Tumgik
#munisipyo
timogsilangan · 3 months
Text
Tumblr media
speaking of my pwd card kelangan kong bumalik sa munisipyo para marenew sya ugh
5 notes · View notes
upismediacenter · 4 months
Text
OPINION: Kaduda-dudang Pagkatao, Paano Nakatakbo?
Tumblr media
Illustration by Michi Sugawara
Isa sa mga batayang kwalipikasyon sa pagtakbo sa anomang posisyon sa pamahalaan ay ang pagiging isang Pilipino. Mahalagang kwalipikasyon ito dahil sa isang bansang demokratikong gaya ng Pilipinas, kinikilalang higit na makapagsisilbi sa taombayan ang isang pinuno na maituturing na kababayan. Ngunit, ano na lang ang mangyayari kung ang nasa posisyon ngayon sa gobyerno ay hindi isang Pilipino? Kwinekwestyon ngayon ng Senado ang pagkakakilanlan ni Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac kung siya ba ay isang lehitimong mamamayang Pilipino o isang mamamayan ng Tsina dahil sa mga kahina-hinalang impormasyong natagpuan tungkol sa kanya.
Gaya na lang ng pagkuha ng trabaho sa kumpanya kung saan may mga istriktong kwalipikasyon bago makapagpasa ng job application, mahigpit din ang proseso sa pagkuha ng posisyon sa gobyerno kung kaya’t may mga kwalipikasyon din na dapat makamit bago makapagpasa ng Certificate of Candidacy (CoC) sa Commission on Elections (COMELEC). May pagkakaiba man sa age requirement batay sa tinatakbuhang posisyon, hindi mawawala sa kwalipikasyon na dapat mamamayan ng Pilipinas ang tatakbong kandidato. Sa pagtakbo para sa posisyon ng alkalde, ang kandidato ay dapat hindi bababa sa dalawampu’t isang taong gulang; isang rehistradong botante; at nakatira nang hindi bababa sa anim na buwan sa tinatakbuhang lungsod, probinsya, o munisipyo bago magpasa ng CoC. Trabaho ng COMELEC na pangasiwaan ang eleksyon at siguraduhing kwalipikado ang mga tumakbong kandidato sa mga posisyon. Ngunit anong dahilan at nakalusot sa COMELEC ang kahina-hinalang pagkatao ni Alice Guo?
Noong ikapito ng Mayo, nagkaroon ng pagdinig sa Senado kung saan kinuwestiyon ni Senador Risa Hontiveros ang kredibilidad ng Mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo. Ang mga tanong ukol sa kanyang karanasan sa edukasyon at kanyang personal na buhay, gaya ng kailan at saan siya ipinanganak, ay hindi niya nasagot nang maayos.
Ayon kay Alice Guo ay homeschooled siya magmula sa elementarya hanggang sa highschool ngunit nang tanungin sa kanyang naging guro, hindi niya ito nasagot kaagad. Sa sumunod na hearing pa noong Mayo 22 niya nabanggit ang pangalan ng naging guro niya. Ayon sa kaniya ay si Miss Rubilyn ang nag-iisang gurong nagturo sa kaniya mula elementarya hanggang magtapos sa hayskul, ngunit walang mahagilap na school records niya sa mga panahong ito, maging hanggang kolehiyo.
Isa sa mga madaling patunayan ng paninirahan sa Pilipinas ay ang school records. Kung makikita pa lang sa mga dokumento na dito nag-aral ang isang kandidato, maaaring masuportahan nito ang kanyang pagiging Pilipino dahil kahit ang mga paaralan ay tinitiyak din ang nasyonalidad ng kanilang mga mag-aaral sa mga school records nito.
Magulo rin ang pagkakalatag ng kanyang birth certificate. Ipinanganak umano siya noong 1986, ngunit ayon sa kaniya ay nakuha niya lang ito noong 2005, noong siya ay labinsiyam na taong gulang na. Nakalagay sa birth certificate niya na kasal ang kanyang nanay na si Amelia Leal sa kanyang tatay na si Angelito Guo, ngunit walang makitang record sa Philippine Statistics Authority (PSA) ng kanyang nanay.
Sabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) director of legal services na si Eliezer P. Ambatali, “Maaari po na hindi existing ang tao.”
Liban sa magulong identidad ng kanyang nanay, hindi rin nagtutugma ang pagkamamamayan ng kanyang tatay. Binanggit ni Guo sa senado na Tsino ang kanyang tatay at may Chinese name na “Jianzhong Guo,” ngunit ayon naman sa birth certificate ng kanyang tatay ay isa siyang Pilipino. Nakalilito at kahina-hinalang hindi nagtutugma ang kanyang mga sinasabi sa mga dokumento.
Ang birth certificate ay naglalaman ng ating personal na impormasyon at ito'y nagpapatunay na tayo ay isang mamamayan ng Pilipinas. Bilang isa sa mga batayang dokumento ng pagkakakilanlan, ang birth certificate ang isa sa mga unang hinihingi kapag papasok sa paaralan o trabaho. Kung kaya't mahalaga na tunay ang mga impormasyon dito dahil dito nakabase ang ating pagkakakilanlan sa legal na konteksto at pruweba ito ng ating identidad. Ang pagsagot ni Alice Guo sa senate hearing ay nagpapahiwatig ng malabong identidad at malabong pagkatao niya dahil hindi tugma ang mga inihayag niya sa birth certificate na meron siya.
