Tumgik
#malinamnam
merymikey · 2 years
Text
Not me adding Valentina to all of my scripts kasi sarap ng drama
5 notes · View notes
istariray23 · 2 months
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Panalo dito yung Siomai nila na ang lalaki per piece na siksik sa laman. Then yung sliced beef with vegetables nila na sobrang lambot ng beef at half cooked naman yung brocolli. Mapapadami ang kain mo sa Yang Chow nila na ang lalaki at dami ng sahog na hipon, bits of chicken, port and scrambled egg na kahit yun lang sobrang ma e-enjoy mo na yung meal mo. Mapapa Wow ka din sa beef brisket mami nila sa sarap at lasa ng sabaw.
Syempre ni-try din natin yung kanilang famous Roast Peking Duck Asado na talaga namang malinamnam. Meron din silang budget meal na sulit na sulit pero hindi tinipid sa sarap at servings. Sobra din naming na enjoy ang lechon kawali roast duck rice nila. Mapapadami ang kanin mo sa lutong at lasa ng lechon kawali sinamahan pa ng roast duck at sauce nito.
2 notes · View notes
cryzgh0st · 10 months
Text
mga walang kwentang tula, (ayoko na) m̶a̶b̶u̶h̶a̶y̶
nakakapagod magpakapagod sa bagay
na 'di mo alam kung binubuhay ka ba o pinapatay
san ako nagkulang?
san ako nagkulang?
tanong ng lalaking may gulang
sa batang musmos pa lamang
unang sagot ay "ha"
sinundan ng hahaha
pangalawang sagot ay "ewan ko"
sabay ng pagkamot ng ulo
teka bat parang pamilyar ka?
ewan ko po sino ka ba?
dito ko napagtanto na ako ang batang ito
walang malay sa mundong kinalalagyan
walang hanay sa striktong lipunan
murang pangarap lamang ang nasa isipan
napatanong sa sarili ko
saan na napunta ang pangarap mo?
anong pangarap po ang sinasabi niyo?
yun po bang pinatay mo?
"oo , yun nga" ,bulong ko sa isip ko.
sa puntong ito huli na nga ako
kailangan kong ayusin ang oras sa tamang tiyempo
-intermission-
"Ladies and gentlemen, isa nanaman pong kababalaghan ang gagawin ng ating pambansang bayani", kapuri-puring anunsyo ng lalaki.
"RAT ALIVE!" he stated with pride.
sa pagkain ng daga,
sunod-sunod na patayin mo ang nasabi
hindi lang isa sapagkat may sumunod pa
kagatin mo agad ang ulo ang iwinika nito
"ilabas mona ilagay mo sa bunganga" ika pa ni aling nena
sa unang kagat , dugo ng daga ay tumagas
naghiyawan sa tuwa ang manonood at mga loko
sa malinamnam na pagnguya ,siling labuyo ang panghimagas
nagtawanan sila sa dulo
di alintana ang sakit nito
sa pagsulat ko ng tula na 'to
maituturing bang may sakit din ako?
-/
pre buhay pa si van gogh?
ewan ko di na siya nagpopost e
gegegegege
-/
lalaking may galit sa corned beef
binuksan ang iilang
easy-opened can
bumalingasaw ang halimuyak ng laman
-/
ayaw mo ba ng ulam ?
kahit ano naman ayos lang sakin
kahit tae pa ang ulamin ,
aking nanamnamin ang pagkain
- /
pilosopiyang pagong
simbagal ng tren ni bongbong
-/
gagamboy sa spider-verse
di naman totoo so I'll make it worse
in this universe, I'm still hoping that I'm your first
-/
gusto mo crisscross
edi sakin yung tortillos
e gusto ko piattos
-/
arsonistang mata ni mama
sinunog ang bahay ni lola
sa pagsindi ng kandila
nanilaw ang mata nila
nauna ang kurtina
sumunod ang pamilya
-/
ano ba yan puro alikabok
babalik naba ko nito sa alabok?
-/
megumi fushiguro
di ka crush ng crush mo siguro
Tumblr media
2 notes · View notes
pak-na-pak · 2 years
Text
delicious food pinakbet
by: mema gawa
ang pinakbet ay isang uri ng pagkain na talagang masarap, malinamnam at masustansya. itong pagkain na ito ay karaniwang hinhain ng mga pinoy at isa sa mga sikat na food delicacies ng bansa.
