Tumgik
#pag may tiyaga
ask-emilz-de-philz · 9 months
Note
I don't know where to ask this. Here or on the other blog but can you make a chart for who is for who and what character they play at aus so I can remember it easily pleaseee. Nagmamakaawa Ako I just wanted maki and Maliksi but I'm too deep into your ocs now hihu
(( anon, kaya mo yan. backreading lang kailangan))
8 notes · View notes
artemicia · 5 months
Text
Tumblr media Tumblr media
Gusto ko lang simulan mag-document dito ng small wins ko sa freelancing. Nag-celebrate kami ng anniversary ng nila mama at papa sa Pansol. In-invite din namin yung ilang close friends nila kaya medyo marami-rami rin.
Nakapag-book ako ng private place na may pool na may maraming kwarto, yung hindi namin kailangan magsiksikan kasi dalawang kwarto lang ang kasya ng budget tulad noon. Nakapagpaluto rin ako ng mga pagkain na dinala na lang namin kasi ayoko ma-hassle pa sila magluto kasi matatanda na sila. Gusto ko yung kain-tulog-relax na lang yung matatandang kasama.
Proud ako na nagagawa ko na ‘to sa mga magulang ko. Gusto ko kasi yung gano’ng mga bakasyon na wala nang aalalahanin kasi bayad na lahat. Ayoko rin ‘yung nagtitipid sa pagkain kasi hindi kami pinalaking gano’n. Mahirap lang kami noon pero hindi namin naranasan magutom at mag-ulam nang hindi masarap dahil sa tiyaga ng mga magulang ko. Kaya ngayon, gusto ko na ako naman ‘yung mang-spoil kahit konti sa kanila.
Naisip ko lang din, hindi totoo na hindi mabibili ng pera ‘yung tunay na kaligayahan. Totoo siguro kung ‘yung pera mo, sa materyal na mga bagay mo rin lagi ginagastos. Pero kung sa mga experience mo siya ini-invest, sa mga pag-travel kung saan, pagkain sa mga lugar na hindi mo pa nakakainan, paggawa ng mga bagay na hindi mo kaya dati kasi wala kang pera, ayun. Doon masaya.
Kailangan ng pera para ma-experience mo ‘yon. Kailangan ng pera para ma-amplify ang buhay, para maging mas masaya kasama ng mga mahal mo sa buhay.
3 notes · View notes
chereserene · 1 year
Text
Date
Kwento ko na kasi baka malay natin majinx diba ganon yung sabi nila pagkinwento mo raw majijinx na.
It's been a week na ata when I received a familiar dm sa twitter as in tagal ko na di gaano active dun sa account na yun, padalaw dalaw lang pag may random rants ako na hindi ko masabi sa tumblr dun ako tumatakbo kasi wala naman may kakilala sakin dun.
So, eto nga mabalik. Familiar na to si guy na nagmessage sakin Nov 2022 pa last year na convo namin na he wants us to be friends. Friends lang naman and magkafollow kami sa twttr so basically no harm.
Then, niyaya niya ako na lumabas like date. Pero tinanong ko anong intentions niya kasi alam ko sa sarili ko di pa talaga ako ready sa kahit ano. Yung katawang lupa at kaluluwa ko di ready.
Tiyaga ni koya magreply ng mabilis sa message ko samantalang It took me hrs or mins. bago magreply (di nga ako active sa twitter).
Pumayag naman ako as long as FRIENDLY DATE hanggang dun lang. So, will see if magwowork out or hindi.
Tska bakit kasi kayo nagsisidatingan pagbroken ako ha. Late na late kayo. Darating pag di hinahanap.
5 notes · View notes
ariesinwanderlvnd · 2 years
Text
Thank you, 2022! Tara, 2023!
Life can sometimes seem so fast talaga and minsan it can be reaaaally slow. Di ako makapaniwala na tapos nanaman ang isang taon. I don’t have anything in mind to say kaya kung ano nalang maisulat ko ang ilalagay ko dito.
What I felt about 2022, naubos talaga ako. I’m the type of person na (I feel), always composed pero earlier palang ng 2022, naputol na ang tiyaga ko. Ayaw ko na sana maalala nangyare pero kasi ang path to peace is being okay what happened in the past. So ayun, binantaan papatayin ng sarili kong Nanay ang empleyado namin dahil sa wrong information na nakuha niya sa chismis. Imagine that? It excruciatingly painful yun para sakin. Of course that eventually led sa decision ng Papa ko na umalis nanaman na bahay. At ako eventually also decided to leave ng bahay. Umalis nako ng bahay noon kasi I felt kailangan ko na isave ang pangarap ko maging CPA. While I was in Baguio and stayed there for 4 months, nagreflect ako mabuti as to where I want to go and want to do. Completely lost na kasi ako talaga at that time. Akala ko makakapag review na ako mabuti pero kailangan ko narin harapin yung possibility na this could be really over for me sa journey ko sa pagiging CPA. Before 2022 ko pa naramdaman na parang I’m done already pero tinry ko parin iworkout. So nagdasal talaga ako na mabigyan ako ng direction and dream ulit. After continuous na prayer at reflection, I decided na mag abroad. Most of the year, eto yung inasikaso ko at ginawa ko talaga best ko para malakad mga papers ko. Asang-asa na rin ako makaalis by December sana kaso maaga ko rin nalaman na delayed ang alis dahil sa gipit na ang deadline ng school. I was kind of dismayed. Bakit ganun? Sobra nako nag suffer pero wala parin. Pero delay lang naman so there’s HOPE parin naman.
