhang sugo, tulad ng mga ambassador, ministro at iba pa, sa Pilipinas. Ginamit ng Pangulo ng Pilipinas ang Filipino sa pagtanggap ng ating pambansang wika at ipinahayag ang kanyang pagpapahalaga sa ating pambansang wika.
5.Sumasang-ayon ka ba sa ideyang ito? Bakit?
·       Sumasang-ayon ako sa ideyang ito dahil nararapat na ang ating wikang pambansa, o ang ating minanang wikang Filipino, ay patuloy na pahalagahan, mahalin at tangkilikin.
  6.Napapanahon ba ang paksa ng talumpati?
·       Sa aking palagay, napapanahon ang paksa ng talumpati, , ang tama o angkop na paggamit ng Tagalog ay sa anumang oras, petsa, taon o lugar, dahil kahit saan ka magpunta dapat ay tangkilikin pa rin natin ang sariling wikang Filipino.
7.Kung makakausap mo ang nagtatalumpati, ano ang gusto mong itanong sa kanya?
·       Kung makakausap ko man po ang dating pangulong Ferdinand Marcos ang aking itatanong ay “Ano ang iyong nais pang gawin upang mas maisulong ang paggamit  ng wikang Filipino?”
1 note · View note
Photo
Tumblr media
Interesting Things to Know About The Manhattan Beach Pier http://www.qoo.ly/hamyr
0 notes
bison2winquote · 1 year
Text
Tumblr media
Eteocles to Hamyr, Mighty Warriors [1993] (Electronic Devices/ Electtronica Video-Games SRL)
11 notes · View notes
liamyr · 3 years
Text
Katitikan ng Pulong
Agenda
Pabatid ng Lingguhang “Talk to the People”
alinsunod sa RA 11469 “Bayanihan to Heal as One Act Section 5
 Ipinababatid ng dokumentong ito ang gaganaping Lingguhang “Talk to the People” ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mangyayari sa (saang bahagi ng Malacanang). Ieere ang naturang pulong sa iba’t istasyon ng radio at telebisyon sa buong kapuluan sa darating na Lunes, ika-11 ng Oktubre 2021, sa ganap na ika-10 ng gabi. Tatalakayin ang mga sumusunod:
 AGENDA
Call to Order
Sitwasyon ng COVID-19 sa     Pilipinas
a.      Kasalukuyang bilang ng active cases
b.      World Ranking of COVID-19 na itinala noong October 10,2021 na galling sa WHO o World Health Organization.
c.      Health Workers Benefits update.
  Ang naganap na pagbibigay ng     ayuda sa Bataan.
  Datos sa kasalukuyan ng     isinasagawang COVID-19 Vaccination Campaign/Rollout
a.      Bilang ng mga Health Facilities
b.      Bilang ng mga OFW na vaccinated.
c.      Kasalukuyang bilang ng AFP na fully at partially vaccinated.
d.      Deployment ng AFP Medical Team
  Kasalukuyang datos ng Community     Health Protocols Violation
  Update tungkol sa Anti-Illegal     Drugs Campaign
a.      Datos ng Drug Abuse Treatment and Rehabilitation
 6.      Update sa regulasyon ng mga nag-iibang bansa.
 7.      Ang kasalukuyang kalagayan sa NCR.
a.      Bilang ng mga bakunado.
b.      Bilang ng active covid cases
 8.      Kalagayan ng mga vaccines.
a.      Bilang ng mga naubos at nagamit.
b.      Side effects ng mga nabakunahan
c.      Ilan ang nagkaroon ng breakthrough infection pagkatapos mabakunahan ng COVID-19 Vaccine.
 9.      Listahan ng naitulong ng PhilSA (Philippines Space Agency)
Pagtatapos
 Ang mga naiulat nang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, at mga pagpapa-alala na palaging sumunod sa mga Health Protocol na ipinatutupad. At bago matapos ay nagpasalamat sa mga dumalo at naki-bahagi sa gabing iyon.
 Lie Hamyr I. Garcia
       Kalihim
  Katitikan ng Pulong
 Katitikan ng Pulong ng
Pabatid ng Lingguhan “Talk to the People”
Malacañan Palace, JP, Kalayaan Hall, 2/F Jose Laurel St, San Miguel, Manila, Metro Manila Lunes, Ika-11 ng Oktubre 2021
Oras ng Pagsisimula: 8:00 PM
Oras ng Pagtatapos: 10:00 PM
 Dumalo:
President Rodrigo Roa Duterte
Senator Bong Go
DOH Secretary Francisco Duque
Secretary Carlito Galvez
DILG Secretary Eduardo Ano
DND Secretary Delfin Lorenzana
Secretary Harry Roque
Secretary Vicencio Dizon
Secretary Carlo Nograles
Executive Secretary Salvador Medildea
FDA Director General Enrique Domingo
MMDA Chairman Benjamin Abalos
 Mga Liban: W-A-L-A
                  I.          Call to Order
Sinimulan ang pagpupulong sa pagpapalabas ng isang vtr. Kasunod nito pormal na binuksan ni Pangulong Duterte ang pulong sa pagbanggit nga mga kasapi ng nasabing pagtitipon. Kasunod ay nagbahagi din ang Pangulo ng isang vtr patungkol sa ginanap na inagurasyon ng Bicol International Airport.
