Tumgik
#pambihira lang makita ko siya.
erroreena · 3 years
Text
Solar eclipse
Iwinawagayway ni Araw ang kaniyang mga bisig habang inaabangan ang oras ng kaniyang tuluyang pagbangon. Nagliligpit naman ng gamit si Buwan bilang patapos na ang kaniyang oras. 
Sa isang syudad na puno ng building, may isang kwadradong bintana roon kung saan masisilip natin ang isang Lalaki na halos mabura na ang kaniyang mata dahil sa paulit-ulit na pagkusot nito. Nagtimpla siya ng isang tasang kape at sinadyang patunugin ang kutsarita nang magising siya sa ingay nito. Sumilip siya sa bintana. At sa segundong iyon, hindi pa dapat lalabas si Araw, sapagkat naghahanda pa lang siya kagaya ni Lalaki. Nagkatinginan sila. 
Bilang bago si Araw sa responsibilidad nang tagapagsabi na umaga na, nakaramdam siya ng matinding init sa kaniyang loob.
“Tama ba ‘tong nakikita ko? Isang lalaki na sumulyap sa akin?! Sandali! Hindi pa ako handa... Magtatago muna ba ‘ko?”, hirit ni Araw.
Nag-ring ang alarm clock ni Lalaki at pinihit niya ‘to nang manahimik. Sa pangatlong pagkakataon, naunahan niya ‘to. Hirap siyang makatulog kahit na pagod na pagod sa trabaho. Sa buong linggo ng pagtatrabaho, tila hindi dinadapuan ng konsepto ng pahinga ang kaniyang katawan. 
Nagmadali si Araw na lumabas at iangat ang sarili nang makita siya ni Lalaki. Napansin niya ang pagyuko ni Lalaki habang nakatingin sa cellphone. Sinubukan niyang pakinggang ang sinasabi nito. 
“Oh, good morning! How are you?” pabulong na sabi ni Lalaki.
Lalong sumiklab ang bawat bisig ni Araw. Nais na lang niyang yapusin nang mahigpit si Lalaki. 
“Oo, masaya ako. Masaya ako na nagkita tayo sa unang paglabas ko. Masaya ako na kinakausap mo ako. Ikaw, kumusta ka?”
Ibinulsa ni Lalaki ang cellphone at hinila ang kurtina. 
“Hoy! Hindi mo pa ako sinasagot!”, pagmamaktol ni Araw. 
Sinundan ni Araw ng tingin si Lalaki, pero ni hindi niya magawang tingalain si Araw. Dumukot ito ng shades mula sakaniyang bulsa at agad na sinuot. 
Habang inaabangan si Lalaki, sari-sari ang pamumuri ang naririnig ni Araw mula sa mga nilalang sa ibaba. 
“Ang ganda naman ng umagang ito!” Di mabilang na “Good morning” din ang naririnig niya sa kung sinu-sino pero iisa lang ang nais niya. 
Madalas makipag-away si Araw kay Buwan. Minana nila sa kanilang mga ninuno ang oras ng kanilang paglitaw sa mundo kaya ang kasunduang ito ay nakataga na rin sa bato.
“Pambihira ka naman, Araw. Oras ko na. Di ba’t night shift ako. Kaya mamaya ka na,” hinaing ni Buwan.
“Wala akong pakialam sa shift-shift na ‘yan! Kung gusto kong sumikat, sisikat pa rin ako.” sigaw ni Araw. 
Hindi nagsalita si Buwan habang nakikipagtitigan siya kay Araw. Unti-unting naramdaman ni Araw ang hiya. Naalala niya na ang mga tao ay kailangan din ng gabi. Walang lugar ang pagiging makasarili niya. 
Palagi na siyang hinihintay ni Araw. Imbis na siya ang hintayin, ibinibaba niya ang sarili niya, “Eh ano kung ako ang Araw? Kaya ko rin ang ginagawa ng mga nilalang na tulad nila. Naririnig ko pa nga ang biro na ‘willing to wait po!’ Aba’y siyempre, ako rin.”
Inaabangan niya ang pagdating ni Lalaki. Madalas daw itong nakatungo habang nagmamadaling makipagsiksikan sa eskinita at underpass papunta sa opisina. Marahil ay lugmok sa kalungkutan o pagod sa trabaho kaya hindi na siya makitaan ng anumang bahid ng sigla. Kaya buong-buo ang ngiti ni Araw para naman mahawa si Lalaki sa saya niya. Pero sa bawat linggo na lumalabas si Araw ay ni hindi man lang siya pinapansin si Lalaki. Titingala lamang siya kapag napapansin niya ang ambon, ang ulan --- tsaka niya ilalabas ang payong. 