What also disappoints me yung how manipulative ang Papa. I thought he was very supportive para makapag abroad ako pero sinuportahan lang ako para sa kanyand devious plan para ‘mabuo’ ang family namin. Gets ko naman pero the more he force us to be united again, the more lang na nasisira. Nakakainis yung pa-victim type of attitude and all that. Disappointed talaga ako sa parents ko in general. Kahit na financially nila ako sinuportahan sa lahat hanggang sa pag aabroad ko, disappointed ako in a sense na after all these years na nag aaway sila, sakanila parin centered ang problema. What I mean is that, after all these years nga, ano pa ba ang importante, sino manalo sa conflict na ginawa nila or ang well-being ng family namin? Well, lo and behold, gusto parin nila manalo yung sarili nila sa conflict. Kaya I don’t believe we are way near of fixing this. Samahan mo pa ng pakialamera(ro) na kamag anak. I feel they destroyed my joy ko sa learning. So much pain talaga.
May mga time na bago ako matulog, napapaiyak nalang ako kasi ang gulo-gulo ng buhay ko. Sometimes I ask, will I still make sense of this? With all these being said, I acknowledge naman na I am not alone. Lahat ng tao nag struggle ngayon taon. Suffering per se is relative. Ang pinaka challenge talaga dito, how do you keep the faith in God? How do you still keep your values in tact amidst all the suffering? Kinakabahan din ako. Ayaw ko rin naman igive up mga values ko para lang makuha ko gusto ko. I guess, 2022 is still not my time. Not my chance. Not my biggest break. 2023? I’d like to believe na maybe eto na pero I also want to make a decision every single day to decide what’s best for me and let go of the things na kailangan at hindi naman importante.
Prayer
Lord, what a great year. I know, sounds sarcastic pero what constitutes a ‘great’ year po ba? Hindi naman po necessarily buong taon happy and successful diba? We could be great kasi we survived another year. And with that po Lord, thank you! I couldn’t say that or emphasize that enough. I don’t know what this year will bring but as long as we always have that faith, we’ll be okay. Lord, strengthen my faith pa po. Sometimes I do feel like I’m on the brink of giving up already. Grant us always your wisdom. May we live in peace and with all the humility. Amen.
4 notes · View notes
justeulaalleah · 2 months
Text
Tumblr media
Bryanel,
Lagataw,
Mahal,
Babe,
Bb,
Maligayang kaarawan! Salamat sa pagpapaiyak sakin sa kakatawa sa mga corny mong jokes, sa pag-aalaga, sa pag intindi, sa pagmamahal sa akin at maging sa mga tao sa paligid ko.
Minsan iniisip kong masyado nang huli para makilala ka. Dalawang dekada at walong taon na ang lumipas. May kanya kanyang buhay at mga gawaing pinagtuunan ng pansin sa mga nagdaang taon. Mas gugustuhin kong makilala ka ng ilang taon na at makasama. Masaya ka sigurong maging kaklase nung high school. Aktibong estudyante ka rin kaya? Madaldal ka din ba sa klase tulad ko? Ano kaya ang suot mo nung prom? Ilan to sa mga tanong na minsan kong naisip, sa kakaisip na sana ay mas maaga kitang nakilala. Pero tunay na may tamang panahon ang Diyos. Na ibinibigay niya ang kailangan at gusto ng ating puso sa panahong itinakda niya. Itinakda niya na makilala kita sa panahong sinubok na tayo parehas ng buhay, ng mga kabiguan o ng maging mga saya, ng mga pagkakataong pinadama sa atin na hindi tayo kamahal mahal. Pinatibay tayo ng mga panahong ito, at sa tamang oras, pinagtagpo niya tayo sa panahong hindi natin inaasahan. Araw-araw akong magpapasalamat sa pagmamahal mo. Sa pagiintindi, mas lalo sa mga panahong may mga pangamba at lungkot.
Salamat dahil araw-araw mong pinapatunayan na ikaw ang isa sa mga tamang desisyon ko sa buhay, na ang pag-ibig ay tunay na mapagpalaya. Salamat sa araw-araw na pagpapaalala sa akin ng kabutihan, ng ibig sabihin ng kasayahan, pag-asa, pagpapakumbaba, pagkakaibigan at respeto. Paano kaya ako kung hindi kita nakilala? Marahil hanggang ngayon naniniwala pa din ako na hindi ako para sa pag-ibig. Na walang sinumang kakayaning yakapin ang mga pagkakamali at pagkululang ko.
