Tumgik
#pagtiwala
dendenmazing · 6 months
Text
Thank you, God!! Sa palaging alam mo kung paano ako matututo sa mga bagay-bagay lalo na sa mga mahihirap na gawain. Thank you!! Sa palaging alam mo na kakayanin ko kahit ako lang mag-isa, kahit pa umiyak ako sa'yo sa gabi, kahit pa sabihin ko sa'yo lahat ng mga takot, kaba, anxiety, and overthinking ko. Kahit pa malaman mo yung pag-amin ko na hindi pa rin ganon ka strong yung pagtiwala at faith ko sa'yo at sa buhay. Thank you, God!! Kasi palagi mo ako naiintindihan. Thank you!! Mahal kita palagi!! 🥺🤍
0 notes
maitimnablog · 10 months
Text
Entry 1 - Autumn Wind Story
( pls play the song : D ) ( Lyrics sa ibaba )
Isa ito sa mga paborito kong kanta. Narinig ko ito habang sumasagot ako ng isang pagtatasa at hindi ko na ito matanggal sa playlist ko. Hindi ako makaintindi ng Nihonggo kaya ang tanging nakainteres sa akin nito ay ang malambing na tono ng kanta. Nagbibigay ang melodiya ng pakiramdam o tema ng pagkawala ng bagay. Isang bagay na hindi naman maabot ng iyong kamay. Ang layong layo nitong bagay ngunit inuunat mo pa rin ang iyong braso sa gilid ng balkonahe upang maabot ang bagay na lumilipad nang lumilipad. Sa simula, akala ko na ang kanta ay tungkol sa pag-ibig na hindi binalik o unrequited love. Ngunit nang binasa ko ang salin nito sa ingles kabaligtaran pala ang tinutukoy ng kanta. Tumutukoy ang kanta ng nawawalang pag-ibig at ang kalungkutan na sinasama nito. 
Isang tema na nakakalat sa liriko ay ang pansandali ng taglagas at lahat ng maitulad nito: ang bilis ng hangin, ang paghulog ng dahong naging kulay kahel  “Maybe we won’t meet again… Autumn is a traveler“. Hinahalintulad ng kumakanta ang kaniyang pag-ibig sa hindi maiwasang paglipas ng panahon. Ang simula ay makilala ang kaniyang wakas. “When the sun rays get faint / Our hearts become fragile“. Nang pagdating ng taglagas ay naging delikado (delicate) ang dahon ng puno. “It seems that you blame me / For not holding your hand “ Kapit nang kapit sa sanga ito ngunit nahuhulog pa rin sa wakas dahil sa daloy ng hangin at ang nanghihinang bigkis nito sa sanga. 
Ang mga dahon bunga ng tagsibol ay namamatay nang pagdating ng taglagas. Babalik ang tagsibol sa kinabukasang taon ngunit hindi babalik ang dahong nahulog. “Softly on a walnut branch / I carved small / Your name that the winter / Will cover” At kahit man markahan ang balat ng puno, ito lamang ay tabunan ng niyebe ng taginaw at sa pagdating ng tagsibol ay alaala nalang lamang ito ng lumipas na taglagas. 
“The tree leaves become a sea of tears“  Ngunit nawala na ang pag-ibig ng kumakanta, ang alaala ng lumipas na panahon nang sila pa ay nagmahal sa isa’t isa ay totoong nangyari at ang damdamin noon ay totoong nararamdaman. Ngunit ngayon ay hindi na ito mararamdaman. “Sorry for not being able / To say I love you once again  / Now the wind runs“ Kahit paano man ilagay sa salita ang pangakong mananatiling pag-ibig, walang damdamin o katotohanan ang kasama nito kundi sinungalin.  
“Maybe we won't meet again / Sorry for not being able / To say I love you once again / Look, the wind stops “ 
“ Autumn is a traveler “
“ Dreams are travelers too “ 
Sa kaibuturan, naghahayag ng kanta na ang pag-ibig ay hindi nananatili.  Nagbabago ito nang dumadaloy ang panahon para sa kabutihan man o sa ikinamatay nito. Kung ano ang itinuturing walang hanggang ngayon ay maaaring maging pagkamuhi at inis sa kinabukasan. Subalit ang nadarama noon ay totoo, hindi mapangako na ito ay totoo sa kinabukasan. Walang masasabi ngunit ang hingi ng patawad. Sapagkat ang dahon bunga ng tagsibol ay nahuhulog sa taglagas. 