“Magseselos ba ako sa ulan? Sa kaibigan kong maitim na ulap? Bakit hindi niya magawang iangat ang kaniyang ulo upang harapin ako? Maliwanag naman ako ah? Mas gusto ba niya ang dilim?”
Kaydami nang nagtangkang humalina kay Araw. May iba’t ibang harana para sa kaniya. Kakaibang pag-asa raw ang taglay niya sabi ng maraming mga nilalang sa lupa. Palagi na lang biyaya ang tingin sa kaniya. 
“Sana umaraw na para matuyo kaagad ‘tong labada ko”, ani ni Marites. 
“Di bale, bukas ay may bagong araw at makakabawi ako ulit,” sabi ni Ramon. 
“Hangga’t may araw ay may good vibes,” sambit ni Yasmin.  
Kung sinu-sino ang naririnig ni Araw ngunit ang tinig lamang ni Lalaki ang kaniyang hinahanap.
“Sige, kung hindi man magpakita ng anumang senyales ng pagdating, tatanggapin ko na lang.” nangingilid na ang luha ni Araw na agad din namang natutuloy.
“Aba! Anong iniiyak-iyak mo? Alam mo namang triple ang sakit sa iyo kapag iiyak ka. Agad na ngang natutuyo, naiipon pa lalo sa loob,” hirit ni Maitim na Ulap.
“Ginusto ko bang maging ganito? Isang sumpa ang maging Araw!” Tinalikuran ni Araw ang Maitim na Ulap. 
Tinulak ni Araw ang kaniyang kaibigan na si Maitim na Ulap. Nag-udyok ito nang isang katakot-takot na pag-ulan, malakas na pag-ihip ng hangin. 
Natulala ang Araw sa gulong ginawa niya. Agad niyang hinanap si Lalaki. May isang maliit na itim na payong kung saan nagsisiksikan ang dalawang tao. Nakilala niya si Lalaki kahit hindi niya makita ang mukha ito na natatakpan ng payong. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ng isang tao -- tila binabalot ng pangakong hindi ito bibitawan gaano man kalakas ang ulan.  Pinanood niya ang pakikipagsapalaran ni Lalaki sa ulan at paglusong baha na dala ng Maitim na Ulap na binubuhos ang sama ng loob ng kaniyang kaibigang si Araw. 
Nanlamig si Araw at halos maghandusay sa lapag sa panghihina nito. Nang mapansin ng Maitim na Ulap ang pamumutla ng kaniyang kaibigan, inakay niya ito. 
Sabi nila, wala ka raw maikukubli sa araw pero nagawa pa rin ikubli ni Lalaki ang katotohanan sa ‘di malamang paraan. 
Dinamdam ni Araw ito sapagkat ang alam niya at kita niya ang lahat ng nangyayari sa mundo hanggang sa kasuluk-sulukan nito. Siya ang nagbibigay ng liwanag pero habang napupuno ng mga kongkretong matatayog na kahon sa syudad, may mga eksenang, hindi na niya nasasagap. Nahaharangan na ng semento ang kaniyang paningin.
Narinig ng Buwan ang kaguluhan. Nadatnan niyang nakahandusay na si Araw. Nahabag siya sa lagay nito. Hindi dapat malaman ng mga nilalang sa ibaba na nanghihina siya nang dahil sa isang Lalaking nakasilong sa maliit na payong. Anumang pagtatalo nila noon ay naintindihan na niya kung bakit nagpupumilit si Araw na akuin pati ang gabi. “Ang Araw na gusto akuin ang night shift,” buntong hininga ni Buwan. 
“Kailangan ka pa nila. Tumayo ka muna diyan,” engganyo ni Maitim na Ulap. Inabot niya ang kaniyang kamay at muling sumikat si Araw. 
Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga tao. Naisalba ng Araw ang mga tao mula sa anumang peligro na dulot nang biglaang pagbuhos ng ulan. Halos lahat nang mga tao ay nakatingala sa langit, at nagsambit ng munting dasal. 
“Salamat naman sa Diyos at umaraw na ulit!” hiyaw ni Marites. 