Salamat, taw. Dahil naging malakas ka sa mga nagdaang taon at nananatili kang malakas hindi lang para sa sarili mo, kundi para sa akin din. Ikaw ang lakas ko, ang suporta, at hindi ko man mapantayan ang pagmamahal at pag-aalaga mo, sisikapin kong araw-araw na maging totoo, mabuti, malakas, at mahalin ka sa paraang kaya kong ipakita. Sayo, ako ay malaya, puno ng kapayapaan. Masaya, hindi takot na maging takot, hindi takot na mahusgahan.
Araw araw akong proud sa sipag at tiyaga mo at siguradong proud din si tatay at nanay sayo.
Lagi mong tatandaan, na mahal na mahal kita at lagi kong ipinagdarasal na lagi kang nasa maayos na kalagayan.
Marami pa tayong bundok na aakyatin, mga ilog na lalanguyan o kahit ano pang parte ng mundo, lalakbayin natin nang magkasama.
Maligayang kaarawan mahal ko. Para sa ika dalawampu't walo, masaya akong, ako ang kasama mo.
0 notes
cxzmonica · 8 months
Text
Tumblr media
Salamat sa pag aalaga at pag-iintindi sakin. Mag iisang linggo na akong may sakit, pero ang tiyaga tiyaga mong alagaan ako🫶🏻 Sana gumaling na ako para makapagtrabaho na at simulan mga plano natin. Mahal na mahal kita 💘
0 notes
benefits1986 · 9 months
Text
Growing in Love
It still surprises me to get a good number of special requests that lean on love advice. Super curious, to be honest.
Being single for quite some time by choice has been in my flow, so whenever my tiny KAMUSTA turns into a love advice from me sesh, I always say this bit since ayokong maging mema lang. However, I guess the empath and curious critter who's perpetually bored me is something worth their while? So, let me share some of the story snippets that I came across with the recent months and years.
Case 01: DINK Couple XX confessed that XY reminds her a lot of her dad. LOL. Asking me how to manage. I told her that based on studies, XX are attracted to XY that resemble their fathers no matter how much they veer away from it. I told her that she's most likely gonna do fine because while the hub is kinda like his dad, the hub is definitely an upgraded version naman. LOL. Case 02: Stay at home Moms with Kiddo XX shared that they miss their career lives but they want to be the mom who looks after their kids. LOL. Tawang-tawa ako pero I cry with them, too. Being a stay at home mom is lambasted kasi nga, housewives are but "liabilities" instead of "assets" who are invisible just because wala silang ambag sa finances ng bahay. Gigil pa rin ako because studies show that being a housewife is unpaid labor and usually keeps the husband's peace of mind. LOL. Close ko rin kasi mga hubs netong mga 'to kaya untog sa toilet bowl sessions ako with them hubs 'pag may tamang tiempo. :p The thing is that it's not easy to raise a family especially during this dystopian, hyperinflated era HOWEVER, it takes a partner in crime to walk through the fire and dance on ice. I know that it's not easy, but, sabi ko nga: Mag-usap kasi kayo. 'Yun lang talaga ang tamang paraan at tanging paraan para 'di kayo nagaaway ng walang sense. LOL. Case 3: Boomer Couple; Empty Nest Eto yata favorite ko. LOL. As a "fave ng parentals" I look after some parents na na-turnover sa akin because... ayun na nga. 'Yung kung kailan tumanda, saka isip bata. Kung kailan wala ng masyadong challenge sa raising a family, doon pa naiisip maghiwalay. Hahahahahaha. Malimit dahil sa mga FB-related shitzummmzhhhh pa. So, syempre, kamustahan turned MMK sesh na naman po tayo. Sabi ko naman is mahirap talaga 'pag walang problema, kasi naghahanap lang butas sa dapat wala namang butas na paganaps like bakit ang kulay ng pintura ay hindi naayon sa gusto nila. O kaya naman, kesa maghanap ng bagong trip, todo iringan sa mga walang sense na pagtatalo tulad ng ulam at pag-like sa mga random FB posts with AI and fake news. May time pa na sabi ko, mag-stay muna sa akin para makapag-isip kesa maglayas kasi for sure naman, babalik din sa bahay nila lalo 'pag may handicap 'yung isa. Ayun. LOL. Wala sa pagiging active 'yan sa church kasi, mhie, ang totoong church ay people and how you manage them.