Ito ang nakuha ko sa liriko ng kanta. 
Habang naghahanap ako ng kanta para sa blog ito napagtanto ako kung gaano kakaraniwan ang temang ito sa ibang mga kanta. Unrequited love, pansamantalang pag-ibig, pagwawala ng mahal, at pamumulaklak ng pag-ibig ay bumubuo sa halos lahat ng mga kanta sa Liked Songs ko sa Spotify. Ngunit hindi naman ito nakakagulat sa akin dahil ang pag-ibig ng isang tao ay binubuo ng karamihang mga emosyon mula galit, kalungkutan, kasayahan, hanggang debosyon. Lahat tayo ay nakaranas na nito sa isang paraan man o iba. Kaya nararapat lamang na ito ang tema ng karamihan sa mga kanta. “ I didnt know corny diay kaayo ka trish ” Alam ko corny itong sinulat ko, ngunit naniniwala talaga ako na isang magandang trehedyang bagay ang pag-ibig ng isang tao. Ang kaniyang saya, debosyon, bulneberidad, at pagtiwala sa ibang tao. Ang kaniyang sakripisyo, kalungkutan, hipokrisyang dinudusa at ang paniniwalang hindi niya nalang lamang tinatanong, ang pinakamagandang tula ng kasaysayan ng tao. At lahat tayo ay parte nito. Palagi akong naintriga nito, kung gaano ba kalayo magpunta ang isang tao para sa kaniyang paniniwala at damdamin? Kung sa relehiyon man, isang konsepto, isang digmaan, o kaya naman sa kaniyang pag-ibig ng isang tao? Mawawala ba ang kaniyang pag-ibig kapag ang kaniyang iniibig ay masama o matutunaw lang ba ito sa pagdaloy ng panahon? 
English Lyrics
When the sun rays get faint
Our hearts become fragile
To the station of Mimosas that come out of the prairie
I hurry to see you off
The wind and the setting sun take me
For the first time
I saw that kind of angry face
It seems that you blame me
For not holding your hand
Maybe we won't meet again
Autumn is a traveler
Who did for you the noise of dry leaves
Maybe we won't meet again
Sorry for not being able
To say I love you once again
Now the wind runs
For not standing on your shadow
I waited for the parting train to come
My chest is full
Softly on a walnut branch
I carved small
Your name that the winter
Will cover
Maybe we won't meet again
Wind is a traveler too
It's a baby's breath swaying in the platform
Maybe we won't meet again
Only memories
Weigh in the heart
Hey, it looks like they break
Maybe we won't meet again
Dreams are travelers too
The tree leaves become a sea of tears
Maybe we won't meet again
Sorry for not being able
To say I love you once again
Look, the wind stops
Japanese Lyrics
日差しがひとつ弱まるたびに
ふたりの心も もろくなるね
草原ぬけてミモザの駅へ
あなたを送りに急ぐ
風と夕陽をつれて
そんな怒った顔を
はじめて見たわ
手も握れない 私
責めてるみたい
もう逢えないかもしれない
秋は旅人
あなたに枯れ葉の音がした
もう逢えないかもしれない
一度も好きと
言えずにごめんね
いま 風は走る
あなたの影をふまないように
離れて電車が来るの待った
胸が一杯
クルミの枝にそっと
小さく彫った
あなたの名前 冬に
埋れてゆくね
もう逢えないかもしれない
風も旅人
ホームにゆれてるかすみ草
もう逢えないかもしれない
思い出だけが
心に重くて
ねえ 折れそうです
もう逢えないかもしれない
夢も旅人
木の葉が涙の海になる
もう逢えないかもしれない
一度も好きと
言えずにごめんね
ほら 風が止まる
1 note · View note
tabi-tabii · 1 year
Text
17/7/23
Takot ako sa mundo. Sa pagpili sa'yo, alam kong paglaban din ito sa magiging balakid saatin. Pero sa ideyang may kasama ako, nababawasan ang takot na mayroon ako. Hindi ko nararamdamang maiiwan ako.
