Tumgik
#pagsagka
yojzky · 3 years
Photo
Tumblr media
Sundate hike💖😁🏞💜 #15082021 #Pagsagka #Tukadon #PagalManAnTabay #BushWalk #CoupleGoals #MundyRegionalPark (at Mundy Regional Park) https://www.instagram.com/p/CSlfMNvJQzqOQvFH3r9vPjT-eZGlMkc2P5-Rp40/?utm_medium=tumblr
0 notes
sabogdiaries-blog · 8 years
Text
Mapanghating Asignatura
Anong paborito mong subject? Math? Filipino? English? Science? Bakit mo ito naging paborito? Dahil ba sa magaling ka sa asignaturang ito? O dahil ang naging guro mo? O dahil interesado ka sa mga lessons na nakapaloob dito?
Kung ano man ang sagot mo, alam kong may iba’t ibang dahilan tayo kung bakit natin nagugustuhan ang isang asignatura. Ganunpaman, sa aking palagay, may mga pagkakataon na nahahati tayo dahil sa mga asignaturang ito. Sa perspektiba ng isang guro, may iba’t ibang larangan tayong pinagkadalubhasaan. Ibigsabihin, sa mahabang panahon, gumugol tayo ng maraming oras upang mamaster ang ating sabjek. Ibigsabihin, anumang sulok ng aralin nito alam natin. Tayo ang nangunguna sa larangan nito. Tayo ang master. Tayo ang may alam.
Sa kasamaang palad, kasabay nito, para rin tayong mga bilanggo na nakakulong sa mga asignaturang ito. Oo, tayo ay naging espesyalista at eksperto sa partikular na larangan subalit napako na tayo doon. Isang paghahalintulad nito ay ang sobrang pagtitig sa isang bagay subalit nawawalan na ng kakayahang makita ang paligid. Sa madaling salita, pinaliliit natin ang ating mundo dahil masyado na tayong nakatutok sa isang partikular na larangan.
“Ayon kay Felipe De Leon, isang national artist, sa kanyang talumpati para sa Pagtatapos ng mga mag-aaral ng Philippine Normal Univeristy – Mindanao noong 2016, “we became all specialist but all we really need are generalist”.
Pinalawig pa ni G. De Leon ito sa kanyang talumpati sa pagpapaliwanag ng isang halimbawa na mayroong tayong mga doktor para sa EENT o para sa eyes, ears, nose & throat. Inihiwalay ang unang ‘e’ dahil mayroon nang espesyalista sa mata, ang mga optalmologo at optometrist. Nakabibigla na sa kasalukuyan, mayroon pa palang mas espesyalistang doktor para sa kanang mata at para sa kaliwang mata. Nakakatawa subalit totoo. And dapat sana’y tignan natin ito bilang isang buo, dahil lahat ng partikular na bagay ay bahagi ng isang kabuuan. Ganito ipinaliwanag ni G. De Leon na ang bawat larangan o asignatura sa mundo ay magkakaugnay.
