PALIHAN 2022: Ikatlong Araw
TINGNAN: Tampok ang pagkuha ng larawang pampahayagan, pagsulat ng editoryal, at kartuning sa ikatlong araw ng Palihan 2022 na pinangunahan ni G. Erwin Calilap, tagapayo ng publikasyon sa wikang Ingles, Huwebes, Agosto 10.
Tinalakay ni G. Calilap ang importansya ng larawan at kapsiyon sa isang balita at tinuro ang tamang pagkuha ng retrato. Binigyang-diin niya na mahalaga ang retrato sa isang pahayagan sapagkat nagpapahayag ito ng isang kwento.
Bukod dito, ibinihagi din ng guro ang kanyang mga kaalaman hingil sa pagsulat ng editoryal tulad ng uri at estruktura nito. Ipinaliwanag niya na hindi lang kritisismo at purong opinyon ang editoryal sapagkat marapat na patas, makatarungan, masusing pinag-aralan ang pananaw ng manunulat. Idinagdag niya na maaring makapagbigay rin ng suhestiyon ang awtor sa isang isyu.
Ayon pa rin kay G. Calilap, sinusuportahan ng isang kartun ang isang editoryal. Lahad niya, ang kartun ang larawan ng isang pangulong tudling na kumukuha ng atensiyon ng mga mambabasa at nakapagpapagaan sa mabigat na pakiramdam ng editoryal. Nabanggit din ang ilan pa sa mga konsepto at dibuho bilang mga elemento ng kartuning na dapat isaalang-alang.
Ilang mga aktibidad naman ang ipinagawa sa palihan na sumubok sa kaalaman at kasanayan ng mga batang mamamahayag sa mga nasabing kategorya.
Abangan ang mga paksa at mga aktibidad na magaganap sa huling araw ng #Palihan2022 bukas.
#SulongDominikano
#SulatDominikano
0 notes
Mga Hinuha mula sa CNF Manual ni Jing Hidalgo
Mga Hinuha mula sa CNF Manual ni Jing Hidalgo
Mayaman pala sa Crwative Nonfiction o CNF ang Pinas. Maraming mahuhusay na manunulat nito. Kabilang dito ang witty at ekspiremental na manunulat na si Jessica Zafra at ang danas ng pagiging bahagi ng LGBTQ+ ni Danton Remoto. Maging mga maituturing na haligi ng pagkatha ng mga kuwento at tula katulad nina Krip Yuson at Sir Jimmy Abad. At mga Pambansang Alagad ng Sining na sina Resil Mojares at ang maituturing na ‘master’ ng pagsulat ng CNF na si Nick Joaquin.
Interesting din pala ito. Inaakala ko na para lamang ito sa “C-N-F” kasi nga di ko pa arok ang lalim ng genreng ito. Sa isip ko, isang tiyak na genre siya na iba sa ibang genre. Ibang katangian at kasanayan ang dapat taglayin ng manunulat ng CNF. Subalit, ngayon nabuksan ang isip ko sa napakaraming realisasyon tungkol dito (Kahit alas-2 ng umaga na!). Ang CNF ay kumakatawan sa danas na batay sa katotohanan at inangkla sa pawang mga kaganapang may kinalaman sa buhay ng isang tao. Hindi ito bunga ng malikot na isipan na kung anik-anik na lamang ang maisip upang makakuha ng atensyon.
Batid ko na ang mga natutuhan ko sa aklat ni Hidalgo ay magagamit hindi lamang sa pagsusulat ng sariling danas, sapagkat maging sa pagtuturo ng dyornalismo—tanging lathalain at pangulong tudling, ito’y aking magagamit.
Gamit na gamit ko rin ito sa pagpapasulat ng mga kung ano-anong materyal sa aking mga mag-aaral na sa klase. Bilang guro ng wika at panitikan, mahalaga ang mga input na nakuha sa manwal dahil pinalawak pa nito ang mga bagay na sa tingin ko ay ikinahon ng mga katulad kong guro na nakakulong sa tradisyonal, boring at nakakaunsyami na pagsulat. Dapat isaisip ko bilang guro ang tamang balance pagtuturo ng wila bilang whole language approach sa phonic instruction.
At maging sa sariling mga sulat na hanggang sa ngayon ay hinahanap ko pa rin ang aking sarili sa gitna ng paglalaro ko sa mga salita.