Ayon pa sa kanya ay lumaki siya sa farm, na pagmamay-ari ng kanyang tatay, at nagtrabaho siya rito magmula nang siya ay labing-apat na taong gulang ngunit wala siyang matandaan sa kanyang pagkabata. Lagi niyang dinadahilan na wala talaga siyang maalala at hindi niya raw alam. Maliban dito ay hindi niya kayang makapagsalita ng Kapampangan, ang dominanteng lenggwahe sa Bamban. Kaduda-dudang wala man lang siyang alam na salita sa Kapampangan gayong sinasabi niyang doon siya ipinanganak at lumaki. Hindi kapani-paniwala ang kanyang pahayag dahil kung lumaki tayo sa isang pamayanan, likas na matutuhan natin ang wika rito dahil ito ang gagamitin natin sa pakikipag-usap. Mula sa kanyang pahayag si Guo ay ipinanganak sa Bamban kung kaya’t hindi ba’t kataka taka na hindi man lang niya nakuha at natutunang magsalita ng lengwahe ng mga taga-Tarlac?
Ayon sa Artikulo 4 ng Saligang Batas ng 1986, ang mga maituturing na mamamayan ng Pilipinas ay: yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pag-aampon ng Konstitusyong ito; yaong ang mga ama o ina ay mamamayan ng Pilipinas; yaong mga ipinanganak bago ang Enero 17, 1973, na ang mga ina ay Pilipino, na pumipili ng pagkamamamayan ng Pilipinas sa oras na sila ay magka-edad ng ganap; at yaong mga naturalisado alinsunod sa batas. Sinasabi ni Guo na Pilipino siya dahil Pilipino ang kanyang magulang, ngunit paano iyon matutukoy kung ang tatay niya ay Tsino base sa birth certificate nito at walang record na nagpapatunay na nabuhay ang kaniyang Pilipinong nanay? Kahit nga ang mga memorya niya ng kabataan sa Pilipinas ay hindi niya maalala. Maaari ngang hindi lang naparehistro ang birth certificate ng kanyang nanay dahil nangyayari naman talaga ito lalo na sa mga mahihirap na mamamayan ng Pilipinas, ngunit bilang isang may posisyon sa gobyerno ay dapat kumpleto at totoo ang mga dokumento niya.
Bago naungkat ang kahinahinalang pagkatao ni Guo, ang inisyal na iniimbestigahan sa kanya ng Senado ay ang di umano'y pagkasangkot niya sa dalawang ni-raid na iligal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Bamban. Noong Pebrero 2023, ni-raid ang POGO hub na nagngangalang Hongsheng Gaming Technology Incorporated. Tatlong buwan matapos ma-raid ang Hongsheng ay napalitan ito ng Zun Tuan Technology Incorporated, na kasunod ding na-raid noong Marso kung saan nahuli ang mga kriminal na gawain gaya ng love at loan scam, human trafficking, at pag-hack sa government websites.
Ang kwestyonableng pagkatao ni Alice Guo ay maiuugnay natin sa kanyang isyung kinasasangkutan. Kung sa mismong pagiging Pilipino ay kaduda-duda na ang kanyang mga sagot, hindi kataka-taka na kahina-hinala rin ang ang kanyang paliwanag sa pagkakasangkot sa mga iligal na gawain sa bansa. Kinakailangan suriin ang mga impormasyon ng bawat kandidato upang maiwasan ang mga posibleng problema sa paggamit ng kanilang posisyon kapag sila ang nanalo sa eleksyon. Maaaring ang pagtakbo ni Alice Guo bilang isang mayor sa Bamban ay isang paraan upang magkaroon ng kapangyarihan sa pakikisangkot sa mga kwestyonableng transaksyon.
Maraming kaduda-duda kay Alice Guo, mula sa personal na impormasyon, hanggang sa di umano'y pakikisangkot niya sa mga ilegal at kriminal na aktibidad. Ngunit bago mahantong sa ganito, nararapat lang na hingan ng pananagutan ang COMELEC. Trabaho ng COMELEC na suriin ang mga kwalipikasyon ng mga kandidato. Kung una pa lang ay tiniyak at sinuri nila ang ipinasang requirements ni Alice Guo sa kanyang pagpasa ng CoC ay hindi na aabot sa ganito. Malaking dagok sa kanila na may nakalusot na kandidatong nanalo nang may kwestyunable at kulang-kulang na dokumento.
Sa UPIS, ang mga kandidato sa pagtakbo sa posisyon ng lider-estudyante gaya ng Pamunuan ng Kamag-Aral (PKA) at Year-Level Organization (YLO) ay sumailalim sa masinsinang proseso bago pahintulutang tumakbo. Kinakailangang magpasa ng mga kahingian tulad ng rekomendasyon mula sa mga guro; dapat din ay walang naging disciplinary case sa kanyang buong pananatili sa UPIS. Tanging estudyante ng UPIS lang ang maaaring tumakbo sa mga posisyong ito dahil bilang isa ring miyembro ng komunidad ng UPIS ay naiintindihan niya ang kapwa niya estudyante at alam niya ang nakabubuti sa kanila. Katulad lang din ito na tanging Pilipino lang ang may karapatang mamuno sa Pilipinas. Malaki ang responsibilidad at kapangyarihan ng mga lider kaya kung nabigay ito sa hindi karapat-dapat ay maaaring mapahamak ang buong pangkat. Kung sa ating paaralan nga ay maingat sa paghahalal ng mga maglilingkod na lider-estudyante, dapat ay ganito rin tayo sa mas malawak na konteksto ng bansa. Dapat ang gobyerno ang nangunguna patungo sa pagsasala ng mga magsisilbi sa ating mga mamamayan upang ito ay mapunta sa mabubuting kamay at maging totoo ang paglilingkod sa atin.