Paglipas, naisip kong takot rin ako sa sarili ko, sa kung sino man ang nasa looban ko. Nalaman kong marami akong hindi kilala sa sarili ko. Hanggang saan ang hangganan ng isip at lakas ko? Gaano kalakas ang mga pangangailangan ko, ang mga emosyon ko, ang kontrol sa sarili ko. Paano kung sumobra ako, o nagkulang ako? Hindi ko rin pala alam paano maging mabait sa sarili ko nang buong-buo. Tuwing naiiwan ako, pakiramdam ko hindi ko kakayaning tumayo mag-isa. Ang pagpili sa'yo ay isa ring paglaban sa sarili; ang intindihin at pagbigyan rin ang sarili.
At hindi ko aakalain na matatakot rin ako sa'yo. Ano kaya ang mga naiisip mo? Ano ang mga hindi ko alam? Naiintindihan ba kita nang sapat? Dapat ba akong matakot sa eksenang naka talikod ka. Pero ang pagpili sa'yo ay isang pagtiwala, at pagtanggap sa lahat ng pagkakataon
0 notes
rkpagriwala · 5 years
Photo
Tumblr media
Delhi based, RK TURBANS AND PAGRI HOUSE provides you with pagris (turban) of any type, design and style and also provides you with different beautiful accessories to highlight the appearance and appeal of the pagris. For a wedding, the groom's pagri can be custom designed as well, matching the theme of the wedding or the groom's sherwani.Wedding safa is an essential part of a man's traditional wedding attire all over India, signifying the Sehra decoration ceremony. RK TURBANS AND PAGRI HOUSE is a company that provides you with their head dressing services, where they avail to you with safas, pagris that are custom-made and ready-made and many other types of pagris like wedding safa, Jodhpuri safa, floral pagri, groom turban and sir-paich [kalangi] In varied colours, lengths and types. Follow @rkpagriwala Contact: +917838198521, 9818594098 Email: [email protected] #rkturbans #safa #turban #weddingwear #designerlook #designersafa #headdresses #headwear #sabysachisafa #sabyasachicollection #wedmegood #weddingswire #shaafidukaan #weddingzin #outfits #weddingoutfits #pagtityingservices #pagtiwala #safa #wala #beardmen #swag #ethnicwear #manyavarmohey #manyavar #diwansaheb #gujralson #groomstudios #groomoutfit #indianweddingseason #indianweddingdress https://www.instagram.com/p/B17yEYXguGN/?igshid=g5vazgwecute
0 notes
sidch · 2 years
Text
dito nagsimula ang pagtiwala ko kahit sobrang alam ko na kinekeme keme lang ako
Tumblr media
9 notes · View notes
missmae0710 · 3 years
Text
Blog#1: Once Upon A Tune
youtube
Ang “Once Upon A Tune” ay kanta ni Gary Granada, isang Pilipinong musikero at manunulat ng mga kantang kadalasan tungkol sa pulitika, kung saan ang mga nursery rhymes na ating naririnig noong bata pa lamang ay pinalitan niya ng liriko ukol sa mga isyung panlipunan na kinakaharap ng Pilipinas. Highlight na dito kung paano tumatakbo ang ating gobyerno mula sa kanilang mga pwesto, hanggang sa paano nila pinamumunuan ang ating mga mamamayan. Tatalakayin natin ang ilan sa mga bahagi ng kantang ito ngunit bago magsimula, gusto ko munang ipaalam sa inyong mga mambabasa na hindi ko nilalahat ang mga nasa gobyerno at ang aking mga babanggitin dito ay sariling opinyon lamang. 
youtube
Tumblr media
Mula sa kantang “Sampung mga Daliri”, ang bersyon ni Gary Granada ay patungkol sa hindi magagandang ginagawa ng ibang politiko tulad ng pandidikta kung saan may iba na inaabuso ang kanilang kapangyarihan at inuutusan ang mga taong mas mababa sa posisyon nila na gawin ang hindi magagandang bagay upang maging maganda ang reputasyon nila bilang isang tagapaglingkod sa publiko. Nangungurakot din ang ibang mga politiko kung saan nakabuo man sila ng magandang pangalan sa kanilang mga nasasakupan ay may mga dumi pa rin sila na ginagawa upang makarating sa kinaroroonan nila ngayon. Dahil sila ay nasa mataas din na posisyon, ginagamit nila ang pera ng bayan para sa kanilang pansariling kagustuhan tulad ng paggastos nito sa kanilang mga luho at bisyo na hindi naman pinakikinabangan ng sambayanan.