Dito sa nasabing aklat, natuklasan ko kung sino ang higit na naka-impluwensya sa pamamaraan ng aking pagsulat. Ito ay pawang mahuhusay na mga manunulat sa kontemporaneong panahon. Matatawag kong kabilang sila sa postmodernismong manunulat. Habang binabasa ko ang manwal, pumasok sa aking isipan sina Joi Barrios at mga feministang paksa na tinatalakay sa kanyang mga tula, maikling kuwento at dula. Sina Ricky Lee at Suzette Doctolero na pawang na sa pelikula at telebisyon. Naaaliw ako sa tuwing pinapasok nila ang mga bagay na hindi mo lubos maisip na may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Ganoon din si Bob Ong na tila, kulang ang pagiging college student mo kung hindi ka nakahawak ng isang Bob Ong na aklat.
Magaling silang maglaro sa bawat isinusulat. Napapatawa nila ako sa kanilang mga akda subalit hindi naisasantabi ang pag-aalsa o di kaya ay pagpuna sa kasalukuyang nangyayari sa bansa. Ganito ang klase ng writer ang gusto kong maging. Na kahit na nalalasing na sa mga salita at pahayag tungkol sa pag-ibig ngunit nagagawa pa ring pag-usapan ang mga kulotan sa parlor ni Aling Mariah at Beyonce. Na kahit habang pinapanday ang papataas na eksena ay nagagawa pa ring murahin si Duque at sa kabagalan ng kanyang pagkilos at pagiging selective ng testing ng mga nagkakasakit dahil sa ‘nyemas na COVID-19.
Makalang beses nabanggit ni Hidalgo sa kanyang aklat si Lee Gutkind hinggil sa pinaka-diwa ng CNF. Inilahad nito na ang CNF ay isang fiksyon na prosa subalit taglay ang mga estratehiya at mga Teknik ng isang fiksyon. Ibig sabihin, kahit na mag-anyo pa itong ‘kathang-isip’ dapat hindi ililigaw ang mambabasa sa katotohanan na nakasandig sa akyurasi at pagkapit sa tunay at totoo. Dagdag din nito, ang susing-salita ng CNF ay personal dahil ipinapakita niya ang bahagi ng mundo batay sa anggulong ninanais niyang pagtuunan.
Nahahati ang aklat sa dalawang bahagi: una, mga estratehiya ng CNF at ikalawa, mga uri ng CNF.
Sa anomang uri ng pagsusulat, mahalaga na malawak ang kaalaman ng manunulat. Sa lawak ng kaalaman, masisilip ang sustansya ng mga binabasa ng manunulat. Mahihita rin ang pagkakaroon ng sensibilidad nito sa batis ng kaalamang binubuo. Ibig sabihin, hindi ka magtatagumpay sa pagsusulat kung hindi malawak ang danas ng manunulat sa kanyang mga binasa. Marupok ang kanyang mga hinuha na magiging sanhi upang kwestiyonin ang kredibilidad at lohikal na basehan ng isinulat. Kaya, mahalaga na bago sumuong sa pagsulat, dapat pumili ng paksa ng pagtutuunan na may sapat na materyal. Kinakailangan ding kilalanin ng manunulat ang aasahang mambabasa sa kanyang isinulat sapagkat masasayang lamang ito kung hindi batid ng manuulat kung para kanino ang kanyang isinusulat. Marami kasing impormasyon at di puwedeng solohing ilahad. Higit sa lahat kailangang marunong manaliksik ang isang manunulat.
Tandaan, mahalang susing salita ang access at immersion upang ang isang manunulat ay makapagsulat. Hindi sapat na may kabatiran lamang sa paksa ang isang manunulat, dapat naipapakita rin nito kung naong anggulo ang nais ipabatid na makapagbigay-alam sa mambabasa. Ayon nga kay Gutkind,
While a traditional journalist is a reporter, committed to the facts behind a person, place or situation, rather than to the insight or rationale behind the facts, the essayist—the writer of creative nonfiction—must be a thinker, a critic, a social commentator (92). “Light” writing does not mean superficial writing (mababaw). Lightness refers to the treatment of the material, the style of presentation. Serious ideas need not to be presented in ponderous, pompous, or dull prose.