2 notes · View notes
guhmpany · 1 month
Text
JOEY'S UNLIMITED WINGS! REBYU
Pinoy BBQ chicken rebyu
Ang Pinoy BBQ flavored chicken ay ulam na binubuo ng manok at mga pampalasa na maitutulad sa barbecue na may halong bawang. Ang mga sangkap nito ay ang dahilan kung bakit ito ay matamis-tamis at malasa. Sa halagang ₱159, makakakuha ka na ng anim na pirasong manok, kaya ito ay itinuturing naming sulit para sa presyo. Ang kanilang menu ay malawak at maraming pwedeng pagpilian, mula appetizer hanggang dessert, sila’y may maibibigay para sa kanilang mga customer. Ang lugar ng kainan ay maayos, malinis, at magandang panglibangan, lalo na’t ito ay may kasamang Karaoke na maaaring umabot ng ilang oras ayon sa iyong gusto. Bilang kabuuan, ang restawrang ito ay maituturing naming sulit para sa presyo dahil sa masasarap na pagkain at mabilis na serbisyo para sa mga customer.
Tumblr media
Sinigang na Lechon Kawali rebyu
Ang Lechon Kawali na Sinigang ay isa sa mga paboritong ulam ng mga pinoy at lalong lalo na ng mga mimyembro ng aming grupo. Sa halagang 299, isang malinamnam na pananghalian ay hinain ng kainan na nakalagay sa isang mangkok. Sa sangkap ng ulam na ito, nilalaman ng lechon, mga gulay, at ang maasim na sabaw. Sapagkat hindi unli ang kanin, sulit parin ang ulam sa sarap at maraming laman, sa halagang mumurahin kumpara sa ibang kainan. Ang kainan ay may dagdag na reserved karaoke, kung saan sa halong masarap na ulam ay may kasiyahang pagpalipas ng oras kasama ng iyong mga kaibagan man o pamilya. Nangangailangan ng pagpapabuti sana ang customer service para sa higit pa magandang karanasan.
Tumblr media
1 note · View note
enc-therefridgerator · 6 months
Text
Tumblr media
Chicken Isaw mula sa Carinderia
masarap yan, malinamnam at nakakabusog sa puso talaga.
1 note · View note
manahan-divincii1 · 7 months
Text
Paglalakbay sa Tagaytay: Isang Gabay sa Magandang Lugar na Ito
Tumblr media
Para sa akin, ang Tagaytay ay isang magandang destinasyon sa Pilipinas na kilala sa kanyang malamig na klima at magandang tanawin ng kalikasan. Ito ay isang mataas na lugar na matatagpuan sa Cavite, at ito'y tanyag sa kanyang makapigil-hiningang bulkanikong kalderang tinatawag na Taal Volcano. Madalas ang Tagaytay para sa mga escapade mula sa kahabaan ng Metro Manila dahil sa malapit na lokasyon nito. Maraming mga sikat na restawran at mga resort dito na nag-aalok ng masarap na pagkain at komportableng accomodation. Sa kabuuan, ang Tagaytay ay isang lugar na nagbibigay-daan para mag-relaks at mag-enjoy sa natatanging kalikasan at kultura ng Pilipinas.
Tumblr media
Ang zipline sa Tagaytay ay isang kamangha-manghang paraan upang masilayan ang kagandahan ng kalikasan ng Tagaytay mula sa ibang perspektibo. Habang ikaw ay nasa itaas, makakakita ka ng makapigil-hiningang tanawin ng Taal Lake at Bulkang Taal na nagbibigay buhay sa paligid. Ito rin ay isang kakaibang paraan upang maranasan ang adrenaline rush habang naglalakbay ka sa mataas na bilis mula sa isang pook papunta sa isa pang pook. Sa zipline na ito, makakaranas ka ng kasiyahan at kagandahan ng kalikasan ng Tagaytay sa isang kakaibang paraan na hindi mo malilimutan. Ito ay isang karanasan na nagpapalakas ng pagnanasa na bumisita sa Tagaytay at maranasan ang kaharian ng kalikasan nito.