Case 4: To Propose or Not to Propose Paps Reasons for not proposing sa long term relationship: walang pambili ng 1C diamond ring, walang pang-grand wedding, walang funds for the married life. Millennial na borderline Gen Z so nahataw ko since wagas ang kahambugan. 'Di kailangan ng grand wedding and even the fucking ring to be honest. Sobrang ugh lang kasi napaka superficial na talaga ng wedding to the point na nagiging show na lang siya kesa part of a tradition na honestly, questionable din naman ang historicity kahit saan mong banda sipatin. 'Yung engagement ring na 'yan, may ilan na akong nakitang pagsosolian, pagbebenta kasi 'di na natuloy at iba pang horror stories. Wala rin namang problema if may grand wedding or ring KUNG kaya at gusto. Pero kung para lang siya sa show and to keep up with the Kardashians, jusq. Tumigil na kayo. 'Yung walang funds naman, sa tingin ko, lahat naman, puwedeng magsimula sa super basic. Apartment. Townhouse. Commute. 'Di siya madali pero if gusto niyo talagang mag-start ng married life, mag-tiyaga at mag-adjust kayo kasi masarap makitang mag-grow kayo at mag-grind para sa bawat piraso ng gamit na pinagtulungan ninyo. I guess I got this from my parentals, too. 'Di kami sagana pero sila 'yung testament na kaya naman. Titiis nga lang talaga. And hindi based sa dami ng meron ka at wala ka ang tunay na diwa ng pagkakaroon ng pamilya.
Case 5: Single Ladies na Waiting in Vain Lagi kong sabi: Go for quality. Alamin mo na agad red flags, green flags and beige flags. Lapagan mo na rin 'yung kung sino mang kalandian mo para tapos na agad. Hindi 'yung date to put the best foot forward, tapos nganga. Talk about important items like trabahong bahay, finances, at iba pa. No point in beating around the bush. Sinong maglalabas ng basura? Sinong magpapaligo sa mga aso or sa mga kids? Sinong magiging alipin? CHOZ. Sinong magiging breadwinner or magiging double income ba ang household. Also, single ladies who are independent usually come off as intimidating pero I firmly believe that if a man's intention is pure, matatawid niya 'yan kahit ano pang mangyari. Period. Pero syempre, parang chess game 'yan, medyo padamahin naman nung single lady na independent para magka-window din 'yung kabilang party. Hahahahaha. Shemay. Saka, pinaka hate ko 'yung "expiring soon" na comments ng mga lalaki at babae sa age na mid or late 30s. LOL. Ako lang siguro 'to pero recent studies show that women are better off to give birth during their mid to late 30s because not only are their bodies prepared, 'yung mental health nila are more mature. :P I've seen friends na 30+ nag-anak, and generally, they cope better and go back stronger faster. Marami pang cases kaso nakakatamad na isulat for now. Saka na. Sa tamang panahon. CHOZ.
With these cases, I just want to let it out that falling in love is actually a big ass fallacy that's marketed so well. Let's talk about growing in love naman! It's not about the kilig, the fuzzy feeling, the aching lang e. In this dystopian, hyperinflated world, it's all about tackling hard questions together, forever. LOL. It's finding peace together amidst the chaos. It's all about listening and sharing vulnerabilities para mas magets kung ano ba talaga at anong puwedeng gawin at 'di puwedeng gawin. It's saying yes when saying no is easier and more convenient. It's saying no when saying yes is the fast way to tap out and shut out. It's about allowing growth from within together and apart. It's about two people striving to be the better versions of themselves, first and foremost. It's about the ability and willingness to confidently and humbly say: I WANT TO MARRY ME SO I CAN MARRY YOU. :D Luh. Hahahaha. Sabi nga mga babaeng matatapang sa buhay ko like mom, my lolas na nagsoli ng engagement rings nila: Kung 'di ka sasaya at magiging mas mabuting tao, 'wag na lang. LOL. Syempre, dapat vice versa 'di ba? Ano ba 'yung "sasaya"? I guess ito 'yung kahit pagod ka, kahit inis ka, kahit ayaw mo na talaga sa life, pipiliin mo araw-araw 'yung kayo kasi gusto mo, kaya mo at kailangan mo. Respect first. Love second. Ako lang naman 'yan as a single person for quite some time.
0 notes
notaldren · 11 months
Text
Hello sa mga invisible na nag babasa nito. 😊
Sorry tumblr madalas malungkot o rant ang mga sinasabe ko sayo. Edi simulan ko na.