youtube
Tumblr media
Sa madaling salita, ang ikalawang berso naman ay tungkol sa mga politiko na nagmula sa hirap at nang mahalal sa kanilang posisyon ay tila naging maginhawa ang pamumuhay. Bilang mga public servants, kumikita na sila ng pera sa pamamagitan ng buwis ng mga tao at dahil sa posisyon nila sa pamahalaan ay may kakayahan na silang gumawa ng iba’t ibang bagay na hindi magaganda tulad ng pagsusugal at pag-inom. May mga bisyo din silang pinapasukan tulad ng pagsisigarilyo at babae. Gamit ang pera ng bayan, nakabibili naman sila ng grocery para sa kanilang pansariling pangangailangan.
youtube
Tumblr media
Sa ika-apat na berso, ipinapahayag dito na kung kailan nai-atas na ang opisyal sa kaniyang posisyon ay bigla na lamang ito nawawala at sa pagkakataon pa na kinakailangan siya ng kaniyang nasasakupan. Ngunit sinabi na lamang ni Granada sa bahaging ito ng kanta na sayang lang ang boto niya dahil nga sa nawawala na lamang ang mga nasa posisyon, at nag-enjoy na lang sana siya habang nililibang ang sarili sa mga artista.
youtube
Tumblr media
Mula naman sa kantang “My toes,my knees,my shoulders,my head” o sa tagalog ay “Paa,tuhod,balikat,ulo”, pinalitan ni Gary Granada ang lyrics nito na nangangahulugang ang mga miyembro ng kaniyang pamilya ay parte ng gobyerno. Sa aking palagay, hanggang ngayon ay nangyayari pa ito dahil sa may magandang pundasyon na nabuo ang pangalan ng isang pamilyang nasa gobyerno, kung kaya patuloy ang pagboto ng tao sa mga kandidatong ito. Alam din ng mga tao na naging maganda ang ginawa ng mga nakaraang henerasyon ng pamilyang iyon kung kaya ay patuloy ang pagtiwala ng sambayanan sa mga politikong ito. Ngunit nasa desisyon pa rin ng bawat isa sa atin ang pumili ng bago dahil ang iba sa mga tumatakbong kandidato ay may magagandang hangarin ngunit hindi nabibigyan ng pagkakataon, sapagkat natatakot silang pumili ng bago sa kadahilanang hindi nila kilala ang mga ito at natatakot silang magtiwala dito.
Tumblr media
Sa aking pagkakaintindi, ang bahaging ito ng kanta ay nagsasabi tungkol sa ginagawa ng mga politiko kung saan binibili nila ang boto ng mga botante o kaya ay binabayaran nila ang mga tao upang iboto sila. May pagkakataon pa na  pinapalitan nila ang boto ng mga tao kung saan ginagawa lamang nila ito upang manalo sila at maging mas mataas ang kanilang posisyon kesa ordinaryong tao. Sa mga pagkakataong ito ay naloloko ang mga botante dahil sa huli, hindi pa rin sila nakikinabang dahil nga sa pagpili nila sa kandidato sa ganyang mga kadahilanan lamang. Tandaan natin na ang bawat isa ay may kalayaan upang bumoto ng ating mga nais maging pulitiko dahil sa atin nakasalalay ang ikagaganda ng ating ekonomiya pati na rin ng buong bansa.
Tumblr media
Ito ang huling bahagi ng kanta na ating tatalakayin, at ito ang ikalawa sa huli na berso ng kantang “Once Upon A Tune”. Dito pumapasok ang usapan kung saan may mga pagkakataon na ang mga mamamayan ay nangailangan ng tulong mula sa pamahalaan, ngunit hindi nasasagot ang kanilang mga pangangailangan o hinaing sapagkat tila nagiging bingi at bulag ang gobyerno.