               II.          PAGBABATIBAY NG PANUKALANG ADYENDA
a. Nagkaroon ng diskusyon ang nasabing pagpupulong na kung saan patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 dito sa bansa.
b. Ibinahagi ang mga vaccines na mayroon sa bansa at mga nabakunahan na nito.
• 50M doses of COVID-19 vaccines
• 1.4M Moderna Doses na dumating sa Pilipinas
• Mga edad na nasa 12-17 gulang ay magsisimulang bigyan ng bakuna sa Oktubre 15, 2021 partikular sa “NCR Area”
               III.          Agency Reports
·        Tungkol sa pamamahagi ng ayuda sa mga tao sa panahon ng pandemya.
·        Nagbahagi tungkol sa mga pasilidad na puwedeng gamitin ng bawat pamilya kapag magquarantine.
·        Update patungkol sa pilot testing at mga active cases sa bansa at COVID-19 vaccines.
·        Nagpahayag tungkol sa pagbabakuna, mga nabakunahan ng COVID-19 vaccine at mga epekto nito sa mga unang araw kapag nabakunahan.
·        Ibinahagi ang pagpaplano at gagawing aksiyon upang labanan ang COVID-19 na matagal nang nakakapinsala sa bansa.
            IV.          Iskedyul ng Susunod na Pulong
·        Muli pang magkakaroon ng pagpupulong sa susunod na lingo.
              V.          PAGTATAPOS NG PULONG
·        Ang pagpupulong na “Talk to the People” ni Pangulong Rodrigo Duterte na ginananap noong ika-11 ng Oktubre 2021, ika-10 ng gabi ay natapos sa oras 12:45 am, Oktubre 12, 2021.
     Nagpapatunay ng kawastuhan ng nilalaman nito:
  (Pangalan ng naghanda ng Katitikan)
Lie Hamyr Garcia      
     Kalihim
  Pinagtibay:
  (Pangalan ng Puno/Ulo ng Organisasyon)
_______________________________
Presidente/Chairman of the Board
0 notes
liamyr · 3 years
Text
Bionote
Lie Hamyr Garcia
12 ABM B
Tumblr media
                         Neriza Cenzon Suarez
 Si Neriza Cenzon Suarez ay isang guro na kasalukuyang nagtuturo sa Nueva Ecija University of Science and Technology, sa bayan ng San Isidro, Nueva Ecija. Siya ay nagtapos sa kursong Bachelor of Science in Secondary Education sa Nueva Ecija University of Science and Technology- Sumacab Campus noong taong 2006. Sa kasalukuyan, MAPEH o Music, Arts, Physical Education and Health ang kanyang itinuturo na asignatura sa kolehiyo at sa sekondarya. Siya din ay isang magaling na coach at manlalaro sa larangan ng badminton. Isa rin ang pagsasayaw sa kanyang kinahihiligan na gawin. 
0 notes
liamyr · 3 years
Text
Project Proposal
MR. PAUL PANO
SENIOR HIGH SCHOOL TEACHER, NEUST
 Magandang araw Mr. Pano,
                 Ako po si Lie Hamyr I. Garcia isang estudyante ng Unibersidad ng Agham at Teknolohiya sa Lungsod ng Nueva Ecija, ninanais ko po sana na magsagawa ng webinar patungkol sa “Social Media: Creating New Possibilities for Entrepreneurs”. Ito po ay para sa mga estudyante at sa mga tao na nais matuto at magamit ang social media para sa kanilang kabuhayan.   Ang webinar na ito ay makakatulong upang mas lalong lumawak ang kanilang kaalaman tungkol sa pagnenegosyo. At mas lalong mapadali ang pagkilala sa kanilang negosyo dahil gagamit sila ng Social Media katulad ng “Facebook” na maraming tao sa ngayon ang gumagamit. Sa kabuuan, ang akin pong iaalok na halaga para sa proyekto na aking isasagawa ay umaabot sa halagang P8,500.00.           