Isa pa sa talamak na hindi magandang nagaganap sa loob ng akademya ay ang hindi pantay na pagtingin sa mga asignatura. Sinasabing sa pagpasok ng ika-21 siglo, mas pinahahalagahan na ang mga asignatura sa matematika, agham at ingles. Lahat ng ito ay para sa mas mainam na pagsabay daw natin sa pabilis nang pabilis na globalisasyon. Subalit totoo nga kaya ito? Nakalulungkot na dahil sa dikta ng nagbabagong mundo at pakikibagsabayan sa ibang nasyon, (na siguradong may ibang pangangailangan, kultura, at antas ng kaunlaran) ginagawa na rin ito sa ibang Unibersidad sa Pilipinas. Hindi maikakailang nakatuon ang pansin sa mga asignaturang ito, may kinalaman sa academic freedom, pagbibigay ng badyet at polisiya sa mga paaralan. Isang halimbawa nito ay ang kamakailan lamang na ipinatupad na polisiya ng Philippine Normal University – Manila na ‘conditional passers’. Sinasabi sa polisiyang ito na ang mga mag-aaral na hindi nakapasa sa entrance exam ng Pamantasan ay bibigyan ng pagkakataong makapasok pa rin basta ay hindi sila mag-eenrol sa mga majorship katulad ng Sciences, Math o English. Ang pinapayagan lamang ay mga asignatura sa larangan ng arte, wika, pampalakasan, at araling panlipunan. Malinaw na ito ay isang uri ng hindi pantay pantay na pagtingin sa mga asignatura at isang anyo rin ng pagsagka sa karapatan at kalayaan sana ng isang mag-aaral na makapamili ng tatahaking course lalo na gayong nakapasa naman ang mga ito sa ‘majorship screening exams’ ng mga subject na ito. Malinaw na ang bansa, kaakibat ang iba’t ibang institusyon katulad ng PNU ay nagpapamalas ng maling pagtanaw sa pagpapahalaga ng mga aralin sa iba’t ibang larangan sa loob ng akademya. Ganunpaman, mariin nating nililinaw na wala tayong kahit anong nakikitang masama sa mga asignaturang nabanggit. Ang malinaw na ating kinukendena ay ang hindi pantay pantay na pagtingin ng mga administrador sa mga subject na ito na nagiging giya nila sa kasalukuyan sa pagpapatupad ng mga polisiya.
“Ang lahat ng pag-aaral sa anumang larangan, sa anumang asignatura, sa anumang akademya ay pantay pantay at dapat pinagkakasunduang mahalaga upang patuloy na umunlad ang lipunan” -Agoncillo
Bukod dito, may mas malala pang kinakaharap ang ating sistema ng edukasyon. Kung nakikita nating masama ang pagtinging di-pantay pantay sa mga asignatura, mas dapat din nating kundenahin ang hindi pagbibigay pansin nang kahit kaunti sa mga asignaturang kailangang kailangan sana ng bansa. Isa sa halimbawa nito ay ang pag-aaral ng agrikultura, sistema ng panahon, likas na yaman ng bansa at marami pang iba. Nakalulungkot na walang puwang ang mga asignaturang ito sa kurikulum ng ating basic education. Mababakas natin ito sa ating kasaysayan nang ipunla ng mga Amerikano ang isang kolonyal na sistema ng edukasyon. Kaya naman hanggang sa kasalukuyan ay may epekto pa rin sa atin ang mga impluwensyang ito. Walang masama sa pag-aaral ng Ingles, Calculus, Chemistry, Genetics at iba pa, kahit na hindi pa umaabot ang sistema ng produksyon natin para tuluyang magamit ang mga iyan. Dahil agrikultural ang bansang Pilipinas, mas mainam sana kung pinaglaanan din ng espasyo sa ating kurikulum ang iba pang mahahalaga ring asignatura na sigurado akong kailangan ng bansa sa kasalukuyan.
Lahat ng suliraning nabanggit ay nakaugat sa mas matindi pang problema na hindi madaling pagkasyahin sa isang artikulo. Kung sa pagkakahati hati ng bawat larangan ay nagiging hati hati rin ang mga Pilipino, mas mainam na muli nating repasuhin kung ano ba talaga ang kailangang pagdaanan at pag-aralan ng mga estudyante sa mga eskwelahan. Dahil hangga’t may asaran sa mga opisina ng mga guro kung anong subject ang mas mahalaga, hangga’t may mga lumilinya ng PE ‘lang’ ‘yan o Filipino ‘lang’ binagsak mo pa, patuloy tayong mamumulubi sa kaalaman at maging bulag na nakatitig na lamang sa kawalan ng kamangmangan. Malala ang problema subalit makakatulong sana tayong makabawas lalo na sa mga nagtatrabaho sa akademya. Lahat ay may mahalagang bahagi upang umusad ito. Kolektibong pagkilos ang kinakailangan. Dahil pangarap ko ang isang edukasyong tunay na hinalaw sa masang Pilipino at tunay na para sa masang Pilipino. Sana ay hindi panay mga pangarap lang ito. #
0 notes