Sa totoo lang, napakatalino ng pagkakalahad ni Hidalgo. Madaling ma-arok at busog sa mga halimbawang teksto. Take note, manwal pa lang ito. Hindi pa ito ang aktuwal na Reader. Hindi rin mahirap intindihin ang mga salita. Sa katulad ko na Filipino ang wikang ginagamit sa pagsusulat, mabilis kong naintindihan. Mga mga aklat kasi na pawang highfalutin ang mga salitang ginagamit sa pagsulat. Nakaka-antok na iyon.
Dapat unang isaalang-alang ng manunulat ang dulog sa kanyang isusulat. Tinutukoy nito kung paano hahawakan ng manunulat ang paksa batay sa anggulong titingnan. Maaaring obhetibo o kaya ay subhetibo ang dulog na ito. Dahil kapag ikaw ay nagsusulat, hindi mo mauubos lahat ng anggulong nakapalibot sa paksa kaya mahalaga na alam ng manunulat kung ano ang pagtutuunan. Halimbawa na lamang ang usaping may kinalaman sa COVID-19. Mga posibilidad na anggulong pagtuunan ang tungkol sa sakit, paano nata-transmit sa tao. Maaari ring pagtuunan ang kilos na ginawa ng DOH upang agarang matugunan ito, ang panawagan na manatili sa tahanan, ang hirap ng mga healthworkers at iba pang frontliners sa kumakalat na pandemic. Maaari ring bigyang-diin ang estado ng ekonomiya ng bansa dulot ng mga ipinatutupad na enhanced community quarantine. Maaari ring bigyang-hugis ang iba’t ibang danas ng mga Pinoy sa panahon ng ECQ.
Samantalang nag punto de bista ay may kinalaman sa perspektiba. Sa mga manunulat ng CNF, ginagamit ang una at ikatlong panauhano di naman kaya ay gumagamit ng unang panauhan subalit hindi nakatuon sa nagsasalaysay kaya umaakto ito bilang ikalawang panauhan.
Ang tono ayon sa pagkakaunawa ko sa paliwanag ni Hidalgo ay msy kinalaman sa salitang piniling gamit ng manunulat. Kaugnay nito, ang tono sa panitikan ay pagwawangis mula sa boses ng tao bagkus, may kinalaman ito sa ugali ng manunulat sa kanyang paksa. Ang pagpili ng dulog, perspektiba o pananaw at tono ay mahalaga upang mabatid kung ano ang isasama sa loob ng salaysay at kung paano ito ilalahad. Sa huli, ito ang tutulong upang makabuo ng kahulugan sa isinulat.
Napapaoob naman sa boses ang kaugnayan nito sa tono, na may kaugnayan din sa estilo na mahirap ipaliwanag. Ayon nga kay Hidalgo, ang personal na estilo ay marka ng personalidad sa kanyang akda; bagkus sa panitikan, ang estilo ay ang paraan ng manunulat sa paggamit ng wika. Ito ay bunga ng iba’t ibang Sali—kasarian, antas, aklat, pelikula, mtv at iba pang kasangkot sa kalikasang ginagalawan ng manunulat.
Tinutukoy ng boses ang kalidad ng teksto—ang mga salitang ginamit, haba ng pangungusap, paggamit ng imahen, pagwawangis, alusyon at iba pa—na nagbubutyag sa isang tiyak na personalidad, isang tiyak na ugali.
Binuksan ni Hidalgo ang aking pag-iisip sa iba’t ibang paraan upang mapa-unlad ang estruktura ng aking pagsusulat. Kung dati, nakakahon ako sa tatlong pinakapalasak na gamiting paraan, dito muli ipinakilala ni Jing ang iba pang paraan na maaaring gamiting epektibo sa pagsusulat.
Katulad sa isang fiksyon, mahala ang organisasyon sa CNF. Ayon nga kay Jacobi (qtd in Hidalgo 48),
The right structure will take you where you need to go. Someone likened the magazine article to a moving van, a conveyance with much room to hold things which nevertheless has to be packed just right. A conveyance with a place to go and a reason to get there. Structuring means packing properly and heading the article in the right direction.
Ang mga uri ng organisasyon na maaaring gamitin ay ang kronolohikal na estruktura, paliwanag-sa-proseso na estruktura, pagbabaliktanaw na estruktura, kaagapay na estruktura, collage o mosaic na estruktura, talaarawan o log book na estruktura, tanong-at-sagot na estruktura at frame- kuwento-sa-loob-ng-kuwento.
