Tumgik
#meet my warlock Gabi
owlito · 4 months
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Guess who’s deep in BG3’s hell?
145 notes · View notes
tieflingbi · 5 years
Text
yooooo i’m leaving for germany tomorrow until tuesday to meet up with my lovely dnd ladies and i’m super pumped and excited to meet @feylen, @warlock-enthusiast, @magnetklaue, @kasiael aaaand maike in the flesh !!!! :DDD but also a lil nervous cuz first I’ll have to make it through a 6 hour car drive to get to gabi’s place in one piece so please everyone send a prayer to the traffic gods so they may have mercy on my soul x’)))
8 notes · View notes
fritzasm · 4 years
Text
Fritz© - My beloved Warlock/Sorcerer
October 2019.
Nagdecide ako na siguro oras na para iwan ko ang mundo ng ROM. Unti-unti na kasi noon na lumiliit ang numbers ng mga player nito.
Sinubukan ko. Pero ng mga panahon na yun, hindi ko pa kaya. Hindi ko kayang iwanan yung mga kalaro ko, na tinuring ko rin naman na kaibigan. Kaya tuloy ang pagro-ROM.
Maliit lang ang guild namin. We consist of 11 members na lang noon last September 2019, the rest puro mga alts na namin ang ibang member ng guild.
As months passed by, lalong lumiliit ang active members namin..
Unti-unti silang nagsipag-alisan. What I mean is, hindi sila umalis ng guild. Nagsipag-quit sila. Hanggang we're down to 3.
The guild leader, ako at isa pang member.
Last two weeks ago, wala na rin si guild leader namin.
Kaya nitong March 2020, tinigilan ko na talaga maglaro. Sinabayan ko si guild leader sa pag-quit.
Wala na rin kasing saysay.
Bakit ko nasabi? I have seven reasons.
Una, free-to-play player ako since day 1. Kung lilipat ako ng guild, maliit ang chances ko na makapasok sa isang guild na puro malala-cash. Most of active gamer as of this date kasi eh yung may pang recharge sa game. Kahit isang taon mahigit ko na nilalaro ang ROM, hinding hindi ko mapapantayan yung mga players na nagspend talaga ng pera para lumakas sila. Imagine, 8k raw MATK lang ako. What more sila na 15k pataas because they spend a lot of money. Eh ako, I never spend even a single cent kasi hindi naman ako nag-iisa sa buhay. I have a family to feed. That's why I don't spend for the game.
Kung tutuusin, kaya ng F2P lumakas kahit walang gacha. Kung mayroon kang mabilis na computer at kaya mag run ng 5 account sa isang pc. You know, generate zeny by using dummy accounts. You can buy anything you want sa exchange and unlock all non-gacha items sa adventure handbook. Ang kaso, mobile lang ang gamit ko, so it's not ideal.
Pangalawa, I loved my guild. Wala na kong ibang guild na gustong samahan at salihan. Periodt. Loyal to eh.
Pangatlo, madaming madudugas sa ROM para lumakas. Yung third party apps na never nawala. MVP hunt all the way ng walang kahirap-hirap. At ang pinakamalaking bug sa kasaysayan ng ROM Eternal Love sa PVP - - yung Reindeer's gift using absolute field sa goblin forest map. Na-disappoint ako doon. Hindi dahil sa wala akong idea sa bug na iyon at hindi ko siya nasubukan. Pero maraming nag exploit even yung mga malalacash na. Madaming gift yun, actually nag run ng 2 months ang bug na yun. Ang dami nilang nakuhang gold badges doon na pang runes. So with that, ano pang laban ng isang F2P na kagaya ko sa malalacash na, madadaya pa. Hindi ba?
Pang-apat, marami ng nag-quit sa game. Yes, I witnessed kung paano unti-unting kumonti ang populasyon sa ROM. First few months kapag may event, super laaaaag talaga. Pinapatos ng mga player ang lahat ng event. Tipong hindi ka makalaro ng maayos sa dami ng players, hindi ka makapag-log in kaagad after ng maintenance sa dami ng nagla-log in sa game. Napakadaming tao sa mga maps kahit saan ka magpuntang map. Pinakamaraming tao eh nasa Prontera South Gate para mag-music for additional combat time. Maingay ang world chat lalo na kapag WOE na. Trashtalkan ang mga guild at malag ule. Hahahaha! Haaaaaay. Those were the days na napakasayang maglaro ng ROM. Kasi buhay na buhay ang ROM community kahit maraming bugs at lags. Siguro mula ng nag isang taon ang ROM sa SEA server, halos wala ng players. Kung mayroon man, mga dummy accounts na lang yun. Wala ka ng makikita na player sa mga lower level maps, sa South Gate kung noon, gabi na marami pa rin tao para mag-music, ngayon wala na. Pero may mga tao sa mga grinding maps sa kasing taas ng base level ko siyempre. Other than that, wala na.