Sa pagsikat ni Araw, tiniklop na ng lalaki ang payong. Nakatalikod ang kasama niya kaya hindi man lang mamkukhaan ni Araw ito. Kay liwanag niya ngunit hindi man lang niya maaninag ang mukha ng taong kasama ni Lalaki. Wala na sigurong mas bibigat sa kaniyang loob sa puntong iyon. Niyakap nang mahigpit ni Lalaki ang taong ‘yun. Nang iaangat na nito ang ulo niya, umasa si Araw na ito na ang pagkakataong magkatinginan na silang muli. 
“Magpapasalamat ka rin ba gaya nila Marites at kung sino pang nilalang na sabik na sabik sa aking pagdating?”
Sa huli, inangat lang pala niya ang ulo niya upang harapin ang taong iyon at halikan ang labi nito. 
Kasama ni Araw sina Maitim na Ulap at Buwan sa panonood ng eksenang ito. Hindi nila mawari kung paano matutulungan ang kaibigan.
Marahil ito na ang araw na dapat na siyang magpaalam. Handa na siyang pakawalan ang lalaking yun. 
Baka magpapaalam na lang daw siya, maghihintay na lang hanggang sa mag- alas singko. Ngunit muli siyang kumabig, hindi siya lulubog hangga’t hindi buo ang desisyon niya. 
Napansin ni Buwan na pilit na iniaabot ni Araw ang mga sinag nito kay Lalaki, wari’y nagmamakaawang abutin ito sa una at huling pagkakataon. Ngunit di na matiis ni Buwan na makita ang kaniyang kaibigan na muling magpakababa para sa Lalaking ito kaya minabuti niyang pagtakpan ang kahibangang ito. 
“Magpahinga ka muna, ako na lang ngayon. Akin na ‘yan.”
“Ang alin?” pagtataka ni Araw.
“Ang iyong sama ng loob.”
“Ha? Para saan?”
“Wala ng tanong-tanong.”
Bilang tiwala siya sa kaniyang kaibigang Buwan, iniabot ni Araw ang sakit na tanging si Buwan lang ang nakakakita. 
“Pito’t kalahating minuto sa oras ng mga tao pero pitong dekada sa panahon natin.” 
“Sandali... kung pitong dekada sa panahon natin, ibig sabihin lang nun ay kailangan ko nang magpaalam nang tuluyan? Teka! Teka!” pagmamakaawa ni Araw.”
“Wala nang pero, pero...”
At tumigil ang mundo sa mga mata ni Araw. Tumayo si Buwan sa harapan niya upang hindi na niya masulyapan si Lalaki. 
“Tama na ‘yang kahibangan mo, Araw at magpahinga ka na lang.”
Kusa na lang niyang ipinikit ang kaniyang mata. Wala na siyang magawa. Wala na siyang maramdaman.
Narinig niya ang paghangos ni Maitim na Ulap. 
“Mabuti na lang at napakiusapan ko ang kapalit mo, Araw. Pasensya na iha at naistorbo ka namin. Ikaw na ang papalit kay Araw. Pagkat, hindi sa lahat ng pagkakataon ay kaya naming pagtakpan ang kahinaan ng aming kaibigan.” habilin ni Maitim na Ulap. 
Sa muling pagsikat ng bagong araw, sabay na tumingin si Lalaki at ang kaniyang karelasyon. 
“Napakaganda ng araw, pero mas pipiliin pa rin kitang pagmasdan sa bawat araw ng buhay ko.” sabi ni Lalaki.
Pagsambit ng huling salita, sabay na umiling si Maitim na Ulap at Buwan. 
“Tama ang desisyon natin.” pagmamalaki ni Buwan.
Muling umeksena si Maitim na Ulap kaya’t bumuhos ang ulan. Nagtaka si Buwan at sumilip siya ibaba at nanlaki ang mga mata nito at nagbuntung-hininga. Maya-maya lamang ay nagtapat na si Maitim na Ulap.
Alam mo bang wala ng ibang hinintay si Lalaki kundi ang ulan dahil ito ang pagkakataon niya para makipagkita sa kaniyang karelasyon? Sa ilalim ng maliit na payong na yan, ipinagkakasya niya ang kanilang mga katawan para may dahilan siya na makasama ito -- habang nakatalukbong at nakakapagtago. Walang makakakita sa kanila. Alam ni Lalaki na hangga’t sumisikat ang araw ay bukas na bukas din ang mga mata ng mga tao. Mayroong manghuhusga sa kanilang relasyon. 