Maliban sa gobyerno at COMELEC, malaki rin ang papel ng mga botante sa magiging kapalaran ng Pilipinas. Sa sitwasyon ni Alice Guo sa eleksyon noong 2022, nakakuha siya ng 16,503 boto at natalo niya ang kaniyang pinakamalapit na kalabang kandidato na si Kapitan Joy Salting, kung saan 468 lamang na boto ang lamang niya. Ipinapakita lang dito na ang bawat boto ay mahalaga kung kaya naman ay marapat lang na maging mapanuri sa bakgrawnd ng mga kandidato at seryosohin ang eleksyon dahil ang mga nanalong kandidato ay malaki ang impluwensya sa magiging buhay natin, maging eleksyon sa nasyonal na lebel o mas maliit na sakop gaya ng sa eskwelahan.
Bilang estudyante, ang bawat kilos at desisyon natin sa paaralan ay ating responsibilidad kaya naman kung tayo ay may iboboto o tatakbo, tandaan na ito dapat ay upang makatulong sa ating paaralan at hindi para lang magkaroon ng kapangyarihan. Bilang tatakbong kandidato, dapat sigurado tayo sa ating tatahaking plataporma upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga kapwa mag-aaral. Bilang botante naman, maging mabusisi at pumili ng taong kaya ang trabaho na aakuin para sa ating paaralan. Lalo na sa darating na lokal at pambansang eleksyon sa 2025, ang pagiging mabusisi at mapanuri sa mga tatakbong kandidato ay marapat lang na gawin upang hindi mabigyan ng kapangyarihan ang mga mapang-abuso at tiwali. Kaakibat ng ating kagustuhan sa pagpili ng maayos na lider-estudyante para sa ating paaralan ay ang pagpili rin ng matinong kandidato na bibigyan natin ng kapangyarihan upang mapamahalaan nang maayos ang ating bansa.
//nina Japhet Casabar & Aisha Timbal
Mga Sanggunian:
ANC 24/7 (2024, May 27). ICYMI: Senate continues probe on Bamban Mayor Guo's identity, link to illegal POGOs | ANC [Video]. YouTube. https://youtu.be/hsUirBWo9U4?si=sDCGLr0FENGfryGO
ANC 24/7 (2024, May 20). Bamban, Tarlac mayor Guo denies links to illegal POGOs | ANC. [Video]. YouTube. https://youtu.be/M_pI9pCu2u0?si=GHCnQVZ-E9YQkn6w
Government Of The Republic Of The Philippines (1987). THE 1987 CONSTITUTION OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES – ARTICLE IV. Citizenship. [Website]. Official Gazette Of The Republic Of The Philippines. https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/the-1987-constitution-of-the-republic-of-the-philippines/the-1987-constitution-of-the-republic-of-the-philippines-article-iv/
Manabat, J. (2024, May 22). Alice Guo denies being a spy, claims she is a love child. RAPPLER. https://www.rappler.com/philippines/luzon/alice-guo-denies-being-spy-claims-love-child/?fbclid=IwZXh0bgNhZW0CMTAAAR0GRnoltPv2KjBVPPkgMuAu0SxYcWGiJoYOAO8VAmwZV3q5XOGTThkwYIg_aem_ARV8RzcJ_iFqCEyY3ahGZr79jgP7fqN0AMCZSgeFIFiGH_HvurJMQZZSuAtJzyfUkKah8Eob8fNxSa-X4FXyHfNO
Magsambol, B. (2024, May 23). 5 things that don’t add up in Mayor Alice Guo’s Senate testimony. RAPPLER. https://www.rappler.com/philippines/things-that-did-not-add-up-bamban-tarlac-mayor-alice-guo-senate-testimony/
Manabat, J. (2024, May 22). Bamban mayor linked to raided POGO in Tarlac. RAPPLER. https://www.rappler.com/nation/luzon/bamban-mayor-guo-linked-raided-pogo-tarlac/
PSA flags irregularities in Bamban Mayor Alice Guo’s birth certificate. (2024, May 22). Philstar.com. https://www.philstar.com/headlines/2024/05/22/2357110/psa-flags-irregularities-bamban-mayor-alice-guos-birth-certificate
Ramos, M. (2024, May 23). Guo’s purported ‘mother’ may not exist at all – PSA official. INQUIRER.net. https://newsinfo.inquirer.net/1943755/guos-mother-may-not-exist-at-all-says-psa-official?fbclid=IwZXh0bgNhZW0CMTAAAR3J_cEo-_HARktfUkQc62yANrEmeYl4xPjaW0osbPuvGoIu31P9kQwa-Rs_aem_ARUFjKl2cnDWcpr3UwhwsrS235MhQiMF5Yp1JDtuH8w87V6e3_tWbVXdj03jA4Pbx1UQiQvJc_5fLazUg5BohClh
Rappler (2024, May 22). Senate hearing on POGO raided in Bamban, Tarlac and its mayor, Alice Guo [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/live/Gdaizp5uXb4?si=AXYCcmyQsK84r65L
Sarao, Z. (2024, May 23). Guo admits she’s unaware of business partners’ criminal records. INQUIRER.net. https://newsinfo.inquirer.net/1943490/mayor-guo-admits-shes-unaware-of-business-partners-criminal-records?fbclid=IwZXh0bgNhZW0CMTAAAR0Y8DB1Hj5GWVVeZjnZKjyhofHgJcH0VJ7m7H90xlDNtitalEhrbP457Gs_aem_ARWmZcoXrIXaV2vR-hx7bw8Oz76rvj8-ntQVzj07tgllBi0gR67ksXJFi8LjpwnkbgjIcV_j2R_63lpiV3X_Y6UC
7 notes · View notes
istariray23 · 3 months
Text
Bumisita muna kay Mayora Alice Leal Guo 😁 this morning.