ITEM                            QUANTITY/UNIT                              UNIT COST
Snacks                                    50 pax                                       P3,000
Host                                              -                                            P500
Guest Speaker                              -                                           P1,000
Sound System                               -                                           P1,000
Venue                                            -                                              FREE
Stage Decorations                        -                                              P1,000
Chairs and Tables                      50 pax                                       P2,000
TOTAL                                                                                         P8,500.00
Sana po ay aprubahan ninyo ang aking nasabing proyekto na isasagawa sa inyong paaralan. Nawa’y ikonsidera po ninyo ang naturang halaga na nakalagay sa itaas.
Gagabayan ko po kayo ng kontrata upang inyong pirmahan matapos po kayong sumangayon sa naturang proyekto na inaalok ko po sainyo.
Maraming Salamat po!
Lubos na gumagalang,
Lie Hamyr Garcia
Estudyante ng NEUST
0 notes
liamyr · 3 years
Text
Sintesis
Pangalan: Lie Hamyr I. Garcia
Pangkat: 12 ABM B
Uri ng Proyekto: Sintesis
 Panuto: Gamit ang naturang kaalaman sa paggawa ng maayos na sintesis, ayusin ang mga talata sa iba upang makabuo ng isang simple pero mahusay sintesis. Ayusin ang mga detalye sa sunod sunod na bahagi: panimula,katawan at wakas.
 (4) “Kukumpletuhin naming ang pagbangon ng Philippine Airlines. Matibay ang aming pagsuporta sa pamunuan at mga manggagawa ng paliparan habang ito ay sumasailalim sa isang pagbabago. Sama-sama tayong maghatid ng isang serbisyong matatag sa pinansyal na aspeto, walang palyang lakas-paggawa, at pinaigting na misyon.” Dr. Lucio C. Tan
 (2) “…ang mga isyu na naghatid sa PAL sa ganitong desperadong sitwasyon ay nananatiling nasa control. Itong Covid-19 Pandemic halos hindi na matapos-tapos sa kabila ng nga pagpupursige, ang dahilan ng gobyerno sa pag-aatubili na buksan ng tuluyan ang mga byaheng panghimpapawid na mas lalaong nagbabaon sa kalagayan ngayong ng PAL kasama pa ang banta ng mga kakompitensya nito tulad ng Cebu Pacific at Air Asia” – Greg Waldrom (Aviation expert)
 (1) “Hindi pa naming nakikita na babalik sa 2024-2025 ang pagtangkilik sa aming serbisyo katulad ng dati bago mag-pandemya. Sa panahon na ‘yon hindi kami naniniwala na babalik kami sa dati naming naming laki na higit sa 3 Bilyong dolyar sa 2025. Kailangan naming ng kalahating dekada para maabot muli iyon.” PAL Senior Vice-President for Strategy Dexter C. Lee
 (3) “Dapat maaprubahan ng korte ang tinatawag nilah ‘plan of reorganization’ at nakapaloob sa planong ito ang adhikaing makabangon ang PAL, lahat ng kasunduan sa pagsasaayos, na pinirmahan ng 92% creditors ng PAL”- PAL Chief Financial Officer Nilo Thaddeus P. Rodriguez
  Isa sa mga naapektuhan ng pandemya na kinakaharap ng mundo sa ngayon ay ang Philippine Airlines. At isinaad ng kanilang Senior Vice-President for Strategy na si Dexter C. Lee na hindi pa nila nakikita na magbabalik sa taon na 2024-2025 ang pagtangkilik sakanilang serbisyo katulad ng nagdaang mga taon. Ayon naman kay Greg Waldrom hindi na sila naniniwala na babalik pa ang higit sa 3 bilyong dolyar sa 2025 at kakailanganin pa nila ng kalahating dekada para maabot muli iyon. At ang mga isyu na kinaharap ng PAL na naghatid sakanila sa sitwasyon na ito ay nasa control. At halos hindi na matapos-tapos ang pandemya na ito sakabila ng kanilang pagpupursige, ang dahilan ng gobyerno sa pag-aatubili na buksan ng tuluyan ang mga byaheng panghimpapawid na mas lalaong nagbabaon sa kalagayan ngayong ng PAL kasama pa ang banta ng mga kakompitensya nito tulad ng Cebu Pacific at Air Asia. Ayon naman kay PAL Chief Financial Officer Nilo Thaddeus P. Rodriguez na dapat ng mapirmahan ng korte ang kanilang ‘plan of reorganization’ na may adhikaing makabangon ang PAL, na napirmahan ng 92% creditors ng PAL. Sabi naman ni Dr. Lucio S. Tan na kukumpletuhin nila ang pagbangon ng PAL at matibay ang kanilang suporta sa pamunuan ng paliparan habang ito ay bumabangon.
1 note · View note