Umagang umaga umiiyak ako, pano ba naman kasi nakita ko sa tiktok yung picture ng UP Diliman, pangarap ko talaga mag aral doon kahit IMPOSIBLE, tuwing pupunta ako doon naiiyak ako naaalala ko kasi yung unang tapak ko sa unibersidad ng pilipinas pakiramdam ko safe ako nung unang maamoy ko ang UP unang mahawakan ko ang mga lumang gusali at puno. Pinangarap ko makapag kolehiyo sa UP sa kursong Theater arts or related doon o di kaya masscom. Kaso dahil na din sa kakulangan sa lahat ng bagay hindi ako nag college. Ngayong araw bumalik lahat ng ala-ala lahat ng sakit lahat ng iyak pag katapos ko grumaduate ng senior high. Palagi ko padin binibisita ang UP mag-isa. Mahal ko ang lugar na yon kahit hindi ako kabilang doon. Masaya lang mag lakad doon lalo sa sunken garden na sobrang merong special place in my heart. Sabe ng iba kalimutan mo na masyado kang ma drama, pero paano nga ba kalimutan ang pangarap na di natupad, paano ba isipin na okay lang yon kahit hindi naman talaga. Tuwing makakakita ako ng tao na graduate sa paaralang iyon, napapa ngiti ako at sinasabe sa isip ko na salamat sa sipag, tiyaga, dedekasyon nag makapag tapos sa paaralang pinangarap ko, maraming salamat sa magulang mo dahil sa suportang binigay nila sayo. Grabe na iyakkkk ko habang tinatype to. Main reason bakit gusto ko mag aral doon kasi gusto ko sa mundo sa media(showbiz) gusto ko talaga mag artista and naniniwala ako na ayon yung way at doors para sa dream ko. Pero baka may ibang plano si Lord sakin na hindi ko pa lang natutuklasan. Hindi padin susuko tuloy sa laban. Bawi tayo bukas Aldren habang gumigising ka araw araw may pag-asa bumawi at itama ang lahat. Naniniwala ako sayo. ❤️❤️❤️❤️❤️👍👍👍👍
0 notes
polinsamsz · 1 year
Text
Tumblr media
Pagbisita sa mga Galeriya at Pasilidad ng Sining sa Baguio City.
Ako'y may masasayang alaala mula sa aming paglalakbay sa Baguio City kasama ang aking mga kaklase at aking minamahal na lola. Ito ay isang kakaibang karanasan na hindi ko malilimutan dahil ito ay puno ng mga alaala at mga bagong kaalaman.
Ito ay naging memorable sa amin ng aking mga kamag-aral sapagkat aming nasaksihan ang magandang kalangitan at napakalamig na klima sa Baguio City. Kami rin ay naka salamuha ng mga iba't- ibang lahi katulad ng Americano, Koreano, at Nigerian na kumukuha ng mga magagandang litrato.
Tumblr media
(Kuha mula sa Inquirer.net)
Sa aming pagdating sa Baguio, una kaming bumisita sa Burnham Park. Ito'y isang magandang lugar na puno ng mga bulaklak at puno ng mga kakaibang halaman. Dito, kami ay nag-rent ng mga pedal boat at naglakad-lakad sa paligid ng Burnham Lake. Kami rin ay nakabili ng mga pasalubong na maaari naming maiuwi. Ang pagmamasid sa mga iba't-ibang uri ng halaman at ang preskong hangin ng Baguio City ay nagbigay sa amin ng kalakasan upang harapin ang mga darating na araw.
Tumblr media
(Kuha mula sa Lakad Pilipinas)
Sa simula ng aming paglalakbay, nakita namin ang malupit na hagdan patungo sa Grotto. Napansin ko ang mga tao na naglalakad paakyat, may mga nagdadasal at mga malalim na pagmumuni-muni. Ipinaramdam nito ang kahalagahan ng pook na ito sa mga debotong Katoliko.
Habang kami ay patuloy na umaakyat, mas lumalalim ang aming pag-unawa sa kasaysayan ng Our Lady of Lourdes Grotto. Sa ilalim ng makulimlim na kalangitan, ibinahagi ng aming gabay ang kuwento ni Santa Bernadette Soubirous at ang pag-iral ng birheng Maria sa kanyang mga pangarap. Ito ay naging inspirasyon para sa amin na magpatuloy sa aming pag-akyat.
Tumblr media
(Kuha mula sa Baguio.ph)
Noong unang pumasok kami sa strawberry farm, ako'y agad na namangha sa makulay na tanawin. Napakaraming puno ng strawberries ang naglilining sa aming harapan, may mga namumunga na may kulay-pula at berde na mga strawberries. Naramdaman ko ang kakaibang kasiyahan sa pagtunton sa ganitong kalikasan.
Sa pamamagitan ng tour, kami ay nagkaroon ng pagkakataon na mas mapalapit sa mga magsasaka at mga eksperto sa strawberry farming. Ako'y nagtaka sa kanilang kaalaman at dedikasyon sa pag-aalaga ng mga tanim na ito. Tinuruan nila kami kung paano nangangalaga ng mga strawberries, mula sa pag-aani nito hanggang sa tamang paraan ng pag-irog ng lupa.
Isa sa mga pinaka-memorable na bahaging tour ay ang pag-ani ng mga strawberries mismo. Ito'y isang masusing gawain na nangangailangan ng tiyaga at tamang pagsunod sa mga hakbang. Nakakatuwang isipin na kami, mga mag-aaral, ay nakasubok ng ganitong uri ng trabaho.
Tumblr media
(Kuha mula sa Baguio City Guide)
Sa pagsapit ng gabi, naglakad kami nang maayos kasama ang aming mga guro, habang tinitingnan ang mga tindahan at nag-aalok ng kanilang mga produkto. Habang ako'y naglalakad naramdaman ko ang lamig ng hangin na dumaramay sa aming katawan, na nagdala ng komporta at kasiyahan.