Nagbigay rin ng mga paalala si Jing kung paano simulan ang isusulat na salaysay o sanaysay. Sa pamagat pa lamang, kinakailangan na magkaroon ng ‘working title’ upang magkaroon ng pokus sa isinusulat. Kinakailangang nakakatawag-pansin, hindi mahaba, hindi nakalilito at nakapagbibigay agad ng ideya sa mambabasa.
Samantala, sa unang talata o simula ng isinusulat, kinakailangang ito ay nakakukuha ng atensyon, nagbibigay hint sa pag-uusapan, at inihahanda ang tono, pakiramdam at gabay ng mambabasa sa mga susunod. Lead ang tawag nito sa dyornalismo. Susi sa CNF ang dramatikong pagsulat na kung saan nangangahulugang kilos.
Maraming paraan ang maaaring gamitin sa pagsulat ng panimulang talata na may kilos: paglalarawan, paglilista, striking na statement, in media res, konteksto at panipi o quotation.
Marahil narinig niyo na rin ang paggamit ng retorikal na teknik o pamamaraan. Madalas tinutukoy ito bilang metodo ng pag-unlad o retorikal na kagamitan. Madalas na gamitin ay ang pagbibigay-definisyon, paghahambing sa pagkakatulad at pagkakaiba, sanhi at bunga, paghahalimbawa at ilustrasyon, klasifikasyon, pag-iisa-isao enumerasyon o cataloguing, at analohiya.
Sa maniwala kayo’t sa hindi, may tauhan din pa lang kasangkot sa CNF. Sapagkat ang lahat ng salaysay ay tungkol sa tao subalit ang kaibahan nga lang sa tauhan sa isang fiksyon at CNF ay invented o likha ang tauhan sa isang fiskyon samantalang sa CNF ay ito nga talaga. Gayunman, ang kagamitan ginagamit ng mga CNF writer sa ‘paglikha’ pagdebelop o kaya ay pagbunyag ng mga tauhan at katulad sa isang fiskyonista: tuwirang paglalarawan, kilos at tugon, opinyon ng ibang tauhan, diyalogo at iba pa.
Maaaring gamitin ang sumusunod sa pagbuo ng karakter o tauhan: character in action, paglalarawan batay sa pisikal na katangian, rekonstruksiyon ng paksa batay sa espesyal na tagpuan o ambiance, paglalahad mula sa mata ng ibang tao, diyalogo o monologo, at idiosyncratic behavior.
Kailangan ding magkaroon ng kongkreto at nakakapagpapukaw na detalye ang isinusulat na sanaysay o salaysay. Ibig sabihin, nararapat na maging tumpak at informatibo.
Ganoon din sa mga eksena. Napapaloob kasi sa eksposisyon ang pagpukaw sa interes ng mambabasa upang masundan ang galaw at kilos ng paksang pinagtutuunan. Efektibo ito sapagkat binibigyan niya ng panibagong mukha ang nakauumay na paraan ng paglalahad. Dito papasok ang konsepto ng makabagong dyornalismo.
Kung wakas naman ang pag-uusapan, kinakailangang maiwan sa mambabasa ang tinatawag na sense of satisfaction at sense of completion. Maaaring makikita sa wakas ang tesis ng isinulat, o magtapos sa isang sipi ng tahimik na lyrisismo, dramatic denoument, isang biro o joke, moral lesson, at puntong inilahad sa simula ng sanaysay.
Higit sa lahat, kaakibat ng pagsulat ang matapang at bukas na isipan sa pagrebisa. Ang isinulat ay hindi maituturing na pinal na sapagkat ito ay burador lamang. Mahala ang pagrerebisa kahit na sabihin nating nakababagot balikan ang sa tingin mong tapos na. Karamihan kasi sa atin naniniwala na kapag natapos na ang isang yugto, panahon na upang buksan ang pinabagong kabanata ng ating buhay. Subalit, hindi ito pwedeng mangyari sa pagsulat, kinakailangan ng rebisyon upang maisaayos ang kailangang ayusin. Kabilang sa dapat tandaan ang pag-edit sa gramatika at sintaks, pag-edit sa kalinawan, pag-edit sa kaiksian subalit malaman at pag-edit sa estilo.
Marami-rami rin akong napulot mula sa manwal ni Jing at nalalabi na lamang para sa akin ay ang ayusin ang mga naisulat ko. Muling balikan ang mga nailathala sa tumblr account upang i-edit, at sumulat ng mga artikulo na ginamit ang mga estratehiya at Teknik na binanggit sa aklat.
0 notes