Tumblr media
Sayang wala raw si Mayora kaya hindi tuloy kami naka pag "Hi" sa kanya....
Tumblr media
Pumuwesto nga pala kami dito sa pinaka harap ng Munisipyo
Tumblr media
Then eto yung itsura pag pasok mo ng City Hall
Tumblr media
Syempre dapat me picture tayo sa Pink Municipal Hall ng Bamban
Tumblr media
Nag Jollibee na din ng breakfast meals dito sa Bamban
Tumblr media
Syempre may picture din tayo dito sa I Love Bamban.
4 notes · View notes
robbiemd · 1 year
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Log #389
The day the Health Secretary Vergeire visited our hospital.
She was intimidating at first, biased on the fact that she is the highest ranking doctor under government service. She’s in the ranks with Francisco Duque and Juan Flavier, as I thought. However, after a few minutes, I realized that it doesn’t take an ocean to be able to talk to her and approach her. “She has the vibe of an IDS (Infectious Diseases Specialist). Mukhang masungit pero mabait pala.” I told Ejii-chan. She listened to our concerns, visited every patient, and expressed her support to our plans to upgrade and expand the hospital.
I usually see her on TV or the internet. But today, I encountered a rarity with matching tapik-tapik pa sa likod ko as we talked about the hospital’s future. “Sobrang linis at aliwalas ng hospital n’yo. At walang amoy ospital. We’ll work altogether to make further upgrades and expansion to this hospital.” It was a proud moment for the father of the hospital.
After the visit, I told all my staff thru our Facebook GC, “Proud ako sa inyong lahat. Good job, everyone!”
I then proceeded to the munisipyo to represent our hospital in an inter-agency meeting with the DOH OIC Secretary, the Mayor and Vice Mayor, representatives of some Congressmen, and the Municipal Health Office to tackle an undying issue of El Nido: the sustained cases of Acute Gastroenteritis and Amoebiasis in the municipality.
I was driven back by our driver, sir Dan, together with the chief nurse Armel, and staff nurse Gretchen, who bought groceries from a nearby talipapa before heading back to the hospital.
The week long prep finally bore its fruits! Now I have to try to sleep because Sec Vergeire is requesting us to be at the airport by 5:30 AM for a photo op prior to their flight back to MNL. Apparently, she forgot to take pictures with us during her visit. Lol.
13 May 2023 1:26 PM El Nido, Philippines
9 notes · View notes
raizel-mendoza · 2 years
Text
OCTOBER 2022
OCTO-FEST
The month of midterm, my birthday, teachers day, sport fest, battle of the band and of course october fest. Sa patatlong buwan ng pagpasok ko sa rct, maraming ganap. I celebrated my 16 years of existance with my fam, kaunting salo salo sa bahay namin. Can't believe that I am a grown woman, and the 'baby stage' is finally over. Teachers day, celebrated two days after my birthday. We celebrate the teachers days and give a huge appreciation to them, for being kind and hardworking teacher.
Tumblr media Tumblr media
Month of midterm all of us were bragging how hard to review and answer all of the questions and problem but after that, nakahinga ng maayos because of all us are passed.
Tumblr media
SPORTFEST
We celebrate the 100 year of rizal college of taal, October 24, 2022. The most awaited event of rizal, everyone is free to join in different booth. Naglakad kami hanggang munisipyo ng lemery, nakakapagod but sulit. Rizalites are united, malayo and all of students are complaining how tired they are.
Tumblr media
Battle of the bands
The best moment that I knew that I will remember always. Gladly pinayagan ako ni papa, Zuckerberg was there giving their energy na parang last na buhay na 'yon. We supported the senior high band, but nung magumpisa ang tugtugan we are like one, parang hindi kami magkalaban because the music makes us one. We enjoy the night get hype and we were just like in party. Jumped and screamed, rizalites become wild that night and for a moment gusto ko ulit ma experience ang naramdaman kong saya that night.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
2 notes · View notes
thebookofivy · 2 years
Text
Thesis Shenanigans: Episode 1
Gumising akong iniisip kung anong klaseng tao ba ako sa bawat lakad? Sunny person o Rainy person?
Kung masasabi mo na ako'y rainy person malamang tama ang hula mo nang mabasa mo ang huli kong blog. Kinagabihan pa lang nakalapat na ang mga plano ko kung anong gagawin ko ngayong araw. Magpupunta sa iskul para magpapirma at magpupunta sa munisipyo ng Sta. Rosa. Kaya naman nang paggising ko sa umaga at naramdaman kong parang malamig ata, napamura na lang ako sa isip dahil umuulan na naman pala. Hahayaan ko bang lumipas ang araw na 'di ako matutuloy sa aking lakad? Syempre. Hindi. Gumayak ako at lumabas sa aming bahay habang nagpapaalam sa mga alaga kong aso. Nagdala ba ako ng payong? Syempre. Hindi. Ilang oras na akong nasa byahe dahil sa kagagawan ng traffic, habang nasa dyip pa ako ay narinig ko ang mga katabi kong nag-uusap para sa pagplano ng kanilang cutting class.