Konklusyon: Dapat lamang na isaisip ng bawat isa sa atin na piliin ang tama at nararapat na mga politiko kung tunay na hinahangad natin ang pagbabago. Bilang mamamayan din ng Pilipinas ay dapat matuto tayo na sumunod sa kanila dahil hindi laging nasa kanila ang problema ngunit bilang mga nasasakupan nila, matuto pa rin tayong umintindi ng kanilang sitwasyon at alamin ng kabuuan ang pinagmulan ng problemang iyon dahil may mga politiko pa rin na ginagawa ang kanilang makakaya pero lagi na lang natin silang pinangungunahan. Huwag muna natin silang husgahan dahil tulad natin ay mga ordinaryong tao din lamang sila. 
Sana sa talakayang ito ay may napulot kayo at natulungan nitong buksan ang inyong mga mata at isip sa mga nangyayari sa ating kapaligiran. Bago ko tapusin ito ay tanungin muna natin ang ating mga sarili. Dapat ba na isisi natin ang lahat ng problema ng bansa sa pamahalaan? Nagagampanan ba natin ang ating mga tungkulin bilang isang mamamayan? Muli, dito nagtatapos ang ating ebalwasyon sa kanta ni Gary Granada na “Once Upon A tune”, at maraming salamat sa pagbasa nito.
Tumblr media
1 note · View note
Text
Lord, wag kayo magsasawa sakin ha? Pasensya na. I know I can be more.
Samahan niyo ko magtry and try and try. Even if I fail, please help me fail forward.
Kahit na paulit ulit ko gusto magstart from scratch, paulit ulit mo rin sana ako samahan. I’m scared to go through this alone.
And sorry for all the opportunities na binigay mo pero nireject ko. Dahil sa takot. Dahil sa kulang sa pagtiwala. I’m sorry. I know you’ve been giving me chances to restart again pero nauunahan ako lagi ng takot.
Please omg I know I’m kinda stubborn. You know me, Lord. I use my heart more often than my brain. I know it sucks to have me as a child pero please bear with me. I just need to get over this fear.
You know what’s in my heart, Lord. I hope you’ll help me manifest it. I have faith in me. I have faith in You.
1 note · View note
suga-ssi · 4 years
Note
Tumblr media
✨ phim my talented filo yoongi stan!!! I'M SO HAPPY that we became friends!! sobrang dali mo kausap at ang bilis natin naging close! salamat sa pagtiwala sakin pag nagkkwento ka alam mo naman na nandito lang ako handa makinig sayo lagi!! 💖 you're the first filo moot that i've been able to talk to in our language and it's so refreshing and nakakarelieve kasi minsan ang hirap mag explain ng mga bagay bagay 🥴 thank you for reblogging my content even if they're not the best!! i hope one day pag okay na lahat at makauwi ka dito we'll be able to meet soon! HAPPY NEW YEAR!!
Ang saya ko din that we get to talk in Filipino!! I actually really miss speaking our language. Sa Zoom na lang ako nakakapagtagalog lmao. Feeling ko yun din dahilan kung bakit parang ang friendly ko sayo, Masmataray ata dating ko kapag English wahahahaha. Yeah! OMAYGAD! Kape tayo pag nakauwi ako, ha? Happy New Year!!!!💖 💖 ✨✨
3 notes · View notes
Text
Happy 3rd month ulit honhon ko 🥰 excited na akong makasama ka 😚 thank you honhon sa pagmamahal sakin at pagtiwala. Tandaan mo honhon, kahit ano pang mangyari, hinding hindi na tyo magkakalayo pang muli. Darating ako dyan malapit na.. para buuhin ang pangarap nten dalawa. Sana honhon, wag ka magsawa at mapagod na mahalin ako. Mahal na mahal na mahal kita ng sobra. Magiging masaya din tyo na magkasama dyan.. gagawin ko ang lahat makasama lang kita. 😘 ang saya at sarap siguro ng feeling na katabi kita matulog, gumising, mayakap ka, sabay ligo hehe, mapagluto kta, at higit sa lahat, mahalin ka habang buhay 😘
Love lots,
Honhon mo 😘
3 notes · View notes
jambautistaaaa · 4 years
Photo
Tumblr media
“Isa Pa, With Feelings”: Katahimikang Mapakikinggan
   Kaya mo bang sumubok umintindi sa mundong nababalot ng ingay at walang kasiguraduhan? Hanggang saan aabot ang pagmamahal na mismong pag-imik may hadlang? Ipinahapyaw ni Prime Cruz ang pelikulang “Isa Pa, With Feelings” ang mundo ng pagmamahalan  napaghadlangan ng mga pagkukulang. Ipinakita ni Mara (Maine Mendoza) at Gali (Carlo Aquino) kung bakit walang masama sa pagtiwala at pagmahal nang walang kapalit. Sinubukan nilang matutunang ang isa’t-isa gamit ang komunikasyon na hindi kailangan ng salita kundi senyales sa totoong nararamdaman.Kakaunti ang mga pelikula na pinag-uusapan ang temang ito. Nagbigay ng panibagong anyo ng pelikula ang palabas na nagbibigay malay sa mga manonood tungkol sa deaf awareness at mental health. Gaya ng sabi sa pelikula “sana parehas na lang tayo, pero imposible ‘yun” hinahangad nitong magbigayang pagpapahalaga ang deaf community at tumagos sa puso ang emosyon na nais nilang iparating.