Naging espesyal ang gabi dahil sa mga pagkakataon na nakapag-usap kaming mga lokal na tindero at tindera. Natutunan namin ang kanilang mga kuwento at karanasan sa pagnenegosyo. Nakakatuwang malaman kung paano nila inaalagaan ang kanilang mga negosyo sa gitna ng masalimuot na panahon.
Habang ang aming paglalakbay sa night market ay nagpapatuloy, hindi ko maiwasang mapabighani sa mga kagandahan ng mga tanyag na produktong Baguio City tulad ng nga bulaklak, strawberries, mga masasarap na pagkain at iba't ibang klase ng gulay. Kami rin ay nagpasya na mamili ng maaari naming maipasalubong sa sa aming pag-uwi. lpinapakita nito ang yaman ng agrikultura ng lungsod na ito at ang kahalagahan nito sa buhay ng mga taga- Baguio.
Tumblr media
Ang tour na ito ay hindi lamang tungkol sa mga halaman at bulaklak, kundi pati na rin sa mga kuwento at kasaysayan ng lugar. Sa pamamagitan ng mga tour guide, nalaman namin ang mga kwento tungkol sa mga indigenous na kultura na nag-aambag sa pagpapalaganap ng kagandahan ng Botanical Garden. Ito'y isang mahusay na pagkakataon na maunawaan ang kasaysayan at kultura ng mga taong naninirahan sa lugar na ito.
Bilang isang mag-aaral, natutunan ko rin ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan. Ang Botanical Garden ay isang halimbawa ng kung paano dapat alagaan at protektahan ang mga natural na yaman ng ating kalikasan. Naging inspirasyon ito para sa akin na maging mas responsable sa aking mga gawain at magtulungan upang mapanatili ang kalikasan sa kanyang maayos na kalagayan.
Tumblr media
Sa huli naming destinasyon sa aming paglalakbay kasama ang aking mga kamag- aral at ang aking mahal na Lola, kami'y nagtungo sa Wright Park sa Baguio City. Ang paglalakbay na ito ay puno ng mga kasiyahan at mga masasayang alaala na hindi ko malilimutan.
Sa Wright Park, isa itong malawak na lugar na puno ng mga puno at makukulay na mga bulaklak. Sa mga pader ng parke, makikita mo ang mga naglalakihang mga ukay-ukay na nag-aalok ng iba't-ibang mga produktong souvenirs. Kasama si Lola, kami ay naglakad sa mga mala- dalampasigang daanan ng parke.
Nakasagap din kami ng kaunting kasaysayan tungkol sa lugar. Natutunan namin na ang Wright Park ay isa sa mga kilalang parke sa Baguio na itinatag noong panahon ng mga Amerikano. Ito'y pinanatili at pinahahalagahan bilang bahagi ng kultura at kasaysayan ng lungsod.
Sa pag-alis namin sa Baguio City, puno ako ng pasasalamat. Ito'ly hindi lamang isang simpleng paglalakbay, ito'y isang pagkakataon para magbukas ng puso at isipan sa mga karanasang puno ng kasiyahan, pag-aalala, at pagmamahal. Ang Baguio City ay nag-iwan sa amin ng mga alaala na mananatili sa aming puso habang-buhay.
1 note · View note
nice2meetyouu · 2 years
Text
Summary: Lots of drama.
"Akala mo kung sino, wala namang napatunayan."
Sabi ng nanay ko sometime noong college ako.
'Di ko na maalala bakit. Probably hindi ko nahugasan AGAD 'yung pinagkainan or hindi ako AGAD nakauwi sa bahay. Or something na related sa gawaing-bahay.
'Di ko naman usually iniisip 'yung mga nangyari pero pag may isang trigger, parang mabubuksan 'yung pandora's box na naglalaman ng karamihan sa mga sinabi ng nanay ko mula noon.
I'm so tired.
Natatawa ako, noong release ng PLE results, naiiyak pa 'yung ibang kamag-anak namin, proud na proud.
Mas natutuwa pa 'yung ibang tao sa akin, mas naaappreciate pa nila ako. Siguro kasi hindi nila ako kasama sa bahay. I've always felt na mahirap akong kasama sa bahay or sa buhay. Akala mo ang tamad-tamad kong tao.
Akala mo, salot sa lipunan.
Sa school, ospital, at sa inaaplyan kong kung anu-ano, madalas na lang akong nasasabihang kulang sa confidence. Paano magiging confident kung mula noon lagi namang may nangda-down sa 'yo?
"Ampangit ng gawa mo!"
Sabi ng nanay ko noong grade 5 ako.
Marami pang iba. Pangit mukha ko, tigas ng katawan, 'di marunong kumanta... lahat na lang ng pwedeng ibato.
Graduation na lang noong high school, pinupuntirya pa niya 'yung isang particular na grade ko sa ibang subject. Umiyak ako nang sobrang tagal no'n, sa harap ng mga kamag-anak namin na pumunta para maki-celebrate. Sabi niya, "Ano bang iniiyak-iyak mo? Nakakahiya ka!"