Tumblr media
Ang bulalo ay isang pamosong lutuin sa Tagaytay dahil sa kakaibang karanasan nito para sa mga bisita. Unang-una, ang malamig na klima ng Tagaytay ay nagpapakilos ng masarap na init ng bulalo, na nagbibigay ng kahulugan sa masarap na kainan. Ikalawa, ang bulalo ay mayaman sa sabaw na gawa sa malasa at malinamnam na baka, at kasama nito ang mga sariwang gulay tulad ng saging na saba at mais. Pangatlo, ang Tagaytay ay kilala rin para sa malapit nitong bulkan, kaya't ang mga resto na nag-aalok ng bulalo ay maaring mapanood ang magandang tanawin ng Taal Lake. Pang-apat, ang paghahain ng bulalo ay isang pamosong karanasan sa mga turista na bumibisita sa Tagaytay, kaya't ito ay isang must-try sa kanilang itinerary. Pang-huli, ang lasa at kalidad ng bulalong Tagaytay ay nagiging daan para bumalik-balikan ng mga tao ang lugar na ito.
Tumblr media
ANO PANG HINIHINTAY MO, TARA NA SA TAGAYTAY!!
1 note · View note
asknarashikari · 9 months
Note
So kumusta ang Frog Stew na inihanda ni Keiwa? Nagustuhan ba natin yung Frog Stew o may ibang potahe na gamit ang palaka ang gusto ninyong matikman galing kay Keiwa?
Seryosong usapan: pinakagusto ko na putaheng palaka ay adobo. Ewan ko ba, mas nasasarapan ako sa adobo kaysa sa prito lmao.
Malinamnam ang hinain ni Keiwa na palaka... mas naging malinamnam pa iyon kung may kasamang maya sa niluto niya. Kaso ang maya pa ang kasama niya sa kusina lol
1 note · View note
akosichay · 11 months
Note
You look so yummy haha
malinamnam
0 notes
zyrahrific · 11 months
Note
Anong part ng chickenjoy ang pinaka the best? Thigh, Breast, Wing, o Leg? Ipaglaban ang iyong napili.
Pwede bang dalawa? Breast kasi malaman sya, hindi nakakaumay. Tapos thigh kasi malinamnam saka lagi nauubos agad. Parang kasarap tuloy kumain sa Jollibee 😏🤔
1 note · View note
rinzay · 1 year
Note
Bones sticky from eating the marrow they just taste like a softer chewier piece of beef (this was cow bone if I remember correctly) you have to be careful for MCD tho (Mad cow disease)
no no no, not the bone marrow, that tastes amazing (sweet and malinamnam). I think past me was talkin about the bones itself
0 notes
Text
Tumblr media
Lawang Hitik Sa Kultura
Ako ay nakarating sa isang lawa sa Mindanao, lawa na hitik sa kultura – Lake Sebu. Nakakamanghang isipin na nasaang parte man ako sa lugar ay matatanaw ko ang mga magagandang tanawin na bukod sa nakakabighaning lawa ay mapapalibutan ka ng mga burol at luntiang kapatagan, na tila ba parte ka ng kalikasan. May mga lugar din sa paligid ng Lake Sebu na maganda para sa mga tao na gustong magtrek at magbikil. Makakapag-enjoy ka sa kagandahan ng kapatagan at mga tanawin sa paligid ng lawa. At sa ganitong paraan, mas makikilala mo rin ang lugar at ang kultura ng mga T'boli tribe.
Ang pagbisita sa Lake Sebu ay hindi lamang tungkol sa mga magagandang tanawin kundi rin sa pagkilala sa mga taong naninirahan sa lugar na ito. Matututunan mo ang kakaibang kultura ng mga T'boli tribe at ang kanilang mga tradisyon. Hindi mo rin dapat palampasin ang pagkakataon na makabili ng mga produkto na gawa ng mga T'boli tulad ng mga t'nalak. Maaari ka ring makipag-ugnayan sa mga lokal, dapat mong subukan ang kanilang mga delicacy at bumili ng kanilang mga produkto. Sa ganitong paraan, mas makikilala mo ang lugar at mas makikilala mo rin ang mga tao at kanilang kultura.