Tumblr media
Bumaba, naglakad, nag-paprint, at hinintay sa iskul ang aking makakasama ngayong araw. Magpapapirma sana kami kaso lang ay hindi kami pinayagan dahil kulang pa ito ng isa pang pirma mula sa aming guro. Umalis kami nang may sobrang pagkadismaya, napasigaw pa ako ng "stress na ako", medyo napalakas ata dahil napatingin sa amin ang mama at pati ang kanyang ginagawa ay napahinto. Nagpunta kaming SM Calamba, kumain at nagkwentuhan tapos nagpunta sa sakayan papuntang Sta. Rosa. Nagkwentuhan, nagtawanan at nagchismisan. Hanggang sa makarating sa aming paroroonan.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Sabi ko pa naman Powerpuff Girls kami ngunit tila aming mga kasuotan ay nahambing sa basurahan.
Nilakad namin ang aming mga papeles, paroon at parito, magulo at nakakapagod, tanong doon at tanong dito. Ang daming kailangan parang gusto ko na lang umiyak. Natapos kami at binalak na naming umuwi. Kumuha ng litrato sa arko. Nagpaghalataan ata ng mga tao na 'di kami tagarito.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Nalampasan namin ang pagpunta sa lugar na ito, kaya naman kakaharapin namin kung paano na kami makakabalik nito.
Nagtanong-tanong kami kung saan kami maaaring sumakay pabalik sa amin. Sumakay kami ng dyip, habang nasa byahe napagtanto naming mas mahabang ruta pala ang dadaanan nito. Isang patunay na ako talaga ay isang rainy person. Sa kahabaan ng byahe, dumating na ako sa aking destinasyon kung saan kailangan na namin maghiwalay ng aking kasama. Sa pagbaba ko ay kasabay nang pagbuhos ng malakas na ulan. Ako'y isang rainy person. Basang-basa ako't sumilong, nag-aantay ng dyip ngunit walang masakyan. Rush hour. Ako'y isang rainy person. Dahil isa akong mainipin, naglakad ako hanggang makarating sa Perps. Uhaw na rin ako at gutom kaya naman tumawid ako sa katapat nitong 7/11. Kumain mag-isa, tumambay saglit at umalis na.
Tumblr media Tumblr media
Wala na akong ibang hiniling nang oras na 'yon kun'di ang makauwi.
Umuwi akong pagod ngunit buo. Sinalubong ako ng aking makukulit na mga aso. Ayan na naman sila at dinambahan ako pero okay lang, panatag akong umuuwi nang nandyan sila. Nang oras na 'yon, kahit katiting lamang, humupa ang pagod na nararamdaman ko. Ganito pala ang magthesis.
3 notes · View notes
updatedjournal-ae · 1 month
Text
tuesday, august 20, 2024
ngayon ko lang naramdaman na ikinakahiya ako ng taong mahal ko.
so here's the kwento. nandito kami ngayon sa munisipyo para kuhanin yung cheque na financial assistance niya. then iniwan niya ko dito sa baba kasi siya na lang daw tataas, di na daw niya ko isasama. like what? um-oo na lang ako para walang discussion pero still masama loob ko because of that. pero di ko na sinabi sa kanya. hinayaan ko na lang pero asar pa din ako talaga.
0 notes
junksandarchives · 1 month
Text
Three days, Thesis days
August 7: Cafe and pagpapanggap na gumawa ng thesis
It's been a while since nagsulat ako dito because I took a vacation to refresh my mind. Pahinga then laban ulit sabi nga nila. Two weeks before the pasukan ay plano ko na i-maximize ang aking time para naman magkaroon ako ng progress sa aking thesis. With that, I contacted people that may help me and endorse me sa mga government offices since I need local ordinance and resolution documents para I can track the political progress (in term of policies, rules, and etc.) of our town.
But before all of that, nag-cafe muna ako kasi gusto ko mag-romanticize ng thesis era by studying at a local cafe haha.
Tumblr media
A rough draft of my thesis. Like super duper draft lang siya so don't trust that write up. Plus, my matcha latte 4/10. Masarap naman yung ibang drinks like the Ube latte (8/10).
Tumblr media
9/10 CR ng Mapandan Town Center. Maganda, malinis, at may tissue.
I decided to message Mayor's Secretary since I am confident that they might know where can I access documents that I can't find in our municipal library. Then, I messaged some friends and colleagues para more chances of winning. After waiting for a few minutes, Ma'am Marie replied naman and endorsed me (after a day) sa Vice Mayor's Office since as far as I know ay sila ang nagke-keep ng record.
August 8: Reflections and pagod all day
I got an endorsement na sa Vice Mayor's Office to access the files. I was so excited like I can't believe na may naiwan pang record ang mga namuno before sa aming town. I'm thankful rin sa mga nag-preserve kasi helpful ito bilang references.
The first record na aking nahawakan would be the Ordinance and Resolution from 1967 to 1982. Arawi la ed thesis timeline ko pero sarag to nin nagamit parad future research da ray estudyante ya kaparak.