Bakit, may iba bang graduate ng science high school sa pamilya? May iba bang nag-aral sa UP dito? Wala.
Sana enough proof ng grit, sipag, at tiyaga 'yang academic achievements at extra-curricular activities ko sa buhay. Pero wala lang 'yan lahat sa harap ng mga gawaing-bahay na hindi ko nagawa o nagagawa.
Maraming beses, gusto ko na lang mamatay, mawala na sa earth, para hindi na masakit, para hindi na ako mamroblema. Kasi sobrang daming sinasabing kung anu-ano ng a certain someone sa tuwing may aberya.
"Akala mo nakakatuwa ka?"
Tingin mo ba, clown ako? Nag-eexist para matuwa ka?
Bukas nyan, hindi nanaman kami magpapansinan.
'Yung nanay ng friend ko, gusto raw akong i-adopt. Hahaha. Siguro joke lang 'yon pero nakinood pa nga sila ng graduation eh. Every milestone nakiki-celebrate. Maki-rent na lang kaya ako sa bahay nila? Baka may isa pang pinto.
Pero siguro next year, makakahanap na rin talaga ako ng lilipatan.
11 notes · View notes
sariling-paraluman · 1 year
Text
Sige
Kung ayaw mong sumalita e di sige ikaw ang masusunod
Kasi ako'y pagod na sa pag intindi ko
Kung gusto ng estranghero sa bahay mo mismo
Sige. 'Wag tayong mag-usap
At alam ko, kung ikaw ang may gusto ikaw dapat ang hahabol
Walang tiyaga, walang nilaga
Pero diyos ko, nais ko na minsan naman ikaw ay lalapit
Tanongin mo ako ukol sa pinapanood ko
Ayokong mag labas ng tunay na damdamin
Para lang sirain
0 notes
endlessain · 1 year
Text
Tumblr media
Pag may tiyaga, may nilaga.
#WednesdayWindangWords
0 notes
martyvoice · 1 year
Text
CVAP WEEK 3 BLOG
Hello! Ok game 3rd week na pala noh. Grabe and bilis lang. Siguro ganun talaga pag nag eenjoy ka sa ginagawa mo noh?
O sya sya simulan ko na ang kwento ko.
Ang trainer namen ay si Miss Janeanne. Grabe ang galing niya! Sobrang naispire ako sa kwento niya na recently ay isa na syang fulltime voice artist (naks!). Pero hindi biro ang pinagdaanan niya ha? Kwento ni trainer Janeanne, nung nag sisimula pa lang daw siya ay madami siyang pinasang audition kaso walang kumukuha sa kanyang client. It took her 8 months and hundreds of auditions para maka sungkit ng client. Talagang tama ang ang kasabihan na pag may tiyaga may nilaga. Oo na sige na, gasgas na kung gasgas ang kasabihan na to, pero totoo na talagang karamihan ng bagay na gusto naten ay madadaan sa tiyaga.
Tinuro din pala ni trainer Janeanne ang tungkol sa voice care. Ilan sa mga tips niya na naalala ko ay ang pag gargle ng maligamgam na tubig na may asin. tapos dapat daw hinay hinay lang sa mga dairy products at mga bisyo mga at least 15mins bago ka mag recording or magrecord ng dub.
at isa pang tinuro ni trainer Janeanne ay ang pag practice ng tongue twisters everyday hanggat kaya.
Okay punta na tayo sa 2nd half ng training.
Mga testimonials ng mga members ng previous batch ng CVAP ang napagusapan sa training. Sobrang inspiring ng mga kwento nila kaya lalo akong naging excited na matapos na ang training, maka graduate at magsimula ng mag join sa mga projects ng CVAP kung papalarin at mabibigyan ng opportunity.
Pa intense na ng pa intense at mas nagiging exciting na ang mga ganap sa training kaya as usual, sobrang looking forward na ako sa week number 4!
Ok hanggang dito na lang muna tayo at antok na ko. HAHA
Salamat kung tinapos mo tong basahin hanggang dulo at kita kita sa pagbabasa ng 4th blog ko nxt week.
Hanggang sa muli, paalam!!
0 notes
jayann23 · 2 years
Text
Pag-asa
Tumblr media
Ako ay bunsong anak sa tatlong magkakapatid at ang natatanging babae. Tinuturing na "huling pag-asa" ng aking pamilya. Bukambibig ng aking mga magulang na ako ang kanilang natitirang ilaw na iniingatang hindi na mapundi pa. Dahil sa angking kakayahan at tiyaga, inaasahang tatahak sa “landas” na pinili nilang hindi daanan, pinili nilang likuan, pinili nilang takasan. Ang “landas” na tinuturing tamaang daan tungo sa kaunlaran. Ang hindi nila alam ay tinatahak ko ito ngayon ng puno ng kalituhan at kalumbayan. Ang tahimik kasi ng daan. Ang hirap pala maglakbay sa landas na ito nang nag-iisa at walang kasiguraduhan. Wala man lang mapa o bakas ng mga paa na pupwedeng sundan. Oo nga pala… wala talagang maiiwang bakas dahil ako ang kauna-unahan sa pamilyang tatapak sa landas na ito. Ako kasi ang tinuturing na “huling pag-asa”. Ang magtutuwid ng mga gusot na iniwan ng mga nauna–ng mga kapatid ko. Bawal na magkamali. Bawal nang sumuko. Bawal na ring maglaro. Ako kasi ang huling pag-asa. Ang magiging kauna-unahang magkakaroon ng propesyon na may karangalan. Ang una’t huling maghahandog ng karangalan sa aming hapagkainan. 