   Malaking kinatawan ang pakikipag-usap sa kahit anong relasyon. Sa una’y sinubukan lamang ni Mara aralin ang sign language para maintidihan siya ng kaniyang pamangkin. Natutunan niya ito kay Gali na hindi lamang siya tinuruaan sa sign, kundi pati ang pagbangon at pagtaya sa relasyon. Binigyang buhay ni Aquino ang karakter gamit ang malalim na galaw sa mukha at pag-arte ng emosyon. Hindi man siya nakapagsalita ng mga linya, madadala ka sa bawat eksenang kaniyang pinakita. Lumutang man ang pagdala ng emosyon ni Aquino, hindi nagpahuli si Mendoza rito. Ipinakita niya na kahit simpleng eksena kaya niyang makipagsabayan sa kapareha.
   Sa huli, ipinahayag ng pelikulang “Isa Pa, With Feelings” na walang dapat humadlang sa dalawang pusong kayang magmahal. Lagi dapat tandaang malaya ang ating mga kaluluwa na umibig nang walang pag-aalinlangan. Natutunan natin na minsan masyadong maingay ang paligid para mapakinggan ang totoong nadarama. Kinakailangan lang sumubok at magtiwala.
1 note · View note
Video
#Pagsalig #pagtiwala 1st #talikudisland #indiefilm https://www.instagram.com/p/Bw4JFQOiOPE/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=12ra6xnqmjm9h
0 notes
digitalnomadhub · 2 years
Text
Complete disassociation
Naisip ko lang na the way to move on is complete disassociation. Kahit naalala ko si Bon sa mga nadevelop kong mannerisms dahil sa kanya, i-own ko na yung behavior na yun. Kahit sabihin ko sa kanya na prof na ko, or nakakapag Nihongo na ko, kahit pa mga past convos namin yun about sa future, dapat hindi ko na sinabi o pinaalam pa yun sa kanya. Wala na sya sa future na yun. Wala na kaming pakialam sa isa’t isa. Dapat. 
So kung nakikita ko ang sarili kong napifeel na dapat alam nya to about sakin, dapat nakikita nya to kapag naging UM na ko or nahit ko incentives na ganito, guilty ako. Hindi pa ko disassociated sa tao na yun. So first things first.
AWARENESS. Everything about me, all the things I do from now on, will have nothing to do with all the passersby in my life. The present people, yes. Sila na yung mahalaga. Enough na yung napoprove ko ang sarili ko. Enough na yung tama sila sa pagtiwala at pagencourage sakin.
“Let the past teach you, not trap you.”