The second record naman na binigay sa akin ay ang Ordinance and Resolution from 1917 to 1960s. The record was interesting because somehow I had a glimpse of the situation of Mapandan during that time period. Daiset labat may record ed 1917 to 1920s pero importante pa rin ta walan sensyay naibaga tod history ya Mapandan.
Tumblr media
Local ordinances and resolution records and the Centennial Celebration of Mapandan ads.
The last book naman na binigay sa akin ay ang Centennial Celebration ads ng Mapandan. Nag-iisang copy yung ads sa munisipyo so I can consider it na rare document ito. Yung mga details na kailangan ko for my thesis ay nasa ads na like the history of Mapandan from 1887 to 2002 and the history of its barangays. Thankful for the Mapandan National High School teachers and student-researchers kasi sila yung nagsulat at nag-compile ng mga data for the Centennial Celebration.
Tumblr media
Pinakain rin nila ako ng kanilang merienda. Goods naman ang lugaw with egg and Sprite after mag-picture ng mga documents.
When I accessed the records ay mas lalo akong naguluhan sa kung paano ko gagawin ang thesis ko. I'm glad na may mga existing records na like may nahawakan at nakita na ako na alam kong makakatulong sa akin. Ayon na nga, I've been busy for the past three days and clouded rin thoughts ko whether itutuloy ko pa ba o hindi na? Paano ko sisimulan ang mayroon nang nakasulat? Will I be able to pull off my historical research? *nagbuntong hininga*
Ayon na lang muna,
gct
0 notes
llwosyl · 2 months
Text
24 ko na pero napapagkamalan pa rin akong bata. 😭 Nag summer job daw ba ako sa munisipyo sabi nung isang professor sa WCC Guimba na kausap namin kangina. Tas tinanong ko siya anong year siya nag graduate. Shuta 2022, magka edad lang tayo huy!
0 notes
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang sarap netong grilled cheesy oyster and clams sa may bandang lumang munisipyo sa taytay.
0 notes
Apr 12. Emotional Damage
Got home from munisipyo and daylight cafe(Builders) habang nakaduty padin ako from work. Still working padin kahit nasa labas habang iniisip kung bakit umabot kami sa ganitong sitwasyon. 
Para akong sinulid na pinipilit ko lumusot sa karayom, para akong nasa kawalan ngayon na lahat ng bagay na tiniis ko nauwi lang sa wala. Alam ko naman aabot kami sa ganito, pero di ko inasahan na talaga dito kami nauuwi, binabalikan ko lang yun nakaraan last yr same place na narealized ko na sana last yr palang pala tinapos ko na. pinakamabigat at masakit para sakin kung iisipin ko lang kaya pala di nag grow o naayos ang relasyon namin dahil sa mga taong tutol sa relasyon namin simula palang. Pinaglaban naman niya ako na pakasalan dati pero bakit nung mag-iisa o dalawa taon na si Zoe sa mga kumutya sakin naging isa nadin siya sakanila, na parang kasalanan ko lahat, mali ako, nagkulang ako bilang asawa, di ako sanay makisama, na kahit saang angulo ako yung may problema at wala nagawang tama. 
Daming nasayang na panahon, binigyan na ako ni Lord ng ilaw na sasagip sakin dati. Pero dahil sa awa at pagmamahal na meron ako nagawa ko siyang bitawan kasi nakita ko din yung buhay na pwede niya danasin kapag pinilit niya pumasok sa buhay ko. Pakiramdam ko para akong may sakit, na kapag meron isang taong humawak o pumasok sa buhay ko eh, masisira din ang buhay niya. 
Pero last yr 2021, God saved me. Empanada and Milk escafe, si Hanna ang ginawang instrumento ni Lord na nakapagpabago ng buhay ko, isama mo pa yung Axie ko na nawala. 
After 3 years of losing identify, God lifted me up. Sa pagkakadapa at pagkabagsak ko siya ang sumagip sakin na umabot sa punto na nandito ako ngayon, siya ang nagtaas sakin ng kusa na hindi ko kailangan ipagyabang sa iba kung ano ang narating ko ngayon kundi ang kaya ko lang ipagmalaki ngayon ay nandito ako sa sitwasyon na to kasi dito ako dinala ng panginoon ang alam ko lang at sinasamahan niya padin ako sa laban ko na to ngayon. Nakakapagod, nakakadrain, at nakakaexhaust ng buong pagkatao. Pero sa mga oras na to, naalala ko ito yung stage nung sakit na dinanas ko dati kay JP na sa tatay niya ang issue namin dati, mahal ka niya pero di ka niya maipaglaban. Ngayon naman mahal ka niya pero kailangan mo padin may isakripisyo, kaso ang kailangan mo isakripisyo yun katahimikan na kahit kailan di mo nabili o nakamtam sakanya noon pa man. 
Losing of self respect, Is the real hard to let go.. 
Ang hirap igain neto sa mga taong bulag o never nakita ang mga nakaya mo sa mga di mo kinaya. Mulat sila sa mga mali mo na until now di niya kaya tanggapin ang realidad na meron kang kinaya at tiniis para maabot yun ginusto mo lang naman na magkaron ng buong pamilya. 
