Tumgik
#hayle02
burning-sin · 1 year
Text
Ang kawalan ng kapanatagan ay palaging ugat ng lahat ng kabiguan.
Sa kay tagal kong nakatapak dito sa mundong ito ay isa lang nais kong ipahiwatig—hindi lahat ng bagay ay umaayon sa iyo. Maaari itong maging sa anumang aspeto: ang iyong hinihintay na true love / ang pangarap mong trabaho na alam mong hindi ka mahihirapan / ang swerte na alam mong nakalaan sa iba ngunit patuloy ka pa ring umaasa na sana sa susunod na araw, sa susunod na linggo, sa susunod na buwan, ay maibigay rin sa iyo ang swerte na karapat-dapat sa iyo. Ngunit, wala namang masama sa mangarap, hindi ba?
Sa kay tagal kong nakatapak dito sa mundong ito ay ang tangi kong naririnig galing sa bibig nila ay ang mga pangungusap na sana ay hindi ko na lang nalaman—umabot sa puntong sana’y hindi nalang ako natutong makinig. Ang daming inaasahan. Kulang ng oras. Kung uulitin ko man ang aking buhay ay gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang makamit ang mga inaasahan nila galing sa akin. Subalit isang munting bata lang ako, naliligaw sa kung anong dapat sundin. Ako lamang si Valhayle. Nakakapagod. Nakakainip. Nakakawalang gana.
Valhayle, walang patutunguhan.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
1 note · View note