0 notes
lagawan-mansor12 · 3 years
Text
Salamat sa pag mamahal✍️✍️by: (mE)
Maikling tula para sa taong nag paramdam Ng halaga sa buhay, Isang taong diko kakilala, at kailan ko lang nakilala, pero kung mag turingan daig pa Ang mag Kapatid🙂🙂 salamat po sa ibinahaging pag mamahal🤗 salamat dahil diko naramdaman na iba ako syo🤗salamat sa tiwala kahit sa pangalan mo lang ako kilala at Hindi sa buong pagkatao ko, pero kung maka pagtiwala daig pa ang Kapatid kung ituring🤗🤗 salamat sa walang limitadong pagmamahal at patawad Kasi sa kabila Ng ibinahagi mong pag mamahal ay diko masuklihan☹️ ito lang ang maipapangako ko sayo sa Oras na kailangan na nateng mag kahiwalay pangako diko malilimutan Ang Isang kaibigan na nag paramdam Sakin Ng halaga sa Buhay,🤗🤗🤗 alam ko na alam mo na balang Araw mag hihiwalay din Tayo at sa araw na Yun Dina ako matatakot mag isa, kasi Ikaw Ang nag turo kung paano lumaban mag Isa🤗🤗....
Pahabol 🙂🙂
Sa pagdating Ng panahong mag kahiwalay na tayo wag mong isipin na makakalimutan kita ng maaga,, lagi ka parin sa pusot isip ko kasama ka padin sa lahat Ng pagdadasal ko, laging hihilingin sa ALLAH ang kaligtasan at kabutihan mo 🙂🙂mahal na mahal na mahal kita 😘😘😘alam mo Yan my dear sister😘😘😘
1 note · View note
margeredelicia · 3 years
Text
ako'y nakauwi na.
ilang oras, ilang araw, linggo, buwan, ilang taon na akong naglalakbay. nakita't nadaanan ko na lahat. dito sa masalimuot na lansangan memoryado ko na ang mga pasikot-sikot sa mga eskinita, bawat lubak at hukay sa kalye, ang mga graffiti at nangangalawang na karatula. pero kahit kay tagal na ng lumipas na panahon hanggang ngayon, di ko pa rin masikmura ang mga nakakabinging busina at humaharurot na makina ang nakakasulasok na baho ng usok at nagkalat na basura. sa una ako'y nangangawit pero ngayon nangmanhid na ang mga kamay ko sa higpit ng kapit sa manibela na walang sinuman ang makakaangkin dahil ito ay s'akin lamang, akin. puso ko ang mapa: lukot at punit-punit. dito ako sunudsunuran at alipin. kahit alam kong mali, di ako kikibo, ako'y tahimik. naghahanap, pero siya rin mismo nawawala. tahanan lang naman daw ang gusto niya kung saan lulunasan ng yakap ang pagod at pait, kung saan ang mga simangot ay masusuklian ng ngiti. pero saan? saan kaya? ako ang hari ng daan. walang kinikilala na batas. nakikipagkarera sa hangin sige-sige sa pag-arangkada. kung may masagasaan, kahit siya ang duguan, siya pa rin ang may kasalanan. dahil paminsan naiisip ko na baka mas swerte pa siyang nakahandusay sa kalsada kaysa sa akin na pagod, naiinip, naiinis sa likod ng manibela. malapit nang maubusan ng gasolina, ang mga gulong ay pudpud na. 'di ko pa rin mahanap ang tahanan kaya tumungo na lang kaya ako sa kamatayan? "para po" ako'y napalingon. oo nga pala, may pasahero ako. inaangkas lang Kita paminsan umuupo likod madalas nakasabit sa may salamin o nakalapag sa harap kasama ng mga abubot at basura. "ate, para po" hindi. inapakan ko pa ang gasolina. nagbibingibingihan sa mga bulong Mo. oo, alam kong pagod na ako pero kaya ko 'to, hindi ko kailangan ng tulong. "para, diyan lang sa may tabi" hindi. hinigpitan ko pa ang hawak sa manibela. gusto ko lang naman makauwi. oo, alam kong nawawala na ako pero sigurado ako ang ginagawa ko siguro, sigurado siguro. "para" ngayon napagtanto ko na ako'y sawi, ako'y mali. papakawalan na ang pagkapit sa patalim, ang pagtiwala sa sarili. sa wakas ako ay bibitaw. sa Iyo na ang manibela, pati na rin itong upuan na 'to, and trono. Ikaw na, ang gasolina at gulong na nagpapatakbo ang mapang nagtuturo mula ngayon hanggang magpakailanman. Ikaw na ang Kapitan ang tagapagmaneho ng buhay na 'to. wala nang pagkuha, pagdukot, pag-angkin. mula ngayon, iaalay ko na ang lahat. ako ay Iyo. ilang oras, ilang araw, linggo, buwan, ilang taon na akong naglalakbay at tuloy pa rin ang biyahe. ganun pa rin ang kalagayan ng kalye: malubak, maingay, madumi. pero kapag Ikaw ang nandyan sa upuan, para tayong lumilipad. anumang madaanan biyahe ay napakabanayad. puso ko'y nananabik. saan Mo ako sunod dadalhin? saan kaya makakarating? kahit saan man mapadpad, kahit gaano man kalayo, 'di na ako mawawala. ako ay nakarating na. o tahanang tinatamasa, nahanap na rin Kita. basta't kasama Ka, Hesus ako'y nakauwi na.