Nakakapagod pala no? Na kahit anong gawin mo na kahit pati sarili mo hindi muna magbigyan ng oras ang ending kung saan ka nagkulang yun padin ang highlight. Siguro kundi ko binitawan yun ilaw na dinala sakin dati wala siguro ako dito, hindi siguro ako nagiisa, hindi siguro ako nasayang yun oras ko sa taong umaasa ako na sana magbago.. Iniisip ko nalang na lahat nang pagsisisi ko ngayon papalitan din to ni Lord nang pasasalamat ko na buti nalang nagawa ko maghintay, na marerealize ko na hindi sayang yun chance na binigay ko sakanya kasi darating din yun oras na maabot din niya yung rurok na magsisisi siya 
0 notes
Text
Tumblr media
Ang Midsayap ay pinaninirahan ng mga Muslim mula sa mga inapo ni Sultan Ali Bayao mula sa angkan ng dakilang Sultan Dipatuan Kudarat I. Ang Bayan ng Midsayap ay isang unang klaseng bayan sa lalawigan ng Cotabato, Pilipinas. Ang Cotabato ay itinuturing na basket ng pagkain ng Mindanao. Ito ay isang pangunahing producer ng mga cereal, tropikal na prutas, gulay, tubo, niyog, kape, freshwater fish at mga hayop. Ang Halad Festival ay isang linggong pagdiriwang na karaniwang ginagawa tuwing ika-2 linggo ng Enero sa Munisipyo ng Midsayap, Cotabato Province. Ang Halad Festival ay parangal sa patron ng bayan na si Sr. Sto. Niño. Sa North Cotabato, ang pangalawa sa pinakamaraming multilingguwal na lalawigan, ang pinakamaraming sinasalitang wika ay Hiligaynon, Maguindanao, at Cebuano. Ang pinaka “current” place na medyo malayo na napuntahan ko ay ang Midsayap, North Cotabato naka punta ako doon noong January 2020 bago mag lockdown ang dahilan bakit nakapunta ako doon dahil kami ay nag “represent” ng ating paaralan sa isang laro o kompetisyon na tinatawag na NDEA MEET na kasali ang iba pang Notre Dame school kagaya na lang ang Notre Dame of Kidapawan, Notre Dame of Dadiangas, Notre Dame of Midsayap at iba pa. Naging masaya ang aking karanasan na ito para sa akin dahil ito ang pinaka unang out of town na school related at ito ang first experience ko na maging isang student-athlete na isang karangalan na irepresenta ang pangalan ng paaralan sa ibang lugar at ito ay napakasayang karanasan para sakin at hindi ko ito malilimutan dahil dala dala ko ang pangalan ng aking skwelahan at bukod pa rito marami akong natutunan bilang isang student-athlete at hindi ito biro at masayang karanasan at bahagi na din ito ng aking buhay. At, dahil sa karanasan na ito kami na mga manlalaro nang futsal ay nakapag-iwan ng kasaysayan sa Junior Highschool ng NDMU-IBED bilang ka una-unahang manlalaro nang futsal team na nakapag-uwi ng tropeo.
PS: Credits sa nagmamay-ari ng dalawang pictures sa taas. -Logo, Johanna Paula J.
0 notes
mousse-deleche · 2 years
Text
2022 Isa sa pinakaswerteng taon (15 y.o)
Tumblr media Tumblr media
"Woah aba kung swertehin nga naman ang Primuel". As the title says itong taong 2022 ata ang naging pinakaswerte kong taon dahil unang una nanalo ako sa raffle na nakakuha ng Baja galing sa gobyerno, una hindi ko alam na nabunot pala ako sa raffle at hindi ko din alam na meron palang raffle para don sa mga nagpa-vaccine parang pagkatapos ng mga vaccinations mo may raffle entry ka, biglang dumating si papa sa bahay sayang saya sinasabi na "Pj mag bihis ka na pupunta tayo ng munisipyo" sabi ko bakit, sabi niya na nanalo daw ako ng baja galing sa gobyerno, tinawagan daw si papa ng aming kapitana at masaya ring sinasabi na nabunot daw ako sa raffle, tapos iyon pumunta nga kami sa munisipyo at andun nga ang pangalan ko nanalo nga talaga ako, aba kung swertehin nga naman. Tanong nga ng tanong si mama kung may sinalihan daw ako or nagpalista sa raffle kung bakit daw ako nanalo iyun pala ay galing sa mga nagpa-vaccine, sila na tuwang tuwa habang ako ay confused pa din pero masaya dahil first time kong makakuha ng grand prize sa buong buhay ko HAHAHA. Yung isang pic naman ay kinuha namin after kong mareceive yung prize, aba katuwa nga naman.
0 notes
blogcontent2-tcm3k4 · 2 years
Text
BLOG: WEEK 6 (BISAYA)
METRO MANILA
Tumblr media
Ang kapital nga dakbayan sa Pilipinas, Metro Manila, nahimutang sa pulo sa Luzon. Uban sa gibanabana nga populasyon nga kapin sa 12 ka milyon, kini usa sa labing kadaghan nga populasyon ug daghang mga lungsod sa kalibutan. Ang siyudad, nga gilangkoban sa 16 ka siyudad ug usa ka munisipyo, nagsilbi nga sentro sa politika, ekonomiya, edukasyon, ug kultura sa nasod.
Tumblr media
Ang Manila Baywalk, Rizal Monument, Intramuros, ug ang inila nga Manila Ocean Park pipila lang sa mga iladong monumento ug atraksyon sa siyudad. Sa kadaghan sa mga bar ug club nga mapilian, ang Metro Manila usab adunay usa ka mauswagon nga nightlife.