At sa pagbuhos ng ulan, muling binuksan ni Lalaki ang maliit na payong. Niyakap niya ang kaniyang karelasyon at hindi ininda ang pagkabasa ng kanilang damit. Inipit nila sa gitna ng kanilang mga dibdib ang maiksing tungkod ng payong.
 “Tama ang desisyon natin.” bulong ni Maitim na Ulap. 
Alas-sais na ng gabi at tuluyan ng tumungtong si Buwan sa trono.
5 notes · View notes
codethatbrain · 3 years
Text
“Saan? Sino diyan ‘yung ka-meet up mo? ‘Yon? ‘Yung naka bucket hat?” tumango si Sammy sa tabi ko.
“Nakanaman!” biro ko pa nung una kasi huling huli sa akto napangiti si tanga. Pero ako pala ‘yung good time dito nung nakita ko kung sino ‘yung palapit sa ka-meet up niya.
Hinampas pa sa braso tapos mukhang mag aaway na sila. Boyfriend ba ni Greene ‘yan? Kaklase ni Sammy? Pucha, ang bata.
“Ano’ng pangalan n’on?” tanong ko ulit.
“Blue nga, bilis na park the car so I can get down na!” atat amp.
Pagkapark na pagkapark ko, tinaas ko agad ‘yung bintana. Good thing tinted sasakyan ko.
Ewan, parang bigla na lang ayokong makita niya ko. Nahiya ako bigla. ‘Di ko rin naman kasi expect na mag kaibigan sila ni Freya. Buti nalang talaga cold hearted ‘tong taong ‘to at walang pakealam sa ‘kin.
Tangina, Freya na naman. Minsan ‘di ko na rin maintindihan sarili ko. Kung pride lang ba dahil isang taon ko siyang niligawan tas 5 months lang tinagal namin. O baka sadyang ‘di lang talaga ko maka move on.
Tagal kong iniwasan ‘yon, ah. Ang dalas ko sa inuman pero na fifilter ko lahat ng inuman na andon siya.
Tapos kaibigan lang pala ng jowa ni Aron. Kaibigan pa ni Greene. To think na I even hit on her.
Ang laki ng kagaguhan ko.
Nabasag ‘yung train of thoughts ko nang makita kong hirap na hirap dalahin nila Sammy ‘yung—gago ano ‘yon? rebulto? Anak ng, ganyan na ba mga projects ngayon?
“Kuya!” I heard her shout from outside, nakatalikod siya sa ‘kin at sinusubukan nilang tatlo ilakad ‘yung rebulto papunta sa sasakyan.
Tangina, kasya ba rito ‘yan?
At puta, pinapababa nga pala ako ni Sammy.
Pambihira naman talaga.
Dahil kawawa sila at ayoko namang maging bwakanangshet na walang kwentang kuya, bumaba na ko agad para tumulong.
Awit.
Awit kasi ‘yung gitna ni Sammy at Greene ‘yung bakante at kailangan ng alalay.
Nag aaway sila nung classmate ni Sam kaya hindi niya pa siguro ako nakikita. Great. Take advantage tayo. Tutal naka cap at salamin naman ako. ‘Wag niya sana akong makilala.
Binuksan ko agad ‘yung trunk nang makalapit na kami sa sasakyan. Hindi pa nila maibaba ng maayos kaya nag away na naman si Greene at Blue.
“I’m sorry Sammy, ha but like is this shit not going to break there?” sunget talaga.
“Ate, no nga. The fuck? Matibay ‘yan!”
“Really? How can you tell, I told you countless times na lagyan mo ng bubble wrap and you brought it as it is. Aren’t you ashamed na you didn’t even try to protect your project? Tapos you made her buhat pa, geez!”
Ate? Magkapatid?
Greene at Blue amp. Ano pangalan ng nanay nila, Violet?
“No, no. I’m sorry, Miss pero I think it’s secured naman here,” singit ng kapatid ko na walang laban sa katarayan ng isa diyan.
“Call me Greene nalang.”
Shit.
Lumipat bigla sa ‘kin ‘yung tingin ng kapatid ko. Pambihira naman, Sammy! Pumwesto na nga ako sa likod ni Greene para ‘di ako makita!
Lumingon tuloy.
Fuck.
“Greene? Are you like Greene the one from Ateneo?” Sige, daldalin mo pa.