0 notes
phgq · 4 years
Text
Duque still has PRRD's trust: Palace
#PHnews: Duque still has PRRD's trust: Palace
MANILA – Health Secretary Francisco Duque III still serves at the pleasure of President Rodrigo Duterte, Malacañang said Monday following a senator’s call to replace the health chief for the government's missed opportunity to secure Pfizer's coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccine by January.
In a press briefing from Davao City, Presidential Spokesperson Harry Roque made this remark after Senator Manny Pacquiao urged Duterte to replace Duque to “ease the suffering of our countrymen”.
“Well, all members of the Cabinet serve at the pleasure of the President. Sa ngayon po, patuloy pa rin ang pagtiwala ni Presidente kay Secretary Duque. Ang sabi lang niya, sagutin ang mga paratang ni Secretary [Teodoro] Locsin (At present, the President still trusts Secretary Duque. He only asked him to answer the allegations of Secretary Locsin),” Roque said.
Pacquiao earlier asked Duque to voluntarily resign from his post following reports that he allegedly "dropped the ball" on the Pfizer deal with the Philippine government.
He said he has nothing against Duque, but noted that the country needed to have the vaccines.
Last April, he joined 13 other senators in calling for Duque’s resignation through a resolution due to the latter’s alleged inefficient response to the Covid-19 pandemic.
Last Thursday, Roque said the President saw "no major lapse" in the country's deal with Pfizer on the purchase of vaccines.
Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., in a tweet, earlier said someone had “dropped the ball” in negotiations with Pfizer on the delivery of the Pfizer vaccines.
Locsin explained that he and Philippine Ambassador to the US Jose Manuel “Babe” Romualdez had arranged for the delivery of vaccines with help of US Secretary of State Mike Pompeo as early as July.
Senator Panfilo “Ping” Lacson later blamed Duque for failing to prepare the confidentiality disclosure agreement for the acquisition of vaccines.
Duque, however, denied that he did not immediately prepare the necessary documents for the deal.
Since then, Roque said Duterte had asked Duque to answer Locsin’s allegations.
“Hindi po namin alam kung ano talaga yung pinag-usapan ni Secretary Locsin, Ambassador Romualdez, at Secretary Pompeo. Kaya nga po minabuti ni Presidente na advisan si (We don’t know what Secretary Locsin, Ambassador Romualdez, and Secretary Pompeo talked about. That’s why the President advised) Secretary Duque, answer the allegations of Secretary Locsin in the same manner that he defended himself in yesterday’s meeting,” he said.
Roque also assured that the Philippines could still get hold of Pfizer’s vaccine between the second and third quarter of 2021. (PNA)
***
References:
* Philippine News Agency. "Duque still has PRRD's trust: Palace." Philippine News Agency. https://www.pna.gov.ph/articles/1125367 (accessed December 22, 2020 at 01:50AM UTC+14).
* Philippine News Agency. "Duque still has PRRD's trust: Palace." Archive Today. https://archive.ph/?run=1&url=https://www.pna.gov.ph/articles/1125367 (archived).
0 notes
yechezqel · 4 years
Text
21/366
hinabi bawat kataga
‪mula dulo at gitna
‪pasasalamat sa Naglikha
binigyang muli ng pasimula
‪ngayon ay lalapatan ng musika
‪hatid Sayo ay pagsamba
‪aawitin hanggang sa huling pahina
at sa pagusbong ng pagtiwala
‪sa Iyong presensya’y makakahinga
‪hindi maitatanggi Sayo ay tuwina
‪bagong pagasa’y Iyong dala
0 notes