Tumblr media
Ang siyudad ilado usab sa mga malamboong shopping area, sama sa sikat nga Greenhills Shopping Center ug ang kinadak-ang flea market sa siyudad, ang Divisoria. Usa ka lig-on nga network sa transportasyon sa publiko, lakip ang mga bus, jeepney, ug ang Metro Rail Transit, nagsilbi sa Metro Manila (MRT).
Tumblr media
Ang Metro Manila usa gihapon ka tilinguhaong destinasyon alang sa mga biyahedor sa kalingawan ug negosyo bisan pa sa grabeng trapiko ug polusyon niini. Naghatag ang syudad og lain-laing mga kasinatian, lakip ang usa ka mauswagon nga nightlife ug mga landmark sa kasaysayan ug kultura. Uban sa kombinasyon sa mga kontemporaryo ug vintage nga mga atraksyon.
0 notes
Text
LANTAWA I Gipahitabo karong adlawa, Nobyembre 19, 2022 ang Barangay Assembly sa mga katawhan sa Barangay Cebulano, Carmen, Davao del Norte uban sa tema nga, "Barangayanihan: Barangay at Mamamayan Sama-sama sa Pagtataguyod ng Bayanihan Tungo sa mas Ligtas at Maunlad na Pamayanan."
Sa iyang State of Barangay Address (SOBA) gipasigarbo ni Kapitan Cornelio Adaya ang nahimong accomplishments sa Barangay Council pinaagi sa ilang panaghiusa ug pagpaningkamot.
Unang gi-report niini mao ang katukuran sa New Barangay Hall sa Cebulano nga adunay kantidad og Php 3.3 million nga gipondohan sa opisina sa atong kasamtangang Congressman Allan Dujali ug ingon man sa atong kanhi nga Congressman Tony Boy Floirendo.
Gi-report usab niini ang bag-o lang nga napatuman nga mga proyekto nga sama sa canopy ug fencing sa Barangay Gym nga adunay kantidad og Php 1.3 million nga proyekto sa probinsyal nga panggamhanan sa Davao del Norte ubos ni Governor Kuya Gob Edwin I. Jubahib. Ingon man ang Barangay Isolation Units nga proyekto sa KALAHI-CIDSS sa Department of Social Welfare and Development sa kantidad og Php 1.2 million.
Apil usab ang bag-o lang nahuman nga road concreting gikan sa Purok 1A Binangay hangtod sa area sa mga Acedo sa Purok 3A Centro nga proyekto sa Department of Public Works and Highways. Ug ang hapit na usab nga mahuman nga farm-to-market road nga magkonekta sa Purok Kalubihan ngadto sa Purok Binangay ug Purok Mangga.
Mahitungod sa programa sa mga Sangguniang Kabataan (SK), sila nakapalit og electronic scoreboard sa kantidad og Php 90,000 ug ingon man laptop computer ug projector sa kantidad og Php 50,000 aron naa silay magamit panahon nga aduna silay mga seminar o orientation nga pagahimoon. On going usab karon ang gipahimo nga Learning Center sa atong SK sa kantidad og Php 50,000.
Sa sektor sa agrikultura, ang barangay migahin og pondo aron ipamalit og mga seedlings sa fruit trees sama sa lemonsito, durian, rambutan, ug lanzones aron ipanghatag ngadto sa mga mag-uuma. Nipalit usab og mga antibiotics, vitamins ug deworming para sa mga binuhi nga mga kahayupan sa mga katawhan sama sa manok, kanding, baka, ug kabaw.
Sa sektor sa edukasyon, ang barangay mihatag og mga school supplies ingon man mga facemask ug alcohol ngadto sa Cebulano Elementary School ug sa Alternative Learning System (ALS) Implementer. Gipanindot usab ang Cebulano Child Development Center atol sa gipahitabo nga evaluation niini.
Sa sektor sa panglawas, ang barangay mipalit og mga tambal ug vitamins alang sa mga katawhan niini. Ug nagpahitabo ug usa ka blood letting activity aron naay pundo nga dugo nga magamit panahon sa mga emerhensiya.
Mahitungod sa COVID-19 vaccination, ang barangay nakapahitabo na og 15 ka beses nga COVID-19 vaccination. Diin 71% na sa eligible population sa barangay ang fully vaccinated ug 3% na usab sa eligible population ang nakadawat na sa ilang first dose booster.
Sa natad sa livelihood, ang barangay nakapahigayon og Herbal Oil Making ug Sari-sari Store Training and Access to Resources.
Gipahibalo usab ni Kapitan Adaya nga adunay moabutay nga proyekto nga Multi-purpose Hall nga kantidad og Php 795,000 nga ibutang didtoa sa Cebulano Elementary School nga gikan sa KALAHI-CIDSS sa DSWD. Ug aduna usab farm-to-market road nga buhaton sa Purok 3 Centro gikan sa area sa mga Tacmoy nga muagi sa yuta sa mga Balunos paingon sa Cebulano Elementary School.
Sa katapusan, nag-awhag si Kapitan Adaya sa adunay mga binuhi nga mga iro nga ila na gayod kining hiktan aron makalikay sa mga disgrasya diha sa kadalanan kay sugod January 2023 ipatuman na ang bag-ong ordinansa sa munisipyo nga hugot nga nagadili sa mga iro nga maglatagaw diha sa kadalanan diin aduna kini kalakip nga mga penalties.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
1 note · View note
llwosyl · 11 months
Text
sana naman next year permanent position na ako sa munisipyo hano
0 notes