Ang "huling pag-asa". 
Ano ba namang kabalintunaan 'to. Lingid sa kanilang kaalaman na ang tinuturing nilang "huling pag-asa" ay nawawalan na ng pag-asa.
1 note · View note
dan6085 · 2 years
Text
Ang Shikata ga nai ay isang salitang Hapones na nangangahulugan ng "it can't be helped" o "wala tayong magagawa tungkol dito." Ito ay karaniwang ginagamit sa mga sitwasyon kung saan mayroong problema o kahirapan, ngunit walang malinaw na solusyon o paraan upang maayos ito.
Sa kultura ng Hapon, ang konsepto ng shikata ga nai ay malalim na nakatanim, at ito ay nagpapakita ng ideya ng pagtanggap ng mga bagay sa kanilang kasalukuyang kalagayan at paghahanap ng kapayapaan sa kabila ng mga mahihirap na sitwasyon. Ito ay isang paraan ng pagkilala na mayroong mga bagay na hindi natin kontrolado, at kailangan nating matuto na mag-adjust at gumawa ng pinakamabuti sa ating mga kinalalagyan.
Isa sa mga dahilan kung bakit malaganap ang shikata ga nai sa kultura ng Hapon ay dahil sa kasaysayan ng bansa. Noong ikalawang digmaang pandaigdig, ang mga Hapones ay naranasan ang hirap at paghihirap, at kailangan nilang matutunan ang pagtanggap at pag-adapt sa mga limitasyon at kahirapan ng kanilang kinalalagyan.
Sa kasalukuyan, ang shikata ga nai ay isang mahalagang konsepto na maaaring magbigay ng kahulugan at kalma sa ating buhay. Sa kabila ng mga hamon na hinaharap natin, mahalaga na matutunan nating magpaka-tiyaga at maghanap ng solusyon sa mga bagay na kontrolado natin, habang nagpapakumbaba at nagtitiwala na may mga bagay na hindi natin kontrolado. Sa ganitong paraan, maaari tayong magkaroon ng isang mas malawak na perspektiba at maiwasan ang stress at pagkabalisa.
Tumblr media
0 notes
carl-11 · 2 years
Text
Lakbay para sa pangarap
Ang Baguio ay isa sa mga sikat na pasyalan dito sa pilipinas. Hindi natin maipagkakaila na marami ang nahuhumaling at maraming gustong makapunta rito. Sa bawat ihip ng hangin, damang-dama ang saya ng puso at damdamin.
Tumblr media
Hindi ko maitatanggi na naging masaya ako sa lugar na ito. Sa baguio ko lang naranasan mapahinga ng husto ang aking mental na kaisipan.
Tumblr media
Hindi ako pumuntang Baguio para maglibot, nagpunta ako dito para suriin at makita ang aking pinapangarap na unibersidad na gusto kong pasukan. Maraming nag sasabi na mahirap mag-aral sa paaralan na ito, ngunit ako ay naniniwala sa kasabihan na "Kapag may tiyaga, may nilaga."
Tumblr media
Kasama ko ang aking mga kaibigan mag-hanap ng unibersidad sa Baguio. Pinili namin ang lugar na Baguio dahil alam namin na dito namin lalong maaayos ang sarili namin at matututo mamuhay ng mag-isa.
Tumblr media
Hindi rin ako nagpahuli sa isa sa mga sikat na destinasyon sa Baguio. Ang burnham lake ay isang makasaysayang urban park na matatagpuan sa bayan ng Baguio, Pilipinas. Dinisenyo ito ng eponymous na Amerikanong arkitekto at tagaplano ng lungsod ng Baguio, si Daniel Burnham. Isa sa nagpaganda dito ang presensya ng lugar at ito ang lawa ay tinatawag gawang kamay.
Tumblr media
Marami akong natutunan sa paglalakbay ko sa Baguio. Mas lalo akong naging maalaga sa ating kapaligiran dahil sa pag-akyat ko dito. Maganda ang tanawin at kapaligiran sa Baguio kaya lalo akong nahumalik na ingatan lalo ang kapaligiran lalo na sa aking sariling lugar. Sobrang saya ng paglalakbay na ito, hinding hindi ito mabubura sa memorya ko. Makikita mo sa lugar na ito kung gaano kabait ang mga tao, kaya hindi mo maikakaila kung bakit ito ang isa sa mga binabalik balikan ng tao
1 note · View note