Maraming masasarap na pagkain na maaaring sa Lake Sebu  mo lang tunay na malalasap at ito naririto ang ilan sa mga paborito ko! Ang tinap't, isang lutong tilapia na niluto sa apoy at binudburan ng asin, paminta at iba pang mga pampalasa. Ito ay pwedeng ihawin o iprito upang lalo pang lumalim ang lasa. Isa pang kakanin na makikita sa lugar ay ang pangih, isang pagkaing gawa sa giling na cassava at gata ng niyog na nilalagyan ng asukal at naglalaman ng mga sangkap na nakabalot sa dahon ng saging at isinasaing. Ang pagkaing ito ay may malagkit at malutong na texture. Ang ginataang manok naman ay isang masarap na ulam na maaari mong matikman sa Lake Sebu. Ito ay hinahalo sa gata ng niyog at iba pang mga sangkap na nagbibigay ng malinamnam na lasa sa manok.
Sa karagdagan, marami rin ang mga nagsulputang mga resort sa lugar. Ang mga konsepto ng mga resort na ito ay yumayakap sa kalikasan, kung saan ang mga panauhin ay mas nakatuon sa kagandahan ng kalikasan at malayo sa polusyon at stress na dala ng paninirahan sa lungsod. Makakapagrelax ka rin sa mga nakakamanghang talon at mag-enjoy sa iba't-ibang activities tulad ng zipline, horseback riding, at kayaking. Sa tulong ng mga resort na ito, ay mas napapadali at maging ligtas kayo sa inyong pagbisita sa lugar. Kaya kung ikaw man ay nagbabalak na bumisita sa Lake Sebu, iminumungkahe ko na maghanap ka ng resort na sakto sa inyong budget at natitiyak ang inyong kaginhawaan. Masasabi ko rin na mas mainam na puntahan ninyo ang higit sa tatlong resort o landmark sa lugar kung maaari kang mag-enjoy ng mga aktibidad, kainan, at iba pang mga serbisyo para sa mas kumpletong Lake Sebu experience.
Ito ang iilan sa mga landmark o resort na nais kong balik-balikan sa Lake Sebu Una sa lahat, ang Seven Falls Eco-Tourism Park ay isa sa mga pinakapopular na atraksiyon sa lugar. Dito makikita mo ang pitong talon na nakapaligid sa lawa. Maaari kang mag-enjoy sa mga aktibidad tulad ng zipline, kayaking, at trekking. Hindi rin dapat palampasin ang pagkakataon na sumakay sa SkyCycle, isang bike na nakakabit sa isang cable na naglalakbay sa itaas ng talon.
Isa pa sa mga landmark na dapat bisitahin ay ang St. Paul Novitiate Park. Ito ay isang malawak na lupain na mayroong mga kakaibang halaman at puno. Dito rin matatagpuan ang Our Lady of Manaoag at St. Paul Chapel, dalawang simbahan na may magandang arkitektura. Kung nais mo namang mag-relax at mag-enjoy sa mga serbisyo ng resort, mayroong ilang mga magagandang resort sa lugar. Una sa lahat, mayroong Lake Sebu Floating Restaurant, isang restaurant sa gitna ng lawa na nag-aalok ng masarap na pagkain at magandang tanawin. Mayroon ding Punta Isla Lake Resort, isang resort na matatagpuan sa isang malawak na lupain na mayroong malinis na lawa. Dito, maaari kang mag-enjoy sa mga serbisyong tulad ng spa at massage, at maaari rin kang sumali sa mga cultural tour para mas makilala ang mga kultura ng mga tribong T'boli.
Bukod pa rito, dapat ka rin magdala ng jacket dahil sa gabi ay malamig sa lugar na ito. Batay sa sarili kong karanasan mas mainam din na mag suot ng komportableng damit at iwasan ang pag susuot ng heels dahil matirik ang daanan, maaari namang magsuot ng shorts pero kailangan mong maging maingat para hindi ka masugatan. Tandaan na mas mainam na maging komportable ka lalo na sa byahe at sa pagha-hike para maiwasan ang mga aksidente.
Sa kabuuan, ang Lake Sebu ay magandang destinasyon destinasyon para sa mga taong gustong mag-relax at mag-enjoy sa kagandahan ng kalikasan. Hindi lamang ito tungkol sa mga magagandang tanawin kundi rin sa pagkilala sa mga taong naninirahan sa lugar na ito. Upang mas mapadali ang inyong pagbisita, mas mainam din na magpa-reserve sa mga resorts na nais niyong bisitahin at dapat tandaan na ang mga damit na dadalhin at isusuot sa lugar ay dapat naaayon sa mga aktibidad na nais ninyong gawin upang maiwasan ang mga aksidente. At higit sa lahat ay hayaan ang sariling mag-enjoy, makapagpahinga at lumayo sa mga isipin sa trabaho o paaralan. -Mondejar, Aileen
0 notes
welabee · 1 year
Text
MANSANAS?