Pang-lima, wala na yung interest/love ko sa game. Aaminin ko, naging daily routine ko ang ROM. Daig mo pa ang employed kapag naglaro ka ng ROM. Kasi you will be spending 8 hours pataas matapos mo lang ang lahat lahat ng daily activities ng game. Sa isang account lang yun ha. Habang tumatagal ang game, naging considerate naman ang mga devs na hindi dapat ganoon katagal ang playing time. Hanggang sa hinati nila ang gaming time. At hanggang sa inilabas nila ang paggamit ng Meteoric Chain na tatagal lang ang grind mo ng isa't kalahating oras. Kaya bago ako mag quit, halos 3 hours na lang ang tinatagal ko sa paglalaro ng ROM to meet all daily activities.
Pang-anim, the game is all about gambling. Walang kasiguraduhan kung saan mapunta yung ginastos mong pera. Makukuha mo ang item na binibili mo na para kang tumataya sa lotto. So kung mag spend ka ng pera sa game, wala silang paki kung makailang roll ka sa gacha. Basta kanila ang pera mo. Ganern.
At pang-pito, hindi mo na alam kung saan patungo ang laro. Ang aim to play is maging malakas yung character na ginawa mo. Lahat naman ata ng game, ganoon ang goal. Pero with all what you do in the game, you get the best equipments for the ideal set of your job. You can't determine kung malakas ka na nga bang talaga.
Kung sasabihin mo sa akin na sa PVP ko yun malalaman, eh wala rin kwenta. Wala naman kwenta ang PVP. Rambulan lang naman ang mga players doon. Kumbaga, upakan lang yun ng mga nagkakainitan sa laro. But still, PVP can't determine kung malakas at madiskarte ka bang talaga kasi walang rankings. Kahit monthly rankings sana at may category ang PVP kung sino makakalaban mo. Halimbawa, sa category ng mga malalacash ang monthly winner ay si ganito. Next sa category ng F2P ang monthly champion ay si ganito. Yung mga ganun ba.
Mas marami sigurong maeengganyo na maglaro at magtagal sa paglalaro kung may ganoon no.
May patournament nga ang mga streamers eh. Dapat nga devs ang gumagawa ng ganoong event. Para masabi na esports din ang paglalaro ng ROM.
Basta ang daily at monthly goal mo lang sa paglalaro mo sa ROM, magawa mo yung event, grind everyday, at bumili ng premium. Then repeat next month. Yun lang yung purpose.
Hanggang nawala na nga ang mga friends ko sa guild. Hanggang sa nagsawa na rin ako. Hanggang sa ayaw ko na mag ROM.
This is the game na ang tagal kong nilaro. Inabot ako ng mahigit isang taon. Ang mobile games kasi sa akin dati noong wala pang ROM, 2 months na yung most. Then sawa na ako. Minahal ko itong game na to. Sobra.
Kaso gahaman ang devs kaya hindi mo rin masisisi yung iba kaya kahit early game pa lang quit na sila.
Sana, kung magkakaroon man ng ibang version ang ROM, wala ng mandurugas at may rankings na. Para mayroon kang goal. Sana rin hindi na gahaman sa in-app purchases. Yung afford at hindi na parang russian roulette ang pagkuha ng gacha items. Kung ano gusto mo ipurchase, makukuha mo agad. Siguro kung ganun, marami magtatagal sa game. At kung may ilalabas nga sila na ibang version, lalaruin ko yun, and that's for sure.
Sa Ragnarok M: Eternal Love, salamat! Salamat sa masasayang araw. Hanggang dito na lang ako. Nagquit na ako finally, - - - ng walang hard feelings.
Fritz© is signing off. Forever.
Tumblr media
0 notes