Pahamak talaga mga kapatid e.
“Tara na, hoy. Bibilhan mo pa ‘ko ng mcflurry.” akma na akong pabalik ng sasakyan nang magsimula ‘yung kawalang preno ng bibig ng kapatid ko.
Tumango siguro ‘to si Greene. O nag assume lang si Sammy. Either way, pahiya na naman ako. Pucha, patayin niyo na lang ako.
“Greene! OMG! Kuya!” ayan na nga ba sinasabi ko. “She’s the one, right? Siya ‘yon? ‘Yung nang basted sa ‘yo sa chat?” tuwang tuwa siya, grabe. “OMG, Ate Greene alam mo ba he’s so heartbroken like hindi ‘yan kasi makausap if he’s broken and super grumpy pa!”
“Nang basted? Pfft.” natawa na rin ‘yung kapatid ni Greene.
“Binasted mo, ate?” mas lumakas ‘yung tawa niya. “Shet, ang ere! ‘Di ko ma-reach, siya na nga lang nagtangka, binasted mo pa.” Hindi ko na makita ‘yung reaksyon ni Greene kasi nakaupo na ako sa driver’s seat, nakabukas lang ‘yung pinto.
Pero mukhang hindi niya na matantsa ‘yung kapatid niya.
Hindi naman totoong binasted ako pero parang natatawa na rin ako sa sinabi ni Blue.
“Ah, no actually. I think it’s a misunderstanding, Sammy. I didn’t dump your brother. I mean, hindi naman siya kasi nang ligaw and I don’t think that’ll ever happen. Not that I’m saying that I want it to happen, ha pero like hindi naman kasi talaga so,” she laughed nervously.
Hell no, she’s cute.
“Ah.” Tumigil na sa kakatawa si Sammy pero ‘yung kapatid ni Greene aliw na aliw sa pangyayari.
Gago amp. Lakas mang asar.
“So, there nga. We’re just ano, I mean we just met through mutual friends and ayon nga, that’s it. I think we have to go, let’s go na, shet ka.” Next thing I know, hinihila na niya palayo ‘yung kapatid sa hood nung jacket niya.
Napailing na lang ako, lalo nung sumakay na rin si Sammy sa sasakyan. Tangina, magtatanong ‘to.
0 notes
joonjoong-hei · 8 years
Photo
Tumblr media
PARANG PARA SAAKIN YUNG KANTA 😖😖 Akala ko may ibig sabihin Ang paglike mo sa status ko sa Facebook Nagrereply ka rin sa Twitter Akala ko, ayon na Pero nakita ko kahapon May pinost kang iba May kasama kang maganda Ang sabi mo sa akin kaibigan mo lang siya Ang hirap palang maging T.A.N.G.A. Ang hirap palang maging T.A.N.G.A. Pinapaasa mo lang ako kasi alam mo na crush kita Oo na crush kita Pambihira oh nung dati pa May patanong tanong ka pa Kung sino yung nasa Facebook status ko Hoy! Tungkol yun sa'yo! Yung sana ako na lang ang girlfriend mo Ohh Ohh Parang gusto ko ng sabihin Ang feelingsna tinatago sa'yo oh Para na 'kong police maka-stalker Sa profile mo, ano ba Pero nang makita ko kahapon Post mong may kasama ka Ang mundo ko'y nag iba Pakiramdam ko, "Boy, chicks mo siya!" Ang hirap palang maging T.A.N.G.A. Ang hirap palang maging T.A.N.G.A. Pinapaasa mo lang ako kasi alam mo na crush kita Oo na, crush kita Pambihira oh nung dati pa May patanong tanong ka pa Kung sino yung nasa Facebook status ko Hoy! Tungkol yun sa'yo! Yung sana ako na lang ang girlfriend mo Iniisip ko tulo'y, napaagaw ba? Paghihinala kung sakin may gusto ka Nagmumukhang sira Iniisip na, may ibig sabihin yung message mo (Ano bang ibig sabihin nung minessage mo sa akin) Ohhhhhh (Ako'y litong litong lito!) Ang hirap palang maging T.A.N.G.A. Ang hirap palang maging T.A.N.G.A. Pinapaasa mo lang ako kasi alam mo na crush kita Oo na, crush kita Pambihira oh nung dati pa May patanong tanong ka pa Kung sino yung nasa Facebook status ko Tungkol yun sa'yo! Yung sana ako na lang ang girlfriend mo
0 notes