Bilogan at mapula pula
Sadya namang nakakaakit ang iyong ganda
Sobrang bango naman pag iyong sininghot
At sobrang kinis kapag iyong hinakalikan
Dahil sa iyong katas ako ay nauuhaw
Na para bang gusto kong tumingala sa langit na bughaw
Pagnanasa ko sa'yong matamis na katas ay malasap
Paniguradong ito’y malinamnam at masarap
Ninanais kong mahagkan ang iyong kulay rosas na balat
At kagatin ang katawan mong wala namang ugat
Kung ako'y pagbibigyan na ikaw ay matikman
Walang ititira at kakaining buo ang iyong laman
Oh giliw sige na! ako’y iyong pahintulutan
Sapagkat ang uhaw ko'y hindi na maitatago kailan paman
Teka! Teka! Ako'y nalilito at nagtataka. Kulay rosas, malaki, at makatas?
Hindi ko ba nasabi na ang pinag-uusapan natin ay mansanas?
Tumblr media
BY: Group 8 (Comedy Poetry)
Villavelez, Paman, Vergel, Magtagad, and Bongcawel
1 note · View note
ssuussii18 · 1 year
Text
Ang aking mga karanasan sa paglalakbay sa Burnham Park at Mines View ng Baguio
Isang malamig na umaga, nagtungo ako sa lungsod ng Baguio upang masaksihan ang mga tanawin at kagandahan ng Burnham Park at Mines View.
Tumblr media Tumblr media
Unang binisita ko ang Burnham Park. Matatanaw ang masiglang mga tao na nagpapakain ng mga ibon at nagsasayaw ng zumba sa mga pampang. May mga naglalarong mga bata sa mga play area at nagbibisikleta sa mga daanan. Nakapaglaro din ako ng badminton kasama ng mga lokal na manlalaro na nagpapapawis na sa gitna ng umaga. Hindi ko rin pinalampas ang pagkakataong sumakay sa isang rowboat at nagpalipas ng oras sa lawa ng Burnham.
Tumblr media
Pagkatapos ng mga aktibidad sa Burnham Park, tumuloy ako sa Mines View. Sa tuktok ng bundok, makikita ang malawak na tanawin ng kabundukan ng Cordillera at ang mga katutubong tahanan ng mga Igorot. Naroon din ang mga tindahan ng mga souvenirs at mga pagkain. Nagtungo ako sa mga souvenir shops at nag-uwi ng mga pasalubong para sa aking mga kaibigan at pamilya.
Tumblr media
Sa aking paglalakbay sa Baguio, masasabi ko na hindi lang ang mga pasyalan ang nagbibigay ng ganda sa lugar na ito. Ang malinamnam na pagkain, ang pagiging malamig ng lugar at ang kalinisan ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit babalik-balikan ko ang lugar na ito.
Sa kabuuan, ang aking pagbisita sa Burnham Park at Mines View ay isang karanasan na hindi malilimutan dahil sa mga magagandang tanawin at karanasan na naibahagi ko kasama ang mga lokal na tao.
1 note · View note
Tumblr media
Bakit nga ba binabalik-balikan ang Ideal Siomai????? Bukod kasi sa Premium na Quality nito, malasa at malinamnam din ito!!!!! Try niyo na rin para mapatunayan niyo Na hindi nagbabago ang masarap na lasa nito!! 🥰 Book Your Orders And Franchise With Us Now! PM or Text @09774548445 👍 You can also call me @0275274062 ☎️ #IdealSiomaiFranchise #IPWICorporation #FranchiseOpportunities #FoodCarts #AngSiomaiNgBayan
1 note · View note
duchesscarla22 · 1 year
Photo
Tumblr media
Bakit nga ba binabalik-balikan ang Ideal Siomai????? Bukod kasi sa Premium na Quality nito, malasa at malinamnam din ito!!!!! Try niyo na rin para mapatunayan niyo Na hindi nagbabago ang masarap na lasa nito!! 🥰 Book Your Orders And Franchise With Us Now! PM or Text @09774548445 👍 You can also call me @0275274062 ☎️ #IdealSiomaiFranchise #IPWICorporation #FranchiseOpportunities #FoodCarts #AngSiomaiNgBayan
1 note · View note